<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"
crossorigin="anonymous"></script>
"Kain na tayo, lalamig ang pagkain" pag aaya ni Miguel. Umupo ako sa tapat nya. "ang layo mo naman Betong? Dalawa lang naman tayo." pansin ni Miguel. "Hindi pa kasi ako naliligo" sagot ko kay Miguel. "Sanay na ko sa amoy mo, Noon pa,lipat ka dito" imbitasyon ni Miguel.
Habang lumalapit ako sa kanya napansin ni Miguel na nakaboxers lang ako. Porke may abs kaya nakahubad ka? Dalas mo siguro sa gym" nakangising pansin ni Miguel sa akin. "Ayaw mo ko paliguin kasi, baka lumamig ang food, kahit giniginaw ako sa lamig ng aircon kaya lumapit agad sa yo" sagot ko kay Miguel na kunyari nagpapaawa.. Tumawa lang sya, alam ni Miguel nagpapapansin lang ako. Sarap na sarap kami kumain ni Miguel na magkalapit ang upuan. Alam nya paborito ko at yun ang mga binili nya. Huli namin kinain ang cake. Nagpahiran pa muna kami ng icing na parang mga bata. "Tama na, hipan mo na ang cake para matira na yan." Sabi ko kay Miguel.
Pagkatapos namin kumain, ililigpit ko na ang pinagkainan namin. Subalit pinigilan ako ni Miguel. "Ako na bahala dyan, maligo ka na". Pagpigil ni Miguel sa akin. "Birthday mo ngayon, pagsisilbihan kita Dr.Miguel." sagot ko sa aking kaibigan.."Tigilan mo nga ako Betong ng kaka Dr.Miguel mo dyan."tinawanan nya lang ako. "Sige tapos mo maligo ka na, ihanda ko ang mga beer, inom tayo mamaya?"Banggit ni Miguel. "Hindi ka ba magshower, galing ka sa clinic, may dala kang germs hehehe, ."Nakangising imbitasyon ko kay Miguel. "Sige linisin mo ang pinagkainan natin, yung malinis ah,ayoko ng marumi. Ayoko may mikrobyo., Sabay tayo maligo, handa ko shaver" pagpayag ni Miguel. "Shaver?"nagtatakang sambit ko kay Miguel. "Anong problema sa shaver dba after ligo nag aahit?" sagot ni Miguel." Eh bagong ahit ka na,wala kang bigote at balbas?" ..".. "Sige na nga.. Tapusin ko na to, ligo na tayo.. " Gago ka talaga betong. Hindi ka nagbabago.sabi ni Miguel.
<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"
crossorigin="anonymous"></script>
<ins class="adsbygoogle"
style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-3834618793885420"
data-ad-slot="8120387776"></ins>
<script>
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});
</script>
Tapos na ko maglinis ng lamesa at nahugasan ko na rin mga plato. Malinis na ang kusina at dining table.."Birthday boy Dr.Miguel, tapos na po ako maglinis dito. Ano pa pong iuutos nyo." sabi ko habang naghuhugas ng kamay. Nagulat ako ng pagharap ko ay... Nakatapis ng twalya si Miguel, dala ang pangligo namin mga twalya at underwear. " may multo ba? , gulat na gulat ka?" tanong ni Miguel ng makita akong gulat na gulat.. Hinawakan ko kamay nya at inaya ko sya na sayaw muna tayo.. Nagpaubaya sya. Nagsayaw kami na magkadikit ang aming katawan, kahit walang musika, matagal mga ilang minuto rin. Tumigil lang kami dahil.. " Sandali lang, naiipit ang alaga"..sabi ni Miguel.. Natawa ako, . At kamiy naligo na dumiretso na sa banyo para magshower.
Sinabunan ko sya at sinabunan nya ako mula ulo hanggang paa. Bawat hagod nya sa aking katawan may ibang init akong nararamdaman, pero nagpipigil ako dahil nakikiliti ako.ngumiti lang sya Maputi si Miguel, may pagka tisoy, balbon pero malinis ang mukha, dahil lagi pala syang nag aahit. Hinayaan ko sya sa ginagawa nya. Pareho kaming masaya, naalala namin noong mga bata pa kami sabay kaming naliligo sa ilog. sabik sa isat isa. Magkayakap. Pagkalipas ng ilang saglit nagbanlaw na kami. Tinapos na namin ang pagligo..nagpunas na kami ng twalya. Tig isa kami ng twalya. Kinuha nya ang sando at nagbrief.. Inabot nya sa akin ang brief na ipapahiram nya at sando, subalit brief lang ang kinuha ko. Ngumiti sya. "Sabi nya buti na lang kasya ang brief ko syo."ang laki kaya.maluwag ang brief mo.hehehe.sabi ko sa kanya.
Pagka bihis namin, inihanda na nya ang ilang beer in can at naghanda ng pulutan namin, mga natirang ulam ang pulutan namin. Nagkwentuhan tungkol sa kasalukuyang trabaho at lagay ng bansa.at kung anu ano pa ang napag usapan namin..hanggang maubusan na kami ng mapagkwentuhan. Hanggang sa antukin sya at humiga sa sofa, ginawa nyang unan ang aking hita. Napatingin sya sa akin ngumiti.. At... "Salamat Betong" "saan?" ang tanong ko sa kanya habang umiinom ng beer. "Pinasaya mo ang birthday ko, ngayon na lang ako nagcelebrate dahil lagi ako sa ospital nagbibirthday," sabi ni Miguel. Ginulo ko buhok,.."madrama ka rin pala, lipat na tayo sa kama antok ka na.buhatin na kita, may tama ka na." Ang sabi ko sa kanya. Binuhat ko ang kaibigan ko na antok na dahil sa tama ng beer. Mahina pala sya uminom 2cans ng beer lang antok na. Inihiga ko sya at kinumutan. Hinubad ko muna ang brief ko bago humiga dahil hindi ako sanay na matulog ng nakabrief. Magkatabi kami natulog na magkayap.
Itutuloy.....
Ang thoughtful ni bert.
TumugonBurahin