Si Miguel at si Bert

Sabado, Enero 15, 2022

First Meeting (Si Pinsan, Si Louie at Si Rommel )

<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

 Ako si Rommel, 35years old.  Medium built, nasa 5'8 ang taas, moreno at madyo balbon sa dibdib. Nagtatrabaho bilang Senior Real Estate agent sa isang companya sa Quezon City. Marami kaming hawak na projects, sa Cavite, Laguna, Batangas. Merong house and lot at lot only. Mostly high end ang market dahil may kataasan ang presyo bawat bahay hindi bababa ng 5M,  maging mga loteng binebenta namin hindi bababa ng 3M.  Kaya ang mga kliente namin  pang high end din. Matagal na ako sa company, nasa Senior Salesperson na ang category ko. Mataas ng konti sa mga  agent. 

Dahil sa mahigit limang taon ko sa company, marami rami na rin ang aking naging kliente. Galing online, galing abroad, at ang iba ay referral ng mga naunang buyers.  Isa na dito si Engr. Nestor Revilla, isa syang OFW sa Qatar,  matagal sya nagwork as Engineer sa Qatar, nasa 40s na sya. Dahil patapos na ang contrata nya  naisipan nyang puntahan ang bahay at lote na binili nya sa Cavite.

Nag email sya tungkol sa unit nya. Kailan daw ang turnover. At ano ang mga requirements para makalipat. Upon checking his account fully paid na ang unit. Kinuha nya ito ng No down payment, No interest 5years to pay.  Diniscuss ko sa email ang movein requirements and tinanong ko sya kung kailan sya available for turnover dahil fully paid and ready for turnover na ang house and lot nya.

Matagal bago sya nag email back. Inabot ng mahigit isang linggo  bago nya sinagot ang email ko.  Patapos na kasi ang contrata nya kaya naging busy sya. Sinabi nya sa email na end of October ang uwi nya. "Mr.Rommel,  Pwede  after All Saints day ako pumunta sa bahay na nabili ko. "  Ang sagot ko sa email , walang problema Sir, I will forward this to turn over group ng project, sila ang magturnover sa inyo. Forward ko rin ang email address nyo for them to update you, ang reply ko sa kanya.

After All Saints Day, wala ako balita kina Engr.Nestor at turnover group.  Nagkataon na may kliente ako na magtripping  sa kaparehong project sa Cavite. Habang naghihintay ako sa sales office sa site. Nagbasa ako ng email. Sakto may email si Engr.Nestor.  November 3,ang turnover sa kanya ng unit. Sakto nasa site ako. Bigla may dumating na kotse, service vehicle ng company, mga taga turnover group. "Sir Rommel!"  Tawag sa akin ng bumaba. Si Maritess, kumakaway.  "Ngayon kami magturnover ni Engr.Nestor sa unit nya. Sinabihan ka ba?" Tanong ni Maritess.. "Hindi Maritess, may tripping ako kaya ako nandito,wala pa nga eh kanina pa dapat nandito." Sagot ko kay Maritess.  Ilang saglit pa may dumating na kotseng pula, may bumabang lalaki na may katangkaran, maganda ang katawan at moreno.  Saan po ang sales office? Tanong ng lalaki.   "Mag accept ako ng unit ko sa block 10, lot 15,Maritess ang hanapin ko sabi nya", dugtong ng lalaki.  Good morning sir, dito po ang sales office, tuloy po kayo. Anong pangalan po nila? Tanong ko sa lalaki. Mr.Nestor Revilla po, tugon ng lalaki. Engr. Nestor! Pagulat na tanong ko.  Rommel po sir yung ahente nyo po sir, sabi ko kay engr na tuwang tuwa. Mr.Rommel, kala ko turnover group ang magturnover? Tanong ni engr sa akin. "Sila po ang magturnover Engr. Nandito na po si Ms.Maritess. may tripping kasi ako kaya nandito ako," sagot ko kay engr. Eksakto lumapit si Maritess sa amin. Ms.Marites, si Engr Nestor Revilla, sabay turo kay Engr.  "Good morning sir Ms.Maritess po of turnover group,"bati ni Maritess, "kunin ko lang po ang susi, block 10 lot 15 po ang unit nyo sir?" pag confirm  ni Maritess.  After few minutes bumalik si maritess dala ang mga susi. Tayo na po sa unit sir? Pag imbita ni Maritess kay engr. Sasama ka ba Mr. Rommel? Imbitasyon ni Engr.Nestor sa akin. "sir tawagan  ko lang po  sandali ang klient ko,  sunod  na lang po ako," . Sagot ko kay Engr.  "Sige mukhang ready naman si Ms.Maritess. sunod ka na lang sa bahay ko." sabi ni engr. 

 Nasa bedroom na sila ng makasunod ako. "Mr.Rommel nandyan ka na pala", si Maritess ang unang nakakita sa akin." "Ok naman meron lang ako nakitang konting  sabit,  nilista na ni Ms.Maritess. minor lang naman. Ipa rush daw nya para makalipat na ako.  Movein ko sana next month dito ko  gusto magpasko."sabi ni Engr.Nestor. "Ms.Maritess pa rush please" sabi ko kay Maritess na may paglalambing. "No problem Sir Rommel ikaw pa" na nag thumbs up sign pa sa amin si Maritess. Paano kita tayo next month for turnover Ms.Maritess?patanong ni Engr.kay Maritess.  "Prioritize ko po sir itong unit nyo." Assurance ni Maritess.  Lunch muna tayo, imbitasyon ni engr sa amin. "Sir, may turnover pa po ako next time na lang po," pagtanggi ni Maritess. Ikaw "Mr.Rommel , lunch muna tayo sagot ko." Baling sa akin ni Engr. Ngiti muna ang sagot ko "kala ko si  Ms.Maritess lang imbitahan nyo Engr. sige po engr gutom na nga po ako eh.hehehe." pabiro kong  sagot kay engr. "Ms.Maritess una na kami ni Mr.Rommel paalam ni Engr." Kinawayan ko na lang si Maritess at umalis na kami sa site.

Sa kotse ni Engr.Nestor, pareho kami sa likod sumakay. "Sa MoA tayo brod" sabi nya sa driver. "Ok naman ang unit, maliwanag ang sala, malaki ang kusina, may c.r sa baba, may c.r sa masters bedroom at may common c.r sa 2nd floor. ang hagdan tama lang bawat baitang, ang mga kwarto tama sa sukat. Malaki rin ang maids room. Ang height ng   floor to ceiling sa 2nd floor mataas parang mahigit 3meters.ang standard ay 2.8meters lang. minor lang ang mga sabit." Pagsasalaysay ni Engr sa akin. 

 Hinawakan nya ko sa hita habang nagkukwento, medyo nagitla ako, hindi ko na lang pinahalata.  Masyado syang dikit sa akin habang nagkukwento kahit 2 lang kami. Inisip ko na lang na baka malambing lang talaga si engineer. Hinawakan din nya kamay ko na pinatong nya sa hita nya. Nagkatinginan kami,  pinipisil pisil nya kamay ko ng magsalita ang driver namin. "Sir MoA na po tayo, saan po tayo magpark?" Tanong ng driver. "Saan ba kami pwede bumaba para kumain? At magkano mo ko charge?" Tanong ni engr sa driver. "Sir 2500 po napagkasunduan natin hanggang alas singko po." sabi ng driver. Bumunot si Engr ng 3,000 at inabot sa batang driver." Eto brod dito na lang kami tutal sa Shell Residences lang ako naka check in lakarin ko na lang." habang inaabot ang pera sa driver, Nakangiting sabi ni Engr. "Sobra po sir?" balik ng bagitong driver. "ok lang text na lang kita ulit pag magpapadrive ako para may discount." Sabi ni Engr sa  batang  driver. "Salamat po. Sa uulitin po Sir." natuwa ang driver at sa pagngiti lumabas ang isang dimple.

Pagkababa ng kotse, naghanap kami ng makakainan. Sa isang Filipino  restaurant kami kumain dahil natatakam si Engr sa pagkaing pinoy. Doon namin pinagpatuloy ang kwentuhan tungkol sa bahay nya. "Pwede mo ba akong samahan bumili ng mga gamit?hindi ko na kukunin mga gamit sa probinsya." Tanong ni Engr.  "Kailan tayo mamimili   Engr."Tanong ko kay engr. "Baka next week, papahinga muna ako tutal sabi ni Ms.Maritess one month pa bago kami magkita ulit." Pagkukwento ni engr. Hanggang matapos kami kumain.

Nagpunta kami sa mall at nagshopping. Bumili kami ng damit, sapatos, relo, ang buong akala ko may pagbibigyan syang kamag anak na kasukat ko.Lahat pala ng pinamili namin ay para sa akin. "Hindi na ko nakapamili ng pasalubong kaya dito na lang kita ibibili." Sabi ni engr. Hiyang hiya ako kay Engr.  Pagkatapos naming mamili ay naglakad lakad kami  sa tabing dagat. Masaya ang paligid dahil magpapasko na. Hanggang sa gumabi na. "Tara sa unit.doon na tayo magkape,  Pakita ko sa yo ang tinitirhan ko ngayon sa Shell Rsidences" imbitasyon ni Engr.


Itutuloy... 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Condo Sharing

 December 15, ang lipat ni John sa condo na lilipatan nya sa QC, kung saan sya na assign sa bago nyang trabaho bilang ahente ng noodles.  Co...