<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"
crossorigin="anonymous"></script>
Kat, dito na ba bahay nyo? Nakalimutan ko na.sabi ng office mate nya. Nagdoorbell si Katrina. Mama nya ang nagbukas. Laking gulat ng mama nya ng makita ang kasama nila. Gilbert!...Gilbert!...napahagulgol ang mama nya... Nanlaki ang mata ni Gilbert. Nabosesan ang narinig na boses. Napakapit siya kay Chris. Mama, si papa dba?sambit ni Katrina sa ina. Sir Gilbert, asawa nyo po?tanong ni Chris kay Gilbert. Tumango lamang ito.. Rachel, asawa ko.bulong ni Gilbert sa asawa at Niyakap nya ito ng mahigpit. Salamat sa Diyos. Matagal ka naming hinanap. Sabi ng asawang si Rachel. Pasok tayo sa loob. Chris, tuloy tayo sa loob. Pag aaya ni Katrina kay Chris.
Katrina, paano mo nakita si papa mo? Saan mo sya nakita? At sino sya? Boyfriend mo? Tanong ng mama ni Katrina. Natawa ang office mate ni katrina na si Gina, pati na rin si Chris. Ma, ano ka ba? Dahan dahan sa pagtatanong. Nakakahiya kay sir Chris baka may girlfriend sya.sagot ni Katrina sa ina. Okay lang Katrina, wala pa akong girlfriend. Sagot ni Chris. Kinikilig naman si Gina, tumigil ka dyan kanina ka pa kinikilig. Papagalitan ako ni mama. Paninita ni Kat, kay Gina. Cute naman si Chris and bagay naman kayo.. Tama na ang Sir Chris..Sir Chris mo dyan.. Ka age lang natin sya. Dba Chris?panunukso ni Gina kina Chris at Kat. Namumula si Chris na pinagpapawisan dahil sa panunukso ni Gina. Gigil na gigil naman si Kat kay Gina.
Sa loob ng bahay doon nagkwento si Katrina sa ina. Iho, uminom ka na muna. Kanina pa tayo nag uusap hindi man lang kita inalok ng meryenda. Talaga bang hindi mo girlfriend si Katrina? Kay gwapo mo tapos mabait pa. Dba tama ako Gina?palagay na nasabi ni Rachel lay Chris. Yes tita Rachel.sagot ni Gina. Nakangiti lang si Chris. Gilbert, hinanap ka naming lahat dahil alam naming pauwi ka na. Tinanong namin ang agency mo at sinabing nakauwi ka na. Lagi kang nasa isip at dasal namin. Araw at gabi. Pati mga kaibigan natin kasama namin sa paghahanap. Pagkausap kay Gilbert ni Rachel. Hindi na tayo magkakalayo. Sagot ni Gilbert habang hawak hawak ang kamay ng asawa. Chris salamat sa tulong mo, natagpuan ako ng pamilya ko.pasasalamat ni Gilbert sa gwapong binata. Iho, welcome ka dito sa bahay namin. Anytime pwede ka pumunta. Talaga bang hindi ka boyfriend ni Katrina?paniniguro ni Rachel. Ngumiti lang si Chris. Tita Rachel, boto ba kayo kay Chris kung sakaling ligawan nya si Katrina? Tanong ni gina sa ina ng kaibigan. Ano na namang boyfriend boyfriend ang naririnig ko dyan. Chris pagpasensyahan mo na si mama at itong si Gina. Habang papalapit sa mga magulang. Papa, mama umorder na ko ng food natin, Chris, Gina dito na kayo magdinner. Pag alok ni Katrina sa mga nasa bahay. Si kuya carlo nga pala mama, pauwi na. Sinabi ko ng nakita na natin si papa. Gabi na po mam, sir Gilbert. Uuwi na ako. Sabi ni Chris. Papa Chris, dyan lang sa buendia bahay mo ako nga QC pa.mamaya na tayo umuwi at gutom na ko. Sabi ni Gina. Hoooy Gina, kung maka papa Chris ka dyan. Ngayon lang natin sya nameet. Close na kayo?!?!pabirong sabi ni Kat sa kaibigan. sorry po. tita Rachel, nagseselos si Kat ayaw pa umamin.bulong ni Gina sa mama ng kaibigan. Tatawa tawa lang ang mga magulang ni Katrina sa kaibigan.
Masayang naghapunan ang pamilya ni Gilbert kasama sina Chris at Gina. Kinwento nina katrina habang kumakain kay Gilbert ang mga masasayang memories nila noong bata pa sila nina kuya carlo nya. Nakikinig lang si Gilbert. Nag bigay din ng suhestyon si Chris na dahan dahan ang pagkukwento para hindi mabigla si Sir Gilbert. Nabanggit din nya na sya ay graduating student ng BS Psychology. Kaya lalong humanga ang mama nya kay Chris. Papa Chris mahal na kita. Kung ayaw ni Kat akin ka na lang..pagbibiro ni Gina habang naghahapunan. Chris pag may time ka visit ka lang dito..your always welcome.pag anyaya ng mama ni Kat kay Chris. Bisitahin mo ko lagi dito Chris.usap tayo lagi.sabi ni Gilbert kay Chris. Sige po sir Gilbert. Bibisitahin ko kayo lagi. Sagot ni Chris..kinikilig si Gina habang kumakain. Hanggang magpaalam na si Chris dahil may pasok pa sya sa bakeshop. Opening ang duty nya.
Paglabas ni Chris ng bahay, saka pa lang dumating si Carlo. Nabangga nya ito at nagalit sa kanya. Ano ba! Angas mo ha sino ka ba?pasigaw na bigkas ni Carlo. Brod pasensya na.Hindi ko sinasadya.mahinahong sagot ni Chris. Kuya Carlo, hindi nya sinasadya. Sya si Chris.pagtatanggol ni kat kay Chris. Eh ano ngayon kung sino sya. Wala akong pakialam.galit pa ring sinagot ang kapatid. Chris pasensya na.pagkausap ni Kat. Tumango lang si Chris at umuwi na rin. Binalikan ni Kat ang kuya nya na kasalukuyang kinakausap nina Gina at mama nya. Nakatingin lang si Gilbert sa anak na lalaki. Napatingin si Carlo sa lalaki at nang makilala nya ito ay.... Papa... Papa....nawala ang pagka aburido sa pagkakabangga sa kanya ni Chris. Walang reaction si Gilbert subalit si Carlo siguradong sigurado na ama nya ang lalaki sa harap nya.
Si Chris...si Chris..kaibigan ko sya. Ang nasambit ni Gilbert habang niyayakap ng anak na lalaki. Papa sinong Chris ang binabanggit mo? Kaibigan ko sya.sagot ni Gilbert kay Carlo. Kuya sya yung nabangga mo kanina. Sya ang dahilan kung paano ko natagpuan si papa. Kausap nya si papa sa mall tapos pinost nya sa fb.maikling kwento ni kat kay Carlo. Yes papa Carlo. Bigla na lang OMG si Kat..tapos nashock sya tapos nagmadali kami sa MoA kahit walang retouch.dagdag pa ni Gina. Tama anak mabait si Chris. Pinababalik nga namin sya dito.pahabol ng mama ni Carlo. Pa, talo na ako. Lahat kayo abogado nung Chris na yun. Anong laban ko. Sge suko na ko. Hindi na ko galit sa kolokoy na Chris na yun. Alang alang kay Papa. Dahil kay Chris nakumpleto tayo ulit. Taas kamay na ngumiti sa kanilang lahat si Carlo. Gutom na ko mama ano food natin. Umorder na raw si Kat. Habang hinihimas ang tyan. Kumain ka na muna kuya. Mamaya ko na bibigay ang resibo sa yo. Irereimburse ko mamaya.pabirong sagot ni Kat. Busog na ako. Nagmadali ako umuwi ako pala magbabayad. Ikaw Kat. Dapat magblow out ka dahil nakita na si Papa....(lumunok muna) at magkakaPapa ka pa..hahaha..halata sa kilos mo.kuya mo ko kaya alam ko. Dba mama?bawi ni Carlo kay Kat.
Nang gabing iyon, sama sama silang natulog sa isang kwarto. Sina katrina at carlo ay parang bata na sabik na sabik sa ama. Kinaumagahan, nag handa ng almusal si Rachel para sa kanilang lahat. Ma, ngayon na lang ulit tayo nagbreakfast ng ganito ha. Napansin ni Carlo ang effort ng mama nya. Oo nga mama at iba ang aura nyo.pahabol ni Kat. Syempre, may dahilan para magcelebrate nandito na Papa nyo. Bago ko makalimutan Kat, si Chris nga pala imbitahan mo kaya sa sabado, magdinner tayo.sama mo na rin si Gina. Ok ba sa yo Gilbert, papuntahin si Chris sa sabado? Ngumiti sge para makapagpasalamat ako sa kanya. Kuya, baka awayin mo si Chris pag inimbitahan ko?sabi ni Kat sa kuya. Ano ka ba. Ok na sya sa akin.walang problema. Basta wag ka nya paiiyakin.biro ni Carlo kay kat. Ay mali ata nasabi ko. Baka ikaw pa magpaiyak dun sa Chris na yun.sa tapang mo.hahaha.pangangantyaw ni Carlo sa kapatid. Papa lagi ako niloloko ni kuya. Ngumiti lang ang ama. O sya mag almusal na kayo at nang magsipasok na kayo baka malate kayo sa trabaho.
Nang sumunod na araw nag file nang leave si Carlo para sa Papa nya. Pinamili nya ito ng mga gamit. Nagkaroon sila ng bonding mag ama. Kasama din nya ang mama sa pamimili. Naisipan ng mama nya na bumili ng regalo para kay Chris bilang pasasalamat. Gilbert, ok ba itong polo na ito para kay Chris? Gusto ko magpasalamat sa kanya.tanong ni Rachel kay Gilbert. Maganda ang kulay, sana tama ang sukat.sagot ni Gilbert kay Rachel. Sige Ma, Pa, bilhin natin yan para kay Chris.para makabawi ako kay kolokoy.sagot ni Carlo. Masaya ang tatlo sa pamimili sa MOA. Hindi inaasahan nakita nila si Chris. Pa, si Chris yun dba? Tinuro ni Carlo si Chris.Chris!..Chris! Napalingon ito sa tumatawag sa kanya. Si Gilbert ang una nyang binati. Sir Gilbert, kumusta po kayo? Mam Rachel, magandang hapon po. Bati ni Chris sa mga magulang ni Kat. Tinignan lang nya si Carlo. Si Carlo, anak kong lalaki.pagpapakilala ni Gilbert kay Chris. Inabot ni Carlo ang kamay kay Chris. Nakipagkamay naman si Chris kay Carlo. Niyakap ni Carlo si Chris, sabay bulong na.. Salamat bro.. Doon na rin nila inimbitahan si Chris sa sabado para sa special dinner nila. Pumayag si Chris. Pero nagrequest sila kay Chris na wag sasabihin kay Kat na pumayag na sya. Sabihin nya kay Kat na hindi sya makakarating. Birthday kasi ni Kat sa sabado, ikaw ang surprise guest namin. Nakangiti lang sina Carlo at ama sa plano ng mama nya. Pumayag naman si Chris.
Ma, Pa, paano yan hindi makakarating si Chris? Malungkot na pahayag ni Kat sa magulang. Tamang papasok sa usapan nila si Carlo. Carlo, hindi makakarating si Chris. Ano raw gagawin natin sabi ng kapatid mo? Sabi ng mama nila na kunwari walang alam. Eh di wala sya! Pwede naman natin ituloy yung plano with or without him..ang mahalaga nandyan si Papa.. Sya ang dahilan kaya tayo magcelebrate. Si Gina darating naman dba. Bff mo yun dba?sabay talikod kay Kat at kumindat sa mga magulang. Kakainis ang Chris na yan. Paimportante. Gusto pa ata sunduin ko sa bahay nya.yamot na umakyat ng kwarto si Kat. Kat be patient baka busy lang kaya ayaw magcommit. Graduating sya dba?sabi ng mama nya. Hindi na sumagot si Kat. Nagtatawanan naman mama nya at si Carlo. Kayo talaga lagi nyo niloloko si Kat.sabi ni Gilbert sa dalawa.
Umaga ng sabado, abalang abala ang mama nina Kat. Sina Carlo at Kat tanghali na gumising. Nagtataka bakit bising bisi ang mama nila. Ma, bakit nagpapakapagod ka. Kaya nga tayo nag pacater.sabi ni Kat. Happy Birthday Katrina! Anak..bati ni Rachel sa anak. Katrina, happy birthday bati naman ni Gilbert sa anak na babae. Ano balita kina Gina at Chris, darating ba sila?tanong ni Gilbert kay Katrina. Pa si Gina malelate..si Chris hindi nagpaparamdam.sagot ni Katrina sa ama. Hayaan mo na. Nandito naman kami ni kuya carlo mo.sagot ni Gilbert sa anak.
Kinagabihan, napaagang dumating si Gina. Oh bakit ang aga mo? Kala ko ba male late ka.tanong ng mama ni Kat kay Gina. Echos lang yun tita.para hindi magexpect si Kat...sagot ni Gina sa mama ng kaibigan. Psssst! baka marinig tayo. Kinausap namin si Chris. Na kunwari hindi makakarating pag ininvite ni Kat. Sinabihan namin na magdahilan.bulong ni Rachel sa kaibigan ng anak. Tita kayo talaga.nagtatawan ang dalawa ng dumating sina Gilbert, Kat at Carlo. Hooy bruha kala ko OT ka kaya malelate ka.sabi ni kat sa kaibigan. Drama lang yun besh..birthday mo dapat nandito ako from sign on to sign off.. Idodocument ko ang ganap ngayong gabi.sagot ni Gina. Ano dodocument mo eh tayo lang ang magdinner. Ikaw lang ang guest namin. Nandito kaya si Tito Gilbert sya ang dahilan kaya tayo magcelebrate..teka si papa Chris asan? Deadma sa invitation mo? Sana ako ang pinaginvite mo para hindi maka angal!acting na acting si Gina.ang galing. Hayaan mo na baka busy. Graduating dba?malungkot na sagot ni Kat sa kaibigan.
Ilang sandali pa may nag doorbell. Kasalukuyang nasa taas si Kat nagaayos ng sarili. Si Carlo ang nagbukas ng pinto. Si Chris ang dumating. Dahan dahan nilang dinala si chris sa cr. Sa pagbaba ni Kat,. Gina sino yung dumating? Tanong ni Kat kay Gina. Ewan ko. Baka neighbor nyo. Hindi ko nakita. Lumabas si Carlo sa cr nakitang nag uusap ang dalawa. Kuya si mama? Tanong sa kuya. Ewan kausap kanina si Papa. Baka may binili sa labas. May nagdoorbell dba?sagot ni carlo sa kapatid. Kuya pa cr nga. Ayoko na umakyat papagod na ako.may amoy pa ok lang sayo?biro ni Carlo sa kapatid. Kuya kadiri ka. Sa taas na nga lang.sabi ni Kat. Joke lang hindi ka mabiro. Nilinis ko ang cr kaya ako nandun.pagdadahilan ni carlo sa kapatid. Mabuti naman.makaka cr na ako. Bubuksan na ni kat ang banyo. Humirit pa si Gina. Kat what if biglang dumating si Papa Chris mo?.. Hindi sya darating. Inisnob nya invitation ko.. Wala kami sa prioritize nya period... Papasok na sya ng cr. Pero si Gina humirit pa ulit... Kat what if bigla nag happy birthday sya sa yo...besh hindi ko na kaya puputok na..mamaya na ang what if mo pwede?.. Natatawa si Carlo sa usapan ng dalawa.. Pagbukas ni Kat sa cr.. Happy Birthday Kat! Natulala si Kat...si Chris ang nakita ni Kat may dalang birthday cake, lobo at flowers .... Happy birthday to you... Happy Birthday to you... Happy birthday..happy birthday... Happy birthday to you....sabay sabay na nagkantahan ang buong pamilya kasama si Gina.
Masaya ang lahat na nagdinner. At umamin na rin kung sino ang pasimuno sa lahat ng gimmick nang gabing iyun. Its a double celebration. Birthday ni Kat at celebration sa pagkakabuo ng pamilya nina Rachel, Gilbert, Katrina at Carlo..plus Chris. Simula noon napadalas ang pagbisita ni Chris kay Gilbert. At naging malapit si Chris kay Katrina. Naging magkasundo si Chris at Carlo. Masayang masaya sina Gilbert at Rachel dahil completo na ang pamilya nila plus Chris. Pamilya ni Gilbert ang umattend sa graduation Chris. Isa na syang license Psychologist.
THE END
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento