<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"
crossorigin="anonymous"></script>
Hanggang napansin ng mommy nya si Peter. Peter tahimik ka?may sakit ka ba? Hinawakan pa ito sa ulo at sa leeg. Wala ka namang sakit.sabi ng mommy nya. Wala po mommy. May iniisip lang kasi yung baston ni Lolo Patricio kanina wala sa kwarto namin ni Prince.paglalahad nya sa mommy nya. Dba tinabi nyo sa medals nyo kagabi, para pagdating ng lolo nyo bibigay.sagot ng mommy nya. Opo mommy pero paggising ko po wala doon, medals lang namin ang nandoon.sagot ni Peter sa mommy nya.Sige mamaya pag uwi natin hanapin natin. Enjoy muna tayo dito. Tignan mo si Prince kanina pa takbo ng takbo. Napapagod Na daddy mo sa kanya.sabi ng mommy nya. Mommy, tignan mo yung lolo kamukha ni lolo Patricio.tinuro ang matandang nakita sa tabing dagat. Kanina pa nga nakatingin dito sa atin.pabulong na sinabi ni Peter sa mommy nya. Tinignan ito ng mommy Imelda nya at nagulat sa nakita. Binalikan si Peter.. Anak kamukha nga. Sa biglang tingin akala ko si Lolo Patricio mo.sabi ni Imelda sa anak. Na biglang natigil ang bulungan ng mag ina ng dumating sina Daddy Patrick at si Prince. Peter, kala ko ba gusto nyo pumunta dito pero naka upo ka lang dyan. Pahingi ng tubig hon..inabutan ni Imelda ang asawa ng tubig.tapos chineck ang likod ni Prince. Basang basa ka nang pawis Prince magpalit ka nga ng damit. Sabi sa anak na bunso. Parang may pinaguusapan kayo kanina Honey.tanong ni Patrick sa asawa. Itong si Peter may nakitang kamukha ni Daddy Patricio...doon oh? Sabay harap sa lugar kung saan nakita ang matanda. At laking gulat ng wala ang matanda. Samantalang, yung kasama ng matanda nanduon pa. Peter nawala Yung matandang kamukha ni lolo. Tumingin si Peter.. Mommy wala nga. Pero nandoon pa po yang kasama nya.sagot ni Peter sa mommy nya. Baka naman nag cr lang o may binili.sagot ni Patrick sa asawa. Kamukha ba talaga ni Lolo Patricio nyo? Opo daddy kamukhang kamukha ni lolo Patricio.sagot ni Peter sa ama. Ako nga nagulat kala ko si Daddy Patricio.suporta sa sagot ng anak. Sige baka masalubong natin mamaya magbless kayong dalawa ha Peter and Prince. Nag enjoy ka ba dito Prince?tanong ni Imelda sa bunso. Opo mommy kaya nagugutom na ako. Mag jojollibee ba tayo?gusto ko ng french fries at chicken joy..sagot ni Prince sa mommy nya. Ayan Patrick pinagod mo nagutom tuloy si Prince..balik ni Imelda sa asawang si Patrick. Nagtinginan sina Imelda, Patrick at Peter..lets go na sa Jollibee at pipila pa tayo.. Tuwang tuwa si Prince at pupunta sila sa jollibee.
Pagtapat nila kung saan nila nakita ang kamukha ni lolo Patricio, napatigil si Peter. Kinalabit ang mommy nya. Tinuturo ang mga kasama ng matanda na kamukha ni Lolo Patricio. Nakuha agad ni Mommy Imelda ang gustong sabihin ni Peter..nagtanong sya sa mga ito. Pwede pong magtanong? Nasaan na po si lolo...napatingin sa kanila ang pinagtanungan..nagtataka..yung matanda po kaninang nakatayo dito. Kamukha po kasi ng lolo ng mga anak ko..pagkukwento ni Imelda sa kausap.. Wala po kaming kasamang matanda, mam. Kami lang po nandito, Mr.ko at ang dalawa naming anak ..sabi ng kausap..nagulat si Imelda at si Peter sa sagot ng babaeng kausap...natahimik sya..medyo matagal..napatingin kay Peter..nagtinginan silang mag ina.. Wala po kaming kasamang matanda miss. At wala po akong napansin na matanda dito..inulit pa ng babaeng kausap.. At nang makapagsalita si Imelda medyo iba ang boses..nanginginig na...salamat po miss pasensya na sa abala. Salamat po ulit. At hinawakan si Peter at naglakad na sila ng anak,humabol sa kanilang mag ama.. Mommy dba may nakita tayo kanina...bulong ni Peter sa ina. Nang mag abot sina Imelda at Patrick...anong sabi ng babae... Anong nangyari sa yo?...Daddy wala daw po silang kasamang matanda pero nakita namin kanina yung lolo nakatingin sa amin.. Nakangiti..sabi ni Peter sa daddy nya.. Patrick, nag aalala ako kay Daddy Patricio, baka may nangyari sa kanya. Una yung baston ni lolo, nawawala sa kwarto nina Peter.. Tapos may nakita kami ni Peter na kamukha ni Daddy Patricio...maluha luha si Imelda habang nagpapaliwanag sa asawa. Wait lang Imelda, pag usapan natin ito..kumain muna tayo.. Sagot ni Patrick sa asawa.. Daddy yun ang Jollibee..Jollibee..tuwang tuwang tinuro ni Prince ang Jollibee sa magulang.
Pagkakain nila sa Jollibee. Naglakad lakad muna sila sa MOA. Hanggang mapansin nila na dumidilim na. Hon, uwi na tayo at may pasok pa mga bata bukas.sabi ni Imelda kay Patrick. Mommy yung baston ni lolo, hahanapin pa natin..paalala ni Peter sa mommy nya. Kuya nasa sala yung baston ni lolo. Doon ko nakita bago tayo umalis kanina.sagot ni Prince sa kuya nya. Dba nasa kwarto natin yun kagabi. Paano napunta doon.sagot ni Peter kay Prince. Prince pinaglaruan mo ba baston ni lolo mo?tanong ni Patrick sa bunsong anak. Hindi po daddy. Doon ko lang nakita bago tayo umalis kanina.kung saan nakaupo si Lolo Patricio doon ko nakita ang baston nya.paliwanag ni Prince sa ama. Nagkatinginan ang magasawang Patrick at Imelda. Tahimik lang sila. sige uwi na tayo. May pasok pa bukas.sabi ni Imelda. Habang nasa kotse. Peter...Prince yung mga assignment myo nagawa nyo ba.baka magnote si teacher nyo pag wala kayo assignment.pagcheck ni Imelda sa mga anak. Tapos na po mommy bago ang tournament ginawa ko na.sagot ni Peter. Mommy nung dumating sina lolo ginawa ko na kahit check nyo pa.pagyayabang ni Prince.. Ok pag uwi, ihahanda lang natin ang gamit nyo para bukas tapos matulog na tayo.sabi ni Imelda.
Kinagabihan, habang natutulog ang lahat. Nagising si Imelda sa kailaliman ng gabi para uminom ng tubig at para mag banyo. Habang pababa ng hagdan. Narinig nya ang tunog ng baston na parang tumutukod sa loob ng kwarto ng anak. Inisip nya na baka naglalaro ang dalawang bata kaya Sinilip ni Imelda ang mga bata, nanlaki ang mga mata nya dahil nakita nya ang mga bata na tulog na tulog. Ang baston nakasandal sa cabinet ng mga bata. Naramdaman nyang humangin, ang mga kurtina gumagalaw. Pumasok sya sa kwarto ng mga bata para isara ang bintana. At lalo syang nagimbal sa nakita. Isang matandang lalaki na tumalikod at lumalakad papalayo sa bahay nila. Hindi nya nakita ang mukha ng matanda pero alam nyang hindi nila ito kapitbahay. Dali dali syang bumalik sa kwarto nilang mag asawa. Pagbukas nya ng kwarto, nakatayo sa pintuan si Patrick, papalabas ng kwarto. Niyakap nya ito at umiyak sya sa dibdib nito. Pilit syang pinapakalma ng asawa hanggang magising ang panganay na anak.. Mommy, ano pong nangyayari. Bakit po kayo umiiyak?tanong ni Peter. Si Prince naman ay mahimbing ang tulog. Anak, yung matanda sa MOA.. Nakita ko sa bintana natin, naglakad papalayo...sabi ni Imelda sa anak. Yung kamukha ni Lolo Patricio po mommy?tanong ni Peter sa inang umiiyak. Hindi ko nakita ang mukha anak dahil nakatalikod. Naglakad sya papalayo ng bahay natin.sabi ng mommy sa anak. Uminom ka muna ng tubig Imelda.sabi ni Patrick sa asawa. Habang naka upo na sila sa kama. Daddy ano ibig sabihin nung nakikita namin ni mommy? May nangyayari po ba kay lolo?tanong ni Peter sa daddy nya...Hindi ko alam anak.sagot ni Patrick sa anak.
Hon, ako na maghahatid kina Peter at Prince sa school. napuyat kita kaninang umaga. Peter at Prince mag ready na kayo, hatid ko na kayo sa school. Opo mommy, ready na po ako.sagot ni Prince. Anong ready ka na Prince ito pa yung ID mo maiiwan mo na naman.sabi ni Peter sa bunsong kapatid. Bumelat lang si Prince sa kuya at kinuha ang ID. Ikaw talaga Prince. Hon, alis na kami. Yung breakfast mo nasa mesa na. Mga kids kiss na sa daddy nyo. Bye daddy.. Sa kotse nanahimik muna si Imelda bago nagdrive..... Napansin ito ng mga bata. Mommy ok ka lang po?tanong ni Peter, si Prince nakatingin lang. Pinagpray ko lang si lolo mo, kasi hindi ko rin alam nangyayari Peter. Bakit parang nakikita natin sya dba.pagpapaliwanag ni Imelda sa anak. Nakikita nyo si lolo mommy? Bakit hindi ko sya nakita?nagtatakang tanong ni Prince. Hindi Prince, kamukha lang ni lolo Patricio ang nakikita namin ni mommy.sagot ni Peter sa kapatid. Huminga ng malalim si Imelda..sige alis na tayo.hatid ko na kayo.sagot ni Imelda sa anak. Pagkahatid ni Imelda sa mga bata, may dinaanan lang sya at umuwi na agad. Pag uwi nya may bisita sila. Si kuya Nato. Kuya Nato, ano nangyari?....kinakabahan si Imelda sa isasagot ng bayaw.
Ano ang balita ni Nato? May nangyari ba kay Lolo Patricio....
Itutuloy.....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento