<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"
crossorigin="anonymous"></script>
Niyakap ni Jojo ang bayaw dahil ramdam nya ang bigat na hindi masabi nito. Daddy bakit ka umiiyak.tanong ni Marian Faith sa ama. Hindi nagsasalita si Marvin. Hanggang dumating si doktora sa room. Inabutan na umiiyak si Marvin. Doktora, ano nangyari sa kapatid ko?bayaw po Ako ni Marvin, kapatid ko po si Carla. Tumingin si doktora Kay Marvin na waring nagtatanong kung sino si Jojo. Nagsalita si Marvin, doktora, bayaw ko po si Jojo, kapatid po sya ni Carla. Kayo na po magsabi sa kanya ng condition ni Carla, Hindi ko po kaya magpaliwanag. At dahil sa sinabi ni Marvin, nagsimula nang magpaliwanag si doktora Kay Jojo nang condition ni Carla at nang Bata.
Inumpisahan ni doktora Ang pagpapaliwanag ng Gestational Diabetes kay Jojo. Hanggang umabot na sya sa mismong complikasyon na pre-eclampsia. Kapag tumaas ang sugar ng mother ito ay tinatawag na Gestational diabetes at pre-eclampsia ang isa sa complikasyon, kung saan pwede mag spike o tumaas ang BP ng mother and iyun ang nangyari kay Carla. Kaya pwedeng maiwan si Carla dito sa ospital habang minomonitor Ang BP at sugar nya. At kapag pwede nang umuwi pauuwian na namin sya. Kaya nirefer ko sya sa cardiologist and endocrinologist para mas mamonitor ang condition nya.pagpaliwanag ni doktora Kay Jojo. Kumusta Naman si Carla doktora, kailan sya dalhin dito sa room? Nasa recovery room na sya bago ko umalis, tulog pa sya. Binabantayan sya ng mga nurse doon. Kapag nagising na sya at umutot, pwede na sya ilipat dito sa room. Si Marian Faith, kasalukuyang naglalaro ng toy na dala nya para sa kapatid. Si Marvin, tahimik lang hinahayaan ang bayaw na magtanong kay doktora. Ayun Naman Pala kuya, mamaya lang nandito na si ate. Wag ka na mag alala.pampalakas ng loob ni Marvin. Kaya ako sumunod dito, Sir Jojo dahil kanina pakiramdam ko hindi ako naiintindihan ni Mr. Marvin. Talagang uulitin ko para siguradog maintindihan ang sinabi ko. Alam ko na normal sa first time daddy ang nararamdaman nya.pagpaliwanag ni doktora. Napangiti si Marvin sa sinabi ni doktora. Ramdam nya ang concern nito hindi lang Kay Carla na pasyente nya kundi sa kanya rin. Eh doktora, Ang Bata kumusta naman po, tulog ng makita namin sa viewing.pahabol ni Jojo. Normal naman ang bata may kalakihan lang sya 9.2lbs kaya nacessarian si Carla. Nairefer ko na sa pedia, si doktora Abadilla Ang pedia ng Bata. Kinunan na sya Ng APGAR Score sabi ni doktora. May itatanong ka pa Mr.Marvin?hudyat na aalis na si doktora. Wala na doktora salamat sa paliwanag. Naistorbo ka pa sa pagbisita mo.sabi ni Marvin Kay doktora. No problem, minomonitor ko ang paghatid dito sa room ni Carla.hopefully mamaya or early morning. Papuntahin ko Ang residente para tignan sya at tom balikan ko sya. Sige mag rounds Muna ako at lumabas na si doktora sa room.
Paglabas ni doktora, dumating ang kuya ni Carla. Kuya Juancho, ate Concha, tamang Tama Ang dating nyo. Kalalabas lang ni doktora.pagbukas ni Jojo Ng pinto. Ate Marian Faith Sina Tito Juancho at Tita Concha mo.sabi ni Marvin sa anak. Tito Juancho Mano po.. Tita Concha, Mano po..paggalang ni Marian Faith. Asan Ang baby nyo ate Marian Faith?Sabi ni Concha sa bata. Kinilig naman ang bata sa narinig na ate na sya. Ate Concha NASA nursery pa si Marvin Carlo.sabi ni Marvin sa hipag. Aba Marvin Carlo pala pangalan ng baby nyo.sabi ni Juancho. M ang umpisa para kapareho ni ate Marian kuya tapos Carlo kasi baby boy.paliwanag ni Marvin sa bayaw. Nakabuo din kayo. Ang tagal din, kala namin hindi na kayo makakabuo.sabi ni kuya Juancho na kinakalabit ng asawa para magdahan dahan sa pagsasalita. Pasensya ka na sa kuya mo walang preno.sabi ni Concha. Ate Concha ok lang si kuya pa alam na ni Kuya Marvin ugali nya.sagot ni Jojo sa hipag. Asan na Pala si Carla? Si baby Marvin Carlo pwede makita?paghahanap ng mga bisita. Si Carla ate nasa recovery room pa sabi ni doktora pag ok na ihahatid na sya dito ang baby nasa nursery, halika puntahan natin. May 30mins pa Bago mag end viewing time.sabi ni Jojo sa kuya nya. Ate Marian Faith, anak samahan mo mga Tito at Tita mo. Turo mo sa kanila si baby Marvin Carlo.Hintayin ko mommy mo baka dalhin na dito.utos ni Marvin sa anak.dali daling tumayo si ate Marian Faith at hinila ang mga Tito at Tita sa nursery. Masayang itinuro ni Ate Marian Faith si baby Marvin Carlo sa mga Tito at Tita.
Ilang minuto pagka alis nina Marian Faith, pumasok ang nurse aide. Sir, hahatid na po si Mam Carla Sarmiento dito sa room. abiso ng nurse aide. Sige po mam, naka ready na po.tugon ni Marvin sa nurse aide. Pagdating ni Carla sa room groge pa sya, medyo nakadilat ang mga mata. Halatang may bisa pa ang anesthesia sa kanya. Marvin, pabulong na tawag ni Carla sa asawa. Carla, nandito ka na sa room.sagot ni Marvin sa asawa. Ilipat ka nila sa bed. Nandito Sina kuya Juancho at ate Concha. Sinamahan Sila ni Jojo sa nursery para makita si baby Marvin Carlo. Kasama nila si Marian Faith.maikling kwento ni Marvin. Ngumiti si Carla. Bumwelo na Ang mga staff para ilipat na si Carla sa bed nya. One.. Two... Three...sabay sabay sila sa paglipat kay Carla. Salamat mga boss.sabi ni Marvin sa mga staff. Sir, alis na po kami. Endorse na po namin si Mam Carla sa staff nurse. Pupunta po ang residente ni doktora para tignan si mam po.sabi ng delivery room staff. Binanggit nga ni doktora. Salamat ulit.pasasalamat ni Marvin sa kanila. Pag labas ng mga staff, dumating agad Ang residente ni doktora. How are you? May masakit sa yo?pangungumusta Ng residente kay Carla. Ngumiti si Carla sa kausap. Will give you pain reliever later. Dahil mawawala na ang bisa ng anesthesia kaya may pain ka na maramdaman. Will also monitor your BP and sugar. TumaaS Kasi while naglalabor ka at during delivery.pag explain Ng residente. Yes doc nabanggit ni doktora Yan. Pinuntahan pa Ako kanina para ulitin.sabi ni Marvin sa kausap. Bago umalis Ang residente nakabalik na Sina Jojo sa room. Jojo, nandito na si dok,residente ni doktora. Magandang Gabi dok. Kumusta si ate Carla?pauna ni Jojo. Bigyan Namin sya Ng pain reliever dahil pababa na ang bisa ng anesthesia kaya may pain na sya maramdaman.sabi ng residente. Dok kailan sya lalabas?tanong ni Jojo. Si doktora na po sasagot bantayan muna namin Ang BP and sugar ni mam Carla.nang marinig ni Carla, napahawak ng mahigpit kay Marvin. No worries sweetheart, pinaliwanag na ni doktora kanina.pag explain ni Marvin Kay Carla. Carla magpalakas ka. Ang cute Ng baby nyo.sabi ng ate Concha nya. Mommy aalagaan ko kayo ni baby Marvin Carlo para lumakas kayo agad.pagsingit Ng batang Marian Faith. Ate Carla, mahigpit itong nurse ni baby Marvin Carlo nyo. Dapat daw mag alcohol Muna Bago humawak Kay baby.sabi ni Jojo sa ate nya. Nagtawanan Ang lahat. Doon na nagpaalam Ang residente. Mam Carla, magpaalam na Ako. Update ko lang si doktora sa status nyo.sabi Ng residente. Salamat dok, bibigay nyo na po ang pain reliever dok?tanong ni Carla. Sige, gawan ko na ng order para ibigay na Ng nurse. Dito sa IV padadaanin yun.sabi Ng doktora.
Nanatili si Carla sa ospital ng ilang araw, para mamonitor ang BP at sugar nya. Sa mga araw na yon, nagkaroon ng pagkakataon ang mga ka officemate niya at ni Marvin para mabisita sya. Mam Carla, ninang ako ha sa baby nyo ha? Sabi Ng teller nilang si Lorena. At ninong ang boyfriend ko.pahabol pa nito.ikaw talaga, nakakahiya kay Will.sabi ni Carla sa kaopisina. Mam Carla, doon din naman ang ending tutal magpropose na sya sa akin. Ang balita ko.sabi ni Will. Sya talaga ang magpropose Will?Sabi ni Carla. Yes mam.sabi ni Will at nagtawanan ang lahat sa room. Mam Carla, wag ka masyado tumawa.sasakit Ang tahi mo.paalala ni Lorena. Oo nga salamat lorena.sabi ni Carla. Nang sumunod na araw Naman Ang mga co-teacher Naman ni Marvin ang dumalaw. Ganun din Ang eksena, mga co-teacher nya ang nagvolunteer sa pag ninong at ninang kay baby Marvin Carlo. Bago madischarge si Carla, binigyan sya ng mga instructions kung paano inumin ang mga gamot at kailan ang schedule for check ups. Binigyan din sya ng instructions kung paano at kailan padededehin ang anak dahil first time mommy sya. Hanggang makauwi na sila ng bahay, sabay na nadischarge si baby Marvin Carlo at Carla Ng hospital.
Sa Bahay, relax na ang pamilya ni Marvin. Inabutan nila ang mga kapatid ni Carla at a.kcng mga magulang ni Marvin. Sa kanilang pagkukwentuhan, Ate Carla, Akala ko kung ano na nangyari Sayo. Hindi Kasi maikwento ni kuya Marvin Ang sinabi ni doktora. Buti na lang bumaba si doktora sa room.pagkukwento ni Jojo sa ate nya. Mommy si daddy umiyak noong pinanganak mo si baby Marvin Carlo.sinundan pa ng anak nilang si Marian Faith. Anak nagbless ka na ba sa mga Lolo at Lola mo, pati sa mga Tito at Tita mo?pauna ni Carla sa panganay nya. Opo Mommy, may pasalubong pa nga sina Lolo at Lola sa akin. Sina Tito Juancho may gift din sa akin.pagyayabang Ng Bata sa mommy nya. Carla, para palapitin kami Kay baby Marvin Carlo, mukhang mahigpit baka Hindi kami palapitin.pabulong na biro ni Juancho. Habang papalapit na si Marvin dala Ang miryenda ng lahat. Ano na Naman Ang sinasabi ni Jojo at ni Marian Faith, may narinig ako.masayang biro ni Marvin. Wala namang bago Marvin hanggang ngayon nerbyoso ka pa rin.sabi ng Ina ni Marvin. Ma, ganun lang talaga si Marvin. Ganun nya ako kamahal. Alam ko yun.pagtatanggol ni Carla Kay Marvin habang kalong kalong Ang anak. Kailan nyo pabibinyagan Ang Bata?tanong Ng Daddy ni Marvin.nakatingin Ang lahat sa mag-asawa. Balak po namin Dad bago mag Christmas para nakabawi na Ako ng lakas.sagot ni Carla sa byenan. Naitanong ko lang sagot ng byenan. Marami nga po nagvolunteer na ninong at ninang. Nagsabi na Sila habang nasa ospital pa si Carla. Mga kaibigan at kaopisina namin.pagkukwento ni Marvin sa mga bisita. Baka naman mawala kami sa listahan Ng ninong at ninang ni baby Marvin Carlo, magtatampo kami nyan.sabi ng hipag ni Carla. Lahat kayo kukunin naming ninong at ninang para walang magtampo sa amin.sagot ni Marvin sa kanila. Masaya ang lahat.habang nag uusap Isa Isang dumating Ang mga inorder nilang pagkain. Si Jojo na Ang nag asikaso at naghanda Ng kanilang pananghalian. At kahit kumakain na tuloy pa rin Ang kwentuhan Ng lahat. Bandang hapon na ng magpaalam ang magulang ni Marvin. Ang mga kapatid ni Carla naman ay inabot na ng gabi sa bahay nila. si Jojo lang ang natira para umalalay sa mag asawa. Salitan si Jojo at Marvin sa paghatid at sundo Kay Marian Faith sa school.
Sweetheart, ang saya saya ko ngayon.paumpisa ni Marvin. Bakit naman.sagot ni Carla habang pinapatulog ang dalawang Bata. Kasi nalampasan natin ang mga komplikasyon ng pagbubuntis mo tapos bukas bibinyagan na si baby Marvin Carlo natin. Parang kailan lang nag aalala tayo sa sinasabi ni doktora na gestational diabetes, pre-eclampsia, at kung anu ano pa. Pag-iisa-Isa ni Marvin sa asawa. Lumabas tuloy na masyado kang nerbyoso. Pasalamat tayo sa Dyos at hindi ako na coma. Yung iba raw hindi nagising ng ilang araw, umaabot pa ng ilang buwan. Siguro kung nangyari yun lalo kang ninerbyos?...Teka ready na ba susuot mo bukas?ihahanda ko na.paalala ni Carla. Oo Naman, niready ko na pati damit ni Marian Faith. Pinakita ko sa kanya. Ayun daw Ang isusuot nya. Ikaw ready na ba susuot mo?balik ni Marvin sa asawa. Ready na rin, pero parang gusto ko palitan.sabi ni Carla. Kinaumagahan excited Ang batang si Marian Faith sa baptism Ng kapatid. Habang nag aalmusal Silang tatlo. Nagkwento ang bata sa mommy nya. Mommy, Nung nasa ospital ka si daddy umiyak. Tinanong ni Tito Jojo bakit sya umiyak hindi sumasagot. Kumain ka na ng breakfast mo at magshower ka na. Ang Dami Dami mong sinasabi sa mommy mo.sabi ni Marvin sa anak. Anak natutuwa ka ba may baby brother ka na?tanong ni Carla sa anak. Opo mommy, dba aalagaan ko sya tapos tuturuan ko rin sya pag nag school na rin sya.sagot ng bata sa mommy nya. O Marian Faith,ligo na pagkain at magbihis para Hindi tayo mahuli sa simbahan. Pagkakain ng pamilya ni Marvin, sya na Ang nag asikaso Kay Marian Faith at si Carla Naman sa bunso nila. Si Jojo Ang susundo sa kanila para ihatid Sila sa simbahan para sa binyag ni baby Marvin Carlo.
Ready na Ang pamilya ni Marvin nang dumating si Jojo. Tito Jojo!... excited na bati ni Marian Faith sa kanyang Tito. Niyakap nya ito at hinalikan. Ready na kami Tito. Punta na Tayo sa simbahan.sabi Ng Bata. Sakay na kayo.sabi ni jojo.hindi na sya bumaba Ng kotse. Carla, sa unahan na Ako sasakay, kayo na Ng mga Bata sa likod.sabi Marvin. Sa simbahan nandun na lahat Ng ninong at ninang ni baby Marvin Carlo. Mga kapatid Nina Carla at Marvin, magulang ni Marvin at mga ka officemate nila. Halos dalawang dosena Ang ninong at ninang Ng batang Sarmiento. Napangiti si Father dahil sobrang Dami Ng ninong at ninang. Hanggang natapos Ang binyagan dumiretso Sila sa restaurant na malapit sa simbahan. Nagkaroon ng kwentuhan, kumustahan at Yung iba ay Doon na rin inabot Ang mga regalo. Ang batang si Marian Faith, nagugulat dahil alam nya na si babya Marvin Carlo Ang celebrant pero pati sya naabutan Ng gifts. Marian Faith for you. Merry Christmas ate Marian Faith.pag abot sa Bata Ng gifts Ng ka co teacher Ng Daddy nya. Nanlaki Ang mata Ng Bata at may halong kilig pa. Nasundan pa ito Ng Isa....dalawa....tatlo...nakarami si Marian Faith Ng gifts sa mga kaopisina Ng mommy nya at co-teacher Ng Daddy nya. Noon din sinabi ni Carla sa mga ka opisina nya na babalik na sya sa banko after Ng Christmas season. Dahil malakas na sya at naiinip na sya. Hinahanap na Ng katawan nya ang pagtatrabaho. Pumayag Naman si Marvin dahil alam nyang kailangan nya ang bumalik sa dating ginagawa. Kasama Yun sa payo Ng doktora ni Carla. Masaya Ang mag asawa dahil nabinyagan na Ang anak nilang si Marvin Carlo, masaya si Marian Faith dahil may kapatid na sya at higit sa lahat nalampasan nila Ang mga komplikasyon ng pagbubuntis ni Carla at higit sa lahat Hindi umabot sa malalang komplikasyon Ang pagbubuntis at panganganak ni Carla. Sa okasyon na Yun, sinamantala nilang pasalamatan Ang lahat Ng tao na sumuporta sa kanila sa panahon na kailangan Sila. At Higit sa lahat Ang malaking pasasalamat nila sa Panginoong Hesukristo na biniyayaan Sila Ng Isang napakagandang regalo si MARVIN CARLO SARMIENTO at si Ate Marian Faith Sarmiento. At Doon nagpalakpakan Ang lahat Ng ninong at ninang at Ang lahat Ng mga bisita. Ang lahat ay masaya para sa pamilya ni Marvin at Carla.
ADVANCE MERRY CHRISTMAS and a HAPPY NEW YEAR TO ALL!
THE END....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento