<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"
crossorigin="anonymous"></script>
Ano ka ba Cecil, bigla ka pumapasok. Kakagulat ka.sabi ni Angelo kay Cecil. Eh iinom ako ng tubig. Malay ko bang may tao dito. Ako nga ang nagulat bakit kayo nandito at nagbubulungan.sagot ni Cecil. Siguro nanalo ka sa lotto Toto kaya nakalimutan mo ang coke at yelo? Yun ang bulungan nyo ano?habang hawak ang baso at nakapamewang si Cecil... Cecil saan ruta ko mamaya? May uutos ka pa?sabi ni Toto kay Cecil. Ako wala pero si Boss Mark wala pang sinasabi, malamang dito ka lang.sagot ni Cecil. Ano Angelo ano pang ginagawa mo dito?Anong bulungan nyo dito? Kayong dalawa talaga may sikreto kayo.pagtatapos ni Cecil. Toto yung change ko nga pala sa P500 ko bago magkalimutan. Para wala ng iniisip itong si Cecil sa atin.sabi ni Angelo. Hindi ko pa pala nabigay, saan ko ba nailagay?... Mamaya ko bigay sa yo.... Wala sa bulsa ko.sagot ni Toto habang kinakapa ang bulsa ng pantalon.
Nag alisan na sina Angelo at Cecil at tinuloy ni Toto ang paglilinis. Habang nililinis ang pantry nakangiti si Toto. Kaya tinuloy na ang paglilinis sa buong opisina. Toto anong meron at nakangiti ka dyan? Nangangarap ka na naman ng jackpot sa lotto no?napansin ni Benjie, sina angelo at cecil nakatingin lang sa computer na napapatingin kay Toto. Hanggang umabot si Toto sa upisina ni Boss Mark. Boss maglinis lang ako pwede?paalam ni Toto kay Boss Mark. Sige Toto, Pasok ka.sabi ni Boss. Toto, pwede bang magpalinis sa yo sa condo? Charge mo ko kung magkano kasi naka bakasyon yung naglilinis sa akin. next week pa babalik, pwede ka ba?. Malapit lang dito condo ko sa likod lang ng Tektite.tanong ni Boss. Sige po Boss kailan po?. Sayang din yan hehe.pagtangap ko sa utos ni Boss Mark. Mamaya na. May lakad ka?....sabi ni Boss. Sige po boss. Magdadala po ba ako ng panglinis?tanong ko kay Boss. Hindi na meron na ako dun. Sabi ni Boss. Paglabas ni Toto sa opisina ni Boss, nakangiti pa rin. Dumiretso ito sa pantry para ibalik ang gamit na panglinis. At dinukot ang lotto ticket na tumama ng 5digits. Bukas ako pupunta sa lotto para kumubra. Kagat labi pa si Toto nang abutan ni Cecil. Huy ano nangyari sa yo dyan. Kagat labi ka pa.bati ni Cecil kay Toto. Na ngiti lang ang sagot habang binabalik ang lotto ticket sa bag. Tawag ka ni Boss Mark. may sasabihin sa yo.sabi ni Cecil. Pagbalik ko sa opisina ni Boss Mark. Toto, sabay na tayo pumunta sa condo. Iwan mo na motor mo baka wala ka parkingan.sabi ni Boss sa akin. Sige po Boss 530pm labas ko.sabi ko kay Boss.
