Si Miguel at si Bert

Miyerkules, Setyembre 28, 2022

100days before Christmas (Part 1)

<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

September...ika syam na buwan ng taon..maririnig na ang mga awiting pamasko na pinasikat  nina Gary Valenciano, Ariel Rivera, at syempre  hindi mawawala si  Jo Mari Chan..mga tugtuging pamasko na ang maririnig sa mga radyo at online. Tugtuging nagpapaexcite sa mga bata, aabangan nila ang Christmas Party, ang exciting na part ay ang exchange gifts,  mga monito monita,  Sa mga empleayado dahil may bonus, 13th month pay, raffles at Christmas parties. Twing kapaskuhan mabenta ang mga electric fan, oven toaster, microwave, at kung anu ano pa na pang raffle. Twing sasapit ang "BER" months din naglalabasan sa super market ang ibat ibang ayos ng Christmas Basket at Fruit Basket.  Marami na ring sale ang mall, marami na rin ang mga tiangge, bazaar at online sale. Pagandahan ang bawat munisipyo, bawat mall, mga buildings, mga eskwelahan, mga opisina, pagandahan ng mga Christmas decors. Pati National Roads  kumukuti kutitap. Napakasaya ng paligid. Ang mga bahay may nagsabit na parol, at Christmas lights. Napakaganda  ng paligid, nakakalimutan ang mga problema ng bawat tao kapag dumarating ang buwan ng  Setyembre hanggang Disyembre. Pero kahit anong saya ng paligid, may mga pamilya na sinusubok ng tadhana. Kung saan na ang panahon ng kasiyahan ay nagiging panahon ng kalungkutan, panahon ng matinding pagsubok ang dumarating  sa isang pamilya.

Si Marvin Sarmiento at ang kanyang pamilya ang pangunahing tauhan ng ating kwento. Si Marvin, isang teacher sa isang public school sa Cavite, May posisyon na rin si Marvin sa eskwelahang pinagtuturuan. Ilang beses na rin syang binigyan ng promotion pero tinanggihan nya lamang dahil alam nyang ang kapalit ng promotion ay kakainin nito ang oras nya sa pamilya. Matagal na syang guro dito.pag ka graduate nya ng BS Education, sa Philippine Normal College nag take agad sya ng LET, licensure exam for teachers. Kabilang sya sa top 10 sa lahat ng kumuha ng pagsusulit noong taon na yun. Si Carla Sarmiento, ang kanyang may bahay. Nagtatrabaho sa isang malaking banko sa Makati. Manager si Carla sa banko. Tulad ni Marvin  matagal na rin sya sa bankong pinagtatrabahuhan. Naikot na nya halos lahat ng branch. Nagkakilala sina Marvin  at Carla sa tulong ng isang kaibigan. Hanggang sa naging malapit sila sa isat isa at naging magkasintahan. At makalipas ang ilang taon naging mag asawa. Naging masaya ang kanilang pagsasama bilang magasawa pero hindi sila agad nabiyayaan ng anak. Matagal sila nagka anak dahil may problema kay Marvin. Hindi sya baog pero kailangan lang nilang I work out ang pagkakaroon ng anak. Nagkaroon sila ng series of treatment sa kanilang OB-Gyne para magkaroon ng anak. Dahil sa kagustuhan nilang magka  anak, pumasok din sa isipan nila  ang mag ampon.  At di nagtagal naka pag ampon sila ng batang babae. At pinangalanan nila itong Marian Faith, dahil nang maapprove ang adoption papers ng bata ay nataong September 8, kaya ipinangalanan  nila itong Marian Faith.  Naging masaya ang bahay nina Marvin at Carla, dahil kay Marian Faith, hindi man nila tunay na anak, inalagaan nila ito ng higit pa sa isang tunay na anak. Si Marvin pa ang namimili lagi ng mga gamit ni Marian Faith. Lagi syang umuuwi ng maaga para makita si Marian Faith. Si Carla naman natutuwa sa asawang si Marvin dahil sa pag aalaga at pagmamahal na ibinibigay sa kanilang anak  si  Marian Faith. 

Sa paglipas ng panahon, hindi nila namalayan na lumalaki na si Marian Faith. At sa pagsapit ng ikapitong birthday ni Marian Faith, pinlano nilang magparty para sa anak. Inimbitahan nila ang mga kaklase, kaibigan at kapitbahay nila. At kahit childrens party ito, nagimbita na rin sila ng mga kaibigan nilang mag asawa. Si Marvin, mga kaibigan nya at kapwa guro sa eskwelahang pinagtuturuan. Si Carla naman ininvite nya mga kasamahan sa banko at ilang kaibigan nila ni Marvin. Medyo malaki ang celebration kahit pa sabihin itoy isang children's party lang. Masayang masaya si Marvin sa paghahanda ng birthday party ng anak na si Marian Faith. Ganun na lang ang suporta ni Carla para sa asawang si Marvin. Pahinga ka na? Masyado ka ng napagod sa preparations sa birthday ni Marian Faith.pag aalala ni Carla sa asawa. Ok lang ako. Lahat gagawin ko para sa anak natin. Nagtataka lang ako bakit parang ang dami nating bisita na inimbitahan?sagot ni Marvin sa asawa. Aba ewan ko sa yo? Sabi mo mag invite eh di nag invite ako?Pasok pa ba sa budget natin?..sagot ni Carla sa asawa. Natawa na lang sina Marvin at Carla sa listahan ng bisita. Hindi alam ni Marvin, may sorpresa si Carla sa kanya. At si Marian Faith  ang mag aannounce ng magandang balita ni Carla sa kanyang birthday.

Sa isang hotel sa Cavite na malapit sa school ginanap ang 7th birthday ni Marian Faith.  Mars, sigurado ka 7th birthday pa lang ng inaanak ko ang celebration?...parang debut na ito ha?sabi ng kaibigan ni Carla. Si Marvin ang may gusto. Sabi nya nag iisang anak na nga lang titipirin pa.pagpapaliwanag ni Carla sa kaibigan. Sabagay may point sya. Kung kaya naman bakit hindi ibigay.sagot ng kaibigan ni Carla. Oh Mars, iwan muna kita. May dumarating na bisita. asikasuhin ko muna.paalam ni Carla sa kaibigan. Nilapitan ni Carla si Marvin. Kumusta ka na? Nagdaratingan na mga bisita natin.bati ni Carla kay Marvin. Ang saya saya ko Sweetheart ngayong araw na ito.sagot ni Marvin sa asawa. Halata naman. Kitang kita ko. At mamaya mas lalo kang masisiyahan?nagparamdam na si Carla ng sorpresa nya. Nagtaka si Marvin.. Anong sorpresa yun sweetheart? May performance kayo ni Marian Faith?...kakanta ka?...sasayaw kayo?...pagtatanong ni Marvin.. Basta...mamaya mo malalaman...sabi ni Carla at nagkunwaring nasusuka..na nahihilo..umarte na parang matutumba pa...ok ka lang Sweetheart..mukhang pagod ka na.pag aalala ni Marvin sa asawa na hindi nya alam nagbibigay na ng clue si Carla sa surprise nya. Nag umpisa ang party sa mga parlor games..tulad ng newspaper dance...bring me contest.. Boat is sinking group yourself... At ang longest breath sa pag bati ng Happy Birthdayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!... At marami pang iba na nagpasaya sa occasion ng birthday ni Marian Faith. Masayang masaya ang bata. Hanggang kantahan sya ng lahat ng bisita ng Birthday song na naging hudyat na magblow sya ng candle. After blowing the candle, ibinigay ni Marvin ang regalo sa anak. At laking gulat ni Marian Faith kasi ang wish nya na teddy bear na gustong gusto nya pala ang gift ng daddy Marvin nya. Salamat po daddy. Ito po ang gift na sinabi ko kay mommy.  Magpray daw ako kay Papa Jesus kung kaya  natin bilhin. Sabi  ni Marian Faith sa daddy Marvin nya. Anak para sa yo bibilhin ko kahit magtipid ako ng baon para mapasaya ka. Blessing ka ni Papa Jesus sa amin ng mommy Carla mo.sagot ni Marvin sa anak. Daddy meron din po kaming gift sa yo mommy. Bago sabihin ni Marian Faith kung ano ang gift nila. nagtinginan muna sila mag-ina. Samantala si Marvin kinakabahan sa sasabihin ng anak. Halata ang kaba ni Marvin dahil kitang kita ang butil butil na pawis sa kanyang noo.

Bago sabihin ni Marian Faith ang surprise nilang mag mommy. Sumingit muna ang host ng birthday party. Okay Sir Marvin, bago sabihin ni Marian Faith ang exciting part. lets play a game muna. pag interrupt ng host kay Marian Faith at mommy Carla. Humarap sa mga guest ang host at nag explain ng mechanics ng game. Hello everyone, our next game is very short and simple.paumpisa ng host. Meron po itong three.... yes as in tatlong rounds. One....Two....and Three rounds.... Humarap ang host kay Marvin. Sir Marvin, are you ready?nagulat si Marvin... Kasali ako Sir?...tanong ni Marvin sa Party Host.. Yes Sir Marvin pero uupo ka lang dyan. Dahil sa yo dadalhin ang mga items na hihilingin ko sa mga kaibigan nating nandito.pagpapaliwanag ng party host. Relax ka lang Sweetheart, wala kang gagawin.sabi ni Carla sa asawa na alam ang mangyayari. Samantala si Marian Faith, binebeybi ang teddy bear na bigay ng daddy nya. Daddy pag may baby brother na ako, aalagaan ko sya ng ganito. Nakangiti lang si Carla habang nakatingin sa anak. Ok guys are you ready!!!! Yes we are ready!!! sigaw ng mga batang bisita. Bring me a baby.....hinold ng party host. Ang mga bata nakaporma na, papunta sa magulang nila. Bring me a baby picturrre!.....takbuhan ang mga bata sa mga mga magulang at naghanap ng baby picture sa cellphone..dali daling tumakbo ang anak ng co-teacher ni Marvin dala ang baby picture na nasa cellphone...pinakita kay Marvin..nag thumbs up ito..ok guys We have a winner...sabi ng Party host..whats your name little boy?..Michael Pangilinan.bibong sagot ng bata. Ok little Michael, get your price on that corner. Congratulations...excited na tumakbo ang bata sa direction na sinabi ng party host.. Roooound Two!malakas na umpisa ng party host sa guest...nagsasayaw muna ang matabang  party host bago iannounce ang next item. Sir Marvin, are you ok?...tanong ni Party host kay Marvin na kasalukuyang kausap ni Marian Faith. Daddy gusto ko pag nagkaroon tayo  ng baby,  twins sana.baby boy and baby girl po.pwede po ba yun.tanong ni Marian Faith sa daddy nya na nagulat dahil biglang kinumusta ng party host..Yes Sir! sagot ni Marvin sa party host. Are you ready!!!round twooooo!...ang mga bata porma ulit. Bring meeeeeeeee!......ang mga bata pormang tatakbo sa magulang nila.... Bring meeee!  A BABY BOTTLEEEEE!!..second item ng party host. takbuhan mga bata sa mommy nila at hiningi ang baby bottle ng mga kapatid nila....tatlong bata ang sabay sabay na nag abot kay party host.  Natumba ang party host sa pagkakatayo nya.....tawanan ang mga bisita.. Sir Marvin....help me...help me...sabay sabay silang tatlooooo....patawa ng party host. Nilapitan ni Carla ang party host para tumayo...at binulungan si Marvin na tatlo ang winner.. Humarap ang party host sa audience....my dear Parents, ang hirap talaga kumita ng pera... Ang lalakas ng mga anak nyo..ano vitamins nila..natumba ako sa lakas nila...anyway... We have Threeeeee winnners....natawa ang mga parents at ang tatlong bata nagtalunan sa tuwa. Whats your name little princess?...my name is Diana..and you are handsome king?...My name is William....and our third winner, what is your name...my name is Justin..masayang sagot ng mga bata..ok proceed to that corner for your prize..takbuhan ang tatlong bata kay Carla dahil sya ang magbibigay ng papremyo...Habang hinihingal pa ang party host...binati nya ulit ang mag amang Marian Faith and Marvin. Hello birthday girl Marian Faith and Sir Marvin. Can I asked you something?...Sure!..sagot ni Marvin. Can you whisper to me the.....sabay harap sa mga guest...yung ibang bata lumapit pa sa party host para marinig ang sasabihin ni Marvin. Can you whisper to me the 3rrrrd!!...nakatingin sa mga bata..mga bata na ang nagtuloy...3rd  iteem!...sigawan ang mga bata.. How did you know little kids about the 3rd item?...tawanan ang mga bata....balik uli si Party Host kay Marvin para sa 3rd item.. Ok were back for the last and final round....tumatalon pa ang party host...Are you Ready!!!!!... bring meeeeeeeeeeeeeeeeee!.........bring meeeeee.....pormang porma na mga bata. Bring me a family picture...takbuhan ulit mga bata sa magulang nila at kinuha ang cellphone ng magulang nila. Hinanap ang family picture sa cellphone....may isang naunang magdala ng cellphone ma may family...We Have a Winner...pinakita kay Marvin at nag thumbs up ulit ito...whats your name Spiderman?..my name is Peter...nagbiro si party host..You are Peter Parker?...no..my name is Peter Villaluz.....smart na sagot ng batang naka Spiderman costume...congratulations Peter Villaluz,go there and get your priiiiiize!!!...ang batang si Peter Villaluz ay anak ng kaibigan ni Carla..after ng bring me contest, lumapit si Carla kay Marvin.

We are almost done Marvin.pauna ni Carla sa asawa. Parang hindi pa tapos ang celebration Sweetheart, may sasabihin kayo kanina ni Marian Faith.paalala ni Marvin sa asawa. Sa bahay na lang Marvin, overtime na tayo.macharge tayo ng hotel.pabiro ni Carla. Sige sa bahay na lang. Magthank you na lang tayo sa mga guest natin.  Marian Faith anak, its time to say thank you mga bisita natin.sabi ni vin sa anak. Thank you po sa mga bisita namin at sa mga gifts po.simpleng pasasalamat ni Marian Faith sa mga bisita. At pinatugtog na ng hotel ang birthday song. Isa isang lumapit ang mga bisita sa pamilya ni Marvin para magpaalam. Nang mag alisan  na ang lahat ng bisita, nagligpit na rin sina Marvin. May binulong sa asawa. Ano ba yung surprise nyong mag ina at kanina pa ako nag iisip?tanong ni Marvin sa asawa. Sa bahay na lang siguradong matutuwa ka.pambibitin ni Carla sa asawa. Mommy magkakaroon na ba ako ng baby brother?...or baby sister?.tanong ni Marian Faith sa mommy Carla nya at napatingin si Marvin at napangiti. Yin ba ang surprise mo sa akin sweetheart?nakangiting tanong ni Marvin. Sa bahay na lang ko sasabihin, sandali na lang malalaman mo na.nakangiting sagot ni Carla sa asawa. Kaya ba puro sa baby ang bring me contest dahil maging big sister na si Marian Faith?pilit pa ring nanghuhula si Marvin. Anak may alam ka ba sa surprise ni mommy?si Marian Faith naman ang kinulit. Wala po daddy, basta sabi ni mommy may surprise daw po kami sayo.sagot ni Marian Faith sa daddy nya. Promise anak wala kang alam?tanong ulit ni Marvin sa anak. Wala po sinabi si mommy sa akin daddy.pero sana po magkaroon na po ako ng baby sister para may kalaro na ako.kahit po baby brother,aalagaan ko po ang baby natin.sagot ni MarianFaith sa ama.Tayo na nga sa bahay at makapahinga na.pag aaya ni Carla sa mag ama nya. Anong magpahinga yung surprise mo sasabihin mo pa sa amin n) anak mo.sagot ni Marvin sa asawa..


Ano ang surprise ni Carla sa asawang si Marvin? Magkakaroon na ba ng kapatid si Marian Faith?


Itutuloy.....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Condo Sharing

 December 15, ang lipat ni John sa condo na lilipatan nya sa QC, kung saan sya na assign sa bago nyang trabaho bilang ahente ng noodles.  Co...