<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"
crossorigin="anonymous"></script>
Sa lobby ng condo ni pinsan. "Saan ka nagpark?" Tanong ko kay louie.. "Banda doon kuya." sabi ni Louie. inaabutan ko sya ng 2K, "wag na kuya, hatid na kita sa bahay mo." sabi ni Louie. "Welcome Rotonda ako, baka out of way ka, pahinga ka na."Sabi ko kay Louie. Morayta lang ako kuya, pwede kita ihatid malapit lang pala. Sabi ni Louie..sige bahala ka.naglakad kami sabay sa pinagparkingan nya. Habang ihinahanap nya ang ticket at inihahanda ang pambayad ng parking may tumawag sa akin.
Pagkatapos kong makipag usap saka lang nya pinaandar ang kotse. May kapatid ka bang lalaki Louie, na mas matanda sayo? Umpisang tanong ko sa kanya. "Wala kuya Rommel, puro babae kapatid ko. Hindi ko pa kasundo." Sagot ni Louie. "Kaya nakakahiya man tinawag kitang kuya", dugtong pa ni Louie. "Ok lang yun. Ilang taon ka na ba?" Tanong ko sa kanya. "28 na ko kuya.malaking tao lang kaya mukhang older. At virgin pa." Pagsalaysay ni Louie. sagot ni louie. "Ano palang number mo text kita? Register mo number ko. At itext mo ko pag nakauwi ka na." Dugtong ko kay Louie. Sinabi nya ang cellphone number. "Nagtext ako at nag miscall sa kanya. Ako yung tumawag, save mo number ko Rommel." Utos ko sa kanya. "Kuya Rommel ang ilalagay ko."sabi nya. "Bahala ka kung ano gusto mo."sabi ko sa kanya.
<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"
crossorigin="anonymous"></script>
<ins class="adsbygoogle"
style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-3834618793885420"
data-ad-slot="8120387776"></ins>
<script>
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});
</script>
Malapit na pala tayo. UST na to. Diko namalayan.sabi ko kay Louie. "Kuya sabihin mo kung saan ako liliko para sa bahay mo na kita ibaba, gabi na".sabi ni Louie. Hinatid nya ako ng hanggang bahay. "Text mo ko pag uwi mo. Diretso ka na sa bahay. Ingat."sabi ko kay Louie. Ngumiti sya at nagpaalam.
After 30mins may nagtext. "Am home na , naka ligo na ko kuya rommel."text ni louie. "Good! Pahinga ka na. Matulog na ako may pasok pa ako bukas. Salamat."reply ko kay Louie.
Kinaumagahan, pagpasok ko sa office si pinsan naman nagtext. "Rommel, may rerefer ako sa yo. Kasamahan ko sa Qatar. Engineer din uuwi sya next month. Interested bumili ng house and lot. Binigay ko email mo." text ni Pinsan. "Noted sir nabanggit mo yan.hintayin ko email nya." reply ko kay pinsan. Pagsagot ko ng text nag update agad ako ng inventories, pricelist at inihanda ang mga flyers. Ganado ako ng araw na yun.
Nagtext si Louie, "kuya sakit ng katawan ko ... "pahinga ka muna pag nilagnat ka text mo ko, kung kailangan kita puntahan text mo ko."reply ko sa kanya. "Ok lang ako kuya. Naninibago lang." reply nya.
Kinagabihan kinumusta ko si Louie. Maayos na sya. Sa pagdaan ng mga araw. Nagtetext kami nina louie at pinsan. Nagtrabaho ako ng maayos medyo inspired,hindi ko alam kung dahil kay pinsan o kay Louie.pareho silang nagbibigay inspirasyon sa akin. Napansin din ng mga kasamahan ko sa boarding house at sa opisina. Iba raw ang awra ko, ang ngiti ko, ang sigla ko.
Bago matapos ang linggo, nakatanggap ulit ako ng text kay pinsan. "Rommel, bukas ang turnover ng unit ko. Sasama ka?" matagal bago ako naka reply. Pinsan, saan tayo magkita? Naghanap pa ako ng substitute sa manning ko kaya late reply."sagot ko kay pinsan. "Sa shell, na lang sabay na tayo pumunta sa cavite. Pwede ka rin matulog mamaya doon.si louie ang susundo sa atin bukas ng umaga." Text ni pinsan. Doon na ako natulog kina pinsan sa condo. Kaya nag update na rin ako sa kasamahan nya na uuwi. Naikwento ko na rin si Louie sa kanya. Walang naganap ng gabing yun. Pero pareho naming na enjoy ang bawat isa.
Finally, naturnover na ang unit ni pinsan sa kanya. "Thank you Ms.Maritess. for hassle free turnover. By the way nagpadeliver kami ng food para sa inyo. Dahil sabi ng pinsan kong si Rommel, chances are tatanggi ka sa invitation ko and he is right. Parating na yun.paid na.and thank you very much." ngumiti lang si Maritess at naiwan na kami sa bahay ni pinsan. Tinawag namin si Louie at pinakita ang buong bahay. Napansin ni pinsan ang paglakad ni Louie. "Anong nangyari sa yo? Bakit ganyan ka lumakad?, para kang natatae." nginuso ako ni Louie. "Anong ginawa mo sa kanya Rommel? Masahe lang ang usapan dba?" balik sa akin ni pinsan. "Kala ko ba ok ka na?"bulong ko kay Louie...."Pinsan,ok na sya"sagot ko kay pinsan habang si louie ay natatawa habang nagpapaliwanag ako kay pinsan biruan namin nina Louie. " Okay na po ako sir, wag po kayo mag alala" bawi ni Louie kay pinsan.
"Ang ganda ng bahay mo sir. Sana magkaroon din ako ng ganitong bahay."..."ilang taon din ako nagtrabaho sa middle east Louie. Nagsumikap, nagtiis sa ibang bansa para mabili ko ito. Mag aral at magtrabaho ka mabuti para makuha mo pangarap mo.." sabi nya kay Louie .. " Tumutok ka sa pangarap mo." advise nya kay Louie. "Ikaw Rommel umayos ka "balik ni pinsan sa akin na para bang tatay ang dating. "Ano kain na tayo ng lunch.". Pag aaya ni pinsan. Sinara namin lahat ng bintana at Nilock ang back door at main door ng bahay at kamiy sumakay na ng kotse at bumalik na sa MOA para kumain ng tanghalian . Sabay sabay kami bumaba ng kotse. Ano Louie ok ka lang ba? Baka sabihin ng mga nakakakita sa yo nagpatuli ka. Ok lang po sir. Sagot ni Louie.
Doon kami kumain ni pinsan sa dati naming kinainan. "Rommel pinuntahan ko yung sinabi mong bagong furniture store dito sa moa. Ok naman sya. May mga furniture akong nagustuhan. Tignan natin mamaya. Tapos bilhin ko na at ipadeliver ko na." Sabi ni pinsan. "Sge pinsan, actually nabasa ko lang sa online ang store na yun.and maganda feedback." Sagot ko kay pinsan.
Pagkatapos namin sa furniture store sa isang appliance store kami nagpunta sa MOA. Doon kami bumili ng aircon, ref, tv, gas range, hood, microwave at iba pang appliances. Mukhang napagod si Louie sa paglakad namin. "Ok ka lang Louie?" Pangungumusta ko sa kanya. "Ok lang kuya." Sagot ni Louie. Habang hawak ang pwitan. "Upo ka muna dyan, hintayin natin si pinsan." sabi ko kay Louie. Pagkatapos ng transaction namin ni pinsan sa cashier, binalikan namin si Louie. Inabutan naming nagtetext. "Louie tayo na. Gutom ka na ba?".. Ngumiti lang sya. "Magtake out na lang tayo at sa condo na lang tayo kumain para makapahinga na tayo agad. Pagod na rin ako." Sabi ni pinsan sa amin.
Pizza,burger at pasta dala namin. Bumili na rin kami ng pang dinner na ulam para hindi na kami lalabas mamaya. Feel at home. Kung gusto nyo magsando, magshorts ok lang. Ikaw Louie, pahinga ka muna dyan. Sabi ni pinsan. Rommel ikaw na bahala sa pagkain. Utos ni pinsan sa akin. Nag sando na lang si louie at nagshort at sumandal sa sofa at dali daling nakatulog. Si pinsan nagbihis din ng pambahay. Paglabas ng kwarto, "Rommel, tulog si bunso. Napagod sa lakad natin.". Sabi ni pinsan sa akin. "Hayaan na muna natin pinsan. Napagod ng husto, nagdrive tapos dami nating pinuntahan. Kain na tayo pinsan. Pagtimpla kita ng kape?" Sabi ko kay pinsan.
May isang oras din nakatulog si Louie. Pagkagising nya. Kain na Louie. Sabi ko sa kanya. Bigla kami hinalikan sa pisngi ni pinsan at umupo sa lamesa. Nakangiting kumain. Nang mapansin nya kaming nakatingin sa kanya. "Bakit po sir, kuya Rommel?" Tanong sa amin. Wala naman, mukhang sarap ng tulog mo kahit sa sofa lang. Sabi ni pinsan. "Napagod po ako sir. puyat ako kagabi." Sabi ni Louie. Ngumiti lang kami sa kanya.
Hanggang matapos si Louie kumain.ililigpit na nya ang pinagkainan nya. Masakit pa ba ang pwet mo?sabi ni pinsan. Konti na lang po sir.sagot ni Louie. Rommel kita mo nang ginawa mo. Sabi ni pinsan sa akin. Ok na po ako sir, first time ko po kasi.Pabulong na sagot ni Louie. Ngumiti si Louie. "Rommel totoo naman." Pabirong sabi ni pinsan. "Salamat sa inyong dalawa at sinamahan nyo ko. Louie magkano babayaran ko?". Tanong ni pinsan. Hindi nagsalita ngumiti lang. "Si kuya rommel na lang po bahala". Sagot ni louie na nang aasar kay Rommel.
Ito 3K sa yo.inabot ni pinsan. Ibinalik ni Louie ang 1K, ok na po ang 2K sir. Sabi ni Louie. Sigurado ka baka lugi ka.mahal ang gasolina.sabi ni pinsan. Ngiti lang sagot ni Louie. Sundin ko po payo nyo sir para magkaroon din ako ng ganoong bahay. Sabi ni Louie. Sa akin ka kukuha ng bahay Louie ha, sambit ni Rommel. Para sa atin kaya yung bahay na yun. Biro ni Louie. Sira ulo ka talaga. Bilisan mo kumilos uuwi pa tayo.. Pinsan salamat pauwi na kami..paalam ko kay pinsan. Salamat din.sa uulitin..sagot ni pinsan.
Itutuloy....
Paano kumuha ng bahay thru Pagibig financing
TumugonBurahinAt least merong 24mos contribution sa Pagibig. Depende sa kukuning bahay ang sweldo .
BurahinTama po
TumugonBurahin