<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"
crossorigin="anonymous"></script>
Asan na si Crisanto? Inutusan ko lang sa palengke at may nakalimutan ako. Pabalik na yun. Kanina pa nga.sabi ni nanay. Sige po nay, tulog muna ako at namahay ako sa condo ni boss. Hindi ako sanay sa condo nay.kwento ni Toto. Habang nagbibihis si Toto dumating ang kapatid na si Crisanto. Kuya nandyan ka na pala.bati ni crisanto sa kuya nya. Pagpahingahin mo muna kuya mo. Mamaya mo na kausapin. Matutulog daw sya. Sabi ni nanay kay crisanto. Nay, binanggit mo na kay kuya ang scholarship ko?tanong ni Crisanto sa nanay nya. Hindi pa. Eh pano ang daming kwento ng kuya mo tungkol sa boss nya, mamaya na lang. Wala namang lakad yun. Ikaw na magsabi.sagot ni nanay sa anak. Sige pag gising sabihin ko agad. Tapos magpa treat tayo. Kain tayo sa mall. Celebrate natin.masayang kwento ni Crisanto. Ikaw talaga porke alam mo pagbibigyan ka ng kuya mo. sige pero pakainin mo muna bago mo sabihin Na magtreat sya sa mall. Teka yung pinabili ko asan na? At nagluto na sila ng ulam na pananghalian at paninda. Masaya ang mag ina na naghanda ng pagluluto.
Paggising ni Toto, tamang tama luto na ulam nila pananghalian. Nailabas na rin ang ulam na pangtinda ng nanay nya, gulay, baboy at manok ang pang tinda ng nanay nya. Toto kumain ka na at may sasabihin sa yo yang si Crisanto.pauna ng nanay nya. Bango ng ulam natin parang sa restaurant luto nyo nay.papuri ni Toto sa luto ng nanay nya. Kuya matutuwa ka sa ibabalita ko. Una may scholarship ako sa CHEDRO..kaya matutuloy ko na ang schooling ko. Kaya..... Pinutol ni Toto ang tuwang tuwang kapatid... Kaya ano?..may hihingin ka ano?..alam ko na tono ng boses mo at ngisi mo Crisanto...sabi ni Toto sa kapatid. Napakamot si Crisanto. Tatawa tawa.. Ano kuya.. Nay, ikaw na magsabi nahiya na ako kay kuya?hiling ng nakababatang kapatid sa nanay nila. Sige na nga. Ako na magsabi , Toto magtreat ka daw. Kain daw tayo sa labas dahil may scholarship sya. Ayan nasabi ko na Crisanto. Kain na tayo, ang tanging sagot ni Toto sa sinabi ng nanay. Pero nakangiti, at sa bawat subo panay tingin kay Crisanto. Kakain pa tayo sa labas, eh mas masarap pa luto ni nanay kaysa sa mall.sabi ni Toto sa kapatid. Sige pag kumain tayo ililista ko at pag naka graduate ka babayaran mo ha, Crisanto. Biro ni Toto sa kapatid. Natatawa sa usapan nila ang nanay nila. Nay parang ayaw naman ni kuya. Sabagay totoo naman na mas masarap luto mo kaysa sa restaurant. Mag iipon na lang ako para maka kain ako sa restaurant..malungkot na tinig ni Crisanto.. Ang drama ng kapatid ko.. Nay mag iipon na lang ako para makakain sa restaurant..pang aasar na inulit ang sinabi ng kapatid.. Oo na mag celebrate tayo sa payday ko kain tayo sa labas.. Sabihan ko boss ko para hindi sya magpalinis sa gabi na yun.sabi ni Toto sa kapatid na ikinatuwa ni Crisanto at ng nanay nya. O, kain na tayo at lumalamig na ang luto ko.habang naghahain ang nanay. Crisanto ikaw magligpit mamaya.utos ng nanay kay crisanto.
Sa upisina, maagang pumasok si Toto.at napansin agad ni Angelo ang kakaibang aura ni Toto, ang saya, ang ngiti sa mukha. Toto, nanalo ka na naman sa lotto?bati ni Angelo. Napatingin sina Benjie at Cecil, dahil malakas ang boses ni Angelo. Kaya sinundan ng tanong ni Benjie. Nanalo ka ulit Toto? Ano jackpot na?.Natawa si Cecil sa reaksyon ni Kuya benjie. Kuya Benjie, kung jackpot yan hindi na papasok si Toto. At doon sumagot na si Toto sa tatlong kasamahan. Higit pa sa jackpot ang napanalunan ko Kuya Benjie, Cecil at Angelo. Sabay ngiti sa mga kausap. Dahil si Crisanto, yung kapatid ko nakapasa sa ChedRo. Meron syang scholarship. Matutuloy na nya ang schooling nya na walang bayad.Kaya ako masaya. Kasama allowance Toto?tanong ni Cecil. WoW ang galing ni Crisanto. Ito yung makulit mong kapatid dba? Nakita ko na ata yun.sagot ni Angelo. Hindi ko alam kung may allowance kasama. Itatanong ko, Cecil. Kaya ka pala masaya Toto.sagot ni Benjie. Kuya Benjie, humirit nga na kain daw kami sa labas. Marunong tumiming at si nanay pa pinagsabi para hindi ako makatanggi.pagkukwento ni Toto sa kanila. At nag umpisa na sila sa kanilang trabaho at pagpasok ni Toto sa opisina ng Boss nya. Nagpaalam na sya na sa payday lalabas sila ng pamilya nya. Kinwento nya ang dahilan at ikinatuwa ng boss ito. Sige magcelebrate kayo ng family mo. Next week pa naman yun. Baka before payday ako magpalinis sa yo. Paalala mo sa akin ha.sabi ng boss kay Toto. At para maiabot ko ng maaga ang sweldo mo.nakangiti ang boss sa sinabi.
Kuya, megamall na lang tayo kumain para malapit lang. Marami din naman makakainan sa mega.sabi ni Crisanto sa kuya nya. Oo nga, naisip ko rin yan para doon na tayo magkita at hindi tayo mahirapan sa pag uwi, dahil payday yun.Maraming tao.sabi ni Toto. Sige kayo na magplano basta yung hindi tayo mahirapan pag uwi.sagot ng nanay nila. Nay sa Vikings ko gusto kayo dalhin. Buffet yun, eat all you can. Sulit kay Crisanto. Lahat ng gusto nya nandoon. Yung mata ni Crisanto namilog, halos maglaway na. Baka mahal doon anak, magtipid ka.sabi ng nanay nya. Nay wag kayo mag alala, nakalista lahat ng gastusin natin..pag graduate ni Crisanto, babayaran nya...hahaha..biro ni Toto sa kapatid.. Si kuya talaga. Basta kuya susulitin ko ibabayad mo doon sa Vikings..para pag uwi natin hindi na ko kakain.sabi ni Crisanto na mistulang naglalaway na.
Pagpasok nila sa Vikings, palibhasa first time nila, Lalo na si Cisanto, nanlaki ang mata. Mula sa kanilang lamesa hindi malaman kung saan mag uumpisa. Kuya una na ako ha. Pagbalik ni Crisanto puno ang platong dala. Crisanto, mauubos mo ba yan?tanong ng nanay nila. Oo, nay, babalik pa ako mamaya. marami pa doon nay, doon ka sa banda naman kumuha para matikman natin ibat ibang putahe, International mga pagkain dito nay, hindi ko na alam kung ano basta kumuha na lang ako.tuwang tuwa na sagot ni Crisanto sa nanay nila. Habang kumukuha ang nanay nya may nakitang kakilala si Toto. Boss Mark! nakita ni Toto ang boss nya. Kapatid ko at nanay ko.pakilala ni Toto sa boss nya. Toto, dito mo pala sila dinala. Sya yung scholar? sabay turo kay Crisanto. Para malapit lang sa bahay. Ayun ang nanay namin nakapila.Sino kasama mo Boss? Kaibigan ko nagkayayaan biglaan lang doon kami naka upo.sabay turo sa mga kasama. O sige, enjoy kayo.paalam ng boss nya. Kuya yun ba ang boss mo?laki ng katawan.tanong ni Crisanto sa kanya. Nay, sayang hindi mo na meet ang boss ko. Nandito rin sya.sabi sa pabalik na nanay. Si Crisanto tuwang tuwa sa pagkain.Kahit plato ng nanay nya kinuhanan pa. Sarap nito nay ha. Saan mo kinuha to? Kukuha din ako.sabi ni Crisanto sa nanay. Masayang kumain ang mag iina. Busog silang umuwi ng bahay at si Crisanto bundat na bundat sa dami ng kinain. Kuya parang hindi ko na kayang kumain ng hapunan pag uwi. Maglakad lakad muna tayo dito sa mega para bumaba ang kinain ko.sabi ni Crisanto. Aba balak mo pa maghapunan pag uwi Crisanto sa dami ng kinain mo? Baka bangungutin ka pagtulog mo nyan.sabi ni Toto sa kapatid. Kuya salamat sa treat mo ha. Paggraduate ko ako naman magtreat sayo para tumaba ka naman. Hindi nila akalain may isa pang sorpresa ang naghihintay sa kanila. Paghingi nila ng bill. Waiter ang bill namin? Tatlo kami.sabi ni Toto sa waiter. Sir bayad na po. May nagbayad, ayun po sa table na yun.tinuro ng waiter ang table ng boss nya. Kinawayan sya at nag thumbs up pa. Kumaway din si Toto sa boss at nagpaalam na.Nagulat silang mag iina dahil binayaran na pala ng boss ni Toto ang pagkain nila.
Sa pagbabalik ni Toto sa condo ng boss nya. Boss salamat binayaran mo ang bill namin sa Vikings. Nagulat ako bayad na pala. Bakit mo binayaran boss? Bagong sweldo naman ako dba binigay mo ng maaga ang sweldo ko?sabi ni Toto sa boss. Wala naman. Masaya lang ako nung gabing yun, nakita ko kayo. Natuwa ako sa pamilya mo.sagot ng boss nya. Nangiti na lang si Toto at tinuloy ang paglilinis sa condo ng boss. At nang matapos na sya, binalikan ang boss na nakaharap sa laptop. Tapos na ako boss may ipapalinis ka pa?tanong nya sa boss. Nakangiti ang boss nya, isinara muna ang laptop at hinarap si Toto. Upo ka muna. Maaga pa naman. Umupo si Toto sa sofa. Lapit ka, Tabi tayo.imbitasyon ng boss. Pawisan ako boss, nakakahiya.sabi ni Toto. Okay lang ako rin amoy pawis.lumapit si Toto sa tabi ng boss. Hinawakan sya sa kamay. Pinisil pisil ito. Salamat Toto, masaya ako pag nandito ka. Nakatingin lang si Toto.gusto ko sana magpasama sa yo sa sabado. Magpapagamot ako.sabi ng boss nya. May lakad ka ba? Sabado ng hapon yun.paglilinaw ng boss sa oras ng check up nya. Wala naman boss. Saan ka magpapacheck up?..ano sakit mo boss?tanong nya dito. Mabilis ako mapagod lately, madali ako hingalin, baka sa puso..hindi ko alam, kaya ako pupunta sa doctor.sabi ng boss kung available ka papasama ako sa yo. Ayun ang napag usapan namin ng mga kaibigan ko alam mo naman tumatanda na ako.sabi ng boss. Sige boss wala naman ipapagawa sa akin si Cecil at kung meron man umaga lang nang sabado.sabi ni Toto. Ayun nga pala Toto tayo lang nakakaalam ha. Basta wag mo sabihin sa kanila. Tulad ng dati.bilin ng boss kay Toto. Ano shower tayo?sabi ng boss. Sabay tayo boss?gulat na tanong ni Toto. Oo, magkaibigan naman tayo walang malisya yun.Kaming magkakaibigan sabay sabay maligo pag nag oouting..Mahihiya pa ba ako sa yo? Dami mo nang alam sa akin. Nagkikisay na nga ako dahil sa yo. Natawa si Toto sa sinabi ng boss. Papa scrub ako sa yo sa likod. Hindi ko abot kasi.pahabol ng boss. Sige na boss, baka lang kasi tawanan mo ko pag nakita mo ko nakahubad. Pati ano ko payat din kasi. sabi ni Toto sa Boss. Wala yun nasa performance yun. Ang magkakaibigan walang taguan. Tayo na ligo na tayo. At naghubad na ang boss sa harap ni Toto. Si Toto hiyang hiya sa boss.
Pagkatapos ng check up. Daan muna tayo sa laboratory Toto papakuha ko ng dugo para next week makabalik tayo kay doc. Ipinakita kay Toto ang listahan ng lab test na gagawin. Dami nyan boss. General check up ka ba?tanong ni Toto. Parang ganun na nga Toto. Buti na lang may healthcard tayo covered ang check up at labtest. Ikaw ginagamit mo ba card natin?balik sa kanya ng boss. Hindi boss Mark, wala naman ako nararamdaman. Sagot ni Toto. Buti ka pa. Ingat ka. Tapos natin sa laboratory kain muna tayo.sabi ng boss. Gutom na nga ako boss kanina pa.sabi ni Toto. Bakit hindi ka nagsasabi?para kang iba..wag ka mahihiya sa akin.bibigyan kita pangkain.sabi ng boss.Malayo kasi ang canteen kaya ayoko umalis dito. Baka hanapin mo ko paglabas mo.sagot ni Toto. Sige, Kain muna tayo mamaya na tayo pumunta sa laboratory.Kanina ka pa pala gutom. Ikaw talaga Toto.sabi ng boss.Pagkakain nila pumunta na sila sa laboratory. Toto baka ikaw pakunin ko ng result next week pag hindi ako available. Pag kinuha mo sa akin mo lang ibibigay. Wag mo bubuksan, tayo lang babasa nyan tapos babalik tayo kay doc.bilin ng boss. Boss Mark nag aalala naman ako sa yo. Kung magsalita ka ano ba sakit mo?tanong ni Toto sa boss. Hindi ko alam Toto, malalaman natin next week. Ok lang ako wag ka mag alala.ano may lakad ka pa ba? Hatid na kita sa inyo. Ako uuwi na sa condo o gusto mo mag stay sa condo muna palamig ka don? Pag imbita ng boss kay Toto.
Sa kotse tahimik lang si Toto. Hanggang, Toto ano iniisip mo?Kanina ka pa walang imik dyan.napansin sya ng boss. Nagpacheck up lang ako, inisip mo na mamamatay na ako.Malakas pa ako.sabi ng boss. Nag aalala lang Boss Mark, dami kasing lab test na pinagawa.sabi ni Toto. Wag mo pansinin yun, ganun talaga ang check up. mabuti nga magamit ang health card para sulit. Magkape tayo sa condo mamaya, masahehin kita gusto mo para marelax ka. Ikaw naman pagsilbihan ko mahal kong kaibigan.sabi ng boss kay Toto. Boss bawal yan. Wala sa usapan natin yan. Ikaw nagsabi nyan.Wag mo ko mahalin.Bawal!....sabi ni Toto. Mula ngayon Toto pwede na.Hindi pwede pigilan ang nararamdaman..Kaibigan kita sabi na sa yo masaya ako pag magkasama tayo. Allow me to serve you pag uwi natin.sabi ng boss. Bahala ka boss Mark. Basta sa akin bawal pa rin. Hindi kita mamahalin Boss Mark.. Pagkakape natin uwi na ako.sabi ni Toto sa boss nya. Tumahimik na sila hanggang makauwi sa condo. Sa elevator walang nagsasalita hanggang sa unit. Ang boss diretso sa kusina para gumawa ng kape. Tapos dumiretso sa kwarto nya, para magbihis ng pambahay. Si Toto nasa sala lang nakaupo. Tahimik, nagiisip. Nakatingin lang sa boss nya. Hanggang sa makatulog ng nakaupo. Hindi alam ng boss na nakatulog sya ng nakaupo. Habang papalapit kay Toto dala ang kape. Eto na ang brewed coffee para sa kaibigan ko. Nag iisip ka pa rin. Check up lang un ano ka ba Toto, kape na tayo. Sabi ng boss sa kanya na laking gulat ng makitang nakatulog ng nakaupo. Ginising si Toto ng boss. Gising na Toto eto na kape mo. Kala ko naman nag aalala ka kaya ka tahimik tulog ka pala.sabi ng boss kay Toto. Napagod ako boss Mark sa lakad natin.sabi ni Toto. Sige pagkakape mo matulog ka sa kwarto muna.sabi ng Boss. Natulog muna si Toto sa kama ng boss nya. Halos dalawang oras din syang nakatulog.hinayaan sya ng boss na magpahinga. Hinintay na magising sya, ang boss nya naka tutok sa laptop. Hindi namalayan na nagising na sya. Boss Mark, pasensya na nakatulog ako sa kama mo.sabi ni Toto sa boss nya. Ok lang doon kita pinatulog talaga dahil kaibigan kita. Ok ka na?sige salamat ha.Ingat. Kita na lang tayo sa opisina sa lunes.sabi ng boss sa kanya. Lumapit sya sa boss at yumakap. At nagpaalam na ito sa boss nya.
Lunes ng umaga, Papasok na si Toto sa trabaho. Naisipan nyang dumaan muna sa lotto para tumaya. Nakita nya kasi walang pila. Lucky pick sabi nya sa cahera. Nilagay nya sa bag ang ticket at pumasok na sa work. Inabutan nya si Benjie, nagkakape sa pantry. Good morning Kuya Benjie, wala pa sila? humigop ito ng kape at. Si Cecil parating na, absent si Angelo kaya wala kang aasarin. Ngumiti lang si Toto at kinuha ang tinayaang lotto. Magkano jackpot ngayon? Tanong ni Benjie. Maliit lang kuya kakakuha lang ng jackpot, kaya pala walang pila. Sagot ni Toto. Kuya may papagawa ka?.... linis muna ako. Sabi ni Toto. After ilang minutes binalikan ni Toto si Benjie, kuya nandyan na si Boss Mark? Ang aga may meeting ba sila? Gulat na tanong ni Toto. Oo nga nauna pa sa akin si Boss. Hindi ko tinanong. Ikaw tanungin mo. Balik ni benjie kay Toto. Ayoko nahihiya ako baka magalit.sabi ni Toto. Mabait yun, gusto nga nya kinakausap sya.Madalas ka naman sa opisina nya, para maglinis. Nangiti si Toto sa sinabi ni Benjie. Sige kuya,maglinis na ulit ako.paalam ni Toto. Dahil pasipol sipol si Toto, hindi namalayan na dumating si Cecil. Hindi rin nya napansin na kinakausap na pala sya ng boss nya. Sya pa ang nagulat ng nasa harap nya ang boss. Kanina ka pa dyan Boss Mark?tanong nya sa boss. Oo! Hindi mo ko pinapansin. Pasipol sipol ka lang. Ayan si Benjie, kanina pa kami nakatingin sa yo.sabi ng boss. Nagtawanan ang tatlo. Ano utos mo Boss Mark? Hindi ko alam nandyan ka pala.pasensya na Boss.sabi ni Toto. Papick up ko yung inorder ko sa lazada. Nasa baba na sya.utos sa kanya ng Boss. Iligpit ko lang ito boss, baba na ako.sabi ni Toto. Pabalik na ang boss sa opisina nya ng lumabas si Cecil. Boss Mark papirma nito, sabay turo sa mga documento. Saka dito pa Boss...salamat.sabi ni Cecil sa Boss. Kuya benjie si Toto? si boss Mark ang sumagot. Inutusan ko nasa baba may pinapick up ako.sagot ng boss. Sige boss paakyat na siguro yun.padeliver ko ito kay Toto pagbalik nya. Cecil si Angelo nga pala absent, tumawag kanina,pahabol ni Benjie kay Cecil. Pagbalik ni Toto galing sa baba, diretso sya sa opisina ng boss. Lagot ka Toto hinahanap ka ni Cecil.(may tonong pang aasar ang boses) Ano atraso mo dun?biro ng boss kay Toto. Hindi alam ni Toto binibiro lang sya ng boss. Wala boss. Eto na yung pinapick up nyo boss.tama ba? Punta na ko kay Cecil, boss.paalam ni Toto. Teka lang...Binibiro lang kita Toto ..ikaw naman, nag alala ka agad.sabay tapik sa balikat ni Toto. May iuutos lang sa yo si Cecil.salamat Toto. Napakamot sa ulo si Toto Si boss talaga akala ko kung ano na.pabulong ni Toto habang papunta naman sa opis ni Cecil. may kausap ka ba? Narinig ni Cecil na bumubulong si Toto papunta sa kanya. Si Boss Mark kasi kala ko may memo na naman ako sa yo.. Binibiro lang pala ako.Kinabahan tuloy ako.pagkwento ni Toto kay Cecil. Sigurado ka biniro ka ni Boss Mark?..hindi nagbibiro yun alam mo ba.. Close na kayo para biruin ka nya.pahayag ni Cecil kay Toto. Anyway ito nga pala padeliver mo. Nakasulat ang address sa makati yan. Baka pag balik mo wala ako. Kay kuya benjie ko iiwan kung may papadeliver pa ako.Bilin ni Cecil. Pag labas ni Toto hindi napansin ang boss. Binati sya pero hindi narinig.inisip tuloy ng boss na galit sa kanya si Toto.pagbalik ni Toto galing sa mga errands nya, pauwi na si Benjie. Toto uwi na ko. Ikaw na bahala dito.sabi ni Benjie. Okay kuya ayusin ko lang gamit ko uwi na rin ako kuya.sabi ni Toto. May tao pa sa kwarto ni boss?bulong ni Toto. Sinilip nya ang kwarto, may tao nga. Dahan dahang lumapit si Toto sa kwarto nang malapit na sya, bigla bumukas ang pinto ng boss. Nakabalik ka na pala Toto, namumutla ka?sabi ng boss.Nagtataka ko kung may tao sa kwarto mo boss, nandyan ka pa pala.sabi ni Toto. Kaya nagulat ka na naman. Ikaw talaga magugulatin ka pala... Napikon ka ba kanina Toto sa biro ko?.. Hindi mo ko pinansin kaninang paalis ka.sabi ng boss. Hindi boss, hindi kita napansin kanina paalis ako.sabi ni Toto. Kala ko napikon ka kanina. Eh di pwede na kita asarin ulit...hehehe..sabi ng boss. Si boss talaga, pauwi ka na boss. Malinis ba office mo..linisin ko na.sabi ni Toto. Ok na yan uwi na tayo. Sabay na tayo. Dinner tayo sa condo.pag asya ng boss. Sige boss, ayusin ko lang gamit ko. At nagmamadali si Toto magligpit at sumama na aya sa boss nya.
Boss may napapansin ako. Parang gusto mo ko patabain. Lagi mo ko pinapakain.sabi ni Toto sa boss. Napansin mo pala, sobrang payat mo kasi pero mabigat ka alam mo ba yun. Sabi ng boss. Ano plano mo? Mahal mo na ba ako?pabirong tanong ng boss sa kanya. Boss walang ganyanan. Pag tumaba na ako.pabirong sagot ni Toto. Pagkakain shower tayo ha. sabi ng boss nya. Halatang nahiya si Toto sa boss. Nahihiya ka pa rin. Ligo lang naman. Naligo na tayo ng sabay dba? Hindi ka pa nasanay.sabi ng boss. Sige na nga boss, malamig kasi. Tapos uwi na ako boss ha.sabi ni Toto sa boss. May heater ,gamitin natin. bukas ka na maglinis dito para hindi ka gabihin. Sige handa ko na pampaligo natin.sabi ng boss. Pagkatapos nila maligo ng sabay. Nagbihis na sila, ang boss nya boxers at sando pantulog. Si Toto yung pinagsuotan nya. Boss uwi na ako salamat sa dinner ha. Bukas ako maglinis.sabi ni Toto. teka lang Toto may ibibigay ako sayo. may kinuha sa bag ang boss, botelya ng vitamins. ito inumin mo ito sa gabi bago matulog. umpisahan mo mamaya.pampataba at para makatulog ka.sabi ng boss. Ilaw talaga boss gusto mo ko tumaba..magkano ito.baka mahal to boss mark, wala ako pambayad.tanong ni Toto. Tinuktukan sya ng boss. Sira ano ka ba Toto.Libre yan.bigay ko sayo.kaya inumin mo yan para tumaba ka. Sabi ng boss kay Toto. Sige boss uwi na ako. Niyakap ang boss at may halik pa sa labi. Sabay sabing bukas ulit boss. At umuwi na si Toto. Nakangiti ang boss sa ginawa ni Toto at isinara ang pinto ng condo at nag ayos na sa pagtulog. Iba ang ngiti ng boss sa ginawa ni Toto sa kanya. Hanggang nakatulog sya na may matamis na ngiti.
Mahal na ba ng boss si Toto? Boss pa rin ba ang tingin ni Toto sa boss?
Itutuloy....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento