<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"
crossorigin="anonymous"></script>
Sa lobby ng Shell Residences, tinanong ako ng lobby guard kung saan ako. Tinuro ko si Engr.Nestor. " pinsan ko sya, kasama ko" sabi nya sa guard. Tumuloy na kami sa elevator. Tahimik lang ako. Sa elevator nag ngitian kami dahil may ibang tao. Pag labas namin bati ko kay engr.."pinsan anong unit mo?, ihing ihi na ko"..binigay nya ang susi ng unit. Nasa dulo pala ng floor ang inuupahan nya kaya tumakbo na ako. Pag pasok sa unit diretso ko sa banyo. Sya naman ay sa kwarto dumiretso at nagbihis agad. Pambahay na lang suot nya, boxers at sando na loose. Lumabas ang pagkamestizo ni engineer dahil maputi pala sya.
Paglabas ko ng banyo na sa kitchen sya nagtitimpla ng kape. Nilapitan ko si Engr.Nestor. " salamat " bulong ko kay engr. " Ako dapat magpasalamat sa yo dahil iniistorbo kita " sagot nya sa akin. Bigla humarap si Engr.Nestor sa akin kaya nahalikan nya ako sa pisngi at natapunan ng kape ang suot kong polo.. Magbihis ka muna kala ko nasa banyo ka pa. Lukoluko ka Rommel,ginulat mo ko. Dahil nabuhusan ako ng kape, Hinubad ko ang polo ko at pantalon. Nanghiram ako ng shorts at brief sa kanya. Sorry engineer, nagulat ba kita. sabi ko sa kanya at tinabihan ko sya para humigop ng kape.."ang sarap ng timpla mo, parang Starbucks".sabay higop ng ulit.Paborito kong brand yan sa Qatar kaya nag uwi ako dito.
"Engr., kailan tayo mamimili ng gamit para maschedule ko." "kung kailan ka free, no rush" sagot ni engr. Inakbayan ko si Engr. Pinisil pisil ang balikat. Ang sarap nyang ginagawa mo Rommel. Marunong ka pa lang magmasahe? tanong ni Engr.sa akin. Konti lang Engr. dati kasi umattend ako ng seminar sa reflexology na may halong massage. Shiatsu ba yun at yung isa is Swedish massage.pagpapaliwanag ko kay engr.nestor habang minamasahe ko sya sa balikat.Sarap na sarap sya. At nagrequest na kung pwede whole body massage na gawin ko sa kanya dahil ang tagal na ng huling magpamassage sya sa Qatar. Mahal daw kasi ang spa doon. Kaya tinuloy ko na habang nakaupo kami sa sa sofa, minamasahe ko sya sa balikat, sa likod at sa mga kamay at braso. Niyaya ko na sya sa kama para mas komportable ang posisyon nya.
Habang minamasahe ko sya, patuloy kaming nagkukuwentuhan ng mga experience nya sa Qatar, experience nya sa Dubai bilang Engr. Puro Middle east ang karanasan nya bilang OFW pero sa Qatar sya nagtagal. Bawat bansa, bawat company ang dami nyang kwento. Dahil syay magaling na Engineer, kayat napapirate ng ibat ibang kumpanya sa middle east. Pero kahit isa syang magaling na engineer, hindi mo sya kakikitaan ng pagmamataas. Yun siguro ang dahilan kung bakit sya tumagal sa Qatar. Marunong syang makisama. At hindi maitatago ang pagiging magalang nya. Kahit mataas ang posisyon at may idad na rin. Marunong syang magpakumbaba sa lahat ng tao.
Naikwento rin nya sa akin na may isa syang kapwa engineer na interested bumili ng bahay. Inirefer nya ako. Binigay nya ang email ko at hintayin ko ang email sa akin. Mas bata sa kanya, bagong engineer lang baka magipon pa ng pambili, sabi nya. Natuwa naman ako dahil kinukwento pala nya ako sa mga kasamahan nya. And knowing his status malamang makikinig yun sa kanya at pag nirefer ako sa kanila ay sa akin din sila magbibilihan kayat laking pasasalamat ko kay engineer. Nakatulog na pala si engineer habang minamasahe ko mukhang sa tindi ng pagod sa byahe kaya pala nagpamasahe. Hinayaan ko muna syang makatulog dahil alam kong nakakapagod ang byahe namin.
Sa pagod ko naidlip na rin ako, bandang a las onse na ako nagising. Gutom na gutom. Naghanap ako ng makakain. Nag luto si Engr.at naghain na rin.iniwan sa mesa.. Halos maubos ko. "Gutom na gutom ka. Pinagod ba kita pinsan hehehe" biro ni Engr sa akin. "Gabi na dito ka na kaya matulog ipagluto kita ng specialty ko bukas." dugtong ni Engr.
Dahil gabi na rin, pumayag na ako. "Sige pinsan bukas na ako uuwi. Text ko na lang kasama ko sa boarding house para hindi na ako hintayin". "Magagalit landlady ko pag hindi ako nagtext..parang anak trato sa aming tatlong boarder nya. Nasa abroad na kasi mga anak nya."Dugtong ko kay Engr.
"Engr, maitanong ko lang bakit mo sinabing pinsan mo ako sa guard kanina".. "Para wala na silang tanong. Bakit ayaw mo?".."natuwa kaya ako pinsan" kinikilig na sagot kay Engr... "Kaya paglipat ko sa cavite, pangatawanan na natin na pinsan kita para pwede ka magbabad sa bahay" mungkahi ni Engr.. "Magbabad lang pinsan. Sge na nga, may kwarto ba ako doon pinsan" may maids room yun dba doon ka, pabiro ni Engr.. "Siyempre meron gusto mo same room tayo. Para tipid sa aircon hehehe.. Ako bahala sa yo doon." "ano pa ba babayaran ko doon..ang title kailan irelease ng kumpanya nyo?"..tanong ni Engr.. Ako na mag asikaso noon pinsan para madaliin nila pero abutin ng isang taon pa. Balitaan kita.
"Engr. Babalik ka pa ba sa Qatar?" Tanong ko sa kanya....
Itutuloy....
Anong brand ng kape kaya yun. Para iuwi pa ni Engr.Nestor.
TumugonBurahinArabica coffee sa cavite masarap. Try nyo rin.
TumugonBurahinPareng gusto ko magkape kahit 3in 1 lang..hehehe..nainggit ako sa kanila.
TumugonBurahin