Si Miguel at si Bert

Lunes, Agosto 29, 2022

Look a like ni Lolo (Baston ni Lolo Part 2)

 <script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Hanggang napansin ng mommy nya si Peter. Peter tahimik ka?may sakit ka ba? Hinawakan pa ito sa ulo at sa leeg. Wala ka namang sakit.sabi ng mommy nya. Wala po mommy. May iniisip lang  kasi yung baston ni Lolo Patricio kanina wala sa kwarto namin ni Prince.paglalahad nya sa mommy nya. Dba tinabi nyo sa medals nyo kagabi, para pagdating ng lolo nyo bibigay.sagot ng mommy nya. Opo mommy pero paggising ko po wala doon, medals lang namin ang nandoon.sagot ni Peter sa mommy nya.Sige mamaya pag uwi natin hanapin natin. Enjoy muna tayo dito. Tignan mo si Prince kanina pa takbo ng takbo. Napapagod Na daddy mo sa kanya.sabi ng mommy nya.  Mommy, tignan mo yung lolo kamukha ni lolo Patricio.tinuro ang matandang nakita sa tabing dagat. Kanina pa nga nakatingin dito sa atin.pabulong na sinabi ni Peter sa mommy nya. Tinignan ito ng mommy Imelda nya at nagulat sa nakita. Binalikan si Peter.. Anak kamukha nga. Sa biglang tingin akala ko si Lolo Patricio mo.sabi ni Imelda sa anak. Na biglang natigil ang bulungan ng mag ina ng dumating sina Daddy Patrick at si Prince. Peter, kala ko ba gusto nyo pumunta dito pero naka upo ka lang dyan. Pahingi ng tubig hon..inabutan ni Imelda ang asawa ng tubig.tapos chineck ang likod ni Prince. Basang basa ka nang pawis Prince magpalit ka nga ng damit. Sabi sa anak na bunso. Parang may pinaguusapan kayo kanina Honey.tanong ni Patrick sa asawa. Itong si Peter may nakitang kamukha ni Daddy Patricio...doon oh? Sabay harap sa lugar kung saan nakita ang matanda. At laking gulat ng wala ang matanda. Samantalang, yung kasama ng matanda nanduon pa. Peter nawala Yung matandang kamukha ni lolo. Tumingin si Peter.. Mommy wala nga. Pero nandoon pa po yang kasama nya.sagot ni Peter sa mommy nya. Baka naman nag cr lang o may binili.sagot ni Patrick sa asawa. Kamukha ba talaga ni Lolo Patricio nyo? Opo daddy kamukhang kamukha ni lolo Patricio.sagot ni Peter sa ama. Ako nga nagulat kala ko si Daddy Patricio.suporta sa sagot ng anak.  Sige baka masalubong natin mamaya magbless kayong dalawa ha Peter and Prince. Nag enjoy ka ba dito Prince?tanong ni Imelda sa bunso. Opo mommy kaya nagugutom  na ako.  Mag jojollibee ba tayo?gusto ko ng french fries at chicken joy..sagot ni Prince sa mommy nya. Ayan Patrick pinagod mo nagutom tuloy si Prince..balik ni Imelda sa asawang si Patrick. Nagtinginan sina Imelda, Patrick at Peter..lets go na sa Jollibee at pipila pa tayo.. Tuwang tuwa si Prince at pupunta sila sa jollibee.

Pagtapat nila kung saan nila nakita ang kamukha ni lolo Patricio, napatigil si Peter. Kinalabit ang mommy nya. Tinuturo ang mga kasama ng matanda na kamukha ni Lolo Patricio. Nakuha agad ni Mommy Imelda ang gustong sabihin ni Peter..nagtanong sya sa mga ito. Pwede pong magtanong? Nasaan na po si lolo...napatingin sa kanila ang pinagtanungan..nagtataka..yung matanda po kaninang nakatayo dito. Kamukha po kasi ng lolo ng mga anak ko..pagkukwento ni Imelda sa kausap.. Wala po kaming kasamang matanda, mam. Kami lang po nandito, Mr.ko at ang dalawa naming anak ..sabi ng kausap..nagulat si Imelda at si Peter sa sagot ng babaeng kausap...natahimik sya..medyo matagal..napatingin kay Peter..nagtinginan silang mag ina.. Wala po kaming kasamang matanda miss. At wala po akong napansin na matanda dito..inulit pa ng babaeng kausap.. At nang makapagsalita si Imelda medyo iba ang boses..nanginginig na...salamat po miss pasensya na sa abala. Salamat po ulit. At hinawakan si Peter at naglakad na sila ng anak,humabol sa kanilang mag ama.. Mommy dba may nakita tayo kanina...bulong ni Peter sa ina.  Nang mag abot sina Imelda at Patrick...anong sabi ng babae... Anong nangyari sa yo?...Daddy wala daw po silang kasamang matanda pero nakita namin kanina yung lolo nakatingin sa amin.. Nakangiti..sabi ni Peter sa daddy nya.. Patrick, nag aalala ako kay Daddy Patricio, baka may nangyari sa kanya. Una yung baston ni lolo, nawawala sa kwarto nina Peter.. Tapos may nakita kami ni Peter na kamukha ni Daddy Patricio...maluha luha si Imelda habang nagpapaliwanag sa asawa.  Wait lang Imelda, pag usapan natin ito..kumain muna tayo.. Sagot ni Patrick sa asawa.. Daddy yun ang Jollibee..Jollibee..tuwang tuwang tinuro ni Prince ang Jollibee sa magulang. 

Pagkakain nila sa Jollibee. Naglakad lakad muna sila sa MOA. Hanggang mapansin nila na dumidilim na. Hon, uwi na tayo at may pasok pa mga bata bukas.sabi ni Imelda kay Patrick. Mommy yung baston ni lolo, hahanapin pa natin..paalala ni Peter sa mommy nya. Kuya nasa sala yung baston ni lolo. Doon ko nakita bago tayo umalis kanina.sagot ni Prince sa kuya nya. Dba nasa kwarto natin yun kagabi. Paano napunta doon.sagot ni Peter kay Prince. Prince pinaglaruan mo ba baston ni lolo mo?tanong ni Patrick sa bunsong anak. Hindi po daddy. Doon ko lang nakita bago tayo umalis kanina.kung saan nakaupo si Lolo Patricio doon ko nakita ang baston nya.paliwanag ni Prince sa ama. Nagkatinginan ang magasawang Patrick at Imelda.  Tahimik lang sila. sige uwi na tayo. May pasok pa bukas.sabi ni Imelda. Habang nasa kotse. Peter...Prince yung mga assignment myo nagawa nyo ba.baka magnote si teacher nyo pag wala kayo assignment.pagcheck ni Imelda sa mga anak. Tapos na po mommy bago ang tournament ginawa ko na.sagot ni Peter. Mommy nung dumating sina lolo ginawa ko na kahit check nyo pa.pagyayabang ni Prince.. Ok pag uwi, ihahanda lang natin ang gamit nyo para bukas tapos matulog na tayo.sabi ni Imelda.

Kinagabihan, habang natutulog ang lahat. Nagising si Imelda sa kailaliman ng gabi  para uminom ng tubig at para mag banyo. Habang pababa ng hagdan. Narinig nya ang tunog ng baston na parang tumutukod sa loob ng kwarto ng anak. Inisip nya na baka naglalaro ang dalawang bata kaya Sinilip ni Imelda ang mga bata, nanlaki ang mga mata nya dahil nakita nya ang mga bata na tulog na tulog. Ang baston nakasandal sa cabinet ng mga bata. Naramdaman nyang humangin, ang mga kurtina gumagalaw. Pumasok sya sa kwarto ng mga bata para isara ang bintana. At lalo syang nagimbal sa nakita. Isang matandang lalaki na tumalikod at lumalakad papalayo sa bahay nila. Hindi nya nakita ang mukha ng matanda pero  alam nyang hindi nila ito kapitbahay. Dali dali syang bumalik sa kwarto nilang mag asawa. Pagbukas nya ng kwarto, nakatayo sa pintuan si Patrick, papalabas ng kwarto. Niyakap nya ito at umiyak sya sa dibdib nito. Pilit syang pinapakalma ng asawa hanggang magising ang panganay na anak..  Mommy, ano pong nangyayari. Bakit po kayo umiiyak?tanong ni Peter. Si Prince naman ay mahimbing ang tulog. Anak,  yung matanda sa MOA.. Nakita ko sa bintana natin, naglakad papalayo...sabi ni Imelda sa anak. Yung kamukha ni Lolo Patricio po mommy?tanong ni Peter sa inang umiiyak. Hindi ko nakita ang mukha anak dahil nakatalikod. Naglakad sya papalayo ng bahay natin.sabi ng mommy sa anak. Uminom ka muna ng tubig Imelda.sabi ni Patrick sa asawa. Habang naka upo na sila sa kama. Daddy ano ibig sabihin nung nakikita namin ni mommy? May nangyayari po ba kay lolo?tanong ni Peter sa daddy nya...Hindi ko alam anak.sagot ni Patrick sa anak.

Hon, ako na maghahatid kina Peter at Prince sa school. napuyat kita kaninang umaga. Peter at Prince mag ready na kayo, hatid ko na kayo sa school. Opo mommy, ready na po ako.sagot ni Prince. Anong ready ka na Prince ito pa yung ID mo maiiwan mo na naman.sabi ni Peter sa bunsong kapatid. Bumelat lang si Prince sa kuya at kinuha ang ID. Ikaw talaga Prince. Hon,  alis na kami. Yung breakfast mo nasa mesa na. Mga kids kiss na sa daddy nyo. Bye daddy.. Sa kotse nanahimik muna si Imelda bago nagdrive.....  Napansin ito ng mga bata. Mommy ok ka lang po?tanong ni Peter, si Prince nakatingin lang. Pinagpray ko lang si lolo mo, kasi hindi ko rin alam nangyayari Peter. Bakit parang nakikita natin sya dba.pagpapaliwanag ni Imelda sa anak. Nakikita nyo si lolo mommy? Bakit hindi ko sya nakita?nagtatakang tanong ni Prince. Hindi Prince, kamukha lang ni lolo Patricio ang nakikita namin ni mommy.sagot ni Peter sa kapatid. Huminga ng malalim si Imelda..sige alis na tayo.hatid ko na kayo.sagot ni Imelda sa anak. Pagkahatid ni Imelda sa mga bata, may dinaanan lang sya at umuwi na agad. Pag uwi nya may bisita sila. Si kuya Nato. Kuya Nato, ano nangyari?....kinakabahan si Imelda sa isasagot ng bayaw.


Ano ang balita ni Nato? May nangyari ba kay Lolo Patricio....


Itutuloy.....



Sabado, Agosto 20, 2022

Baston ni Lolo (Part 1)

 

<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Si Lolo Patricio, ang Papa ni  Daddy Patrick.  Sa probinsya sya nakatira, sa bandang Laguna. Noong bata ako lagi kaming umuuwi sa Laguna tuwing bakasyon ang klase. Doon kami nag mamahal na araw. Lagi naming nakakasama si Lolo Patricio. Sinasama nya kami sa bundok, nangangahoy kami, kumukuha ng mangga at saging sa bundok. Kung minsan naman sinasama nya kami mangisda, may palaisdaan si lolo, tilapia at bangus ang mga isda nya. Si Daddy Patrick , hinahayaan kaming sumama kay lolo, dahil para daw matuto kami ng buhay probinsya. enjoy kami ng kuya  Peter kapag hinahayaan kami sumama. Kahit nakakapagod ang sarap ng pakiramdam kasi kakaiba kumpara dito sa Pasig na aming tinitirhan. Ibang iba ang buhay probinsya. Kahit walang aircon at game and watch, atari,nag eenjoy kami. Sulit ang bakasyon namin lagi  kasama si Lolo Patricio.  

Sa paglipas ng panahon. Lumilipas na rin ang aming pagiging bata. Imbes na sa probinsya kami magbakasyon, para makita at makasama si lolo Patricio, dito na lang kami sa Pasig nagpapalipas ng bakasyon. Sina Daddy at Mommy ine enroll kami sa ibat ibang klase sports, tulad ng taekwando, swimming at basketball. Maging ang mga workshops  inenroll din kami nina Daddy at Mommy tulad ng pagtutog ng gitara, violin, pati acting, singing at dancing. Ginawa yun nina Daddy at Mommy para may madagdag na kaalaman kami. Enjoy din naman dahil bukod sa kaibigan namin sa school, nadagdagan mga kaibigan namin.

Pero iba pa rin kapag kasama namin si Lolo. Iba pa rin kapag nasa Laguna kami. Hindi man kami ipinanganak doon alam namin na ang pinagmulan namin ay Laguna. Kaya isang araw... Toktoktok!.... Toktoktok!... Peter may kumakatok, buksan mo ang pinto.utos ng mommy  kuya Peter. Prince, may ginagawa ako ikaw na magbukas.pasa ni Peter kay Prince...Ikaw inutusan ni mommy bakit mo ipapasa sa akin.sagot ni Prince sa kuya nya. Toktoktok....kumatok ulit ang bisita.. Ano ba kayo hindi nyo buksan ang pinto. May bisita tayo.sabi ng mommy.  Mommy si kuya pinapasa ang utos sa akin.sumbong ni Prince sa mommy nila.  Ay naku kayong dalawa talaga..pasapasa lagi pag inuutusan. Ako na nga magbubukas ng pinto.sabi ng mommy nila. Sino yan? Tanong ng mommy nila sa kumatok at sumilip sa maliit na bintana muna bago buksan ang pinto..Laking gulat ng mommy nila ng makita sa bintana ang lolo nila. Daddy Patricio!..... Napatingin ang magkapatid na Peter at Prince.. Peter at Prince , mag ayos kayo. Si Lolo Patricio nyo pala ang kumakatok. Nataranta ang magkapatid. Niligpit agad ang ginagawa at unahang binuksan ang pinto. Lolo Patricio...Lolo Patricio.. Unahan ang dalawa sa kamay ng matanda para magmano. Nakatingin si Mommy Imelda sa dalawa. Kanina ayaw nyong buksan ang pinto tapos ngayon unahan kayo sa Lolo nyo.sabi ng Mommy sa dalawang anak na lalaki. Daddy Patricio, pasensya na po at natagalan ang pagbukas ng pinto. May ginagawa ako sa kusina.sabi ng mommy nila. Oo naririnig ko nga ang dalawang ito. Ayaw buksan ang pinto.tugon ni Lolo sa mommy nina Peter at Prince. Kaya hindi ko ibibigay ang pasalubong ko sa kanila.sabi ng matanda. Lolo gumagawa ako ng assignment kaya hindi ko mabuksan. Si Prince po ayaw pautos.sumbong ni Peter sa Lolo. Lolo may project ako. Si kuya Peter pinapasa ang utos sa akin.sagot ni Prince. Naku Daddy, ganyan talaga ang dalawang yan mahirap utusan.. Kaya ako na lang gumagawa. Kaya laging pinapagalitan ng Daddy nila. Peter  , Prince, kumuha kayo ng maiinom ni Lolo Patricio at Tito Nato nyo..at malayo pinanggalingan nila. Unahan ang dalawa sa pagkuha ng maiinom para sa paborito nilang lolo. Daddy saan kayo galing at napunta kayo dito.Hindi man lang kayo nagpasabi para sinundo namin kayo ni Patrick.pagkausap sa byenan. Gusto ko kasi kayo sorpresahin kaya nagpasama lang ako dito kay Nato. Nagpacheck up ako.sabi ni Lolo Patricio.. Daddy, Kuya Nato uminom muna kayo.pasensya na at magulo pa ang bahay namin. Dito na kayo matulog at gabi na rin Daddy. Para makasama nyo ang mga bata. Si Patrick pauwi na rin yun. Matutuwa yun pagdating. May isang kwarto naman sa taas.sabi ni Imelda sa bayaw at biyenan..Sige pero bukas ng maaga uuwi kami agad. Para madaanan namin ang mga labtest na pinakuha ng doctor.  May dala kaming Tilapia at Bangus.napatingin ang dalawang bata. Galing sa palaisdaan yan Lolo.tanong ni Peter. Imelda may dala din kaming prutas. Galing sa bundok lolo Patricio.tanong naman ni Prince. Oo mga apo pero si Tito Nato nyo na ang kumuha at hindi na ako gaano nakakapunta sa bundok at palaisdaan. Doon na lang ako sa bahay mga apo.paliwanag ng matanda sa dalawang bata. Pinapili sa akin ni Daddy ang magagandang prutas at matatabang isda.sabi ni Nato sa dalawang bata. Habang hawak ang mga ulo ng mga ito.. Toktoktok....baka si Patrick na yan Daddy. Binuksan ni Peter ang pinto. Daddy nandito si Lolo Patricio. Nagulat si Patrick. Dali daling pumasok. Kuya Nato, Dad..napunta kayo...anong dahilan. Sana nagpasundo kayo.sabi ng ama nina Peter at Prince. Yun nga ang sabi ko Honey, sana nasundo natin si Daddy. Pero sabi ko dito na sila matulog at bukas na sila umuwi.paliwanag ni Imelda sa asawa.Dad, sa room namin si Lolo Patricio matutulog ha.sabi ni Peter. Kuya doon ka na sa isang kwarto matulog at pag kasama mo tong dalawang ito baka hindi ka makapahinga.sabi ni Patrick kay Kuya Nato.  Nagpakitang gilas ang dalawang bata. Pinagsilbihan nila ang Lolo nila. Ang sisipag naman pala ng dalawamg ito Patrick.sabi ng matanda sa anak. Dad, pakitang gilas lang yan. Ang hirap utusan ng dalawang yan. Ikaw lang ang pinagsisilbihan nyan.sabi ni Patrick sa ama. Natatawa sina Nato at Imelda sa dalawang bata. Peter at Prince makinig kayo. Wag nyo puyatin ang Lolo nyo at maaga kami pupunta bukas sa ospital.sabi ni Patrick sa dalawang anak. Sama kami daddy.sagot ni Prince. Hindi pwede at may pasok kayo. May taekwando kayo bukas.sabi ni Imelda sa dalawang anak. Kaya lahat tayo matutulog at gigising ng maaga bukas. Sabay sabay tayo mag aalmusal. Sabi ni Patrick sa dalawang bata. Si Nato nakatingin lang sa mga pamangkin. Si Lolo Patricio naman ay nag aya ng kumain. Lolo Patricio , sandali lang. Nagulat ang matanda kay Peter. Ha!...Bakit apo?... Lets pray muna bago kumain.sabi ni Peter sa lolo. At nagsimula na silang magdasal ...maikling dasal lang at nang matapos. Kuya Peter pahingi ng catsup.sabi ni Prince. Lolo masarap po luto ni mommy. Lagi paborito namin ang niluluto nya.sabi ni Prince sa lolo. Kaya pala ang tataba nyo. Binibigay ang gusto nyong kainin...masayang naghapunan ang buong pamilya. 

Kinaumagahan, Lolo Patricio, yung mapapanalunan kong medal mamaya. Para sa yo yun. Salamat sa bisita.pag aalay ni Prince sa lolo. Pangako yan may medal ka mamaya ha apo. Galingan mo, para pagbalik ko isabit mo sa akin.sabi ng lolo. Talaga lolo babalik ka?nanlaki mata ni Prince sa narinig sa lolo. Ngumiti ang matanda at naghanda na sa kanilang pag alis. Paalam lolo Patricio.malungkot na masayang nagpaalam ang dalawang bata sa paborito nilang lolo. Ano mga bata ready na kayo? Aalis na tayo.sabi ni Imelda sa anak. Yes mommy, para kay lolo Patricio ang laban na ito.ganadong binitbit ang mga gamit at sumakay na rin sa kotse mag iina. Pagkakuha nina Patrick ng laboratory result ay kumain muna silang tatlo sa Jollibee. Si Nato parang may hinahanap. Ano yun kuya Nato?tanong ni Patrick sa kuya. Yung baston ni Daddy nasaan. Naiwan ba natin sa ospital?tanong ng kuya. Nato wala tayong dalang baston ng umalis. Nasa bahay nina Patrick, doon natin naiwan. Hayaan mo na. Babalik pa naman tayo.sabi ng matanda sa nakatatandang anak. Kuya Nato bili na lang tayo meron naman sa mercury drug na baston.sabi ni Patrick. Wag na Patrick, marami akong baston sa bahay.Magaganda pa ang baston ko. Padala ng Ate Patricia mo galing UK.sabi ng matanda kay Patrick.Sige Daddy pagkakain hatid ko na kayo sa bahay para makabalik ako kay Imelda.tutal maganda resulta ng labtest nyo. Ingat na lang po sa pagkain.sabi ni Patrick. 

Gabi na ng makabalik si Patrick sa bahay nila sa Pasig. Maraming dalang pasalubong si Patrick para sa pamilya lalo na sa dalawang bata. Peter....Prince...dito na ang daddy, may pasalubong ako galing kay tita Patricia nyo...nag uunahan ang dalawang bata sa pasalubong ng daddy nila. Hon, ano kakain ka na ba?..maghahain na ako. May good news din ang dalawang bata sa yo.pagbabalita ni Imelda sa asawa. Yung baston nga pala ni daddy nasa kwarto ng mga bata. nakita nila pag uwi kanina.pahabol ni Imelda sa asawa. Naalala nga ni kuya na wala ang baston pero si daddy alam na nandito. Marami palang baston si daddy kaya pagbalik na lang daw nya kukunin.pagkwento ni Patrick sa harap ng pamilya. Daddy itatabi namin baston ni Lolo Patricio. Kami na magbibigay pag balik nya. Sasabay namin sa medal na napanalunan namin kanina.masayang balita nina Peter at Prince sa ama. Talaga!...nanalo kayo kanina...sayang hindi ko napanood.excited na sagot ng ama sa anak. Navideo ko hon, kaya mapapanood mo.. Yan ang balita nila kaya ayan nagpabili ng chooks to go at spaghetti dahil nanalo daw sila. At ipasyal mo raw sila sa MOA..sabi ni Imelda sa asawa. Oh ayan ha naisingit ko na ang request nyo.hinarap naman ang mga bata para kumain na. Prince ikaw na magpray at nang makakain na tayo.utos ni Patrick sa bunsong anak. Pagkakain ng hapunan, pinanood ng buong pamilya ang taekwando competition ng dalawang bata. Tuwang tuwa si Patrick dahil nakakuha ng medalya ang mga anak nya. Hindi nya akalain na kahit matataba ang mga ito ay magkaka medalya. Niyakap nya ang mga ito at sinabihang mamasyal sila sa MOA. Dad yung baston ni lolo Patricio sa kwarto na namin itatabi kasama ng mga medalya namin.sabi ni Peter sa ama. Matulog na tayo at bukas magsisimba tayo tapos direstso tayo sa MOA.  Masayang humalik kina Imelda at Patrick sina Peter at Prince at nagpaalam nang matutulog.

Kinaumagahan, ginising ni Imelda ang dalawang bata para mag almusal. Unang bumangon si Prince. Sumunod si Peter, pero umupo muna sa kama si Peter may napansin kakaiba. Medals lang ang nakita nya sa kwarto. Nagtataka sya parang may nabago..pero naisip nya baka pinaglaruan ni Prince ang baston kaya wala doon.. Ilang saglit lang ay Peter bangon na.narinig nya ang boses ng mommy Imelda nya. Doon pa lang sya lumabas ng kwarto nila ni Prince. Nagulat sya dahil walang hawak na baston si Prince. Bagong ligo ito na nakaupo sa lamesa para mag almusal. Pagkakain ng breakfast maligo ka na Peter at aalis na tayo.sabi ng Daddy nya. Nakahanda na ang susuot mo.hinanda ko na.sabi ng mommy Imelda nya. Nag almusal na lang si Peter na nagtataka. Hanggang umalis ang buong pamilya tahimik pa rin si Peter. Sa simbahan nagdasal silang lahat para kay Lolo Patricio. Pagkatapos magsimba dumiretso na sila sa MOA , doon nagpunta sila sa arcade, sa skating rink, naglakad lakad silang mag anak sa buong mall. Hanggang napansin ng mommy nya si Peter. Peter tahimik ka?may sakitbka ba? Hinawakan pa ito sa ulo at sa leeg. Wala ka namang sakit.sabi ng mommy nya. Wala po mommy. May iniisip lang  kasi yung baston ni Lolo Patricio kanina wala sa kwarto namin ni Prince.paglalahad nya sa mommy nya. Dba tinabi nyo sa medals nyo kagabi, para pagdating ng lolo nyo bibigay.sagot ng mommy nya. Opo mommy pero paggising ko po wala doon, medals lang namin ang nandoon.sagot ni Peter sa mommy nya.Sige mamaya pag uwi natin hanapin natin. Enjoy muna tayo dito. Tignan mo si Prince kanina pa takbo ng takbo. Napapagod Na daddy mo sa kanya.sabi ng mommy nya. 



Sino ang gumalaw ng baston ni Lolo Patricio?Nasaan ang baston ni Lolo.

Itutuloy....

Biyernes, Agosto 12, 2022

Vacation leave ( Jackpot sa Lotto Part 6)

 <script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Toto may ibibigay ako sayo. may kinuha sa bag ang boss, botelya ng vitamins. Ito inumin mo ito sa gabi bago matulog. umpisahan mo mamaya.pampataba at para makatulog ka.sabi ng boss. Ikaw talaga boss gusto mo ko tumaba..magkano ito.baka mahal to Boss Mark, ilang gives?.tanong ni Toto. Tinuktukan sya ng boss. Sira ano ka ba Toto.Libre yan.bigay ko sayo.kaya inumin mo yan para tumaba ka. Sabi ng boss kay Toto. Sige boss uwi na ako. Niyakap ang boss at may halik pa sa labi. Sabay sabing bukas ulit boss. At umuwi na si Toto. Nagulat ang boss sa ginawa ni Toto at nakangiting  isinara ang pinto ng condo at nag ayos na sa pagtulog. Iba ang ngiti ng boss sa ginawa ni Toto sa kanya. Hanggang nakatulog sya na may matamis na ngiti.

Toto...Toto...gising na. May pasok ka pa. Ginising si Toto ng nanay nya. Sarap ng tulog mo ha.sabi ng nanay nya. Nagvitamins po kasi ako kagabi nay, Naikwento ko kasi sa boss ko na madalas hirap ako matulog. Kaya binigyan ako kagabi. Kala ko nga babayaran ko libre pala.kwento ni Toto sa nanay nya. Masyado mabait boss mo sa yo.Wag mo abusuhin. O sya mag ayos ka na at malate ka pa sa trabaho mo. Si Crisanto pinapunta ko sa palengke at ako na tatao sa tindahan.sabi ng nanay nya. Kain na ko nay at papasok na ko baka malate ako. Nagmamadali si Toto na nag ayos at pumasok na sa trabaho. Nakita nya wala pa tao sa office sya ang nauna. Kaya kumain ulit sya sa pantry ng baon nya. Hanggang magdatingan na sina Cecil, Benjie at Angelo. Inabutan sya kumakain sa pantry. Aba Toto ngayon ka lang kumain dito ano ulam mo?tanong ni Angelo. Maling at kanin, kain tayo.alok ni Toto sa kanila. Kala ko naman nagluto nanay mo Toto, nagdala ka.sabi ni Angelo. Kuya Benjie kain. Cecil saan ako ngayon?masayang tanong ni Toto. Dito ka lang sa office.Hintay lang muna, mamaya biglaan hahaha. Alam mo naman mga boss natin.natatawang paglalahad ni Cecil. Pinagpatuloy lang ni Toto ang pagkain.  Wala pa si Boss Mark? Nagpasabi sa yo Cecil?tanong ni Benjie. Baka nag gym kuya.sagot ni Angelo. Nagpapasabi yun pag malalate. Baka parating na yun.sagot ni Cecil. Ano Toto kinain mo na yang lunch mo.napansin ni Angelo ang gana ni Toto. Kinindatan lang ni Toto si Angelo. Ayan na Angelo, nag umpisa na lagot ka.sabi ni Benjie.Nagtawanan na lang sila at nagpuntahan na sa kanya kanyang computer.

Toto, bakit magana ka atang kumain ngayon. Hindi naman ako nagluluto ng kakaibang ulam.napansin ng nanay nya ang gana nya kumain. Pati pagtulog nay, pag uwi ni kuya, dati sa motor nya.ngayon tulog agad. Mahimbing pa nay.sundot ni Crisanto. Mukhang okay vitamins na bigay ng boss mo.pahabol ng nanay nya. Baka nga nay.yun lang naman ininom ko mag iisang buwan na.Mahal kaya yun?. Mukhang hiyang ako doon.sagot ni Toto sa nanay. Oo nga tumataba ka na. Nagkakapisngi ka na. Nagiging magkasing taba na kayo ni Crisanto.napansin ng nanay nya ang pagbabago sa katawan ni Toto. Dalawa na ba pogi mong anak nay?sabi ni Crisanto. Ano ibig mo sabihin pangit ako, Crisanto? Ha!!hinarap si Crisanto. Wala ko sinabi kuya. Bakit ko sasabihin yun kuya eh magkamukha nga tayo. May bibilhin pala ako project kuya pahingi ng pera.lambing ni Crisanto sa kapatid habang inaakbayan. Hinalikan pa ang kuya nya sa pisngi. Kaya pala mabait may hihingin na naman to nay. Nay ano ulam natin? Nakakagutom yang niluluto mo.sabi ni Toto. Nagkatinginan ang nanay nya at si Crisanto. Gutom ka na naman kuya. Kamimiryenda lang natin ng pansit canton.sabi ni Crisanto. Wala akong pera  para sa project mo. Nagugutom ako eh.Bango nyan nay.balik ni Toto sa luto ng nanay nya. Malapit na itong maluto Toto, konti na lang.sagot ng nanay nya. Nakasimangot si Crisanto sa kuya nya. Magkano kailangan mo Crisanto sa project mo?tanong ni Toto sa nakasimangot na kapatid. P500 kuya, saan ko kukunin?sa wallet mo?mabilis na sagot ni Crisanto. Agad agad Crisanto,nagmamadali ka!sagot ni Toto..Baka magbago na naman isip mo kuya. Mahirap na.sagot ni Crisanto.Mamaya na Crisanto, pagkakain na.Ikaw maghugas ng pinggan.utos ng nanay kay Crisanto.

Boss Mark, sabi mo ako kukuha ng labtest mo?umpisa ni Toto sa boss. Ako na lang. Malapit sa gym ko naalala ko kaya, dinaanan ko na.sagot ng boss kay Toto. Buti na lang wala kang malubhang sakit no.sabi ni Toto. Eh kung may sakit ako ano gagawin mo?tanong ng boss sa kanya. Natahimik si Toto...pinagpatuloy ang paglilinis... Tumigil at tumingin sa boss. Kung may sakit ka boss ano gagawin ko?.... Nakatingin ang boss sa kanya naghihintay ng sagot.. Hindi muna ko maglilinis dito. Mahirap na baka mahawa ako sayo. Di mag aabsent ako. Memo nanaman kay Cecil..alam ng boss na nagbibiro sya. Ngumiti , siraulo.. Ikaw pa. Alam ko hindi mo ko pababayaan. Nung nilagnat nga ako nataranta ka.. Nang makita mo yung labtest ko nagalala ka na dahil marami. Natulala ka na. Kala mo maloloko mo ko sa sagot mo..magpakatotoo ka nga Toto.sabi ng boss kay Toto. Oo na boss.pupuntahan pa rin kita kahit may sakit ka. Aalagaan kita. Gusto lang mo  ata magkikisay ulit eh.sabi ni Toto sa boss. Ngumiti ang boss.  Habang naglilinis si Toto. Pinaalala mo na naman yang kisay kisay  na yan. Dyan ka na nga.sabi ng boss at pumasok sa kanyang kwarto. Si Toto nagpatuloy sa paglilinis. Pagkatapos maglinis, pinuntahan ang boss. Kakatok sana sya pero nakabukas ang pinto. Hindi na ilock ng boss. Nakita nya ang boss, nakahiga, walang damit. Biglang nanginig ang boss, nakita ni Toto na parang tumitirik mata ng boss. Nataranta sya. Kaya nilapitan ang boss. Boss ... Boss... Niyakap nya ito. Hanggang magsalita ang boss. Ok lang ako. Bakit ka nandito. Nagkikisay ka kasi boss kaya nataranta ako. Hinihingal pa ang boss nya bago sumagot. Sandali lang, may hinugot sa kanyang pwitan. Ito ang dahilan. Ginamit ko, pinaalala mo kasi ang kisay.sabi ng boss kay Toto. Kala ko kung ano na nangyari sayo boss.Yang vibrator na yan palaang dahilan. Tapon mo na kaya yan boss. Pinakaba ako ng todo. Nanginig ka tapos tumirik mata mo.Sana nagsabi ka para ako na lang gumawa. Sabi ni Toto sa boss. Sira ulo ka talaga tapos sasabihin mo hindi mo ko mahal.sabi ng boss. Hindi naman talaga kita mahal boss. Concern lang ako. Sabi ni Toto. Sige na nga tapos ka na ba maglinis? Kain na muna tayo, baka kung saan pa mapunta usapan natin.sabi ng boss. Habang nagbibihis ng damit para kumain. Maalala ko Boss Mark yung vitamins na binigay mo. Saan nabibili yun? hiyang ako doon.sabi ni Toto. Tinignan si Toto ng boss. Oo nga parang tumaba ka. Nagkalaman pisngi mo. Lalo ka pumogi. Sabi ng boss. Yan din sabi sa bahay boss Mark. Gumana kasi ako kumain tapos nakakatulog na ako. Kaya gusto ko bumili boss.kwento ni Toto sa boss. Ako na bahala dun, bigyan kita pagbalik mo. Kaibigan kita kaya sagot ko na yun. Habang kumakain nasabi ng boss kay Toto na magleave sya. Toto, balak ko  magleave bisitahin ko magulang ko sa Baguio. Gusto mo sumama? 3days ako doon, para makalanghap ng fresh air.sabi ng boss kay Toto.pumayag kaya si cecil? Umabsent lang ako nagagalit na yun.sabi ni Toto. Kapag nagpaalam ka papayag yun.Nagagalit yun kapag biglaan. Ano magsabi ka kay Cecil. Tapos sama ka sa akin. Sagot ko lahat,pasyal tayo sa Baguio.sabi ng boss. Magsabi rin ako sa nanay ko para alam nya na magbabakasyon ako ng 3days.sabi ni Toto. Syempre naman magpaalam ka sa nanay mo. Sabihin mo papasalubungan natin sya para payagan ka.dugtong ng boss kay Toto. Sige boss basta wag mo na gamitin yung vibrator Boss Mark. Nataranta ko kanina.hiling ni Toto sa boss. Oo na susundin na kita. Gusto mo itapon ko pa yun, para sa yo. Napaka nerbyoso mo.pagsunod ng boss kay Toto.

Boss Mark, para kong nanalo sa lotto pag kasama kita.sabi ni Toto. Bakit mo nasabi Toto.balik sa kanya ng boss. Ewan ko Boss Mark. Iba ang nararamdaman ko. Ikaw ganun din ba kapag kasama mo ako?sabay tingin sa boss na hindi naman nakatingin sa kanya dahil nagddrive. Ako lang ata may nararamdaman. Balewala pala ako.bulong ni Toto. Ang drama mo Toto. Tumigil ka dyan. Nakikinig ako sa yo. Kapag tinignan kita mababangga tayo. Gusto mo sabay tayo mamatay kapag nabangga tayo?sagot sa kanya ng boss.  May nararamdaman ka na sa akin Toto o babale ka lang?pag ganyan ang tono mo kinakabahan ako. Alam mo ba yun.sabi ng boss nya. Boss Mark kaibigan kita pero pasweldohin mo ako ha para may pang pasalubong ako sa nanay ko at sa kapatid ko.  Pangit naman kung ang pasalubong ko eh sasagutin mo pa. Hindi naman tayo magjowa.sabi ni Toto. Ikaw talaga hanggang kaibigan na lang talaga ako sa yo.biro sa kanya ng boss. Boss Mark matutulog na muna ako pag nasa condo na tayo gisingin mo na lang ako ha.naghikab si Toto para ipaalam na matutulog na sya. Kung makakatulog ka Toto.. Ilulubak ko para magising ka..tapos bigla ako pepreno para gumalaw ka..bawal matulog Toto.ang daya mo.ako boss mo tapos ikaw ang matutulog.sabi ng boss kay Toto. Si Toto naman nakaharap sa boss na nanunulis ang nguso na nang aasar sa boss nya. Sira ulo ka talaga Toto. Pagdating natin sa condo lagot ka sa akin.sabi ng boss. Lab you Boss Mark..mwah ... Mwah... Sarap pala mag Baguio... Kailan tayo babalik Boss Mark. Hanggang tuluyan ng nakatulog si Toto sa kotse at hindi nya namalayan na napahawak sya sa legs ng boss nya. Hindi naman naramdaman ni Toto na hinawakan at pinisil pisil ng boss nya ang kamay nya. Ginising na lang si Toto ng boss mya ng nasa basement parking na sila ng condo. Pero dahil sa matinding antok hindi ito nagising kayat nilabas na lang ng boss ang gamit nila sa compartment at inilagay sa pushcart. Eksakto may condo guard na nakakita sa kanya at nag offer ng tulong. Kayat si guard na ang nagtulak ng pushcart hanggang unit at inalalayan ng boss si Toto hanggang unit...hanggang kama na.. Inayos ng boss ang mga pasalubong sa mga kapatid at nanay ni Toto. Tapos binalikan si Toto sa kwarto na tulog pa rin...papalabas na ang boss ng kwarto ng marinig si Toto.. Boss Mark... Boss Mark ... I love you... Pagtingin kay Toto...tulog pa rin ito..ngumiti ang boss.Nananaginip lang pala..hayaan ko muna matulog.bulong ng boss sa sarili.  Nagpahinga na rin muna ang boss sa sala. Mahaba haba rin ang byahe mula Baguio hanggang Ortigas. Habang nagkakape ang boss hindi namalayan na bumangon na si Toto. Lumapit ito sa ulonan ng boss at humalik. Salamat boss , nakatulog ako sa pagod. Tinabihan nya sa sofa ang boss. Gusto mo ng kape? Gagawan kita.alok ng boss kay Toto. Gigisingin sana kita kanina kaya lang  Sarap ng tulog mo Toto, kaya hinayaan na kita matulog. Eto na kape mo.binigay ng boss ang kape sa kanya. Sarap ng kape Boss Mark. Ganda ng panaginip ko. Nakangiti lang ang boss sa kanya. Nag I love you daw ako pero hindi ko alam kung kanino...paulit ulit..kanino kaya..pagkukwento ni Toto sa boss. Baka sa akin, ako lang kasama mo ng ilang araw.sabi ng boss. Biglang nasamid si Toto habang nagkakape. Bakit naman ako mag I love you sa yo boss Mark.Kaibigan kita.habang nagpupunas ng bibig. Kaya nga panaginip. Hindi totoo.palusot ng boss. Lumapit sa boss si Toto. Hinalikan ang boss sa pisngi. Bakit mo ko hinalikan?nagulat ang boss sa kanya. Wala lang, ayaw mo Boss Mark?hinalikan ulit ang Boss sa pisngi. Sige akin na halik ko. Muntik na sa labi yung pangalawang halik. ikaw halik ka nang halik sa akin. Umaabuso ka na. Uuwi ka ba o bukas na?tanong ng boss sa kanya. Bukas na lang ng umaga Boss Mark ang alam nila bukas pa uwi ko. Dito na lang ako matulog, pwede?paalam nya sa boss. Ngayon ka pa nagpaalam kanina ka pa nga natulog. Sarap nga ng tulog mo.sabi ng boss sa kanya. I love you...I love you ka pa dyan kala ko naman para sa akin. tutulog na ko mamayang konti.sabi ng boss. I love you naman boss Mark bilang  Kaibigan  at maaga ka kayang magpasweldo. Tulog na tayo boss.sabi nya. Maligo pa ako galing tayo byahe malagkit.Ano sasabay ka?tanong sa kanya ng boss. Kaya pala ang bango mo Boss ligo ka ng ligo. Sige Boss  basta sabunan mo ko.lambing nya sa boss. Habang naghuhubad ng pantalon  sa harap ng boss. Hindi ka na nahihiya maghubad sa harap ko ha..dati hiyang hiya ka.natatawang sabi ng boss sa kanya. Sanayan lang pala boss Mark. Tayo lang naman kasi nandito. Nagkamot pa ng bayag sa harap ng boss.ligo na tayo Boss Mark at tutuloy ko pa panaginip ko.

I love you Boss Mark..ang unang narinig ng boss paggising sa umaga habang naghahanda ng almusal. Tumingin lang ang boss sa kanya. At patuloy na naghahanda ng kape para sa almusal nila nang araw na yun. Ready na pasalubong mo kay crisanto at sa nanay mo, anong oras ka uuwi?sagot ng boss kay Toto. I love you Boss Mark ang sabi ko tapos pinapauwi mo ako.balik ni Toto sa boss. Alam ko na yan. Tanggap ko na magkaibigan lang tayo. Babale ka siguro?sabi ng boss kay Toto. Wala akong babalehin boss. Kakasweldo ko lang bago tayo mag Baguio. Hindi rin ako mag aadvance. Ayoko mangutang.sagot ni Toto. Baka nananaginip ka lang. Wag mo ko paasahin. Bubugbugin kita.sabi ng boss ng nakangiti pero naluluha kaya tumalikod bigla. Bakit ka naiiyak boss. Ayawmo maniwala sa sinabi ko. Hindi ako nananaginip. Gising na gising ako.Alam ko sinasabi ko. Ito ang nararamdaman ko. Dba sabi mo magpakatotoo ako.sabi ni Toto na may paninindigan. Mag aaral ako para makasabay ako sa yo. Para hindi mo ko ikahiya na janitor lang ako. Messenger lang. Tatapusin ko pag aaral ko. Dahil mahal kita.sabi ni Toto sa boss. Hindi kita ikinahiya kahit kailan Toto. Mabait ka at madali kang mahalin. Pinakita mo ang pagmamahal na hindi ko naranasan. Yung mga kaibigan ko kilala ka na. Nakita ka na nila sa Vikings. Hindi mo alam pero pinakilala na kita sa kanila. Kaya masaya ako nang gabing yun.  Kaya kita niyaya sa Baguio para makilala ka ng parents ko.  Natutuwa sila sa yo. Toto...matagal na kitang minahal. Nilapitan ni Toto ang boss at sinabing.... I love you Mark. Niyakap din sya ng boss at sinabing... I love you tooo Toto..  Sumama ka sa akin sa bahay. Ipapakilala kita kay nanay. Nabigla si boss Mark sa narinig..tanging mahigpit na yakap ang sinagot kay Toto.


Lahat deserve ang pagmamahal na totoo. Pagtanggap na hindi pinilit. 

THE END....

Sabado, Agosto 6, 2022

Scholarship ni Crisanto at Si Boss Mark (Jackpot sa Lotto Part 5)

<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>


 Asan na si Crisanto? Inutusan ko lang sa palengke at may nakalimutan ako. Pabalik na yun. Kanina pa nga.sabi ni nanay. Sige po nay, tulog muna ako at namahay ako sa condo ni boss. Hindi ako sanay sa condo nay.kwento ni Toto. Habang nagbibihis si Toto dumating ang kapatid na si Crisanto. Kuya nandyan ka na pala.bati ni crisanto sa kuya nya. Pagpahingahin mo muna kuya mo. Mamaya mo na kausapin. Matutulog daw sya. Sabi ni nanay kay crisanto. Nay, binanggit mo na kay kuya ang scholarship ko?tanong ni Crisanto sa nanay nya. Hindi pa. Eh pano ang daming kwento ng kuya mo tungkol sa boss nya, mamaya na lang. Wala namang lakad yun. Ikaw na magsabi.sagot ni nanay sa anak. Sige pag gising sabihin ko agad. Tapos magpa treat tayo. Kain tayo sa mall. Celebrate natin.masayang kwento ni Crisanto. Ikaw talaga porke alam mo pagbibigyan ka ng kuya mo. sige pero pakainin mo muna bago mo sabihin Na magtreat sya sa mall. Teka yung pinabili ko asan na? At nagluto na sila ng ulam na pananghalian at paninda. Masaya ang mag ina na naghanda ng pagluluto.

Paggising ni Toto, tamang tama luto na ulam nila pananghalian. Nailabas na rin ang ulam na pangtinda ng nanay nya, gulay, baboy at manok ang pang tinda ng nanay nya. Toto kumain ka na at may sasabihin sa yo yang si Crisanto.pauna ng nanay nya. Bango ng ulam natin parang sa restaurant luto nyo nay.papuri ni Toto sa luto ng nanay nya. Kuya matutuwa ka sa ibabalita ko.  Una may scholarship ako sa CHEDRO..kaya matutuloy ko na ang schooling ko. Kaya..... Pinutol ni Toto ang tuwang tuwang kapatid... Kaya ano?..may hihingin ka ano?..alam ko na tono ng boses mo at ngisi mo Crisanto...sabi ni Toto sa kapatid. Napakamot si Crisanto. Tatawa tawa.. Ano kuya.. Nay, ikaw na magsabi nahiya na ako kay kuya?hiling ng nakababatang kapatid sa nanay nila.  Sige na nga. Ako na magsabi , Toto magtreat ka daw. Kain daw tayo sa labas dahil may scholarship sya. Ayan nasabi ko na Crisanto. Kain na tayo,  ang tanging sagot ni Toto sa sinabi ng nanay. Pero nakangiti, at sa bawat subo panay tingin kay  Crisanto. Kakain pa tayo sa labas,  eh mas masarap pa luto ni nanay kaysa sa mall.sabi ni Toto sa kapatid. Sige pag kumain tayo ililista ko at pag naka graduate ka babayaran mo ha, Crisanto. Biro ni Toto sa kapatid. Natatawa sa usapan nila ang nanay nila. Nay parang ayaw naman ni kuya.  Sabagay totoo naman na mas masarap luto mo kaysa sa restaurant. Mag iipon na lang ako para maka kain ako sa restaurant..malungkot na tinig ni Crisanto.. Ang drama ng kapatid ko.. Nay mag iipon na lang ako para makakain sa restaurant..pang aasar na inulit ang sinabi ng kapatid.. Oo na mag celebrate tayo sa payday ko kain tayo sa labas.. Sabihan ko boss ko para hindi sya magpalinis sa gabi na yun.sabi ni Toto sa kapatid na ikinatuwa ni Crisanto at  ng nanay nya. O, kain na tayo at lumalamig na ang luto ko.habang naghahain ang nanay. Crisanto ikaw magligpit mamaya.utos ng nanay kay crisanto.  

Sa upisina, maagang pumasok si Toto.at napansin agad ni Angelo ang kakaibang aura ni Toto, ang saya, ang ngiti sa mukha. Toto, nanalo ka na naman sa lotto?bati ni Angelo. Napatingin sina Benjie at Cecil, dahil malakas ang boses ni Angelo. Kaya sinundan ng tanong ni Benjie. Nanalo ka ulit Toto? Ano jackpot na?.Natawa si Cecil sa reaksyon ni Kuya benjie. Kuya Benjie, kung jackpot yan hindi na papasok si Toto. At doon sumagot na si Toto sa tatlong kasamahan. Higit pa sa jackpot ang napanalunan ko Kuya Benjie, Cecil at Angelo. Sabay ngiti sa mga kausap. Dahil si Crisanto, yung kapatid ko nakapasa sa ChedRo. Meron syang scholarship. Matutuloy na nya ang schooling nya na walang bayad.Kaya ako masaya. Kasama allowance Toto?tanong ni Cecil. WoW ang galing ni Crisanto. Ito yung makulit mong kapatid dba? Nakita ko na ata yun.sagot ni Angelo. Hindi ko alam kung may allowance kasama. Itatanong ko, Cecil. Kaya ka pala masaya Toto.sagot ni Benjie. Kuya Benjie, humirit nga na kain daw kami sa labas. Marunong tumiming  at si nanay pa pinagsabi para hindi ako makatanggi.pagkukwento ni Toto sa kanila. At nag umpisa na sila sa kanilang trabaho at pagpasok ni Toto sa opisina ng Boss nya. Nagpaalam na sya na sa payday  lalabas sila ng pamilya nya. Kinwento nya ang dahilan at ikinatuwa ng boss ito. Sige magcelebrate kayo ng family mo. Next week pa naman yun. Baka before payday ako magpalinis sa yo. Paalala mo sa akin ha.sabi ng boss kay Toto. At para maiabot ko ng maaga  ang sweldo mo.nakangiti ang boss sa sinabi.

Kuya, megamall na lang tayo kumain para malapit lang. Marami din naman makakainan sa  mega.sabi ni Crisanto sa kuya nya. Oo nga, naisip ko rin yan para doon na tayo magkita at hindi tayo mahirapan sa pag uwi, dahil payday yun.Maraming tao.sabi ni Toto. Sige kayo na magplano basta yung hindi tayo mahirapan pag uwi.sagot ng nanay nila. Nay sa Vikings ko gusto kayo dalhin. Buffet yun, eat all you can. Sulit kay Crisanto. Lahat ng gusto nya nandoon. Yung mata ni Crisanto namilog, halos maglaway na. Baka mahal doon anak, magtipid ka.sabi ng nanay nya. Nay wag kayo mag alala, nakalista lahat ng gastusin natin..pag graduate ni Crisanto, babayaran nya...hahaha..biro ni Toto sa kapatid.. Si kuya talaga. Basta kuya susulitin ko ibabayad mo doon sa Vikings..para pag uwi natin hindi na ko kakain.sabi ni Crisanto na mistulang naglalaway na.

Pagpasok nila sa Vikings, palibhasa first time nila,  Lalo na si Cisanto, nanlaki ang mata. Mula sa kanilang lamesa hindi malaman kung saan mag uumpisa. Kuya una na ako ha. Pagbalik ni  Crisanto puno ang platong dala. Crisanto, mauubos mo ba yan?tanong ng nanay nila. Oo, nay, babalik pa ako mamaya. marami pa doon nay, doon ka sa banda naman kumuha para matikman natin ibat ibang putahe,  International mga pagkain dito nay, hindi ko na alam kung ano basta kumuha na lang ako.tuwang tuwa na sagot ni Crisanto sa nanay nila. Habang kumukuha ang nanay nya may nakitang kakilala si Toto. Boss Mark! nakita ni Toto ang boss nya. Kapatid ko at nanay ko.pakilala ni Toto sa boss nya. Toto, dito mo pala sila dinala. Sya yung scholar? sabay turo kay Crisanto.  Para malapit lang sa bahay. Ayun ang nanay namin nakapila.Sino kasama mo Boss? Kaibigan ko nagkayayaan biglaan lang doon kami naka upo.sabay turo sa mga kasama. O sige, enjoy kayo.paalam ng boss nya. Kuya yun ba ang boss mo?laki ng katawan.tanong ni Crisanto sa kanya. Nay, sayang hindi mo na meet ang boss ko. Nandito rin sya.sabi sa pabalik na nanay. Si Crisanto tuwang tuwa sa pagkain.Kahit plato ng nanay nya kinuhanan pa. Sarap nito nay ha. Saan mo kinuha to? Kukuha din ako.sabi ni Crisanto sa nanay. Masayang kumain ang mag iina. Busog silang umuwi ng bahay at si Crisanto bundat na bundat sa dami ng kinain. Kuya parang hindi ko na kayang kumain ng hapunan pag uwi. Maglakad lakad muna tayo dito sa mega para bumaba ang kinain ko.sabi ni Crisanto. Aba balak mo pa maghapunan pag uwi Crisanto sa dami ng kinain mo? Baka bangungutin ka pagtulog mo nyan.sabi ni Toto sa kapatid. Kuya salamat sa treat mo ha. Paggraduate ko ako naman magtreat sayo para tumaba ka naman. Hindi nila akalain may isa pang sorpresa ang naghihintay sa kanila. Paghingi nila ng bill. Waiter ang bill namin? Tatlo kami.sabi ni Toto sa waiter. Sir bayad na po. May nagbayad, ayun po sa table na yun.tinuro ng waiter ang table ng boss nya. Kinawayan sya at nag thumbs up pa. Kumaway din si Toto sa boss at nagpaalam na.Nagulat silang mag iina dahil binayaran na pala ng boss ni Toto ang pagkain nila. 

Sa pagbabalik ni Toto sa condo ng boss nya. Boss salamat binayaran mo ang bill namin sa Vikings. Nagulat ako bayad na pala. Bakit mo binayaran boss? Bagong sweldo naman ako dba binigay mo ng maaga ang sweldo ko?sabi ni Toto sa boss. Wala naman. Masaya lang ako nung gabing yun, nakita ko kayo. Natuwa ako sa pamilya mo.sagot ng boss nya. Nangiti na lang si Toto at tinuloy ang paglilinis sa condo ng boss. At nang matapos na sya, binalikan ang boss na nakaharap sa laptop. Tapos na ako boss may ipapalinis ka pa?tanong nya sa boss. Nakangiti ang boss nya, isinara muna ang laptop at hinarap si Toto. Upo ka muna. Maaga pa naman. Umupo si Toto sa sofa. Lapit ka, Tabi tayo.imbitasyon ng boss. Pawisan ako boss, nakakahiya.sabi ni Toto. Okay lang ako rin amoy pawis.lumapit si Toto sa tabi ng boss. Hinawakan sya sa kamay. Pinisil pisil ito. Salamat Toto, masaya ako pag nandito ka. Nakatingin lang si Toto.gusto ko sana magpasama sa yo sa sabado. Magpapagamot ako.sabi ng boss nya. May lakad ka ba? Sabado ng hapon yun.paglilinaw ng boss sa oras ng check up nya. Wala naman boss. Saan ka magpapacheck up?..ano sakit mo boss?tanong nya dito. Mabilis ako mapagod lately, madali ako hingalin, baka sa puso..hindi ko alam, kaya ako pupunta sa doctor.sabi ng boss kung available ka papasama ako sa yo. Ayun ang napag usapan namin ng mga kaibigan ko alam mo naman tumatanda na ako.sabi ng boss. Sige boss wala naman ipapagawa sa akin si Cecil at kung meron man umaga lang nang sabado.sabi ni Toto. Ayun nga pala Toto tayo lang nakakaalam ha. Basta wag mo sabihin sa kanila. Tulad ng dati.bilin ng boss kay Toto. Ano shower tayo?sabi ng boss. Sabay tayo boss?gulat na tanong ni Toto. Oo, magkaibigan naman tayo walang malisya yun.Kaming magkakaibigan sabay sabay maligo pag nag oouting..Mahihiya pa ba ako sa yo? Dami mo nang alam sa akin. Nagkikisay na nga ako dahil sa yo. Natawa si Toto sa sinabi ng boss. Papa scrub  ako sa yo sa likod. Hindi ko abot kasi.pahabol ng boss. Sige na boss, baka lang kasi tawanan mo ko pag nakita mo ko nakahubad. Pati ano ko payat din kasi. sabi ni Toto sa Boss. Wala yun nasa performance yun. Ang magkakaibigan walang taguan. Tayo na ligo na tayo. At naghubad na ang boss sa harap ni Toto. Si Toto hiyang hiya sa boss.

Pagkatapos ng check up. Daan muna tayo sa laboratory Toto papakuha ko ng dugo para next week makabalik tayo kay doc. Ipinakita kay Toto ang listahan ng lab test na gagawin. Dami nyan boss. General check up ka ba?tanong ni Toto. Parang ganun na nga Toto. Buti na lang may healthcard tayo covered ang check up at labtest. Ikaw ginagamit mo ba card natin?balik sa kanya ng boss. Hindi boss Mark, wala naman ako nararamdaman. Sagot ni Toto. Buti ka pa. Ingat ka. Tapos natin sa laboratory kain muna tayo.sabi ng boss. Gutom na nga ako boss kanina pa.sabi ni Toto. Bakit hindi ka nagsasabi?para kang iba..wag ka mahihiya sa akin.bibigyan kita pangkain.sabi ng boss.Malayo kasi ang canteen kaya ayoko umalis dito. Baka hanapin mo ko paglabas mo.sagot ni Toto. Sige, Kain muna tayo mamaya na tayo pumunta sa laboratory.Kanina ka pa pala gutom. Ikaw talaga Toto.sabi ng boss.Pagkakain nila pumunta na sila sa laboratory. Toto baka ikaw pakunin ko ng result next week pag hindi ako available. Pag kinuha mo sa akin mo lang ibibigay. Wag mo bubuksan, tayo lang babasa nyan tapos babalik tayo kay doc.bilin ng boss. Boss Mark nag aalala naman ako sa yo. Kung magsalita ka ano ba sakit mo?tanong ni Toto sa boss. Hindi ko alam Toto, malalaman natin next week. Ok lang ako wag ka mag alala.ano may lakad ka pa ba? Hatid na kita sa inyo. Ako uuwi na sa condo o gusto mo mag stay sa condo muna palamig ka don? Pag imbita ng boss kay Toto.

Sa kotse tahimik lang si Toto. Hanggang, Toto ano iniisip mo?Kanina ka pa walang imik dyan.napansin sya ng boss. Nagpacheck up lang ako, inisip mo na mamamatay na ako.Malakas pa ako.sabi ng boss. Nag aalala lang  Boss Mark, dami kasing lab test na pinagawa.sabi ni Toto. Wag mo pansinin yun, ganun talaga ang check up. mabuti nga magamit ang health card para sulit. Magkape tayo sa condo mamaya, masahehin kita gusto mo para marelax ka. Ikaw naman pagsilbihan ko mahal kong kaibigan.sabi ng boss kay Toto. Boss bawal yan. Wala sa usapan natin yan. Ikaw nagsabi nyan.Wag mo ko mahalin.Bawal!....sabi ni Toto. Mula ngayon Toto pwede na.Hindi pwede pigilan ang nararamdaman..Kaibigan kita sabi na sa yo masaya ako pag magkasama tayo. Allow me to serve you pag uwi natin.sabi ng boss. Bahala ka boss Mark. Basta sa akin bawal pa rin. Hindi kita mamahalin Boss Mark..  Pagkakape natin uwi na ako.sabi ni Toto sa boss nya. Tumahimik na sila hanggang makauwi sa condo. Sa elevator walang nagsasalita hanggang sa unit. Ang boss diretso sa kusina para gumawa ng kape. Tapos dumiretso sa kwarto nya, para magbihis ng pambahay. Si Toto nasa sala lang nakaupo. Tahimik, nagiisip. Nakatingin lang sa boss nya.  Hanggang sa makatulog ng nakaupo. Hindi alam ng boss na nakatulog sya ng nakaupo. Habang papalapit kay Toto dala ang kape. Eto na ang brewed coffee para sa kaibigan ko. Nag iisip ka pa rin. Check up lang un ano ka ba Toto, kape na tayo. Sabi ng boss sa kanya na laking gulat ng makitang nakatulog ng nakaupo. Ginising si Toto ng boss. Gising na Toto eto na kape mo. Kala ko naman nag aalala ka kaya ka tahimik tulog ka pala.sabi ng boss kay Toto. Napagod ako boss Mark sa lakad natin.sabi ni Toto. Sige pagkakape mo matulog ka sa kwarto muna.sabi ng Boss. Natulog muna si Toto sa kama ng boss nya. Halos dalawang oras din syang nakatulog.hinayaan sya ng boss na magpahinga. Hinintay na magising sya, ang boss nya naka tutok sa laptop. Hindi namalayan na nagising na sya. Boss Mark, pasensya na nakatulog ako sa kama mo.sabi ni Toto sa boss nya. Ok lang doon kita pinatulog talaga dahil kaibigan kita. Ok ka na?sige salamat ha.Ingat. Kita na lang tayo sa opisina sa lunes.sabi ng boss sa kanya. Lumapit sya sa boss at yumakap. At nagpaalam na ito sa boss nya. 

Lunes ng umaga, Papasok na si Toto sa trabaho.  Naisipan nyang dumaan muna sa lotto para tumaya. Nakita nya kasi walang pila. Lucky pick sabi nya sa cahera. Nilagay nya sa bag ang ticket at pumasok na sa work. Inabutan nya si Benjie, nagkakape sa pantry. Good morning Kuya Benjie, wala pa sila? humigop ito ng kape at. Si Cecil parating na, absent si Angelo kaya wala kang aasarin. Ngumiti lang si Toto at kinuha ang tinayaang lotto. Magkano jackpot ngayon? Tanong ni Benjie. Maliit lang kuya kakakuha lang ng jackpot, kaya pala walang pila. Sagot ni Toto. Kuya may papagawa ka?.... linis muna ako. Sabi ni Toto. After ilang minutes binalikan ni Toto si Benjie, kuya nandyan na si Boss Mark? Ang aga may meeting ba sila? Gulat na tanong ni Toto. Oo nga nauna pa sa akin si Boss. Hindi ko tinanong. Ikaw tanungin mo. Balik ni benjie kay Toto. Ayoko nahihiya ako baka magalit.sabi ni Toto. Mabait yun, gusto nga nya kinakausap sya.Madalas ka naman sa opisina nya, para maglinis. Nangiti si Toto sa sinabi ni Benjie. Sige kuya,maglinis na ulit ako.paalam ni Toto. Dahil pasipol sipol si Toto, hindi namalayan na dumating si Cecil.  Hindi rin nya napansin na kinakausap na pala sya ng boss nya. Sya pa ang nagulat ng nasa harap nya ang boss.  Kanina ka pa dyan Boss Mark?tanong nya sa boss. Oo! Hindi mo ko pinapansin. Pasipol sipol ka lang. Ayan si Benjie, kanina pa kami nakatingin sa yo.sabi ng boss. Nagtawanan ang tatlo. Ano utos mo Boss Mark? Hindi ko alam nandyan ka pala.pasensya na Boss.sabi ni Toto. Papick up ko yung inorder ko sa lazada. Nasa baba na sya.utos sa kanya ng Boss. Iligpit ko lang ito boss, baba na ako.sabi ni Toto. Pabalik na ang boss sa opisina nya ng lumabas si Cecil. Boss Mark papirma nito, sabay turo sa mga documento. Saka dito pa Boss...salamat.sabi ni Cecil sa Boss. Kuya benjie si Toto? si boss Mark ang sumagot. Inutusan ko nasa baba  may pinapick up ako.sagot ng boss. Sige boss paakyat na siguro yun.padeliver ko ito kay Toto pagbalik nya. Cecil si Angelo nga pala absent, tumawag kanina,pahabol ni Benjie kay Cecil. Pagbalik ni Toto galing sa baba, diretso sya sa opisina ng boss. Lagot ka Toto hinahanap ka ni Cecil.(may tonong pang aasar ang boses) Ano atraso mo dun?biro ng boss kay Toto. Hindi alam ni Toto binibiro lang sya ng boss. Wala boss. Eto na yung pinapick up nyo boss.tama ba? Punta na ko kay Cecil, boss.paalam ni Toto. Teka lang...Binibiro lang kita Toto ..ikaw naman, nag alala ka agad.sabay tapik sa balikat ni Toto. May iuutos lang sa yo si Cecil.salamat Toto. Napakamot sa ulo si Toto Si boss talaga akala ko kung ano na.pabulong ni Toto habang papunta naman sa opis ni Cecil. may kausap ka ba? Narinig ni Cecil na bumubulong si Toto papunta sa kanya. Si Boss Mark kasi kala ko may memo na naman ako sa yo.. Binibiro lang pala ako.Kinabahan tuloy ako.pagkwento ni Toto kay Cecil. Sigurado ka biniro ka ni Boss Mark?..hindi nagbibiro yun alam mo ba.. Close na kayo para biruin ka nya.pahayag ni Cecil kay Toto. Anyway ito nga pala padeliver mo. Nakasulat ang address sa makati yan. Baka pag balik mo wala ako. Kay kuya benjie ko iiwan kung may papadeliver pa ako.Bilin ni Cecil. Pag labas ni Toto hindi napansin ang boss. Binati sya  pero hindi narinig.inisip tuloy ng boss na galit sa kanya si Toto.pagbalik ni Toto galing sa mga errands nya, pauwi na si Benjie. Toto uwi na ko. Ikaw na bahala dito.sabi ni Benjie. Okay kuya ayusin ko lang gamit ko uwi na rin  ako kuya.sabi ni Toto. May tao pa sa kwarto ni boss?bulong ni Toto. Sinilip nya ang kwarto, may tao nga. Dahan dahang lumapit si Toto sa kwarto nang malapit na sya, bigla bumukas ang pinto ng boss. Nakabalik ka na pala Toto, namumutla ka?sabi ng boss.Nagtataka ko kung may tao sa kwarto mo boss, nandyan ka pa pala.sabi ni Toto. Kaya nagulat ka na naman. Ikaw talaga magugulatin ka pala... Napikon ka ba kanina Toto sa biro ko?.. Hindi mo ko pinansin kaninang paalis ka.sabi ng boss. Hindi boss, hindi kita napansin kanina paalis ako.sabi ni Toto.  Kala ko napikon ka kanina. Eh di pwede na kita asarin ulit...hehehe..sabi ng boss. Si boss talaga, pauwi ka na boss. Malinis ba office mo..linisin ko na.sabi ni Toto. Ok na yan uwi na tayo. Sabay na tayo. Dinner tayo sa condo.pag asya ng boss. Sige boss, ayusin ko lang gamit ko. At nagmamadali si Toto magligpit at sumama na aya sa boss nya. 

Boss may napapansin ako. Parang gusto mo ko patabain. Lagi mo ko pinapakain.sabi ni Toto sa boss. Napansin mo pala, sobrang payat mo kasi pero mabigat ka alam mo ba yun. Sabi ng boss. Ano plano mo? Mahal mo na ba ako?pabirong tanong ng boss sa kanya. Boss walang ganyanan. Pag tumaba na ako.pabirong sagot ni Toto. Pagkakain shower tayo ha. sabi ng boss nya. Halatang nahiya si Toto sa boss. Nahihiya ka pa rin. Ligo lang naman. Naligo na tayo ng sabay dba? Hindi ka pa nasanay.sabi ng boss. Sige na nga boss, malamig kasi. Tapos uwi na ako boss ha.sabi ni Toto sa boss. May heater ,gamitin natin.  bukas ka na maglinis dito para hindi ka gabihin. Sige handa ko na pampaligo natin.sabi ng boss.  Pagkatapos nila maligo ng sabay. Nagbihis na sila, ang boss nya boxers at sando pantulog. Si Toto yung pinagsuotan nya. Boss uwi na ako salamat sa dinner ha. Bukas ako maglinis.sabi ni Toto. teka lang Toto may ibibigay ako sayo. may kinuha sa bag ang boss, botelya ng vitamins. ito inumin mo ito sa gabi bago matulog. umpisahan mo mamaya.pampataba at para makatulog ka.sabi ng boss. Ilaw talaga boss gusto mo ko tumaba..magkano ito.baka mahal to boss mark, wala ako pambayad.tanong ni Toto. Tinuktukan sya ng boss. Sira ano ka ba Toto.Libre yan.bigay ko sayo.kaya inumin mo yan para tumaba ka. Sabi ng boss kay Toto. Sige boss uwi na ako. Niyakap ang boss at may halik pa sa labi. Sabay sabing bukas ulit boss. At umuwi na si Toto. Nakangiti ang boss sa ginawa ni Toto at isinara ang pinto ng condo at nag ayos na sa pagtulog. Iba ang ngiti ng boss sa ginawa ni Toto sa kanya. Hanggang nakatulog sya na may matamis na ngiti.



Mahal na ba ng boss si Toto? Boss pa rin ba ang tingin ni Toto sa boss?

Itutuloy....

Condo Sharing

 December 15, ang lipat ni John sa condo na lilipatan nya sa QC, kung saan sya na assign sa bago nyang trabaho bilang ahente ng noodles.  Co...