<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"
crossorigin="anonymous"></script>
Si Lolo Patricio, ang Papa ni Daddy Patrick. Sa probinsya sya nakatira, sa bandang Laguna. Noong bata ako lagi kaming umuuwi sa Laguna tuwing bakasyon ang klase. Doon kami nag mamahal na araw. Lagi naming nakakasama si Lolo Patricio. Sinasama nya kami sa bundok, nangangahoy kami, kumukuha ng mangga at saging sa bundok. Kung minsan naman sinasama nya kami mangisda, may palaisdaan si lolo, tilapia at bangus ang mga isda nya. Si Daddy Patrick , hinahayaan kaming sumama kay lolo, dahil para daw matuto kami ng buhay probinsya. enjoy kami ng kuya Peter kapag hinahayaan kami sumama. Kahit nakakapagod ang sarap ng pakiramdam kasi kakaiba kumpara dito sa Pasig na aming tinitirhan. Ibang iba ang buhay probinsya. Kahit walang aircon at game and watch, atari,nag eenjoy kami. Sulit ang bakasyon namin lagi kasama si Lolo Patricio.
Sa paglipas ng panahon. Lumilipas na rin ang aming pagiging bata. Imbes na sa probinsya kami magbakasyon, para makita at makasama si lolo Patricio, dito na lang kami sa Pasig nagpapalipas ng bakasyon. Sina Daddy at Mommy ine enroll kami sa ibat ibang klase sports, tulad ng taekwando, swimming at basketball. Maging ang mga workshops inenroll din kami nina Daddy at Mommy tulad ng pagtutog ng gitara, violin, pati acting, singing at dancing. Ginawa yun nina Daddy at Mommy para may madagdag na kaalaman kami. Enjoy din naman dahil bukod sa kaibigan namin sa school, nadagdagan mga kaibigan namin.
Pero iba pa rin kapag kasama namin si Lolo. Iba pa rin kapag nasa Laguna kami. Hindi man kami ipinanganak doon alam namin na ang pinagmulan namin ay Laguna. Kaya isang araw... Toktoktok!.... Toktoktok!... Peter may kumakatok, buksan mo ang pinto.utos ng mommy kuya Peter. Prince, may ginagawa ako ikaw na magbukas.pasa ni Peter kay Prince...Ikaw inutusan ni mommy bakit mo ipapasa sa akin.sagot ni Prince sa kuya nya. Toktoktok....kumatok ulit ang bisita.. Ano ba kayo hindi nyo buksan ang pinto. May bisita tayo.sabi ng mommy. Mommy si kuya pinapasa ang utos sa akin.sumbong ni Prince sa mommy nila. Ay naku kayong dalawa talaga..pasapasa lagi pag inuutusan. Ako na nga magbubukas ng pinto.sabi ng mommy nila. Sino yan? Tanong ng mommy nila sa kumatok at sumilip sa maliit na bintana muna bago buksan ang pinto..Laking gulat ng mommy nila ng makita sa bintana ang lolo nila. Daddy Patricio!..... Napatingin ang magkapatid na Peter at Prince.. Peter at Prince , mag ayos kayo. Si Lolo Patricio nyo pala ang kumakatok. Nataranta ang magkapatid. Niligpit agad ang ginagawa at unahang binuksan ang pinto. Lolo Patricio...Lolo Patricio.. Unahan ang dalawa sa kamay ng matanda para magmano. Nakatingin si Mommy Imelda sa dalawa. Kanina ayaw nyong buksan ang pinto tapos ngayon unahan kayo sa Lolo nyo.sabi ng Mommy sa dalawang anak na lalaki. Daddy Patricio, pasensya na po at natagalan ang pagbukas ng pinto. May ginagawa ako sa kusina.sabi ng mommy nila. Oo naririnig ko nga ang dalawang ito. Ayaw buksan ang pinto.tugon ni Lolo sa mommy nina Peter at Prince. Kaya hindi ko ibibigay ang pasalubong ko sa kanila.sabi ng matanda. Lolo gumagawa ako ng assignment kaya hindi ko mabuksan. Si Prince po ayaw pautos.sumbong ni Peter sa Lolo. Lolo may project ako. Si kuya Peter pinapasa ang utos sa akin.sagot ni Prince. Naku Daddy, ganyan talaga ang dalawang yan mahirap utusan.. Kaya ako na lang gumagawa. Kaya laging pinapagalitan ng Daddy nila. Peter , Prince, kumuha kayo ng maiinom ni Lolo Patricio at Tito Nato nyo..at malayo pinanggalingan nila. Unahan ang dalawa sa pagkuha ng maiinom para sa paborito nilang lolo. Daddy saan kayo galing at napunta kayo dito.Hindi man lang kayo nagpasabi para sinundo namin kayo ni Patrick.pagkausap sa byenan. Gusto ko kasi kayo sorpresahin kaya nagpasama lang ako dito kay Nato. Nagpacheck up ako.sabi ni Lolo Patricio.. Daddy, Kuya Nato uminom muna kayo.pasensya na at magulo pa ang bahay namin. Dito na kayo matulog at gabi na rin Daddy. Para makasama nyo ang mga bata. Si Patrick pauwi na rin yun. Matutuwa yun pagdating. May isang kwarto naman sa taas.sabi ni Imelda sa bayaw at biyenan..Sige pero bukas ng maaga uuwi kami agad. Para madaanan namin ang mga labtest na pinakuha ng doctor. May dala kaming Tilapia at Bangus.napatingin ang dalawang bata. Galing sa palaisdaan yan Lolo.tanong ni Peter. Imelda may dala din kaming prutas. Galing sa bundok lolo Patricio.tanong naman ni Prince. Oo mga apo pero si Tito Nato nyo na ang kumuha at hindi na ako gaano nakakapunta sa bundok at palaisdaan. Doon na lang ako sa bahay mga apo.paliwanag ng matanda sa dalawang bata. Pinapili sa akin ni Daddy ang magagandang prutas at matatabang isda.sabi ni Nato sa dalawang bata. Habang hawak ang mga ulo ng mga ito.. Toktoktok....baka si Patrick na yan Daddy. Binuksan ni Peter ang pinto. Daddy nandito si Lolo Patricio. Nagulat si Patrick. Dali daling pumasok. Kuya Nato, Dad..napunta kayo...anong dahilan. Sana nagpasundo kayo.sabi ng ama nina Peter at Prince. Yun nga ang sabi ko Honey, sana nasundo natin si Daddy. Pero sabi ko dito na sila matulog at bukas na sila umuwi.paliwanag ni Imelda sa asawa.Dad, sa room namin si Lolo Patricio matutulog ha.sabi ni Peter. Kuya doon ka na sa isang kwarto matulog at pag kasama mo tong dalawang ito baka hindi ka makapahinga.sabi ni Patrick kay Kuya Nato. Nagpakitang gilas ang dalawang bata. Pinagsilbihan nila ang Lolo nila. Ang sisipag naman pala ng dalawamg ito Patrick.sabi ng matanda sa anak. Dad, pakitang gilas lang yan. Ang hirap utusan ng dalawang yan. Ikaw lang ang pinagsisilbihan nyan.sabi ni Patrick sa ama. Natatawa sina Nato at Imelda sa dalawang bata. Peter at Prince makinig kayo. Wag nyo puyatin ang Lolo nyo at maaga kami pupunta bukas sa ospital.sabi ni Patrick sa dalawang anak. Sama kami daddy.sagot ni Prince. Hindi pwede at may pasok kayo. May taekwando kayo bukas.sabi ni Imelda sa dalawang anak. Kaya lahat tayo matutulog at gigising ng maaga bukas. Sabay sabay tayo mag aalmusal. Sabi ni Patrick sa dalawang bata. Si Nato nakatingin lang sa mga pamangkin. Si Lolo Patricio naman ay nag aya ng kumain. Lolo Patricio , sandali lang. Nagulat ang matanda kay Peter. Ha!...Bakit apo?... Lets pray muna bago kumain.sabi ni Peter sa lolo. At nagsimula na silang magdasal ...maikling dasal lang at nang matapos. Kuya Peter pahingi ng catsup.sabi ni Prince. Lolo masarap po luto ni mommy. Lagi paborito namin ang niluluto nya.sabi ni Prince sa lolo. Kaya pala ang tataba nyo. Binibigay ang gusto nyong kainin...masayang naghapunan ang buong pamilya.
Kinaumagahan, Lolo Patricio, yung mapapanalunan kong medal mamaya. Para sa yo yun. Salamat sa bisita.pag aalay ni Prince sa lolo. Pangako yan may medal ka mamaya ha apo. Galingan mo, para pagbalik ko isabit mo sa akin.sabi ng lolo. Talaga lolo babalik ka?nanlaki mata ni Prince sa narinig sa lolo. Ngumiti ang matanda at naghanda na sa kanilang pag alis. Paalam lolo Patricio.malungkot na masayang nagpaalam ang dalawang bata sa paborito nilang lolo. Ano mga bata ready na kayo? Aalis na tayo.sabi ni Imelda sa anak. Yes mommy, para kay lolo Patricio ang laban na ito.ganadong binitbit ang mga gamit at sumakay na rin sa kotse mag iina. Pagkakuha nina Patrick ng laboratory result ay kumain muna silang tatlo sa Jollibee. Si Nato parang may hinahanap. Ano yun kuya Nato?tanong ni Patrick sa kuya. Yung baston ni Daddy nasaan. Naiwan ba natin sa ospital?tanong ng kuya. Nato wala tayong dalang baston ng umalis. Nasa bahay nina Patrick, doon natin naiwan. Hayaan mo na. Babalik pa naman tayo.sabi ng matanda sa nakatatandang anak. Kuya Nato bili na lang tayo meron naman sa mercury drug na baston.sabi ni Patrick. Wag na Patrick, marami akong baston sa bahay.Magaganda pa ang baston ko. Padala ng Ate Patricia mo galing UK.sabi ng matanda kay Patrick.Sige Daddy pagkakain hatid ko na kayo sa bahay para makabalik ako kay Imelda.tutal maganda resulta ng labtest nyo. Ingat na lang po sa pagkain.sabi ni Patrick.
Gabi na ng makabalik si Patrick sa bahay nila sa Pasig. Maraming dalang pasalubong si Patrick para sa pamilya lalo na sa dalawang bata. Peter....Prince...dito na ang daddy, may pasalubong ako galing kay tita Patricia nyo...nag uunahan ang dalawang bata sa pasalubong ng daddy nila. Hon, ano kakain ka na ba?..maghahain na ako. May good news din ang dalawang bata sa yo.pagbabalita ni Imelda sa asawa. Yung baston nga pala ni daddy nasa kwarto ng mga bata. nakita nila pag uwi kanina.pahabol ni Imelda sa asawa. Naalala nga ni kuya na wala ang baston pero si daddy alam na nandito. Marami palang baston si daddy kaya pagbalik na lang daw nya kukunin.pagkwento ni Patrick sa harap ng pamilya. Daddy itatabi namin baston ni Lolo Patricio. Kami na magbibigay pag balik nya. Sasabay namin sa medal na napanalunan namin kanina.masayang balita nina Peter at Prince sa ama. Talaga!...nanalo kayo kanina...sayang hindi ko napanood.excited na sagot ng ama sa anak. Navideo ko hon, kaya mapapanood mo.. Yan ang balita nila kaya ayan nagpabili ng chooks to go at spaghetti dahil nanalo daw sila. At ipasyal mo raw sila sa MOA..sabi ni Imelda sa asawa. Oh ayan ha naisingit ko na ang request nyo.hinarap naman ang mga bata para kumain na. Prince ikaw na magpray at nang makakain na tayo.utos ni Patrick sa bunsong anak. Pagkakain ng hapunan, pinanood ng buong pamilya ang taekwando competition ng dalawang bata. Tuwang tuwa si Patrick dahil nakakuha ng medalya ang mga anak nya. Hindi nya akalain na kahit matataba ang mga ito ay magkaka medalya. Niyakap nya ang mga ito at sinabihang mamasyal sila sa MOA. Dad yung baston ni lolo Patricio sa kwarto na namin itatabi kasama ng mga medalya namin.sabi ni Peter sa ama. Matulog na tayo at bukas magsisimba tayo tapos direstso tayo sa MOA. Masayang humalik kina Imelda at Patrick sina Peter at Prince at nagpaalam nang matutulog.
Kinaumagahan, ginising ni Imelda ang dalawang bata para mag almusal. Unang bumangon si Prince. Sumunod si Peter, pero umupo muna sa kama si Peter may napansin kakaiba. Medals lang ang nakita nya sa kwarto. Nagtataka sya parang may nabago..pero naisip nya baka pinaglaruan ni Prince ang baston kaya wala doon.. Ilang saglit lang ay Peter bangon na.narinig nya ang boses ng mommy Imelda nya. Doon pa lang sya lumabas ng kwarto nila ni Prince. Nagulat sya dahil walang hawak na baston si Prince. Bagong ligo ito na nakaupo sa lamesa para mag almusal. Pagkakain ng breakfast maligo ka na Peter at aalis na tayo.sabi ng Daddy nya. Nakahanda na ang susuot mo.hinanda ko na.sabi ng mommy Imelda nya. Nag almusal na lang si Peter na nagtataka. Hanggang umalis ang buong pamilya tahimik pa rin si Peter. Sa simbahan nagdasal silang lahat para kay Lolo Patricio. Pagkatapos magsimba dumiretso na sila sa MOA , doon nagpunta sila sa arcade, sa skating rink, naglakad lakad silang mag anak sa buong mall. Hanggang napansin ng mommy nya si Peter. Peter tahimik ka?may sakitbka ba? Hinawakan pa ito sa ulo at sa leeg. Wala ka namang sakit.sabi ng mommy nya. Wala po mommy. May iniisip lang kasi yung baston ni Lolo Patricio kanina wala sa kwarto namin ni Prince.paglalahad nya sa mommy nya. Dba tinabi nyo sa medals nyo kagabi, para pagdating ng lolo nyo bibigay.sagot ng mommy nya. Opo mommy pero paggising ko po wala doon, medals lang namin ang nandoon.sagot ni Peter sa mommy nya.Sige mamaya pag uwi natin hanapin natin. Enjoy muna tayo dito. Tignan mo si Prince kanina pa takbo ng takbo. Napapagod Na daddy mo sa kanya.sabi ng mommy nya.
Sino ang gumalaw ng baston ni Lolo Patricio?Nasaan ang baston ni Lolo.
Itutuloy....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento