<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"
crossorigin="anonymous"></script>
Enjoy po kayo sa bonding nyo sir. Sagot ng nurse kay Mr.Sebastian.at doon na nilabas ng kwarto si Sebastian ng mga nurse aides. Habang hinahatid nakikipagkwentuhan pa sya sa mga nurse aides.
Sa loob ng Operating Room, abala mga nurses, nakita sya ni Dr.Sanchez. habang abala mga o.r. staff nakamasid lang si Sebastian, parang may hinahanap. Kinunan na sya ng bp ng nurse, nagdadatingan na ang mga doctor at nurses at ilang saglit lang uumpisahan na ang surgery nya. Hanggang nakatulog na sya gawa ng anesthesia. Makalipas ang ilang oras natapos din ang surgery nya at inilipat na sya sa recovery room. Nagising na lang sya dahil may lumapit na nurse sa kanya, kinunan sya ng bp at chineck ang dextrose, catheter kung gaano garami ang inihi nya. Medyo may effect pa ang anesthesia kaya groge pa sya. Hinihintay lang na maging stable ang bp nya at mautot sya para maibalik na sya sa room.
Medyo pahapon na ng binalik sya sa kwarto. Drowsy pa sya. Pagdating sa ward si Nurse Anna ang naka duty. Umuwi na ba si Mateo? Tanong ni Sebastian kay Nurse Anna. Sino yung nasa kabilang bed?pahabol ni Sebastian na tanong. Napatingin ang mga nasa kabilang bed. Kamag anak sila ni Mr.Mateo.sagot ni Nurse Anna. Nasaan si Mr.Mateo?... hanap ni Sebastian. Natigilan si Nurse Anna. Hindi alam paano sasagutin si Sebastian. Tanging hingang malalim lang ang sagot sa kanya. Napakabuti ni Mr.Mateo. Kahit nagsusungit ako at irritable, hindi sya nagcocomplain sa akin. Sa maikling panahon namin nagkasama sa kwartong ito. Binago ni Mateo ang pananaw ko sa sitwasyon ko.
Nakatingin lamang ang mga kaibigan at kamag anak ni Mateo habang nagsasalita sya. Sa maikling panahon, naibahagi nya sa akin ang Panginoong Hesukristo,na tagapagligtas ng aking buhay. Dahil sa kanya kakausapin ko na ang anak ko na matagal ko nang hindi nakikita at nakakausap. Naluluha na si Nurse Anna. Mag ma Mcdo at mag SM pa kami ni Mateo paglabas namin. Inimbitahan nya ako sa simbahan nila. Habang nagkukwento si Sebastian, nangingiti na at naluluha ang mga tao sa kwarto.
Lumapit si Sophia, ang anak ni Mateo kay Nurse Anna. Nurse, pwede ko ba kausapin yung pasyente tungkol kay Papa? Tanong ni Sophia kay Nurse Anna. Mabuti pa nga ng sa inyo na manggaling. Paalala lang bagong opera si Mr.Sebastian. sabi ni Nurse Anna sa anak ni Mateo. Ipakilala kita kay Mr.Sebastian. sabi ni Nurse Anna. Lumapit sila kay Mr Sebastian. Sir, gusto po kayong kausapin ng anak ni Mr.Mateo. napangiti si Sebastian sa sinabi ng nurse. Sige, nasaan sya.natutuwang paghahanap ni Sebastian. Good morning po Sir Sebastian, Sophia po pangalan ko. Anak ni Mr.Mateo. bungad ni Sophia. Nakatingin lang sina Nurse Anna at Sebastian.
Marami ding napag usapan sina Sophia at Sebastian. Nakahinga naman ng malalim ang magandang nurse na si Anna, dahil si Sophia na ang nagsabi kay Sebastian. samantala si Sebastian pinaghalong lungkot at saya ang nararamdaman dahil walang nang sakit si Mateo, nakapahinga na sya sa piling ng Panginoon at lungkot dahil nawalan sya ng kaibigan sa piling ni Mateo.
Sa pagtatapos ng usapan nina Sebastian at Sophia, ibinigay ni Sophia ang contact number nya at address ng simbahan nila. Sir, malapit na rin po anniversary ng simbahan namin kung kaya nyo na po, inaanyayahan ko po kayo na makarating. Ito po ang address ng simbahan namin at cellphone number ko. Tinanggap ni Sebastian ang munting papel. Nakangiti sya at nagsabing gusto kong makarating sa simbahan nyo. Salamat sa imbitasyon si Papa mo sabi pupunta kami sa simbahan nyo. Kaya pala ang bait nya sa akin. Hintayin ko po text nyo para mabigyan ko kayo ng direction. Salamat po. Aayusin pa po namin si Papa. Ngumiting nagpaalam sila sa isat isa. Salamat Sophia.
Pagka aalis ni Sophia, nagpahinga na ulit si Sebastian. Dahil bawal pa syang kumain ng solid food, tanging sabaw lang muna ang pwede nyang kainin, natulog na lang ulit si Sebastian. Sa pagkakataong ito syay nanalangin muna at nagpasalamat sa Panginoon at nakaligtas sya sa kanyang opersyon.
Gabi na ng magrounds si Dr.Sanchez. pag lapit nya kay Sebastian. Looking good ka na ha. Kumusta ka na? Maayos na doc. Gutom lang. Sabi ni Sebastian. Sige mag order ako sa chart na pwede ka nang kumain pero soft diet muna. Unti unti bago tayo bumalik sa regular meals. Naka IV ka naman kaya walang problema. Ok naman mga labtest mo.sabi ni dr.sanchez. salamat doc. Nagpabili agad si Sebastian sa kanyang bantay ng sopas para makakain. Dahil gutom na gutom na sya.
Laking gulat nya ng dumating ang bantay nya at sinabing may bisita sya. Sino ang bisita ko?wala akong inaasahan sagot nya. Pumasok sa kwarto nya ang isang lalaki na halos kamukha nya. May dalang sopas. Dad, kumusta na po kayo? Si Alberto, ang nag iisang anak ni Sebastian sa kanyang asawa na namatay. Matagal silang nagkatampuhan ni Alberto. Ayaw nya itong kausapin. Pero sa pagkakataong ito...My son...am sorry..ang nasabi ni Sebastian sa anak. Niyakap ni Alberto ang ama. matagal ko na pong gustong makipagusap sa inyo. Pero nagagalit kayo sa akin. Kaya sumusubaybay na lang ako sa inyo.
Nagkwento si Sebastian kay Alberto. Lets make up for the time we miss. Tayo na lang dalawa. Kinwento rin ni Sebastian si Mateo kay Alberto. Pagaling po kayo Dad. Mag mcdo at mag SM tayo pag galing nyo. Doon niyakap ni Sebastian si Alberto, naalala nya si Mateo. Nang gabing iyon si Alberto na ang nagbantay kay Sebastian.
After few days, naging maayos na ang lagay ni Sebastian. Pwede na syang kumain ng regular food. Nakaka upo na rin sya. Less na rin ang pain gawa ng operasyon. Paglapit ni nurse Anna sa kanya. Mr.Sebastian, bago bantay nyo. Kamukha nyo po.sabi ni Nurse Anna. Anak ko Nurse Anna. Si Alberto, ang nag iisa kong anak. Sya ang tutupad ng plano namin ni Mateo. Mag Mcdo kami pag lakas ko.sabi ni Sebastian. Nakangiti si Nurse Anna, dahil kumukuha ng bp. Magpalakas po kayo. Syanga pla Sir, baka umuwi na kayo. Hinihintay lang namin ang order ni Dr.Sanchez.
Masaya si Sebastian sa narinig sa nurse. Mukhang mapapadali ang pag SM natin Dad.sabi ni Alberto. Oo babawi ako sa yo. Syanga pala, kinuha ang papel na binigay ni Sophia at inabot kay Alberto. Ito yung cellphone number ni Sophia, anak ni Mateo. Pakitext sya. At sabihin mo malapit na ko makalabas. Pupunta tayo sa simbahan nila.utos sa anak. Dad, pamilyar ito, parang alam ko itong church na ito.sabi ni Alberto. Alam ko ito Dad!...Alam ko ito.. naka attend na ako dito.dugtong ni Alberto. talaga! Eh di mabuti madali natin mapuntahan. Papagaling ako agad para makapunta tayo dyan. Samahan mo ako.sabi ni Sebastian sa anak. Tuwang tuwa si Alberto sa plano ng ama. Nagtataka naman si Sebastian. Bakit ganun ang saya ng anak sa simbahang nina Mateo...
Itutuloy....
Si Alberto at si Sophia kaya ay pagtatagpuin ng tadhana?
TumugonBurahinBakit interested si Alberto sa simbahan nina Sophia?
TumugonBurahinMay 2nd chance siguro or continuation ang love story nila siguro?
TumugonBurahin