Si Miguel at si Bert

Miyerkules, Marso 2, 2022

BUHAY OFW (Si Pinsan, Si Louie at Si Rommel Part 12)

 <script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Sa balikat ni pinsan ako umiyak ng umiyak ng umiyak. Walang katapusang iyak. Hindi ako nahiya kahit mabasa ko ng luha ang paborito nyang polo. Salamat at hinayaan ako ni pinsan na umiyak sa balikat nya. Ang yakap nya na waling malisya ay dama ko. Ang bawat hagod nya sa aking likod ay nakapagpaluwag ng aking paghinga. Naiintindihan nya ang sitwasyon ko. Ramdam ko ang Suporta  ni pinsan ng mga sandaling iyon. Kung wala sya hindi ko alam ang gagawin. Pinaupo nya ako sa sofa at hinayaang magpahinga.  Hanggang sa ako ay naidlip ng hindi ko namamalayan sa aking pagkakaupo sa sofa. 

Paggising ko nandoon pa rin si pinsan. Binabantayan ako, nagkakape sya, nagmimeryenda. Kape gusto mo? Alok ni pinsan. Kumusta ka na? Lagi mong tatandaan nandito lang ako. Tayo lang magsuportahan. Wag ka mahihiya Rommel.. Salamat pinsan.ngayon alam ko may kasama ako. Hindi ako dapat matakot. Buti na lang nandyan ka lagi pinsan. Oo naman lagi kita binabantayan sa cctv kaya wag kang tutulog tulog habang nasa tindahan.lagot ka sa akin.pagbibiro ni pinsan. Isang beses lang naman yun pinsan. Hindi na mauulit.pag amin ko kay pinsan. Kita mo na, umamin ka rin.hahaha.. O,  ano ready ka na? Malapit na anniversary ng tindahan. Ako na bahala sa 2nd branch natin. Dalaw dalaw ka sa renovation on your free time. Focus ka sa anniversary, sa mga promos natin..wag mo kalimutan mga permit dahil maglagay tayo ng mga announcements sa baranggay. Mga solicitations at invitations ikaw na bahala. You can do it. Magaling ka. Yes sir! Confident na sagot ko kay pinsan. 

Isang linggo bago ang anniversary naging abala kami ni pinsan sa kanya kanya naming trabaho. Ako sa tindahan sya sa construction ng 2nd tindahan. Halos complete na mga promo materials, freebies, tarpaulin, raffles atbp. Ramdam na ang celebration sa store. Binisita ako ni pinsan at  natuwa sya sa preparations namin sa tindahan. Parang anniversary na ang ambiance dito ha. Ito ang pasasalamat natin sa customers sa kanilang pagtangkilik sa atin. Kinumusta ko ang construction. Kaya nga pala ako bumisita papatulong ako sa yo sa city hall sa permit. May pahabol na requirements na isusubmit. Nirequest ko na sa may ari. Pag ready na sabihan kita. No problem pinsan. Syanga pala pinsan.wag kang mawawala sa anniversary, may short program kami ginawa.magspeech ka ha..oo naman.ibubuko kita sa speech ko.sge ka hahaha. Pagbibiro ni pinsan.o sige balik na ko sa kabila. Babalik si engr.may pagusapan kami. Good luck!.paalam ni pinsan.

Nag umpisa na ang 1st anniversary promo namin. Dumami ang mga customer kahit hindi pa ang araw ng anniversary. Marami kaming gimmick tulad ng free items, buy1 take1, buy5 plus1,  libreng ecobag, libreng payong, libreng ballpen at marami pang iba. Kaya ng dumating ang araw ng anniversary, nagulat kami dahil jumpacked ang store. Hindi namin inaasahan. Ilang beses nagrefill ang mga merchandiser pati bagger nakisali na rin sa pagrefill. Nagulat si pinsan nang dumating sya. Hindi nya inaasahan ang dami ng tao. Talo pa ang opening namin  sa dami. Kayat hindi na rin natuloy ang speech ni pinsan. Maliit na program na lang na may kantahan,sayawan at may paraffle. Sa kabila ng kaabalahan may dumating na surprise guest. Si Louie, napaaga ang uwi. May pumalit na raw sa kanya kayat napaaga at hindi na nagpasundo. Gusto nya kami surpresahin ni pinsan.

Si pinsan na ang nag entertain sa kanya habang abala pa ako dahil sa dami ng customer at activities. Nagpauna na sila ni pinsan sa bahay, alas dyes na ng gabi ako nakauwi. Inabutan ko pa si Louie. Inanyayahan  sya ni pinsan na doon na matulog para magkwentuhan muna. Tito, nakakahiya naman.nakita ko ang daming tao sa store nyo kanina. Baka hindi kayo makapagpahinga. Uy Louie, ako nga dapat mahiya hindi kita naasikaso kanina.kaya si pinsan na nag entertain sa yo. Doon tayo sa kwarto magkwentuhan. Naguutos na boses ko kay louie. Rommel! Anong binabalak mo?pwede naman dito magkwentuhan. Bakit sa kwarto mo pa. Sabi ni pinsan. Natatawa si louie, wala ako extra damit kuya. SaBi ni Louie. Problema ba yun eh di wag ka magdamit.pabiro ko kay Louie. Sabi na nga ba may pinaplano ka kay Louie. Lokoloko ka talaga Rommel.sagot ni pinsan. Nagtatawanan kami ng gabing iyon. Napilit din namin si Louie na doon na matulog. Pero sa kwarto ni pinsan kami lahat natulog. Pinahiram ko ng pantulog si Louie. Halos nawala pagod ko nang magkita kami. Ang saya naming tatlo ng gabing iyun.

Kinaumagahan, naunang bumangon si pinsan at si Louie. Nasa kusina si pinsan  naghahanda ng almusal paggising ko. O bakit bumangon ka agad.sabi ni pinsan. Naamoy ko yung niluluto nyo kaya bumangon na ako.sagot ko kay pinsan. Saan si Louie pinsan? Naliligo papakita  ko sa kanya ang  2nd branch natin. Sakto paglabas ni Louie, kuya Rommel, sarap ng tulog mo ah,   hindi ka na namin ginising ni Tito Nestor. Atsaka may pangalan ka binabanggit, yun ba ang inspirasyon mo? Tanong ni Louie. Na mabilis na napick up ni pinsan at sinulsulan pa. Oo nga Rommel sino yung tinatawag mo? Kayong dalawa talaga pag nagsama paborito nyo ko pagtripan. Kayong dalawa lang ang mahal ko.ayan para hindi kayo magselos sa pangalan na narinig nyo. Depensa kong sagot sa kanila.kain na tayo tito at kuya Rommel.

Louie, salamat sa pagbisita kahit wala kang pasalubong sa amin. Pangaasar ko  kay Louie. Meron kaya kuya babalik ako sa isang araw.  Dadalhin ko.Gusto ko kasi kayo surpresahin ni tito. Kaya tumakbo ako agad dito. Hindi ko pa nabuksan bagahe ko.Magrereport pa ako sa office.sagot ni Louie. Louie, nagbibiro lang yan si Rommel. Makita ka lang masaya na yan. Sagot ni pinsan. Ngumiti lang si Louie, halatang natuwa sa sinabi ni pinsan si Louie.doon ko napansin ulit ang mga dimples nya. Pinsan ang mga dimples ni Louie ayan na naman. May iba akong nararamdaman. Sabi ko kay pinsan. Umayos ka Rommel, virgin na ulit  yan si Louie. Sasaktan mo na naman yang bunso natin. Ikaw kaya tirahin ko. pagtatanggol kay Louie na tawa ng tawa habang kumakain. 

After lunch dumaan sina Louie at pinsan sa store.  Inulit nya na babalik sya sa makalawa. Yung pasalubong ko Louie wag mo kalimutan..oo kuya meron ka pasalubong. O sige na babalik pa ako sa kabila sabi ni pinsan. Nagpaiwan ng sandali si Louie para makipagkwentuhan. Kulang isang oras nagpaalam na rin para  magreport  sa opisina.at pinagpatuloy ko ang sales report kahapon. May ibang kilig ang pagbisita ni Louie at pinsan pero iba na wala ng libog. Masaya ako para sa aming tatlo. 

Patapos na ang 1st year anniversary ng store. Hindi pa rin nagbabalik si Louie. Nagtataka ako bakit wala pa sya. Tinanong ko si pinsan kung nagtext sa kanya. hindi rin nagtext kay pinsan. pero may paliwanag si pinsan. Rommel ang mga ofw o seaman kung minsan pinapasakay agad pag nagreport. kahit kabababa lang, ipapamedical agad ng agency para pasakayin agad. Maaring ganun ang nangyari kay Louie. Kaya naging busy si bunso. Bakit ka nag aalala sa kanya? Sya ba ang inspirasyon mo? Pinsan ano ka ba? Nagtataka lang ako hindi nagmessage sa fb o sa messenger. Sagot ko kay pinsan. Tinext mo ba? Gusto mo ako magtext sa kanya?   Sabihin ko hinahanap mo sya.pang aasar ni pinsan sa akin. Ako na lang pinsan, baka kung ano pa itext mo.ipahamak ko pa.yung tono mo parang may pinaplano ka na naman sa akin.kayong dalawa ni Louie kilala ko na. Baka nga may plan A at plan B kayo sa akin. Tumawa lang si pinsan halatang nabisto ko na sila.

Makalipas ang limang araw,bumalik si Louie. Tama nga si pinsan, pinamedical si Louie ng agency. Sa kanyang pagbabalik,  nanghingi ng pasensya sa aming dalawa ni pinsan. Louie sa akin ok lang alam ko buhay ofw. Yang kuya Rommel mo ang nag aalala sayo. Baka raw may nangyari sayo. Baka maysakit ka.baka...pinutol ko na si pinsan. Pinsan baka kung ano pa sabihin mo tama na. Pagputol ko kay pinsan sa sasabihin nya.  Kuya,  tito Nestor, eto pasalubong ko sa inyo.sana magustuhan nyo. Sapatos at polo ang pasalubong ni Louie. Ang ganda naman sabi namin ni pinsan. Sinukat ko agad, sakto Louie. Susuot ko to araw araw. Buti kasya kuya rommel .kahit hindi kasya Louie pagkakasyahin ko paa ko. Biro ko kay louie. Tito Nestor kuya Rommel, baka sumakay ulit ako kaya ako bumalik para magpaalam. Nalungkot ako bigla sa binalita ni Louie. Buti na lang si pinsan sinalo ako agad. Ganyan talaga Louie buhay ofw..basta yung sinabi ko focus sa work, mag ipon.para pagdating ng panahon mag for good ka na rin. Tulad ng ginawa ko. After 25years kong ofw. Nag for good ako. Because theres no place like home.paalala ni pinsan. Ano ihahatid ulit kita?para makapag paalam ako kay pinsan. Sabi ko kay Louie. Wala pang date kuya Rommel pero anytime malamang. Anong ihahatid mo? Ihahatid nating dalawa si bunso. Hindi ko naihatid noong una kaya sasama ako ngayon. Dito ka na matulog sa gabi ng alis mo Louie para kaming dalawa maghatid sayo sa airport.  Natulala si Louie.nangilid ang luha. Natuwa dahil si kuya Rommel at tito Nestor nya ang maghahatid sa kanya......



Itutuloy....

2 komento:

  1. Nakakatuwa sina engr nestor at rommel.parang talagang magpinsan. Sobrang close.

    TumugonBurahin
  2. Pano ang mga ofw pag nalulungkot..tapos walang masabihan..walang support group or kaibigan na masabihan.

    TumugonBurahin

Condo Sharing

 December 15, ang lipat ni John sa condo na lilipatan nya sa QC, kung saan sya na assign sa bago nyang trabaho bilang ahente ng noodles.  Co...