Si Miguel at si Bert

Lunes, Oktubre 31, 2022

Marvin Carlos Baptism (100 Days Before Christmas Part 3)


<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

 Niyakap ni Jojo ang bayaw dahil ramdam nya ang bigat na hindi masabi nito. Daddy bakit ka umiiyak.tanong ni Marian Faith sa ama. Hindi nagsasalita si Marvin. Hanggang dumating si doktora sa room. Inabutan na umiiyak si Marvin. Doktora, ano nangyari sa kapatid ko?bayaw po Ako ni Marvin, kapatid ko po si Carla. Tumingin si doktora Kay Marvin na waring nagtatanong kung sino si Jojo. Nagsalita si Marvin, doktora, bayaw ko po si Jojo, kapatid po sya ni Carla. Kayo na po magsabi sa kanya ng condition ni Carla, Hindi ko po kaya magpaliwanag. At dahil sa sinabi ni Marvin,   nagsimula nang magpaliwanag si doktora Kay Jojo nang condition ni Carla at nang Bata.

 Inumpisahan ni doktora Ang pagpapaliwanag ng Gestational Diabetes kay Jojo. Hanggang umabot na sya sa mismong complikasyon na pre-eclampsia. Kapag tumaas ang sugar ng mother ito ay tinatawag na Gestational diabetes at pre-eclampsia ang isa sa complikasyon, kung saan pwede mag spike o tumaas ang BP ng mother and iyun ang nangyari kay Carla. Kaya pwedeng maiwan si Carla dito sa ospital habang minomonitor Ang BP at sugar nya. At kapag pwede nang umuwi pauuwian na namin sya. Kaya nirefer ko sya sa cardiologist and endocrinologist para mas mamonitor ang condition nya.pagpaliwanag ni doktora Kay Jojo. Kumusta Naman si Carla doktora, kailan sya dalhin dito sa room? Nasa recovery room na sya bago ko umalis, tulog pa sya. Binabantayan sya ng mga nurse doon. Kapag nagising na sya at umutot, pwede na sya ilipat dito sa room. Si Marian Faith, kasalukuyang naglalaro ng toy na dala nya para sa kapatid. Si Marvin, tahimik lang hinahayaan ang bayaw na magtanong kay doktora. Ayun Naman Pala kuya, mamaya lang nandito na si ate. Wag ka na mag alala.pampalakas ng loob ni Marvin. Kaya ako sumunod dito, Sir Jojo dahil kanina pakiramdam ko hindi ako naiintindihan ni Mr. Marvin. Talagang uulitin ko para siguradog maintindihan ang sinabi ko. Alam ko na normal sa first time daddy ang nararamdaman nya.pagpaliwanag ni doktora. Napangiti si Marvin sa sinabi ni doktora. Ramdam nya ang concern nito hindi lang Kay Carla na pasyente nya kundi sa kanya rin. Eh doktora, Ang Bata kumusta naman po, tulog ng makita namin sa viewing.pahabol ni Jojo. Normal naman ang bata may kalakihan lang sya 9.2lbs kaya nacessarian si Carla. Nairefer ko na sa pedia, si doktora Abadilla Ang pedia ng Bata. Kinunan na sya Ng APGAR Score sabi ni doktora. May itatanong ka pa Mr.Marvin?hudyat na aalis na si doktora. Wala na doktora salamat sa paliwanag. Naistorbo ka pa sa pagbisita mo.sabi ni Marvin Kay doktora. No problem, minomonitor ko ang paghatid dito sa room ni Carla.hopefully mamaya or early morning. Papuntahin ko Ang residente para tignan sya at tom balikan ko sya. Sige mag rounds Muna ako at lumabas na si doktora sa room.

Paglabas ni doktora, dumating ang kuya ni Carla. Kuya Juancho, ate Concha, tamang Tama Ang dating nyo. Kalalabas lang ni doktora.pagbukas ni Jojo Ng pinto. Ate Marian Faith Sina Tito Juancho at Tita Concha mo.sabi ni Marvin sa anak. Tito Juancho Mano po.. Tita Concha, Mano po..paggalang ni  Marian Faith. Asan Ang baby nyo ate Marian Faith?Sabi ni Concha sa bata. Kinilig naman ang bata sa narinig na ate na sya. Ate Concha NASA nursery pa si Marvin Carlo.sabi ni Marvin sa hipag. Aba Marvin Carlo  pala pangalan ng  baby nyo.sabi ni Juancho. M ang umpisa para kapareho ni ate Marian kuya tapos Carlo kasi baby boy.paliwanag ni Marvin sa bayaw. Nakabuo din kayo. Ang tagal din, kala namin hindi na kayo makakabuo.sabi ni kuya Juancho na kinakalabit ng asawa para magdahan dahan sa pagsasalita. Pasensya ka na sa kuya mo walang preno.sabi ni Concha. Ate Concha ok lang si kuya pa alam na ni Kuya Marvin ugali nya.sagot ni Jojo sa hipag. Asan na Pala si Carla? Si  baby Marvin Carlo pwede makita?paghahanap ng mga bisita. Si Carla ate nasa recovery room pa sabi ni doktora pag ok na ihahatid na sya dito ang baby nasa nursery, halika puntahan natin. May 30mins pa Bago mag end viewing time.sabi ni Jojo sa kuya  nya. Ate Marian Faith, anak samahan mo mga  Tito at Tita mo. Turo mo sa kanila si baby  Marvin Carlo.Hintayin ko mommy mo baka dalhin na dito.utos ni Marvin sa anak.dali daling tumayo si ate Marian Faith at hinila ang mga Tito at Tita sa nursery. Masayang itinuro ni Ate Marian Faith si baby Marvin Carlo sa mga Tito at Tita.

Ilang minuto pagka alis nina Marian Faith, pumasok ang nurse aide. Sir, hahatid na po si Mam Carla Sarmiento dito sa room. abiso ng nurse aide. Sige po mam, naka ready na po.tugon ni Marvin sa  nurse aide. Pagdating ni Carla sa room groge pa sya, medyo nakadilat ang mga mata. Halatang may bisa pa ang anesthesia sa kanya. Marvin, pabulong na tawag ni Carla sa asawa. Carla, nandito ka na sa room.sagot ni  Marvin sa asawa. Ilipat ka nila sa bed. Nandito Sina kuya Juancho at ate Concha. Sinamahan Sila ni Jojo sa nursery para makita si baby Marvin Carlo. Kasama nila si Marian Faith.maikling kwento ni Marvin. Ngumiti si Carla. Bumwelo na Ang mga staff para ilipat na si Carla sa bed nya. One.. Two... Three...sabay sabay sila sa paglipat kay Carla. Salamat mga boss.sabi ni Marvin sa mga staff. Sir, alis na po kami. Endorse na po namin si Mam Carla sa staff nurse. Pupunta po ang residente ni doktora para tignan si mam po.sabi ng  delivery room staff. Binanggit nga ni doktora. Salamat ulit.pasasalamat ni Marvin sa kanila. Pag labas ng mga staff, dumating agad Ang residente ni doktora. How are you? May masakit sa yo?pangungumusta Ng residente kay Carla. Ngumiti si Carla sa kausap. Will give you pain reliever later. Dahil mawawala na ang bisa ng anesthesia kaya may pain ka na maramdaman. Will also monitor your BP and sugar. TumaaS Kasi while naglalabor ka at during delivery.pag explain Ng residente. Yes doc nabanggit ni doktora Yan. Pinuntahan pa Ako kanina para ulitin.sabi ni Marvin sa kausap. Bago umalis Ang residente nakabalik na Sina Jojo sa room. Jojo, nandito na si dok,residente ni doktora. Magandang Gabi dok. Kumusta si ate Carla?pauna ni Jojo. Bigyan Namin sya Ng pain reliever dahil pababa na ang bisa ng anesthesia kaya may pain na sya maramdaman.sabi ng residente. Dok kailan sya lalabas?tanong ni Jojo. Si doktora na po sasagot bantayan muna namin Ang BP and sugar ni mam Carla.nang marinig ni Carla, napahawak ng mahigpit kay Marvin. No worries sweetheart, pinaliwanag na ni doktora kanina.pag explain ni Marvin Kay Carla. Carla magpalakas ka. Ang cute Ng baby nyo.sabi ng ate Concha nya. Mommy aalagaan ko kayo ni baby Marvin Carlo para lumakas kayo agad.pagsingit Ng batang Marian Faith. Ate Carla, mahigpit itong nurse ni baby Marvin Carlo nyo. Dapat daw mag alcohol Muna Bago humawak Kay baby.sabi ni Jojo sa ate nya. Nagtawanan Ang lahat. Doon na nagpaalam Ang residente. Mam Carla, magpaalam na Ako. Update ko lang si doktora sa status nyo.sabi Ng residente. Salamat dok, bibigay nyo na po ang pain reliever dok?tanong ni Carla. Sige, gawan ko na ng order para ibigay na Ng nurse. Dito sa IV padadaanin yun.sabi Ng doktora.

Nanatili si Carla sa ospital ng ilang araw, para mamonitor ang BP at sugar nya. Sa mga araw na yon, nagkaroon ng pagkakataon ang  mga ka officemate niya at ni Marvin para mabisita sya. Mam Carla, ninang ako ha sa baby nyo ha? Sabi Ng teller nilang si Lorena. At ninong ang boyfriend ko.pahabol pa nito.ikaw talaga, nakakahiya kay Will.sabi ni Carla sa kaopisina. Mam Carla, doon din naman ang ending tutal magpropose na sya sa akin. Ang balita ko.sabi ni Will. Sya talaga ang magpropose Will?Sabi ni Carla. Yes mam.sabi ni Will at nagtawanan ang lahat sa room. Mam Carla, wag ka masyado tumawa.sasakit Ang tahi mo.paalala ni Lorena. Oo nga salamat lorena.sabi ni Carla. Nang sumunod na araw Naman Ang mga co-teacher Naman ni Marvin ang dumalaw. Ganun din Ang eksena, mga co-teacher nya ang nagvolunteer sa pag ninong at ninang kay baby Marvin Carlo.  Bago madischarge si Carla, binigyan sya ng mga instructions kung paano inumin ang mga gamot at kailan ang schedule for check ups. Binigyan din sya ng instructions kung paano at kailan padededehin ang anak dahil first time mommy sya. Hanggang makauwi na sila ng bahay, sabay na nadischarge si baby Marvin Carlo at Carla Ng hospital.

Sa Bahay, relax na ang pamilya ni Marvin. Inabutan nila ang mga kapatid ni Carla at a.kcng mga magulang ni Marvin. Sa kanilang pagkukwentuhan, Ate Carla, Akala ko kung ano na nangyari Sayo. Hindi Kasi maikwento ni kuya Marvin Ang sinabi ni doktora. Buti na lang bumaba si doktora sa room.pagkukwento ni Jojo sa ate nya. Mommy si daddy umiyak noong pinanganak mo si baby Marvin Carlo.sinundan pa ng anak nilang si Marian Faith. Anak nagbless ka na ba sa mga Lolo at Lola mo, pati sa mga Tito at Tita mo?pauna ni Carla sa panganay nya. Opo Mommy, may pasalubong pa nga sina Lolo at Lola sa akin. Sina Tito Juancho may gift din sa akin.pagyayabang Ng Bata sa mommy nya. Carla, para palapitin kami Kay baby Marvin Carlo, mukhang mahigpit baka Hindi kami palapitin.pabulong na biro ni Juancho. Habang papalapit na si Marvin dala Ang miryenda ng lahat. Ano na Naman Ang sinasabi ni Jojo at ni Marian Faith, may narinig ako.masayang biro ni Marvin. Wala namang bago Marvin hanggang ngayon nerbyoso ka pa rin.sabi ng Ina ni Marvin. Ma, ganun lang talaga si Marvin. Ganun nya ako kamahal. Alam ko yun.pagtatanggol ni Carla Kay Marvin habang kalong kalong Ang anak. Kailan nyo pabibinyagan Ang Bata?tanong Ng Daddy ni Marvin.nakatingin Ang lahat sa mag-asawa. Balak po namin Dad bago mag Christmas para  nakabawi na Ako ng lakas.sagot ni Carla sa byenan. Naitanong ko lang sagot ng byenan. Marami nga po nagvolunteer na ninong at ninang. Nagsabi na Sila habang nasa ospital pa si Carla. Mga kaibigan at kaopisina namin.pagkukwento ni Marvin sa mga bisita. Baka naman mawala kami sa listahan Ng ninong at ninang ni baby Marvin Carlo, magtatampo kami nyan.sabi ng hipag ni Carla. Lahat kayo kukunin naming ninong at ninang para walang magtampo sa amin.sagot ni Marvin sa kanila. Masaya ang lahat.habang nag uusap Isa Isang dumating Ang mga inorder nilang pagkain. Si Jojo na Ang nag asikaso at naghanda Ng kanilang pananghalian. At kahit kumakain na tuloy pa rin Ang kwentuhan Ng lahat. Bandang hapon na ng magpaalam ang magulang ni Marvin. Ang mga kapatid ni Carla naman ay inabot na ng gabi sa bahay nila. si Jojo lang ang natira para umalalay sa mag asawa. Salitan si Jojo at Marvin sa paghatid at sundo Kay Marian Faith sa school.

Sweetheart, ang saya saya ko ngayon.paumpisa ni Marvin. Bakit naman.sagot ni Carla habang pinapatulog ang dalawang Bata. Kasi nalampasan natin ang mga komplikasyon ng pagbubuntis mo tapos bukas bibinyagan na si baby Marvin Carlo natin.  Parang kailan lang nag aalala tayo sa sinasabi ni doktora na gestational diabetes, pre-eclampsia, at kung anu ano pa. Pag-iisa-Isa ni Marvin sa asawa. Lumabas tuloy na masyado kang nerbyoso. Pasalamat tayo sa Dyos at hindi ako na coma. Yung iba raw hindi nagising ng ilang araw, umaabot pa ng ilang buwan. Siguro kung nangyari yun lalo kang ninerbyos?...Teka ready na ba susuot mo bukas?ihahanda ko na.paalala ni Carla. Oo Naman, niready ko na pati  damit ni Marian Faith. Pinakita ko sa kanya. Ayun daw Ang isusuot nya. Ikaw ready na ba susuot mo?balik ni Marvin sa asawa.  Ready na rin, pero parang gusto ko palitan.sabi ni Carla. Kinaumagahan excited Ang batang si Marian Faith sa baptism Ng kapatid. Habang nag aalmusal Silang tatlo. Nagkwento ang bata sa mommy nya. Mommy, Nung nasa ospital ka si daddy umiyak. Tinanong ni Tito Jojo bakit sya umiyak hindi sumasagot. Kumain ka na ng breakfast mo at magshower ka na. Ang Dami Dami mong sinasabi sa mommy mo.sabi ni Marvin sa anak. Anak natutuwa ka ba may baby brother ka na?tanong ni Carla sa anak. Opo mommy, dba aalagaan ko sya tapos tuturuan ko rin sya pag nag school na rin sya.sagot ng bata sa mommy nya.  O Marian Faith,ligo na pagkain at magbihis para Hindi tayo mahuli sa simbahan. Pagkakain ng pamilya ni Marvin, sya na Ang nag asikaso Kay Marian Faith at si Carla Naman sa bunso nila. Si Jojo Ang susundo sa kanila para ihatid Sila sa simbahan para sa binyag ni baby Marvin Carlo.

Ready na Ang pamilya ni Marvin nang dumating si Jojo. Tito Jojo!... excited na bati ni Marian Faith sa kanyang Tito.  Niyakap nya ito at hinalikan. Ready na kami Tito. Punta na Tayo sa simbahan.sabi Ng Bata. Sakay na kayo.sabi ni jojo.hindi na sya bumaba Ng kotse. Carla, sa unahan na Ako sasakay, kayo na Ng mga Bata sa likod.sabi Marvin. Sa simbahan nandun na lahat Ng ninong at ninang ni baby Marvin Carlo. Mga kapatid Nina Carla at Marvin, magulang ni Marvin at mga ka officemate nila. Halos dalawang dosena Ang ninong at ninang Ng batang Sarmiento. Napangiti si Father dahil sobrang Dami Ng ninong at ninang. Hanggang natapos Ang binyagan dumiretso Sila sa restaurant na malapit sa simbahan. Nagkaroon ng kwentuhan, kumustahan at Yung iba ay Doon na rin inabot Ang mga regalo. Ang batang si Marian Faith, nagugulat dahil alam nya na si babya Marvin Carlo Ang celebrant  pero pati sya naabutan Ng gifts.  Marian Faith for you. Merry Christmas ate Marian Faith.pag abot sa Bata Ng gifts Ng ka co teacher Ng Daddy nya. Nanlaki Ang mata Ng Bata at may halong kilig pa. Nasundan pa ito Ng Isa....dalawa....tatlo...nakarami si Marian Faith Ng gifts sa mga kaopisina Ng mommy nya at co-teacher Ng Daddy nya. Noon din sinabi ni Carla sa mga ka opisina nya na babalik na sya sa banko after Ng Christmas season. Dahil malakas na sya at naiinip na sya. Hinahanap na Ng katawan nya ang pagtatrabaho. Pumayag Naman si Marvin dahil alam nyang kailangan nya ang bumalik sa dating ginagawa. Kasama Yun sa payo Ng doktora ni Carla. Masaya Ang mag asawa dahil nabinyagan na Ang anak nilang si Marvin Carlo, masaya si Marian Faith dahil may kapatid na sya at higit sa lahat nalampasan nila Ang mga komplikasyon ng pagbubuntis ni Carla at higit sa lahat Hindi umabot sa malalang komplikasyon Ang pagbubuntis at panganganak ni Carla. Sa okasyon na Yun, sinamantala nilang pasalamatan Ang lahat Ng tao na sumuporta sa kanila sa panahon na kailangan Sila. At Higit sa lahat Ang malaking pasasalamat nila sa Panginoong Hesukristo na biniyayaan Sila Ng Isang napakagandang regalo si MARVIN CARLO SARMIENTO at si Ate Marian Faith Sarmiento. At Doon nagpalakpakan Ang lahat Ng ninong at ninang at Ang lahat Ng mga bisita. Ang lahat ay masaya para sa pamilya ni Marvin at Carla.


ADVANCE MERRY CHRISTMAS and a HAPPY NEW YEAR TO ALL!


THE END....

 

Linggo, Oktubre 16, 2022

Carla's Surprise (100days Before Christmas Part 2)

 <script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Tayo na nga sa bahay at makapahinga na.pag aaya ni Carla sa mag ama nya. Anong magpahinga yung surprise mo sasabihin mo pa sa amin ng anak mo.sagot ni Marvin sa asawa. Ngumiti lang si Carla kay Marvin, at sabay hawak sa tyan. Si Marian Faith naman busy sa teddy bear na regalo ng daddy Marvin nya. Hindi alam ni Marvin nagbibigay na ng pahiwatig si Carla sa surprise nya. Habang nasa kotse, nag uusap silang tatlo. Daddy Marvin,  mommy Carla thank you po sa birthday party. Ang saya saya ko po ngayon. Nakakatuwa ang mga games yung mga classmate ko po takbuhan sa bring me ni Kuya.pagkukwento ni Marian Faith sa mga magulang. Marian Faith, kapag nagka baby ba tayo, aalagaan mo rin sya?tanong ni Carla sa anak. Opo mommy Carla. Sana po baby boy.sagot ni Marian Faith. Napatingin si Marvin kay Carla habang nagddrive. Nagtataka sa sinasabi ng asawa sa anak.  Anong sinasabi mo dyan? Tanong ni Marvin kay Carla na hindi naman narinig. Eto na tayo sa bahay, ang sagot ni Carla. Marian Faith baba muna natin mga gifts mo ha. Ilagay sa sala doon muna natin pagsama samahin. Tapos saka natin buksan isa isa.ang utos ni Carla sa anak. Opo mommy, sabay sabay natin buksan mga gifts po.masayang tugon ng anak nina Marvin. Sweetheart nagugutom ako kakain muna ako ha ikaw na bahala.sabi ni Marvin kay Carla. Paghain muna kita.sagot ni Carla kay Marvin.

Habang naghahain si Carla para sa asawang si Marvin. Inumpisahan na nyang sabihin Ang surprise nya sa asawa. Sweetheart, pwede ka ba mag absent on Tuesday?panimula ni Carla.  Bakit Anong Meron sa Tuesday?sagot Naman ni Marvin habang umiinom Ng tubig. Humarap si Carla sa asawa Ng nakapamewang na medyo nakaliyad Ang tiyan. Magpapacheck up Ako Kay doktora.nakangiting sagot ni Carla. Buntis ka na sweetheart?....ngiti lang si Carla... Yan ba Ang surprise nyo sa akin ni Marian Faith kanina pa..excited na Tanong ni Marvin sa asawa. Marian Faith...Marian Faith... magiging Ate ka na..may baby na sa tummy ni mommy..pagtawag ni Marvin sa anak.tumakbo si Marian Faith sa mga magulang... Mommy..Mommy totoo po magkakababy na Tayo? Aalagaan ko po sya..Ako po magbabantay sa kanya.sagot Ng Bata sa mommy nya. Oo, magkakaroon na Tayo Ng bagong baby. Kaya Tayo pupunta Kay doctora sa Tuesday. Nawala gutom ko sa surpresa mo sweetheart. Wag ka magpapagod. Umupo ka na Ako na maghanda Ng pagkain natin.pag aruga ni Marvin sa asawa. Marian Faith, kuha ka Ng tubig para sa mommy mo. Yung electric fan tapat mo sa kanya. Nagulat si Marian Faith sa mga sinasabi Ng daddy nya. Ano ka ba sweetheart, relax ka lang. Nagugulat Ang anak natin sa yo. Tignan mo.sagot ni Carla sa asawa. Si Marian Faith napakamot Ng ulo. Mommy, ano nangyari Kay Daddy? Bakit nag iba. pagtataka Ng anak. Kita mo na sweetheart. Hindi ka naiintindihan Ng anak natin. Uminom ka nga ng tubig at kumalma ka.sabi ni Carla sa asawa. Excited lang si daddy anak. Hahaha..kain na Tayo. Pag aaya ni Marvin sa pamilya nya.

Sweetheart, after lunch Ang check up ko Kay doctora. Pagkasundo natin Kay Marian Faith sa school kain lang Ng lunch Tayo tapos diretso na Tayo Kay doc.bilin ni Carla kay Marvin. Yung mga test mo nakaready na?para makita ni doc lahat.sagot ni Marvin sa asawa. Nakaready na lahat,papahinga lang ako parang napapagod ako.sagot ni Carla sa asawa. Nagpahinga Muna si Carla sa bahay.after two hours sinundo na nila si Marian Faith. Daddy...Daddy...si mommy?masayang salubong ni Marian Faith sa ama. NASA kotse si mommy mo.saan mo gusto Kumain?pag aaya ni Marvin sa anak. Ngiti lang ni Marian Faith alam na ni Marvin Ang sagot. Sige sa SM na tayo maglunch. Sweetheart,  Tapos diretso na Tayo sa hospital. Bago mag 2pm dumating na Sila sa clinic ni dok. Good afternoon dok, bungad nina Marvin at Carla sa doktora. Finally, kumusta Carla?Anong nararamdaman mo? nabasa ko na itong mga labtest mo, however may napansin ako medyo tumaas ang BP mo at nag gain ka Ng weight?Sabi ni dok Kay Carla. Pagod lang dok.natatawa lang si Marvin. Hindi sumasagot. Mamaya kunan kita ulit  ng BP. Pero Yung timbang mo, huminga Ng malalim si dok muna....kailangan monitor natin dahil baka magkaroon ka Ng gestational diabetes.sabi ni dok. Ano Yun dok?Wala akong diabetes Ang alam ko?pagtatanong ni Carla. Ako Ang diabetic dok.singit ni Marvin. Ang gestational diabetes lumalabas kadalasan pagtuntong ng 25 to 28weeks of pregnancy. Kaya kailangan imonitor Ang timbang Ng nanay. Monitor mo ang diet mo,more on fruits and vegetables, Kailangan mo mag exercise lakad lakad para Hindi ka mahirapan  manganak.maigsing paliwanag ni dok. Delikado ba Yun dok?Tanong ni Marvin. Kailangan bantayan Ang timbang, ingatan, para makaiwas sa complikasyon. Lumilipas Naman after manganak.paliwanag ulit ni dok. BP Muna kita Carla.inabot ni Carla Ang braso at nag BP na si doktora. Ayan ok na BP mo 130/80, baka pagod ka la lang kanina. Bigyan kita Ng mga gamot and Bago ka bumalik next month, ipagawa mo itong mga labtest na request ko.fbs, cholesterol, CBC with platelets atbp..at nagpaalam na Ang pamilya ni Marvin Kay doktora.

Pagbalik nina Marvin at Carla kay doctora, dala dala nila ang mga lab test results na nirequest ni doktora. Habang binabasa ni doktora ang resulta, tahimik lang ang mag-asawa. Pagharap ni doktora sa kanila, inumpisahan na ang pagpapaliwanag. Carla, last time your sugar was a little above normal, and itong latest hindi na sya little above normal. Mataas na sya ngayon. Ito yung iniiwasan natin ang tumaas ang sugar mo.sabi ni doktora. Dok, ito na ba ang gestational diabetes na binanggit nyo last time? Ano ang risk factor pag hindi naagapan?tanong ng mag asawa sa doktora. Maagapan naman ito, kailangan natin iwork up. Pwede kasi tumaas ang BP as well as pre-eclampsia, a serious  complication of pregnancy that causes high blood pressure. Possible for cessarian section. and future diabetes, pwede magdevelop ng type 2diabetes. Pwede maiwasan ang mga bagay na ito thru Eating healthy foods, more on fiber and low in fat and calories. Keep active. Exercising before and during pregnancy helps. At least 30mins moderate activity, like brisk walking, biking swimming.paliwanag ni doktora.

Sa baby dok, may effect din ba ang gestational diabetes?tanong nina marvin at Carla. Both of you are affected by these. Pwede magdeliver ka ng overweight na bata, kaya ka macessarian. Pwede mahirapan huminga ang bata. And pwede rin mapaaga ang delivery mo.dagdag pa ni doktora. Good thing is nagpapaprenatal check up ka. Nalalaman natin ang condition mo at ni baby. With this maiwasan natin ang complications. Nag-aalala ka ba sa blood sugar mo?tanong ni doktora kay Carla. Nagkatinginan ang mag asawa. Hindi po dok, sagot ni Carla. Si Marvin po ang nag aalala. Kaya napansin nyo dok, sya tanong ng tanong. Napangiti si doktora. It shows how much you love her Marvin. Kadalasan mga mister talaga ang nag aalala. Kaya sabayan mo sya mag exercise, monitor mo na rin food intake nyo. Sabay na kayo magbago ng lifestyle, kahit during this time lang.sabi ni doktora. May tanong pa kayo Carla?..Marvin, nag aalala ka pa? May tanong ka pa?wala na dok. Alam naman namin na iingatan nyo asawa ko. Kailan ang next check up namin dok? Good question, next month, pero bago kayo bumalik dito, magpalabtest muna kayo para dala nyo na ang result. Gagawan ko kayo ng request and mga reseta. Hopefully mapababa natin ang sugar at huwag sana tumaas..monitor your weigt, be active,  eat more fruits and vegetables.paalala ni doktora at ginawa na ang lab request at iniabot kay Carla. See you next month. See you dok, and thank you.paalam ng mag asawang Marvin at Carla kay doktora.

Sa paglipas ng mga araw at buwan. Nakaabot si Carla Ng 9months na pagbubuntis. Ang kanyang prenatal check up ay naging weekly na. At anytime pwede na syang manganak. Ready na rin si Carla sa araw na ito kaya nagleave na rin sya sa trabaho. Sa bawat araw, nagiging excited si Marian Faith sa pagdating ng bagong kapatid, si Marvin naman magkahalong excitement at nerbyos ang nararamdaman dahil alam nya ang condition ni Carla at ito ang una nilang anak. Isang Umaga, papasok na sa school si Marvin nang... Sweetheart...manganganak na ata ako.sabi ni Carla. Ha!..nagulat si Marvin. Buti na Lang nandoon Ang kapatid ni Carla na si Jojo. Kuya, dalhin na natin si ate sa hospital.sabi ng kapatid ni Carla. Saan Ang gamit nyo?Tanong Ng kapatid ni Carla. Sige ilabas mo na ang kotse. Nakahanda na naman mga gamit namin.at kinuha na ni Marvin Ang dalawang bag at dahan dahang inalalayan si Carla papunta sa kotse. Kalmado si Carla kahit may nararamdaman. Alam nya Kasi na nerbyoso si Marvin. Sweetheart, pagdating natin sa hospital si Jojo na Ang susundo Kay Marian Faith. Binilin ko na sa kanya. Samahan mo ko sa hospital.pag uusap nina Marvin at Carla. Ate Ako na bahala Kay Marian Faith, wag mo na isipin at diretso kami mamaya sa hospital.sabi ni Jojo sa mag-asawa. Hanggang marating nila Ang ospital at diretso Sila sa E.R.doon kinabitan Ng swero si Carla habang pinapage si doktora. Nang matapos sa E.R diniretso na si Carla sa delivery room. Hindi na pumasok si Marvin sa delivery room kahit pwede syang papasukin, kaya sa room na sya naghintay. 

Habang nasa room si Marvin, nagdarasal sya sa kaligtasan Ng kanyang asawa at anak. Hindi mapakali si Marvin, kahit Anong Gawin nya nag aalala sya sa kondisyon ni Carla. Hanggang dumating Ang bayaw nya na si Jojo Kasama ang anak na si Marian Faith galing eskwelahan. Kuya Marvin, kumusta na si ate?bungad ni Jojo sa bayaw. Daddy, may star ako masayang bati ni Marian Faith. Daddy si mommy at si baby natin asan Sila? excited na bati Ng anak Kay Marvin. Jojo, Hindi na ko sumama sa delivery room baka Hindi ko kayanin. Wala pang Balita SA kanila. Panay na Ang dasal ko na makaligtas sila.pagpapaliwanag ni Marvin sa asawa. Nasabi nga ni ate kaya nya ko pinapunta sa Inyo. Syanga Pala si kuya Juancho at asawa nya bisitahin ka mamaya. Tinext Ako kanina.sabi ni Jojo. Salamat Buti para maalis nerbyos ko.sabi ni Marvin sa bayaw. Daddy, pag nagpray po Tayo dapat wag na Tayo mag-alala si Papa Jesus na bahala Kay mommy at baby natin.sagot ni Marian Faith sa daddy nya. Nagngitian lang Ang magbayaw sa narinig sa Bata. Niyakap ni Marvin Ang anak at. Anak promise mo sa daddy, aalagaan mo baby natin ha?pagkausap ni Marvin sa anak. Promise daddy, aalagaan ko baby natin. Ate nya ako.walang makakalapit sa kanya.sagot ni Marian Faith sa daddy nya sa harap mismo Ng mukha nito. Naku bayaw baka pati kami Hindi makalapit kay baby boy..paano Yan. Ang higpit ng bantay. pagbibiro ni Jojo sa bayaw. Tito Jojo pwede kayo lumapit Basta dapat mag alcohol kayo atsaka...Bago matapos  ni Marian Faith sabihin ang rules ng pag-aalaga nya, dumating ang nurse at may masayang Balita.  Sir Marvin Sarmiento, tumawag na po ang delivery room. Nanganak na po si Mam Carla Sarmiento. Pinapapunta po kayo sa delivery room. Kakausapin po kayo ni doktora. 

Masaya si Marvin,sa sinabi Ng nurse na nanganak na si Carla, pero nang sinabing Kakausapin sya ni doktora bigla itong kinabahan. Nag-alala ulit ito kung ano Ang sasabihin ni doktora. Nag-isip na baka may complikasyon ang bata o si Carla. Ano raw Ang sasabihin ni doktora nurse.balik ni Marvin sa nurse. Wala pong sinabi sir Marvin, yun lang po sinabi Ng delivery nurse. Hintayin po kayo ni doktora Doon. Kuya ganun talaga, kinakausap Ng doktora Ang asawa pagkatapos manganak para i- update ang asawa. Baka magbigay Ng instructions si doktora. Ganun Ang OB ni mrs nang manganak sya.pinalakas ni Jojo ang loob ng bayaw. Sir NASA delivery room po si doktora.pagulit Ng nurse kay Marvin. Sige nurse, pupunta na Ako. Salamat.sagot ni Marvin sa nurse. Kahit kinakabahan pumunta Sina Marvin at Jojo sa delivery room Kasama si Marian Faith pero siarvin lang pinapasok. Sina Jojo at Marian Faith ay sa viewing area pinapunta para makita Ang baby nila. Tuwang tuwa Sina Jojo at Ang pamangkin nyang si Marian Faith sa bagong baby. Tito Ang cute Ng baby namin.sabi ni Marian Faith. Tulog sya Tito Jojo?Tanong Ng Bata sa Tito nya. Parang tulog sya nakapikit.sagot ni Jojo sa pamangkin. Hanggang sa inabutan Sila ni Marvin sa viewing area. Nag-alala pa rin si Marvin. Kuya, ano Sabi ni doktora,?. Hindi agad nakasagot si Marvin sa bayaw. Kuya, ayun Ang anak nyo o, tulog sya Ang puti. Sya Ang pinakamalaki sa kanilang lahat. Baka maging basketball player pag laki. Natutuwa Ang bayaw sa Bata. Sa sinabi Ng bayaw,  biglang naluha si Marvin sa tuwa nang makita ang anak. At niyakap si Marian Faith ng mahigpit. Daddy bakit ka umiiyak?Tanong ng bata sa daddy nya. Marian Faith, tears of joy Ang nararamdaman Ng daddy mo.si Jojo ang sumagot sa Bata. Kuya Marvin, Anong Sabi ni doktora? Kumusta si ate Carla? Tanong ni Jojo sa bayaw. Hindi sumagot si Marvin sa bayaw. Nakatitig lang sa anak, habang Buhat-buhat si Marian Faith. Matagal bago sumagot si Marvin. Isang buntong hininga ang sagot ni Marvin kay Jojo. Sa room na natin pag usapan jojo.ang naging sagot Marvin sa bayaw. Tahimik Ang magbayaw habang nasa corridor. Si Jojo nangangapa kung ano Ang itatanong sa bayaw. Si Jojo na ang nagbukas ng room nila. Inom ka muna ng tubig kuya.alok ni Jojo Kay Marvin.  Namumula ang mga mata ni Marvin ng harapin Ang bayaw. Niyakap ni Jojo ang bayaw dahil ramdam nya ang bigat na hindi masabi nito. Daddy bakit ka umiiyak.tanong ni Marian Faith sa ama. Hindi nagsasalita si Marvin. Hanggang dumating si doktora sa room. Inabutan na umiiyak si Marvin. Doktora, ano nangyari sa kapatid ko?bayaw po Ako ni Marvin, kapatid ko po si Carla. Tumingin si doktora Kay Marvin na waring nagtatanong kung sino si Jojo. Nagsalita si Marvin, doktora kapatid po sya ni Carla. Kayo na po magsabi sa kanya ng condition ni Carla, Hindi ko po kaya magpaliwanag. At dahil sa sinabi ni Marvin,   nagsimula nang magpaliwanag si doktora Kay Jojo nang condition ni Carla at nang Bata...


Ano Ang nangyari Kay Carla?.....Paano malalampasan ni Marvin Ang pagsubok na ito?


Itutuloy....



Condo Sharing

 December 15, ang lipat ni John sa condo na lilipatan nya sa QC, kung saan sya na assign sa bago nyang trabaho bilang ahente ng noodles.  Co...