Sabay kami ni Boss Mark pumunta sa condo nya. Naglakad lang kami papunta sa condo. Nasa 40th floor kami ng condo. Ang ganda ng view may balcony ang unit ni Boss. Two bedroom pero isa lang ang gamit nya yung isa para daw sa bisita. Boss Mark umpisahan ko na ang paglilinis.sabi ko sa kanya. sige bihis lang ako kung may kailangan ka sabihin mo lang dito ko sa kwarto.sabi ni Boss Mark. inumpisahan ko sa sala, maalikabok halatang hindi na linis ng ilang araw, ang mga throw pillow ipinwesto ko sa tamang lugar, ang mga remote ng tv at aircon inilagay ko sa tamang pwesto nila. pagkatapos ko dining area naman. May mga marka ng baso ang lamesa ang placemat kailangan labhan, pinunasan ko ang mesa at pinakintab. Nag mop din ako ng sahig. Sa kusina, naghugas ng pinggan, at tinuyo ang buong kusina. Sa banyo, nilinis ko ang shower area, toilet bowl, walls,pati pinto ng banyo. May mga towel na kailangan labhan. Nilagay ko lahat sa laundry area. Yung isang kwarto, malinis naman kaya lang kailangan walisan dahil maalikabok. Nagvacuim ako ng kurtina dahil maalikabok. ng matapos ko na lahat. Kinatok ko si Boss Mark. kasalukuyang nagbibihis si Boss Mark nakatapis pa ng abutan ko. Laki ng katawan nya. Halatang nag ggym kita sa dibdib. Tapos na ako Boss Mark. Ito na lang kwarto mo ang lilinisin. Yung mga kailangan labhan nilagay ko na sa laundry area.sabi ko kay Boss. Sige bihis lang ako. Walang atubiling tinanggal ni Boss Mark ang twalya sa harapan ko at kumuha ng boxer shorts at sando. Nakita ko tuloy ang hubad na katawan ni Boss. Ang puti pala ni Boss Mark, na balbon ang legs. Napalunok ako. Hindi ko akalaing maghuhubad sya sa harapan ko. Nakita ko ang kanyang katawan lahat lahat. Bakit nagulat ka nagbihis lang ako sa harap mo? Meron ka rin nito dba?pabirong sabi ni Boss Mark. Ang laki nyan Boss....hehehe.Balbon ka pala Boss, hindi halata.sagot ko kay Boss. Hindi na nga ako nakapag ahit kapal na bulbol ko. Nag aahit ka rin ba. Ipapaahit ko sa yo to..hehehe..pabirong sabi ni Boss Mark. Hindi ko alam kung biro o totoo, ngumiti na lang ako. Sige, Umpisahan mo sa banyo Toto, tapos palitan natin ang bedsheet para bago na. One week na yan hindi napalitan tapos lahat lagay mo sa laundry area. Sinunod ko utos nya. Ang bango ni Boss Mark. Habang naglilinis ako ng kwarto nya. Nagluto si Boss Mark ng pagkain namin. Pagkatapos ko maglinis lumapit ako sa kanya para ipaalam na tapos na. Kumain ka muna bago umalis. Habang kumakain, binanggit ko na yung mga gamit nya nilagay ko sa side table, wala ako tinapon. Inabutan ako ni Boss Mark ng 2K pagkatapos ko kumain.sabi ko kay Boss. ok lang maayos naman linis mo. Sge kumain ka muna bago umalis. syanga pala Toto, baka maikwento mo sa opis na may mga sex toys ako. Atin atin lang yun ha.bilin ni Boss Mark. Yung mga vibrator ba yun Boss? Napansin ko nga ang dami tatlo ata yun. Nilagay ko sa tabi ng kama pagkatapos ko hugasan kanina.sabi ko kay Boss. Salamat, may bonus ka sa susunod na palinis ko sa yo. Ingat ka sa pag uwi, medyo gabi na.sabi ni Boss. At nagpaalam na ako pagkakain ko.
Pag uwi ko sarado na tindahan ni Nanay, pero gising pa sya. Toto ginabi ka ata? saan ka galing?tanong ni nanay. Nay gising ka pa pala. Galing ako sa condo ng boss ko nagpalinis ng unit nya. Binayaran ako dalawang libo. Sabi ko ang laki nito. Ok lang daw. Kaya ako ginabi nay.sagot ko kay nanay. Kumain ka na ba?ipaghain kita?alok ni nanay. Busog pa po ako nay, pinakain ako ni boss bago umalis dahil gabi na rin.sabi ko kay nanay. O, sige pahinga ka na.sabi ni nanay. Nay, nanalo ko sa lotto 5digits sa 6/45 balak ko kubrahin bukas.pabulong ko kay nanay dahil tulog na ang kapatid. Talaga kuya nanalo ka sa lotto? Mayaman na tayo?biglang sagot ng kapatid ni Toto na akala nila ay tulog na. Nagulat si Toto at Nanay nya. Ano ka ba Crisanto, nakakagulat ka.kala ko tulog ka na!... Nakarinig ka lang ng nanalo kuya mo gising ka pa pala.sabi ng nanay nya. 5digits lang Crisanto hindi pa jackpot. Sabi ni Toto sa kapatid. Jackpot na rin yan kuya. Malaking halaga yan 5digits.sabi ng kapatid. Sige kuya tulog na ulit ako. Balato ko bukas ha.sabi ng kapatid.
Nagpasama si Toto sa kapatid na si Crisanto sa pagkubra ng 5digit prize nya. Hiningan sila ng ID at hiningi ang ticket. Pagkatapos ma verify pinaghintay sila sandali. May pinapirmahan sa kanila at saka ibinigay ang checke na napanalunan. Dumiretso sina Toto sa Landbank at pinapalitan. Nagwithdraw lang ng konti si Toto para sa nanay at kapatid nya. Yung iba dineposito nya sa bank account nya para maplano ang gagawin nya sa pera. At pumasok na sya sa opisina na kasalukuyang naghihintay sina Cecil at Benjie sa kanya. Mr.Crisostomo Manalo why are you late?bungad sa kanya ni Cecil na alam nyang galit kapag nag eenglish na si Cecil. Ito Toto dalhin mo agad itong mga ito sa Makati. Hinihintay na ito. Bakit nalate ka? Hindi ka man lang nagpasabi.nagmamadaling pagkausap sa kanya ni Benjie. Alam ni Toto na may kasalanan sya kaya hindi na sumagot. Binilisan na lang ang kilos. Lahat ng utos sa kanya ng mga sandaling iyon ay mabilisan. Sa Makati ang kay Benjie, Sa BGC ang kay Cecil, at ang huling instruction ni Cecil ay sa Ortigas lang. Pagbalik nya sa opis ng hapon ay kinausap sya ni Cecil sa conferrence room. Nagsorry si Toto dahil hindi sya nakapagpasabi na malalate sya. Paglabas nila ng conferrence room, nasa labas si Boss Mark. Kayo pala ang nandyan sa loob kala ko may cliente. Toto, anong kaso mo at nasabon ka ni Mam Cecil?...hindi sumagot si Toto. Kamot ulo lang ang sagot kay Boss Mark. Si Cecil ang sumagot. Company policy Boss, kaya may memo ka pipirmahan mamaya. Kahit si Boss Mark walang nasabi. At naghiwalay na silang tatlo. Si Toto sa pantry kung saan madalas sya pumwesto. Ano sabi sa yo ni Cecil?tanong ni kuya Benjie. Napagalitan ako bakit daw ako hindi nagpasabi na malate ako. Para nagawan ng paraan.sagot ko kay kuya Benjie. Ganun talaga kasi we are a team. Coordinated tayo dito. Kasi kami rin mapuputukan. Kaya lahat tayo dito mahalaga.sabi ni kuya Benjie. Trabaho lang walang personalan.dugtong pa nya. Bakit ka nga ba nalate? Ngayon lang nangyari yan.pahabol ni kuya. Ngumiti lang si Toto. Sige mag ayos ka na at stressful ang araw na ito sa atin. Uwian na tayo. Bukas na lang ulit. Wag ka magpa late. Sabi ni kuya Benjie. Nag ayos lang si Toto ng pantry, at naglinis ng opisina. Sila ni Cecil ang huling lumabas. Hindi nagkikibuan hanggang elevator. Nahihiya si Toto kay Cecil. Hanggang maghiwalay silang dalawa sa lobby ng bldg doon lang nagsalita si Cecil para magpaalam.
Kinabukasan, pag pasok ni Toto si Angelo ang inabutan niya. Ang aga mo pumasok Toto may ipapagawa ba sa yo si Cecil?bungad ni Angelo habang nagkakape sa pantry. Wala pa naman. Nasermunan ako kahapon dahil late ako hindi ako nagpasabi. Kinausap ako kahapon bago umuwi.sagot ko kay Angelo. Wala yun.trabaho lang wag mo na uulitin.kung malelate ka magpasabi ka. Papayagan ka naman. Pero kung bigla kang malate ng wala lang lagot ka.sabi ni Angelo. Yan rin sabi ni kuya Benjie. Next time magpaalam ako. Para iwas aberya.sagot ni Toto. Bakit ka nga ba nalate?.. umalis ako na wala ka pa kahapon.Bihira mangyari yun ah. Pagtatakang tanong ni angelo. Ah eh..wala.may inasikaso lang. Nagpasama yung kapatid ko.sagot ni Toto. O sige.trabaho na tayo. Darating na yung mga yun. Punta na ko sa computer ko at makapag umpisa na.sabi ani Angelo. At nag umpisa na rin si Toto maglinis ng opisina. Nagdadatingan na rin sina Benjie at Cecil. Ang aga mo Toto, sige ihanda ko na ipapagawa ko sa yo para makarami tayo.sabi ni Cecil na parang wala lang samantalang si Toto, nahihiya pa rin dahil nasermunan kahapon. Affected ka pa rin ba sa nangyari kahapon? Trabaho lang. Basta wag mo lang uulitin. Trabaho ko bilang HR ang ginawa ko.sabi ni Cecil. Pasensya na Cecil. Naintindihan ko na. Parepareho nga sinabi nina kuya Benjie at Angelo. Paliwanag ko kay Cecil. Siguro nanalo ka sa lotto at kumubra ka kahapon kaya ka na late no?....kakailan ka papakain? Pizza lang ok na...biro ni Cecil. Sige next week. Nabiglang sagot ni Toto sa biro ni Cecil. Sige alis na ako, balik ako agad baka may uutos ka pa.paalam ko kay Cecil. Sige ingat ka.sabi ni Cecil
Makalipas ang ilang araw back to normal na si Toto. Maaga pumasok, masayahin at higit sa lahat hindi na nalelate. Nasalubong nya si Boss Mark sa hallway Toto, pwede ka bang regular na maglinis sa condo ko?tanong sa kanya. Wala ng balak bumalik si manang. Ayaw na pabalikin ng anak nya dito.sabi ni Boss Mark. Nagulat si Toto... Ano araw ako maglinis Boss Mark. Balik nya sa boss. Pag usapan natin kung kailan para hindi ka maipit dito. Pwede after work o weekend. Pag usapan natin minsan.sabi ng Boss. Sige Boss dagdag kita yan. Salamat Boss nagustuhan mo linis ko. Kahit mabilisan.sabi ni Toto. Bakit ka may dalang pizza?sino magpapakain naman ngayon?tanong ng Boss. Ah ano Boss, ako. Tumama kasi ako sa lotto.Kaya blow out ko.sabi ni Toto. Milyonaryo ka na pala baka hindi mo na ko paglinis nyan.biro ng Boss. Hindi naman Boss 5digits pa lang tinamaan ko hindi pa 6digits hehehe.. O sige may meeting ako. Basta usap tayo pagbalik ko mamaya.paalam ng Boss. Pagpasok ni Toto sa opisina. Pizza delivery from Pizza Hut.masayang bati ni Toto. Angelo nagpadeliver ka tanong ni Kuya Benjie. Tamang tama papalabas si Cecil ng opis nya. Toto ngayon ka pala magpapa pizza hindi mo sinabi. Kaaalis lang ni Boss.sabi ni Cecil. nasalubong ko nga eh.babalik daw sya mamaya.sagot ni Toto. Tamang tama ang pizza mo Toto at gutom na ako. Tayo nang kumain.sabi ni Angelo. Ano Toto tumama ka sa lotto.aamin ka na?...hehehe tanong ni Kuya Benjie. Oo tumama yan pero ayaw sabihin kung magkano. Kaya sya na late noon. Kumubra..ang mahalaga nakatikim tayo ng panalo nya hahaha..sabi ni Cecil. Kain na tayo kuya. Masayang pag anyaya ni Toto sa lahat.
Cecil babalik pa si Boss Mark?tanong ko kay Cecil. Ang alam ko oo. Nagsasabi yun pag hindi na babalik. Sagot ni Cecil kay Toto. Sabi nga nya babalik sya pero wala pa pasado alas sais na.sabi ko kay Cecil. Naghintay pa si Toto sa Boss nya. Bago mag alas syete dumating, wala na sina Cecil. Si Toto na lang ang inabutan. Toto pasensya na humaba meeting namin. Gutom ka na ba? Kain na muna tayo, mag drive thru na lang tayo tapos sa condo na tayo kumain.sabi ng Boss ni Toto. Sumunod lang si Toto. Sa kotse na ng Boss sya sumakay. Toto ano gusto mo jollibee o mcdo?hinawakan pa sya sa hita ng boss. Nakiliti si Toto napansin ng Boss nya. Lakas ng kiliti mo ah.medyo po Boss. Sagot nya. Hanggang makarating sila sa condo. Binaba nina Toto ang pagkain. Ang Boss nya diretso sa kwarto. Bihis muna ko Toto. Ikaw na bahala dyan.utos ng Boss nya. Nang maihain na ni Toto ang inorder nila sa drive thru, lumabas na si Boss Mark naka boxers at sando lang. Feel at home. Kain na tayo muna.sabi ng Boss kay Toto. Pagkatapos kumain sa living area na sila nag usap ng Boss. Toto, ayun nga gusto kita kunin na taga linis dito. Regular na dahil si manang hindi na babalik. Kasama na paglaba ng damit ko may washing machine naman.sabi ng Boss. Ok lang Boss tuwing anong araw ako pupunta dito boss?at magkano sweldo ko? Hehe.. Mahalaga yun dba boss.nakangiti si Toto. 3x a week siguro punta ka dito. Pagtapos mo maglinis pwede ka na umuwi, tapos na trabaho mo. 5K a month ok na ba yun Toto? Tanong ng Boss sa kanya. Ok na yun Boss. Lagi ka nandito Boss pag maglinis ako?para nakikita mo gawa ko.tanong ni Toto. Yes para masabi ko sa yo gagawin mo. Ano ok na tayo. Bukas pwede ka na mag umpisa? Tanong ng Boss. Yes Boss. Pwede ko ba sabihin sa opis na ako ang tagalinis mo Boss? Tanong ni Toto sa boss. Wag na baka kung ano pa isipin ng mga yun..after work naman kaya wag na.sabi ni boss. Sige boss uwi na ako. Kinamayan ni Toto ang boss at napansin nyang mainit ito na parang may lagnat. Boss mainit ka. May lagnat ka? Hinawakan pa nya ito sa braso at sa leeg. Pasensya na boss napahawak ako sa leeg mo. Parang may lagnat ka.pagmamalaskit ni Toto sa boss. May thermometer ka Boss? May biogesic ako sa bag? Inom ka muna bago ko umalis.kumuha ng tubig si Toto at pinainom ang Boss. Salamat Toto. Kaya ko na. Gagabihin ka. Naghihintay nanay mo.sabi ng Boss kay Toto. Boss Mark, check mo temperature mo, inom ka gamot..iiwan ko na itong biogesic ko. Daanan kita boss sa umaga bago ako pumasok sa opisina para check ko kung ok ka na.sabi ni Toto sa boss. Bahala Ka Toto. Ikaw talaga. Tagalinis hanap ko pati pala nurse pwede ka. Jackpot ako sa yo Toto.sabi ni Boss. Boss uwi na ako. Daan ako bukas bago pumasok. Inom ka gamot boss.paalam nya sa boss. Mag ingat ka Toto.sabi ng Boss kay Toto....
Ano mangyayari kay Toto at Boss Mark nya.
Itutuloy..