Si Miguel at si Bert

Sabado, Setyembre 10, 2022

Lolo Patricio (Baston ni Lolo Part 3)

 <script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Nakikita nyo si lolo mommy? Bakit hindi ko sya nakita?nagtatakang tanong ni Prince. Hindi Prince, kamukha lang ni lolo Patricio ang nakikita namin ni mommy.sagot ni Peter sa kapatid. Huminga ng malalim si Imelda..sige alis na tayo.hatid ko na kayo.sagot ni Imelda sa anak. Pagkahatid ni Imelda sa mga bata, may dinaanan lang sya at umuwi na agad. Pag uwi nya may bisita sila. Si kuya Nato. Kuya Nato, ano nangyari?....kinakabahan si Imelda sa isasagot ng bayaw.

Imelda, nandyan ka na pala. Kararating lang ni Kuya Nato.pauna ni Patrick sa asawa. Kuya, balak nga namin na pauwiin si Patrick sa inyo ni daddy.sabi ni Imelda sa bayaw. Nabanggit nga  ni Patrick, Imelda kayo raw ni Peter, may nakikitang kamukha ni Daddy Patricio. At kanina ngang madaling araw may nakita kang matanda papalayo sa bahay nyo.sagot ni Nato sa hipag. Kaya nag aalala kami kuya Nato.butit inabutan mo ko, dahil uuwi ako ng laguna para alamin kalagayan ni daddy.tugon ni Patrick sa usapan. May nangyari ba kay daddy kuya?nag aalalang tanong ni Imelda kay Nato.  Hindi muna sumagot si Nato. Ilang saglit pa at nag umpisa na syang magkwento ng nangyari sa ama. Ganito nangyari Imelda, Patrick kay daddy. Pagkauwi natin Patrick ok pa si daddy.umpisa ni Nato. Oo kuya, normal lahat ng test nya kaya kampante akong umuwi na dahil  ok si daddy.sagot naman ni Patrick. Kinagabihan, nagpahinga na si daddy sa kwarto nya. Inihanda pa ni manang ang kama nya. Pagsapit ng umaga, akala namin nasa labas at nagpapakain ng alaga nyang hayup pero bandang alas otso ng umaga. Hinanap namin si daddy. Wala sa labas, wala sa kapitbahay, nakita namin tulog pa.pagsasalaysay ni Nato. Hindi ganun si daddy kuya.sagot ni Patrick. Oo nga Patrick kaya nagulat kami lahat. Ginising namin si daddy tapos hindi sya gumagalaw. Kinapa namin pulso nya sa kamay at sa leeg meron pa. Humihinga pa si daddy pero hindi magising. Kaya sinugod namin sya sa sta.cruz. doon may malaki at kumpletong ospital na malapit sa atin.  Na coma si daddy ang sabi ng doktor, buti at nadala agad sa ospital. Kahapon medyo nagsalita si daddy. Pangalan ni Peter at ikaw Imelda ang binabanggit ni daddy, pero walang sinasabi, pangalan nyo mag ina ang sinasabi ni daddy. Nagkatinginan ang mag asawa. Napahawak si Imelda sa asawa, na ipinapahiwatig na may dahilan ang nakita nila ng anak na si Peter sa MOA kahapon. Kuya Nato kahapon nasa MOA kami. May nakita si Peter na kamukha ni daddy. Pagtingin ko kamukhang kamukha talaga ni daddy. Nakatingin sa amin, nakangiti pero nang dumating itong sina Patrick at Prince binanggit ko sa kanya,  pagturo ko kay Patrick nawala ang matanda pero yung kasama nya nanduon pa. At ang sabi nila wala daw silang kasamang matanda. Tapos kaninang madaling araw, yung baston ni daddy parang naglalakad, kala ko nilalaro ng mga bata pero pag silip ko sa kanila mahimbing tulog ng mga bata. Tapos sinara ko bintana nila, nakita ko may matandang lalaki,  papalayo sa bahay namin kuya.pagkukwento ni Imelda sa bayaw na nanginginig ang boses. Kaya ako uuwi ngayon kuya para alamin ang nangyayari.dugtong ni Patrick. Kaya ako napunta dito para ipaalam naman sa inyo lagay ni daddy,  Patrick at Imelda. Para sunduin kayo.sabi ni Nato. Kuya walang maiiwan sa mga bata. Isama na natin sila mamaya pag uwi nila. Maaga sila uuwi ngayon. Kasi si Peter nag aalala din sa lolo nya. Bakit daw ganun. May nangyayari ba sa lolo nya. Tanong ni Peter sa akin.sagot ni Imelda sa bayaw. Sige hintayin natin mga bata. Isama na natin sila. pagsang ayon ni Nato sa hipag. Kuya Nato pahinga ka muna. Hindi ka man lang namin napainom ng kahit na ano.sabi ni Imelda. Pasensya na kuya, teka kukuha kita ng juice.natatawang pag alok ni Patrick sa kapatid. Oo nga Patrick kanina pa nga ako nauuhaw.sabi ni Nato. Pasensya na kuya, pahinga ka muna dyan. Magluto lang ako ng panangalian natin tapos sunduin ko na mga bata.sabi ni Imelda. Imelda ako na magluto. Ihanda mo na lang gamit ng mga bata baka ilang araw tayo doon mabuti yung ready tayo.sabi ni Patrick sa asawa.Kuya Nato, kumain na kayo ni Patrick. Sunduin ko lang mga bata para pagdating namin pakainin ko mga bata tapos alis na tayo agad. Patrick yung bag na itim,yun ang dadalhin natin na gamit. Palagay na lang sa kotse mo. Ikaw na magdrive mamaya ha. paalam ni Imelda sa asawa at bayaw. 

Peter....Prince...tawag ni Imelda sa mga anak pagdating sa school. Mommy kala namin si daddy susundo sa amin.tanong ni Prince sa mommy. Mga anak, pupuntahan natin ang Lolo nyo. Nasa bahay si Tito Nato. May sakit si lolo. Nagpaalam na ako sa teacher nyo.sabi ni Imelda sa mga anak. Habang nasa kotse nagsabi si Imelda kay Peter na ipagpray ang lolo Patricio para sa kaligtasan nya. Maysakit si Lolo Patricio mommy?tanong ni Prince kay Imelda. Oo anak lolo needs your prayers.sabi ni Imelda  kay Prince. Mommy will pray for lolo.sabi ni Peter. Prince lets pray. Dear God, we pray for healing of our Lolo Patricio. We also ask for forgiveness to our sins. Please God heal our Lolo Patricio. We love him so much. In Jesus name amen.sumunod si Prince sa prayer ng  kapatid.maging si Imelda na pa AMEN sa prayer ni Peter. Mga anak pag uwi natin kakain lang tayo ng lunch tapos magbibihis kayo tapos aalis na tayo. Mag bless kayo kay Tito Nato nyo pag uwi natin.bilin ni Imelda sa anak. Prince bilisan mo kumilos ha.sa kotse ka na matulog.bilin naman ni Peter sa nakababatang kapatid. Mommy si kuya bawal daw ako matulog...sumbong ni Prince sa mommy nya. Prince pwede matulog pero sa kotse na.yung isang kotse gagamitin natin, pwede ka matulog doon.pagpaliwanag ni Imelda kay Prince. Pagdating nila ng bahay, sinunod ng mga bata ang bilin ng mommy. Kaya madali silang nakaalis. Pag sakay ni Prince sa kotse,pumwesto na sya para matulog. Si Peter katabi ng Tito Nato nya. Nag umpisa na rin sya magkwento tungkol sa nakita nya. Hanggang pati si Peter nakatulog na rin sa tabi ng tito nya.  Ginising na lang ang mga bata pagdating sa ospital.  Si Peter, nakahawak sa mommy Imelda nya. Si Prince tulog pa rin, buhat buhat ni Patrick.  Hindi agad nakapasok sa loob ng  kwarto ang mga bata sinaNato at Patrick muna ang nauna. Ilang saglit lumabas si Nato para papasukin si Imelda, bawal kasi marami sa room kaya salitan sila sa pagpasok sa kwarto ni Lolo Patricio. pagpasok ni Imelda, nagising ang matanda, dahan dahang dumilat ang mataat nakilala sya. Imelda...Ikaw ba si Imelda?nasambit ng matanda..asan si Peter  at Prince? dugtong ng pasyente. Daddy, nasa labas po ng kwarto, gusto nyo papasukin ko mga apo nyo?mahinahong sagot ni Imelda sa biyenan. Kung pwede, gusto ko sila makita. Gusto ko makita mga apo ko?hiling ni daddy Patricio..sandali lang po daddy, susunduin ko sila sa labas.sagot ni Imelda. Daddy si Patrick po ito nakikilala mo ako?tanong ni Patrick sa ama. Oo naman anak, hinatid mo ko pauwi dba noong isang araw.pagbabalik ng matanda. ang nurse nakatingin lang sa kanila. ilang sandali pa sina Imelda at dalawang bata ay dumating na. Daddy, nandito na po mga apo nyo. sabi ni Imelda. Lolo Patricio, sabi ng dalawang bata. hinawakan ng matanda sa ulo ang dalawang bata. Ito po medalya namin sa taekwando para sa inyo..sabi ni Prince sa lolo nya. Pagaling po kayo Lolo Patricio.sabi ni Peter sa lolo nya. Gagaling na ako mga apo. binisita nyo na ako.sagot ng lolo sa dalawang bata. Bakit kayo umiiyak mga apo? sabi ni lolo Patricio. May sakit ka kasi lolo.pinagpray ka namin kanina para gumaling ka agad.sabi ni Peter sa lolo nya. Gagaling na ako mga apo. Dba nurse gagaling na ako?sabay tingin sa nurse na nakabantay. Yes Sir, pero kailangan nyo pa po maobserbahan para matunton ang sakit nyo.tugon ng nurse. Sila mga apo ko nurse. Mga champion sa taekwando sa school nila.pagmamalaki ng matanda sa nurse. Ito mga medalya nila .sabay ipinakita sa nurse ang dalawang medalya. Ngumiti lang ang nurse. 

Dumating ang doctor ni lolo Patricio para sabihan sila na ililipat na sya sa regular room. Sa regular room na hihintayin ang ibang labtests. Pag alis inilipat na nga si Lolo Patricio sa regular room. At umuwi na ang pamilya nina Patrick at Imelda sa bahay nila sa Pasig. Natuwa ang mga bata at ang buong pamilya. Nawala ang pangamba at alalahanin nina Patrick at Imelda sa kondisyon ni Lolo Patricio. Dahil gabi na rin, sa Jollibee na lang kumain ang pamilya para pag uwi ay makapahinga na. Daddy bisitahin ulit natin si lolo sa weekend. Mag celebrate tayo.suggestion ni Peter sa magulang. Nagtinginan ang mag asawang Imelda at Patrick. Wala ba kayong activity sa school? Pagtingin nila kay Prince...nagtawanan silang tatlo dahil nakatulog na ito sa pagod. Ssssssh..baka magising  ang baby natin.bulong ni Imelda kina Patrick at Peter. Tignan natin Peter kung pwede. Baka mag over time daddy nyo. Kasi hindi sya pumasok ngayon dba,Peter? pagpapaliwanag ni Imelda sa panganay na anak. 

Pagsapit ng Biernes nang gabi, Mommy, pwede po natin bisitahin si Lolo Patricio bukas?, nahihiya si Peter na nagtanong sa mommy nya. Wala pang sinasabi ang daddy nyo. Mamaya tanungin natin. Pagkakain ng dinner para nakapahinga na sya.sagot ni Imelda sa anak.  Sige po mommy, gagawin ko na po mga assignment ko baka pumayag si daddy.para  tapos na ang assignment ko.sagot ni Peter sa mommy nya. Eksakto dinner time dumating si daddy Patrick. Unahan ang magkapatid sa pagsalubong sa kanya. Hon, may hihilingin ang dalawang ito for sure.bulong ni Patrick kay Imelda. Maghain na ako. Hinintay ka namin para sabay sabay tayo mag dinner.sagot ni Imelda kay Patrick. Peter, Prince magready na kayo kakain na tayo ng dinner. Pag anyaya ni Imelda sa mga anak. Opo mommy, tapos na po ako...ako rin po mommy..unahang sagot nina Peter at Prince. Pagkakain nila ng hapunan. Hon, ano hihilingin ng dalawa nating anak?..Ramdam ko meron..nakangisi si Patrick na nakatingin sa dalawang bata. Daddy wala ako hihilingin..sagot agad ni Prince. Peter sabihin mo na sa daddy mo..pinalakas ni Imelda loob ni Peter.. Nakayuko lang si Peter.. Mommy ikaw na magsabi kay daddy..nahihiya si Peter sa daddy nya. Hon, ang request ni Peter ay...  Nakatingin lang si Patrick sa mga bata.. Ang request ni Peter ay kung pwede tayo pumunta sa lolo nila bukas?.... Bigla sumagot si Prince... Daddy pupunta tayo bukas kay lolo?...Nagulat si Patrick sa request ng anak. Napatingin sya kay Imelda.. Si Imelda naman naka ngiti lang na waring nagsasabi na pagbigyan mo na mga bata. Nag isip kunyari si Patrick. Tinignan ang cellphone kung may appointment. Sina Peter at Prince, nakatingin lang sa daddy nila. Honey, kung pupunta tayo kina daddy bukas....(binitin ni Patrick ang sasabihin, tinignan mga bata...) dapat gawa na mga assignment nila.. Nagtawanan ang mga bata, pati si Imelda. Dapat nakahanda na ang susuot nila...lalong nagtawanan ang tatlo..lalo na si Peter.. Daddy, naka ready na po lahat. Ready na kami ni Prince.sinabihan ko sya na gawin na lahat ng assignment. sabi ni Peter. Si kuya kaya pala pinagawa agad mga assignment ko daddy. sabi ko weekend naman bukas ko na lang gagawin. Kaya pala.sabi ni Prince sa daddy nya. Eh di matulog na tayo ng maaga para maaga tayo makaalis at makarating sa lolo nyo. Yeeesssss!......ang reaksyon ni Peter. Thank you daddy. Mommy tulungan ko po kayo magligpit para makapag ready na po kayo.sabi ni Peter. Anak salamat.naka ready na ang gamit namin ng daddy mo.  Ang totoo, nasabi ko na sa daddy mo ang request mo. Nag acting lang si daddy mo na hindi nya alam.pagtatapat ni Imelda sa anak. Si daddy talaga kunyari hindi alam.tanging tawanan lang ang sagot ni Patrick sa anak.

Pagdating ng pamilya ni Patrick sa bahay ni lolo Patricio, takbuhan agad papalabas ng kotse ang dalawang bata. Tito Nato, Tita Patricia...unahan ang si Peter at Prince sa pagmano. Saan po si lolo Patricio?tanong  ng dalawang bata sa mga tito at tita. Umalis si lolo nyo, ang sabi nya after lunch pa balik nya.sabi ng tito Nato nila. Ano ka ba Nato niloloko mo mga bata. Nandyan sa likod bahay ang lolo nyo Peter at Prince.dahil sa sinabi ni Patricia, niyakap sya ng dalawang bata at hinalikan sya sa magkabilang pisngi nito. Tita love ka namin ni Prince.sabi ni Peter. Eh si Tito Nato nyo love nyo?tanong ni Patricia sa mga pamangkin. Konti lang.sagot ni Peter. Hindi ko sya love Tita, niloloko ako ni Tito Nato.may pagtatampo si Prince. Lumapit sa kanya ang tito nya at binuhat sya. At umikot silang dalawa, paulit ulit, hanggang humagikgik ng humagikgik si Prince ng malakas.. Ano Prince hindi mo ako love?...bago sumagot si Prince... Sino ba yang tawa ng tawa dyan..ang lakas ng hagikgik..boses ni lolo Patricio ang narinig ng dalawang bata.. Lolo Patricio..niyakap nila ang lolo at hinalikan sa pisngi. Lolo sabi ni Tito Nato, umalis ka daw.mamaya ka pa raw babalik.nagsumbong si Prince sa lolo nya. Paano ako aalis eh nagpasabi mommy nyo na darating kayo kaya pinaghanda ko kayo ng....  Umubo ang lolo nila..sunud sunud.. Ok ka lang lolo?sabi ni Peter. Inabutan ni Patrick ng tubig ang tatay nya. Ok na ako mga apo.sabi ng lolo sa apo nya. Saan nyo ko gusto pumunta sa bundok o sa dagat? Pili kayo ng isa.sabi sa mga apo ni lolo Patricio. Nagkatinginan ang dalawang bata..parehong nanlaki ang mga mata. Sina Imelda,Patrick , Nato at Patricia, nakatingin lang sa mga bata..  Sa dagat lolo Patricio..sabi ng mga bata.. Haaay salamat nagkasundo rin ang dalawa.sabi ni Imelda. Kuya madalas kasi magkaiba ang gusto ng dalawang yan.sabi naman ni Patrick sa kuya nya. O sige mamaya pagkakain natin ng tanghalian pupunta tayo sa dagat. Maningisda tayo baka may mahuli tayo para makapag uwi kayo at may ulam tayo mamayang gabi.sabi ni lolo. Tuwang tuwa mga bata sa narinig. Dad, sino bankero nyo?tanong ni Nato sa ama. Ikaw Nato, ang bankero namin.sabi ng ama nya. Hindi naman ako love nina Peter at Prince, ayoko ata maging bankero.sabi ni Nato sa ama. Peter... prince paano yan wala tayo bankero.tanong ni lolo sa apo.. Dahan dahan lumapit ang dalawang bata kay Nato...Tito Nato love kita..Ako din tito..favorite kitang tito.hirit naman ni Prince. Humalik pa si Prince sa tito nya. Sige na nga dad ako na bankero nyo mamaya.sabi ni Nato. Tito Nato, pahinging pera..sabi ni Prince..Nagulat si Imelda..Prince! ...pinalaki ang mata...may baon ka dba?sabi ni Imelda.. Dad, ako pa pala magbabayad hahaha. pabirong sabi ni Nato sa kanila. Mamaya ang may pabaon ako sa inyong dalawa.sabi ni Nato sa pamangkin. 

Pagkakain nila ng tanghalian, naghanda ang lahat pagsakay sa speed boat. Tito Nato, dito tayo sasakay?tanong ni Peter sa tito nya. Oo naman, bagong bili ito ng Lolo nyo para pag bibisita kayo ito ang gagamitin.pagyayabang ni Nato. Ang ganda Tito Nato, pwede ako matulog Tito?tanong ni Prince. Tulog na naman Prince..sabi ni Patrick sa anak. Sa gitna ng dagat masayang nangisda ang dalawang bata kasama ang lolo nila. Sina Patrick at Imelda naman ay inenjoy ang dagat. Habang nagkukuwentuhan silang lahat. Marami rami din ang nahuli ng maglolo, kaya masaya ang dalawang bata. Ayan dami nating nahuling tilapia at malalaki pa. Patrick yung iba iuwi nyo.yung iba ipahihaw natin mamaya.sabi ng ama kay Patrick. Daddy ang lalaki at matataba pa.ang sarap nyan.sagot naman ni Imelda sa biyenan. Huli namin yan mommy, sabi ni Peter.

Hapunan, inihain ang mga nahuling tilapia, may inihaw at sinigang, sarap na sarap ang buong pamilya. Daddy ang tataba ng tilapia, may itlog pa.sabi ni Patricia. Sariwang sariwa pa Patricia, sa Pasig bihira ang ganito.sagot ni Imelda sa hipag. Tita Patricia, kami ang nanghuli nyan.pagmamalaki ni Prince. Sya daw ang nanghuli. Natulog sya sa tabi ni Lolo Patricio tita. Kami ni lolo ang nanghuli nyan.sabi ni Peter. Mommy si kuya, inaano ako.sabi ni Prince. May nahuli din si Prince.bago sya natulog.pagtatanggol ng lolo sa nakababatang apo. Yun naman pala. Lahat pala kayo nakahuli.Ang gagaling naman ng mga pamangkin ko. Kaya may pabaon ako sa inyo mamaya.sabi ni Patricia sa dalawang bata.  

Bago umuwi, inabot ni Patricia ang pabaon nya sa dalawang pamangkin. Si lolo Patricio, pinakuha ang mga laruan para sa bata..Yung kay Tito Nato po asaan?sabi ni Prince. Kala ko nakalusot na ako. Dumukot si Nato ng dalawang P1000 para sa bata. Tuwang tuwa ang mga bata. Kuya Nato yung sa akin asan?biro naman ni Patrick sa kapatid. Inambaan ng suntok ni Nato at sabing ito ang sa yo. At nagpaalam na ang pamilya nina Patrick at Imelda sa ama nila. Mga bata uuwi na tayo magpaalam at magpasalamat kayo sa mga tito at tita nyo pati kay Lolo Patricio. Isa isang niyakap nina Peter at Prince sina Nato at Patricia. At syempre kay Lolo Patricio ang pinaka matagal at mahigpiiiit na yakap. Paalam Lolo Patricio..pagaling po kayo.. Salamat po sa inyo..


"Mahalin natin ang ating mga lolo at lola, kung wala sila, wala ang ating mga magulang, at wala rin tayo sa mundong ito. HAPPY GRANDPARENTS DAY"


The End...



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Condo Sharing

 December 15, ang lipat ni John sa condo na lilipatan nya sa QC, kung saan sya na assign sa bago nyang trabaho bilang ahente ng noodles.  Co...