Si Miguel at si Bert

Linggo, Mayo 29, 2022

Paulo and Rochelle (Hamburger and Spaghetti Part 1)

 <script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Noong bata ako gustong gusto ko ang Hamburger at Spaghetti. Kaya tuwing may birthday sa bahay namin laging merong handa na spaghetti. At tuwing nagpupunta kami sa mall,  laging hamburger at spaghetti  ang order ko. Paulo, humanap ka ng upuan natin. Oorder na ako para sa yo.sabi ng nanay ko.  Alam na ni nanay ang gusto ko. Malalaki ang mga hamburger noon at maraming palaman tulad ng kamatis, sibuyas, lettuce, pickles, at kung minsan may pineapple pa. Meron ding mayonnaise, katsup at yung kulay dilaw na masarap, mustard daw ang tawag doon. Pero kahit walang gulay masaya na ako sa  hamburger ko. Ang spaghetti naman gustong gusto ko kapag maraming keso at hotdog, bonus na lang kapag may ham ang spaghetti. Simple lang kaligayahan ko noong bata ako. Hindi ko akalain na hanggang sa paglaki ko hindi magbabago ang hilig ko sa hamburger at spaghetti.

Natatandaan ko noong grade 1 ako. Nagbirthday ang classmate kong si Rochelle. Mukhang mayaman sina Rochelle lagi syang hatid sundo ng Mama nya. May kotse sila pero kung minsan naglalakad din pagpasok at pag uwi. Malapit din kasi bahay nila sa school. Nagdala ang mama nya ng cake, ice cream, spaghetti at hamburger. May kasama ring lobo na ibat ibang kulay. Nag sabi si teacher na birthday ni Rochelle. Kaya lahat kami kumanta ng happy birthday sa kanya. Buong klase ay masaya kasi may recess na masarap kaming kakainin.

Noong mag high school na ako hindi ko na naging  classmate si Rochelle. Ibang section na sya, higher section na sya,   2nd honor sya sa klase. Ganun pa man  ang hilig ko sa hamburger at spaghetti ay nanatili pa rin kahit teen-ager na ako. At yun ang nagpalapit sa akin kay Rochelle. Minsan inabutan nya ko sa canteen kumakain ng hamburger at spaghetti. Paulo,  Pwede makishare sa table? sabi nya. Hindi ko alam na si Rochelle pala ang nagsalita. Basta umusog lang ako. Nakita ko na lang na tatawa tawa sya. Ikaw pala Rochelle. Hindi kita nabosesan.sabi ko sa kanya. Okay lang alam ko naman basta kumakain ka ng burger at spag, hindi ka na namamansin.biro niya sa akin. Paborito ko kasi ito, sabay turo ng burger, lalo na pag may cheese.sabi ko sa kanya habang nagpupunas ng catsup sa bibig. Kaya ka lagi niloloko ng classmates natin..amoy burger ka na raw. Masayang palitan namin ng kwentuhan. Hayaan mo sila. Kaibigan ko yung mga yun kaya ako niloloko.sabi ko sa kanya. Ang bait mo talaga, buti hindi ka napipikon sa kanila.sabi nya. Bakit ako mapipikon, (lumunok muna ako)  eh totoo naman..hehehe..kaya hindi na kita aalukin ng burger ko ha.biro ko sa kanya. Ok lang pinaupo mo na ako.sabi ni Rochelle. Rochelle, una na ako may klase pa ako baka malate ako sa English. Kita tayo ulit..paalam ko kay Rochelle.

Ayun ang simula ng aming pagkakaibigan ni Rochelle, naging malapit kami sa isat isa. Umabot pa nga na hinahatid ko sya at sinusundo sa bahay nila. Kayat tinutukso kaming dalawa na magsyota. Kinikilig naman ako pero si Rochelle parang ayaw. Lagi nyang sinasabi na kaibigan nya lang ako. Tuwang tuwa ka naman na tinutukso tayo. Kaya sa klase namin ang alam tayo  na. Si Sir Arevalo, lagi kang hinahanap sa akin.sabi ni Rochelle. Talaga! si Sir, hinahanap nya ko sa yo?(kunwari hindi ko alam). Eh di sabihin mo nasa kabilang room.sabi ko sa kanya. Eh di lalo akong tinukso ng buong klase sabihin nila alam ko schedule mo. Sabi nya sa akin. Eh alam mo naman talaga hehehe..biro ko sa kanya. Ewan ko sayo, isa ka pa.sabi nya akin sabay bitbit ng gamit at umalis.  Nakita sya ng mga classmate nya. saan ka pupunta Roche? Paulo, anong ginawa mo doon, nag away kayo?sabi ng mga classmate nya. Wala ah.nag uusap lang kami tapos umalis na.sagot ko sa kanila. Sabagay parte ng relasyon ang tampuhan.sabi ng classmate ni rochelle sa akin. Ngumiti na lang ako. Sige pasok na ako sa Physics.

Pagpasok ko sa klase nandun na si Mr.Santos, my Physics teacher. Hinihingal ako sa pinto. Your late Mr.Paulo. sabi ni Sir sa akin. Sorry sir. sagot ko. Nag burger ka na naman siguro. Nagtawanan ang klase sa biro ni sir.  Take your seat.class prepare for a quiz.sabi ni Sir. Nagulat lahat na may quiz.  Saan ka galing, nagkita kayo ni Rochelle?bulong ni Richard sa akin. Anong bulung bulungan nyo dyan?nasa harap na pala namin si sir. Wala sir. Wala po ako paper sir.sabi ko kay sir na kumakamot pa ako ng ulo. Si Mr.Burger walang paper. Who will donate?sabi ni sir sa klase. Nagtawanan lahat dahil nagbiro si sir. Luckily may nagdonate. Doon na nag umpisa ang quiz 20items. Mahirap ang quiz,buti na lang nakapag aral ako kagabi. Swerte ako ang highest kaya.. Class,  ang highest in this quiz is Mr.Paulo a.k.a. Burger King. Pinatayo ako at Nagpalakpakan ang buong klase. Keep it up Mr.Paulo. sabi ni Sir sa akin.Kaya kayo (humarap sa klase) kumain kayo ng burger lagi para mag top kayo sa quiz.biro ni sir sa klase. Puntahan mo si Rochelle, sa kabila.sabi ni Richardsa akin.

Sabay kami umuwi ni Rochelle noong araw na yun. Hinintay ko sya ng 30mins. Binalita ko na ako highest sa quiz. Natuwa sya sa balita ko. Sige hindi na ako galit sa yo.sabi nya. Ay nagalit ka pala..ang cute mo pala magalit.nagwowalk out.biro ko sa kanya. Ayan ka na naman ha.sabi nya. Nakita kami ng mga classmate nyang babae. Bati na kayo Roche? Sabi na sayo normal ang LQ sa magboyfriend.sabi ng mga classmate nya. Uy hindi kami magboyfriend. Friend ko lang si Pau.sabi nya. Friend lang eh bakit Pau ang tawag mo sa kanya. Ikaw lang tumatawag ng Pau sa kanya. Mga friends nya burger king tawag sa kanya.sabi ng mga classmate nya.  natatawa naman ako sa usapan nila. Paulo, ano naman tawag mo sa friend namin?ako ang nabalingan nila. Magalit yan lagot kayo. Iisipin ko pa. Sagot ko sa kanila. Burger king una na kami sabi naman ng mga kaklase kong lalaki na napadaan. See sabi sa yo Roche, ang mga friends nya Burger King tawag kay Paulo.sabi ng mga classmate nya.tayo na Pau, uwi na tayo. Sabi ni Rochelle sa akin na hindi pinansin ang classmate. Binitbit ko mga books nya at ang dalang  project. Ayaw pa umamin ni Roche na boyfriend niya si Burger King eh ayan,binibitbit gamit nya. Bulong ng classmates nya. Psssst!sinenyasan ko sila na zip.  Tumawa lang sila. Ang sweet naman ng dalawang ito.sabi nila sa akin.

Lalo kaming naging close ni Rochelle. Napansin iyon ng aming pamilya. Lalo na ni nanay. Isang araw,Paulo, girlfriend mo ba si Rochelle? Tanong ni nanay sa akin. Ayain mo sya maglunch dito pag sabado. Ipagluluto ko sya. Ano ba paborito nya?tanong ulit ni nanay. Spaghetti po nay. Kung papayag po sya. Baka mahiya yun. Sagot ko kay nanay.  Ako mag aaya sa kanya para hindi mahiya.pagpipilit ni nanay. Bahala kayo pero di ko po sya girlfriend. Kaibigan ko lang po sya pero Crush ko po sya. Baka madulas kayo.paalala ko kay nanay.  Basta pag igihin mo pag aaral mo anak. Si Rochelle mabuting bata yun. Kung maging girlfriend mo matutuwa ako pero kung ang girlfriend ang makakasira sa pangarap mo. Hwag ka muna mag girlfriend. Tumutok ka sa pag aaral mo.sabi ni nanay sa akin. Opo nay,  nag aaral po ako mabuti para sa inyo para mabigyan ko kayo ng maayos na buhay. Ayoko rin masira sa magulang  nya. Alam ko pinagtitiwalaan nila ako. Ako lang nakakapunta sa kanila. sabi ko kay nanay. Tama anak, igalang mo na parang pangalawang magulang mo ang mga magulang nya at higit sa lahat si Rochelle ingatan mo sya. 

Rochelle, iniimbitahan ka ni nanay sa sabado. Ipagluluto ka raw nya ng spaghetti?sabi ko sa kanya.anong okasyon? Bakit ako ipagluluto ng nanay mo ng spaghetti?sabi nya. Kasi lagi kitang kinukwento sa kanya.  Nabanggit ko na spaghetti ang favorite mo.kaya naisipan nya na ipagluto ka. Sabi ko sa kanya. Magpapaalam ako kay Dad para makapunta ako. Gusto ko maraming keso at medyo matamis ang sauce ha.sabi nya. Ayan payag ka na.sabihan ko si nanay na darating ka sa sabado ng tanghali. Matutuwa yun.sabi ko sa kanya. Baka naman sinabi mo sa nanay mo na girlfriend mo ko ha. Lagot ka sa akin. Friends lang tayo Pau.sabi nya. Hindi namin akalain  na nasa likod namin ang mga classmates nya. Lagot ka sa akin...  Friends lang tayo Pau..inulit ulit na tila nang aasar ang mga kaklase nya. Sabay tawanan. Ayan na naman kayo pinagtripan nyo na naman ang sweet spaghetti ko.sabi ko sa kanila. kinilig mga kaklase nya ng marinig ang sweet spaghetti... Ay ang sweet nyo naman may tawagan na kayo. Namumula na si Rochelle. Alis...alis...alis..kayo..magagalit na naman sa akin yan. Dali daling umalis ang mga kaklase nya. Ikaw ang dali mo mapikon.binibiro ka lang.sabi ko sa kanya. Sa sabado ha hihintayin ka ni nanay. Sabi ko kay Rochelle. Pupunta ako doon para isumbong ka sa nanay mo na lagi mo akong inaasar. Para pagalitan ka.sabi ni Rochelle.

Sabado pumunta ako kina Rochelle para sunduin sya. Good morning po sir, sunduin ko Po si Rochelle? Daddy nya ang humarap sa akin. Sandali lang Paulo. Tuloy ka, upo ka muna. Sabi ng daddy nya. Rochelle dito na boyfriend mo.tawag kay Rochelle ng daddy nya na may pang aasar. Dad hindi ko sya boyfriend. Kaibigan ko lang si Pau.depensa ni Rochelle sa dad nya. Paulo totoo ba hindi ka nya boyfriend?baling ng Dad nya sa akin. Ayaw po nya kasi.  Sa akin po ok lang, pabiro kong sagot sa daddy nya. Tumigil ka nga dyan Pau. Sandali lang may kukunin ako para sa nanay mo.sabi ni Rochelle. Ingatan mo anak ko Paulo. Ikaw lang ang kilala naming kaibigan nya na lalaki. Sabihin mo sa akin pag kayo na ha.bilin ng dad nya sa akin. Tayo na Pau. Naghihintay nanay mo.Dad alis na kami.paalam ni Rochelle. Sir balik po kami after lunch.paalam ko sa Dad nya. Walang problema Paulo. Habang naglalakad kami papunta sa bahay. Ikaw kung anuano sinasabi mo kay Dad.sabi ni Rochelle. Sinasagot ko lang tanong ng dad mo. Alangan namang hindi ko sya sagutin. Baka kung ano isipin nun.sagot ko sa kanya. 

Nay,dito na po kami ni Rochelle. Good morning po tita. Bati ni Rochelle sa nanay ko. Upo muna kayo.malapit na maluto ang sauce. Paulo bigyan mo ng juice si Rochelle. Nagtimpla na ako kanina.utos sa akin ni nanay. Tita para sa inyo po.inabot ni Rochelle ang dala nya kay nanay. Nagabala ka pa rochelle. Sabi ni nanay. Wala po yan tita. Pinadala po ni mommy yan.sabi ni Rochelle. Noon pa kita pina paimbita kay Paulo kasi lagi ka nyang kinukwento sa akin. Parang ikaw lang ang kaklase nyang babae kung magkwento yan.salaysay ni nanay kay Rochelle. Nakangiti lang si Rochelle habang nakikinig. Tinanong ko nga sya kung girlfriend mo ba yang Rochelle na yan. Araw araw sya na lang kinukwento mo. Kaya naisip ko na imbitahan ka.dagdag ni nanay. Hindi po nya ako girlfriend tita. Magkaibigan lang po kami ni Pau.ngumiti si nanay. Nay kain na po tayo, luto na po ang sauce.putol ko sa usapan nila. Tita ang bango nyan. Favorite ko po ang spaghetti.sabi ni Rochelle. Kaya yan ang niluto ko. At dinagdagan ko ng cheese. Sabi ni Paulo gusto ko ma cheese. Sabi ni nanay. Opo macheese po ako pag spaghetti. Sige kain na tayo.  Tita, isusumbong ko nga pala sa inyo si Pau. Kasi lagi nya ko niloloko sa school.umpisang sumbong ni Rochelle kay nanay. Hindi po totoo nay, depensa ko naman. Tita lagi kasi kaming napagkakamalan na magboyfriend. Sya naman po tuwang tuwa naman. Hindi man lang i-deny. Kainis yan tita. Sumbong nya kay nanay.  Nakangiti lang si nanay. Wag ka mag alala Rochelle. Kahit crush ka ni Paulo. Uunahin daw nya ang pag aaral muna.sabi ni nanay. Nay, sabi na nga ba madudulas ka.sabi ni Paulo sa nanay. Ngumiti lang sina Rochelle at nanay ni Paulo sa reaction ni Paulo na kasalukuyang pinawisan ng butil butil. Tita ang sarap po ng spaghetti nyo. Nagustuhan ko po.sabi ni Rochelle. Dalhan mo kapatid mo mamaya. Sabi ni nanay. Paolo natahimik ka dyan. Natutuwa lang ako kay Rochelle kaya ko nasabi. Atsaka totoo naman yun dba.sabi ni nanay. 

Matapos kaming kumain, nagkwentuhan pa sina Rochelle at nanay. Tuwang tuwa si nanay kay Rochelle kasi tumulong sya magligpit ng pinagkainan namin. Si Rochelle ang nagdala ng mga plato sa lababo. Pinigilan lang sya ni nanay na maghugas ng pinggan. Nay, bakit nyo sya pinigilan? Sabi ko kay nanay. Bisita natin sya at kaibigan mo sya. Ano ka ba anak.sabi ni nanay. Tapos ako maghuhugas mamaya. Nanay talaga. Sagot ko kay nanay. Ganoon Paulo, bisita mo ako paghuhugasin mo ako.sali ni Rochelle sa usapan namin ni nanay. Training mo kaya yan sa bahay nyo hindi ka naglilinis, naghuhugas ng pinggan. Dami nyo kaya  katulong.biro ko kay Rochelle, sabay belat. Tita,next week imbitahan ko si Pau ha. Tapos paglalabahin ko, paglilinisin ko ng kotse, paglilinisin ko ng banyo. Gagantihan ko yang Pau na yan. Kayo talagang dalawa para kayong bata. Palagay kayo sa isat isa. Wala kayong itinago.sabi ni nanay sa amin. Hmp!irap sa akin ni Rochelle. Belat naman ang ganti ko sa kanya habang sumusubo ng spaghetti. Rochelle, ito nga pala pasalubong mo sa kapatid mo.inabot ni nanay ang takeout ni Rochelle. Salamat po tita.sabay irap sa akin. Paulo, kanina ka pa kain ng kain dyan. Ihatid mo na itong si Rochelle. Teka lang nay, habang ngumunguya, ubusin ko pa ito nasa plato ko.sabi ko kay nanay. Natawa si Rochelle dahil halos mabulunan ako sa pagkain. 

Habang naglalakad kami ni Rochelle pabalik sa bahay nila. Hindi kami nag uusap. Tumitingin kami sa isat isa pero pag nahuli, umiiwas ng tingin. Hanggang maihatid ko sya sa bahay nila. Sir, padala po ni nanay. Sabi ko sa dad nya. Wow spaghetti, paborito ito ni Rochelle.sabi ng dad nya. Uwi na po ako sir.paalam ko sa dad nya. Salamat pakisabi sa nanay mo. Tuluyan na ako lumabas ng bahay nila. Kinagabihan si Rochelle ang nasa isip ko. Paano na ngayong alam na nyang crush ko sya? Magpasundo pa kaya sya? Magsabay pa kaya kami umuwi? Magalit kaya sya sa akin? Iwasan kaya nya ako? Dami kong tanong. Lahat hindi ko alam ang sagot. Si nanay kasi napasarap ng kwento, nadulas tuloy.  Bahala na. 

Miyerkules, Mayo 18, 2022

Together Again (Reunion Part 2)

 <script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Kat, dito na ba bahay nyo? Nakalimutan ko na.sabi ng office mate nya. Nagdoorbell si Katrina. Mama nya ang nagbukas. Laking gulat ng mama nya ng makita ang kasama nila. Gilbert!...Gilbert!...napahagulgol ang mama nya... Nanlaki ang mata ni Gilbert. Nabosesan ang narinig na boses. Napakapit siya  kay Chris. Mama, si papa dba?sambit  ni Katrina sa ina. Sir Gilbert, asawa nyo po?tanong ni Chris kay Gilbert. Tumango lamang ito.. Rachel, asawa ko.bulong ni Gilbert sa asawa at Niyakap nya ito ng mahigpit. Salamat sa Diyos. Matagal ka naming hinanap. Sabi ng asawang si Rachel. Pasok tayo sa loob. Chris, tuloy tayo sa loob. Pag aaya ni Katrina kay Chris.

Katrina, paano mo nakita si papa mo? Saan mo sya nakita? At sino sya? Boyfriend mo? Tanong ng mama ni Katrina. Natawa ang office mate ni katrina na si Gina, pati na rin si Chris. Ma, ano ka ba? Dahan dahan sa pagtatanong. Nakakahiya kay sir Chris baka may girlfriend sya.sagot ni Katrina sa ina. Okay lang Katrina, wala pa akong girlfriend. Sagot ni Chris. Kinikilig naman si Gina, tumigil ka dyan kanina ka pa kinikilig. Papagalitan ako ni mama. Paninita ni Kat, kay Gina. Cute naman si Chris and bagay naman kayo.. Tama na ang Sir Chris..Sir Chris mo dyan.. Ka age lang natin sya. Dba Chris?panunukso ni Gina kina Chris at Kat. Namumula si Chris na pinagpapawisan dahil sa panunukso ni Gina. Gigil na gigil naman si Kat kay Gina.

Sa loob ng bahay doon nagkwento  si Katrina sa ina. Iho, uminom ka na muna. Kanina pa tayo nag uusap hindi man lang kita inalok ng meryenda. Talaga bang hindi mo girlfriend si Katrina? Kay gwapo mo tapos mabait pa. Dba tama ako Gina?palagay na nasabi  ni Rachel lay Chris. Yes tita Rachel.sagot ni Gina. Nakangiti lang si Chris. Gilbert, hinanap ka naming lahat dahil alam naming pauwi ka na. Tinanong namin ang agency mo at sinabing nakauwi ka na. Lagi kang nasa isip at dasal namin. Araw at gabi. Pati mga kaibigan natin kasama namin sa paghahanap. Pagkausap kay Gilbert ni Rachel. Hindi na tayo magkakalayo. Sagot ni Gilbert habang hawak hawak ang kamay ng asawa. Chris salamat sa tulong mo, natagpuan ako ng pamilya ko.pasasalamat ni Gilbert sa gwapong binata. Iho, welcome ka dito sa bahay namin. Anytime pwede ka pumunta. Talaga bang hindi ka boyfriend ni Katrina?paniniguro ni Rachel. Ngumiti lang si Chris. Tita Rachel, boto ba kayo kay Chris kung sakaling ligawan nya si Katrina? Tanong ni gina sa ina ng kaibigan. Ano na namang boyfriend boyfriend ang naririnig ko dyan. Chris pagpasensyahan mo na si mama at itong si Gina. Habang papalapit sa mga magulang. Papa, mama umorder na ko ng food natin, Chris, Gina dito na kayo magdinner. Pag alok ni Katrina sa mga nasa bahay. Si kuya carlo nga pala mama, pauwi na. Sinabi ko ng nakita na natin si papa. Gabi na po mam, sir Gilbert. Uuwi na ako. Sabi ni Chris. Papa Chris, dyan lang sa buendia bahay mo ako nga  QC pa.mamaya na tayo umuwi at gutom na ko. Sabi ni Gina. Hoooy Gina, kung maka papa Chris ka dyan. Ngayon lang natin sya nameet. Close na kayo?!?!pabirong sabi ni Kat sa kaibigan. sorry po. tita Rachel, nagseselos si Kat ayaw pa umamin.bulong ni Gina sa mama ng kaibigan. Tatawa tawa lang ang mga magulang ni Katrina sa kaibigan.

Masayang naghapunan ang pamilya ni Gilbert kasama sina Chris at Gina. Kinwento nina katrina habang kumakain kay Gilbert ang mga masasayang memories nila noong bata pa sila nina kuya carlo nya. Nakikinig lang si Gilbert. Nag bigay din ng suhestyon si Chris na dahan dahan ang pagkukwento para hindi mabigla si Sir Gilbert. Nabanggit din nya na sya ay graduating student ng BS Psychology. Kaya lalong humanga ang mama nya kay Chris. Papa Chris mahal na kita. Kung ayaw ni Kat akin ka na lang..pagbibiro ni Gina habang naghahapunan. Chris pag may time ka visit ka lang dito..your always welcome.pag anyaya ng mama ni Kat kay Chris.  Bisitahin mo ko lagi dito Chris.usap tayo lagi.sabi ni Gilbert kay Chris. Sige po sir Gilbert. Bibisitahin ko kayo lagi. Sagot ni Chris..kinikilig si Gina habang kumakain. Hanggang magpaalam na si Chris dahil may pasok pa sya sa bakeshop. Opening ang duty nya. 

Paglabas ni Chris ng bahay, saka pa lang dumating si Carlo. Nabangga nya ito at nagalit sa kanya. Ano ba! Angas mo ha sino ka ba?pasigaw na bigkas ni Carlo. Brod pasensya na.Hindi ko sinasadya.mahinahong sagot ni Chris. Kuya Carlo, hindi nya sinasadya. Sya si Chris.pagtatanggol ni kat kay Chris. Eh ano ngayon kung sino sya. Wala akong pakialam.galit pa ring sinagot ang kapatid. Chris pasensya na.pagkausap ni Kat. Tumango lang si Chris at umuwi na rin. Binalikan ni Kat ang kuya nya na kasalukuyang kinakausap nina Gina at mama nya. Nakatingin lang si Gilbert sa anak na lalaki. Napatingin si Carlo sa lalaki at nang makilala nya ito ay.... Papa... Papa....nawala ang pagka aburido sa pagkakabangga sa kanya ni Chris. Walang reaction si Gilbert subalit si Carlo siguradong sigurado na ama nya ang lalaki sa harap nya.

Si Chris...si Chris..kaibigan ko sya. Ang nasambit ni Gilbert habang niyayakap ng anak na lalaki.  Papa sinong Chris ang binabanggit mo? Kaibigan ko sya.sagot ni Gilbert kay Carlo. Kuya sya yung nabangga mo kanina. Sya ang dahilan kung paano ko natagpuan si papa. Kausap nya si papa sa mall tapos pinost nya sa fb.maikling kwento ni kat kay Carlo. Yes papa Carlo. Bigla na lang OMG si Kat..tapos nashock sya tapos nagmadali kami sa MoA kahit walang retouch.dagdag pa ni Gina. Tama anak mabait si Chris. Pinababalik nga namin sya dito.pahabol ng mama ni Carlo. Pa, talo na ako. Lahat kayo abogado nung Chris na yun. Anong laban ko. Sge suko na ko. Hindi na ko galit sa kolokoy na Chris na yun. Alang alang kay Papa. Dahil kay Chris nakumpleto tayo ulit. Taas kamay na ngumiti sa kanilang lahat si Carlo. Gutom na ko mama ano food natin. Umorder na raw si Kat. Habang hinihimas ang tyan. Kumain ka na muna kuya. Mamaya ko na bibigay ang  resibo sa yo. Irereimburse ko mamaya.pabirong sagot ni Kat. Busog na ako. Nagmadali ako umuwi ako pala magbabayad. Ikaw Kat. Dapat magblow out ka dahil nakita na si Papa....(lumunok muna) at magkakaPapa ka pa..hahaha..halata sa kilos mo.kuya mo ko kaya alam ko. Dba mama?bawi ni Carlo kay Kat.

Nang gabing iyon, sama sama silang natulog sa isang kwarto. Sina katrina at carlo ay parang bata na sabik na sabik sa ama. Kinaumagahan,  nag handa ng almusal si Rachel para sa kanilang lahat. Ma, ngayon na lang ulit tayo nagbreakfast ng ganito ha. Napansin ni Carlo ang effort ng mama nya. Oo nga mama at iba ang aura nyo.pahabol ni Kat. Syempre, may dahilan para magcelebrate nandito na Papa nyo. Bago ko makalimutan Kat, si Chris nga pala imbitahan mo kaya sa sabado, magdinner tayo.sama mo na rin si Gina. Ok ba sa yo Gilbert, papuntahin si Chris sa sabado? Ngumiti sge para makapagpasalamat ako sa kanya. Kuya,  baka awayin mo si Chris pag inimbitahan ko?sabi ni Kat sa kuya. Ano ka ba. Ok na sya sa akin.walang problema. Basta wag ka nya paiiyakin.biro ni Carlo kay kat. Ay mali ata nasabi ko. Baka ikaw pa magpaiyak dun sa Chris na yun.sa tapang mo.hahaha.pangangantyaw ni Carlo sa kapatid. Papa lagi ako niloloko ni kuya. Ngumiti lang ang ama. O sya mag almusal na kayo at nang magsipasok  na kayo baka malate kayo sa trabaho. 

Nang sumunod na araw nag file nang leave si Carlo para sa Papa nya. Pinamili nya ito ng mga gamit. Nagkaroon sila ng bonding mag ama. Kasama din nya ang mama sa pamimili.  Naisipan ng mama nya na bumili ng regalo para kay Chris bilang pasasalamat. Gilbert, ok ba itong polo na ito para kay Chris? Gusto ko magpasalamat sa kanya.tanong ni Rachel kay Gilbert. Maganda ang kulay, sana tama ang sukat.sagot ni Gilbert kay Rachel. Sige Ma, Pa, bilhin natin yan para kay Chris.para makabawi ako kay kolokoy.sagot ni Carlo. Masaya ang tatlo sa pamimili sa MOA. Hindi inaasahan nakita nila si Chris. Pa, si Chris yun dba? Tinuro ni Carlo si Chris.Chris!..Chris! Napalingon ito sa tumatawag sa kanya. Si Gilbert ang una nyang binati. Sir Gilbert, kumusta po kayo? Mam Rachel, magandang hapon po. Bati ni Chris sa mga magulang ni Kat. Tinignan lang nya si Carlo. Si Carlo, anak kong lalaki.pagpapakilala ni Gilbert kay Chris. Inabot ni Carlo ang kamay kay Chris. Nakipagkamay naman si Chris kay Carlo. Niyakap ni Carlo si Chris, sabay bulong na.. Salamat bro.. Doon na rin nila inimbitahan si Chris sa sabado para sa special dinner nila.  Pumayag si Chris.  Pero nagrequest sila kay Chris na wag sasabihin kay Kat na pumayag na sya. Sabihin nya kay Kat na hindi sya makakarating. Birthday kasi ni Kat sa sabado, ikaw ang surprise guest namin. Nakangiti lang sina Carlo at ama sa plano ng mama nya. Pumayag naman si Chris.

Ma, Pa, paano yan hindi makakarating si Chris? Malungkot na pahayag ni Kat sa magulang. Tamang papasok sa usapan nila si Carlo. Carlo,  hindi makakarating si Chris. Ano raw gagawin natin sabi ng kapatid mo? Sabi ng mama nila na kunwari walang alam. Eh di wala sya! Pwede naman natin ituloy yung plano with or without him..ang mahalaga nandyan si Papa.. Sya ang dahilan kaya tayo magcelebrate. Si Gina darating naman dba. Bff mo yun dba?sabay talikod kay Kat at kumindat sa mga magulang. Kakainis ang Chris na yan. Paimportante. Gusto pa ata sunduin ko sa bahay nya.yamot na umakyat ng kwarto si Kat. Kat be patient baka busy lang kaya ayaw magcommit. Graduating sya dba?sabi ng mama nya. Hindi na sumagot si Kat. Nagtatawanan naman mama nya at si Carlo. Kayo talaga lagi nyo niloloko si Kat.sabi ni Gilbert sa dalawa.

Umaga ng sabado, abalang abala ang mama nina Kat. Sina Carlo at Kat tanghali na gumising. Nagtataka bakit bising bisi ang mama nila. Ma, bakit  nagpapakapagod ka. Kaya nga tayo nag pacater.sabi ni Kat. Happy Birthday Katrina! Anak..bati ni Rachel sa anak. Katrina, happy birthday bati naman ni Gilbert sa anak na babae. Ano balita kina  Gina at Chris, darating ba sila?tanong ni Gilbert kay Katrina. Pa si Gina malelate..si Chris hindi nagpaparamdam.sagot ni Katrina sa ama. Hayaan mo na. Nandito naman kami ni kuya carlo mo.sagot ni Gilbert sa anak. 

Kinagabihan, napaagang dumating si Gina. Oh bakit ang aga mo? Kala ko ba male late ka.tanong ng mama ni Kat kay Gina. Echos lang yun tita.para hindi magexpect si Kat...sagot ni Gina sa mama ng kaibigan. Psssst! baka marinig tayo. Kinausap namin si Chris. Na kunwari hindi makakarating pag ininvite ni Kat. Sinabihan namin na magdahilan.bulong ni Rachel sa kaibigan ng anak. Tita kayo talaga.nagtatawan ang dalawa ng dumating sina Gilbert, Kat at Carlo. Hooy bruha kala ko OT ka kaya malelate ka.sabi ni kat sa kaibigan. Drama lang yun besh..birthday mo dapat nandito ako from sign on to sign off.. Idodocument ko ang ganap ngayong gabi.sagot ni Gina. Ano dodocument mo eh tayo lang ang magdinner. Ikaw lang ang guest namin. Nandito kaya si Tito Gilbert sya ang dahilan kaya tayo magcelebrate..teka si papa Chris asan? Deadma sa invitation mo? Sana ako ang pinaginvite mo para hindi maka angal!acting na acting si Gina.ang galing. Hayaan mo na baka busy. Graduating dba?malungkot na sagot ni Kat sa kaibigan.

Ilang sandali pa may nag doorbell. Kasalukuyang nasa taas si Kat nagaayos ng sarili. Si Carlo ang nagbukas ng pinto. Si Chris ang dumating.  Dahan dahan nilang dinala si chris sa cr.  Sa pagbaba ni Kat,. Gina sino yung dumating? Tanong ni Kat kay Gina. Ewan ko. Baka neighbor nyo. Hindi ko nakita. Lumabas si Carlo sa  cr  nakitang nag uusap ang dalawa. Kuya si mama? Tanong sa kuya. Ewan kausap kanina si Papa. Baka may binili sa labas. May nagdoorbell dba?sagot ni carlo sa kapatid. Kuya pa cr nga. Ayoko na umakyat papagod na ako.may amoy pa ok lang sayo?biro ni Carlo sa kapatid. Kuya kadiri ka. Sa taas na nga lang.sabi ni Kat. Joke lang hindi ka mabiro. Nilinis ko ang cr kaya ako nandun.pagdadahilan ni carlo sa kapatid. Mabuti naman.makaka cr na ako. Bubuksan na ni kat ang banyo. Humirit pa si Gina. Kat what if biglang dumating si Papa  Chris mo?.. Hindi sya darating. Inisnob nya invitation ko.. Wala kami sa prioritize nya period... Papasok na sya ng cr. Pero si Gina humirit pa ulit... Kat what if bigla nag happy birthday sya sa yo...besh hindi ko na kaya puputok na..mamaya  na ang what if mo pwede?.. Natatawa si Carlo sa usapan ng dalawa.. Pagbukas ni Kat sa cr.. Happy Birthday Kat! Natulala si Kat...si Chris ang nakita ni Kat may dalang birthday cake, lobo at flowers .... Happy birthday to you... Happy Birthday to you... Happy birthday..happy birthday... Happy birthday to you....sabay sabay na nagkantahan ang buong pamilya kasama si Gina.  

Masaya ang lahat na nagdinner. At umamin na rin kung sino ang pasimuno sa lahat ng gimmick nang gabing iyun. Its a double celebration. Birthday ni Kat at celebration sa pagkakabuo ng pamilya nina Rachel, Gilbert, Katrina at Carlo..plus Chris. Simula noon napadalas ang pagbisita ni Chris kay Gilbert. At naging malapit si Chris kay Katrina.  Naging magkasundo si Chris at Carlo. Masayang masaya sina Gilbert at Rachel dahil completo na ang pamilya nila plus Chris.   Pamilya ni Gilbert ang umattend sa graduation Chris. Isa na syang license Psychologist. 



THE  END


Sabado, Mayo 7, 2022

Happy Birthday Katrina (REUNION part 1)

 <script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Happy Birthday to you!...Happy Birthday to you!...Happy Birthday...Happy Birthdaaaaaay....Happy Birthday to you!....Happy Birthday Katrina!......blow your candle and make a wish...hinipan ni Katrina ang kandila ng birthday.. Pumikit ilang sandali. Habang nagwiwish.. Pagkatapos minulat ang mga mata. Ngumiti si Katrina. Salamat..Salamat sa inyong lahat. Anong wish mo Katrina? Ngayong 19th birthday mo. Tanong ng isa sa mga kaibigan nya na si Jane. Boyfriend siguro ang pabirong singit ni Fe. Nandito naman ako bakit magwiwish pa sya.sagot ng gwaping na si Rico. Tumigil nga kayo,  hindi tuloy  makasagot si Katrina.pananaway ni Jane. Kayo talaga lagi nyo ko pinapaiyak. Birthday ko ngayon. Secret kung ano ang wish ko. Sagot ni Katrina. Sige Kat, secret na kung secret, pero yung cake kainin na natin hehehe.sagot ni Rico. Sa akin mo na lang sabihin.bulong ni Jane kay Kat. Ngumiti lang si Katrina at hiniwa na ang cake.

Si Gilbert, ang ama ni Katrina ay isang OFW sa Italy, isang chef sa isang bakeshop. After 10years working as Chef sa Italy, makakauwi na rin sya. At Balak nyang sorpresahin ang nag-iisang anak na babae na si Katrina ngayong birthday nya. Hindi sya nagpasabi ng kanyang pag uwi sa kanyang pamilya.

Si Chris, isang binata.nasa mid 20's, part time student.working as service crew sa isang bakeshop sa Pasay City. Si Joseph manager ni Chris. May pagka masungit, mahigpit na manager. Mapanuri sa mga customer lalo na kapag  hindi maayos ang suot ng customer. May pagka high end ang bakeshop, maganda ang interior ng restaurant, ang counter kung saan nakadisplay ang ibat ibang klase ng tinapay, ang dining area ay maaliwalas, ang sofa ay mataas ang sandalan, na parang sa kaharian. Ang mga mesa ay nagkikintaban. Ang mga pumapasok na customer ay masasabi mong may kaya. 

Isang araw, bandang alas tres ng hapon pumasok si Gilbert sa bakeshop na pinagtatrabahuhan ni Chris. Umorder sya ng isang cake. Pina slice nya ito. Sumunod naman si Chris sa request nya. Pinakita ni Chris na nahiwa na ang cake. Nagrequest ulit si Gilbert na kung pwede hiwain pa ng isa. Ngumiti si Chris, no problem Sir.sagot ni Chris. Nakita ito ni Joseph. Dahil sa hindi maayos ang suot ni Gilbert, iba ang trato nya dito. Pagkabigay ni Chris ng cake. Pwedeng isa pang slice?hiling ni Gilbert kay Chris. Tinignan ni Chris ang cake. Ngumiti sya. Ayan Sir, ang ninipis na ng hiwa sa cake. Atsaka nagbayad si Gilbert. Lumapit ang  masungit na manager kay Chris. Ano ba yan Chris, kanina pa kayo. Ang haba na ng pila. Isa lang ang order kung mag request.mataas ang boses ng manager. Naririnig ng mga customer at ni Gilbert. Customer natin ang nagrequest kailangan ko pagsilbihan ng maayos. Kahit isa lang ang order.sagot ni Chris sa masungit ni manager. Ang haba ng pila sila unahin mo.utos ng manager.dahil maayos ang itsura nila, kahit nauna yung lalaki. Be fair to all.sagot ni Chris sa kanyang manager. Usap tayo mamaya sa office. Sabi ng manager sa kanya.

Hinarap ni Chris ang mga sumunod na customers ng nakangiti. May I have your order mam.nakangiting bati ni Chris sa kaharap na customer. Nagturo ng ibat ibang pastry at donuts ang customer. Anything else mam?,would you like to try this new flavor of donut?alok ni Chris sa customer. Thank you, have a nice day. At ganun din ang ginawa ni Chris sa mga sumunod na customers. Masaya nyang binabati ang bawat customer na nakakaharap nya. Bata o matanda. Babae o lalake, nakapustura o simple lang ang suot. Lahat pantay pantay. Ang ngiti nya ay para sa lahat. Walang pinipili.

 Kinausap si Chris ng kanyang manager  sa opisina. Chris, yung tungkol kanina.umpisa ni Joseph. Yes sir, sagot ni Chris.na alam nyang yun ang pag uusapan nila. Isa lang ang order nya.ang tagal mo nagserve. Humaba ang pila. Umabot sa labas ang dami ng customer.pagdetalye ng manager. Sir, may request ang customer kaya pinagbigyan ko. Isa lang ako sa counter. Simpleng request lang na hiwain ko ang cake. Pagpapaliwanag ni Chris. Simple lang pero nauubos ang oras mo sa doon sa isang customer na yun. Kulang pa ata ang binayad sa yo.sagot ng manager. Sir, kung kulang man ako ang magbabayad. Yung matandang customer, gusto nya ang cake kaya gusto ko sya bigyan ng service he deserve bukod sa cake na inorder nya. Kahit mahirap yung customer na yun. Entitled pa rin sya sa fair treatment. Depensa ni chris sa manager. Sayang oras mo sa customer na yun. Bigay mo oras mo sa customer na marami umorder. Sa mayamang customer. Sila itrato mo ng maganda.sabi ng manager. Dahil mahirap lang yung customer. Dahil gusgusin hindi ko tratuhin ng tama? Thats unfair. Hindi ko idiscriminate ang mahirap na customer.sagot ni Chris sa manager. At lumabas naito sa opisina ng manager. Nag out na rin sya sa store dahil tapos na duty nya.

Habang naglalakad pauwi. Nakita nya ang customer na bumili ng cake na nagrequest na hiwain ito ng maraming beses. Kinilala nya muna bago nya ito nilapitan. Nakita pa nya ang box ng cake na inorder sa kanya. Unti unti syang lumapit dito. Good afternoon sir. Nakangiti si Chris. Dala nyo pa po yang cake Sir. Tinitignan lang sya ni Gilbert. Kinikilala. Ako yung crew sa bakeshop sir na binilhan nyo ng cake na yan Sir.sabay turo sa box ng cake. Tinignan ni Gilbert ang box na dala. Tumingin ulit kay Chris. Saka tumango.  Nagalit ang manager mo dahil sa request ko.sabi ni Gilbert kay Chris. Wala yun sir, lagi namang ganun yun.sagot ni Chris. Napagalitan ka pa nya dahil sa akin.sabi ni Gilbert. Sanay na ako dun sir. Sir, para kanino po yung cake.tanong ni Chris sa customer. Hinawakan ni Gilbert ang box ng cake. Umiba ng tingin. Nalungkot. Nakatingin lang si Chris. Handang makinig sa kwento ng kausap.

Lagi kong napapanaginipan ang birthday celebration. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko maalala kung sino ang may birthday.pagkukwento ni Gilbert kay Chris. Ang asawa nyo Sir, birthday nya po? Tanong ni Chris. Umiling lang si Gilbert. Ang anak nyo po Sir? May anak po ba kayo?tanong ulit ni Chris. Huminga ng malalim si Gilbert.  Hindi ko maalala. Wala akong matandaan. Ang alam ko lang pauwi ako ng bahay. Gabi yun, sa iskinitang dinaanan ko may pumalo sa akin. Yun lang ang natatandaan ko lagi. Wala na akong maalala.pagkukwento ni Gilbert habang naluluha sa harap ni Chris. Sir ok lang po ba picturan ko kayo tapos ipost ko sa facebook. Baka may makakilala sa inyo? Ikaw ang bahala.sagot ni Gilbert. Kinunan sya ni Chris mga tatlong angulo at nilagyan nya ng maikling kwento base sa inilahad ni Gilbert. Atsaka ipinost ni Chris sa kanyang facebook account.

Ilang saglit lang marami ang nagcomment, naglike at nagshare ng  picture ni Gilbert at kwento na ipinost ni Chris sa kanyang fb account. Isa na dito si Katrina na kasalukuyang nag iiscroll ng kanyang fb account. Oh my God!... Oh my God!..reaction ni Katrina na ikinagulat ng kanyang office mate.  Uy Katrina! Bakit ano yang nakita mo dyan?tanong kay Katrina ng officemate. Hindi maka salita si Katrina. Kat?ano nangyari sayo?..natulala si Katrina. Hindi nya namalayan tumulo na ang luha nya. Bakit ka naiyak Kat? Tinignan ng officemate nya ang cellphone nya. Kilala  mo yung nasa fb?tanong ng officemate nya. Nagcomment si Kat sa comment section. Inalam nya ang exact location nina Chris. Dali daling nagligpit ng gamit si Katrina. Nagpasama sa kanyang officemate papunta sa location nina Chris at Gilbert. Nagtataka yung office mate nya kung bakit pero sumama din dahil  papunta sya ng MOA.

Pagdating ni Katrina sa location nina Chris at Gilbert. Nakilala nya agad ang kanyang ama. Papa?...Papa? Bigkas ni Katrina.. Napalingon sina Gilbert at Chris. Familiar ang boses ni Katrina kay Gilbert. Tinignan mabuti si Katrina. Ang kasama ni katrina ay nasa likod lang nya. Hindi alam kung ano ang nangyayari. Papa...Papa...bigla nya itong niyakap. Nakatingin lang si Chris sa mag ama. Si Gilbert kinikilala pa rin si Katrina. Bumulong ang officemate ni Katrina sa kanya..Kat sure ka Papa mo yang mama na yan?.. Ikaw si Chris? Yung nagpost sa fb?tanong ni Katrina kay Chris. Yes, mam..inabot ni Chris ang kamay kay Katrina. Papa ko sya. Matagal na namin syang hinahanap ng mga kapatid ko at ni mama. Salamat...Salamat...biglang napayakap si Katrina kay Chris. 

Chris, pwede mo ba kaming ihatid ni Papa sa bahay?request ni Katrina kay Chris. Uy Kat, nakakahiya naman kay Sir Chris.sabi ng kanyang officemate.  Sure yun lang pala. Wala naman akong lakad ngayon.sagot ni Chris. Baka kasi mabigla si Papa kung sa amin sya sasama at least ikaw nakausap ka na nya. Palagay na loob nya sa yo.dahilan ni Katrina kay Chris. Ngumiti si Chris. Saan ba kayo nakatira Ms.Katrina?tanong ni Chris. Kat na lang, dyan lang kami sa may Malugay St.Makati nakatira.turo ni Katrina. Malapit lang pala, dito lang ako sa buendia avenue malapit sa Lrt.

May nadaanan kaming maliit na kalye. Doon nagreact si Gilbert. Dito...Dito...chris may pumalo sa ulo ko.bigkas ni Gilbert kay Chris. Naaalala nyo po Sir? Nandito po kami ng anak nyong si Kat. May kasama po kayo.usal ni Chris. Parang kinakabahan na may halong takot si Gilbert. Humigpit ang kapit kay Chris.bumagal ang paglalakad. Sir, Wag po kayo mag alala. Walang gagalaw sa inyo Sir Gilbert.pinalalakas ni chris ang loob ni Gilbert. Hindi alam ni Katrina ang sinasabi ng ama. Naiiyak sya. Kat, okay ka lang?sabi ng officemate nya. Naikwento ni Sir Gilbert,na gusto nya sororesahin kayo sa pag uwi nya. Unfortunately, sa iskinitang dinaanan nya may pumalo sa ulo nya. Yun ang huling alaala nya. Meron yatang may birthday sa pamilya nyo Ms.Kat. kaya lagi syang bumilibili ng cake.kwento ni Chris kay Katrina. Sa pagkukwento ni Chris, napahagulgol si Katrina. Hinagod sya sa likod ng officemate. Hanggang marating nila ang bahay nila.

Kat, dito na ba bahay nyo?tanong ng officemate. Nagdoorbell si Katrina. Mama nya ang nagbukas ng pinto. Nagulat ito dahil.....



Itutuloy.....

Condo Sharing

 December 15, ang lipat ni John sa condo na lilipatan nya sa QC, kung saan sya na assign sa bago nyang trabaho bilang ahente ng noodles.  Co...