<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"
crossorigin="anonymous"></script>
Noong bata ako gustong gusto ko ang Hamburger at Spaghetti. Kaya tuwing may birthday sa bahay namin laging merong handa na spaghetti. At tuwing nagpupunta kami sa mall, laging hamburger at spaghetti ang order ko. Paulo, humanap ka ng upuan natin. Oorder na ako para sa yo.sabi ng nanay ko. Alam na ni nanay ang gusto ko. Malalaki ang mga hamburger noon at maraming palaman tulad ng kamatis, sibuyas, lettuce, pickles, at kung minsan may pineapple pa. Meron ding mayonnaise, katsup at yung kulay dilaw na masarap, mustard daw ang tawag doon. Pero kahit walang gulay masaya na ako sa hamburger ko. Ang spaghetti naman gustong gusto ko kapag maraming keso at hotdog, bonus na lang kapag may ham ang spaghetti. Simple lang kaligayahan ko noong bata ako. Hindi ko akalain na hanggang sa paglaki ko hindi magbabago ang hilig ko sa hamburger at spaghetti.
Natatandaan ko noong grade 1 ako. Nagbirthday ang classmate kong si Rochelle. Mukhang mayaman sina Rochelle lagi syang hatid sundo ng Mama nya. May kotse sila pero kung minsan naglalakad din pagpasok at pag uwi. Malapit din kasi bahay nila sa school. Nagdala ang mama nya ng cake, ice cream, spaghetti at hamburger. May kasama ring lobo na ibat ibang kulay. Nag sabi si teacher na birthday ni Rochelle. Kaya lahat kami kumanta ng happy birthday sa kanya. Buong klase ay masaya kasi may recess na masarap kaming kakainin.
Noong mag high school na ako hindi ko na naging classmate si Rochelle. Ibang section na sya, higher section na sya, 2nd honor sya sa klase. Ganun pa man ang hilig ko sa hamburger at spaghetti ay nanatili pa rin kahit teen-ager na ako. At yun ang nagpalapit sa akin kay Rochelle. Minsan inabutan nya ko sa canteen kumakain ng hamburger at spaghetti. Paulo, Pwede makishare sa table? sabi nya. Hindi ko alam na si Rochelle pala ang nagsalita. Basta umusog lang ako. Nakita ko na lang na tatawa tawa sya. Ikaw pala Rochelle. Hindi kita nabosesan.sabi ko sa kanya. Okay lang alam ko naman basta kumakain ka ng burger at spag, hindi ka na namamansin.biro niya sa akin. Paborito ko kasi ito, sabay turo ng burger, lalo na pag may cheese.sabi ko sa kanya habang nagpupunas ng catsup sa bibig. Kaya ka lagi niloloko ng classmates natin..amoy burger ka na raw. Masayang palitan namin ng kwentuhan. Hayaan mo sila. Kaibigan ko yung mga yun kaya ako niloloko.sabi ko sa kanya. Ang bait mo talaga, buti hindi ka napipikon sa kanila.sabi nya. Bakit ako mapipikon, (lumunok muna ako) eh totoo naman..hehehe..kaya hindi na kita aalukin ng burger ko ha.biro ko sa kanya. Ok lang pinaupo mo na ako.sabi ni Rochelle. Rochelle, una na ako may klase pa ako baka malate ako sa English. Kita tayo ulit..paalam ko kay Rochelle.
Ayun ang simula ng aming pagkakaibigan ni Rochelle, naging malapit kami sa isat isa. Umabot pa nga na hinahatid ko sya at sinusundo sa bahay nila. Kayat tinutukso kaming dalawa na magsyota. Kinikilig naman ako pero si Rochelle parang ayaw. Lagi nyang sinasabi na kaibigan nya lang ako. Tuwang tuwa ka naman na tinutukso tayo. Kaya sa klase namin ang alam tayo na. Si Sir Arevalo, lagi kang hinahanap sa akin.sabi ni Rochelle. Talaga! si Sir, hinahanap nya ko sa yo?(kunwari hindi ko alam). Eh di sabihin mo nasa kabilang room.sabi ko sa kanya. Eh di lalo akong tinukso ng buong klase sabihin nila alam ko schedule mo. Sabi nya sa akin. Eh alam mo naman talaga hehehe..biro ko sa kanya. Ewan ko sayo, isa ka pa.sabi nya akin sabay bitbit ng gamit at umalis. Nakita sya ng mga classmate nya. saan ka pupunta Roche? Paulo, anong ginawa mo doon, nag away kayo?sabi ng mga classmate nya. Wala ah.nag uusap lang kami tapos umalis na.sagot ko sa kanila. Sabagay parte ng relasyon ang tampuhan.sabi ng classmate ni rochelle sa akin. Ngumiti na lang ako. Sige pasok na ako sa Physics.
Pagpasok ko sa klase nandun na si Mr.Santos, my Physics teacher. Hinihingal ako sa pinto. Your late Mr.Paulo. sabi ni Sir sa akin. Sorry sir. sagot ko. Nag burger ka na naman siguro. Nagtawanan ang klase sa biro ni sir. Take your seat.class prepare for a quiz.sabi ni Sir. Nagulat lahat na may quiz. Saan ka galing, nagkita kayo ni Rochelle?bulong ni Richard sa akin. Anong bulung bulungan nyo dyan?nasa harap na pala namin si sir. Wala sir. Wala po ako paper sir.sabi ko kay sir na kumakamot pa ako ng ulo. Si Mr.Burger walang paper. Who will donate?sabi ni sir sa klase. Nagtawanan lahat dahil nagbiro si sir. Luckily may nagdonate. Doon na nag umpisa ang quiz 20items. Mahirap ang quiz,buti na lang nakapag aral ako kagabi. Swerte ako ang highest kaya.. Class, ang highest in this quiz is Mr.Paulo a.k.a. Burger King. Pinatayo ako at Nagpalakpakan ang buong klase. Keep it up Mr.Paulo. sabi ni Sir sa akin.Kaya kayo (humarap sa klase) kumain kayo ng burger lagi para mag top kayo sa quiz.biro ni sir sa klase. Puntahan mo si Rochelle, sa kabila.sabi ni Richardsa akin.
Sabay kami umuwi ni Rochelle noong araw na yun. Hinintay ko sya ng 30mins. Binalita ko na ako highest sa quiz. Natuwa sya sa balita ko. Sige hindi na ako galit sa yo.sabi nya. Ay nagalit ka pala..ang cute mo pala magalit.nagwowalk out.biro ko sa kanya. Ayan ka na naman ha.sabi nya. Nakita kami ng mga classmate nyang babae. Bati na kayo Roche? Sabi na sayo normal ang LQ sa magboyfriend.sabi ng mga classmate nya. Uy hindi kami magboyfriend. Friend ko lang si Pau.sabi nya. Friend lang eh bakit Pau ang tawag mo sa kanya. Ikaw lang tumatawag ng Pau sa kanya. Mga friends nya burger king tawag sa kanya.sabi ng mga classmate nya. natatawa naman ako sa usapan nila. Paulo, ano naman tawag mo sa friend namin?ako ang nabalingan nila. Magalit yan lagot kayo. Iisipin ko pa. Sagot ko sa kanila. Burger king una na kami sabi naman ng mga kaklase kong lalaki na napadaan. See sabi sa yo Roche, ang mga friends nya Burger King tawag kay Paulo.sabi ng mga classmate nya.tayo na Pau, uwi na tayo. Sabi ni Rochelle sa akin na hindi pinansin ang classmate. Binitbit ko mga books nya at ang dalang project. Ayaw pa umamin ni Roche na boyfriend niya si Burger King eh ayan,binibitbit gamit nya. Bulong ng classmates nya. Psssst!sinenyasan ko sila na zip. Tumawa lang sila. Ang sweet naman ng dalawang ito.sabi nila sa akin.
Lalo kaming naging close ni Rochelle. Napansin iyon ng aming pamilya. Lalo na ni nanay. Isang araw,Paulo, girlfriend mo ba si Rochelle? Tanong ni nanay sa akin. Ayain mo sya maglunch dito pag sabado. Ipagluluto ko sya. Ano ba paborito nya?tanong ulit ni nanay. Spaghetti po nay. Kung papayag po sya. Baka mahiya yun. Sagot ko kay nanay. Ako mag aaya sa kanya para hindi mahiya.pagpipilit ni nanay. Bahala kayo pero di ko po sya girlfriend. Kaibigan ko lang po sya pero Crush ko po sya. Baka madulas kayo.paalala ko kay nanay. Basta pag igihin mo pag aaral mo anak. Si Rochelle mabuting bata yun. Kung maging girlfriend mo matutuwa ako pero kung ang girlfriend ang makakasira sa pangarap mo. Hwag ka muna mag girlfriend. Tumutok ka sa pag aaral mo.sabi ni nanay sa akin. Opo nay, nag aaral po ako mabuti para sa inyo para mabigyan ko kayo ng maayos na buhay. Ayoko rin masira sa magulang nya. Alam ko pinagtitiwalaan nila ako. Ako lang nakakapunta sa kanila. sabi ko kay nanay. Tama anak, igalang mo na parang pangalawang magulang mo ang mga magulang nya at higit sa lahat si Rochelle ingatan mo sya.
Rochelle, iniimbitahan ka ni nanay sa sabado. Ipagluluto ka raw nya ng spaghetti?sabi ko sa kanya.anong okasyon? Bakit ako ipagluluto ng nanay mo ng spaghetti?sabi nya. Kasi lagi kitang kinukwento sa kanya. Nabanggit ko na spaghetti ang favorite mo.kaya naisipan nya na ipagluto ka. Sabi ko sa kanya. Magpapaalam ako kay Dad para makapunta ako. Gusto ko maraming keso at medyo matamis ang sauce ha.sabi nya. Ayan payag ka na.sabihan ko si nanay na darating ka sa sabado ng tanghali. Matutuwa yun.sabi ko sa kanya. Baka naman sinabi mo sa nanay mo na girlfriend mo ko ha. Lagot ka sa akin. Friends lang tayo Pau.sabi nya. Hindi namin akalain na nasa likod namin ang mga classmates nya. Lagot ka sa akin... Friends lang tayo Pau..inulit ulit na tila nang aasar ang mga kaklase nya. Sabay tawanan. Ayan na naman kayo pinagtripan nyo na naman ang sweet spaghetti ko.sabi ko sa kanila. kinilig mga kaklase nya ng marinig ang sweet spaghetti... Ay ang sweet nyo naman may tawagan na kayo. Namumula na si Rochelle. Alis...alis...alis..kayo..magagalit na naman sa akin yan. Dali daling umalis ang mga kaklase nya. Ikaw ang dali mo mapikon.binibiro ka lang.sabi ko sa kanya. Sa sabado ha hihintayin ka ni nanay. Sabi ko kay Rochelle. Pupunta ako doon para isumbong ka sa nanay mo na lagi mo akong inaasar. Para pagalitan ka.sabi ni Rochelle.
Sabado pumunta ako kina Rochelle para sunduin sya. Good morning po sir, sunduin ko Po si Rochelle? Daddy nya ang humarap sa akin. Sandali lang Paulo. Tuloy ka, upo ka muna. Sabi ng daddy nya. Rochelle dito na boyfriend mo.tawag kay Rochelle ng daddy nya na may pang aasar. Dad hindi ko sya boyfriend. Kaibigan ko lang si Pau.depensa ni Rochelle sa dad nya. Paulo totoo ba hindi ka nya boyfriend?baling ng Dad nya sa akin. Ayaw po nya kasi. Sa akin po ok lang, pabiro kong sagot sa daddy nya. Tumigil ka nga dyan Pau. Sandali lang may kukunin ako para sa nanay mo.sabi ni Rochelle. Ingatan mo anak ko Paulo. Ikaw lang ang kilala naming kaibigan nya na lalaki. Sabihin mo sa akin pag kayo na ha.bilin ng dad nya sa akin. Tayo na Pau. Naghihintay nanay mo.Dad alis na kami.paalam ni Rochelle. Sir balik po kami after lunch.paalam ko sa Dad nya. Walang problema Paulo. Habang naglalakad kami papunta sa bahay. Ikaw kung anuano sinasabi mo kay Dad.sabi ni Rochelle. Sinasagot ko lang tanong ng dad mo. Alangan namang hindi ko sya sagutin. Baka kung ano isipin nun.sagot ko sa kanya.
Nay,dito na po kami ni Rochelle. Good morning po tita. Bati ni Rochelle sa nanay ko. Upo muna kayo.malapit na maluto ang sauce. Paulo bigyan mo ng juice si Rochelle. Nagtimpla na ako kanina.utos sa akin ni nanay. Tita para sa inyo po.inabot ni Rochelle ang dala nya kay nanay. Nagabala ka pa rochelle. Sabi ni nanay. Wala po yan tita. Pinadala po ni mommy yan.sabi ni Rochelle. Noon pa kita pina paimbita kay Paulo kasi lagi ka nyang kinukwento sa akin. Parang ikaw lang ang kaklase nyang babae kung magkwento yan.salaysay ni nanay kay Rochelle. Nakangiti lang si Rochelle habang nakikinig. Tinanong ko nga sya kung girlfriend mo ba yang Rochelle na yan. Araw araw sya na lang kinukwento mo. Kaya naisip ko na imbitahan ka.dagdag ni nanay. Hindi po nya ako girlfriend tita. Magkaibigan lang po kami ni Pau.ngumiti si nanay. Nay kain na po tayo, luto na po ang sauce.putol ko sa usapan nila. Tita ang bango nyan. Favorite ko po ang spaghetti.sabi ni Rochelle. Kaya yan ang niluto ko. At dinagdagan ko ng cheese. Sabi ni Paulo gusto ko ma cheese. Sabi ni nanay. Opo macheese po ako pag spaghetti. Sige kain na tayo. Tita, isusumbong ko nga pala sa inyo si Pau. Kasi lagi nya ko niloloko sa school.umpisang sumbong ni Rochelle kay nanay. Hindi po totoo nay, depensa ko naman. Tita lagi kasi kaming napagkakamalan na magboyfriend. Sya naman po tuwang tuwa naman. Hindi man lang i-deny. Kainis yan tita. Sumbong nya kay nanay. Nakangiti lang si nanay. Wag ka mag alala Rochelle. Kahit crush ka ni Paulo. Uunahin daw nya ang pag aaral muna.sabi ni nanay. Nay, sabi na nga ba madudulas ka.sabi ni Paulo sa nanay. Ngumiti lang sina Rochelle at nanay ni Paulo sa reaction ni Paulo na kasalukuyang pinawisan ng butil butil. Tita ang sarap po ng spaghetti nyo. Nagustuhan ko po.sabi ni Rochelle. Dalhan mo kapatid mo mamaya. Sabi ni nanay. Paolo natahimik ka dyan. Natutuwa lang ako kay Rochelle kaya ko nasabi. Atsaka totoo naman yun dba.sabi ni nanay.
Matapos kaming kumain, nagkwentuhan pa sina Rochelle at nanay. Tuwang tuwa si nanay kay Rochelle kasi tumulong sya magligpit ng pinagkainan namin. Si Rochelle ang nagdala ng mga plato sa lababo. Pinigilan lang sya ni nanay na maghugas ng pinggan. Nay, bakit nyo sya pinigilan? Sabi ko kay nanay. Bisita natin sya at kaibigan mo sya. Ano ka ba anak.sabi ni nanay. Tapos ako maghuhugas mamaya. Nanay talaga. Sagot ko kay nanay. Ganoon Paulo, bisita mo ako paghuhugasin mo ako.sali ni Rochelle sa usapan namin ni nanay. Training mo kaya yan sa bahay nyo hindi ka naglilinis, naghuhugas ng pinggan. Dami nyo kaya katulong.biro ko kay Rochelle, sabay belat. Tita,next week imbitahan ko si Pau ha. Tapos paglalabahin ko, paglilinisin ko ng kotse, paglilinisin ko ng banyo. Gagantihan ko yang Pau na yan. Kayo talagang dalawa para kayong bata. Palagay kayo sa isat isa. Wala kayong itinago.sabi ni nanay sa amin. Hmp!irap sa akin ni Rochelle. Belat naman ang ganti ko sa kanya habang sumusubo ng spaghetti. Rochelle, ito nga pala pasalubong mo sa kapatid mo.inabot ni nanay ang takeout ni Rochelle. Salamat po tita.sabay irap sa akin. Paulo, kanina ka pa kain ng kain dyan. Ihatid mo na itong si Rochelle. Teka lang nay, habang ngumunguya, ubusin ko pa ito nasa plato ko.sabi ko kay nanay. Natawa si Rochelle dahil halos mabulunan ako sa pagkain.
Habang naglalakad kami ni Rochelle pabalik sa bahay nila. Hindi kami nag uusap. Tumitingin kami sa isat isa pero pag nahuli, umiiwas ng tingin. Hanggang maihatid ko sya sa bahay nila. Sir, padala po ni nanay. Sabi ko sa dad nya. Wow spaghetti, paborito ito ni Rochelle.sabi ng dad nya. Uwi na po ako sir.paalam ko sa dad nya. Salamat pakisabi sa nanay mo. Tuluyan na ako lumabas ng bahay nila. Kinagabihan si Rochelle ang nasa isip ko. Paano na ngayong alam na nyang crush ko sya? Magpasundo pa kaya sya? Magsabay pa kaya kami umuwi? Magalit kaya sya sa akin? Iwasan kaya nya ako? Dami kong tanong. Lahat hindi ko alam ang sagot. Si nanay kasi napasarap ng kwento, nadulas tuloy. Bahala na.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento