<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"
crossorigin="anonymous"></script>
Toto may ibibigay ako sayo. may kinuha sa bag ang boss, botelya ng vitamins. Ito inumin mo ito sa gabi bago matulog. umpisahan mo mamaya.pampataba at para makatulog ka.sabi ng boss. Ikaw talaga boss gusto mo ko tumaba..magkano ito.baka mahal to Boss Mark, ilang gives?.tanong ni Toto. Tinuktukan sya ng boss. Sira ano ka ba Toto.Libre yan.bigay ko sayo.kaya inumin mo yan para tumaba ka. Sabi ng boss kay Toto. Sige boss uwi na ako. Niyakap ang boss at may halik pa sa labi. Sabay sabing bukas ulit boss. At umuwi na si Toto. Nagulat ang boss sa ginawa ni Toto at nakangiting isinara ang pinto ng condo at nag ayos na sa pagtulog. Iba ang ngiti ng boss sa ginawa ni Toto sa kanya. Hanggang nakatulog sya na may matamis na ngiti.
Toto...Toto...gising na. May pasok ka pa. Ginising si Toto ng nanay nya. Sarap ng tulog mo ha.sabi ng nanay nya. Nagvitamins po kasi ako kagabi nay, Naikwento ko kasi sa boss ko na madalas hirap ako matulog. Kaya binigyan ako kagabi. Kala ko nga babayaran ko libre pala.kwento ni Toto sa nanay nya. Masyado mabait boss mo sa yo.Wag mo abusuhin. O sya mag ayos ka na at malate ka pa sa trabaho mo. Si Crisanto pinapunta ko sa palengke at ako na tatao sa tindahan.sabi ng nanay nya. Kain na ko nay at papasok na ko baka malate ako. Nagmamadali si Toto na nag ayos at pumasok na sa trabaho. Nakita nya wala pa tao sa office sya ang nauna. Kaya kumain ulit sya sa pantry ng baon nya. Hanggang magdatingan na sina Cecil, Benjie at Angelo. Inabutan sya kumakain sa pantry. Aba Toto ngayon ka lang kumain dito ano ulam mo?tanong ni Angelo. Maling at kanin, kain tayo.alok ni Toto sa kanila. Kala ko naman nagluto nanay mo Toto, nagdala ka.sabi ni Angelo. Kuya Benjie kain. Cecil saan ako ngayon?masayang tanong ni Toto. Dito ka lang sa office.Hintay lang muna, mamaya biglaan hahaha. Alam mo naman mga boss natin.natatawang paglalahad ni Cecil. Pinagpatuloy lang ni Toto ang pagkain. Wala pa si Boss Mark? Nagpasabi sa yo Cecil?tanong ni Benjie. Baka nag gym kuya.sagot ni Angelo. Nagpapasabi yun pag malalate. Baka parating na yun.sagot ni Cecil. Ano Toto kinain mo na yang lunch mo.napansin ni Angelo ang gana ni Toto. Kinindatan lang ni Toto si Angelo. Ayan na Angelo, nag umpisa na lagot ka.sabi ni Benjie.Nagtawanan na lang sila at nagpuntahan na sa kanya kanyang computer.
Toto, bakit magana ka atang kumain ngayon. Hindi naman ako nagluluto ng kakaibang ulam.napansin ng nanay nya ang gana nya kumain. Pati pagtulog nay, pag uwi ni kuya, dati sa motor nya.ngayon tulog agad. Mahimbing pa nay.sundot ni Crisanto. Mukhang okay vitamins na bigay ng boss mo.pahabol ng nanay nya. Baka nga nay.yun lang naman ininom ko mag iisang buwan na.Mahal kaya yun?. Mukhang hiyang ako doon.sagot ni Toto sa nanay. Oo nga tumataba ka na. Nagkakapisngi ka na. Nagiging magkasing taba na kayo ni Crisanto.napansin ng nanay nya ang pagbabago sa katawan ni Toto. Dalawa na ba pogi mong anak nay?sabi ni Crisanto. Ano ibig mo sabihin pangit ako, Crisanto? Ha!!hinarap si Crisanto. Wala ko sinabi kuya. Bakit ko sasabihin yun kuya eh magkamukha nga tayo. May bibilhin pala ako project kuya pahingi ng pera.lambing ni Crisanto sa kapatid habang inaakbayan. Hinalikan pa ang kuya nya sa pisngi. Kaya pala mabait may hihingin na naman to nay. Nay ano ulam natin? Nakakagutom yang niluluto mo.sabi ni Toto. Nagkatinginan ang nanay nya at si Crisanto. Gutom ka na naman kuya. Kamimiryenda lang natin ng pansit canton.sabi ni Crisanto. Wala akong pera para sa project mo. Nagugutom ako eh.Bango nyan nay.balik ni Toto sa luto ng nanay nya. Malapit na itong maluto Toto, konti na lang.sagot ng nanay nya. Nakasimangot si Crisanto sa kuya nya. Magkano kailangan mo Crisanto sa project mo?tanong ni Toto sa nakasimangot na kapatid. P500 kuya, saan ko kukunin?sa wallet mo?mabilis na sagot ni Crisanto. Agad agad Crisanto,nagmamadali ka!sagot ni Toto..Baka magbago na naman isip mo kuya. Mahirap na.sagot ni Crisanto.Mamaya na Crisanto, pagkakain na.Ikaw maghugas ng pinggan.utos ng nanay kay Crisanto.
Boss Mark, sabi mo ako kukuha ng labtest mo?umpisa ni Toto sa boss. Ako na lang. Malapit sa gym ko naalala ko kaya, dinaanan ko na.sagot ng boss kay Toto. Buti na lang wala kang malubhang sakit no.sabi ni Toto. Eh kung may sakit ako ano gagawin mo?tanong ng boss sa kanya. Natahimik si Toto...pinagpatuloy ang paglilinis... Tumigil at tumingin sa boss. Kung may sakit ka boss ano gagawin ko?.... Nakatingin ang boss sa kanya naghihintay ng sagot.. Hindi muna ko maglilinis dito. Mahirap na baka mahawa ako sayo. Di mag aabsent ako. Memo nanaman kay Cecil..alam ng boss na nagbibiro sya. Ngumiti , siraulo.. Ikaw pa. Alam ko hindi mo ko pababayaan. Nung nilagnat nga ako nataranta ka.. Nang makita mo yung labtest ko nagalala ka na dahil marami. Natulala ka na. Kala mo maloloko mo ko sa sagot mo..magpakatotoo ka nga Toto.sabi ng boss kay Toto. Oo na boss.pupuntahan pa rin kita kahit may sakit ka. Aalagaan kita. Gusto lang mo ata magkikisay ulit eh.sabi ni Toto sa boss. Ngumiti ang boss. Habang naglilinis si Toto. Pinaalala mo na naman yang kisay kisay na yan. Dyan ka na nga.sabi ng boss at pumasok sa kanyang kwarto. Si Toto nagpatuloy sa paglilinis. Pagkatapos maglinis, pinuntahan ang boss. Kakatok sana sya pero nakabukas ang pinto. Hindi na ilock ng boss. Nakita nya ang boss, nakahiga, walang damit. Biglang nanginig ang boss, nakita ni Toto na parang tumitirik mata ng boss. Nataranta sya. Kaya nilapitan ang boss. Boss ... Boss... Niyakap nya ito. Hanggang magsalita ang boss. Ok lang ako. Bakit ka nandito. Nagkikisay ka kasi boss kaya nataranta ako. Hinihingal pa ang boss nya bago sumagot. Sandali lang, may hinugot sa kanyang pwitan. Ito ang dahilan. Ginamit ko, pinaalala mo kasi ang kisay.sabi ng boss kay Toto. Kala ko kung ano na nangyari sayo boss.Yang vibrator na yan palaang dahilan. Tapon mo na kaya yan boss. Pinakaba ako ng todo. Nanginig ka tapos tumirik mata mo.Sana nagsabi ka para ako na lang gumawa. Sabi ni Toto sa boss. Sira ulo ka talaga tapos sasabihin mo hindi mo ko mahal.sabi ng boss. Hindi naman talaga kita mahal boss. Concern lang ako. Sabi ni Toto. Sige na nga tapos ka na ba maglinis? Kain na muna tayo, baka kung saan pa mapunta usapan natin.sabi ng boss. Habang nagbibihis ng damit para kumain. Maalala ko Boss Mark yung vitamins na binigay mo. Saan nabibili yun? hiyang ako doon.sabi ni Toto. Tinignan si Toto ng boss. Oo nga parang tumaba ka. Nagkalaman pisngi mo. Lalo ka pumogi. Sabi ng boss. Yan din sabi sa bahay boss Mark. Gumana kasi ako kumain tapos nakakatulog na ako. Kaya gusto ko bumili boss.kwento ni Toto sa boss. Ako na bahala dun, bigyan kita pagbalik mo. Kaibigan kita kaya sagot ko na yun. Habang kumakain nasabi ng boss kay Toto na magleave sya. Toto, balak ko magleave bisitahin ko magulang ko sa Baguio. Gusto mo sumama? 3days ako doon, para makalanghap ng fresh air.sabi ng boss kay Toto.pumayag kaya si cecil? Umabsent lang ako nagagalit na yun.sabi ni Toto. Kapag nagpaalam ka papayag yun.Nagagalit yun kapag biglaan. Ano magsabi ka kay Cecil. Tapos sama ka sa akin. Sagot ko lahat,pasyal tayo sa Baguio.sabi ng boss. Magsabi rin ako sa nanay ko para alam nya na magbabakasyon ako ng 3days.sabi ni Toto. Syempre naman magpaalam ka sa nanay mo. Sabihin mo papasalubungan natin sya para payagan ka.dugtong ng boss kay Toto. Sige boss basta wag mo na gamitin yung vibrator Boss Mark. Nataranta ko kanina.hiling ni Toto sa boss. Oo na susundin na kita. Gusto mo itapon ko pa yun, para sa yo. Napaka nerbyoso mo.pagsunod ng boss kay Toto.
Boss Mark, para kong nanalo sa lotto pag kasama kita.sabi ni Toto. Bakit mo nasabi Toto.balik sa kanya ng boss. Ewan ko Boss Mark. Iba ang nararamdaman ko. Ikaw ganun din ba kapag kasama mo ako?sabay tingin sa boss na hindi naman nakatingin sa kanya dahil nagddrive. Ako lang ata may nararamdaman. Balewala pala ako.bulong ni Toto. Ang drama mo Toto. Tumigil ka dyan. Nakikinig ako sa yo. Kapag tinignan kita mababangga tayo. Gusto mo sabay tayo mamatay kapag nabangga tayo?sagot sa kanya ng boss. May nararamdaman ka na sa akin Toto o babale ka lang?pag ganyan ang tono mo kinakabahan ako. Alam mo ba yun.sabi ng boss nya. Boss Mark kaibigan kita pero pasweldohin mo ako ha para may pang pasalubong ako sa nanay ko at sa kapatid ko. Pangit naman kung ang pasalubong ko eh sasagutin mo pa. Hindi naman tayo magjowa.sabi ni Toto. Ikaw talaga hanggang kaibigan na lang talaga ako sa yo.biro sa kanya ng boss. Boss Mark matutulog na muna ako pag nasa condo na tayo gisingin mo na lang ako ha.naghikab si Toto para ipaalam na matutulog na sya. Kung makakatulog ka Toto.. Ilulubak ko para magising ka..tapos bigla ako pepreno para gumalaw ka..bawal matulog Toto.ang daya mo.ako boss mo tapos ikaw ang matutulog.sabi ng boss kay Toto. Si Toto naman nakaharap sa boss na nanunulis ang nguso na nang aasar sa boss nya. Sira ulo ka talaga Toto. Pagdating natin sa condo lagot ka sa akin.sabi ng boss. Lab you Boss Mark..mwah ... Mwah... Sarap pala mag Baguio... Kailan tayo babalik Boss Mark. Hanggang tuluyan ng nakatulog si Toto sa kotse at hindi nya namalayan na napahawak sya sa legs ng boss nya. Hindi naman naramdaman ni Toto na hinawakan at pinisil pisil ng boss nya ang kamay nya. Ginising na lang si Toto ng boss mya ng nasa basement parking na sila ng condo. Pero dahil sa matinding antok hindi ito nagising kayat nilabas na lang ng boss ang gamit nila sa compartment at inilagay sa pushcart. Eksakto may condo guard na nakakita sa kanya at nag offer ng tulong. Kayat si guard na ang nagtulak ng pushcart hanggang unit at inalalayan ng boss si Toto hanggang unit...hanggang kama na.. Inayos ng boss ang mga pasalubong sa mga kapatid at nanay ni Toto. Tapos binalikan si Toto sa kwarto na tulog pa rin...papalabas na ang boss ng kwarto ng marinig si Toto.. Boss Mark... Boss Mark ... I love you... Pagtingin kay Toto...tulog pa rin ito..ngumiti ang boss.Nananaginip lang pala..hayaan ko muna matulog.bulong ng boss sa sarili. Nagpahinga na rin muna ang boss sa sala. Mahaba haba rin ang byahe mula Baguio hanggang Ortigas. Habang nagkakape ang boss hindi namalayan na bumangon na si Toto. Lumapit ito sa ulonan ng boss at humalik. Salamat boss , nakatulog ako sa pagod. Tinabihan nya sa sofa ang boss. Gusto mo ng kape? Gagawan kita.alok ng boss kay Toto. Gigisingin sana kita kanina kaya lang Sarap ng tulog mo Toto, kaya hinayaan na kita matulog. Eto na kape mo.binigay ng boss ang kape sa kanya. Sarap ng kape Boss Mark. Ganda ng panaginip ko. Nakangiti lang ang boss sa kanya. Nag I love you daw ako pero hindi ko alam kung kanino...paulit ulit..kanino kaya..pagkukwento ni Toto sa boss. Baka sa akin, ako lang kasama mo ng ilang araw.sabi ng boss. Biglang nasamid si Toto habang nagkakape. Bakit naman ako mag I love you sa yo boss Mark.Kaibigan kita.habang nagpupunas ng bibig. Kaya nga panaginip. Hindi totoo.palusot ng boss. Lumapit sa boss si Toto. Hinalikan ang boss sa pisngi. Bakit mo ko hinalikan?nagulat ang boss sa kanya. Wala lang, ayaw mo Boss Mark?hinalikan ulit ang Boss sa pisngi. Sige akin na halik ko. Muntik na sa labi yung pangalawang halik. ikaw halik ka nang halik sa akin. Umaabuso ka na. Uuwi ka ba o bukas na?tanong ng boss sa kanya. Bukas na lang ng umaga Boss Mark ang alam nila bukas pa uwi ko. Dito na lang ako matulog, pwede?paalam nya sa boss. Ngayon ka pa nagpaalam kanina ka pa nga natulog. Sarap nga ng tulog mo.sabi ng boss sa kanya. I love you...I love you ka pa dyan kala ko naman para sa akin. tutulog na ko mamayang konti.sabi ng boss. I love you naman boss Mark bilang Kaibigan at maaga ka kayang magpasweldo. Tulog na tayo boss.sabi nya. Maligo pa ako galing tayo byahe malagkit.Ano sasabay ka?tanong sa kanya ng boss. Kaya pala ang bango mo Boss ligo ka ng ligo. Sige Boss basta sabunan mo ko.lambing nya sa boss. Habang naghuhubad ng pantalon sa harap ng boss. Hindi ka na nahihiya maghubad sa harap ko ha..dati hiyang hiya ka.natatawang sabi ng boss sa kanya. Sanayan lang pala boss Mark. Tayo lang naman kasi nandito. Nagkamot pa ng bayag sa harap ng boss.ligo na tayo Boss Mark at tutuloy ko pa panaginip ko.
I love you Boss Mark..ang unang narinig ng boss paggising sa umaga habang naghahanda ng almusal. Tumingin lang ang boss sa kanya. At patuloy na naghahanda ng kape para sa almusal nila nang araw na yun. Ready na pasalubong mo kay crisanto at sa nanay mo, anong oras ka uuwi?sagot ng boss kay Toto. I love you Boss Mark ang sabi ko tapos pinapauwi mo ako.balik ni Toto sa boss. Alam ko na yan. Tanggap ko na magkaibigan lang tayo. Babale ka siguro?sabi ng boss kay Toto. Wala akong babalehin boss. Kakasweldo ko lang bago tayo mag Baguio. Hindi rin ako mag aadvance. Ayoko mangutang.sagot ni Toto. Baka nananaginip ka lang. Wag mo ko paasahin. Bubugbugin kita.sabi ng boss ng nakangiti pero naluluha kaya tumalikod bigla. Bakit ka naiiyak boss. Ayawmo maniwala sa sinabi ko. Hindi ako nananaginip. Gising na gising ako.Alam ko sinasabi ko. Ito ang nararamdaman ko. Dba sabi mo magpakatotoo ako.sabi ni Toto na may paninindigan. Mag aaral ako para makasabay ako sa yo. Para hindi mo ko ikahiya na janitor lang ako. Messenger lang. Tatapusin ko pag aaral ko. Dahil mahal kita.sabi ni Toto sa boss. Hindi kita ikinahiya kahit kailan Toto. Mabait ka at madali kang mahalin. Pinakita mo ang pagmamahal na hindi ko naranasan. Yung mga kaibigan ko kilala ka na. Nakita ka na nila sa Vikings. Hindi mo alam pero pinakilala na kita sa kanila. Kaya masaya ako nang gabing yun. Kaya kita niyaya sa Baguio para makilala ka ng parents ko. Natutuwa sila sa yo. Toto...matagal na kitang minahal. Nilapitan ni Toto ang boss at sinabing.... I love you Mark. Niyakap din sya ng boss at sinabing... I love you tooo Toto.. Sumama ka sa akin sa bahay. Ipapakilala kita kay nanay. Nabigla si boss Mark sa narinig..tanging mahigpit na yakap ang sinagot kay Toto.
Lahat deserve ang pagmamahal na totoo. Pagtanggap na hindi pinilit.
THE END....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento