<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"
crossorigin="anonymous"></script>
Girlfriend mo ba sya anak? Tanong ni victor sa anak. Bago sumagot si Paulo. Lumabas na ang nanay nya. Victor, salamat buti napasyal ka. Paulo kumuha ka ng juice para sa daddy mo. Utos ni nanay. Sandali lang daddy. Iniwan ni Paulo ang amat ina sa sala habang kumukuha ng juice para sa ama. Narinig nya na naguusap ang mga ito. May plano ang ama nya sa kanilang pag uusap. Pero kailangan pang kumbinsihin ang nanay nya.
Nay, pinag timpla na rin kita ng juice. Daddy doc, juice po. Nay, sa inyo..ito sa akin naman.. Cheers to a happy family.. Cheers sa paggaling ni nanay.. Cheers dahil kumpleto na family ko..sabay sabay naming tinaas ang baso ng juice. Natatawa si nanay at si daddy doc.. Pinagtatawanan nyo ko Nay?Daddy doc? Tanong ko sa kanila. Wala ikaw talaga anak dami mong gimmick.sabi ni nanay. Daddy doc mukhang siryoso pinag uusapan nyo ni nanay? Pwede sumali?sabi ko sa kanila. Sige nga anak kumbinsihin mo nanay mo na sa Makati na kayo tumira doon sa bahay ko.sabi ni daddy doc. Nay, tamang tama gagraduate na ako. May matitirhan na ako malapit sa school. Sabi ko kay Nanay. Daddy doc, malapit ba yun sa PLM?TANONG ko kay daddy doc. Sige ok lang doon ka tumira sa Makati. Sa daddy mo,hindi kita pipigilan. Sabi ni Nanay na may lungkot ang boses. Nay, syempre hindi kita iiwan. Close tayo dba. Walang iwanan.sabay tabi kay nanay at niyakap ng mahigpit at hinalikan si nanay. Huminga ng malalim si daddy doc. Saka nagsabing...hindi ka naman iiwan ni Paulo, Sylvia...sama-sama tayo doon sa bahay ko. Walang iwanan..sabi ni daddy doc. Yun naman pala Nay, walang iwanan, sabay akbay kay daddy doc. Mapupunuan na nya yung panahon na wala si Daddy Doc.sabi ko kay daddy doc sabay bangga sa balikat nya. Teka parang may hugot ka anak sa sinabi mo.sabi ni daddy doc. Napangiti si Nanay sa sinabi ni Daddy doc. Kanino ka ba talaga anak?sabi ni nanay.. Ah...eh...ah...palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa..Nay naman..ano ba tanong yan.sabi ko kay Nanay.. O sige, Sylvia, hindi kita pipilitin magdecide agad agad. Hihiling lang ako, pwede ba ako pumunta dito para makasama kayo? Hiling ni daddy doc kay nanay. Oo naman Daddy Doc.sabi ko. Aba Paulo! Pinangungunahan mo ko sumagot anak..sabi ni nanay sa akin. Tinignan ako nang nakasara ang bibig..saka tumahimik...Paulo ayaw yata ng nanay mo na makita ako.. Galit yata sa akin.sabi ni daddy doc..sige aalis na ako..sabi ni daddy doc at tumayo papuntang pintuan.. Victor!, hindi pa ko sumasagot..(malakas ang boses ni nanay, natakot ako).... Iiwan mo ba kami ulit ni Paulo? Sabi ni nanay.... Welcome ka sa bahay na ito anumang oras Victor... Matinding... Yes!!! Ang nasabi ni daddy doc.sabay harap kay nanay.. Todo ngiti. masayang masaya si Daddy Doc. Bukas ang bahay na ito sa ama ng anak ko. (tumulo ang luha ni nanay, ako naman naiyak na rin pero nakangiting niyakap si nanay) si daddy doc naki group hug sa amin ni nanay..
Pagbalik ko sa school, mga Bunganga beauties agad ang sumalubong sa akin.. Burger King!..Burger King! naospital ka daw?.. Saan ka inoperahan?.. Ano sakit mo?..kaya ba absent ka?...sabi nila na nag alala pero ang lalakas ng boses talaga ng mga Bunganga beauties.. Salamat sa concern mga Bunganga Beauties..(may dating na pang aasar) opera agad...wala ako sakit po.Nanay ko po ang naospital..sabi ko sa kanila. Pau..Pau...si Rochelle tinatawag ako. Uy Rochelle nandyan ka pala? Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin?tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa paligid. Mamaya na lang.sabi nya. Ok naintindihan ko, mamaya na lang, (habang paparating si Richard, kinawayan ko.) Ito pa isa oh.sabi ko kay Rochelle. Kayo talaga pasecret secret pa.sabi ng isa sa Bunganga beauties..At nag bell na at Kanya kanya na kaming pasok sa aming room.
Good morning Class, bati ni Sir Arevalo sa amin. Mr.Paulo San Jose, your back. Kumusta nanay mo? Nabalitaan namin ang nangyari sa kanya.pangungumusta ni Sir. Maayos na po Sir. Ok, good to hear that. Alam mo na ba ang isa pang good news? Sabi ni sir. Nag sigawan ang buong klase ng Burger!...Burger!...Burger!.. Nagtataka ako bakit sila nagsisigawan ng burger. Kamot lang ako sa ulo.. Anong meron Richard? Bulong ko kay Richard na ngumiti lang sa akin. Ok class it seems hindi pa nya alam,base on his expression. Hindi na natin patatagalin pa. You are candidate for 1st honorable mention in this Class. Keep it up Mr.San Jose. Ang masayang balita ni Sir. At nagsigawan ulit na may halong palakpakan pa ang buong klase. Ok class get one half sheet of paper lengthwise..quiz tayo..sabi ni sir. Quiz ulit Sir, lagi na lang surprise quiz.sabi nang nasa unahan. Kaya nga surprise...hehehe..dont worry class this will serve as review na rin.dahil malapit na ang finals nyo and few weeks from now graduation nyo na. Sana lahat kayo makapasa sa finals.. Sana lahat kayo makagraduate...no.1.....no.2.....no.3.....at doon na nag umpisa ang quiz.
Richard, ano kaya yung sasabihin ni Rochelle sa akin? Ako raw ang una nyang sasabihan. May balita ka?tanong ko kay Richard. Wala...hindi ko naman nakakausap si Rochelle. Baka sasagutin ka na nya.sagot ni Richard. Napangiti ako. Kinilig ako sa sinabi ni Richard. Sa loob loob ko. Baka nga kaya ako lang ang sasabihan nya. Hindi ako nakasagot pero halata sa mukha ko na natuwa ako sa narinig ko at nag umpisa na ako managinip ng gising. Hindi ko namalayan dumaan ang mga Bunganga Beauties. Richard, ano nangyari dyan kay Paulo, parang nangangarap ng gising.tanong nila kay Richard. Ewan ko dyan, nag uusap lang kami tapos naging ganyan na.sagot nya. Baka si Roche ang pinag uusapan nyo?sabi nila. Hello Bunganga Beauties, bati ni Paulo sa kanila. Uwi na kayo? Sige uwi na kayo..pagpapauwi sa kanila ni paulo. Hmmp!..sabay sabay na umirap ang Bunganga beauties kay Paulo. Ikaw lagi mo niloloko yung mga yun.sabi sa akin ni Richard. Ganun lang talaga kami mag biruan. Kita mo bukas lalapit na naman sa akin yun.sagot ko kay Richard. Ano uwi na rin tayo. Wala na si Rochelle. Baka sinundo ng mama nya. Gagawa pa tayo ng assignment.sabi ni Richard.
Natapos ang finals, pero hindi kami nakapag usap ni Rochelle. Lagi may humahadlang. Hindi ko alam kung ano sasabihin nya. Kinukumpleto na lang namin mga requirements sa bawat subjects namin, at the same time, abala kami sa graduation practice. Masaya ako dahil 1st honor ako at bukod doon si Nanay at si Daddy doc ang kasama ko sa graduation day. Si Richard naman may loyalty medal, tatay nya at nanay nya ang kasama nya sa graduation. Ang mga Bunganga beauties, kumpleto silang gagraduate din. Yung iba sa kanila kapatid ang kasama, dahil OFW ang nanay o kaya naman tatay nila. Si Rochelle, ang crush ko ang Valedictorian ng batch namin. Marami humanga sa kanya kasi beauty and brains daw at higit sa lahat mabait pa. Swerte ko, ako ang kaibigan nya pero ayaw pa nya ako maging boyfriend kahit ang lahat akala ako ang boyfriend niya.
Dumating ang araw ng graduation namin. Lahat ng batch namin gumraduate, walang naiwan, lahat nakapasa. Napakasaya ko kasi umakyat si Nanay at si Daddy doc sa stage para sabitan ako ng medal, 1st honor ako. Pagkatapos ibigay lahat ng medals ng bawat isa sa amin, nag speech ng Valedictory speech si Rochelle. Bahagi ng kanyang speech ang kwento ng kanyang school life, nag share sya ng memories and experiences being a student. Nagpasalamat sya sa mga teachers namin,who acted as our 2nd parent during our time in school, classmates at higit sa lahat sa mga parents na nagsupport sa amin bilang student. Dumating yung sad part ng speech nya which is ang farewell part, heartwarming ang speech nya, almost lahat kami naluha, dahil mag kakahiwa-hiwalay na kami after graduation day. Iba ibang school, iba ibang kurso ang kukunin namin. Pero still after the ceremony, after madeclare kami as high school Graduates napakasaya, napaka sarap ng feeling. Ang mga parents and teachers namin hinayaan muna kami mag yakapan ng batchmates,magpaalam, magpapicture, mag iyakan.
Akala ko doon na natapos ang paalaman, yakapan at iyakan namin. Aalis na kami nina Nanay at Daddy doc, nang may tumawag sa akin. Pau...Pau...kilala ko ang boses na yun. Si Rochelle lang ang tumatawag sa akin ng Pau. Nilingon ko si Rochelle. Tama ako si Rochelle nga. Lumapit ako sa kanya, mga ilang hakbang din yun, ganun din sya. Salamat Pau, sa friendship. Salamat sa time we spent together, sa pagsundo at paghatid mo sa akin, sa pagtulong mo sa mga projects ko.sabi ni Rochelle sa akin. Hindi ko naiintindihan. Pero niyakap nya ako. Lalong hindi ko naintindihan. First time nya ko niyakap. Rochelle, hindi ko naiintindihan.sabi ko sa kanya. Sorry Pau,hindi ko nasabi sa yo. (umiiyak si Rochelle) were leaving. Ang buong family namin will migrate to Australia. Yun ang gusto ko sabihin sa yo pero hindi tayo nagkaroon ng chance. Doon ako naiyak.niyakap ko sya ng mahigpit. Matagal. Hindi ko namalayan na nakatingin na ang buong batch namin pati sina Sir Santos at Sir Arevalo, nandoon din. Goodbye Pau, ang huling sinabi ni Rochelle sa akin. Nakatayo lang ako umiiyak, nakatingin kay Rochelle hanggang sumakay na sya ng kotse. At umalis na sila ng pamilya nya. Nilapitan ako ni Nanay at Daddy doc. Lumapit din ang mga Bunganga beauties, si Richard na kaibigan ko at ang mga classmates ko.
Tayo na anak, sabi ni Nanay. Lumakad na kami papunta sa kotse. Tahimik lang ako. Hanggang sa makarating kami sa hotel kung saan kami dinala ni Daddy Doc. Nay, bakit tayo nandito? Anong gagawin natin dito?...mahal dito dba? Nakatingin ako ng matagal sa kanila. Si nanay tinignan si daddy doc. Treat ko anak ngayong graduation mo. For being 1st honor and for being a good son sa nanay mo. Ikaw ang kasama nya noong wala ako. Ikaw ang naging protector nya habang wala ako. Ikaw ang....pinutol na sya ni nanay. Tama Victor...paiiyakin mo pa anak natin. Kanina pa umiiyak yan.sabi ni Nanay. Paulo, simple lang treat nya ito. Surprise nya sa atin. Will stay here overnight dito.sabi ni nanay. Wala ako dala gamit Nay.sabi ko. Inihanda na ng nanay mo. Hindi namin sinabi dahil surprise nga anak.sabi ni Daddy doc. Bukas will go shopping. Break muna ako sa hospital. Bonding tayong tatlo. Napangiti ako sa surprise nila. Tumuloy na kami sa hotel room. Para makapahinga at magbihis. Tapos bumaba na kami sa restaurant. Nagulat ako sa prices ng menu at lalo na sa presyo ng hamburger. Order na tayo.sabi ni nanay. Wala akong ma order Nay hindi ako familiar sa mga nasa menu. Kaya sina Nanay at Daddy Doc ang umorder para sa akin. Nagkwentuhan kami habang naghihintay kumain. Tinanong nila ako ng plans ko after graduation. Kung may result na ang entrance exam ko sa PLM. Kung titira ba ako kay Daddy Doc at kung anu ano pa. Unti unti nawawala ang lungkot ko dahil sa support nila. Niyaya pa ako ni Daddy Doc magswimming. Tumanggi lang ako dahil ang taba ko. Sabi pa ni daddy, mas mataba pa ako sa yo noong kaedad mo ako. Tanungin mo nanay mo. Natawa si nanay dahil totoong mataba si daddy doc noon. Sobrang taba Paulo ng daddy mo noon. Mas mataba pa sayo. Sabi ni nanay na natatawa. Paano tulad mo matakaw din sya.dugtong pa ni nanay. Talaga daddy Doc. Mas mataba ka pa sa akin.tanong ko kay daddy doc. Paano ka pumayat? Nagtatakang tanong ko. Dahil sa nanay mo.nagkagusto ako sa kanya. At dahil sa pag aaral. Tinutok ko attention ko sa pag aaral.sabi ni daddy doc.
Pagbalik namin sa hotel room nabawasan na ang lungkot ko sa biglaang paghihiwalay namin ni Rochelle. May natutunan ako sa aking mga magulang. Sa mga narinug ko sa kwentuhan namin nina Nanay at Daddy doc. Alam ko na dapat ang aking focus. Ang aking pag aaral, Ang aking pamilya at Ang pag eexercise para pumayat. Ang Hamburger at Spaghetti ay naging bahagi ng buhay estudyante ko. Naging palakaibigan ako at nagustuhan nila ang pagiging masayahin ko. At si Rochelle ang aking Sweet Spaghetti ang magigiging inspiration ko sa aking pagpapapayat at pag aaral. Maaring isang araw magkikita kaming muli at itutuloy namin ang kwento ng Hamburger at Spaghetti tulad ng love story ni Nanay at Daddy Doc.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento