Si Miguel at si Bert

Sabado, Marso 12, 2022

In-love si Engr.Nestor (Si Pinsan, Si Louie at Si Rommel Part 14)

 <script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Pakibuksan ang switch Louie. Hindi ko alam kung saan..Biglang... 

Surprise! Nagulat si Louie dahil nasa loob kami at ilang mga kaibigan nya sa store ang naroon. May mga lobo,palamuti  at  inayusan namin ng konti ang sala at dining para sa kanyang pagbabalik. Mangiyak ngiyak si Louie sa ginawa namin at bago sya umiyak kumanta pa kami ng Happy Birthday sa kanya. Doon sya tuluyang naiyak. At sa pagkakataong nilapitan sya ni Susan para abutan sya ng panyo. Louie, akala mo sasampa  ka ng barko ng ganun lang no.nagresearch kami. Hinanap namin ang mga maritess sa store. Sa kanila namin Nalaman  na birthday mo ngayon.tapos nalaman din namin sa kanila Na si Susan pala ang close friend mo.sabi ni pinsan. Pinsan, anong closed friend, higit pa sa kaibigan kaya sila.sabi ko kay Louie kaharap ang mga kasamahan nya. Sir,  magjowa na po sila.  Ang sigaw ng mga kasamahan nina Louie at Susan.  Todo kantyaw ang inabot nina Louie at Susan ng mga oras na yun na nagpasaya ng gabi. 

Louie, kaya pala panay ang balik mo sa amin kala ko gusto mo lang sumaydline bago magbarko.sabi ni pinsan. Pinsan sinagad ang sideline para sulit. Nainlove pa.baka pagbalik nyan Ninong tayo sa kasal.lalong nagpasaya ang kantyaw na yun sa okasyon. Kiss!..Kiss! Sabi ng mga kaibigan nya. Kiss daw Louie.sabi ni pinsan. Nanulis agad ang nguso ni Louie at  hinalikan sa pisngi si Susan. Na nagpakilig sa lahat. O kain na tayo mamaya na natin ibisto si Louie. Sabi ko sa kanila. 

Alas otso ng gabi ng matapos ang celebration. Nag uwian  na ang iba. Si Susan na lang ang natitira. Hatid mo na sya para makapagpaalam ka na rin sa magulang nya. Kami na bahala dito ni kuya Rommel mo? Ngumiti na kikinilig si Louie. Sge po tito hatid ko na si San. Sabi ni Louie. San pala tawag mo kay Susan. Ikaw Susan,  ano tawag mo kay Louie? Ngumiti,  nahihiyang sinagot si pinsan, Wie po sir, yun po ang gusto nya.  Louie, pwede ka ba namin tawaging Wie o exclusive kay San lang yun? Tanong ko kay Louie.  Kuya, sa amin lang yun. Tumawa  ako ng malakas na tamang pang asar kay  Louie. Wie, hatid mo na si San, gabi na..Louie pala sorry.

Napakasaya ng gabing iyun para sa amin at lalo na  kay Louie. Naramdaman nya ang pagmamahal ng isang pamilya na matagal na nyang hinahanap. Pag uwi ni Louie. Ano  Wie, nagpaalam ka na ba sa magulang ni San?tanong ni pinsan. Tito naman, Louie po..Sa mama lang po. Kay Tita Joan, Wala na pong papa si San... Tito sa tingin ko ka edad mo lang si tita Joan. Bagay kayo Tito.pareho kayong mestizo at mestiza.panunukso ni Louie kay pinsan. Rommel, minamatch pa ako ni  Wie sa magiging byenan nya. Sambit ni pinsan. Pinsan baka yan na ang  "d one" mo.sabi ko kay pinsan. Pabiro akong binato ng tsinelas ni pinsan. Isa ka pa. Maganda at mabait si tita Joan pinsan. Minsan hinatid nya si San, kaya nakilala ko sya.hahaha..bagay kayo..sabi ko kay pinsan. Naki tita ka na rin kay Joan. Bilisan mo dyan at nang makapahinga na tayo. Maaga tayo aalis bukas.

Umakyat na si pinsan sa kwarto nya. Nang matapos kami ni Louie. Umakyat na rin kami at nag ayos ng sarili. Napag usapan namin na doon na kami matulog sa kwarto ni pinsan. Anong ginagawa nyo dito, magpahinga na kayo.maaga tayo aalis bukas. Pinsan, si Wie may request.pauna ko kay pinsan. Tito, pwede ba dito na kami sa yo matulog. Tutal bukas aalis na ako.sabi ni Louie. Ang tatanda nyo na tabi pa kayo ng tabi sa akin. Kaya hindi ko pinapauwi mga pamangkin ko dahil tatabi sa akin yun tapos kayo rin pala.habang nagsasalita si pinsan, pumupwesto na kami ni Louie sa kama.  Loko tong mga to. Sarap kutosan. Humiga na lang. Nagkunwari kaming nagtulog tulogan ni Louie para walang magawa si pinsan. Pero si Louie, hindi nakapagpigil, natawa at nautot..Walang tigil na tawa ng tawa at walang malisya na napayakap kay pinsan. Salamat po Tito. Ito ang pinaka masayang araw sa buhay ko. Wag ka mag alala ilalakad kita kay tita Joan. Para maging totoong tito na kita. Mali pag napangawasa ko si tita joan mo daddy mo na ako.pambabara ni pinsan kay Louie. Ayan Louie pumayag na si pinsan.tulog na tayo baka mag bago pa isip.sabi ko kay Louie. At doon na kami tuluyang natulog. Si pinsan na lang ang gising noong mga oras na yun.

Louie,ano ready na ang gamit mo? Ang passport, mga ID mo make sure complete at bilisan mo kumilos nandito na kuya Rommel mo ready na ang kotse. pagmamadali ni pinsan kay Louie. Pinsan ganyan din yan noong hinatid ko.buti nga hindi na umiiyak ngayon.sabi ko . Anong hindi kanina pa umiiyak oh.sabi ni pinsan. Hoy Louie, ano ka ba maiiwan ka ng eroplano.tawag ko kay Louie. Eto na kuya,  nagmamadali na. Sagot ni Louie habang hila hila ang maleta. Ano ka ba napaka iyakin mo.sabi ko kay Louie. Ganyan talaga Rommel kasi may maiiwan na syang mahal nya. Ewan lang kung tayo yun o si San.nagpapatawang sabi ni pinsan. Pareho kayo tito.sagot ni Louie. O tayo na.magbait ka at magipon. Makisama sa katrabaho. Para pagbalik mo pakasalan mo na si San.  Louie, ito nga  pala sweldo mo.kailangan mo ito pag uwi mo. Nakalimutan kong ibigay kagabi.bilin ni pinsan. Wag na po Tito. Nagkagastos pa kayo kagabi.sabi ni Louie.  Anong gastos?, Mga kasamahan mo ang nagcontribute sa mga food at drinks kagabi. Sabi ni pinsan kay Louie.. Ganun ba tito, O sige akin na Tito, sayang din yan.bawi ni Louie.sabay kuha ng sobre. Tito kasama ba ang OT ko dito? Ilang araw din yun..hehehe.. Habang nagpupunas ng luha pero nakangiti. May tama ata ito Rommel.pwede ba pakibatukan mo itong si Wie. Nagtawanan lang kami hanggang marating namin ang Airport.

Pinsan, tayo na lang ulit. Umalis na si Louie. Nakakatuwa sya no. Ang bilis walang isang buwan nagkasyota na.sabi ko kay pinsan. Oo nga eh samantalang ikaw wala ka pang pinapakilala sa akin. Ang bagal mo. Iba yata ang type mo eh.sagot ni pinsan. Napatingin ako kay pinsan at napalunok. Alam mo pinsan may aaminin ako, pero pangako wag ka magagalit.sabi ko kay pinsan. Huminga ako ng malalim bago ko itinuloy... Nakatingin lang si pinsan. Nagkagusto ako sa yo, pinsan...pero nang dumating si Louie at pinakilala nya sa atin ang Diyos. Narealize ko na maling pagmamahal ang naramdaman ko sa yo. Nag iba na. sabi ko kay pinsan. Sabi ko na nga ba Rommel. Alam ko, kilala na kita. Wala ka ng maitatago sa akin.Natatandaan mo sabi ko sa yo sasapakin kita.sabi nya sa akin. Ngayon hindi mo na ako mahal?.dugtong pa nya. Mahal pa rin kita pinsan pero ibang klaseng pagmamahal na. Pagmamahal na walang halong kamunduhan na. Puno ng respeto na. Pagmamahal para sa isang kaibigan na ang nararamdaman ko..sabay hinga ng malalim at tingin kay pinsan na nakangiti pero naluluha... O, iiyak ka pa ata, pareho kayo ni Louie, iyakin. Mabuti naman Rommel,natauhan ka rin. Mabuting nailabas mo yan at nagpakatotoo ka. Ang tingin ko sa inyo ni Louie eh parang mga pinsan at  pamangkin ko na lang. Kayat kapag kayo ay natutulog sa kwarto ko ay hinahalikan ko kayo sa ulo at kinukumutan, kahit ang kukulit nyo.sabi ni pinsan. Oo nga pinsan, kaya pala. Sge hatid mo na lang ako sa bahay tapos dumiretso ka na sa tindahan. Pahinga muna ako..mamaya na ako dadaan sa tindahan.

 Pagdating ni pinsan sa tindahan. Eksakto namimili ang mama ni Susan. Kausap ako dahil ng mga oras na yun nakabreak si Susan, ako muna ang nagkaha. Pumasok si pinsan diretso sa opisina pero napansin ko na tinignan kung sino ang kausap ko. Matagal syang sumilip hindi ako nagpahalata. Pagbalik ni Susan, pinuntahan ko agad si pinsan. Sino yung kausap mong customer? tagal ng usapan nyo ha. tanong ni pinsan. Si Tita Joan, mama ni Susan. regular customer natin.kinukumusta si Louie. Bakit pinsan? napansin ko nakasilip ka. hindi ka naman ganun sa ibang customer natin ha. may gusto akong ipahiwatig kay pinsan. Ah eh, wala naman. Tama si Louie, mestiza si Joan at mukhang mabait... Kumusta ang sales ngayon.may delivery ba tayo. Ang mga checkeng pipirmahan ko ready na ba?. Ready na pinsan, nasa table mo na.sagot ko.biglang iniba ang topic, bulong ko na narinig ni pinsan. May sinasabi ka Rommel.tanong ni pinsan. Sabi ko pinsan ganda ng smile mo halatang nakapahinga ka na.hehehe.palusot ko kay pinsan.

 Makalipas ang ilang linggo,  tumawag si Louie kay pinsan. Hello Tito, si Louie to, may bababa kaming kasamahan. Nakisuyo ako may package ako para sa inyo at para kay San at kay tita Joan,  pwede pong padala sa kanila. Sige sabihin ko kay kuya Rommel mo na ibigay kay Susan. Tito baka pwede sa bahay nila San na lang para hindi na sya magbuhat at  pwede special delivery mo  Tito. O sige ikaw talaga Wie. Kumusta ka jan. Ok lang Tito, nakakuha ng signal kaya ako napatawag. Ingat ka dyan. Salamat Tito. Kinwento ni pinsan sa akin ang conversation nila kayat. Maghanda ka pupunta tayo kina Susan.sabi ni pinsan. Aakyat ka na ng ligaw kay tita Joan pinsan.ngumiti lang si pinsan. At magmula noon kapag si tita Joan ang naririnig ngumingiti si pinsan. Madalas na rin pumunta sa store si pinsan parang may inaabangan. Pinsan ang dalas mo ata ngayon sa store. Twing alas 3 yung inaabangan mo para hindi ka mainip.sabi ko kay pinsan. Magmula noon alas dos pa lang nasa selling area na si pinsan. 

Dumating na ang araw na natanggap namin ang package na padala ni Louie. Rommel,  maghanda ka pupunta tayo kina Susan. May padala si Louie sa kanila. Ako na lang  magdeliver pinsan.sabi ko. Request ni Louie ako raw magdeliver pagbigyan mo na.sagot ni pinsan. Request daw ayaw pa umamin..hehehe.bulong ko na narinig ni pinsan.  Ngingisi ngisi ka dyan Rommel.  Kailan tayo punta pinsan? Bibili na rin ako ng roses para kay tita Joan.sabi ko. Bahala ka basta wag mo ko singilin ha.sabi ni pinsan. Ang kuripot ng pinsan ko. Sige na basta ikaw pinsan.

Gabi namin dineliver ang package nina susan at tita joan. Si susan ang sumalubong sa amin. Sir, talaga sabi na sa inyo sa store na lang. Naistorbo pa kayo.sabi ni Susan. Request ni Wie kami magdeliver.sagot ko kay Susan. Susan patuluyin mo sila, wag kayo dyan sa gate. Tuloy kayo Mr.Rommel.sabi ni tita Joan. Kasama ko po si pinsan, tito ni Louie.sabay pakilala kay pinsan. Tita Joan, si Engr.Nestor. Engr. si Tita Joan. Magandang gabi po Engr.Nestor.bati ni tita Joan. Nestor na lang po mam.sabi ni pinsan. Joan na lang  Nestor. Wala nang mam. Balik na bati ni Tita Joan. Nagtinginan lang kami ni Susan.napangiti kami pareho sa dalawa. 

Tama pala si Louie, Joan. Mabait at maasikaso ka raw. Lagi ka nya  kinukwento sa amin. Upo tayo, sabi ni tita joan. Rommel, yung padala ni Louie, ibigay mo na sa kanila baka makalimutan pa yan.sabi ni pinsan. Susan, para sa yo. Tita joan para sayo galing kay Louie. Atsaka tita, pinabibigay ni Engr. roses para sayo.pahabol ko kay tita joan. Napatingin si Tita Joan kay Engr/pinsan. Namula si pinsan. Sir Rommel, patulong kukuha lang ako ng miryenda.pag aya ni Susan sa akin sa kusina. sumama ako agad. Naiwan sina tita Joan at pinsan. Nagustuhan mo Joan.pauna ni pinsan.I like roses, kinwento rin ba ito ni Louie?  Mag tito talaga kayo ni Louie. Walang sinasayang na oras. Nakangiti si tita joan na inaamoy ang roses. Syempre kanino pa ba magmamana. Sabi ni pinsan.masaya sila sa kwentuhan nila. Kitang kita namin ni Susan. Pati kami kinikilig.

 Nagtatawanan sila ng dumating kami. O yan na sila. Ako nagbake nyan, Nestor. Tikman mo.lagi akong nagpapadala kay Louie nyan. Brownies and caramel bar.sabi ni tita susan. Amoy pa lang nagugutom na ako.sabi ni pinsan. Sabay bukas  ng box. Familiar ang box na yan. Nakikita ko yan sa office at sa kotse. Pero hindi ko natitikman.sabi ni pinsan. Teka!..teka!.. Rommel,saan ka pupunta? Tawag sa akin ni pinsan. Pinsan naiwan namin ni Susan ang tissue.sandali lang..sabi ko kay pinsan. Nasaan ang mga cookies na padala ni Joan. Parang ikaw lang ang umubos.sabi ni pinsan. Ah...eh...ah..pinsan ano..ano..ah..eh..nauutal ako.buti na lang sinalo ako ni tita joan. Wag ka mag alala Nestor, mula ngayon lagi mo nang matitikman yang mga pastries ko. Yung special ang ipapauwi ko sa yo..yung assorted para lahat matikman mo. Sabi ni tita joan. At hindi ko bibigyan si Rommel.sabi ni pinsan. Masaya ang una nilang formal na pagtatagpo.at dahil gabi na nagpaalam na rin kami. Tita, its late na rin.uwi na kami.paalam ko. Ay oo masyado tayo napasarap ng kwentuhan Nestor. Sandali lang ibox ko lang ang cookies.sabi ni tita joan.pag abot ng cookies, naghawak ang kamay nila tita joan at pinsan. Nagkatinginan sila... natigilan sila... Sorry sabi ni pinsan. Its ok.sabi ni tita. Salamat.bulong ni pinsan kay tita Joan. Pinsan pahingi ah.singit ko sa kanila. Joan, salamat ulit. Balik kami ha. SaBi ni  pinsan.  Anytime sabi ni tita. Tuwang tuwa si pinsan na umuwi kami. 

Habang pauwi kami sa bahay, si pinsan naka ngiti lang. Kitang kita sa mata, sa bibig na masaya sya. Pag uwi namin, parang teen ager si pinsan na nag thumbs up lang sa akin at umakyat na sa kwarto nya. Ako naman ay nagpark muna at nagsara ng gate. Umakyat na rin ako at naligo muna..pagkatapos pinuntahan ko si pinsan sa kwarto. Inabutan ko nagtetext. Inunahan nya ako. Bawal matulog dito.  Doon ka sa kwarto mo.habang nagtetext. Hindi ako makitulog pinsan. Sino katext mo? Nag goodnight ka na ba kay tita Joan?sabi ko kay pinsan. Anong goodnight? Kauumpisa lang namin magtext goodnight agad.sagot ni pinsan. O sige pinsan, sobrang saya mo kasi kaya check muna kita. Maaga pa ako sa store bukas. Sweet dreams.sabi ko kay pinsan. Parang walang narinig si pinsan dahil busy sa pagtetext.

Nagbago awra ni pinsan magmula ng dumalaw kami kina Tita Joan. Yung dating formal, mukhang stricto, naging kabaligtaran na  itsura nya.  Pero yung ugali mas madaling kausapin, parang lahat pwede at lalo nya ako hinayaang magdesisyon. Kahit major decision pa ito. Napadalas ang pagdalaw nya kina tita Joan. Almost 3x a week at kung minsan higit pa. Bihira na rin ako sumama sa kanya. Kapag wala sya sa store alam ko na kung nasaan sya.

Dahil hinahayaan na ako magdesisyon ni pinsan. Lalo kong tinutukan ang dalawang tindahan. Ayokong mapahiya kay pinsan. Alam kong lahat ng kinita nya sa pagiging ofw ng 25yrs ay ininvest nya dito. At ito rin ang tanging handog nya kay tita Joan. At dahil dito naging abala ako sa pagmamanage ng dalawang tindahan. Kayat kung minsan hindi kami nagkikita kahit sa bahay dahil pag uwi nya tulog na ako. Sa umaga naman paalis na ako. Kayat ang report ko na lang ang tanging communication namin. Patuloy akong nagrereport kay pinsan ng status ng tindahan linggo linggo at monthly kay pinsan. Buti na lang may cellphone doon na lang kami nag uusap. Hinayaan ko syang masaya dahil buong buhay nya nagtrabaho para sa pamilya.

 Dahil maganda takbo ng dalawang tindahan. Isang araw Nag consulta  ako kay pinsan nag nagpang abot  kami kung mag 3rd branch kami. Ano sa tingin mo?siryosong  tanong sa akin ni pinsan. Kinabahan ako sa tanong nya. Nakita nya na nagulat ako. Ano nangyari sa yo hindi ka nakasagot? Bakit mo naisipan magkaroon ng isa pang branch. Additional work load yun. Saan tayo mag 3rd branch? Kaya mo pa ba? Kaya mo pa ba maghandle ng tao? Halos hindi ka na natutulog. Bihira na tayo magkita. Sa sunod sunod na tanong ni pinsan napalunok lang ako. Wala akong maisagot. Nakita nyang namula ako. O, wag mo sabihan iiyakan mo ko Rommel. Nagtatanong lang ako. Alam mong malaki ang tiwala ko sa yo. Pag aralan mong mabuti. Alam mong nahirapan tayo sa 2nd branch. Dami nating pinagdaanan. Requirements sa city hall, sa BIR, sa paghire ng tao, sa rent, at iba pa. Kaya mo bang asikasuhin  lahat ng  mag isa? Kung maipresent at madepensahan mo yung sinabi ko ng maayos. Masasagot kita. 

Pinag isipan ko sinabi ni pinsan. Lahat ng naalala ko sinulat ko sa notebook. Determinado ako sa 3rd branch pero tama si pinsan. Pag aralan ko muna. Kailangan ko magkaroon ng feasibility studies ng location, foot traffic, community, at rental rates. At the same time mamaintain ko, o di kaya ay maimprove ko ang kasalukuyang dalawang tindahan. Dapat kong paghandaan ang presentation ko kay pinsan. Sa kabilang banda napa isip ako sa sinabi nyang kaya ko bang asikasuhin mag isa. Ano ang ibig nyang sabihin doon?.



Itutuloy....

2 komento:

  1. May natutunan ako sa pagnenegosyo.. Maraming bagay dapat pag aralan

    TumugonBurahin

Condo Sharing

 December 15, ang lipat ni John sa condo na lilipatan nya sa QC, kung saan sya na assign sa bago nyang trabaho bilang ahente ng noodles.  Co...