Si Miguel at si Bert

Miyerkules, Hunyo 29, 2022

Jackpot sa Lotto (Part 1)

 

<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Ako si  Crisostomo Manalo, Toto ang tawag sa akin dito sa opisina, may pagka patpatin pero may katangkaran. Hindi naman sa pagyayabang habulin ako ng mga babae, at bakla dito sa opisina. Dahil sa taglay kong  kagwapuhan (biro lang po). May pagkatisoy kasi ako. Anak ako ng Hapon, nagjajapan  kasi ang nanay ko noon. At higit sa lahat mahilig ako mangutang kaya habulin ako.. Sa Ortigas, ako nagtatrabaho bilang messenger.  Sa akin pinapadala lahat ng documento na papapirmahan sa mga boss. Sa akin din pinapadala ang mga checkeng idedeposit pag payday. Kaya ako ang tinatanong pag may sweldo na. At higit sa lahat lagi ako tumataya sa lotto. At ito ang aking kwento.

Pag pasok ko pa lang sa upisina. Headturner na ako.Bakit ko nasabi? Toto, paxerox mo ito ng isang ream.umpisahan ni Cecil (HR staff namin), Toto, puntahan mo ko mamaya sa office,  may ipapadala ako sa yo sa Makati.susundan ni Benjie,(accounting clerk) Toto, pag dating ni manang tawagin mo ako, wala akong baon.sunud naman si Angelo(clerk din).Talagang inaabangan nila ang pagpasok ko araw araw. Iba si Toto, laging maaasahan ng bayan. Ang kagandahan ng trabaho ko lahat sila nakakausap ko. Lahat sila nakikisuyo, kaya kapag kinapos ako,  madali ako nakakautang sa kanila. Sa trabaho ko bilang messenger natutunan ko makisama sa ibat ibang klase ng tao. 

Sa trabaho kong ito nahilig ako tumaya sa lotto. Paano kasi lagi ako bumibili ng dyaryo. Lagi ko nakikita ang lotto result.  Isang araw, malaki ang jackpot price, naisipan ko tumaya. Hindi man ako pinalad, naka tatlong numero ang tumama sa taya ko. Kapag ganun, balik taya ang tawag. Pwede ko tumaya ulit gamit ang lotto ticket na napanalunan ko. Sa aking pagtaya uli, hindi ako tumama. Isang numero lang ang lumabas.  Sabi ko sa sarili ko next time na lang ulit. Sayang ang bente ko.

Kasama ko sa bahay ang magulang ko. Si nanay na lang at dalawa kong kapatid. Dalawang kapatid ko hindi pa tapos, nasa high school at ang isa ay nasa college. Kumukuha ng BS Education, nasa 3rd year college na sya. Si nanay, busy sa kanyang maliit na negosyo. Meron syang sarisari store. Hindi na nya kaya mamasukan kaya ang natanggap nyang separation pay sa dati nyang pinapasukan ginamit nyang puhunan sa tindahan at pag weekend may tinda syang ulam. May kapatid akong may asawa at anak. Kung minsan bumibisita sa amin dala ang buong pamilya. Sila ang dahilan kung kaya ako nagsisikap. Kaya rin ako lagi tumataya sa lotto. Umaasa na makaka jackpot. Paminsan minsan lang naman ako tumaya.. 2 to 3x lang a week..mahal din kasi. Nakakahinayang ang P40 to P60 a week pag natalo. Pero nagbibigay ito ng pag asa kahit papaano. Nangangarap ako na isang araw mananalo din ako. Panalo para kay nanay. Panalo para sa pamilya. Sana ipagkaloob ng Diyos kung naaayon sa plano nya. Kung makabubuti sa akin.

Motor ang gamit ko sa pagpasok sa trabaho. Motor dahil matipid sa pamasahe, maaga pa ako nakakapasok at nakakauwi. Sagot ng kumpanya ang gasolina at maintenance dahil gamit ko sa trabaho. Ang mga security guard sa bldg na pinapasukan ko kilala na rin na mahilig ako sa lotto, kaya kung minsan sa akin nagtatanong kung may nanalo na o kaya naman kung nanalo na ako. Lagi nila ko binibiro na baka nanalo na ako. Hindi ko lang daw sinasabi dahil baka  manghingi sila ng balato. Ngiti lang sagot ko sa kanila. 

Bago ako bumalik sa opisina, inaayos ko muna sa parking lot ang mga inutos sa akin para pagbalik ko sa office, iaabot ko na lang sa kanila. Kasi pagkaabot ko ng mga documento, mag aayos pa ako sa pantry konting linis at meryenda muna. Saka ko sila kakausapin kung may iuutos pa sila.  Ang HR laging may inuutos sa akin. Parang hindi sila nauubusan ng utos, pero mababait sila. Hindi ko maramdaman na isa akong messenger. Kahit college graduate sila. Laging may please kung mag utos. Si Cecil nga sinabihan ako na baka gusto ko mag aral. Ituloy ko raw ang kurso ko, kasi sayang kung hindi ko tatapusin. Naka 2years na kasi ako sa kursong commerce. Sya na raw bahala sa management para sa schedule ng trabaho ko. Napangiti lang ako. Natuwa sa concern nya na umunlad ako. 

Friday, last day of the week. Naisipan ko tumaya ulit sa lotto. Birthday ko birthday ni Nanay at birthday ng kapatid ko tinayaan ko. Baka swertehin ako tutal two weeks yung last time na tumaya ako. Naging abala ako sa work. Dami din kasi nila utos kaya nakalimot ako tumaya. Sabado ng umaga bumili ako ng dyaryo. Hindi ko muna binasa sa opisina na lang kasi halfday lang ako pag sabado. Kaya pagkalinis ko saka ko tinignan ang lotto result. Birthday ni nanay lumabas..birthday ng kapatid ko lumabas...bale apat na numero na.. Nanalo na ko ng P1200..tuwa ko na. Yung birthday ko muntik na. Bale four digits lang lumabas. Natuwa ako dahil dati 3digits lang panalo ko ngayon four digits na. Baka sa susunod na taya ko 5digits na..nasa 34,000 din yun.. At nang maisip ko na baka sa susunod 6digits lalo ako sumaya. Kasi pag six digits ibig sabihin jackpot ang napanalunan ko..milyon yun. Maibibili ko na ng bahay ang nanay ko. Makakapag aral na ang dalawa kong kapatid ng sabay. Mababago na buhay namin.  Napangiti ako habang naglilinis ng office.hindi ko napansin na nakatingin sa akin ang kasamahan ko na si Angelo. Bakit ka nakangiti Toto? Nanalo ka ba sa lotto? Tanong ni Angelo sa akin. Hindi Angelo, nangangarap lang. Libre mangarap dba?sagot ko sa kanya.  Thumbs up lang sagot nya sa akin nang nakangiti.

Angelo, bakit ka nandito? Sabado ngayon. Ayaw na ayaw mo mag OT ng sabado dba?tanong ko sa kanya. Nakakainis ka Toto.. Angel ang itawag mo sa akin. As in Angel Locsin..pwede rin Darna.sagot nya sa akin.  Oo nga ayoko mag OT ng sabado. As in gusto ko matulog hanggang alas dose ng tanghali pag sabado. Kaya lang si Boss Mark may pinapagawa. May choice ba tayo? sabay buntong hininga nya. Buti na lang bibisitahin  ako ng jowa ko.kwento ni Angelo alyas Angel. Si Joey pupuntahan ka mamaya?sabi ko. Ano ka ba Toto, wala na kami ni Joey. Naka moveon na ko sa kanya. Wag mo na sya ipaalala pwede?sabay pinandilatan ako at tinaasan ng kilay. Si  Randy ang bisita ko .Ang bago kong boylet.. At wag mo ikukwento sa kanila dahil hindi pa nila kilala si Randy.babala sa akin ni Angelo. O sya,  Randy na kung Randy. Baba muna ako at bibili ng lunch..magpapabili ka ba.sabi ko sa kanya. Sige pabili na lang ng 1pc chicken at choco sundae. Eto P200.Keep the change. Basta promise mo na wag mo ikukwento si Randy sa kanila.bilin ni Angelo. Bumaba na ako para bumili. Pag labas ko ng opisina may  nasalubong ako isang lalaki, matangkad, mukhang nag gygym, maputi, papasok sa office namin. 

Medyo natagalan ako bumalik dahil lunch time na rin. Mahaba na ang pila sa Jollibee. Inabutan ko pa si Randy pag balik ko. Nag uusap sila ni Angelo. Nagpapaalam na si Randy. Ayaw pumayag ni Angelo, naiiyak sya pero umalis na rin si Randy. Mabilis halos mabangga ako. Nilapitan ko si Angelo sa table nya. Umiiyak sya, nakatingin lang ako habang inaayos ang lunch namin. Pagkatapos ko maghanda, umupo lang muna ako sa mesa. Pinagmamasdan ko si Angelo. Hanggang sya na rin ang lumapit sa akin at niyaya ako mag lunch na. Nakatingin lang ako sa kanya. Nag inhale muna ako bago ako magsalita. Ok ka na?sabi ko sa kanya. Hindi sya sumagot. Kumain lang muna kami ng tahimik. Walang imikan. Hanggang matapos kami kumain. Nilinis ko na rin ang pinagkainan namin. Hanggang anong oras ka dito?tanong ko sa kanya. Hindi sya sumagot. Humarap sa computer at nag umpisa na magtrabaho ulit. Nang matapos na ako sa trabaho ko. Inabutan ko sya ng panyo ko. At doon sya umpisa umiyak. Hindi muna ako uuwi. Samahan kita muna Angel.Hindi pa rin nagsalita si Angelo. Umiyak lang sya ng umiyak. Hinayaan ko lang sya. Bakit lagi ako iniiwan.  Ano ang mali sa akin Toto?usal nya habang umiiyak. Hinagod ko likod nya. Niyakap ko si Angelo. Baka hindi sila para sa iyo. May nakalaan para sa bawat isa Angel. Maghintay ka lang.

Pagpasok ko ng lunes, nagmamadali ako.  Toto, bakit ka nagmamadali?bati sa akin ni Benjie. Late na ko.(hingal)..nandyan na ba si Cecil?sagot ko. Wala pa relax ka lang. Lunes na lunes stress ka agad.sabi ni Benjie. Ay salamat, traffic sa shaw blvd.sabi ko habang nag aayos ng gamit ko. Bakit kaya wala pa si Cecil?bihira malate yun hehehe..sabi ko sa kanila. Oo nga kami rin nagulat bakit wala pa sya.sagot nina Angelo. Habang nag uusap kami nina Benjie at Angelo, tumawag si Cecil. Si Angelo ang nakasagot. Hello Cecil, bakit wala ka pa?bungad ni angelo sa kausap. Nandito kami sa ospital sinugod ko anak ko kanina, wala pa kasi Elmer, pauwi pa lang. Sumakit ang tyan ni Ryan yung bunso ko. Kaya hindi ako nakapasok ngayon.sagot ni Cecil kay Angelo. Si Toto, nandyan na?pakisabi yung envelope sa office ko kunin nya. Meron na instruction doon.pahabol ni Cecil. Kinukuha na ni Toto. Mukhang alam na nya gagawin.sagot ni Angelo. Kumusta na si Ryan?tanong nya kay Cecil. Maayos na. At papunta na asawa ko, susunduin kami pauwi. Bukas pasok na ako.sabi ni Cecil kay Angelo. Sige ingat kami na bahala dito nina Benjie at Toto.paalam ni Angelo kay Cecil. Pagbaba ni angelo ng phone. Iba talaga si cecil no.sabi ni Benjie. Nakahanda ang utos kay Toto. Nagtawanan kami lahat.

Habang inaayos ang envelope na sinabi ni Cecil. Nakita ni Benjie na may hawak akong lotto ticket. Toto mukhang napapadalas ka tumaya ng lotto ha?bati nya sa akin. Hindi naman nagbabakasakali lang na maswertehan.Sagot ko kay Benjie. Magkano na ba tayaan sa lotto.tanong nya. P20 lang ang 6digits.sagot ko. Kape tayo Benjie.alok ko sa kanya. Sige Toto, tapos na kami kanina ni Angelo. Lalabas ka na ba?tanong nya sa akin. Pagkakape ko alis na rin ako dito lang sa Ortigas ang mga utos ni Cecil para makabalik agad. May uutos ka?sabi ko kay Benjie. Wala naman. Ingat ka sa byahe. Sana tumama ka sa lotto. Basta wag lang sobra sobra ang taya.bilin nya...



Itutuloy....



Linggo, Hunyo 19, 2022

Graduation Day, Goodbye Pau (Hamburger and Spaghetti Part 4)

 <script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Girlfriend mo ba sya anak? Tanong ni victor sa anak. Bago sumagot si Paulo. Lumabas na ang nanay nya. Victor, salamat buti napasyal ka. Paulo kumuha ka ng juice para sa daddy mo. Utos ni nanay. Sandali lang daddy. Iniwan ni Paulo ang amat ina sa sala habang kumukuha ng juice para sa ama. Narinig nya na naguusap ang mga ito. May plano ang ama nya sa kanilang pag uusap. Pero kailangan pang kumbinsihin ang nanay nya.

Nay, pinag timpla na rin kita ng juice. Daddy doc, juice po. Nay, sa inyo..ito sa akin naman.. Cheers to a happy family.. Cheers sa paggaling ni nanay.. Cheers dahil kumpleto na family ko..sabay sabay naming tinaas ang baso ng juice. Natatawa si nanay at si daddy doc.. Pinagtatawanan nyo ko Nay?Daddy doc? Tanong ko sa kanila. Wala ikaw talaga anak dami mong gimmick.sabi ni nanay. Daddy doc mukhang siryoso pinag uusapan nyo ni nanay? Pwede sumali?sabi ko sa kanila. Sige nga anak kumbinsihin mo nanay mo na sa Makati  na kayo tumira doon sa bahay ko.sabi ni daddy doc. Nay, tamang tama gagraduate na ako. May matitirhan na ako malapit sa school. Sabi ko kay Nanay. Daddy doc, malapit ba yun sa PLM?TANONG ko kay daddy doc. Sige ok lang doon ka tumira sa Makati. Sa daddy  mo,hindi kita pipigilan. Sabi ni Nanay na may lungkot ang boses. Nay, syempre hindi kita iiwan. Close tayo dba. Walang iwanan.sabay tabi kay nanay at niyakap ng mahigpit at hinalikan si nanay. Huminga ng malalim si daddy doc. Saka nagsabing...hindi ka naman iiwan ni Paulo, Sylvia...sama-sama tayo doon sa bahay ko. Walang iwanan..sabi ni daddy doc. Yun naman pala Nay, walang iwanan, sabay akbay kay daddy doc. Mapupunuan na nya yung panahon na wala si Daddy Doc.sabi ko kay daddy doc  sabay bangga sa balikat nya. Teka parang may hugot ka anak sa sinabi mo.sabi ni daddy doc. Napangiti si Nanay sa sinabi ni Daddy doc. Kanino ka ba talaga anak?sabi ni nanay.. Ah...eh...ah...palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa..Nay naman..ano ba tanong yan.sabi ko kay Nanay.. O sige, Sylvia, hindi kita pipilitin magdecide agad agad. Hihiling lang ako, pwede ba ako pumunta dito para makasama kayo? Hiling ni daddy doc kay nanay. Oo naman Daddy Doc.sabi ko. Aba Paulo!  Pinangungunahan mo ko sumagot anak..sabi ni nanay sa akin. Tinignan ako nang nakasara ang bibig..saka tumahimik...Paulo ayaw yata ng nanay mo na makita ako.. Galit yata sa akin.sabi ni daddy doc..sige aalis na ako..sabi ni daddy doc at tumayo papuntang pintuan.. Victor!, hindi pa ko sumasagot..(malakas  ang boses ni nanay, natakot ako).... Iiwan mo ba kami ulit ni Paulo? Sabi ni nanay.... Welcome ka sa bahay na ito anumang oras Victor... Matinding... Yes!!! Ang nasabi ni daddy doc.sabay harap kay nanay.. Todo ngiti. masayang masaya si Daddy Doc. Bukas ang bahay na ito sa ama ng anak ko. (tumulo ang luha ni nanay, ako naman naiyak na rin pero nakangiting niyakap si nanay) si daddy doc naki group hug sa amin ni nanay..

Pagbalik ko sa school, mga Bunganga beauties agad ang sumalubong sa akin.. Burger King!..Burger King! naospital ka daw?.. Saan ka inoperahan?.. Ano sakit mo?..kaya ba absent ka?...sabi nila na nag alala pero ang lalakas ng boses talaga ng mga Bunganga beauties.. Salamat sa concern mga Bunganga Beauties..(may dating na pang aasar) opera agad...wala ako sakit po.Nanay ko po ang naospital..sabi ko sa kanila. Pau..Pau...si Rochelle tinatawag ako.  Uy Rochelle nandyan ka pala? Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin?tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa paligid. Mamaya na lang.sabi nya. Ok naintindihan ko, mamaya na lang, (habang paparating si Richard, kinawayan ko.) Ito pa isa oh.sabi ko kay Rochelle. Kayo talaga pasecret secret pa.sabi ng isa sa Bunganga beauties..At nag bell na at  Kanya kanya na kaming pasok sa aming room.

Good morning Class, bati ni Sir Arevalo sa amin. Mr.Paulo San Jose, your back. Kumusta nanay mo? Nabalitaan namin ang nangyari sa kanya.pangungumusta ni Sir. Maayos na po Sir. Ok, good to hear that. Alam mo na ba ang isa pang good news? Sabi ni sir. Nag sigawan ang buong klase ng Burger!...Burger!...Burger!.. Nagtataka ako bakit sila nagsisigawan ng burger.  Kamot lang ako sa ulo.. Anong meron Richard? Bulong ko kay Richard na ngumiti lang sa akin. Ok class it seems hindi pa nya alam,base on his expression. Hindi na natin patatagalin pa. You are candidate for 1st honorable mention in this Class. Keep it up Mr.San Jose. Ang masayang balita ni Sir. At nagsigawan ulit na may halong palakpakan pa ang buong klase. Ok class get one half sheet of paper lengthwise..quiz tayo..sabi ni sir. Quiz ulit Sir, lagi na lang surprise quiz.sabi nang nasa unahan. Kaya nga surprise...hehehe..dont worry class this will serve as review na rin.dahil malapit na ang finals nyo and few weeks from now graduation nyo na. Sana lahat kayo makapasa sa finals.. Sana lahat kayo makagraduate...no.1.....no.2.....no.3.....at doon na nag umpisa ang quiz.

Richard, ano kaya yung sasabihin ni Rochelle sa akin? Ako raw ang una nyang sasabihan. May balita ka?tanong ko kay Richard. Wala...hindi ko naman nakakausap si Rochelle. Baka sasagutin ka na nya.sagot ni Richard. Napangiti ako. Kinilig ako sa sinabi ni Richard. Sa loob loob ko. Baka nga kaya ako lang ang sasabihan nya. Hindi ako nakasagot pero halata sa mukha ko na natuwa ako sa narinig ko at nag umpisa na ako managinip ng gising. Hindi ko namalayan dumaan ang mga Bunganga Beauties. Richard, ano nangyari dyan kay Paulo, parang nangangarap ng gising.tanong nila kay Richard. Ewan ko dyan, nag uusap lang kami tapos naging ganyan na.sagot nya. Baka si Roche ang pinag uusapan nyo?sabi nila. Hello Bunganga Beauties, bati ni Paulo sa kanila. Uwi na kayo? Sige uwi na kayo..pagpapauwi sa kanila ni paulo. Hmmp!..sabay sabay na umirap ang Bunganga beauties kay Paulo. Ikaw lagi mo niloloko yung mga yun.sabi sa akin ni Richard. Ganun lang talaga kami mag biruan. Kita mo bukas lalapit na naman sa akin yun.sagot ko kay Richard. Ano uwi na rin tayo. Wala na si Rochelle. Baka sinundo ng mama nya. Gagawa pa tayo ng assignment.sabi ni Richard.

Natapos ang finals, pero hindi kami nakapag usap ni Rochelle. Lagi may humahadlang. Hindi ko alam kung ano sasabihin nya. Kinukumpleto na lang namin mga requirements sa bawat subjects namin, at the same time, abala kami sa graduation practice. Masaya ako dahil 1st honor ako at bukod doon si Nanay at si Daddy doc ang kasama ko sa graduation day. Si Richard naman may loyalty medal, tatay nya at nanay nya ang kasama nya sa graduation. Ang mga Bunganga beauties, kumpleto silang gagraduate din. Yung iba sa kanila kapatid ang kasama, dahil OFW  ang nanay o kaya naman tatay nila. Si Rochelle, ang crush ko ang Valedictorian ng batch namin. Marami humanga sa kanya kasi beauty and brains daw at higit sa lahat mabait pa. Swerte ko, ako ang kaibigan nya pero ayaw pa nya ako maging boyfriend kahit ang lahat akala ako ang boyfriend niya. 

Dumating ang araw ng graduation namin. Lahat ng batch namin gumraduate, walang naiwan, lahat nakapasa. Napakasaya ko kasi umakyat si Nanay at si Daddy doc sa stage para sabitan ako ng medal, 1st honor ako. Pagkatapos ibigay lahat ng medals ng bawat isa sa amin, nag speech ng Valedictory speech si Rochelle. Bahagi ng kanyang speech ang kwento ng kanyang school life,  nag share sya ng memories and experiences  being a student. Nagpasalamat sya sa mga teachers namin,who acted as our 2nd parent during our time in school, classmates at higit sa lahat sa mga parents na nagsupport sa amin bilang student. Dumating yung sad part ng speech nya which is ang farewell part, heartwarming ang speech nya, almost lahat kami naluha, dahil mag kakahiwa-hiwalay na kami after graduation day. Iba ibang school, iba ibang kurso ang  kukunin namin. Pero still after the ceremony, after madeclare kami as high school  Graduates napakasaya, napaka sarap ng feeling. Ang mga parents and teachers  namin hinayaan muna kami mag yakapan ng batchmates,magpaalam,  magpapicture, mag iyakan. 

Akala ko doon na natapos ang paalaman,  yakapan at iyakan namin. Aalis na kami nina Nanay at Daddy doc,  nang may tumawag sa akin. Pau...Pau...kilala ko ang boses na yun. Si Rochelle lang ang tumatawag sa akin ng Pau. Nilingon ko si Rochelle. Tama ako si Rochelle nga. Lumapit ako sa kanya, mga ilang hakbang din yun, ganun din sya. Salamat Pau, sa friendship. Salamat sa  time we spent together, sa pagsundo at paghatid mo sa akin, sa pagtulong mo sa mga projects ko.sabi ni Rochelle sa akin. Hindi ko naiintindihan. Pero niyakap nya ako. Lalong hindi ko naintindihan. First time nya ko niyakap. Rochelle, hindi ko naiintindihan.sabi ko sa kanya. Sorry Pau,hindi ko nasabi sa yo. (umiiyak si Rochelle) were leaving. Ang buong family namin will migrate to Australia. Yun ang gusto ko sabihin sa yo pero hindi tayo nagkaroon ng chance. Doon ako naiyak.niyakap ko sya ng mahigpit. Matagal. Hindi ko namalayan na nakatingin na ang buong batch namin pati sina Sir Santos at Sir Arevalo, nandoon din. Goodbye Pau, ang huling sinabi ni Rochelle sa akin. Nakatayo lang ako umiiyak, nakatingin kay Rochelle hanggang sumakay na sya ng kotse. At umalis na sila ng pamilya nya. Nilapitan ako ni Nanay at Daddy doc.  Lumapit din ang mga Bunganga beauties, si Richard na kaibigan ko at ang mga classmates ko.

Tayo na anak, sabi ni Nanay. Lumakad na kami papunta sa kotse. Tahimik lang ako. Hanggang sa makarating kami sa hotel kung saan kami dinala ni Daddy Doc. Nay, bakit tayo nandito? Anong gagawin natin dito?...mahal dito dba? Nakatingin ako ng matagal sa kanila. Si nanay tinignan si daddy doc. Treat ko anak ngayong graduation mo. For being 1st honor and for being a good son sa nanay mo. Ikaw ang kasama nya noong wala ako. Ikaw ang  naging protector nya habang wala ako. Ikaw ang....pinutol na sya ni nanay. Tama Victor...paiiyakin mo pa anak natin. Kanina pa umiiyak yan.sabi ni Nanay. Paulo, simple lang treat nya ito. Surprise nya sa atin. Will stay here overnight dito.sabi ni nanay. Wala ako dala gamit Nay.sabi ko. Inihanda na ng nanay mo. Hindi namin sinabi dahil surprise nga anak.sabi ni Daddy doc. Bukas will go shopping. Break muna ako sa hospital. Bonding tayong tatlo. Napangiti ako sa surprise nila. Tumuloy na kami sa hotel  room. Para makapahinga at magbihis. Tapos bumaba na kami sa restaurant. Nagulat ako sa prices ng menu at lalo na sa presyo ng hamburger. Order na tayo.sabi ni nanay.  Wala akong ma order Nay hindi ako familiar sa mga nasa menu. Kaya sina Nanay at Daddy Doc ang umorder para sa akin. Nagkwentuhan kami habang naghihintay kumain. Tinanong nila ako ng plans ko after graduation. Kung may result na ang entrance exam ko sa PLM. Kung titira ba ako kay Daddy Doc at kung anu ano pa. Unti unti nawawala ang lungkot ko dahil sa support nila. Niyaya pa ako ni Daddy Doc magswimming. Tumanggi lang ako dahil ang taba ko. Sabi pa ni daddy, mas mataba pa ako sa yo noong kaedad mo ako. Tanungin mo nanay mo. Natawa si nanay dahil totoong mataba si daddy doc noon. Sobrang taba Paulo ng daddy mo noon. Mas mataba pa sayo. Sabi ni nanay na natatawa. Paano tulad mo matakaw din sya.dugtong pa ni nanay. Talaga daddy Doc. Mas mataba ka pa sa akin.tanong ko kay daddy doc. Paano ka pumayat? Nagtatakang tanong ko. Dahil sa nanay mo.nagkagusto ako sa kanya. At dahil sa pag aaral. Tinutok ko attention ko sa pag aaral.sabi ni daddy doc. 

Pagbalik namin sa hotel room nabawasan na ang lungkot ko sa biglaang paghihiwalay namin ni Rochelle. May natutunan ako sa aking mga magulang. Sa mga narinug ko  sa kwentuhan  namin nina Nanay at Daddy doc. Alam ko na  dapat ang aking focus. Ang aking pag aaral, Ang aking pamilya at Ang pag eexercise para pumayat. Ang Hamburger at Spaghetti ay naging bahagi ng buhay estudyante ko. Naging palakaibigan ako at nagustuhan nila ang pagiging masayahin ko. At si Rochelle ang aking Sweet Spaghetti ang magigiging inspiration ko sa aking pagpapapayat at pag aaral. Maaring isang araw magkikita kaming muli at itutuloy namin ang kwento ng Hamburger at Spaghetti tulad ng love story ni Nanay at Daddy Doc.


Martes, Hunyo 14, 2022

Daddy Doc meets Rochelle (Hamburger and Spaghetti Part 3)

 

<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Maybinubulong ka Richard? Sabi ng tatay nya. Wala po tay.sagot ni Richard  sa tatay nya. Tito, kaliwa po tayo, doon po bahay namin. May susi ako kaya hindi na ako kumatok. Paulo, makikinom kami ni tatay at makiki cr ha.sabi ni Richard sa akin. Sge park muna kayo,ihanda ko ang tubig. Nay, dito na po kami ni Richard.. Nay..Nay... Naaaaay!  Napasigaw ng napakalakas at Napatakbo si Paulo sa nakitang itsura ng  nanay nya.. Dinig nina  Richard at tatay nya ang sigaw ni Paulo kaya  dali daling pumasok sila sa bahay nina Paulo. Nakita nila ang nanay ni Paulo na hawak ang ulo. Nahihilo ko anak. Buti dumating ka na. Sabi ng nanay nya. Dalhin na natin sya sa ospital sabi ng tatay ni Richard. Sige po tito. Para matignan agad si nanay.pagsang ayon ko kay tito. Nay magdala lang ako gamit, dalhin namin kayo sa ospital ngayon na.sabi ko kay nanay.  Richard, Tito, cr muna kayo. Pasensya na kayo.sabi ko sa kanila. Ok lang Paulo, sabi ni Tito sa akin. Sge sumakay na kayo sa kotse. 

Pagdating namin sa ospital, pinahiga agad sa stretcher si nanay, kinunan ng bp, at kung anuano pa. Nakaupo lang ako sa isang sulok. Si richard kasama ko sa emergency room. Si Tito, nasa labas ng E.R. Tito, kailangan po iconfine si nanay. Kailangan daw sya imonitor para  maobserbahan. Mukhang na  mild stroke si nanay. Buti na lang daw nadala agad sa ospital. Binalita ko kay Tito, habang nanginginig boses ko dahil naiiyak ako. Paulo, sge ipaconfine mo nanay mo. Wag ka mag alala. Tutal linggo na. Pasamahan kita kay Richard ngayon kahit bukas na sya umuwi. Sabi ni tito na ikinatuwa ko, dahil hindi ko alam gagawin ko. Kaming  dalawa lang  kasi ni  nanay, wala kaming malapit na kamag anak. Salamat Tito. Inabutan ako ni tito ng P2000, iwan ko sayo ito baka may ipabiling gamot sa inyo.sabi ni Tito. Ang totoo tito wala ako pera. Pero paggaling ni nanay babayaran ko ito. Ililista ko po ito.nahihiya kong sinabi kay Tito. Wag mo muna isipin yan. Pag lipat  natin sa room bibili lang ako ng food tapos iwan ko kayo ni Richard para maka pahinga na kayo. Magdasal kayo tanging Diyos lang ang makakatulong sa inyo mag ina.bilin ng tatay ni Richard.

Madali nakakuha ng room sa ospital. Maliit lang pero may sariling cr, may tv, at aircon. Tulog si nanay ng ilipat sa kwarto.  Bakit tulog ang nanay ko? Ano oras sya magigising? Tanong ko sa nurse. Habang si Richard nag aayos ng gamit at matutulugan namin. Binigyan sya ng pampakalma at pain reliever para makapahinga sya. Ano mo ang pasyente?tanong ng nurse sa akin. Nanay ko sya.sagot ko sa nurse. Mamaya check ko ulit bp nya..bumababa na. Na ka schedule na rin sya sa ct scan and 2d echo. Mamayang umaga susunduin sya.sabi ng nurse. Salamat nurse.sabi ko sa nurse. Paulo, kumain ka muna. Nagdala ng burger si tatay at noodles. Meron din kapeng binili si tatay. Alok ni Richard. Salamat Richard, buti na lang pinaiwan ka ni Tito.sabi ko kay Richard. Pag pray natin nanay mo na gumaling agad sya at humingi tayo ng provision kay God para sa bills. Tapos kumain ka na at pahinga na tayo, habang tulog pa nanay mo. Sabi ni Richard sa akin. Sumunod na lang ako kay Richard. Nagdasal kami para sa kagalingan ni nanay at para sa pambayad sa ospital.  At natulog na si Richard. Hindi ako makatulog, pinagmamasdan ko lang si nanay. Hawak ko ang kamay nya. At bumubulong na nanay, pagaling ka. Malapit na graduation ko.sasabitan mo ko ng medalya. Tumutulo na ang luha ko ng maramdaman ko may humahagod sa likod ko. 

Si Dr.San Jose, neurologist ni nanay. Iho, ikaw ba ang anak ng pasyente?tanong ni dr.San jose. Opo doc.habang nagpupunas ng luha.sagot ko kay doc. Stable na ang bp ng nanay mo, ok naman mga lab test nya. Bukas ipapa ct scan natin sya at 2d echo para mas maka sigurado tayo sa kondisyon nya. Narinig ko na may medal ka sa graduation mo. Matutuwa nanay mo pag nalaman yan. Mag cocollege ka na ba?tanong ni doc. Opo doc 4th year high school na po ako.sagot ko kay doc. Anong kukunin mo?tanong ni doc. Balak ko po mag physical therapy or medtech po sa PLM.sagot ko kay doc. Ngumiti si Doc.  You must be good in science. Swerte ng nanay mo matalino ka na mabait pa. Magpahinga ka na anak.sge mag rounds pa kami. Salamat po doc. 

Bandang alas 6ng umaga gising na kami ni Richard. Gising na rin si nanay. Inabutan kami ng mga nurse na nag uusap habang nag aalmusal. Good morning po, Mam San Jose,  mga 10am po sunduin kayo para sa ct scan.sabi ng nurse. Kanina po nag rounds si Dr.San Jose, tulog po kayo.sabi ng nurse. Dr.San Jose ang pangalan ng doctor ko? Sabi ni nanay. Yes mam, kilala nyo po?tanong ng nurse. Anong first name ng doctor ko?tanong ni nanay sa nurse. Victor po. Dr. Victor San Jose po.sagot ng nurse. Salamat nurse. Dr.Victor San Jose, bulong ni nanay. Nay, kilala nyo po si Dr.san Jose? Kinausap nya ko kagabi nang dumating sya. Mabait po sya sa akin.sabi ko kay nanay. Mabuti naman anak. Richard, salamat sa tulong nyo. Pasabi sa tatay mo maraming salamat.sabi ni nanay kay Richard. Walang anuman po. Tita  Sylvia, sasabihin ko po kay tatay. Ano nga pala tita, pag sundo sa inyo uuwi na rin po ako. Pero babalik po ako mamayang gabi po. Bantay po ulit ako mamaya para samahan ang kaibigan ko.sabi ni Richard.   Nagpatuloy ang kwentuhan naming tatlo. Kinwento ko kay nanay ang nangyari sa JS prom. Natutuwa sya at naenjoy ko ang prom. Hanggang dumating na mga sundo ni nanay papunta sa ct scan. Sya namang dating ni Dr.Victor San Jose. Good morning.bati ni dr.san jose. Doc kaaalis lang ni nanay dinala sa ct scan.sabi ko kay doc. Ganun ba...sayang hindi kami nag abot...  Nagmadali pa naman ako.. Kumusta nanay mo anak.sabi ni doc. Maaga po nagising si nanay Doc, masigla po sya. Hindi katulad ng dinala namin dito kagabi. Kumain po sya ng konti doc. Sabi ko kay doc. Sige ipapakuha ko agad resulta ng ct scan para mabasa agad. Babalik ako para sa result. Salamat anak. Sabi ni Doc. Paulo, bakit anak tawag ni doc sa yo? Atsaka Medyo hawig kayo ni Doc. Mahilig din kaya sa hamburger si Doc? Coincidence pa na ka apelyido mo sya San Jose din. Baka sya ang tatay mo Paulo?bulong ni Richard sa akin. Sira ulo, nataon lang yun. Hindi ko kilala tatay ko. Bihirang magkwento si  nanay tungkol sa tatay ko.kwento ko kay Richard. Nahawa ka na sa mga bunganga beauties na kaklase ni Rochelle. Kung anoano iniisip mo.umuwi ka na nga.sabi ko kay Richard.

 Bago maglunch bumalik na si nanay sa room. Binanggit ko na hindi sya inabutan ni Dr.San Jose. Nay,babalik si doc kapag may result na ang ct scan sabi nya.kain na tayo ng lunch nay, dumating na rasyon nyo. Mukhang masarap, tinikman ko kanina. Sabi ko kay nanay. Anak, sige kumain ka na. Anong oras babalik si Doc anak? Tanong ni nanay. Walang sinabing oras po nay basta babalik daw sya. Niloloko nga ako ni Richard, baka tatay ko raw si Doc, kasi kamukha ko. Maitim na mabilog ang pisngi. Singkit din ang mga mata.Tapos Anak pa  ang tawag nya sa akin. Sabi ko hindi ko kilala tatay ko. Nagulat si nanay nung sinabi kong anak ang tawag sa akin ni Doc.  Paulo, anak pasensya na hindi ako nagkwento sayo tungkol sa tatay mo, dahil hindi rin alam ng tatay mo na buntis ako noong naghiwalay kami. Dahil ayaw sa akin ng magulang nya. Kaya nagkahiwalay kami.kwento ni nanay. Hindi namin alam na nasa likod na namin si Doc San Jose. Pwedeng pumasok? Sabi ni Doc. Victor!....Victor!...gulat na nasabi ni nanay ang pangalan ni Dr.San Jose. Ikaw ang doctor ko?   Nakangiti si Dr.San Jose. Dala ko ang result ng CT scan mo Sylvia. Wala namang nakitang problema. Everything is ok. Nurse, pwede iwan mo muna kami.sabi ni doc sa nurse. At umalis na ang nurse dala ang chart ni nanay. Sorry Sylvia, hindi kita pinaglaban noon. Hope you understand and forgive me. Nag aral ako ng medicine. Hindi ka nawala sa isip at puso ko kaya hanggang ngayon Hindi pa ako nag aasawa. Anak mo ba ang batang ito?sabay hawak sa balikat ko si Doc. Anak natin sya Victor. Pinalaki ko sya mag isa. Nagsikap ako para pag dating ng araw na ito hindi ako mapahiya sa magulang mo. Mahirap pero hindi ko pinagsisihan dahil isa syang mabuting bata, mabait, matalino. Matakaw nga lang sa Burger.sabi ni nanay. Nay naman. Nakakahiya kay Doc. Anong doc?sabi ni Doc. Anak kita sabi ng nanay mo. Kaya pala malakas ang kutob ko, kagabi pa lang.sabi ni Doc. Nay sya ang tatay ko?paniniguro ko kay nanay. Oo naman sya lang naging boyfriend ko at wala nang iba.sabi ni nanay. Ano tatawag ko sa kanya?tanong ko sa kanila. Nagtinginan silang dalawa. Nagtawanan kaming tatlo. Biglang dumating ang nurse. Doc, pinapatawag po kayo sa ER.sabi ng nurse. Sylvia, anak, babalik ako may emergency lang.paalam ni doc. Nagtaka ang nurse bakit anak tawag sa akin ni doc. Pero hindi na nagtanong lumabas na rin ng room.

Afternoon na nang sunduin si nanay  para sa 2d echo. Nagsabi ang nurse kay nanay na lilipat daw kami ng room bilin ni doc san jose. Kaya pag alis ni nanay, inayos ko ang gamit namin at lumipat sa mas malaking room, suite room ang nilipatan namin. Kumpleto ang room, may cabinet, may extra bed para sa bantay, may sofa pa.malaki ang cr parang nasa bahay lang. Nurse ang laki naman nito. Mahal ito.sabi ko sa nurse. Dito po kayo pinalipat ni Dr.San Jose.sabi ng nurse. Bandang alas 7 ng gabi, dumating si Richard. Dala na nya ang bag at uniform para bukas, diretso na sya sa school. Paulo, naligaw ako. Pumunta ko sa room nyo kanina, ibang pasyente ang nandoon. Balik ako sa nurse station,dito ko tinuro.sabi ni Richard. Pinalipat kami ni dr.san Jose dito kanina. Nakapagusap na sila ni nanay. Nakatingin lang si nanay sa amin. Sabi na sa yo tatay mo yung doctor. Tita sabi ko kay Paulo, kamukha nya ang doctor nyo.sabi ni Richard kay nanay.  Dumating si Doc habang nagkukwentuhan kami. Biglang tumahimik si Richard. Normal ang result ng 2d echo. Kaya pwede ka na umuwi bukas or next day. Yung hilo mo pwedeng napagod ka ng mga nagdaang araw kaya tumaas bp mo. Baka sobrang pag iisip. Sakit ba ng ulo itong si Paulo?.sabi ni doc kay nanay. Hindi Victor, mabait ang anak natin.sagot ni nanay kay daddy doc. Doc,kaibigan ko po si Richard. Sya po at ang tatay nya nagdala kay nanay dito sa ospital.pagpapakilala ko kay Richard kay daddy doc. Bakit doc tawag mo Paulo, dba dapat daddy doc?bulong ni Richard. Salamat Richard, kaibigan ka pala ng anak ko.tinapik ni daddy doc si Richard sa balikat. 

Kinaumagahan, unang nagising si Richard sa amin. Habang nagbabasta sya pagpasok sa school,nagising si nanay.  Tita Sylvia, pasok na po ako sa school. Hindi ko na po gisingin si Paulo.sabi ni Richard kay nanay. Richard, natapos nyo ba ang assignment mo?tanong ni nanay. Opo tita, nahirapan po si Paulo i-explain sa akin kasi hindi ko maintindihan ang physics.Kaya napuyat kami. Tita, pwede ba bumisita mga classmate namin mamaya after class?tanong ni Richard. Richard, sa bahay na lang baka umuwi na kami mamaya or bukas. Ipagluto ko pa sila ng spaghetti pag malakas na ako.sagot ni nanay. Sige po tita, natanong ko lang po. Pasok na po ako.paalam ni Richard. 

Sa school, good morning class. Bati ni sir arevalo sa klase. where is Mr.Paulo San Jose?hanap ni sir kay paulo. Sir, nasa hospital po.sagot ng classmate namin. Nagulat si Mr.Arevalo. sir yung nanay nya po nasa ospital. Dinala po namin noong sabado ng gabi after the prom.sabi ni Richard. Pero baka mamaya or bukas po lalabas na sila ng ospital sir. Bantay po kami ni Paulo kagabi sir.sagot ni Richard. May goodnews ako sa kanya. Actually, before the prom sana sabihin ko pero naisip ko after na lang. He is running for 1st  honorable mention  ng class na ito. Nagsigawan ang buong klase. Natuwa sa balita ni Sir Arevalo. Sir pag nalaman ng nanay nya sigurado matutuwa yun.sabi ni Richard . Pwede ba tayo bumisita mamaya sa ospital?tanong ni sir kay Richard. Sir tinanong ko rin yan kay tita Sylvia, ang sabi nya baka umuwi na sila mamaya or bukas. Sa bahay na lang daw po ang bisita sa Sat po.sagot ni Richard.

After ng klase,Richard, si Pau? Bakit wala sya? Absent sya?tanong ni Rochelle. Hmmmm!hinahanap nya kaibigan ko!...namimiss nya agad..pang aasar ni Richard kay Rochelle.  Asan si Pau? Napipikon na si Rochelle. Nasa ospital! Pikon ka talaga..sabi ni Richard. Haa!...ano nangyari kay Pau...kailan pa sya nasa ospital! Nag aalalang boses ni Rochelle. Concern!... Ok lang si Paulo, Rochelle. Kalma ka lang.. Nanay nya ang dinala sa ospital noong sabado.pero baka lumabas na mamaya or bukas.sagot ni richard kay Rochelle. Puntahan natin. Dalhan natin ng fruits si tita Sylvia.please samahan mo ako..sabi ni Rochelle.  Tita Sylvia! na pala tawag mo sa nanay ni Paulo. Kailan pa.hehehe.. Nang aasar pa rin si Richard. Tayo na para hindi tayo gabihin at abutan natin sila sa hospital.nagmamadaling hila ni Rochelle si Richard.

Sa ospital, tita pasensya na po. Si Rochelle kasama ko po. Nag aalala kasi kay Paulo....sa inyo po pala nang malamang nasa ospital kayo.sabi ni richard kay nanay. Tita Sylvia, itong si Richard, inaasar ako. Kayo po pinuntahan ko. May dala po akong fruits and flowers para sa inyo.depensa ni Rochelle. Salamat Rochelle sa pagbisita. Ok na ako bukas kami uuwi sabi ng doctor ko. Eksakto pasok ni Dr san Jose. Good afternoon Sylvia, kumusta ka na. Bukas ka na uuwi.sabi ni doc San Jose. Victor, mga kaibigan ni Paulo. Si Richard at si Rochelle.pakilala ni nanay kina Rochelle. Sya ba ang girlfriend ng anak natin? Magandang bata at maalalahanin  pa. Sabi ni Dr.San Jose.natawa si Richard. Namula naman si Rochelle. Rochelle, sya ang daddy doc ni Paulo.bulong ni richard kay Rochelle. Anong binubulong mo na naman dyan Richard? Lagi kang bumubulong.biro ni Dr.San Jose kay Richard. natawa na si Rochelle, dahil napansin agad na mahilig bumulong si Richard. Wala po Tito doc, sabi ni Richard. Tita Sylvia si Paulo po?tanong ni Richard. May binili lang sa labas at nagugutom daw sya. Pabalik na yun.sabi ni nanay. Malamang po tita, burger na naman ang binili nun.hindi nagsasawa sa burger yun.sabi ni Richard. Pagdating ni Paulo, tama si Richard. Dalawang burger ang dala ni Paulo. Natawa si Rochelle dahil may catsup pa si Paulo sa labi. Paulo, nandito ang girlfriend mo?sabi ni daddy doc kay Paulo. Nagulat si Paulo bigla nagpunas ng catsup sa bibig. Kaibigan ko lang po si Rochelle daddy doc. Magagalit yan sa akin pag tinutukso sya sa akin.sagot ni Paulo sa ama. Natawa si Dr san Jose. Sige na nga.sabi ni doc.

Pag uwi namin sa bahay. Ipinahatid kami ni daddy doc sa driver nya dahil naka duty sya. Naintindihan naman namin ni nanay. Wala kami binayaran sa ospital, charge daw lahat kay daddy doc.  Sa bahay, pinagpahinga ko muna si nanay. Ako na ang nag ayos ng gamit namin. Nay, bibili na lang muna ako ng ulam sa kanto para hindi na tayo mapagod sa pagluto.mamaya na ako magsaing pag balik ko.sabi ko kay nanay. Bahala ka na Paulo, pahinga lang muna ako.sabi ni nanay. Dumalaw ulit sa bahay si Rochelle, may dalang ulam. Pau, dinalhan ko si tita Sylvia ng ulam. Alam ko wala kayo luto at pagod kayo kaya nagpaluto si daddy ng ulam. Sana magustuhan nyo.sabi ni Rochelle. Salamat Rochelle, bibili na nga ako ng ulam namin dahil, nagugutom na ako.sabi ko sa kanya. Pagdating namin ni Rochelle sa bahay tulog pa si nanay. Kaya nagsaing na muna ako.

 Tamang tama pag gising ni nanay luto na ang sinaing. Nandito si Rochelle, may dalang ulam. Ang bango..amoy pa lang nagugutom na ako.sabi ko kay nanay. Lahat naman masarap sayo Pau.sabi ni Rochelle. tama ka Rochelle.kaya ang taba ng kaibigan mo.sabi ni nanay.  Nay kain na ako ha ang sarap. Sa ospital kasi matabang ang pagkain atsaka konti lang.sabi ko sa kanila.  Dahan dahan lang sa kain  Pau. Maghuhugas ka pa mamaya ng pinggan.biro ni Rochelle sa kaibigan. Kumusta na po kayo tita Sylvia.bati ni Rochelle kay nanay. Maayos na. Kala ko na stroke ako. Napagod lang sabi ni doctor.sagot ni nanay. Tita, pwede po magtanong?sabi ni Rochelle. Yung doctor nyo po, daddy doc ang tawag ni Pau? Ngumiti si nanay. Daddy ko yun Rochelle, sabi ni nanay. Yung love story nila sa school ko na lang kwento. Magpapakwento pa ako kay nanay.sagot ko kay Rochelle. Kamukhang kamukha kasi ni Pau, tita kaya natanong ko po pasensya na po.sabi ni Rochelle kay nanay.ganyan din sabi ni Richard.ok lang Rochelle. Masarap ang ulam na dala mo Rochelle. Ikaw ba nagluto o si mama mo?bati ni nanay sa ulam. Si daddy po nagluto. Nang malaman nya kagabi na lalabas kayo sa ospital today, dinagdagan nya ang ulam namin para ipadala sa inyo.sabi ni Rochelle. Paulo, naubos mo na ang ulam.sabi ni nanay. Masarap po kasi atsaka gutom na gutom ako.sagot ko kay nanay. Nagkwentuhan kasi tayo tita kaya sinamantala nya...sabi ni Rochelle. May sabihin ako sa yo Pau kaya rin ako nagpunta dito sa inyo. Gusto ko ikaw una makaalam.sabi ni Rochelle sa akin. Ano yun Rochelle, parang serious naman yan.balik ko kay Rochelle. O sige iwan ko na muna kayong dalawa para makapag usap kayo ni Rochelle. Paulo ikaw ang maghugas ng pinagkainan ha baka si Rochelle paghugasin mo.sabi ni nanay.

Hindi mo ako sinabihan na naospital si tita. Kaya ka pala wala sa school kahapon. Umpisa ni Rochelle. Kung hindi ko pa nakita si Richard hindi ko malalaman. Ayun inasar pa tuloy ako.pagpapatuloy ni Rochelle. Si richard talaga hindi halatang lokoloko no. Binulungan ka rin ba nya?sagot ko kay Rochelle. Biglaan kasi kaya hindi na kita nasabihan. Pag uwi namin nung sabado.dugtong ni Paulo. Ano nga pala yung ulam na dala mo ang sarap. Sabihan ko si nanay iluto yun pag malakas na sya.pahabol ni Paulo. Ano sasabihin mo pala sa akin.pagtatapos ni Paulo. naayos na namin ni mama mga papers namin, kaya ako laging absent sa school. pinaayos nya ang mga  passport naming magkakapatid.sabi ni Rochelle. Mag aabroad kayo?  Dahil valedictorian ka? Saan kayo mamamasyal?excited na tanong ni Paulo.  Sasagot na sana si Rochelle nang biglang may kumatok. Tao po!....tao po.... Sandali lang Rochelle may tao yata, buksan ko lang pinto.sabi ni paulo kay Rochelle.  Daddy doc, kayo pala. Tapos na duty nyo? Nandito po si Rochelle, si nanay nagpapahinga sa kwarto nya. Sabi ni paulo sa daddy nya.  Good afternoon po doc. Bati ni Rochelle kay dr.San Jose. Good afternoon din Ro... Rochelle...tama ba?sabi ni doc. Opo doc tama po.sagot ni Rochelle nang nakangiti. Daddy doc,upo ka muna puntahan ko lang si nanay.sabi ni Paulo kay dr.San Jose. Pagbalik ni Paulo sa sala. Daddy doc, susunod na si nanay.sabi ni Paulo.  Pau, uuwi na ako, sir, una na po ako.paalam ni rochelle kay daddy doc. Dba may sasabihin ka pa?pahabol ni Paulo kay Rochelle. Sa school na lang natin pag usapan. Sir nice meeting you po ulit. Paalam ni Rochelle sa mag ama.

Mukhang may pinag uusapan kayo nang dumating ako anak.sabi ni daddy doc.  Opo daddy, may binanggit si Rochelle na passport. Mukhang mag aabroad sila. Valedictorian kasi sya.sabi ni paulo sa ama. Wow talino na,maganda pa, mabait pa. Girlfriend mo ba sya anak? Tanong ni victor sa anak. Bago sumagot si Paulo. Lumabas na ang nanay nya. Victor, salamat buti napasyal ka. Paulo kumuha ka ng juice para sa daddy mo. Utos ni nanay. Sandali lang daddy. Iniwan ni Paulo ang amat ina sa sala habang kumukuha ng juice para sa ama. Narinig nya na naguusap ang mga ito. May plano ang ama nya sa kanilang pag uusap. Pero kailangan pang kumbinsihin ang nanay nya. 



Itutuloy.....

Lunes, Hunyo 6, 2022

Rochelles Report (Hamburger and Spaghetti Part 2)

<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

 Paano na ngayong alam na nyang crush ko sya? Magpasundo pa kaya sya? Magsabay pa kaya kami umuwi? Magalit kaya sya sa akin? Iwasan kaya nya ako? Dami kong tanong. Lahat hindi ko alam ang sagot. Si nanay kasi napasarap ng kwento, nadulas tuloy.  Bahala na. Nahirapan akong matulog ng sabadong yun. Kaya kinaumagahan tinanghali ako ng gising. Paulo....Paulo....anak, tanghali na gising na. Mag aalas dyes na.  Bakit ka tinanghali ng gising? Boses ni nanay ang gumising sa akin. Tanghali na bangon na. Sasama ka ba maggrocery tayo.sabi ni nanay. Tinignan ko lang si nanay. Ok ka lang ba anak?tanong nya. Tanghali na.sabi ni nanay. Pagtingin ko sa wall clock. Alas dyes na ng umaga. Nagulat ako at dali daling naghilamos. Nay tangali na pala. Bakit di nyo ko ginising.sabi ko kay nanay. Anong hindi eh kanina pa kita ginigising. Tulog mantika ka. Sabi ni nanay. Hindi kasi ako nakatulog agad nay. Umaga na ata ako nakatulog.sabi ko kay nanay. Ano sasama ka ba sa grocery?sabi ni nanay. Opo nay. Bonding natin ang grocery dba. Magalmusal lang ako tapos maligo tapos alis natayo.sabi ko kay nanay. 

Pagkatapos namin maggrocery sa labas na kami naglunch ni nanay. Doon na kami nagkwentuhan. Nay nagalit kaya si Rochelle ng malaman nya na crush ko sya. Kaibigan nya ko tapos bigla may gusto pala ako sa kanya.nabanggit ko kay nanay. Kaya ka ba tinanghali ng gising. Yan ang iniisip mo?sabi ni nanay. Ngumiti muna ako bago ko sinagot si nanay. Syempre nay kaibigan ko sya at the same time maganda naman si Rochelle dba. Natural lang yun sa age namin.sabi ko kay nanay. Wala namang masama anak sa feelings mo.pero si Rochelle lang ang makakasagot nyan. Give her time na isipin ang situation nyo. Tulad mo inisip mo magdamag yun. Ganun din sya.sagot sa akin ni nanay. Nagtinginan kami ni nanay. Binata na ang Paulo ko. Baka isang araw wala na ako kasabay maggrocery.sabi ni nanay. Nay pag aaral ang priority ko. Tapos ikaw. Pag nagka girlfriend ako,  isasama natin sya sa grocery para makilala mo sya.sabi ko kay nanay. Huminga lang ng malalim si nanay at itinuloy namin ang aming pananghalian.

Kinaumagahan lunes, unang araw ng linggo. Unang araw ng klase. As usual dinaanan ko si Rochelle. Dad nya ang inabutan ko. Sir, si Rochelle po?... Paulo, kaaalis lang hinatid ng mommy nya. Hindi mo ba nasalubong?sabi ng dad nya. Ah eh...hindi po napansin Sir.sige po pasok na ako.paalam ko sa dad ni Rochelle. Sa school nakaabot ako sa flag ceremony. Nakita ko si Rochelle pero magkalayo kami kaya hindi ko na sya nilapitan. Nasa bandang unahan sya kaya hindi nya ko nakita. After ng flag ceremony, nagpasukan na kami sa kanya kanya naming room. Lunch break na ulit kami nakalabas ng room. Sa canteen nagkita kami. May dala kaming tray ng food. Nagkasalubong kami....Rochelle,pangalan lang nya nasabi...walang lumabas sa bibig ko. Humarap sya pero walang sinabi. Hanggang Rochelle...Rochelle..dito tayo. Nireserve na namin for you.sabi ng mga classmate nya. Burger king, meeting muna kami ha may report kasi kami mamaya.paalam sa akin ng mga classmate nya. Ngumiti lang ako. Medyo malayo ako sa table nila. Pero habang nag lulunch ako, tinitignan ko sya. Sya naman patuloy ang lunch with her classmates. Naguusap na rin sila tungkol sa report nila after lunch. Panay ang tingin ko kay Rochelle pero sya hindi tumitingin sa akin. Naisip ko tuloy baka galit sa akin. Hindi ko namalayan na ang kashare ko sa table ay ang classmate kong si Richard. Kanina pa pala nya ko napapansin. Uy kumain ka nga dyan. Tingin ka ng tingin doon.sabi ni Richard sa akin. Kanina ka pa dyan?tanong ko sa kanya. Oo naman hindi mo nga ako napansin. Samantalang ikaw bilang na bilang ko ang pagtingin mo doon kay Rochelle.sagot ni Richard.

Si Richard ang isa sa nakakakilala sa akin sa school. Sya ang best friend ko na lalaki dahil na rin mula 1st year hanggang ngayong 4th year na kami, kaklase ko pa rin sya. May problema kayo ni Rochelle? Nag away kayo?.tanong nya. Hindi ah..pagtatanggi ko. Kilala kita.tagal na nating classmate. May problema kayong dalawa o ikaw lang may problema?sabi ni richard sa akin na parang nasukol nya ako. Sumubo muna ako ng lunch.tuloy tuloy na kain hindi ako nagsasalita. May problema ka nga Paulo. Kilala kita. Kitang kita sa bawat subo mo.Pag ready ka na sabihin mo baka may maitulong ako. Parang wala akong narinig. Tuloy tuloy lang ako sa pagkain ng lunch ko.hindi ko pinapansin si Richard. Hanggang tayo na Richard.  bibili pa ko ng Coke.sabi ko sa kanya. Sa yo na tong coke  ko. Hindi ko pa nainuman yan. Kaya akin na bayad mo.Alam ko hindi ka umiinom ng nainuman na.alok ni Richard. Kinuha ko ang coke nya at habang iniinom yun nakatingin ako kay Rochelle. Nakita kong nagtayuan na sila. Nakita ako ni Rochelle. Tinignan ako ng matagal..Roche tayo na malate tayo sa report natin. Tayo unang reporter.tawag ng classmate nya. Wait lang.sagot ni Rochelle.Dali daling kinuha ni Rochelle ang gamit nya. At nagmamadaling sumunod sa classmates nya. 

 Napansin ni Richard na may naiwan si Rochelle. nilapitan namin. Doon namin nakita na laptop pala ang naiwan. Hinanap namin sila pero wala sila sa room na dapat ay room nila. Lumipat pala sila ng room dahil may activity sila. Panic na ang group nila dahil magrereport na sila. Si Rochelle pawisan na hindi alam ang gagawin dahil sa kanya binigay ang responsibility. Hanggang sa tinawag na sila at binigyan ng ilang minuto para mag umpisa.hanggang narinig namin ni Richard na nagpapaliwanag sila kay Sir Arevalo. Kami ni Richard pawisan din dahil hinanap namin  kung saan sila nagklase at dala namin ang laptop ni Rochelle. Si Richard ang unang pumasok sa room nila. Excuse me Sir!habang hinihingal kami ni Richard kasunod nya ako. Sir,  (hingal pa kami) naiwan ni Rochelle ang laptop sa canteen. Nakita(hingal) namin ni burger king. (hingal) wala kayo sa room na katabi namin kaya(hingal) hinanap namin kayo. Habang hiningal pa kami inabot ko kay Rochelle ang laptop nya. Nagsigawan ang buong klase ng burger king...burger king...burger king... Natuwa ang group nila. Si Rochelle nawala ang stress napangiti kay Paulo. Salamat Pau..sabi ni Rochelle.tuwang tuwa ang buong klase. Sir alis na po kami balik na kami sa klase namin kay Sir Santos baka pagalitan kami dahil late kami. Ok Richard and burger king thank you. Sabihan ko si mr.santos mamaya sa faculty ng love story..ay nang nangyari today. Nagtawanan ang klase sa love story joke ni Sir.

After ng klase, diretso uwi na ako. Hindi ko na hinanap si Rochelle, dahil alam ko na maaga sila ng uwian. Pau.....Pau.... tinatawag ako ni Rochelle pero hindi ko naririnig. Burger King!...Burger King!....Burger King!....napahinto ako.kayo pala. Pauwi na ako. May tapusin pa ako sa bahay.sabi ko sa kanila. Kanina ka pa tinatawag ni Roche. Hindi mo sya pinapansin.sabi nila sa akin. Wala ako naririnig.atsaka hindi ko alam na nandito pa sya.sagot ko sa kanila. Eh bakit kami narinig mo?sabay sabay sila. Ang lakas ng kaya ng BUNGANGA  nyo paano ko hindi maririnig boses nyo.sagot ko sa kanila.Natawa si Rochelle sa sinabi ko. Bunganga talaga..Burger King..sagot nila sa akin. Joke lang Bunganga Beauties. May iniisip lang ako.sabi ko sa kanila. May LQ ba kayo ni Roche.nagulat si Rochelle. Napatingin ako kay Rochelle.Parang nag iiwasan kayo. Napansin namin hindi kayo close this past few days.sabi ng isa sa kanila. Uwi na ako may gagawin pa ako.paalam ko sa kanila. Pau..Pau...tinawag ako ni Rochelle. huminto ako. Rochelle...galit ka ba sa akin? Dahil sa sinabi ni nanay?... Ilang beses ako dumaan sa inyo, pero nakaalis ka na. Pakiramdam ko iniiwasan mo ko. Kaya nag aalangan na ako lumapit sa yo.sabi ko sa kanya. Hindi ko na naisip na nandoon mga classmate nya.  Wala yun. Normal lang naman yun dba.sagot ni Rochelle.  anu yung normal Roche?tanong ng mga Bunganga Beauties. Tayo na Rochelle, bigla ko hinila si Rochelle pauwi na kami ng bahay. Roche, ano yun...bitin kami. Binilisan namin ni Rochelle ang lakad. Malayo na tayo, hiningal ako Pau. Napagod ako.bakit mo ko hinila bigla. Nagulat ako.sabay palo ni Rochelle sa akin. Baka sagutin mo sila lalo tayong aasarin ng mga yun. Tapos magagalit ka sa akin pag hindi ko sila pinatigil.sagot ko kay Rochelle.

Habang papalapit ang graduation namin, napapansin ko na nagiging abala si Rochelle. Madalas syang absent, madalas hinahatid sya ng mommy nya sa school. Hindi ko magawang magtanong sa kanya. Minsan ako ang kinausap ng mga Bunganga Beauties. Burger King, bakit lately napapadalas absent ni Roche? Baka mawala sya sa honor roll. Candidate pa naman  sya for Valedictorian.tanong nila sa akin. Ewan ko.ang sagot ko sa kanila. Hindi kami gaano nakakapag usap dahil bihira ko sya makasabay lately.sabi ko sa kanila. Sya kaya tanungin nyo?dagdag ko. Sungit mo naman burger king. Nag away siguro kayo.pahabol nila. Hindi ah..ayoko lang magtanong. Kayo na lang malakas naman bunganga nyo eh...hehehe.biro ko sa kanila. Kainis ka burger king. 

Dumating ang JS prom. Lahat excited sa araw na yun. Abala ang mga kababaihan sa kanilang isusuot na gown  at kaming mga kalalakihan naman sa pagpili ng barong o suit na susuotin. Tuwing hapon nagpapraktis kami ng cotillon. Syempre kami ni Rochelle ang tutuksuhin nila. Pilit nila kaming pinagpapartner lagi. Gumagawa sila ng paraan na kami ni Rochelle ang magtapat kahit hindi naman talaga.  Mga classmate ko at classmate nya nag uusap para kami raw tanghalin na Star of the Night. Maging mga Junior's kinausap na rin nila. At syempre ang aming mga teachers lalong lalo na si Sir Santos at Sir Arevalo.Alam kasi nila na lagi kaming tinutukso ng dalawang naming teacher. Mukhang payag na rin si Rochelle na tuksuhin sa akin. Unti unti hindi na sya naaasar. Hinahayaan na lang nya lalo pat mga classmates naman nya. Itong si Richard na dating pabulong bulong lang ng tanong tungkol kay Rochelle, nakisali na rin. Talagang lahat ng mga classmates namin nakatingin sa amin.

Dumating ang gabi ng prom. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang suit ko. Nagpagupit lang ako ng buhok dahil sabi ni nanay,  para umaliwalas daw ang itsura ko. Sa kapal at haba ng buhok ko, hindi na makita ang gwapo kong mukha. Si nanay gumawa ng paraan para sa isusuot ko sa gabi ng prom. Hiram lang sa kaopisina nya na may anak na ka age ko rin,  pero sakto sa akin. Dinaanan ako ni Richard sa bahay, para sabay kami pumunta sa prom. Tita si Paulo po?sabi ni Richard kay nanay. Sandali lang Richard, nagpapapogi pa si Paulo. Sabi ni nanay.paglabas ko ng kwarto. Tita may bisita pala kayo? Sabi nya kay nanay. Ngumiti si nanay sabay sabing, si Paulo yan Richard. Nagpagupit lang.  Pogi pala ang kaibigan ko tita, akala ko may bisita kayo. alis na po kami. Nay, gagabihin po kami wag nyo na po ako hintayin.sabi ko kay nanay. Hanggang 12midnight lang anak. Enjoy nyo ang prom.paalala ni nanay. At umalis na kami ni Richard.

Pagdating namin sa lobby ng hotel na venue ng prom, nandoon ang mga classmate namin at ang mga Bunganga Beauties. Richard sino yang kasama mo?tanong nila kay Richard. Si Burger King ang kasama ko. Nagulat silang lahat. Oy mga bunganga nyo para kayong nakakita ng artista. Sabi ko sa kanila. Si Rochelle dumating na ba? Tanong ko sa kanila. Ayan na oh parating na parang prinsesa sa suot na gown.sabi nila na lahat nakatingin kay Rochelle. Pagtalikod ko nagulat din ako dahil sobrang ganda ni Rochelle sa suot nya. Pau....Pau... Ang bibig mo baka pasukan ng lamok. Ang sabi ni Rochelle sa akin. Paulo escortan mo naagad  si Rochelle baka maunahan ka pa.sabi ni Richard.sabay tapik sa balikat ko. My  Sweet Spaghetti, may I? Sabay abot ng kamay kay Rochelle. Ang mga kaibigan ni Rochelle nagsigawan, kilig na kilig. Kami ni Rochelle ang unang pumasok sa ballroom. Sumunod na sila. Na parang mga abay dahil naka gown at suit silang lahat. 

Pagpasok naming lahat  sa ballroom. Nagsalita na agad ang mga emcee. At nag umpisa na ang program. Magkalayo man kami ni Rochelle ng table parang magkalapit na rin dahil panay tinginan namin. At kung minsan nagkakahulihan pa kami. Hanggang sa nagulat na lang kami dahil tinatawag na pala kami nina Sir Santos at Sir Arevalo bilang Star of the Night hindi pa namin alam. Hanggang Burger King come over. Mr.Star of the Night. At si Rochelle naman ang Female Star of the Night. Pareho kaming sinabitan ng sash. At doon nagumpisa ang first dance ng prom. Sigawan lahat ng classmates namin maging ang mga Junior's nakisaya na rin. Hanggang matapos ang prom kami na ni Rochelle ang magkasama, magkausap. Napakasaya ng JS prom namin. Tama si nanay na umattend ako. 

Pauwi namin, hinatid ulit ako nina Richard sa bahay. Alam nya na may curfew ako. Kasi maging sya rin ay may curfew. 11pm pa lang nandun na ang tatay nya. Kaya gustuhinan nya na gumimik hindi pwede. May bantay kami. Tito, gusto ata ni Richard na sumama sa grupo.sabi ko sa tatay nya. Pwede naman kaya lang pagsasarhan namin sya ng pinto. Sa labas sya matulog.sabi. g tatay ni Richard. Mahigpit si tatay Paulo. Kaya lang ako pinayagan dahil sabi ko sabay tayo uuwi.pabulong ni Richard sa akin. Maybinubulong ka Richard? Sabi ng tatay nya. Wala po tay.sagot nya sa tatay nya. Tito, kaliwa po tayo, doon po bahay namin. May susi ako kaya hindi na ako kumatok. Paulo, makikinom kami ni tatay at makiki cr ha.sabi ni Richard sa akin. Sge park muna kayo,ihanda ko ang tubig. Nay, dito na po kami ni Richard.. Nay..Nay... Naaaaay! Napatakbo si Paulo sa nakitang itsura ng  nanay nya.. Sina Richard at tatay nya dali daling pumasok sa bahay nina Paulo..



Itutuloy....

Condo Sharing

 December 15, ang lipat ni John sa condo na lilipatan nya sa QC, kung saan sya na assign sa bago nyang trabaho bilang ahente ng noodles.  Co...