Si Miguel at si Bert

Linggo, Abril 24, 2022

Girlfriend ko po (Dalawang Pasyente Part 4)

 

<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Wala namang tutol sa relasyon nina Pia at Al, dahil pareho na silang nasa wastong edad at parehong may maayos natrabaho. Si Sebastian pa ang nagsabi na gusto nya si Sophia para kay Alberto.  

Alberto, pinakilala ka na ba ni Sophia sa pamilya nya? Girlfriend mo na ba sya?sunud sunod na tanong ni Sebastian kay Alberto. Opo Dad.ang dami mong tanong Dad.sagot sa ama. Anong opo?, opo saan? Yung malinaw.pangungulit ng ama. Kuya, baka po sa lahat ng tanong nyo. Opo ang sagot.singit ni manang sa usapan ng mag ama. Tama ba si manang Alberto? Pinakilala ka na ni Sophia sa pamilya nya at girlfriend mo na sya?paglilinaw ni Sebastian. Opo, Dad, nakangiting sagot ni Alberto. Sabi na sa inyo kuya. Maganda po yung Sophia, kuya at mukhang mabait.singit uli si manang. Kailan mo sya ipapakilala sa amin bilang girlfriend?nakangising tanong ni Sebastian. Inunahan nyo ko Dad. Apurado kayo.pinag-uusapan na namin ni Sophia. Bumubwelo lang kami dahil may work pa ako.sige kailan nyo gusto?..tanong nya sa ama. Asap na sagot ng ama. 

Sa pagdalaw ni Alberto kay Sophia. Nakita nyang may lalaking humalik sa pisngi ni Sophia. Napansin ni Sophia na salubong ang kilay nya. Bakit ganyan itsura mo?tanong ni Pia kay AL. Bakit ka hinalikan nung lalaki?tanong ni AL. Si Vince yun.besobeso lang yun.sagot ni Pia. Halik pa rin yun.may tunog selos na si AL. Natatawang sumagot si Pia. Vince is gay, normal lang yun.walang malisya. Selos ka?natatawang tanong ni Pia. Si Dad, kailan ka raw available? Tanong ni AL. Available saan?nagtatakang tanong ni Pia. Papakilala kita sa kanya as my  girlfriend! Sagot ni AL. Ang haba haba ng hair ko.sagot nya sa boyfriend, sabay ayos ng buhok. Hindi ka na nagselos kay Vince?pahabol ni Pia. Hindi sumagot si AL. Umiba ng tingin. Naka ismid. Hindi nagsasalita. Magkasalubong ang kilay. Biglang natawa. Nagtakip ng bibig. Bakit mo ko tinatawanan?tanong ni Pia. Wala... Wala...ano kailan ka available? Nagmamadali na si Dad.natatawa pero nagpipigil si AL.  Sumbong kita kay sir. Pinagtatawanan mo ko.sagot ni Pia.

Nagkita sa simbahan sina Sebastian at si Sophia. Biglaang nagkita kaya  wala si Alberto. Sir, kumusta po kayo? Si AL po?tanong ni Sophia. Hinatid lang ako. Babalikan nya ko mamaya at may ka meeting ata. Ikaw kamusta ka?  Maayos naman po Sir.sagot ni Sophia. Sophia, may inamin sa akin si Alberto.biglang dumating si Alberto. Dad, nandito na ko. Nagcancel yung kausap ko. Buti na lang malapit pa ako kaya bumalik na ako. Nagulat si Sebastian. Talagang ikaw Dad apurado.dugtong ni Alberto. Tutal nandito na tayo, dapat sana mamaya pang lunch dba Pia. Dad si Pia. Girlfriend ko po.pagpapakilala kay Sophia sa ama bilang girlfriend. Ayun na ang sasabihin ko kanina biglang dumating itong si AL. Mahal na mahal ka raw nya. Kaya imbes na sir,  tito na itawag mo sa akin..pwede rin Dad doon din naman ang punta nun dba AL?masayang pagtanggap ni Sebastian kay Pia. Salamat po  Dad.  Kaya ang simpleng lunch nina Sebastian, Pia at Alberto ay naging malaking salo salo dahil nandoon na rin ang pamilya ni Pia, kayat inimbitahan na rin.

Mula noon mas lalong napalapit si Sophia kina Sebastian. At may pagkakataon pa na bumibisita si Sophia kasama ang pamangkin sa bahay nina Al. Dad, pinagdala ko po kayo ng ulam. Nag abala ka pa Sophia. May lakad kayo ni Alberto? Tanong ni Sebastian kay Sophia. Wala Dad sinamahan ko po lang itong pamangkin ko.sagot ni Sophia. Tita Pia, hindi naman ako nagpapasama sa yo, ikaw ang sumama sa akin.sagot ng pamangkin. Ngumiti lang si Sophia at Sebastian. Nakakatuwa ang batang ito. Ilang taon ka na iho? Ano nga bang pangalan mo? 15na po Carl po.ano po itatawag ko sa inyo tito?sagot kay Sebastian. Pwede mo ko tawaging lolo Seb.nakangiting  sagot ni Sebastian sa apo ni Mateo.

Bukod sa bible study, umaattend na ein si Sebastian ng ibat ibang activities sa church. Habang lumalalim ang relasyon nina Sophia at Alberto, lumalalim din ang involvement ni Sebastian sa simbahan. Nag aaral sya ng husto sa bibliya. Nainvolve na rin sya sa pastoral care ministry.  Si Alberto o kaya naman si Sophia ang naghahatid sa kanya.  Maging sa pagpapaconsulta sa doctor kung minsan si Sophia na rin ang sumasama kay Sebastian. Nakakahiya naman sa yo Sophia, naiistorbo kita. Kumusta kayo ni Alberto, wala pa bang balak magpakasal?tanong ni Sebastian kay Sophia. Ngumiti ang dalaga. Napapagusapan na po Dad, may tinatapos lang si Al, ayun na po ang next na tututukan namin.sagot ni Sophia. 

Sa paglipas ng mga buwan, nagiging kampante na si Sophia bumisita kina Alberto. Madalas na rin nya nakakakwentuhan ang magiging biyenan. Isang araw, naikwento ni Sophia ng magselos si Al kay Vince. Nagulat si Sebastian. Talaga! Nagselos si Alberto kay Vince?natatawang tanong ni Sebastian. Dba...(binaluktot ang kamay) bakla si Vince.dugtong pa ni Sebastian dahil kilala nya ito. Opo Dad, nagselos po sya dahil nakitang bineso beso ako. Bakit daw ako hinalikan nung lalaki.pagkukwento ni Sophia.  Tapos hindi ako sinagot Dad, bigla na lang ako tinawanan. Nagtatawanan sina sophia at Sebastian ng inabutan ni Alberto. Bakit kayo nagtatawanan dyan. Dad baka kung ano . ang kinukwento mo kay Pia ha.sabi ni Alberto, habang binababa ang bag. Wala akong sinasabi sa kanya. Sya ang nagkukwento sa akin.. Nagselos ka pala kay Vince. Sagot sa anak.Pia kinwento mo pa kay Dad yun? Ikaw talaga.aasarin ako nyan pag alis mo. Alam mo naman si Dad. Sabi kay Pia.

Isang araw, nasa opisina si Alberto. Nakatanggap sya ng text galing sa ate ni Sophia. Dinala sya sa ospital dahil sa sakit ng tiyan. Dali daling nagpaalam si Alberto sa opisina at dumiretso agad sa binanggit na ospital. Inabutan nya si Carl at si Vince. Ano nangyari kay Pia? Kumusta na sya?nag aalalang tanong ni AL. Tito sumakit po tyan ni tita Pia.sagot ni Carl. Under observation sya, kinunan ng lab test baka appendix.dugtong ni Vince. Salamat Carl at Vince.buti dinala nyo agad si Pia. Kumain na ba kayo? Tanong ni AL sa dalawa. Bumili na po si mama ng food namin Tito. Pabalik na po yun.sagot ni Carl. Umupo lang si AL sa isang tabi. Pawisan. Hindi alam kung itetext ang ama dahil baka mag-alala.  Hanggang dumating ang ate ni Pia. Dala ang food nina Carl at Vince. Lumapit ang nurse at doctor sa kanila para iupdate sila sa lagay ni Pia. Kinakabahan sila lahat. Hanggang, maayos na po ang lagay ni Ms.Sophia. mabuti at nadala nyo sya agad. Pero kailangan sya maobserbahan kapag ok na sya bukas pwede na sya makauwi. Al pwede ba uwi muna kami ni Carl. Kuha lang kami gamit.sabi ng ate ni Pia. Sge, ako na mag ayos ng room ni Pia. walang problema, sabay tapik sa balikat ni Vince. Salamat Vince buti nandyan ka. Ouch! ang lungs ko  Papa Al.reaksyon ni Vince sa tapik ni AL. Sorry Vince  sabay yakap. Tama na Vince at babalik pa kami ni Carl mamaya. Tayo na.sabay hila kay Vince. Bantayan ko pa si Papa AL.pagbibiro ni Vince. Ok na ko Vince.nakangiti si AL.

Sa bahay, naghihintay si Sebastian kay AL. Pag uwi ni Alberto. Kanina pa ako tumatawag sa yo hindi ka sumasagot. Bakit ka ginabi. Tanong ng ama. Nagkaroon ng emergency kay Pia dad. Dinala sya sa ospital kanina.sagot ni Alberto. Kumusta na sya?tanong ni Sebastian. Ok na pero magstay sya sa ospital for observation. Baka bukas labas na rin sya. Nandun ang ate Sonia nya at si Carl. Kaya ka pala ginabi. Nag aalala kami dahil hindi ka sumasagot.sabi ng ama. Pag naka uwi na sya balitaan mo ko at sa bahay nila ako bibisita.dugtong ni Sebastian. Papahinga na ako Dad. Maaga pasok ko bukas tapos daanan ko si Pia.

Alberto, kailan mo ba aayaing magpakasal si Sophia?Your not getting any younger. Tanong ni Sebastian sa anak. Pagpunta ko sa kanila aayain ko na sya. Kaya Dad, wag ka madaldal pag kausap mo sya baka masira diskarte ko. Sagot ni Alberto sa ama. Pag hindi mo ginawa this week ako na magsasabi kay Sophia na pakasalan ka na.bawi ni Sebastian sa anak. Si  Dad talaga masyado ako pinepressure. Gustong gusto nang magka apo.sagot ni Alberto sa ama. Buti naman alam mo dahilan ko. At akoy nababagalan na sa yo.balik ni Sebastian sa anak.

Madali naka recover si Sophia sa pagkakasakit. Ilang araw din sya nagpahinga sa bahay bago bumalik sa work. Pero bago sya bumalik sa church for her duties.. Nagulat sya sa pagbisita ni Al sa bahay nila. Sa tulong ng pamangkin nyang si Carl at ate Sonia nya. Kinausap ito ni AL para sa proposal na magaganap sa kanilang bahay. Walang ka alam alam si  Pia na may magaganap. Akala nya aalis sila ni ate Sonia nya kaya pinagbihis sya ng maayos. May nag doorbell, pagbukas ni Pia may bata nagbigay ng rosas... Natuwa sya. Pagbalik sa kina uupuan sa sala, may nag doorbell ulit may nagbigay ulit ng rosas. Natuwa sya pero wala pa rin syang alam. Dumarami na ang rosas.  Ate Sonia, sino yung mga batang nagbibigay ng rosas? Tanong nya sa ate. Ewan ko baka yung mga bagong lipat.hindi ko pa sila kilala. Pagtatanggi ng ate nya. Hanggang may nagdoorbell ulit. Ate napapagod na ako. Buksan mo na at may ginagawa pa ako.sabi ng ate nya. Pagbukas nya ng pinto. Nagulat sya dahil hindi na bata ang may dala ng rosas at isang malaking bouquet na ang dala. Pia, sino yung dumating? Tanong ng ate nya. Walang sumagot kaya lumapit na sya sa kapatid.....



Itutuloy....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Condo Sharing

 December 15, ang lipat ni John sa condo na lilipatan nya sa QC, kung saan sya na assign sa bago nyang trabaho bilang ahente ng noodles.  Co...