Si Miguel at si Bert

Sabado, Mayo 7, 2022

Happy Birthday Katrina (REUNION part 1)

 <script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Happy Birthday to you!...Happy Birthday to you!...Happy Birthday...Happy Birthdaaaaaay....Happy Birthday to you!....Happy Birthday Katrina!......blow your candle and make a wish...hinipan ni Katrina ang kandila ng birthday.. Pumikit ilang sandali. Habang nagwiwish.. Pagkatapos minulat ang mga mata. Ngumiti si Katrina. Salamat..Salamat sa inyong lahat. Anong wish mo Katrina? Ngayong 19th birthday mo. Tanong ng isa sa mga kaibigan nya na si Jane. Boyfriend siguro ang pabirong singit ni Fe. Nandito naman ako bakit magwiwish pa sya.sagot ng gwaping na si Rico. Tumigil nga kayo,  hindi tuloy  makasagot si Katrina.pananaway ni Jane. Kayo talaga lagi nyo ko pinapaiyak. Birthday ko ngayon. Secret kung ano ang wish ko. Sagot ni Katrina. Sige Kat, secret na kung secret, pero yung cake kainin na natin hehehe.sagot ni Rico. Sa akin mo na lang sabihin.bulong ni Jane kay Kat. Ngumiti lang si Katrina at hiniwa na ang cake.

Si Gilbert, ang ama ni Katrina ay isang OFW sa Italy, isang chef sa isang bakeshop. After 10years working as Chef sa Italy, makakauwi na rin sya. At Balak nyang sorpresahin ang nag-iisang anak na babae na si Katrina ngayong birthday nya. Hindi sya nagpasabi ng kanyang pag uwi sa kanyang pamilya.

Si Chris, isang binata.nasa mid 20's, part time student.working as service crew sa isang bakeshop sa Pasay City. Si Joseph manager ni Chris. May pagka masungit, mahigpit na manager. Mapanuri sa mga customer lalo na kapag  hindi maayos ang suot ng customer. May pagka high end ang bakeshop, maganda ang interior ng restaurant, ang counter kung saan nakadisplay ang ibat ibang klase ng tinapay, ang dining area ay maaliwalas, ang sofa ay mataas ang sandalan, na parang sa kaharian. Ang mga mesa ay nagkikintaban. Ang mga pumapasok na customer ay masasabi mong may kaya. 

Isang araw, bandang alas tres ng hapon pumasok si Gilbert sa bakeshop na pinagtatrabahuhan ni Chris. Umorder sya ng isang cake. Pina slice nya ito. Sumunod naman si Chris sa request nya. Pinakita ni Chris na nahiwa na ang cake. Nagrequest ulit si Gilbert na kung pwede hiwain pa ng isa. Ngumiti si Chris, no problem Sir.sagot ni Chris. Nakita ito ni Joseph. Dahil sa hindi maayos ang suot ni Gilbert, iba ang trato nya dito. Pagkabigay ni Chris ng cake. Pwedeng isa pang slice?hiling ni Gilbert kay Chris. Tinignan ni Chris ang cake. Ngumiti sya. Ayan Sir, ang ninipis na ng hiwa sa cake. Atsaka nagbayad si Gilbert. Lumapit ang  masungit na manager kay Chris. Ano ba yan Chris, kanina pa kayo. Ang haba na ng pila. Isa lang ang order kung mag request.mataas ang boses ng manager. Naririnig ng mga customer at ni Gilbert. Customer natin ang nagrequest kailangan ko pagsilbihan ng maayos. Kahit isa lang ang order.sagot ni Chris sa masungit ni manager. Ang haba ng pila sila unahin mo.utos ng manager.dahil maayos ang itsura nila, kahit nauna yung lalaki. Be fair to all.sagot ni Chris sa kanyang manager. Usap tayo mamaya sa office. Sabi ng manager sa kanya.

Hinarap ni Chris ang mga sumunod na customers ng nakangiti. May I have your order mam.nakangiting bati ni Chris sa kaharap na customer. Nagturo ng ibat ibang pastry at donuts ang customer. Anything else mam?,would you like to try this new flavor of donut?alok ni Chris sa customer. Thank you, have a nice day. At ganun din ang ginawa ni Chris sa mga sumunod na customers. Masaya nyang binabati ang bawat customer na nakakaharap nya. Bata o matanda. Babae o lalake, nakapustura o simple lang ang suot. Lahat pantay pantay. Ang ngiti nya ay para sa lahat. Walang pinipili.

 Kinausap si Chris ng kanyang manager  sa opisina. Chris, yung tungkol kanina.umpisa ni Joseph. Yes sir, sagot ni Chris.na alam nyang yun ang pag uusapan nila. Isa lang ang order nya.ang tagal mo nagserve. Humaba ang pila. Umabot sa labas ang dami ng customer.pagdetalye ng manager. Sir, may request ang customer kaya pinagbigyan ko. Isa lang ako sa counter. Simpleng request lang na hiwain ko ang cake. Pagpapaliwanag ni Chris. Simple lang pero nauubos ang oras mo sa doon sa isang customer na yun. Kulang pa ata ang binayad sa yo.sagot ng manager. Sir, kung kulang man ako ang magbabayad. Yung matandang customer, gusto nya ang cake kaya gusto ko sya bigyan ng service he deserve bukod sa cake na inorder nya. Kahit mahirap yung customer na yun. Entitled pa rin sya sa fair treatment. Depensa ni chris sa manager. Sayang oras mo sa customer na yun. Bigay mo oras mo sa customer na marami umorder. Sa mayamang customer. Sila itrato mo ng maganda.sabi ng manager. Dahil mahirap lang yung customer. Dahil gusgusin hindi ko tratuhin ng tama? Thats unfair. Hindi ko idiscriminate ang mahirap na customer.sagot ni Chris sa manager. At lumabas naito sa opisina ng manager. Nag out na rin sya sa store dahil tapos na duty nya.

Habang naglalakad pauwi. Nakita nya ang customer na bumili ng cake na nagrequest na hiwain ito ng maraming beses. Kinilala nya muna bago nya ito nilapitan. Nakita pa nya ang box ng cake na inorder sa kanya. Unti unti syang lumapit dito. Good afternoon sir. Nakangiti si Chris. Dala nyo pa po yang cake Sir. Tinitignan lang sya ni Gilbert. Kinikilala. Ako yung crew sa bakeshop sir na binilhan nyo ng cake na yan Sir.sabay turo sa box ng cake. Tinignan ni Gilbert ang box na dala. Tumingin ulit kay Chris. Saka tumango.  Nagalit ang manager mo dahil sa request ko.sabi ni Gilbert kay Chris. Wala yun sir, lagi namang ganun yun.sagot ni Chris. Napagalitan ka pa nya dahil sa akin.sabi ni Gilbert. Sanay na ako dun sir. Sir, para kanino po yung cake.tanong ni Chris sa customer. Hinawakan ni Gilbert ang box ng cake. Umiba ng tingin. Nalungkot. Nakatingin lang si Chris. Handang makinig sa kwento ng kausap.

Lagi kong napapanaginipan ang birthday celebration. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko maalala kung sino ang may birthday.pagkukwento ni Gilbert kay Chris. Ang asawa nyo Sir, birthday nya po? Tanong ni Chris. Umiling lang si Gilbert. Ang anak nyo po Sir? May anak po ba kayo?tanong ulit ni Chris. Huminga ng malalim si Gilbert.  Hindi ko maalala. Wala akong matandaan. Ang alam ko lang pauwi ako ng bahay. Gabi yun, sa iskinitang dinaanan ko may pumalo sa akin. Yun lang ang natatandaan ko lagi. Wala na akong maalala.pagkukwento ni Gilbert habang naluluha sa harap ni Chris. Sir ok lang po ba picturan ko kayo tapos ipost ko sa facebook. Baka may makakilala sa inyo? Ikaw ang bahala.sagot ni Gilbert. Kinunan sya ni Chris mga tatlong angulo at nilagyan nya ng maikling kwento base sa inilahad ni Gilbert. Atsaka ipinost ni Chris sa kanyang facebook account.

Ilang saglit lang marami ang nagcomment, naglike at nagshare ng  picture ni Gilbert at kwento na ipinost ni Chris sa kanyang fb account. Isa na dito si Katrina na kasalukuyang nag iiscroll ng kanyang fb account. Oh my God!... Oh my God!..reaction ni Katrina na ikinagulat ng kanyang office mate.  Uy Katrina! Bakit ano yang nakita mo dyan?tanong kay Katrina ng officemate. Hindi maka salita si Katrina. Kat?ano nangyari sayo?..natulala si Katrina. Hindi nya namalayan tumulo na ang luha nya. Bakit ka naiyak Kat? Tinignan ng officemate nya ang cellphone nya. Kilala  mo yung nasa fb?tanong ng officemate nya. Nagcomment si Kat sa comment section. Inalam nya ang exact location nina Chris. Dali daling nagligpit ng gamit si Katrina. Nagpasama sa kanyang officemate papunta sa location nina Chris at Gilbert. Nagtataka yung office mate nya kung bakit pero sumama din dahil  papunta sya ng MOA.

Pagdating ni Katrina sa location nina Chris at Gilbert. Nakilala nya agad ang kanyang ama. Papa?...Papa? Bigkas ni Katrina.. Napalingon sina Gilbert at Chris. Familiar ang boses ni Katrina kay Gilbert. Tinignan mabuti si Katrina. Ang kasama ni katrina ay nasa likod lang nya. Hindi alam kung ano ang nangyayari. Papa...Papa...bigla nya itong niyakap. Nakatingin lang si Chris sa mag ama. Si Gilbert kinikilala pa rin si Katrina. Bumulong ang officemate ni Katrina sa kanya..Kat sure ka Papa mo yang mama na yan?.. Ikaw si Chris? Yung nagpost sa fb?tanong ni Katrina kay Chris. Yes, mam..inabot ni Chris ang kamay kay Katrina. Papa ko sya. Matagal na namin syang hinahanap ng mga kapatid ko at ni mama. Salamat...Salamat...biglang napayakap si Katrina kay Chris. 

Chris, pwede mo ba kaming ihatid ni Papa sa bahay?request ni Katrina kay Chris. Uy Kat, nakakahiya naman kay Sir Chris.sabi ng kanyang officemate.  Sure yun lang pala. Wala naman akong lakad ngayon.sagot ni Chris. Baka kasi mabigla si Papa kung sa amin sya sasama at least ikaw nakausap ka na nya. Palagay na loob nya sa yo.dahilan ni Katrina kay Chris. Ngumiti si Chris. Saan ba kayo nakatira Ms.Katrina?tanong ni Chris. Kat na lang, dyan lang kami sa may Malugay St.Makati nakatira.turo ni Katrina. Malapit lang pala, dito lang ako sa buendia avenue malapit sa Lrt.

May nadaanan kaming maliit na kalye. Doon nagreact si Gilbert. Dito...Dito...chris may pumalo sa ulo ko.bigkas ni Gilbert kay Chris. Naaalala nyo po Sir? Nandito po kami ng anak nyong si Kat. May kasama po kayo.usal ni Chris. Parang kinakabahan na may halong takot si Gilbert. Humigpit ang kapit kay Chris.bumagal ang paglalakad. Sir, Wag po kayo mag alala. Walang gagalaw sa inyo Sir Gilbert.pinalalakas ni chris ang loob ni Gilbert. Hindi alam ni Katrina ang sinasabi ng ama. Naiiyak sya. Kat, okay ka lang?sabi ng officemate nya. Naikwento ni Sir Gilbert,na gusto nya sororesahin kayo sa pag uwi nya. Unfortunately, sa iskinitang dinaanan nya may pumalo sa ulo nya. Yun ang huling alaala nya. Meron yatang may birthday sa pamilya nyo Ms.Kat. kaya lagi syang bumilibili ng cake.kwento ni Chris kay Katrina. Sa pagkukwento ni Chris, napahagulgol si Katrina. Hinagod sya sa likod ng officemate. Hanggang marating nila ang bahay nila.

Kat, dito na ba bahay nyo?tanong ng officemate. Nagdoorbell si Katrina. Mama nya ang nagbukas ng pinto. Nagulat ito dahil.....



Itutuloy.....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Condo Sharing

 December 15, ang lipat ni John sa condo na lilipatan nya sa QC, kung saan sya na assign sa bago nyang trabaho bilang ahente ng noodles.  Co...