Si Miguel at si Bert

Sabado, Marso 26, 2022

WILL YOU MARRY ME? (Si Pinsan, Si Louie at Si Rommel Part 16)

 <script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Magpopropose na ako Rommel.sabi ni pinsan. Sigurado ka na pinsan? Paano?.ako ang kinakabahan.sabi ko kay pinsan. Tutulungan ako ni Susan. Malapit na birthday ni Joan. Pagpaplanuhan namin,  kung paano gagawin ko. Kung simpleng romantic date lang o thru her birthday party sa clubhouse. Kaya sa store ko kakausapin si Susan bukas kung paano para hindi malaman ni joan ang plano. Sabi ni pinsan. Kinakabahan ako pinsan paano kung mag NO si tita Joan. Natatakot ako.sabi ko sa kanya. Nerbyoso ka talaga Rommel. Ang lakas mo kasi magkape. Si Joan ang tipo ng babae na makakasama ko habambuhay. kung hindi sya hindi ko na alam ang gagawin ko. Ramdam ko ang pagmamahal nya. Nasa kanya katangian ng babaeng hanap ko. 

Minsan na ako nagmahal Rommel. Pero hindi binigyan ng importansya.  Binalewala ang pagmamahal ko. Kaya ako nag OFW para lumayo. Para makalimot. Masyado ako nasaktan ng babaeng minahal ko.Pinagpalit ako sa iba. Sa mas mataas ang posisyon sa akin. Kaya ako nagsumikap sa ibang bansa. Kahit maraming tukso sa middle east , pinaglabanan ko. Ngayon kay Joan handa na ako magmahal ulit. At ramdam ko sya na ang makakasama ko. Ang karapat dapat para sa akin.pagkukwento ni pinsan.  Ngayon ka lang nagkwento sa akin ng ganyan pinsan. Tinamaan ka talaga kay tita Joan. Kala ko isa ka lang tito sa amin ni Louie, na laging nambabatok at nambabato. Nagmamahal ka rin pala. Lumapit sa akin si pinsan, akala ko aakbayan ako. Uuump!,... Binatukan mo na naman ako pinsan. Niloloko mo ko siryoso ako pakakasalan ko si Tita Joan mo.sabi ni pinsan sa akin. Masyado ka kasi serious pinsan, chill lang. 

Si My Love, si Susan at ako magsanib pwersa kami para sa yo. Tutulungan ka namin sa proposal na gusto mo. Kaming bahala doon. Naaalog na  utak ko sa kakabatok mo sa akin pinsan.sabi ko kay pinsan habang inaayos ang buhok ko. Sira ulo ka kasi. Gawin kitang ringbearer pag kinasal kami. Imbes BestMan.hahaha..nagbibiro na si pinsan. Umaliwalas na ang mukha ni pinsan. Nakangiti na.

 Pag pasok ni pinsan sa store binati sya ng mga empleayado ng good afternoon.  Nandoon si Susan,nagkakaha. Binati rin sya at binati rin nya ng good afternoon Pero nang mapansin nya na si Susan ang bumati sa kanya binalikan nya.  At tinanong kung ano oras out nya. 3pm po sir, sunduin po ako ni mama.sabi ni susan.ha! kausapin sana kita tungkol sa....tumingin muna si pinsan sa paligid.  Tungkol sa proposal ko sa mama mo. May alam na ba sya?pabulong na usapan nila. Wala pa po sir. Sabihin ko na po sir?pagbibiro ni susan.  punta ka sa office mamaya. Usap tayo.at iniwan na ni pinsan si Susan ng nakangiti. Pag alis ni pinsan. Bumulong ang isa naming kahera kay Susan. Susan , pumopogi sir Nestor, inlove siguro. Narinig ni pinsan ang bulong, tumingin ng nakangiti. Tumigil sa bulongan ang dalawang kahera. Nagtatawanan. Kasalukuyan akong nakatayo di kalayuan sa kanila.

 Pinagmamasdan ko si pinsan. Napansin nya nakangisi ako. Anong tinitingin mo dyan. Todo ngisi ka pa.Sabi nya sa akin. Pasok tayo sa opis pinsan. Gusto mo kape?alok ko sa kanya. Mabuti pa nga. Yung hindi matamis at mapait ha.sabi ni pinsan.  Habang nagtitimpla ako ng kape. Nag update na rin  ako kay pinsan ng promo namin, at gimmick  tuwing weekend para mas gumanda ang sales. Natuwa naman sya kailangan daw maraming promotions para mas dumami customers. Ikaw na bahala kung ano ikabubuti ng kumpanya at gaganda sales natin gawin mo. 

Yung 3rd branch mo? Ano balita doon? Kaya pa ba? Pag nag branch out tayo. We need to promote deserving employees na qualified. Aralin mo ang location.baka ang kalaban natin eh sarili natin. Ok tong kape mo. Kumusta si francis?balik ni pinsan.

Kasalukuyan kaming naguusap ng dumating si Susan. Sir, out na po ako.sabi ni Susan. Tuloy Susan. Upo ka. Meryenda tayo, alok ni pinsan. Binigyan ko si Susan ng cookies at bottled water. Natawa si Susan, dahil sa kanila din galing ang cookies. Ano plano natin sa birthday ni Joan? Naghahanda na si mama Sir.sabi ni Susan. Ok lang po ba sir kung ipaalam ko sa mga kapatid ko para makakuha ko ng idea sa kanila? Basta wag nyo ipaalam kay Joan, sabi ni pinsan. Pinsan, saan gagawin ang party ni Tita Joan? At kailan? Papa cater ba tayo?tanong ko sa kanila. Sir Rommel, may catering sister ko, pag may event kami  sya incharge sa food.sabi ni Susan. Ok na tayo sa food. Saan gagawin  sa club house dba?paglilinaw ni pinsan. Ipareserve ko na pinsan? Nareserve na po sir Rommel.sagot ni Susan. Sge Susan, magkano inabot, ready ko yung check.sabi ko.ngumiti si Susan,nahihiya. Wag ka na mahiya Susan. Hindi na tayo iba. Sabi ni pinsan. Kaya Susan, masanay ka na na " daddy o papa" ang tawag mo kay pinsan. Hindi na sir tito. Ngumiti si Susan. Daddy Nestor sge po tanungin ko si ate sa costing. Natuwa si pinsan sa narinig kay Susan. 

Yung program kami na bahala tatlo pinsan. Magmeeting kami ni my love at ni Susan.sabi ko.sir Rommel sino si My Love? Sya ba yung babaeng bumisita sa inyo last time? Tanong ni Susan sa akin. Namula akong bigla. Hindi ako nakapagsalita. Yun na nga Susan, si my love nya. Natumbok mo.tignan mo namula, mauutal na naman yan.sagot ni pinsan kay Susan. Kaya pala sir nang dumating yun, nataranta ka sa pag aasikaso.

 Yun ang kwentuhan namin sir nung dumating yun. Announce ko na ba sa kanila?biro ni Susan. Teka teka Susan baka masapawan ako.pabiro ni pinsan kay Susan. Sir, nagtext na po si mama, malapit na daw po sya. Labas na po ako, baka abutan nya ko. Baka makahalata.paalam ni susan. Sige sa program ang next agenda natin Susan.sabi ko. Kasama po si My Love sir? Paalam na po.nagmamadaling lumabas ng office si susan.

Natapos na rin namin ni My Love(Francis) at Susan ang program para sa birthday ni Tita Joan.  Ipapakita ni pinsan ang talento na meron sya. At kami ang back up performer. At ang pinaka highlight ay ang mismong proposal.  Sa meeting pa lang namin lahat na kinikilig. Talo pa namin si pinsan.  Nakaschedule na kami para idiscuss kay pinsan ang gagawin nya. And knowing pinsan medyo mitikuloso kaya may mga back up plans kami incase disapprove sa kanya..ika nga may plan A, may plan B hanggang plan C meron kami. 

Si Susan ay patuloy na nkikipag coordinate sa kanyang mga kapatid at sa mga kamag anak nila na iimbitahin. Maliit lang ang celebration para intimate. Dahil karamihan sa kamag anak ni pinsan ay nasa probinsya. Kami na lang ni My Love ang tanging nasa partidos nya. Si Louie hindi pa sigurado kung makakaabot dahil wala pang kapalit na seaman sa kanya.

Habang papalapit ang birthday ni Tita Joan, nagiging abala kami sa preparasyon.  At the same time, tutok pa rin ako sa store. I make it a point na maayos lalo na ang stocks at finances. Mapanatili ang aming good record sa mga suppliers at mapaganda ang customer service . At dahil malapit na rin kaming mag branch out para sa ikatlong tindahan.  Nirereview ko na rin mga qualifications ng mga empleayado namin na pwede ipromote. Isa na roon si Susan, pero wala pa syang alam sa plano namin ni pinsan. Dahil kapag naging tatlo na ang tindahan. Hindi ko na kakayanin tutukan bawat isa. 

At sa nalalapit na panahon si pinsan magiging consultant na lang. Para maenjoy naman nya buhay may asawa. Buhay kapiling ang babaeng nagbigay sigla sa kanya.  Hindi ko rin alam kung paano ako. Kung saan ako titira, dahil pag naging mag asawa na si Tita joan at pinsan, doon sila tutuloy. Pinatira lang ako ni pinsan dito sa bahay nya. Ayoko magtanong, ayoko makagulo sa isipan ni pinsan. Hayaan ko na lang dumating ang panahon kung ano ang desisyon nya. At igagalang ko ito. Malaki na ang naitulong ni pinsan sa akin. Alam ko pagdating nang panahon na yun makakasurvive ako.

Mukhang iniadya ng tadhana. Bigla kami nakatanggap ng tawag kay Louie. Uuwi na sya sa susunod na araw. Makakaabot sya sa birthday ni titA Joan. Makakasama sya sa celebrasyon. At dahil abala si pinsan sa paghahanda kami na lang ni My Love (Francis) ang susundo sa kanya sa airport. Si Susan unti unti na rin namin binibigyan ng responsibility sa store.  Dahil qualified naman sya, college graduate, may leader ship at malapit nang maging COO as in Child Of the Owner pag naging mag asawa na sina pinsan at tita Joan. 

Hindi na sumama si Susan sa pagsundo dahil walang maiiwan sa store. At dahil abala na rin sya sa iba pang bagay.  Madaling matuto si Susan sa mga instructions at kilala na rin sya ng mga suppliers.  Friendly kasi si Susan. Kaya siguro naging girlfriend ni Louie.

On our way to the airport, Pinsan sunduin namin si Louie sa airport, ikaw na bahala sa tindahan and pa assist si Susan mamaya may mga deliveries. Ngumiti lang si Pinsan sa amin. Sa kotse nagkwentuhan kami ni My Love. How are you related to Engr.Nestor?tanong ni Francis sa akin. Wala. Hindi ko sya kamag anak. Sinabi lang ni Engr.sa condo na inuupahan nya na pinsan nya ko para wala ng tanung tanung.sagot ko kay My Love. Broker ako ni Engr.sa bahay na binili nya tapos bigla pagturnover ng unit sa kanya, napunta na ako dito. Everything happens so fast. Bigla shift ako ng career.pinagtiwalaan ako ni Engr.Nestor.pagkukwento ko kay MyLove. Hindi namin namalayan nasa airport na kami.

 Asan kaya yung Louie na yun. Nakababa na raw sya ng eroplano. Matext nga. Kuya Rommel! Kuya Rommel!... sigaw ni Louie.kinalabit ako ni My Love. Bigla ako niyakap ni Louie na parang bata. Kuya sino sya?nakatingin kay Francis.nag-asawa ka na?dagdag na tanong nya. Teka! Nasasakal ako ang taba mo kung makayakap ka. Si Francis, MyLove ko. Girlfriend ko.sagot ko kay Louie. May nagkagusto rin sayo kahit.sabay batok kay Louie, na muntik ng mapahalik sa MyLove ko, kaya hinila ko agad. Habang natatawa si MyLove sa reaction ni Louie.Gago anong tingin mo sa akin. My Love wag ka maniwala dyan. Ganyan lang yan pang asar pero iyakin yan. MyLove si Louie. Kaibigan namin ni pinsan. Pasalubong ko yung maganda. Sabi ko kay Louie. Oo naman kuya, meron kayo ni Tito Nestor.asan sya?busy mag aasawa na kasi. Tayo na sa kotse.asan bagahe mo? Tanong ko kay Louie.ito lang bagahe ko.konti lang handcarry at isang box lang. Nagiipon ako eh.sabi ni Louie. My love, puro pera ang dala, baka pera ang pasalubong.biro ko kay Francis.

 Maikli lang byahe namin from airport to cavite muna umuwi si Louie bago sa Manila. Lalo pat na nalaman nya na may event, doon muna sya mag stay. Kuya pwede daan muna ako kay San?request ni Louie. Nagtinginan kami ni My love. Ate Francis pwede?sabi ni Louie. Ngumuso lang si My Love tinuro ako. Sige sandali lang at maraming deliveries busy si San.sagot ko kay Louie.

 Sa bahay, kaming tatlo ni pinsan at Louie habang kumakain. Nagsabi si Louie na pagkakain dadalaw kay San.Dadalhin ang mga pasalubong nina San at Tita Joan. Pinayagan naman ni pinsan. Sige, tutal maganda pasalubong mo sa akin ok lang.sabi ni pinsan. Nakangiti lang ako kasi para kaming isang pamilya pero hindi naman magkakaibigan lang kami. 

Pag alis ni Louie. Kinumusta ako ni pinsan. Ngiti lang sagot ko sa kanya. Malapit na ako mag propose kay Joan, natutuwa ka ba.tanong nya. oo naman pinsan, habang naglilinis ng mesa.parang hindi.sabi ni pinsan.sabay ngising labas lahat ng ngipin akong humarap sa kanya.ayan o tuwang tuwa ako.sabi ko kay pinsan. Sarap mo batukan Rommel. Yung siryoso.tanong ni pinsan. Masayang masaya ako pero ikaw may tinatago alam ko.sundot ni pinsan. 

Usap nga tayo. Habang naghuhugas ng kamay. Sabi ko kay pinsan. Masaya ako for you and tita joan,  pinsan. Totoo yan. Enjoy mo moment na ito, everything works as plan.sabi ko kay pinsan habang papalapit sa sofa. Alam ko...sagot ni pinsan.o bakit ang layo mo lumapit ka nga sa akin.napansin ni pinsan na magkalayo kami. Eh babatukan mo na naman ako eh pag magkalapit tayo.naaalog na utak ko.sagot ko sa kanya. Batok ng pagmamahal yun alam mo yun. Alam ko masaya ka para sa akin. Pero may iba akong feeling. Kaya umamin ka na.sabi ni pinsan.  

Pinsan dati ka bang aso. Anong breed mo? Umpisa ko. BiglAng gumaralgal boses ko. Natigilan ako sa pagsasalita. Napayuko ako.Pinsan, natatakot ako...  Paano na pag nag asawa ka na.... Saan ako titira? Paaalisin mo ba ko dito?... Tumigil ako sa pagsasalita.pinipigil ko ang luha ko..  Wag mo na  intindihin yun pinsan. Sa dami ng pinagdaanan ko. Matatag na ako. May ipon din naman ako. Baka  Masira pa ang moment mo. Ayoko nga sabihin pero matindi ka pinsan. Handa naman ako at irerespeto ko desisyun mo.sabi ko kay pinsan.

 Kitam tama ako dba? Ramdam ko na may bumabagabag sa yo. Kahit masaya ako. Sinusubaybayan kita. Hindi mo maitatago yan. Napapagusapan din namin yan ni tita Joan mo. May plano kami para sa yo.sabi ni pinsan.bigla ako napatingin kay pinsan. Pinaguusapan nyo ako pinsan!... Oo naman. Madalas ka namin pag usapan. Alam mo ba yun. Hindi ka kasi nagpapakita kaya ikaw ang topic namin. Pero bibitinin kita ikaw na rin nagsabi moment ko ito hehehe..pagtatapos ni pinsan sabay batok ulit sa akin ng dahan dahan.  Sabi na nga ba babatukan mo ko pinsan kaya ayoko lumapit sa yo. 

Inabutan kami ni Louie na nagkakatuwaan kami ni pinsan pero napansin din nya na namumula mata ko. Bakit namumula mata  mo kuya Rommel? Nasermunan ka ni Tito Nestor? Tama si Tito pareho tayo iyakin...sabi ni Louie. Oo nga napansin ko pareho kayo iyakin.sundot ni pinsan. Pahinga na tayo masyado ng gabi. Rommel ok na tayo. Pahinga ka na. Goodnight pinsan. Itsura ni Louie, hindi alam pinag uusapan namin.

Kuya Rommel, nasermunan ka ni Tito kagabi kaya namumula mata mo? Oo dahil sa yo.biro ko kay Louie.ha bakit ano ginawa ko.wala naman ako sinabi kay Tito Nestor. sagot ni Louie. Basta wag mo ko kausapin!... sabi ko kay Louie.pero hindi ko alam nasa likod ko pala si pinsan Pinsan kanina ka pa dyan? Ano yung narinig ko na nagtatalo kayo....paglilinaw ni pinsan. Tito, yung tungkol kagabi.pinutol ko si Louie. Pinsan magbihis na ko alis na ako.sabi ko. Niloloko ka lang ng kuya Rommel mo.kita mo na nagmamadali umalis. Naisahan ka na naman nun...sabi ni pinsan. May pinag usapan kami kaya namumula mata non. Pinsan! (pasigaw para putulin ang sasabihin ni pinsan  )Aalis na ako. Paalam.sabi ko sa kanila. Kita mo na. Ganyan kuya mo kapag naiisahan ka.sabi ni pinsan. Si kuya Rommel talaga.sabay kamot sa ulo.kala ko totoo na pinagalitan mo dahil sa akin.

Sa store,dumaan si pinsan. Bakit nandito ka pinsan? Dapat nagreready ka sa program bukas. Kami mamaya magpractice ulit.usisa ko kay pinsan. Naiinip ako sa bahay. Tutal alam ko na gagawin ko. Si susan nasaan? Nasa selling area. Patawag ko? Wag na lapitan ko na lang.sagot ni pinsan. Sabay labas ng opisina,para lapitan si Susan. Hi Susan, busy ka? Hindi naman po sir. May kailangan kayo? Kumusta preparation natin?sir yung partner ko nagkasakit kaya hinahanap ko si Louie sya na lang sana at maturuan agad dahil bukas na yun.sabi ni Susan. Sige ako na hahanap kay Wie. Papuntahin ko agad.sabi ni pinsan. 

Pinatext ni pinsan si Louie sa akin. Louie, punta ka raw kay San, sabi ni pinsan. Text ko kay Louie. Wag mo ko kausapin kuya Rommel. Mainit ulo ko! Reply ni Louie sa akin. Arte mo Louie, hindi bagay. Tawagan mo si San ngayon na. Bago ko magalit.Text ko kay Louie.selfie na belat ang sagot ni Louie sa akin. After ilang minutes,nasalubong  ako ni Susan. Sir Rommel, ok na pumayag na si Wie. Mamaya magkita kami. Wala daw problema.sabi ni Susan.

Sa gabi ng birthday ni tita joan, lahat kami naka suit. Pero iba ang suit ni pinsan syempre sya ang bida. Sila ni tita Joan. Back up lang kami. Sa backstage. Nagfinal rehearsal kami kasama si Louie, susan, my love, ako at si pinsan. Ang galing pala sumayaw  ni Louie, kahit mataba. Parang bolang tumatalbog.alam agad ang steps kahit one day practice lang. Samantalang ako hirap makasunod buti na lang magaling si My Love, nadadala ako.

Sa club house, nandoon mga kamag anak nina tita Joan, kaibigan, at ilang staff namin. May mga pinakanta kami na puro  favorite songs ni tita Joan, at nakisayaw rin si tita Joan. At higit sa lahat may nagbigay ng mensahe kay tita joan. Kami nina My Love, Susan at louie ang naging emcee ng program. Ang mga kapatid ni susan ang nag usher sa mga guest, dahil karamihan relatives nila.  

At dumating na ang finale ng program. Ang nagpakilala sa amin ay ang mga kapatid ni Susan. Game din sila habang nasa harap si Tita Joan, tinatawag kami isa isa, nakakatuwa dahil pagdating kay pinsan, todo introduction ginawa ng kuya at ate ni Susan. Sinayaw namin ang "Cant take my eyes of you" nasa gitna si pinsan. Magkaparehas kami ni MyLove,  sina Louie at Susan ang pair. Ang galing nila sumayaw. Palakpakan mga bisita.

 Pero hindi pa tapos dahil ang ate at kuya ni Susan, magaling din. After ng performance namin, hinila si Tita Joan na walang alam sa mangyayari. Nilapit kay pinsan si tita Joan. Si tita joan, pinunasan ng pawis si pinsan. Pagkatapos, tinutukan sila ng spot light. Nawala kaming apat sina tita joan at pinsan lang ang natira sa gitns. Sigawan mga bisita kinilig. Sabay dukot sa bulsa si pinsan. Nilabas ang singsing. Kinilig mga tao....sabay tanong  "Will You Marry Me?....napatingin si Tita Joan sa bisita. Namula... Sabay sabing...I Do...lalo kaming kinilig sa sagot ni Tita Joan.. At sabay nag yakapan sina pinsan at tita joan. Pinatugtog ulit ang  Cant Take My Eyes Of You. Bumalik kami sa gitna at lahat ay nagsayawan.  

Makalipas ang ilang buwan si tita Joan at si Pinsan ay ikinasal. Nag open na rin kami ng 3rd branch, kasabay ng promotion ni Susan. Si Louie ay sumakay ulit sa barko para magipon ng magiging bahay nila ni Susan.Si MyLove ay nagbalik na sa Qatar. Natapos na ang kanyang bakasyon. Pero nangako kami sa isat isa na pagbalik nya magpapakasal na kami.  Si Pinsan (Engr.Nestor), Si Louie at Ako, si Rommel. Magkakaibigan..Hindi kami magkakamag-anak pero nakadama ng pagmamahal ng isang pamilya sa isat isa. 


THE END

Biyernes, Marso 18, 2022

ROMMEL MEETS FRANCIS (Si Pinsan, Si Louie at Si Rommel Part 15)

 <script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Sa kabilang banda napa isip ako sa sinabi ni pinsan. Kaya mo bang mag isa? Ano ang ibig nyang sabihin.

Isang araw ng linggo inabutan nya ako sa sala nagkakape. Nagulat si pinsan dahil bihira nya ako abutan sa umaga. Rommel!  Ikaw ba yan?.. Bati ni pinsan. Tumuloy sya sa kitchen para magkape. Pinagtimpla na kita ng kape alam kong bababa ka na.sabi ko sa kanya. Dala dala ang kape nya lumapit sa akin at hinawakan ako sa leeg. Wala ka naman sakit. Ok ka lang Rommel.sabi ni pinsan. Ok lang naisip ko lang pinsan yung sinabi mo sa akin tungkol sa proposal ko. Yung tungkol sa 3rd branch.sabi ko sa kanya. Ahh! Yun ba ang dahilan kaya ka nandito? Nagalit ka ba dahil barado ka agad?..tanong nya..tumingin lang ako sa kanya. Yung totoo ang isagot mo Rommel..sabi nya. Huminga ako ng malalim at bumwelo sa kanya. Pinsan tungkol sa sinabi mo na kung kaya kong asikasuhin mag isa. Ano ibig mo sabihin dun? Tanong ko sa kanya. Tagal na nun ah. Wala yun. Siniryoso mo ba yun? Baka mainit lang ulo ko kaya ko nasabi yun. Natakot ka ba ng mga oras na yun? Masyado kang nerbyoso. Bawasan mo pagkakape ha.sagot sa akin ni pinsan.

Mabuti na rin At  nag abot tayo ngayon. Akala ko kailangan ko pa magpa appointment para maka usap ka.sabi ni pinsan. Grabe ka naman pinsan. Ikaw pa, isang tawag mo lang bitawan ko lahat.sagot ko sa kanya. Tigilan mo nga ako eh laging busy telepono mo. Ilang beses kita tinatawagan...ganun ba pinsan pasensya na 2 tindahan natin. Kaya naisip ko mag day off muna. Deserve ko naman magbreak dba pinsan... Oo naman, yan ang sasabihin ko sa yo. Magschedule ka ng  dayoff baka mag lead sa burnout pag puro work.sabi ni pinsan. Pinsan kamusta kayo ni tita Joan. Maayos naman. Kinakumusta ka nya.hindi ka na raw nya nakikita.sabi ni pinsan.si tita joan mo kinumusta mo eh ako hindi mo kukumustahin?.mabuti naman ako.salamat sa kape.sagot ni pinsan. Pinsan kaya nga ako nag dayoff ngayon.  Namiss kita. Ok ba timpla ko sa kape? sabi ko kay pinsan. Ang tamiiiis na ang paiiiit pa.kaya ang tanong ko kanina kung  galit ka?sabi ni pinsan.  Si Louie, tumawag sa akin. Kinukumusta ka. Malapit na raw sya umuwi.  Si francis yung kasamahan ko sa Qatar nakauwi na pala.sabi ni pinsan. Mabait si Francis, makakasundo mo.kwento ni pinsan.

Tumingin lang ako kay pinsan. Puro email lang yang Francis na yan, hindi ko alam na nandito na pala sya.sabi ko kay pinsan. Kinukwento kita sa kanya. Kayat kilalang kilala ka na nya. May pagka sosyal pero jologs din yun. Magkakasundo kayo. Magugustuhan mo sya.may halong panunukso si pinsan. Trabaho ang focus ko ngayon at kung magkakagusto ako sa babae na. Hindi sa lalaki. Gusto ko rin mag-asawa, malay mo unahan pa kita.sabi ko kay pinsan. Magtiwala ka sa akin. Magugustuhan mo si francis..hindi pa nga kayo nag uusap pero marami na syang alam sa yo. Kaya madali ko syang nakumbinsi na puntahan ako dito hahaha.. At Meron na akong D One and si Tita Joan mo yun. Pinag uusapan na namin ang kasal. Ayyy!.. Nadulas ako.hehehe...sabi ni pinsan. Nagpropose ka na pinsan? Biglang namula si pinsan.. Pinag uusapan na namin pero magpapatulong sana ako sa yo at kay Francis. Kaibigan ko si Francis. Ipapakilala ko sya sa yo ng personal. Pupunta sya next week kaya open mo schedule mo dito sya magdinner next week. Magpapogi ka, magpagupit ka para lumabas kagwapuhan mo.sabi ni pinsan. Lalaki si Francis, bakit pa ako magpapapogi, sino ba sya? sabi ni pinsan. Sundin mo ako.relax ka lang. Mabuti pa magpagupit na tayo mamaya tapos magpamassage tayo tapos  samahan mo ko kay tita joan mo, doon tayo mag dinner sa kanila.pinapapunta ka nya. Pero wag ka maingay sa secret natin.sabi ni pinsan.

Pagdating namin kina tita joan. Rommel  buti naman nakarating ka. Ilang beses na kitang pina paimbita kay Nestor.sabi ni tita. Masyado pong busy sa store. Pasensya na po tita. Its okay no problem. Si nestor ba ang dahilan? Matindi ba mamressure? Just kidding Nestor.sabi ni tita. Ako pa nga nagsasabi na mag day off yan. May pagka slave driver kaya yan, pagdating sa work.  Mabuti doon na tayo sa dining at nakahain na ang dinner.sabi ni tita. Tita anong okasyon, bakit naghanda kayo?tanong ko kay tita.wala naman just a simple peace offering? Sabi ni tita. Ma! Kailan kayo nag away ni sir tito Nestor? Hindi ko naramdaman.sagot ni Susan. Tita nag away kayo ni pinsan?sundot na tanong ko. Ganito yun..umpisa ni tita na biglang pinutol ni pinsan. Dont go into details Joan,   its between the two of us.sabi ni pinsan. Pinsan naman binitin kami ni susan, magkukuwento na sana si tita eh. Sige tita last question, when was that? ...about two or three weeks ago..sagot ni tita. 

Teka Tita,  that was the time na mainit ang ulo ni pinsan. Tama! Pinsan yan yung time na butata ang proposal ko.kwento ko sa kanila. Totoo ba Nestor? Nadamay pa si Rommel.sabi ni tita. Wrong timing sya kaya sorry na lang dba Rommel. Tita for the first time nakita ko nagalit si pinsan. Tapos bigla sunud sunod ang tanong sa akin.para kong nagdefense ng thesis. Wala ako nasagot. Kwento ni Rommel. Kung nakita nyo si Rommel ng oras na yun. Ganito itsura nya. Nakanganga, natulala, nanginginig sa takot tapos yung mata namula akala ko iiyak ..tapos niligpit yung proposal nya. Pagyayabang ni pinsan.  Kawawa naman si sir Rommel, sir tito.sabi ni susan. Anyway lets change the topic. Pasensya na Rommel.dahil sa akin kaya uminit ulo nya. Grabe ka Nestor. Kawawa naman si Rommel. Sabi ni tita. Meron kayang good side ang nangyari sa amin dba Rommel.sabi ni pinsan..because of that tita nireview ko manuals namin, back to basic ako, nagrefresher ako about policies. At libre gupit  at spa ko kanina tita..sagot ko. At nagtawanan kami lahat. 

Busog na busog ako tita joan. Nagustohan ko yung lengua.sabi ko kay tita Joan. Parang alam ko na ibig mo sabihin Rommel. Naikwento na rin ni Nestor yan kaya nakabalot na. Bagay sa yo gupit mo.pumogi ka.sabi ni tita Joan. May ipapakilala kasi si pinsan  sa akin kaya inisponsoran nya ako at may ipapagawa si pinsan. Biglang inubo si pinsan sabay batok sa akin at napatingin ako sa kanya. Doon ko naalala ang aming secret. Nasamid lang dahilan ni pinsan. Pagkatapos ay umuwi na rin kami. Habang naglalakad sinabihan ako ni pinsan na muntik na akong madulas sa secret namin. Pinsan ang sakit ng batok mo ha. Totoo na yun ha!sabi ko sa kanya. Ang daldal mo kasi, muntik ka na madulas sa plano natin .sabi ni pinsan. Napasarap lang ng kwento pinsan. Salamat pinsan sa gupit,  pogi daw ako.hehehe..yung lengua baon ko bukas yun ha.sarap eh.sabi ko kay pinsan. Ang takaw mo talaga, hindi ka na nahiya kay Joan.sabi ni pinsan..ako pa!

Pagkatapos ko mag day off, back to work ako. Ang gaan ng pakiramdam. Ramdam ng mga tao ko. Halos lahat sila binati ang gupit ko. Umaliwalas daw ang itsura ko. Day off lang pala sagot sa mga iniisip ko. Sa paglipas ng araw hindi ko namalayan ang pagdating ni francis sa bahay. Kung hindi pa pinaalala ni pinsan. Rommel, mamaya pupunta si Francis sa bahay, umuwi ka ng maaga.text ni pinsan. Dali dali kong tinapos ang trabaho ko sa tindahan. Nagbilin na lang ako sa kabila na bukas na ako pupunta. Ihanda na lang mga P.O na pipirmahan ko bukas. Nagtataka pa rin ako bakit ako pinag aayos ni pinsan sa pagbisita ng kaibigan nyang engr. Ilang beses ko sya tinanong ang tanging sagot lang ay. Magtiwala ka at sundin mo ako. Pag uwi ko, nagpatulong muna si pinsan sa pagluluto para sa bisita nya. Takang taka ako. Habang abala kami ay biglang may tumawag sa kanya.  Narinig ko boses babae, tumingin lang si pinsan sa akin at puro oo at hindi lang ang sagot nya. Pagkatapos nya makipagusap sa phone. Sinabihan nya ko na mag ayos na. At bumaba na lang pag tinawag ko sya. Hindi ko alam bakit sumunod ako. Basta na lang ako umakyat.

Habang nag hahanda ako. Narinig ko may kausap ulit si pinsan sa phone. Parang nagbibigay ng direction ng bahay namin. Tinanong ko sya, pinsan may sinasabi ka? Wala may kausap lang ako sa phone,sagot nya sa akin. Makalipas ang ilang minuto, may nagpark sa tapat namin at pinagbuksan ni pinsan. Narinig ko boses babae, pero pabulong ang usapan nila. Pinsan ok ka lang? Kailangan mo ng tulong?tanong ko sa kanya. Sandali lang nakaayos ka na ba? Nandito na ang kaibigan ko.sabi nya. Sge baba na ako,pagbaba ko nakatalikod ang bisita nya. Mukhang nasa 5'5ang taas, mukhang sosyal. Simpleng polong puti lang ang suot at naka jeans. Pinsan asan si Francis? Sabay harap ni Francheska. Naka ngiti, maganda sya, makinis, sabay abot ng kamay sa akin. Engr. Francheska Romulo here. Francis for short, you are Rommel?habang nagpipigil tumawa.. Nabighani ako kay Francis, nalove at first sight ata ako. F...F..Fran..Francis?  Napalunok ako, sabay abot ng kamay.pero dahil maloko si Francheska bineso beso nya ako. Left and right cheek. Matagal bago ako nakapagsalita ulit. Hoooy! Rommel nanigas ka na dyan.sabi ni pinsan.habang si francis ay nakatingin lang nakangiti.

Babae si francis pinsan?sabi ko. Si francheska tumango nakangiti. Oo, naman. Kailangan ko tulong nyo sa plano kong proposal kay Joan. Ano Rommel, matulungan mo ba ako o magdate muna kayo ni Francis? Napalunok lang ako, napansin ni pinsan namumula ako. Francis, pag ganyan itsura ni Rommel, inlove yan. Nakasmile  pero hindi makasalita. Ibig sabihin nyan kailan daw kayo magdate? Engr. Nestor, nakabakasyon ako dba two months. Libre ako, anytime.pagbibiro ni Francis. Rommel sa sabado mag day off ka.  binook na kita kay Francis. kain na tayo rommel,  francis sa kabila ka, Rommel dito ka.tapatan kayo. Ako na magserve sa inyo.sabi ni pinsan. Doon na nagumpisa ang kwentuhan namin ni Francis. Madali kaming naging comfortable sa isat isa. Nung mga oras na yun para na rin kaming nagdate. Si pinsan ang mistulang waiter namin. Hanggang maalala namin si pinsan. Engr.upo ka muna.kanina mo pakami pinagsisilbihan. Kain tayo.sabi ni Francis. Haay salamat kala ko nakalimutan nyo na ko pakainin. Natawa ako sa sinabi ni pinsan. Francis tuloy tayo sa sabado ha. Sunduin kita.sabi ko kay Francis. Sure Rommel, walang chaperone ha.nakatingin kay pinsan, na kasalukuyang sumusubo na kinikilig sa aming dalawa. May sariling date si pinsan.biglang nasamid na parang nabulunan si pinsan. Nagtawanan kaming lahat at pinagpatuloy ang pagkain.

Pagkakain. Sinabihan kami ni pinsan na  magpopropose na sya kay Tita Joan. She must be pretty, Engr. Knowing your standard. I know you. Weve been together for years.sabi ni Francis.Pinsan napansin ko englisera itong si Francis. Mukhang mauubusan ako ng english dito.sabi ko kay pinsan sa harap ni Francis. Ganyan lang talaga  si Francis, hindi kasi diretso magtagalog yan. Kababayan ko yan kapwa ko bisaya. Kaya magaling mag english.pagtatanggol kay Francis na panay lang ang ngiti. Tulungan nyo ako na mapa oo si Joan.  Or else, paghihiwalayin ko kayo agad.pananakot ni pinsan na alam naming nagbibiro lang.I will help you engr.wag mo lang kami pahiwa layin ni Rommel my love.sabi ni Francis na halatang nagpapatawa. Maniwala na sana ko pinsan kaso meron pang pahiwa layin. Hihiwain ata ako nito.sabi ko kay pinsan. Sabay hampas sa balikat ko si Francis. Pasinsya na My love. English na lang kasi.sabi ni Francis. Pinsan, kala ko engineer sya, bouncer ata.unang araw pa lang bugbog na ako dito....hahaha.sabi ko. Para hindi ka loloko loko.hehehe.sagot ni pinsan.sorry  my love..sabay himas naman ang ginawa ni francis sa braso ko. Marunong naman  pala maglambing ang love ko..sabi ko kay pinsan. Alam nyo napansin ko puro kayo my love dyan. Ngayon pa lang kayo nagkita para na kayong matagal na magkasintahan. Baka unahan nyo pa ako mag asawa ha.hugot ni pinsan sa amin. Na kasalukuyan kaming magka holding hands  ni Francis.

My love, its time for me to go. Thanks for the dinner.sabi ni francis sa akin. Ako nag invite sa yo sa kanya ka nag thank you.sabi ni pinsan kay Francis. But he is my love not you engr. Your my friend.sabi ni francis kay pinsan. O sige na gabi na. Next time will visit you francis.sabi ni pinsan kay francis. No need my friend.Rommel is enough...my love i will wait for you.sabi ni francis sa amin sabay flying kiss at finger heart. Loka loka ka talaga francheska. Ingat sa pag uwi. Tuluyan ng sumakay si francis. Naiwan ako sa pinto. Hoy! Rommel, magligpit ka na. Gabi na. Pinsan, salamat pinakilala mo sya sa akin. Aayaw ayaw ka pa ngayon kinikilig ka dyan..bilisan mo magligpit may pasok pa tayo bukas.

Kinaumagahan, parang puyat ka Rommel? Inisip mo si francis no?usisa ni pinsan. Katext mate ko sya pinsan hanggang madaling araw.sagot ko kay pinsan. Sus...nainlove na naman ito. Sige pumasok ka na. May P.O ka pa na pipirmahan. Naka ngiti lang ako na pumasok. Hanggang office pala nakangiti ako. Kaya ang mga staff ko nagtatanong sa akin. Anong meron daw? Ha! Wala naman bawal ngumiti? Bawal maging masaya?sabi ko sa staff ko. Inlove si Sir! Sabi ng staff ko. Inlove si Sir Rommel! Bigla ako pumasok sa office ko at nag umpisaagtrabaho na. After lunch paglipat ko sa kabilang store. Francis bakit ka nandito? Paano mo ito nalaman?tanong ko..thru engr.nestor. he said you are here. I miss you My Love!.sagot sa akin ni francis in full Smile. Come inside to my office. You want coffee? Offer ko kay Francis. Hindi sya sumagot. Basta pinagtimpla ko sya ng kape. Perfect! Can i stay here with you?sabi ni Francis. Sure but i have things to do. Sabi ko sa kanya. No problem My Love. I'll just seat here.opo lang ako dito.sabi nya. Ngumiti lang ako natatawa ako sa tagalog nya. 

After 6pm nag out ako.tinext ko si pinsan. Kasama ko si Francis. Lalabas lang kami, gagabihin ako ng uwi. Inikot ko si francis sa cavite.pinasyal ko sya. Nagkwentuhan kami syempre. Hanggang hinatid ko sya sa bahay na tinutuluyan nya.  Pag uwi ko, inaabangan pala ako ni pinsan. Ano kwento mo? Saan kayo nagpunta? Saan kayo kumain? Ang aga mo umalis sa store tapos ano oras ka na umuwi? Ngayon lang nangyari ito Rommel ha?sunud sunod na tanong ni pinsan. Ang dami namang tanong pinsan. Halata bang masaya ako because of Francis.  Halatang halata Rommel. Nakalimutan mo na ang 3rd branch. At ang proposal ko kay Joan.sabi ni pinsan. Ay oo nga ano pinsan. Buti pinaalala mo. Sge remind ko si Francis. Pag isipan namin. Pinsan tutulog na ko ha. Saka nagtext ata si francis.  Goodnight. Sabay mano kay pinsan. Sira ulo ka talaga Rommel. 

Isang gabi nagsabi si pinsan sa akin. Rommel, kailangan ko na sabihan si Joan. Samahan mo ako. Magpopropose na ako sa kanya. Naka isip na ako. sabi ni pinsan sa akin na siryoso. Paano pinsan? Ako ang kinakabahan. sabi ko sa kanya. Kinausap ko na si Susan. tutulungan nya ako. back upan mo ako. Gusto ko na sya pakasalan. Sigurado ka na pinsan? ..... Oo siguradong sigurado na ako. Sabi ni pinsan....


Itutuloy......


Sabado, Marso 12, 2022

In-love si Engr.Nestor (Si Pinsan, Si Louie at Si Rommel Part 14)

 <script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Pakibuksan ang switch Louie. Hindi ko alam kung saan..Biglang... 

Surprise! Nagulat si Louie dahil nasa loob kami at ilang mga kaibigan nya sa store ang naroon. May mga lobo,palamuti  at  inayusan namin ng konti ang sala at dining para sa kanyang pagbabalik. Mangiyak ngiyak si Louie sa ginawa namin at bago sya umiyak kumanta pa kami ng Happy Birthday sa kanya. Doon sya tuluyang naiyak. At sa pagkakataong nilapitan sya ni Susan para abutan sya ng panyo. Louie, akala mo sasampa  ka ng barko ng ganun lang no.nagresearch kami. Hinanap namin ang mga maritess sa store. Sa kanila namin Nalaman  na birthday mo ngayon.tapos nalaman din namin sa kanila Na si Susan pala ang close friend mo.sabi ni pinsan. Pinsan, anong closed friend, higit pa sa kaibigan kaya sila.sabi ko kay Louie kaharap ang mga kasamahan nya. Sir,  magjowa na po sila.  Ang sigaw ng mga kasamahan nina Louie at Susan.  Todo kantyaw ang inabot nina Louie at Susan ng mga oras na yun na nagpasaya ng gabi. 

Louie, kaya pala panay ang balik mo sa amin kala ko gusto mo lang sumaydline bago magbarko.sabi ni pinsan. Pinsan sinagad ang sideline para sulit. Nainlove pa.baka pagbalik nyan Ninong tayo sa kasal.lalong nagpasaya ang kantyaw na yun sa okasyon. Kiss!..Kiss! Sabi ng mga kaibigan nya. Kiss daw Louie.sabi ni pinsan. Nanulis agad ang nguso ni Louie at  hinalikan sa pisngi si Susan. Na nagpakilig sa lahat. O kain na tayo mamaya na natin ibisto si Louie. Sabi ko sa kanila. 

Alas otso ng gabi ng matapos ang celebration. Nag uwian  na ang iba. Si Susan na lang ang natitira. Hatid mo na sya para makapagpaalam ka na rin sa magulang nya. Kami na bahala dito ni kuya Rommel mo? Ngumiti na kikinilig si Louie. Sge po tito hatid ko na si San. Sabi ni Louie. San pala tawag mo kay Susan. Ikaw Susan,  ano tawag mo kay Louie? Ngumiti,  nahihiyang sinagot si pinsan, Wie po sir, yun po ang gusto nya.  Louie, pwede ka ba namin tawaging Wie o exclusive kay San lang yun? Tanong ko kay Louie.  Kuya, sa amin lang yun. Tumawa  ako ng malakas na tamang pang asar kay  Louie. Wie, hatid mo na si San, gabi na..Louie pala sorry.

Napakasaya ng gabing iyun para sa amin at lalo na  kay Louie. Naramdaman nya ang pagmamahal ng isang pamilya na matagal na nyang hinahanap. Pag uwi ni Louie. Ano  Wie, nagpaalam ka na ba sa magulang ni San?tanong ni pinsan. Tito naman, Louie po..Sa mama lang po. Kay Tita Joan, Wala na pong papa si San... Tito sa tingin ko ka edad mo lang si tita Joan. Bagay kayo Tito.pareho kayong mestizo at mestiza.panunukso ni Louie kay pinsan. Rommel, minamatch pa ako ni  Wie sa magiging byenan nya. Sambit ni pinsan. Pinsan baka yan na ang  "d one" mo.sabi ko kay pinsan. Pabiro akong binato ng tsinelas ni pinsan. Isa ka pa. Maganda at mabait si tita Joan pinsan. Minsan hinatid nya si San, kaya nakilala ko sya.hahaha..bagay kayo..sabi ko kay pinsan. Naki tita ka na rin kay Joan. Bilisan mo dyan at nang makapahinga na tayo. Maaga tayo aalis bukas.

Umakyat na si pinsan sa kwarto nya. Nang matapos kami ni Louie. Umakyat na rin kami at nag ayos ng sarili. Napag usapan namin na doon na kami matulog sa kwarto ni pinsan. Anong ginagawa nyo dito, magpahinga na kayo.maaga tayo aalis bukas. Pinsan, si Wie may request.pauna ko kay pinsan. Tito, pwede ba dito na kami sa yo matulog. Tutal bukas aalis na ako.sabi ni Louie. Ang tatanda nyo na tabi pa kayo ng tabi sa akin. Kaya hindi ko pinapauwi mga pamangkin ko dahil tatabi sa akin yun tapos kayo rin pala.habang nagsasalita si pinsan, pumupwesto na kami ni Louie sa kama.  Loko tong mga to. Sarap kutosan. Humiga na lang. Nagkunwari kaming nagtulog tulogan ni Louie para walang magawa si pinsan. Pero si Louie, hindi nakapagpigil, natawa at nautot..Walang tigil na tawa ng tawa at walang malisya na napayakap kay pinsan. Salamat po Tito. Ito ang pinaka masayang araw sa buhay ko. Wag ka mag alala ilalakad kita kay tita Joan. Para maging totoong tito na kita. Mali pag napangawasa ko si tita joan mo daddy mo na ako.pambabara ni pinsan kay Louie. Ayan Louie pumayag na si pinsan.tulog na tayo baka mag bago pa isip.sabi ko kay Louie. At doon na kami tuluyang natulog. Si pinsan na lang ang gising noong mga oras na yun.

Louie,ano ready na ang gamit mo? Ang passport, mga ID mo make sure complete at bilisan mo kumilos nandito na kuya Rommel mo ready na ang kotse. pagmamadali ni pinsan kay Louie. Pinsan ganyan din yan noong hinatid ko.buti nga hindi na umiiyak ngayon.sabi ko . Anong hindi kanina pa umiiyak oh.sabi ni pinsan. Hoy Louie, ano ka ba maiiwan ka ng eroplano.tawag ko kay Louie. Eto na kuya,  nagmamadali na. Sagot ni Louie habang hila hila ang maleta. Ano ka ba napaka iyakin mo.sabi ko kay Louie. Ganyan talaga Rommel kasi may maiiwan na syang mahal nya. Ewan lang kung tayo yun o si San.nagpapatawang sabi ni pinsan. Pareho kayo tito.sagot ni Louie. O tayo na.magbait ka at magipon. Makisama sa katrabaho. Para pagbalik mo pakasalan mo na si San.  Louie, ito nga  pala sweldo mo.kailangan mo ito pag uwi mo. Nakalimutan kong ibigay kagabi.bilin ni pinsan. Wag na po Tito. Nagkagastos pa kayo kagabi.sabi ni Louie.  Anong gastos?, Mga kasamahan mo ang nagcontribute sa mga food at drinks kagabi. Sabi ni pinsan kay Louie.. Ganun ba tito, O sige akin na Tito, sayang din yan.bawi ni Louie.sabay kuha ng sobre. Tito kasama ba ang OT ko dito? Ilang araw din yun..hehehe.. Habang nagpupunas ng luha pero nakangiti. May tama ata ito Rommel.pwede ba pakibatukan mo itong si Wie. Nagtawanan lang kami hanggang marating namin ang Airport.

Pinsan, tayo na lang ulit. Umalis na si Louie. Nakakatuwa sya no. Ang bilis walang isang buwan nagkasyota na.sabi ko kay pinsan. Oo nga eh samantalang ikaw wala ka pang pinapakilala sa akin. Ang bagal mo. Iba yata ang type mo eh.sagot ni pinsan. Napatingin ako kay pinsan at napalunok. Alam mo pinsan may aaminin ako, pero pangako wag ka magagalit.sabi ko kay pinsan. Huminga ako ng malalim bago ko itinuloy... Nakatingin lang si pinsan. Nagkagusto ako sa yo, pinsan...pero nang dumating si Louie at pinakilala nya sa atin ang Diyos. Narealize ko na maling pagmamahal ang naramdaman ko sa yo. Nag iba na. sabi ko kay pinsan. Sabi ko na nga ba Rommel. Alam ko, kilala na kita. Wala ka ng maitatago sa akin.Natatandaan mo sabi ko sa yo sasapakin kita.sabi nya sa akin. Ngayon hindi mo na ako mahal?.dugtong pa nya. Mahal pa rin kita pinsan pero ibang klaseng pagmamahal na. Pagmamahal na walang halong kamunduhan na. Puno ng respeto na. Pagmamahal para sa isang kaibigan na ang nararamdaman ko..sabay hinga ng malalim at tingin kay pinsan na nakangiti pero naluluha... O, iiyak ka pa ata, pareho kayo ni Louie, iyakin. Mabuti naman Rommel,natauhan ka rin. Mabuting nailabas mo yan at nagpakatotoo ka. Ang tingin ko sa inyo ni Louie eh parang mga pinsan at  pamangkin ko na lang. Kayat kapag kayo ay natutulog sa kwarto ko ay hinahalikan ko kayo sa ulo at kinukumutan, kahit ang kukulit nyo.sabi ni pinsan. Oo nga pinsan, kaya pala. Sge hatid mo na lang ako sa bahay tapos dumiretso ka na sa tindahan. Pahinga muna ako..mamaya na ako dadaan sa tindahan.

 Pagdating ni pinsan sa tindahan. Eksakto namimili ang mama ni Susan. Kausap ako dahil ng mga oras na yun nakabreak si Susan, ako muna ang nagkaha. Pumasok si pinsan diretso sa opisina pero napansin ko na tinignan kung sino ang kausap ko. Matagal syang sumilip hindi ako nagpahalata. Pagbalik ni Susan, pinuntahan ko agad si pinsan. Sino yung kausap mong customer? tagal ng usapan nyo ha. tanong ni pinsan. Si Tita Joan, mama ni Susan. regular customer natin.kinukumusta si Louie. Bakit pinsan? napansin ko nakasilip ka. hindi ka naman ganun sa ibang customer natin ha. may gusto akong ipahiwatig kay pinsan. Ah eh, wala naman. Tama si Louie, mestiza si Joan at mukhang mabait... Kumusta ang sales ngayon.may delivery ba tayo. Ang mga checkeng pipirmahan ko ready na ba?. Ready na pinsan, nasa table mo na.sagot ko.biglang iniba ang topic, bulong ko na narinig ni pinsan. May sinasabi ka Rommel.tanong ni pinsan. Sabi ko pinsan ganda ng smile mo halatang nakapahinga ka na.hehehe.palusot ko kay pinsan.

 Makalipas ang ilang linggo,  tumawag si Louie kay pinsan. Hello Tito, si Louie to, may bababa kaming kasamahan. Nakisuyo ako may package ako para sa inyo at para kay San at kay tita Joan,  pwede pong padala sa kanila. Sige sabihin ko kay kuya Rommel mo na ibigay kay Susan. Tito baka pwede sa bahay nila San na lang para hindi na sya magbuhat at  pwede special delivery mo  Tito. O sige ikaw talaga Wie. Kumusta ka jan. Ok lang Tito, nakakuha ng signal kaya ako napatawag. Ingat ka dyan. Salamat Tito. Kinwento ni pinsan sa akin ang conversation nila kayat. Maghanda ka pupunta tayo kina Susan.sabi ni pinsan. Aakyat ka na ng ligaw kay tita Joan pinsan.ngumiti lang si pinsan. At magmula noon kapag si tita Joan ang naririnig ngumingiti si pinsan. Madalas na rin pumunta sa store si pinsan parang may inaabangan. Pinsan ang dalas mo ata ngayon sa store. Twing alas 3 yung inaabangan mo para hindi ka mainip.sabi ko kay pinsan. Magmula noon alas dos pa lang nasa selling area na si pinsan. 

Dumating na ang araw na natanggap namin ang package na padala ni Louie. Rommel,  maghanda ka pupunta tayo kina Susan. May padala si Louie sa kanila. Ako na lang  magdeliver pinsan.sabi ko. Request ni Louie ako raw magdeliver pagbigyan mo na.sagot ni pinsan. Request daw ayaw pa umamin..hehehe.bulong ko na narinig ni pinsan.  Ngingisi ngisi ka dyan Rommel.  Kailan tayo punta pinsan? Bibili na rin ako ng roses para kay tita Joan.sabi ko. Bahala ka basta wag mo ko singilin ha.sabi ni pinsan. Ang kuripot ng pinsan ko. Sige na basta ikaw pinsan.

Gabi namin dineliver ang package nina susan at tita joan. Si susan ang sumalubong sa amin. Sir, talaga sabi na sa inyo sa store na lang. Naistorbo pa kayo.sabi ni Susan. Request ni Wie kami magdeliver.sagot ko kay Susan. Susan patuluyin mo sila, wag kayo dyan sa gate. Tuloy kayo Mr.Rommel.sabi ni tita Joan. Kasama ko po si pinsan, tito ni Louie.sabay pakilala kay pinsan. Tita Joan, si Engr.Nestor. Engr. si Tita Joan. Magandang gabi po Engr.Nestor.bati ni tita Joan. Nestor na lang po mam.sabi ni pinsan. Joan na lang  Nestor. Wala nang mam. Balik na bati ni Tita Joan. Nagtinginan lang kami ni Susan.napangiti kami pareho sa dalawa. 

Tama pala si Louie, Joan. Mabait at maasikaso ka raw. Lagi ka nya  kinukwento sa amin. Upo tayo, sabi ni tita joan. Rommel, yung padala ni Louie, ibigay mo na sa kanila baka makalimutan pa yan.sabi ni pinsan. Susan, para sa yo. Tita joan para sayo galing kay Louie. Atsaka tita, pinabibigay ni Engr. roses para sayo.pahabol ko kay tita joan. Napatingin si Tita Joan kay Engr/pinsan. Namula si pinsan. Sir Rommel, patulong kukuha lang ako ng miryenda.pag aya ni Susan sa akin sa kusina. sumama ako agad. Naiwan sina tita Joan at pinsan. Nagustuhan mo Joan.pauna ni pinsan.I like roses, kinwento rin ba ito ni Louie?  Mag tito talaga kayo ni Louie. Walang sinasayang na oras. Nakangiti si tita joan na inaamoy ang roses. Syempre kanino pa ba magmamana. Sabi ni pinsan.masaya sila sa kwentuhan nila. Kitang kita namin ni Susan. Pati kami kinikilig.

 Nagtatawanan sila ng dumating kami. O yan na sila. Ako nagbake nyan, Nestor. Tikman mo.lagi akong nagpapadala kay Louie nyan. Brownies and caramel bar.sabi ni tita susan. Amoy pa lang nagugutom na ako.sabi ni pinsan. Sabay bukas  ng box. Familiar ang box na yan. Nakikita ko yan sa office at sa kotse. Pero hindi ko natitikman.sabi ni pinsan. Teka!..teka!.. Rommel,saan ka pupunta? Tawag sa akin ni pinsan. Pinsan naiwan namin ni Susan ang tissue.sandali lang..sabi ko kay pinsan. Nasaan ang mga cookies na padala ni Joan. Parang ikaw lang ang umubos.sabi ni pinsan. Ah...eh...ah..pinsan ano..ano..ah..eh..nauutal ako.buti na lang sinalo ako ni tita joan. Wag ka mag alala Nestor, mula ngayon lagi mo nang matitikman yang mga pastries ko. Yung special ang ipapauwi ko sa yo..yung assorted para lahat matikman mo. Sabi ni tita joan. At hindi ko bibigyan si Rommel.sabi ni pinsan. Masaya ang una nilang formal na pagtatagpo.at dahil gabi na nagpaalam na rin kami. Tita, its late na rin.uwi na kami.paalam ko. Ay oo masyado tayo napasarap ng kwentuhan Nestor. Sandali lang ibox ko lang ang cookies.sabi ni tita joan.pag abot ng cookies, naghawak ang kamay nila tita joan at pinsan. Nagkatinginan sila... natigilan sila... Sorry sabi ni pinsan. Its ok.sabi ni tita. Salamat.bulong ni pinsan kay tita Joan. Pinsan pahingi ah.singit ko sa kanila. Joan, salamat ulit. Balik kami ha. SaBi ni  pinsan.  Anytime sabi ni tita. Tuwang tuwa si pinsan na umuwi kami. 

Habang pauwi kami sa bahay, si pinsan naka ngiti lang. Kitang kita sa mata, sa bibig na masaya sya. Pag uwi namin, parang teen ager si pinsan na nag thumbs up lang sa akin at umakyat na sa kwarto nya. Ako naman ay nagpark muna at nagsara ng gate. Umakyat na rin ako at naligo muna..pagkatapos pinuntahan ko si pinsan sa kwarto. Inabutan ko nagtetext. Inunahan nya ako. Bawal matulog dito.  Doon ka sa kwarto mo.habang nagtetext. Hindi ako makitulog pinsan. Sino katext mo? Nag goodnight ka na ba kay tita Joan?sabi ko kay pinsan. Anong goodnight? Kauumpisa lang namin magtext goodnight agad.sagot ni pinsan. O sige pinsan, sobrang saya mo kasi kaya check muna kita. Maaga pa ako sa store bukas. Sweet dreams.sabi ko kay pinsan. Parang walang narinig si pinsan dahil busy sa pagtetext.

Nagbago awra ni pinsan magmula ng dumalaw kami kina Tita Joan. Yung dating formal, mukhang stricto, naging kabaligtaran na  itsura nya.  Pero yung ugali mas madaling kausapin, parang lahat pwede at lalo nya ako hinayaang magdesisyon. Kahit major decision pa ito. Napadalas ang pagdalaw nya kina tita Joan. Almost 3x a week at kung minsan higit pa. Bihira na rin ako sumama sa kanya. Kapag wala sya sa store alam ko na kung nasaan sya.

Dahil hinahayaan na ako magdesisyon ni pinsan. Lalo kong tinutukan ang dalawang tindahan. Ayokong mapahiya kay pinsan. Alam kong lahat ng kinita nya sa pagiging ofw ng 25yrs ay ininvest nya dito. At ito rin ang tanging handog nya kay tita Joan. At dahil dito naging abala ako sa pagmamanage ng dalawang tindahan. Kayat kung minsan hindi kami nagkikita kahit sa bahay dahil pag uwi nya tulog na ako. Sa umaga naman paalis na ako. Kayat ang report ko na lang ang tanging communication namin. Patuloy akong nagrereport kay pinsan ng status ng tindahan linggo linggo at monthly kay pinsan. Buti na lang may cellphone doon na lang kami nag uusap. Hinayaan ko syang masaya dahil buong buhay nya nagtrabaho para sa pamilya.

 Dahil maganda takbo ng dalawang tindahan. Isang araw Nag consulta  ako kay pinsan nag nagpang abot  kami kung mag 3rd branch kami. Ano sa tingin mo?siryosong  tanong sa akin ni pinsan. Kinabahan ako sa tanong nya. Nakita nya na nagulat ako. Ano nangyari sa yo hindi ka nakasagot? Bakit mo naisipan magkaroon ng isa pang branch. Additional work load yun. Saan tayo mag 3rd branch? Kaya mo pa ba? Kaya mo pa ba maghandle ng tao? Halos hindi ka na natutulog. Bihira na tayo magkita. Sa sunod sunod na tanong ni pinsan napalunok lang ako. Wala akong maisagot. Nakita nyang namula ako. O, wag mo sabihan iiyakan mo ko Rommel. Nagtatanong lang ako. Alam mong malaki ang tiwala ko sa yo. Pag aralan mong mabuti. Alam mong nahirapan tayo sa 2nd branch. Dami nating pinagdaanan. Requirements sa city hall, sa BIR, sa paghire ng tao, sa rent, at iba pa. Kaya mo bang asikasuhin  lahat ng  mag isa? Kung maipresent at madepensahan mo yung sinabi ko ng maayos. Masasagot kita. 

Pinag isipan ko sinabi ni pinsan. Lahat ng naalala ko sinulat ko sa notebook. Determinado ako sa 3rd branch pero tama si pinsan. Pag aralan ko muna. Kailangan ko magkaroon ng feasibility studies ng location, foot traffic, community, at rental rates. At the same time mamaintain ko, o di kaya ay maimprove ko ang kasalukuyang dalawang tindahan. Dapat kong paghandaan ang presentation ko kay pinsan. Sa kabilang banda napa isip ako sa sinabi nyang kaya ko bang asikasuhin mag isa. Ano ang ibig nyang sabihin doon?.



Itutuloy....

Lunes, Marso 7, 2022

Louie's Part-Time Job (Si Pinsan, Si Louie at Si Rommel Part 13)

<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Anong ihahatid mo? Ihahatid natin. Hindi ako nakasama noong una kaya sasama ako sa paghatid sa kanya. Natulala si Louie. Nangilid ang luha dahil kaming dalawa ni pinsan ang maghahatid sa kanya. Tito eh..paano ang tindahan. Sinong tatao? Tanong ni Louie. Wag mo problemahin yun Louie. GaGawan namin ng paraan yun. Atsaka ilang oras lang kami mawawala. Meron naman kaming mapagkakatiwlaan sa mga tao. Kaya sa gabi ng alis mo dito ka na matulog. Para maihatid ka namin. Yun eh kung wlang maghahatid sa yo sa pamilya mo. Pagtatapos ni pinsan. Hindi naman po ako hinahatid ng mga kapatid kong babae kaya po ako nagpahatid kay kuya Rommel. Kaya ngayon masaya ako tito kasi dalawa kayo maghahatid sa akin. May lungkot na sagot ni Louie. Pagtatapos ni Louie. Basta mahalin mo sila dahil kapatid mo pa rin sila. Sabi ni pinsan sabay tapik sa balikat ni Louie. Tito, hindi po ako tunay na anak. Ampon lang po ako.pagtatapat ni Louie sa amin na ikinagulat namin ni pinsan. Matagal kaming natahimik, pareho kaming natigilan ni pinsan. Tuluyan ng naiyak si Louie. Niyakap namin sya ni pinsan. Nandito kami para sayo. Be strong no matter what. Mahal ka namin ni kuya Rommel mo.sabi ni pinsan.

Kuya Rommel pag bumili ako ng bahay sayo ha.bigyan mo ko discount at yung maganda. Gusto ko 3bedrooms din.may covered parking. Katulad ng kay tito.pinag iipunan ko na magkaroon ng sariling bahay. Para pag nagkapamilya ako. Yun lang pala mas maganda pa sa bahay ni pinsan ang iaalok ko sa yo para mas maganda ang commission ko.pabiro kong sagot kay Louie. Basta wag mo kalimutan payo ko Louie..focus sa work at makisama sa coworker.paalala ulit ni pinsan.

 Patuloy kaming nagkwentuhan hanggang sa nagpaalam na si Louie at uuwi na sya. Sa kanyang pagpapaalam. Kuya Rommel,tito Nestor, babalik pa ako dito ha. May ibibigay pa ako sa inyo naiwan ko. Libro na binabasa ko sa barko. Bigay ng kaibigan kong seaman.pahabol ni Louie. Sige para hindi natutulog ang kuya mo sa tindahan.sagot ni pinsan.si pinsan sinabi na nga hindi na maulit.sagot ko kay pinsan.binibiro ka lang Boss ka sa tindahan pwede ka matulog.bawi ni pinsan. Yan ha Louie, saksi ka pwede ko matulog sa tindahan.sabi ko kay Louie. Tatawa tawang nagpaalam na si Louie. Tito, kuya balik ako.

 Nang sumunod na mga araw, naging abala kami ni pinsan sa 2nd branch. natapos na rin ang anniversary celebration, tinutukan na namin ni pinsan ang 2nd branch. Nag umpisa na kaming mag hire ng bagong empleayado. at nagpromote na rin kami ng ilang staff para sa bagong branch. ang unang branch ang training ground. May malilipat sa 2nd branch at merong mag stay. Naka schedule na rin ang nalalapit na opening ng 2nd branch.

 Bumalik na ulit si Louie, dala ang mga librong sinabi nya. Nagulat kami dahil... Kuya, Tito Nestor dala ko na ang bible na ibibigay ko sa inyo. Pinasobrahan ko na rin para sa mga staff.Ito yung binigay ng kaibigan ko sa barko, dahil nakikita nya na nag iisa ako kaya nagshare sa akin ng salita ng Diyos sa pamamagitan ng Bible. Ito naging gabay ko sa buhay habang nasa barko ako. Binabasa ko ito twing umaga at gabi. Para sa inyo po. Maganda yan sge babasahin ko yan sabi ni pinsan. Ikaw rin Rommel, kailangan natin ito. dugtong ni pinsan. Salamat Louie sa Bible.sabi ko kay Louie. Kuya Rommel madelay ang alis ko kasi nasa amerika pa ang barko. kung paalisin nila ako mahal daw pamasahe kaya pagdating nila sa Japan doon na raw ako paaalisin.dugtong ni louie sa amin. Aba maganda yan Louie, makaabot ka sa opening ng store. nakaschedule na sa susunod na linggo na.Tito baka pwede ko sumideline, magpart time habang nandito ako para may kita ako habang naghihintay ng sakay ko po.sabi ni Louie na excited. Oo naman Louie, kaya lang peso lang sweldo ha hindi dollar. sabi ni pinsan. Tawa lang si Louie, kailan po ako mag umpisa tito? bukas  pwede na.sabi ni pinsan. Kukuha ko ng damit ko Tito para maka umpisa na ako bukas. pwede po stay in hehehe..sabi ni Louie. pwede doon ka sa kwarto ko matulog, sabi ko kay Louie. Rommel, umayos ka ha,baka may pinaplano ka?sabi ni pinsan. Pinsan,Binigyan nga nya tayo ng Bible. May guidance na ako at tuturuan ako ni Louie ng salita ng Diyos. sagot ko kay pinsan. Tito, kuya uwi na po ako, babalik pa ko dito bukas. baka malate ako, hindi magandang late ako sa first day ko. sabi ni Louie. teka maghapunan muna tayo bago ka umuwi. Masaya kaming naghapunan at pagkatapos ay nagpaalam na si Louie.Mag ingat ka Louie. hintayin ka namin bukas.sabi ni pinsan. Salamat po tito. at umalis na si louie na iba ang saya ng umalis.

 Sa unang araw ni Louie sa store. Pinapunta sya ni pinsan sa akin para ma orient kung ano ang gagawin nya. kung ano oras ang breaktime. Masipag si Louie at madaling matuto. Walang sinasayang na oras. Sa tuwing natatapos ang trabaho nya kusa syang lumalapit o di kaya ay tumutulong sa kapwa nya worker ng iba pang gagawin. May kusa sa madaling salita. At nakakatuwa pa kay Louie, hindi nya ko tinatawag na kuya during work hours. Sir Rommel ang tawag nya sa akin kapag nasa work. Natatawa si pinsan sa kanya kasi kahit nasa bahay na kami sir pa rin sya ng sir sa akin. Louie! ano ka ba..nasa bahay ka na.off duty na sir pa rin tawag mo sa akin...sabi ko kay Louie. Sinabihan mo ba sya Rommel na tawagin kang sir? tanong ni pinsan.Hindi pinsan kusa nya yun.Nagulat nga ako at bigla akong tinawag na sir.sagot ko kay pinsan.

 Kumusta first day mo Louie? nakakapagod po tito.pinagbuhat ako ni kuya ng maraming boxes tapos, pinapunta ko sa stockroom, tapos pinagbilang ng kung anuano..sagot ni Louie na nagbibiro. Ako na naman ang masama dyan sa kwento mo Louie. porke alam mo na kakampihan ka ni pinsan. sabi ko sa kanilang dalawa. Joke lang po tito.sarap talaga asarin ni kuya Rommel. tinuruan nya po ako sa store, orientation po. at buddy buddy muna ako sa merchandiser at sa bagger. sabi ni Louie kay pinsan. Mabuti yan may matutunan ka sa susunod na araw iba naman..malay mo pagbalik mo magkaroon ka rin ng sarili mong store o share tayo sa mga susunod na branches. training ground mo yan habang naghihintay ka ng pagsampa mo sa barko.sabi ni pinsan kay louie. Nakangiti lang si Louie habang nakikinig kay pinsan. Pagkakain pahinga na tayo. sa kwarto ka ni Rommel matulog. Pagligpit namin ng pinagkainan, naiwan si Louie sa dining table at nakita ko syang nagbasa ng bibliya at parang nagdarasal.Hindi ko pinaalam sa kanya na nakatingin ako pero medyo matagal kayat hinintay ko na lang syang umakyat. Sa kwarto na ako nagtanong sa kanya.Gabi gabi ka nagbabasa ng bible?tanong ko sa kanya. Opo kuya, quiet time po tawag doon. nagpapasalamat ako sa Diyos sa biyayang binibigay nya sa akin.pinagdasal ko rin kayo at ang inyong tindahan. sabi ni Louie.Salamat Louie. pahinga na tayo.sabi ko sa kanya. 

 Kulang isang buwan din ang pinamalagi ni louie sa amin. Marami kaming natutunan sa kanya sa maikling panahon na yun. Nakapag open na rin kami ng 2nd branch. At sa opening si Louie ang pinag opening prayer namin. At mula noon ang parehong branch ay naguumpisa at nagtatapos sa maikling panalangin. Nagkaroon na rin kami ng bible study sa bahay na si Louie ang nangunguna sa amin ni pinsan. Dahil sa kanya nakahanap kami ng simbahan na mapupuntahan tuwing linggo. Inilapit kami ni Louie sa a Diyos bago sya sumakay ng barko. Malaki ang pagbabago ang dinulot ni louie sa amin kung kayat ang kanyang pag alis ay napaka lungkot para sa amin ni pinsan. 

 Kuya Rommel, magpapaalam na ako sa inyo ni tito, next week na ang sakay ko. babalik na ako ng maynila para magreport sa opisina. Pinapamedical na ulit ako. Bukas ang last day ko dito.paalam ni Louie sa akin. Sige sasabihin ko kay pinsan. ihahatid ka namin ha.sabi ko kay Louie..Oo naman kuya.sabi ni Louie. yung sweldo mo ipahanda ko na kay pinsan.sabi ko kay Louie. Salamat kuya.

Pinag usapan namin ni pinsan si Louie habang nasa maynila sya.Natutuwa si pinsan sa kanya dahil masipag at walang sinasayang na oras. At higit sa lahat napakabait na bata. Si Louie pa ang naglapit sa amin sa Diyos. Kayat sa pagbabalik nya gusto syang pasalamatan ni pinsan. May inihandang despedida para sa kanya. Kasama ang ilang nakasama nya sa store na naging kaibigan nya sa maikling panahon. Isang maliit na salo salo lang. Tiyak masosorpresa si Louie pagdating nya.

Dumating ang araw na  bumalik si louie. Tamang tama naka close na ang store. Sa bahay dumiretso si Louie. Kakutsaba na namin ang guard ng subdivision na padiretsohin sa bahay. Hindi na itatawag pa. Kumakatok si Louie pero walang nagbubukas. Ang drama namin ay may isang kasamahan sya na darating ang magbubukas dala ang susi. Louie, pinapunta ako ni sir gagabihin daw sila kaya pinadala ang susi sa akin, sabi ni Susan.nagulat si Louie dahil may gusto si Louie dito kay Susan. Ganun ba Susan. Magtatagal ba sila? tanong ni Louie.Halika na dala ko naman ang susi.Ako na bahala sayo.sabi ni Susan.sya namang kinatuwa ni Louie. Nakakahiya naman sa yo Susan?, wala yun.kaibigan ka naman.sagot ni Susan...Kaibigan lang Susan?biro ni Louie kay Susan.ngumiti lang si Susan hanggang mabuksan ang pinto. Pakibuksan ang ilaw Louie, hindi ko alam ang switch sabi ni Susan.. Dito sa kanan ang switch..biglang...


Itutuloy....


Miyerkules, Marso 2, 2022

BUHAY OFW (Si Pinsan, Si Louie at Si Rommel Part 12)

 <script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Sa balikat ni pinsan ako umiyak ng umiyak ng umiyak. Walang katapusang iyak. Hindi ako nahiya kahit mabasa ko ng luha ang paborito nyang polo. Salamat at hinayaan ako ni pinsan na umiyak sa balikat nya. Ang yakap nya na waling malisya ay dama ko. Ang bawat hagod nya sa aking likod ay nakapagpaluwag ng aking paghinga. Naiintindihan nya ang sitwasyon ko. Ramdam ko ang Suporta  ni pinsan ng mga sandaling iyon. Kung wala sya hindi ko alam ang gagawin. Pinaupo nya ako sa sofa at hinayaang magpahinga.  Hanggang sa ako ay naidlip ng hindi ko namamalayan sa aking pagkakaupo sa sofa. 

Paggising ko nandoon pa rin si pinsan. Binabantayan ako, nagkakape sya, nagmimeryenda. Kape gusto mo? Alok ni pinsan. Kumusta ka na? Lagi mong tatandaan nandito lang ako. Tayo lang magsuportahan. Wag ka mahihiya Rommel.. Salamat pinsan.ngayon alam ko may kasama ako. Hindi ako dapat matakot. Buti na lang nandyan ka lagi pinsan. Oo naman lagi kita binabantayan sa cctv kaya wag kang tutulog tulog habang nasa tindahan.lagot ka sa akin.pagbibiro ni pinsan. Isang beses lang naman yun pinsan. Hindi na mauulit.pag amin ko kay pinsan. Kita mo na, umamin ka rin.hahaha.. O,  ano ready ka na? Malapit na anniversary ng tindahan. Ako na bahala sa 2nd branch natin. Dalaw dalaw ka sa renovation on your free time. Focus ka sa anniversary, sa mga promos natin..wag mo kalimutan mga permit dahil maglagay tayo ng mga announcements sa baranggay. Mga solicitations at invitations ikaw na bahala. You can do it. Magaling ka. Yes sir! Confident na sagot ko kay pinsan. 

Isang linggo bago ang anniversary naging abala kami ni pinsan sa kanya kanya naming trabaho. Ako sa tindahan sya sa construction ng 2nd tindahan. Halos complete na mga promo materials, freebies, tarpaulin, raffles atbp. Ramdam na ang celebration sa store. Binisita ako ni pinsan at  natuwa sya sa preparations namin sa tindahan. Parang anniversary na ang ambiance dito ha. Ito ang pasasalamat natin sa customers sa kanilang pagtangkilik sa atin. Kinumusta ko ang construction. Kaya nga pala ako bumisita papatulong ako sa yo sa city hall sa permit. May pahabol na requirements na isusubmit. Nirequest ko na sa may ari. Pag ready na sabihan kita. No problem pinsan. Syanga pala pinsan.wag kang mawawala sa anniversary, may short program kami ginawa.magspeech ka ha..oo naman.ibubuko kita sa speech ko.sge ka hahaha. Pagbibiro ni pinsan.o sige balik na ko sa kabila. Babalik si engr.may pagusapan kami. Good luck!.paalam ni pinsan.

Nag umpisa na ang 1st anniversary promo namin. Dumami ang mga customer kahit hindi pa ang araw ng anniversary. Marami kaming gimmick tulad ng free items, buy1 take1, buy5 plus1,  libreng ecobag, libreng payong, libreng ballpen at marami pang iba. Kaya ng dumating ang araw ng anniversary, nagulat kami dahil jumpacked ang store. Hindi namin inaasahan. Ilang beses nagrefill ang mga merchandiser pati bagger nakisali na rin sa pagrefill. Nagulat si pinsan nang dumating sya. Hindi nya inaasahan ang dami ng tao. Talo pa ang opening namin  sa dami. Kayat hindi na rin natuloy ang speech ni pinsan. Maliit na program na lang na may kantahan,sayawan at may paraffle. Sa kabila ng kaabalahan may dumating na surprise guest. Si Louie, napaaga ang uwi. May pumalit na raw sa kanya kayat napaaga at hindi na nagpasundo. Gusto nya kami surpresahin ni pinsan.

Si pinsan na ang nag entertain sa kanya habang abala pa ako dahil sa dami ng customer at activities. Nagpauna na sila ni pinsan sa bahay, alas dyes na ng gabi ako nakauwi. Inabutan ko pa si Louie. Inanyayahan  sya ni pinsan na doon na matulog para magkwentuhan muna. Tito, nakakahiya naman.nakita ko ang daming tao sa store nyo kanina. Baka hindi kayo makapagpahinga. Uy Louie, ako nga dapat mahiya hindi kita naasikaso kanina.kaya si pinsan na nag entertain sa yo. Doon tayo sa kwarto magkwentuhan. Naguutos na boses ko kay louie. Rommel! Anong binabalak mo?pwede naman dito magkwentuhan. Bakit sa kwarto mo pa. Sabi ni pinsan. Natatawa si louie, wala ako extra damit kuya. SaBi ni Louie. Problema ba yun eh di wag ka magdamit.pabiro ko kay Louie. Sabi na nga ba may pinaplano ka kay Louie. Lokoloko ka talaga Rommel.sagot ni pinsan. Nagtatawanan kami ng gabing iyon. Napilit din namin si Louie na doon na matulog. Pero sa kwarto ni pinsan kami lahat natulog. Pinahiram ko ng pantulog si Louie. Halos nawala pagod ko nang magkita kami. Ang saya naming tatlo ng gabing iyun.

Kinaumagahan, naunang bumangon si pinsan at si Louie. Nasa kusina si pinsan  naghahanda ng almusal paggising ko. O bakit bumangon ka agad.sabi ni pinsan. Naamoy ko yung niluluto nyo kaya bumangon na ako.sagot ko kay pinsan. Saan si Louie pinsan? Naliligo papakita  ko sa kanya ang  2nd branch natin. Sakto paglabas ni Louie, kuya Rommel, sarap ng tulog mo ah,   hindi ka na namin ginising ni Tito Nestor. Atsaka may pangalan ka binabanggit, yun ba ang inspirasyon mo? Tanong ni Louie. Na mabilis na napick up ni pinsan at sinulsulan pa. Oo nga Rommel sino yung tinatawag mo? Kayong dalawa talaga pag nagsama paborito nyo ko pagtripan. Kayong dalawa lang ang mahal ko.ayan para hindi kayo magselos sa pangalan na narinig nyo. Depensa kong sagot sa kanila.kain na tayo tito at kuya Rommel.

Louie, salamat sa pagbisita kahit wala kang pasalubong sa amin. Pangaasar ko  kay Louie. Meron kaya kuya babalik ako sa isang araw.  Dadalhin ko.Gusto ko kasi kayo surpresahin ni tito. Kaya tumakbo ako agad dito. Hindi ko pa nabuksan bagahe ko.Magrereport pa ako sa office.sagot ni Louie. Louie, nagbibiro lang yan si Rommel. Makita ka lang masaya na yan. Sagot ni pinsan. Ngumiti lang si Louie, halatang natuwa sa sinabi ni pinsan si Louie.doon ko napansin ulit ang mga dimples nya. Pinsan ang mga dimples ni Louie ayan na naman. May iba akong nararamdaman. Sabi ko kay pinsan. Umayos ka Rommel, virgin na ulit  yan si Louie. Sasaktan mo na naman yang bunso natin. Ikaw kaya tirahin ko. pagtatanggol kay Louie na tawa ng tawa habang kumakain. 

After lunch dumaan sina Louie at pinsan sa store.  Inulit nya na babalik sya sa makalawa. Yung pasalubong ko Louie wag mo kalimutan..oo kuya meron ka pasalubong. O sige na babalik pa ako sa kabila sabi ni pinsan. Nagpaiwan ng sandali si Louie para makipagkwentuhan. Kulang isang oras nagpaalam na rin para  magreport  sa opisina.at pinagpatuloy ko ang sales report kahapon. May ibang kilig ang pagbisita ni Louie at pinsan pero iba na wala ng libog. Masaya ako para sa aming tatlo. 

Patapos na ang 1st year anniversary ng store. Hindi pa rin nagbabalik si Louie. Nagtataka ako bakit wala pa sya. Tinanong ko si pinsan kung nagtext sa kanya. hindi rin nagtext kay pinsan. pero may paliwanag si pinsan. Rommel ang mga ofw o seaman kung minsan pinapasakay agad pag nagreport. kahit kabababa lang, ipapamedical agad ng agency para pasakayin agad. Maaring ganun ang nangyari kay Louie. Kaya naging busy si bunso. Bakit ka nag aalala sa kanya? Sya ba ang inspirasyon mo? Pinsan ano ka ba? Nagtataka lang ako hindi nagmessage sa fb o sa messenger. Sagot ko kay pinsan. Tinext mo ba? Gusto mo ako magtext sa kanya?   Sabihin ko hinahanap mo sya.pang aasar ni pinsan sa akin. Ako na lang pinsan, baka kung ano pa itext mo.ipahamak ko pa.yung tono mo parang may pinaplano ka na naman sa akin.kayong dalawa ni Louie kilala ko na. Baka nga may plan A at plan B kayo sa akin. Tumawa lang si pinsan halatang nabisto ko na sila.

Makalipas ang limang araw,bumalik si Louie. Tama nga si pinsan, pinamedical si Louie ng agency. Sa kanyang pagbabalik,  nanghingi ng pasensya sa aming dalawa ni pinsan. Louie sa akin ok lang alam ko buhay ofw. Yang kuya Rommel mo ang nag aalala sayo. Baka raw may nangyari sayo. Baka maysakit ka.baka...pinutol ko na si pinsan. Pinsan baka kung ano pa sabihin mo tama na. Pagputol ko kay pinsan sa sasabihin nya.  Kuya,  tito Nestor, eto pasalubong ko sa inyo.sana magustuhan nyo. Sapatos at polo ang pasalubong ni Louie. Ang ganda naman sabi namin ni pinsan. Sinukat ko agad, sakto Louie. Susuot ko to araw araw. Buti kasya kuya rommel .kahit hindi kasya Louie pagkakasyahin ko paa ko. Biro ko kay louie. Tito Nestor kuya Rommel, baka sumakay ulit ako kaya ako bumalik para magpaalam. Nalungkot ako bigla sa binalita ni Louie. Buti na lang si pinsan sinalo ako agad. Ganyan talaga Louie buhay ofw..basta yung sinabi ko focus sa work, mag ipon.para pagdating ng panahon mag for good ka na rin. Tulad ng ginawa ko. After 25years kong ofw. Nag for good ako. Because theres no place like home.paalala ni pinsan. Ano ihahatid ulit kita?para makapag paalam ako kay pinsan. Sabi ko kay Louie. Wala pang date kuya Rommel pero anytime malamang. Anong ihahatid mo? Ihahatid nating dalawa si bunso. Hindi ko naihatid noong una kaya sasama ako ngayon. Dito ka na matulog sa gabi ng alis mo Louie para kaming dalawa maghatid sayo sa airport.  Natulala si Louie.nangilid ang luha. Natuwa dahil si kuya Rommel at tito Nestor nya ang maghahatid sa kanya......



Itutuloy....

Condo Sharing

 December 15, ang lipat ni John sa condo na lilipatan nya sa QC, kung saan sya na assign sa bago nyang trabaho bilang ahente ng noodles.  Co...