Si Miguel at si Bert

Sabado, Abril 30, 2022

The Wedding (Dalawang Pasyente Part5)

<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

 Ate napapagod na ako ha.sabi nya sa ate. Buksan mo na at may ginagawa pa ako. Pagbukas nya ng pinto, hindi na bata ang may dala ng rosas at malaking  bouquet na ang dala nito. Sino ang dumating Pia?tanong ng ate nya. Walang sumagot. Kayat nilapitan ni Sonia ang kapatid. Nakita nya si Pia at si AL. Magkayakap. Si AL, masayang masayang nag thumbs up kay Sonia habang magkayap sila ni Pia.   Ate, may kinalaman ka dito no? Kasabwat ka sa plano.tanong ni Pia sa ate. Gusto ko lang ang makabubuti sa yo atsaka nagpatulong lang si Carl.sagot ni Sonia sa kapatid. Tapos sila ay nag akapan na magkapatid, sinama na rin sina carl at Al. Saan tayo kakain tito AL? Gutom na ako.pag-aaya ni Carl kay Al. Tayo na nagpareserve ako sa isang restaurant sa Ortigas. 

Sa isang fine dining restaurant sila kumain. Sa umpisa magkasama silang apat sa mesa. Pagkakain nila unti unti nang umaaalis sina Carl at Sonia. Tita Pia, magload lang muna ako ha. At patuloy na nagkwentuhan ang tatlo, si Pia, Al at Sonia. Kunyari napansin ni Sonia na wala pa si Carl. Teka lang ang tagal naman ni Carl. Saan ba nagpaload yun. Iwan ko muna kayo.paalam ni Sonia sa kapatid at AL.  Naiwan sa mesa sina Al at Pia. Sila na lang ang nag uusap, nagkwentuhan. Order tayo ng cake for dessert? Masarap ang chocolate cake dito.alok ni AL kay Pia. Balita ko nga masarap chocolate cake dito. Habang wala pa sina ate.sagot ni Pia na walang ka alam alam na pinanonood lang sila ng mag-inang Carl at Sonia. Dahil ang mag-ina ang nagprepare ng chocolate cake na iseserve ng waiter.

Chocolate cake for dessert sir and mam.masayang sinerve ng waiter. Anything else Sir..mam?sabi ng waiter sa kanila at sabay paalam. Favorite ko ito dito.sabi ni Al.me too.sagot naman ni Pia. Sinubuan ni AL si Pia ng cake. Parang naweirdohan si Pia. Bakit mo ko sinusubuan? Nakakahiya sa mga tao. Nakatingin sila oh.sabi ni Pia. Eh di subuan mo rin ako, anong masama doon.sabay bukas ng bibig waring naghihintay subuan si AL. Ewan ko sa yo. Pacute ka pa dyan. basta ako kakain ako ng cake ko. Sabay subo ng cake at habang ninanamnam ang sarap ng cake. May napansing matigas na parang bilog. Kumuha si Pia ng tissue at iniluwa ang bilog na napansin sa cake. Napasigaw si Pia ng makitang..... It's a ring!.. It's a ring!may gulat na nasabi ni Pia kay AL... Will you marry me?...lalong nagulat si Pia sa sinabi ni AL. Pinagpawisan si Pia. Hindi alam kung ano ang gagawin.. Ang mag inang Sonia at carl nakatingin lang, kinakabahan. Hanggang.... " I do! ".. Napasigaw ng "YES" ang pamangkin nyang si Carl. sabay lapit sa kanyang tita Pia. Napatingin lahat ng customer sa kanilang table at natutuwa sa kanila.  Al kiss mo na si Pia ulit.panunukso ni Sonia sa dalawa. Tito AL, success ang plano natin.sabi ni Carl kay AL. Nakangiti si AL. Si Pia naman ay naiiyak sa tuwa ng mga oras na yun.

Manang si Dad?hinanap agad ni AL ang ama pag uwi. Ayun kanina pa sa laptop. Try mo kung kausapin ka?kanina pa sya nasa harap ng computer.sagot ni manang. Dad, are you ok? Kanina ka pa raw sa computer. Something wrong?paunang tanong ni Alberto sa ama. Sinara muna ni Sebastian ang laptop. Kinusot ang mata. Huminga ng malalim. Si tito samuel mo, yung nasa Canada.umpisa ng ama. Nastroke, two days na pala. Kanina ko lang nabasa email ng tita mo.kaya inalam ko condition ng kapatid ko.kwento ng ama.anong lagay ni tito Sam?tanong ni Alberto. Ligtas na sya sa critical pero still nasa ospital pa rin sya. Malapit na umuwi ng bahay.sabi ng tita mo.sagot ni Sebastian. ikaw kumusta nagpropose ka na ba? Parang ang saya mo ng dumating ka? Kasalan na ba?masayang pangungumusta ng ama sa anak. Ngumiti si Alberto. Tumango si Alberto sa ama. O bakit nawala ang sigla mo. Si tito Sam mo aalagaan yun ng tita mo at mga pinsan mo. Sa awa ng Diyos pagagalingin sya. Sinabi ko na sa tita mo na ipagdarasal ko si Samuel. At kung may kailangan sabihin agad.masayang sagot ni Sebastian sa anak. Kumain ka na ba? Manang ipaghain mo si Alberto. .nakahain na po kuya.sagot ni manang.  Magbihis ka muna at kwentuhan mo ko habang kumakain ka.sabi ni Sebastian sa anak. Nothing to worry sa tito Sam mo. Alam ko paborito mo yun.sabi sa anak. Sige Dad, bihis lang ako kwentuhan kita.sagot  ni Alberto sa ama.

Nagpropose ka na pala kay Sophia. Eh kailan ang kasalan?.. Wag nyo na patagalin pa.sabi ni Sebastian sa anak. Apurado ka talaga Dad. May aayusin lang kami ni Pia. Pero sigurado next year na po.sagot ni Alberto. Ang tagal naman. In 6months dapat makasal na kayo. Dba manang?hahaha. Nawala pag aalala ko kay Samuel dahil sa balita mo Alberto.sabi ng ama. Syanga pala nag enroll ako sa pagpapastor, kaya ako nakababad sa computer. Inaayos ko mga requirements para makapag enroll na ako. Dugtong ng ama. Talaga Dad, magpapastor ka?sigurado ka?gulat na sagot ni Alberto. Oo tama narinig mo. Nakipag usap na ako sa mga elders natin sa simbahan. Tutulungan nila ako. Sila pa nga nagkumbinsi sa akin.sagot ni Sebastian. Nakangiti lang si Alberto sa sinabi ng ama. 

Sa pagbisita ni AL kay Pia. Napansin ng kasintahan ang lungkot sa boyfriend. May problema ba? Sa work? Kay Dad?tanong ni Pia kay AL. Tanging iling lang anng sagot nya dito. Sa akin?... Pahabol ni Pia...hahaha..biglang natawa si AL. Ano ka ba komedyante ka talaga. Alam mo kung paano ako patawanin.sabi ni AL. Yung awra mo kasi.ang lungkot mo.sabi ni Pia. Si Tito Sam kasi nagkasakit.umpisa ni AL. Sino si Tito Sam?..kapatid sya ni Dad. Si Tito Samuel. Is like my 2nd father.Hindi ko pa pala nakwento sa yo. He migrated in Canada, many years ago. Muntik na ko isama noon.hindi lang pumayag si Dad. Na stroke almost a week na. Nalaman ni Dad. Malungkot na pagdedetalye ni AL. Nakausap mo na sya? Gusto mo kausapin sya? Pagkukumbinsi ni Pia. Gusto ko sana kausapin. Kasama ka para ipakilala na kita sa kanya. Kung papayag ka. Sabihin ko na rin ang plan natin na magpakasal.sagot ni AL. Sge kausapin natin si Tito Sam.pagpayag ni Pia.

Tito Sam, si Alberto ito.kumusta  na kayo? Hi Alberto, tita Rita mo ito. Nag cr lang si Tito mo. Kumusta kayo tita Rita? Maayos na kami. Si Tito sam mo medyo nakakarecover na. Nagpaparehab sya 3x a week. Teka heto na sya.pinasa ang phone sa asawa. Alberto, ano yong nabalitaan ko na ikakasal ka na raw next year? Sino mapapangasawa mo? Bakit wala kaming alam? Dahil malayo kami kaya hindi mo kami binabalitaan?sino yang kasama mo dyan?sunud sunod na tanong ng tito ni Alberto. Tito kaya ako napatawag para balitaan kayo. Wag nyo ako pagalitan.nagsusumamo si  alberto sa tito nya.si pia nan kinakabahan. Hindi ako nagagalit Alberto dahil mag aasawa kana. Dahil bakit next year pa? Sya ba ang babaeng pakakasalan mo? Yung ganyang babae dahil dapat kasal agad, baka magbago pa isip nyan.  Kinwento na sya ni kuya Sebastian. Alam ko mapili yun pag pasado sa kanya garantisado.sabi ni sam kay Alberto. Hindi po kayo tutol Tito? Btw heres Pia. Sya po ang fiancee ko.good morning Sir?pauna ni Pia. Bakit Sir? Tito ang tawag mo sa akin. Tito Sam at tita rita sa mrs.ko.sabi ni Sam kay Pia. Sge po Tito Sam and Tita Rita. Kumusta po kayo.sabi ni pia sa mga kausap. Maayos na ako. Sabihin nyo kung kailan ang kasalan at uuwi kami ng tita rita mo.sabi ng matanda. Nagulat si Pia at AL. Bakit kayo nagulat?tanong ng matanda sa kanila. Natuwa ang dalawa. Kaya nyo na po Tito? Tanong ni Alberto.  Oo naman, nang binalita ni kuya bigla ako lumakas. Kaya uuwi kami ng tita rita mo. Sige po Tito Sam. Aayusin agad namin ang kasal. Masayang pagtatapos nina AL at Pia. Naging panatag na si AL sa condition ng Tito Sam nya.

Sa paglipas ng mga araw, si Sebastian ay naging abala sa pag aaral maging pastor. Nagkaroon na rin sya ng bible study group kung saan sya ang nagtuturo. Patuloy pa rin sya sa pag attend sa simbahan. Hindi nya namalayan na... Dad, malapit na po ang kasal namin ni Pia. Si Tito Sam at tita Rita, malapit na ring umuwi galing Canada para sa kasal namin.paslala ni Alberto sa ama.nangiti ito sa sinabi ng anak. Oo nga pala no Alberto, parang kailan lang kinukulit kita tapos eh na ikakasal ka na.masayang naluluha ang ama. Mahalin mo asawa mo. Maging mabuting asawa at ama ka sa magiging anak nyo. Ang payo ni Sebastian sa anak. At niyakap nya ito ng mahigpit. 

Isang linggo bago ang kasalang AL at Pia. Nagdadatingan na ang mga kaibigan, kamag-anak nina Pia at AL. Dumating na rin sina Tito Sam at tita rita  galing Canada. Nadistribute na ang mga imbotasyon, ready na ang simbahan, hotel na pagdarausan ng reception. Sa gabi ng kasal nina Pia at AL. Tanging cellpgone na lang ang nag dudugtong sa kanila. Ang bawat isa ay nagpapaalam na sa pagiging single. Si Sebastian, Alberto at Samuel ay nagkaroon ng pagkakataon magkausap ng masinsinan ng gabing iyon. Si Sophia at Sonia ay nag iiyakan at nagtatawanan, nagbilin din si Sonia kay  Sophia ng bagong obligasyon bilang asawa ni AL. At sa mismong araw ng kasal. Lahat ay excited, lahat masaya, lahat naka abang sa pag iisang dibdib nina Sophia at Alberto.

Pagtapos ng kasal tuluyan ng nagpaalam si Alberto sa ama dahil bubukod na sila ni sophia ng bahay. Dad dadalaw pa rin kami ni Pia dito ha.sabi ni Alberto. Oo naman pag hindi kayo pumunta ako ang pupunta sa inyo soPhia at Alberto. Matatapos na ako sa pag aaral ko. Kayo naman ang iimbitahan ko sa graduation ko. Sina Tito Sam at tita rita nyo uuwi by end of the month. Tayo maghahatid sa airport. Sabi ni Sebastian sa bagong kasal. Dad, papaalala ko po yan kay AL, baka makalimutan. Sabi ni Pia sa byenan.

Tito Sam, tita Rita, salamat sa pag uwi nyo.  Pasasalamat ng mag asawa sa mga matatanda. Kumusta na lang po sa mga pinsan ko. Sabi ni Alberto. Kung pwede nga lang na mag migrate kayo doon at doon na kayo manirahan kaso itong si AL ayaw naman. Sabi ng tyuhin sa kanila. Sasamahan po namin si Dad, Tito sam.sagot ni Pia. Tito Sam, pwede naman po kami bumisita doon ni Pia, as tourist. Sagot nyo ticket namin...hehehe..biro ni Alberto sa mga Tito at tita. Uy tama na nga yang paalaman nyong magtyuhin malelate tayo sa airport at traffic. Sabi ni Sebastian sa magtyuhin.. 

Pagkahatid nina Sebastian sa kapatid. Nag sabi ito kina Alberto at Sophia na dumaan sa libingan ni Mateo. Alberto, daan tayo sa sementeryo at gusto ko bisitahin si Mateo. Oo nga pala AL dba sabi ko sa yo na dadaan tayo sa sementeryo.paalala ni Pia kay AL. Oo alam ko dadaan tayo. Hindi ko nakakalimutan Dad, sinabihan ako ni Pia kagabi. Kaya dadaan muna tayo sa flower shop. Bili muna tayo ng bulaklak para kay Daddy Mateo.  

Pagdating sa puntod ni Mateo. Si Sebastian, si Alberto at si Sophia ay nag alay ng ilang sandali ng panalangin at pasasalamat sa buhay ni Mateo. Nang dahil kay Mateo, nagkaroon ng pag asa mabuhay muli si Sebastian. Ng dahil kay Mateo, kinausap ni Sophia si Sebastian sa ospital. At doon nadugtungan ang naputol na relasyon nina AL at Pia. Na ngayon ay isa nang mag-asawa.


Wakas....

  

1 komento:

Condo Sharing

 December 15, ang lipat ni John sa condo na lilipatan nya sa QC, kung saan sya na assign sa bago nyang trabaho bilang ahente ng noodles.  Co...