Si Miguel at si Bert

Biyernes, Enero 21, 2022

Pouch ni Rommel (Si Pinsan, Si Louie at Si Rommel Part 3)

<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

 " Engr. Babalik ka pa ba sa Qatar ".... 

" Mahirap ba maging OFW "...

"Masarap ba magtrabaho sa ibang bansa, lalo na sa Middle East?"... Sunud sunod na tanong ko kay Engr. "ang dami mong tanong,  eto twalya maligo ka na at matulog na tayo".. Sagot ni engr.na parang ayaw ng bumalik sa Qatar. Tumahimik na lang ako at kinuha ang towel na inaabot nya at pumunta na sa banyo para maligo.

Habang naliligo, sinabon ko ang buong katawan ko, ulo,leeg, batok, mukha, dibdib pababa.pati likod ko pilit kong inaabot para masabunan kasama butas ko para mabango. Hanggang mga hita, tuhod at talampakan ko.

"Ang tagal mo maligo, kala ko bukas ka pa lalabas, pinsan." napansin ni Engr na matagal ako maligo. Habang nagpupunas ng twalya inabot ni engr ang boxers at sando. Sinuot ko ito agad  at nagsabing "ang lamiiiig ng tubig" . "May heater hindi mo ginamit," sabi Engr. "Kala ko kaya ko ang lamig pala." sagot ko kay Engr. Ngumiti sya at nagsabing dito ka sa kanan.  Nakatulog ako na nakababa ang kumot, habang si Engr ay nagbabasa ng cellphone. Ilang saglit pa kinumutan nya ko hanggang leeg, napatingin ako sa kanya pero tinuloy ko ang tulog ko.  Tinabi nya ang cellphone nya at in-off nya ang ilaw, saka pa lang sya humiga. Ramdam ko hinalikan nya ko sa ulo,at bumulong ng "Goodnight

Nauna akong nagising kay Engr. May hinahanap akong pouch. Nagluto na rin ako ng almusal namin, tocino, itlog at nagkape na ako. Hanggang magising si Engr. "Kain na tayo." Alok ko kay engr. "Una ka na, kape lang ako."sagot ni engr. At dumiretso na ito sa banyo

Parang may hinahanap ka kanina? Tanong ni Engr.sa akin. "Hinahanap ko ang pouch ko, kagabi ko lang naalala, baka naiwan ko sa site." sagot ko sa kanya. "Pauwi na rin ako engr. Kung may kailangan ka text mo lang ako." "saan ka ba nakatira?" Tanong ni Engr. "Malapit sa Welcome Rotonda, sakop ng Manila pa. Malapit din sa opisina." Sagot ko kay Engr. "Hanapin ko mamaya ang pouch mo text kita pag nakita ko. Salamat ulit. Naistorbo pa kita Rommel" sabi ni Engr. "Wala yun engr.ay pinsan pala hehe" pabiro kong sabi kay engr. "May budget ka pa ba?" tanong ni engr.habang hawak ang wallet. "Meron pa engr.kakasweldo ko lang,wag mo na ko intindihin.nakakahiya naman sayo." sagot ko kay engr. "Pero kung ipipilit mo kukunin ko na rin."dugtong ko, sabay yakap at tapik sa balikat. "Siraulo ka talaga.mag ayos ka na nga baka kung saan pa mapunta usapan natin." Sagot ni engr.sabay abot ng dalawang P500 bills.

"Pinsan, uwi na ako.text ka lang."paalam ko kay engr. "ingat,  Rommel salamat." sagot ni engr. Habang nasa taxi pauwi. Nakangiti ako dahil natutuwa ang client ko sa service ko sa kanya at nirefer pa ako sa mga kasamahan nya. Kailan kaya magtext si engr. Babalikan ko agad sya. Hanggang umabot na ako sa  welcome rotonda. Doon na ako bumaba. Bitbit ang mga pinamili para sa akin ni engr.dumaan muna ako sa grocery sa may welcome rotonda bago umuwi. "Dami mong dala"sabi ng landlady ko. Pasalubong ng  client ko. Nagturnover kami ng unit kahapon. Bagong uwi  OFW from Qatar. Sagot ko sa landlady ko. 

Dahil linggo naman. Natulog muna ako pag uwi ko sa boarding house. Hapon na ng magising ako. Nagtanghalian,tapos naglaba muna sa laundry shop na malapit sa boarding house. Nang biglang nagtext si engr. "Tumawag ang grab driver, may naiwan daw tayo  sa likod ng kotse nya kahapon. Dadalhin nya bukas  dito sa shell residences. Baka ayun ang hinahanap mo."text ni engr. Naalala ko ang gwapong driver dahil ng ngumiti lumabas ang dimples. Saka lang ako nagreply kay engr. "Sige po engr.punta ako bukas after office, after ng meeting namin, diretso ako sayo." Text ko kay engr.

"Sir, ako po yung grab driver nyo nung sabado. Louie po pangalan ko.  Isoli ko lang po itong pouch,naiwan ata ng kasama nyo noong sabado. " pagpapakilala ni Louie. "Hinahanap nga ni Rommel yan kahapon.Meryenda muna tayo sa taas. Doon na natin hintayin si Rommel" Alok ni engr sa batang driver.  

Pagdating ko sa unit. Tuwang tuwa ako. Si engr ang nagbukas ng pinto. "Nandito si Louie, yung driver natin. Dala nya ang pouch mo".bungad sa akin ni Engr. "Sir ito po yung pouch, "abot ni Louie ang pouch. "Tuwang tuwa ako. Buti na lang ikaw ang nakakita baka kung iba hindi na isoli. Salamat Willie." Pasasalamat ko kay Louie. "Louie po sir, sagot ni Louie. "Louie pala,salamat ulit." Sabay abot ng kamay.nakangiti naman si Louie natatawa kay Rommel. "Sige sir, alis na po ako magpapamassage pa ako."paalam ni Louie kay engr. "Massage?ayan si Rommel magaling magmassage yan.tanggal ang lamig mo.minasahe ako nyan." Pagmamalaki kay Rommel. "Para makabawi ako sa pag soli mo.importante sa akin ang pouch na ito. Masahihin kita Willie ay Louie."sambit ni Rommel kay Louie. Ngumiti si Louie, tumingin sa amin ni engr na nahihiya. "Ihanda ko na ang kama at mga oils para umpisahan na ang massage. Iwan ko muna kayo.Bili lang ako ng pagkain  natin para after massage kain tayo."Sabi ni engr. "Ikaw na bahala kay Louie," sabi ni engr.kay Rommel Nakangiti lang si Louie. 


Itutuloy...


5 komento:

  1. Ano meron sa pouch ni Rommel. Bakit importante sa kanya?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kikay kit ang laman kaya important kay Rommel

      Burahin
    2. Baka cellphone or anything na listahan ng client nya.

      Burahin
  2. Ano meron sa pouch ni Rommel?

    TumugonBurahin
  3. Importante pala bakit nakalimutan nya..walang presence of mind din itong si Rommel

    TumugonBurahin

Condo Sharing

 December 15, ang lipat ni John sa condo na lilipatan nya sa QC, kung saan sya na assign sa bago nyang trabaho bilang ahente ng noodles.  Co...