Sa madalit sabi, bumalik si Paul sa office sinamahan si William ang boss nya. O, bakit Hindi ka pa mag lunch? Sabi ni William sa kanya. Parang may sasabihin kayo sir kaya bumalik ako.sagot ni Paul sa boss nya. Meron nga pero makakahintay naman. Mamaya na lang pagbalik mo.sabi ni William. Sige sir habulin ko na sina Joey. Salamat Sir, balik Ako agad. nagmamadaling pagpapaalam ni Paul sa boss. Habang nasa elevator si Paul tinawagan agad si Joey. Joey, saan kayo? Sabay ako sa inyo. Sa dati pa rin. Tamang tama kakakuha lang namin ng table.sabi ni Joey sa kanya. Ilang saglit lang nakarating si Paul sa kinakainan nina Joey. Hinihingal pa sya. Inom ka muna ng tubig Paul. Inorder ka na namin. Alam naman namin lagi mong order. Pero babayaran mo yun...hahaha.biro ni Joey sa kanya. Buti pinakawalan ka ni William?mukhang siryoso kanina. Tanong ng isa nilang kasamahan na manager na si Alvin. Kaya nga Ako bumalik baka may ipapagawa. Nagulat din Ako at pinagbreak muna ako.sagot ni Paul sa kasamahan. Alam mo Paul, walang tumagal dyan kay William. Ikaw lang. Banggit Ng manager sa kanya. Kaya malaki pasasalamat ko sa yo.at hindi na ako naghahanap ng kapalit mo. Ang hirap kaya mag train at mag interview. Mabait naman si Sir William, Hindi lang nakikipag biruan.sabi ni Paul sa kanila. Habang kumakain, napag usapan na rin ang nalalapit na Christmas party. Kung saan gagawin, kailan at meron na ring partial assignment ng duties and responsibilities. Sa maikling break time nila Ang daming napag usapan. Buti na lang naaalala ni Paul na balikan nya Ang boss nya. Uy mag aala una na balik na tayo sa office. Nandoon na boss ko sabi ni Paul sa kanila. Nagtinginan silang lahat at nagtawanan. O Sige kunin na natin ang bill. Paul mauna ka na. Mamaya ka na magbayad at baka masermunan ka pa ni William.sabi ni Alvin sa kanya. Joey paki abonohan muna. Mamaya ko bibigay sa yo, pag singil mo ako....hahaha... Una na Ako. Pag alis ni Paul ay nanatili pa ang mga kasamahan nya sa restaurant habang hinihintay ang bill. Inabutan ni Paul Ang boss nya sa kanyang opisina, bisi sa harap Ng computer. Nang dumating sya napatingin sa relo si william. Maaga pa Paul.bati ni William sa kanya. Naghihintay ka kasi boss kaya bumalik na ako. sagot ni Paul. Ganun ba Ako kasamang boss Paul? Kahit break time kukunin ko.nakangiting salaysay ni William. Hindi naman boss, nasanay lang ako ng disiplina.magmula ng magwork ako sa inyo.balik ni Paul kay William. Nagulat si William sa narinig kay Paul.nag make face habang may kinukuha sa drawer.Nakangiti. Binobola mo pa ako Paul. sabay hagis ng maliit na regalo. Ayan
na pamasko mo.sabi ni William ng nakangiti. Ang aga naman nito boss katapusan pa lang ng November. Hirit ni Paul sa boss. Ayaw mo? Sige akin na yan, pag yan naibigay ko sa iba sorry ka.biro ni William. Binigay mo na boss tapos babawiin . Walang bawian.....hahaha..inabutan Sina Paul at William na nagtatawanan Ng mga kasamahan nila. Gulat na gulat Sina Joey, Alvin at iba pang empleyado dahil Ngayon lang nila narinig na nakipagtawanan si William sa empleyado. Para kayong nakita Ng multo Dyan.Pare pareho kayo ng itsura. bati sa kanila ni William ng makita silang bagong dating. Si Alvin Ang sumagot. Nagulat lang kami William dahil Ngayon ka langnamin narinig na tawa ng ganyan kalakas.adalas ngiti lang. Sinundan pa ni Joey ng.... Boss may bonus na ba Tayo? sinundan ng tawa... Si Merriam tanungin mo sya ang gumagawa nun. Over break kayo..sabay sabay na tumalikod Ang Sina Alvin at nagpwestuhan sa kanya kanyang computer at lihim na napangiti.
Pag uwi ni Paul, sinalubong sya Ng anak na si Archie, Dad si malate si Tere may gagawin daw sa school. Ang bungad ni Archie. Sige maghain ka na at may dala na akong hapunan natin. Magbihis lang ako.sabi nya sa anak. Naghain si Archie Ng hapunan. Sakto dumating si Tere. Nandyan na si Dad, nagbibihis.sabi ni Archie sa kapatid. Mainit ulo? Galit ba lagot Ako ginabi Ako.tanong ni Tere. Ewan parang Hindi naman.basta pinaghain Ako at kainin na raw tayo.sagot ni Archie sa kapatid. Habang nag uusap Ang magkapatid bumaba si Paul at inunahan sya ni Tere Ng Hi Daddy Paul. Ang pogi Ng daddy ko Hindi halatang stress sa work.pauna ni Tere. Anong kailangan mo at bakit Ngayon ka lang? .....Hindi pa nakasagot Ang anak nagsalita ulit si Paul. Alam ko na. May hihilingin ka. Tama Ako dba.pambabara na may lambing ni Paul sa anak. Si Dad talaga. Magpapasko na Kasi. Alam mo na?maganda naman grades ko.paglalambing ng anak na babae. Ako rin Dad, maganda rin grades ko baka may honor pa Ako. At Dad Hindi Ako nagpapagabi. Maaga akong umuuwi.hugot ni Archie. Akala ko ba magkakampi tayo Archie bakit Ngayon nilalaglag mo Ako?bulong ni Tere sa kapatid. Tama na yan, kain na tayo baka magkapikunan pa kayo.pag awat ni Paul sa mga anak. Dad may bonus ka na?paglalambing ni Tere. Sabi na nga ba may hihingin itong kapatid mo Archie . Tignan mo yung boses parang kay bait bait.bulong ni Paul sa anak na si Archie.Dad Naman malapit na Pasko.lambing ng anak. Oo nga Dad Ako cash na lang. Para mabilis ko gusto ko.sagot ni Archie. Sa ganyang bagay magkasundo kayong dalawa. Kumain na tayo at mamaya natin pag usapan yan. Pagkatapos Kumain, si Archie na Ang nagligpit Ng lamesa dahil doon sya mag aaral. Si Tere ay magbihis Muna. Si Paul sa sala pumwesto para manood Ng TV. Pagkabihis ni Tere Tinabihan Ang ama at binulong Ang mga gusto nyang ipabili sa ama. Ako rin Dad kailangan ko sa school. Kaya cash na lang sa akin. Ikaw talaga ayaw mo patalo. Binulong ko na nga narinig mo pa rin.sagot ni Tere Kay Archie. Ngumidi Ang kapatid syempre malakas radar ko.sagot ni Archie Kay Tere. Haaay naku Ang gulo nyo nanonood Ako Ng Korean novela Hindi ko maintindihan sa ingay nyo. Matulog na Ako at may pasok pa ko bukas. Kayo na mag off Ng tv at internet. Yung request nyo gagawan natin ng paraan Yan. Basta mag aral kayo mabuti. At walang boyfriend at girlfriend muna.ok? Goodnight.paalam ni Paul sa dalawang anak. Goodnight Dad!sagot nina Archie at Tere.
Ano Ang hiling ng dalawang anak ni Paul? Paano nya ito maibigay sa mga anak?...
Itutuloy...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento