Si Miguel at si Bert

Linggo, Disyembre 25, 2022

Merry Christmas ( Christmas Party Part 2)

 Binulong ko na nga narinig mo pa rin.sagot ni Tere Kay Archie. Ngumiti Ang kapatid syempre malakas radar ko.sagot ni Archie Kay Tere. Haaay naku Ang gulo nyo nanonood Ako Ng Korean novela Hindi ko maintindihan sa ingay nyo. Matulog na nga ako at may pasok pa ko bukas. Kayo na mag off Ng tv at internet. Yung request nyo gagawan natin ng paraan Yan. Basta mag aral kayo mabuti. At walang boyfriend at girlfriend muna.ok? Goodnight.paalam ni Paul sa dalawang anak. Goodnight Dad!sagot nina Archie at Tere. Tinignan Muna ni Archie kung nasa room na ang Dad nya. At nang masiguro..Ate Tere, kung Anu ano hinihingi mo kay Dad. Baka mapressure si Daddy sa Dami ng gusto mo. Alam mo naman si Dad ibibigay pilit lahat ng gusto natin.paninita ni Archie sa kapatid. Psssst!....sumilip din si Tere para siguradong hindi marinig ng daddy Paul nila ang plano nya. Prank lang yun.may plano ako ngayong pasko kay Dad.pabulong na Sabi ni Tere Kay Archie.  Prank..prank ka dyan..Anu yun?tanong ni Archie. Surprise natin si daddy sa Pasko. Alamin mo ang gusto nya ng hindi nya nalalaman. Tayo ang magbibigay sa kanya.bulong ni Tere. Wala Ako pera.sagot ni Archie. Binatukan sya ni Tere. Anong walang pera. Napaka kuripot mo  talaga l, alam ko may ipon ka. Kaya ka nga naglalakad pauwi.sabi ni tere.ang sakit ng batok mo ate. Sige na nga magkano ilalabas ko.dapat pareho sa yo ha.paniniguro ni Archie. Ganito ang gagawin mo Archie. Tumawag ka sa office ni daddy pero hanapin mo ang kaibigan nya doon. Joey ata ang pangalan nun.  Kausapin mo at sabihin mo ang plano natin pero sabihan mo na wag sasabihin kay daddy dahil surprise natin yun. Kinaumagahan, naunang nagising si Paul sa dalawang anak. Nakita nya ang gamit ni Archie sa mesa. Hindi nya ito ginalaw, inusog na lang nya at naghain ng almusal. Naunang nagising si Tere kay Archie kaya ginising nya ito para iligpit ang gamit nya at nang makakain sila ng maayos. Papasok ka na Dad, aga naman?bati ni Tere sa ama. Gusto ko laging una sa boss ko para pagdating nya ready na lahat.sagot ni Paul sa anak. Dad may  maliit na regalo akong nakita kagabi sa sala. Sa iyo ata yun.sabi ni Tere. Buksan natin Dad?paningit ni Archie habang nagliligpit. Bigay ng boss ko yun.christmas gift nya.ang aga nga eh. Sa 24na natin buksan para surprise.sagot ni Paul sa anak. Baka food yun Dad masira sayang naman.palusot ni Archie. Hindi  yun food, ano ka ba Archie. Inamoy amoy ko kagabi yun.sabi ni Tere sa kapatid. Kayo talagang dalawa walang nakakalusot sa inyo. Kumain na tayo at nang makapasok na. Baka matraffic pa tayo.sagot ni Paul sa mga anak. 

Gaya ng dati si Paul nga ang nauunang dumating sa office nila. Kanina ka pa Paul? Bati ni Joey sa kanya. Ikaw talaga hindi kita maunahan pumasok. Kaya malamang may award ka sa Christmas party natin...hahaha biro ni Joey.  Nandyan na sina Alvin at Merriam. Tamang tama dating mo may meeting mamaya tungkol sa Christmas party. Si boss may pinapakuha sa akin sa LBC sa tapat ng bldg kaya bababa muna ako, Iwan muna kita. Dumiretso muna sa pantry  si Joey at nagkape muna. Pag upo nya sa table, eksakto ang tawag ni Archie. Archie, nasa baba daddy Paul mo may ibibilin ka? Sagot ni Joey. Sir Joey kayo po talaga tinawagan ko.sagot ni Archie Kay Joey. At sinabi nga ni Archie ang plano. Nangako naman si Joey na hindi ipapaalam kay Paul ang napag usapan. Kaya pag baba ng telephone dumiskarte na si Joey para alamin ang wishlist ni Paul. Joey, parang ang lalim ng iniisip mo ah? Napansin ni Paul pagbalik nya. Matagal bago nakasagot si Joey. Nandyan ka na pala Paul. Anu yang pinick up mo?si boss talaga may inorder na naman.sabi ni Joey. Bubuksan ko pa lang, mamaya sabihin ko sa yo. Umpisa na ba meeting natin? Ayusin ko lang ito punta na ako.sabi ni Paul kay Joey. Isa sa agenda ng meeting nila ay ang kanya kanyang wishlist. Doon nalaman ni Joey ang ilan sa mga gusto ni Paul. Pero nag usisa pa rin si Joey kunwari inisa isa ang mga kasamahan pero si Paul talaga target nyang pigain. Pagkatapos ng meeting balik agad si Paul sa pwesto nya at work agad. Sinundan sya ni Joey ng tingin at pag nahuhuli sya ay bigla ngumingiti lang ito. Ok ka lang Joey? Tanong ni Paul. Ngiti lang ulit si Joey Hanggang sa nilapitan nya si Paul. Wow Paul, ang linis ng table mo lahat nasa pwesto. Pati family picture nyo. Mahihiya ang lamesa ko sa yo.papuri ni Joey kay Paul. Yan ang natutunan ko kay boss William. Almost 3years na ako sa company and masaya ako dahil hanggang bahay dala ko ang itinuro  ni boss sa akin at ipinapasa ko sa mga anak ko.kwento ni Paul kay Joey. Kaya pala magalang at mabait si Archie.sabi ni Joey. Naikwento ko na ba sila sa yo? Kilala mo anak ko?nagulat si Paul. Napalunok si Joey Buti na lang nalusutan. Base dyan sa family picture nyo. Sama mo kaya sila sa Christmas party natin.pwede naman magsama ng anak.bawi ni Joey. Napangiti si Paul. Oo nga ano. Sana wala silang schedule that day alam mo mga bata ngayon may sarili ng schedule.sabi ni Paul. Sa paglipas ng araw may mga information na nakuha si Joey tungkol lay Paul. Tuwing hapon katext ni Joey si Archie para balitaan ito.

Sa di inaasahang pagkakataon, habang nagmimiting  sina Paul tungkol sa Christmas party ay nakaramdam Ng hilo  at natumba sya. Dali Dali itong itinakbo sa st.lukes BgC Ng mga kasamahan nya. si Joey na Ang tumawag Kay Archie para ibalita ito. Sir Joey, napatawag po kayo? walang kaalam alam si Archie sa ibabalita ni Joey. nandito kami sa st.lukes emergency room, nahilo dad mo. Ang balita ni Joey kay Archie. natulala ito at nakaramdam Ng takot. Napansin Ng classmate ni Archie at sya na Ang kumausap Kay Joey. Sir, classmate po  Ako ni Archie, ano po Ang nangyari? Nang malaman ng classmate ni Archie ang detalye ay pinuntahan nila agad ang ospital na pinadalhan sa ama ni Archie. Sir Joey, Ako po si Archie. Saan po si Dad?pagpapakilala agad ni Archie kay Joey. Ayun daddy mo Archie, ok na sya. Ilipat sya sa room para maobserbahan Sabi Ng mga doctor. Lapitan mo para makausap mo.sabi ni Joey. Lumakad papalapit sa daddy nya si Archie. Dad, ano nangyari sa yo? Tumawag si Sir Joey kanina kaya napa punta kami dito.sabi Archie sa ama. Asan Ang ate mo? Ok na Ako. Nahilo lang ako.sabi ni Paul sa anak. Under observation daw kayo Sabi ni sir Joey kaya mag stay pa tayo dito. Pero no worries dad covered ng healthcard nyo. Wala tayo babayaran.sabi ni Archie sa ama. Habang nag uusap ang mag ama, dumating ang mga nurse aide. Sir lipat na po kayo sa kwarto tayo na po. Habang papunta ng room nag uusap Sina Joey at Archie. Lubos ang pasasalamat ni Archie sa mga ka officemate ng daddy nya. Nang makarating sa room si Paul at maayos na ang lahat doon na nagpaalam si Joey, sya namang dating ni Tere. Ate si sir Joey, kaibigan ni dad.pagpapakilala ni Archie Kay Joey. Salamat po sa pag assist nyo kay daddy. Sabi ni Tere kay Joey. At umalis na si Joey, naiwan na lang ang mag ama sa kwarto.  Dad, kumusta ka na?pagkausap ni Tere sa ama. Mag stay daw ako dito sabi ni Archie, dami pa manding trabaho.sagot ni Paul sa anak. Mabuti na yun dad para macheck up ka na rin at makapag pahinga ka naman.sabi ni Archie sa ama. Buntong hininga lang sagot ni Paul sa anak. Alam nya Wala na sya magagawa nagkaisa na Ang dalawa nyang anak. Dad bukas  daw dadalawin ka ng mga office mate mo. Sila ang nagdala sa yo dito.kwento ni Archie. Archie, dinalhan kita Ng damit para makapagpalit ka.sabi ni Tere sa kapatid. Ate may toothbrush lang dinala?.tanong ni Archie sa kapatid. Tumingin si Tere na parang nagulat, tapos sa daddy nya na parang nang aasar. Naiintindihan Naman ni Paul ang ibig sabihin ni Tere. Ngumiti ito at....Ayan na Naman kayo mag aasaran na Naman kayo. Ikaw Tere alam mo kung paano asarin si archie.sabi ni Paul sa panganay nya. Bawi bawi lang Dad kagabi naisahan nya ako.sabi ni Tere sa ama. Archie alam mo naman ate mo Sige magpahinga na Tayo. Yung valuables nyo ingatan nyo baka may pumasok habang tulog Tayo.

Paggising nila may nurse sa tabi Ng Daddy nila. Kinukunan ng BP at nagbilin na may darating na medtech para kunan sya Ng dugo. Pagkatapos kunan Ng dugo si Paul dinala Naman sya sa CT scan halos buong Umaga maraming procedures ginawa sa kanya. Tamang tama lunchtime nakabalik sya sa room. Habang kumakain Sila may kumatok. Dad Ako na magbukas. Sabi ni Tere. Sir Joey, tuloy kayo. Kasama ni Joey ang mga ka officemate ng daddy Paul niya. Paul kumusta ka na?tanong Nina Merriam at Alvin. Katatapos ko lang ng CT scan. Kababalik ko lang. Si boss kumusta? Sino nag aassist sa kanya? Balik ni Paul sa kanila. Ano ka ba Paul. Hayaan mo nga si boss William, kaya nya Yun. Mamaya sya dadalaw sa yo. Ayaw na magpakuha Ng assistant baka daw Hindi kasing galing mo at mahigh blood lang sya.sabi ni Joey. Mga anak ko nga Pala, panganay ko, Tere at si Archie bunso ko. Dalawa lang yan. Sila dahilan Ng pagsisikap ko.sabi ni Paul sa mga kasamahan. Dad Ang drama mo Naman, magpapasko na.sabi ni Archie na sinundan ni pa ni Tere. Oo nga dad kakapanood mo Ng Kdrama. Nagtawanan tuloy mga kasamahan nya. Parang magbabarkada lang kayo Ng mga anak mo Paul, By the way next na Christmas party natin, we hope to see you there.sabi ni Alvin. Isama mo mga anak mo Paul.sabi Naman ni Merriam. Si Joey napa thumbs up sa mga anak ni Paul. Sige Paul balik na kami sa office at nag iisa si William don.

Nakauwi agad si Paul nang lumabas Ang mga test nya. Binigyan sya Ng mga gamot at instructions and date Ng check up. Ilang araw nagpahinga si Paul sa Bahay. Nagulat sya ng binisita sa bahay ng kasamahan nya. Boss William, paano mo nalaman Bahay ko?gulat na pagtatanong ni Paul sa boss. Tinanong ko kina Alvin. O ito dinalhan kita ng prutas. Marami daw bawal sa yo kaya ito na lang dinala ko.sabi ni William sa kanya. Salamat boss, nag abala ka pa. Baka next week papasok na Ako. Naiinip na ako dito sa bahay Boss. Mga anak ko nag asikaso sa akin, pauwi na nga yung anak kong lalaki.pagkukwento nya. Attend ka ng Christmas party natin ha, sama mo mga anak mo. Kahit sa January ka na pumasok Basta attend ka ng Christmas party.pagpipilit ng boss nya. Nagtataka tuloy si Paul bakit sya pinapaattend ng party ng  mga managers at ngayon pati boss nya. Hindi gaano nagtagal si William sa bahay nina Paul pero naabutan sya ni Archie. Boss William ito na pala anak ko si Archie.maikling pagpapakilala ni Paul kay Archie. Archie punta kayo sa Christmas party ng office ha sa Friday na. Pag imbita ni William kay Archie. Ngumiti lang si Archie na parang nahiya sa boss Ng Daddy nya. Pagkasara ng pinto, binalikan ni Archie Ang ama. Dad, bakit ba pilit ka nilang Pina papattend Ng Christmas party nyo? Ganun din Yung mga kasamahan mo. Ngayon Naman Yung mismong boss mo pa.tanong ni Archie sa ama. Ewan ko, sabagay naiinip na nga Ako Dito. Pero sa January na raw Ako papasok. Sige attend Tayo. Maghanda kayo ng ate mo.sagot ni Paul kay Archie. Yung pinabili ko sa yo nga Pala nabili mo ba lahat? Kinuha ni Paul ang iniutos sa anak. Kumpleto po dad. Yung sukli, sa akin na ha. Sabi ni Archie. Napakamot na lang sa ulo si Paul sa anak. Bukas samahan mo ako.mag mall Tayo. Bibili ako ng pangregalo sa office. Dalhin natin sa Christmas party. Doon na natin distribute.sabi ni Paul sa anak. Sa hapon na dad, pag uwi ko.sagot ni Archie.

Masayang dumalo si Paul sa Christmas party kung saan kasama ang dalawang anak. Sa hotel sa BGC ginawa ito. Nakita agad ni Paul Si Joey sa lobby Ng hotel. Joey, saan Tayo, Kasama ko mga anak ko.bati ni Paul. Good afternoon po,bati Naman nina Archie at Tere. Sa penthouse Tayo, Kasama ko rin mga anak ko pero susunod sila. Tayo na.looking good ka na.masayang bati ni Joey kay Paul. Sina Paul at Joey ang magkasana sa table. Si Alvin naman at Merriam ay paikot ikot dahil sila ang in charge sa party. Hanggang mag umpisa na ang program, Sina Archie at Tere gulat na gulat sa venue. Dad Ang laki Pala Ng office nyo. Ganito ba lagi Ang Christmas party nyo?tanong ni Tere. Hindi, last year sa maliit na hotel lang. Maganda yata Ang sales kaya Dito ginawa.sagot ni Paul kay ay Tere. Nag enjoy Ang lahat may games, may raffles may banda. Sina Paul,Archie at Tere napasali sa games. Hindi man nanalo may consolation prize naman silang  nakuha. Ang daming food parang Vikings, buffet ang serving. Si Archie nakakailang balik Hindi nahiya. Natatawa Sina Paul at Joey sa mga anak nila parang magkakilala na Ng matagal. At dumating na Ang highlight Ng program. Nagsalita na Ang Presidente ng company, ang may ari ng pinagtrabahuhan nina Paul at Joey. Palakpakan lahat Ng employees. Nag kwento Ng mga naganap at maghahanap sa kumpanya sa susunod na taon. At inumpisahan na Ang pagbibigay Ng awards. Hindi gaano iniintindi ni Paul Ang awarding dahil Wala Naman sya ineexpect. Kumakain lang sya at nagtetext. Sina Archie at Tere pa Ang nagsabi sa kanya na. Dad, tinatawag ka sa stage may award ka.sabi ni Tere sa kanya. Pareng Paul may award ka.sigaw ni Joey sa kanya.Laking gulat nya at Hindi sya makapaniwala kayat hinihila pa sya nina Archie at Tere para kunin ang award. Hindi man nya alam ang award ay umakyat na rin sa stage at nag bigay ng maikling speech sa harap ng mga kasamahan. Teary eyed si Paul habang nag sasalita sa stage. Dahil hindi nya expected ang award na binigay ng mismong may ari  pa ng company na bihira nya makausap. Umuwi Ang pamilya ni Paul na sobrang saya. Ang inaakala nyang simpleng party lang ay iba Pala. At Doon na rin binigay nina Archie at Tere Ang gift nila sa daddy Paul nila na lalong nagpaiyak Kay Paul. At Doon na rin nila inamin na kinausap nila si Joey sa kanilang Plano para malaman Ang mga wishlist nya. Nang Gabi Ng Christmas party Nina Paul Ang Isa sa pinaka Masayang Gabi Ng kanyang pamilya after mawala Ang kanyang asawa. MERRY CHRISTMAS TO ALL!


THE END. 








 






Huwebes, Disyembre 15, 2022

Christmas Gift



Si Paul ay isang single father. Solo parent sa katawagan Ngayon. Dalawa Ang kanyang anak isang babae at Isang lalaki. Parehong nasa teenage years na ang mga bata. Si Theresa ang panganay ni Paul nasa 2nd year college na, kumukuha ng Nursing. Si Archie naman ay nasa grade 12 na Senior High School na, graduating na. Balak kumuha ng Architecture.  Ang pagiging Solo Parent ni Paul ay dahil pumanaw ang kanyang asawang si Mildred. Si Paul ay nasa late 40s na at mag isang itinataguyod ang dalawang anak. Sa BGC sya nagtatrabaho bilang assistant Ng kanyang boss na si William, isang napaka hirap pakisamahang boss. Kung kayat laging tinatanong si Paul ng kasamahan nya. Paul, paano mo natatagalan si boss? Ikaw yata pinaka matagal na assistant nya...panimula ni Joey na isa na ring matagal sa kumpanya. Ngumiti lang si Paul sa kasamahan. Habang nasa harap Ng computer. At pagkatapos ay hinarap si Joey. Wala naman akong problema Kay  boss.  Kung ano sabihin nya ginagawa ko...kung ano gusto nya basta work related ok lang sa akin.sagot ni Paul kay Joey at humarap ulit sa computer. Makalipas Ang ilang minuto, nag aya na si Joey ng lunch.  Paul, lunch na. Saan ka kakain? Lalabas Ako sasabay ka? ....Sige sabay Ako, give me 10minutes tapusin ko lang ito..Sabi ni Paul kay Joey.. Papalabas na ng office sina Paul at Joey nang masalubong nila ang boss na si William. Sir, nasa table mo na ang pinaprint mo and nareplayan ko na rin ang mga email ng client. Lunch Muna kami ni Joey..paalam ni Paul sa boss nya na siryoso ang mukha. Alam na ni Joey ang ibig sabihin kaya inunahan na nya. Paul una na kami. Text ka na lang kung makahabol ka, Doon kami sa dati. Sabi ni Joey sa kanya. Si Paul talaga break time na work pa rin, pwede naman mamaya na si boss. Sabi ni Joey sa isa pang kasamahan na kasabay mag lunch. Nangingiti na lang sila dahil alam nila working lunch na naman si Paul.

Sa madalit sabi, bumalik si Paul sa office sinamahan si William ang boss nya. O, bakit Hindi ka pa mag lunch? Sabi ni William sa kanya. Parang may sasabihin kayo sir kaya bumalik ako.sagot ni Paul sa boss nya. Meron nga  pero makakahintay naman. Mamaya na lang pagbalik mo.sabi ni William. Sige sir  habulin ko na sina Joey. Salamat Sir, balik Ako agad. nagmamadaling pagpapaalam ni Paul sa boss. Habang nasa elevator si Paul tinawagan agad si Joey. Joey, saan kayo? Sabay ako sa inyo. Sa dati pa rin. Tamang tama kakakuha lang namin ng table.sabi ni Joey sa kanya. Ilang saglit lang nakarating si Paul sa kinakainan nina Joey. Hinihingal pa sya. Inom ka muna ng tubig Paul.  Inorder ka na namin. Alam naman namin lagi mong order. Pero babayaran mo yun...hahaha.biro ni Joey sa kanya. Buti pinakawalan ka ni William?mukhang siryoso kanina. Tanong ng isa nilang kasamahan na manager na si Alvin. Kaya nga Ako bumalik baka may ipapagawa. Nagulat din Ako at pinagbreak muna ako.sagot ni Paul sa kasamahan. Alam mo Paul, walang tumagal dyan kay William. Ikaw lang.  Banggit Ng manager sa kanya. Kaya malaki pasasalamat ko sa yo.at hindi na ako naghahanap ng kapalit mo. Ang hirap kaya mag train at mag interview. Mabait naman si Sir William, Hindi lang nakikipag biruan.sabi ni Paul sa kanila. Habang kumakain, napag usapan na rin ang nalalapit na Christmas party.  Kung saan gagawin, kailan at meron na ring partial assignment ng duties and responsibilities. Sa maikling break time nila Ang daming napag usapan. Buti na lang naaalala ni Paul na balikan nya Ang boss nya. Uy mag aala una na balik na tayo sa office. Nandoon na boss ko sabi ni Paul sa kanila.  Nagtinginan silang lahat at nagtawanan.  O Sige kunin na natin ang bill. Paul mauna ka na. Mamaya ka na magbayad at baka masermunan ka pa ni William.sabi ni Alvin sa kanya. Joey paki abonohan muna. Mamaya ko bibigay sa yo, pag singil mo ako....hahaha... Una na Ako. Pag alis ni Paul ay nanatili pa ang mga kasamahan nya sa restaurant habang hinihintay ang bill. Inabutan ni Paul Ang boss nya sa kanyang opisina, bisi sa harap Ng computer. Nang dumating sya napatingin sa relo si william. Maaga pa Paul.bati ni William sa kanya. Naghihintay ka kasi boss kaya bumalik na ako. sagot ni Paul. Ganun ba Ako kasamang boss Paul? Kahit break time kukunin ko.nakangiting salaysay ni William. Hindi naman boss, nasanay lang ako ng disiplina.magmula ng magwork ako sa inyo.balik ni Paul kay William. Nagulat si William sa narinig kay Paul.nag make face habang may kinukuha sa drawer.Nakangiti. Binobola mo pa ako Paul. sabay hagis ng maliit na regalo. Ayan 
na pamasko mo.sabi ni William ng nakangiti. Ang aga naman nito boss katapusan pa lang ng November. Hirit ni Paul sa boss. Ayaw mo? Sige akin na yan, pag yan naibigay ko sa iba sorry ka.biro ni William. Binigay mo na boss tapos babawiin . Walang bawian.....hahaha..inabutan Sina Paul at William na nagtatawanan Ng mga kasamahan nila. Gulat na gulat Sina Joey, Alvin at iba pang empleyado dahil Ngayon lang nila narinig na nakipagtawanan si William sa empleyado. Para kayong nakita Ng multo Dyan.Pare pareho kayo ng itsura. bati sa kanila ni William ng makita silang bagong dating. Si Alvin Ang sumagot.  Nagulat lang kami William dahil Ngayon ka langnamin narinig na tawa ng ganyan kalakas.adalas ngiti lang. Sinundan pa ni Joey ng.... Boss may bonus na ba Tayo? sinundan ng tawa... Si Merriam tanungin mo sya ang gumagawa nun. Over break kayo..sabay sabay na tumalikod Ang Sina Alvin at nagpwestuhan sa kanya kanyang computer at lihim na napangiti.

Pag uwi ni Paul, sinalubong sya Ng anak na si Archie, Dad si malate si Tere may gagawin daw sa school. Ang bungad ni Archie. Sige maghain ka na at may dala na akong hapunan natin. Magbihis lang ako.sabi nya sa anak. Naghain si Archie Ng hapunan. Sakto dumating si Tere. Nandyan na si Dad, nagbibihis.sabi ni Archie sa kapatid. Mainit ulo? Galit ba lagot Ako ginabi Ako.tanong ni Tere. Ewan parang Hindi naman.basta pinaghain Ako at kainin na raw tayo.sagot ni Archie sa kapatid. Habang nag uusap Ang magkapatid bumaba si Paul at inunahan sya ni Tere Ng Hi Daddy Paul. Ang pogi Ng daddy ko Hindi halatang stress sa work.pauna ni Tere. Anong kailangan mo at bakit Ngayon ka lang? .....Hindi pa nakasagot Ang anak nagsalita ulit si Paul. Alam ko na. May hihilingin ka. Tama Ako dba.pambabara na may lambing ni Paul sa anak. Si Dad talaga. Magpapasko na Kasi. Alam mo na?maganda naman grades ko.paglalambing ng anak na babae. Ako rin Dad, maganda rin grades ko baka may honor pa Ako. At Dad Hindi Ako nagpapagabi. Maaga akong umuuwi.hugot ni Archie. Akala ko ba magkakampi tayo Archie bakit Ngayon nilalaglag mo Ako?bulong ni Tere sa kapatid. Tama na yan, kain na tayo baka magkapikunan pa kayo.pag awat  ni Paul sa mga anak. Dad may bonus ka na?paglalambing ni Tere. Sabi na nga ba may hihingin itong kapatid mo Archie . Tignan mo yung boses parang kay bait bait.bulong ni Paul sa anak na si Archie.Dad Naman malapit na Pasko.lambing ng anak. Oo nga Dad Ako cash na lang. Para mabilis ko gusto ko.sagot ni Archie. Sa ganyang bagay magkasundo kayong dalawa. Kumain na tayo at mamaya natin pag usapan yan. Pagkatapos Kumain, si Archie na Ang nagligpit Ng lamesa dahil doon sya mag aaral. Si Tere ay magbihis Muna. Si Paul sa sala pumwesto para manood Ng TV. Pagkabihis ni Tere Tinabihan Ang ama at binulong Ang mga gusto nyang ipabili sa ama. Ako rin Dad kailangan ko sa school. Kaya cash na lang sa akin. Ikaw talaga ayaw mo patalo. Binulong ko na nga narinig mo pa rin.sagot ni Tere Kay Archie. Ngumidi Ang kapatid syempre malakas radar ko.sagot ni Archie Kay Tere. Haaay naku Ang gulo nyo nanonood Ako Ng Korean novela Hindi ko maintindihan sa ingay nyo. Matulog na Ako at may pasok pa ko bukas. Kayo na mag off Ng tv at internet. Yung request nyo gagawan natin ng paraan Yan. Basta mag aral kayo mabuti. At walang boyfriend at girlfriend muna.ok? Goodnight.paalam ni Paul sa dalawang anak. Goodnight Dad!sagot nina Archie at Tere.

Ano Ang hiling ng dalawang anak ni Paul? Paano nya ito maibigay sa mga anak?...


Itutuloy...







Condo Sharing

 December 15, ang lipat ni John sa condo na lilipatan nya sa QC, kung saan sya na assign sa bago nyang trabaho bilang ahente ng noodles.  Co...