Si Miguel at si Bert

Linggo, Hulyo 10, 2022

Benjies Story (Jackpot sa Lotto Part 2)

 <script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Magkano na ba tayaan sa lotto.tanong nya. P20 lang ang 6digits.sagot ko. Kape tayo kuya Benjie.alok ko sa kanya. Sige Toto, tapos na kami kanina ni Angelo. Lalabas ka na ba?tanong nya sa akin. Pagkakape ko alis na rin ako dito lang sa Ortigas ang mga utos ni Cecil para makabalik agad. May uutos ka?sabi ko kay  kuya Benjie. Wala naman. Sana tumama ka sa lotto. Basta wag lang sobra sobra ang taya.bilin nya. 

Pag baba ko ng opisina, diretso na ako sa  building na pupuntahan ko. Naglakad lang ako papunta sa  Taipan Place para i-delivery ang documento na papapirmahan ko. Babalikan ko na lang. Sa likod ng building doon muna ako tumambay. May convenience store doon. At sa katabi may canteen na may lotto outlet. Sakto tataya ako sa 6/45 ang draw ng araw na yun nasa 15M ang jackpot. Sana manalo ako ng higit sa apat na numero o di kaya jackpot na 15M. Pagkataya ko kumain muna ako ng turon at pagkatapos binalikan ko na sa Taipan Place ang documentong iniwan  ko. Good afternoon Sir, bati ko sa nakaupong guard. Tapos na po yung pinapirmahan ko. Sabi ko kay guard. Eto oh, paki check kung ito yung sayo. Inabot ni guard ang envelope. Binuksan ko at inisa isa kung may pirma lahat ng papeles. Chineck ko kung kumpleto rin. Sir kumpleto po lahat salamat po. Paalam ko kay manong guard. At bumalik na ako sa opisina. Inabutan ko si Kuya Benjie. Kuya, nandyan pa si Angelo? Tanong ko sa kanya. Oo nandyan baka nasa pantry. Dumiretso muna ako sa office ni Cecil para ilagay ang document na inutos nya. Atsaka ako dumiretso sa pantry. Walang tao sa pantry. Naglinis muna ako. Kuya Benjie, walang tao sa pantry. May ipapagawa ka pa? sabi ko kay kuya Benjie. Paki xerox ito naubusan na tayo Toto.sabi ni kuya. Toto bakit ang saya mo? Wala lang kuya sige baba na ako.paalam ko kay kuya Benjie. Pag alis ko dumating si Angelo. Angelo hanap ka ni Toto kanina. May sasabihin ata sa yo.sabi ni kuya Benjie. Wala yun  kuya baka mangungutang lang yun. Kuya mag out na ako ha. Undertime ako. Nagpaalam ako kay boss.sabi ni Angelo. Anong sabihin ko kay Toto pag balik nun. Hahanapin ka nun.sabi ni kuya Benjie na parang nanunukso. Kuya ano ka ba.Hindi ko type ang payatot na hapon na yun.Sige may lakad ako ngayon. Tatawa tawa lang si Benjie na naiwan sa opisina.

Pag alis ni Angelo, eksakto naman bumalik ako. Kuya Benjie, ito na ang inutus mo. Daming nagpapaxerox.kaya natagalan ako.sabi ko kay kuya. Salamat Toto. Kaaalis lang ng Angelo. Hindi ba kayo nagkasalubong sa elevator?sabi ni kuya. Sayang hindi ko sya inabutan.sabi ko kay kuya Benjie. Ano bang kailangan mo kay Angelo at hinahanap mo sya.tanong ni kuya. Birthday ni Angelo bukas kuya, may regalo ako sa kanya. Bukas ko na lang ibigay sa kanya.sabi ko kay kuya. Ikaw na yata ang bagong jowa ni Angelo, Toto no?tukso ni kuya. Hindi kuya. Kaibigan lang atsaka pag birthday mo kuya   regaluhan din kita.sabi ko kay kuya Benjie. Bukas mo na maibigay yan.Agahan mo ang pasok  para matuwa yun. Niloloko ko nga kanina. Kaso may lakad kaya nag undertime.sabi ni kuya. Ano tumaya ka na naman ng lotto kaya nakangiti ka?.sabi ni kuya. Kuya meron ka pa uutos? pag iwas ko kay kuya Benjie. Wala na tapusin ko lang ito at mag out na rin ako. Sabay na tayo bumaba.sabi ni kuya. Linisin ko lang  office ni Boss at ni Cecil para pagbalik nila bukas maayos.sabi ko kay kuya Benjie.

Pagbaba namin, akala ko maghihiwalay na kami ni kuya Benjie. Nag aya pa ito na kumain muna. Toto, kain muna tayo sa kfc sagot ko.sabi ni kuya. Sige ba kuya, Gutom na nga ako eh.sabi ko sa kanya. Sya na ang Umorder para sa aming dalawa.Hindi kami nagmiryenda Ni Angelo. Hindi dumaan si manang.sabi ni kuya. Habang hinihintay namin ang order. Kwentuhan kami ni kuya Benjie. Matagal na pala sya sa opisina may sampung taon na. Tanungin ko sana kung may asawa sya biglang tinawag na ang number namin. Customer no.10. ako na ang tumayo at kumuha ng order namin. 1pc chicken, extra rice, sundae at soft drinks.  Habang kumakain. Binalikan ako ni kuya Benjie. Ano yung sasabihin mo kanina Toto? Tanong ni kuya. Ah... Eh...nakalimutan ko na kuya, pag naalala ko na lang.ang sabi ko.pero ang totoo nahiya ako baka magalit. Habang kumakain kami, nagkwento si kuya Benjie. Sa KFC  pala sila laging kumakain ng dati nyang girlfriend na napangasawa nya. Limang taon na pala syang byudo. Bagong kasal sila noon nang magpunta sila ng asawa nya sa Baguio para maghoneymoon,  sa Hyatt Hotel sila nag check in. At sa di inaasahang pagkakataon lumindol ng nahalos umabot sa intensity 7. Gumuho ang hotel at ilang building sa Baguio.At yun ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang asawa. Natatandaan ko yung lindol na yun kuya nasa school kami noon. High school na ako noon. Pinauwi kami agad. Natigilan si kuya sa pagkukwento. Tinanggal nya ang salamin at nagpunas ng luha. Kuya Benjie, ito pa  tissue. Hanggang ngayon mahal na mahal mo pa rin asawa mo kuya. Kaya pala wala kami nakikita na girlfriend mo. Ngumiti si kuya at nag aya kumain. Kain na tayo masarap ang chicken dito. Kung gusto mo order pa tayo ng spaghetti.sabi ni kuya Benjie. Ok na to kuya ang dami na nitong order natin. At kUmain na kami ni kuya Benjie ng tahimik. Nakangiti na sya pag kakain namin. Ano plano mo sa birthday ni Angelo bukas?tanong nya sa akin. Nagulat ako sa sinabi nya. Wala kuya. Bigay ko lang gift ko sa kanya. Dahil lagi nya ko pina pautang kaya ko sya regaluhan.sabi ko. Kala ko ikaw na bago nyang boyfriend kaya hinahanap mo sya.biro ni kuya. Hindi ako magustuhan ni Angelo. Mga gymfit ang type nun.sabi ko. Oo nga sabi nya. Payat mo kasi, kaya kita treat baka tumaba ka.sabi ni kuya. Hindi ako tabain kuya.sa amin ako lang ang payat lahat ng kapatid ko matataba, kasing katawan mo yung bunso namin.sabi ko. Sinasabi mong mataba ako Toto..ganun ba yun..pabiro ni kuya. Nagtawanan kami. O sige kita tayo bukas sa opisina. Yung regalo mo kay Angelo baka maiwan mo sa bahay.sabi ni kuya. Hindi kuya, iniwan ko na sa table ni Angelo, para pagdating nya matuwa yun.maaga pumapasok yun.sabi ko. Salamat kuya sa treat. Doon na kami naghiwalay ni kuya Benjie.

Kinaumagahan sa opisina, maagang pumasok si Angelo. Nakita nya ang regalo na iniwan ni Toto. Kanino kaya galing ito. Para sa akin ba ito.bulong ni Angelo. Tamang tama papasok si Cecil. Happy Birthday Angel.bati nya kay Angelo.sabay abot ng regalo. Ay may nauna na nagregalo sa yo!gulat na reaksyon ni Cecil. Kanino galing yan?tanong nya. Ewan walang nakalagay. Kala ko sa yo.sagot ni Angelo. Pagpasok ni Benjie, nakita nya ang dalawa. Hi Cecil, kumusta si Ryan.bati nya. Maayos na kuya Benjie.sagot ni Cecil. Angelo yung regalo ni Toto sa yo nakita mo na?sabi ni Benjie kay Angelo. Yung payatot na yun talaga. Nag abala pa.sabi ni Angelo sa dalawang kasamahan. Lagi mo raw kasi sya pinapautang hehehe.sabi Benjie. Aba..isang araw lang ako nawala may ganap agad.sabi ni Cecil. Lagyan ba ng malisya ang regalo ni payatot . May ganun agad. Sagot ni Angelo habang nakapamewang kay Cecil at nagtawanan silang tatlo. Sagot ko lunch mamaya. Nag order ako mga 1130am darating. Wag na kayo umorder ha.sabi ni Angelo sa dalawa. Buti na lang hindi ako nagbaon.sabi ni Cecil. Si Toto kasama sa inorder mo?tanong ni Benjie. Syempre lahat tayo kasama. Ano ka ba kuya.sagot ni Angelo. Mabuti na yung sigurado. Bakit wala pa si Toto?napansin ni Benjie. Parating na yun. Si Toto pa. Baka susurpresahin lang si Angel, kaya nagpalate. sabi ni Cecil.

Pagpasok ni Toto, may dala syang cake at lobo.. Pakanta kanta pa.. Happy birthday Darna! Alam ni Angelo na sya ang Darna na binanggit ni Toto, pero sina Benjie at Cecil ay nagkatinginan. At sabay na nagsabing Darna! Sino si Darna? Nginuso si Angelo, sabi nya nung minsan Angel daw itawag ko sa kanya o kaya pwede ring Darna. Habang naghihintay...pinutol na sya ni Angelo sa pagkukwento, tama na Toto  baka kung ano pa masabi mo. May usapan tayo dba? Itong dalawang ito may sikreto pala.sabi ni Cecil. Ilagay ko na ito sa pantry muna. Cecil saan ruta ko ngayon? Dito lang sa Ortigas para makabalik ka agad at may palunch si DARNA! sabay tingin kay Angelo. Kuya Benjie, may isasabay ka ba kay Ding aalis na ito. Wala napaxerox na kahapon. Si darna na lang tanungin mo kung may idadagdag pa.sabi ni Benjie. Darna lalabas na si Toto, may uutos ka. Dito lang yan sa Ortigas para makabalik before lunch. Soft drinks na lang Toto mga 2Coke at ice cube para sa lunch natin.ito P500 soli mo sukli ah.pabirong inabot ang P500.sige alis na ako Cecil.  Pagbaba ni Toto dumaan muna sya sa mga nagtitinda ng dyaryo at tinignan ang mga headline, at syempre ang lotto results. Dahil memorize nya numero nya hindi na kailangang ilabas ang ticket nya. Napangiti si Toto dahil naka 5numbers sya sa 6.45 lotto malaki laki ang premyo kapag 5digits kayat excited sya na tapusin ang trabaho para makabalik sa opisina. 

 Cecil nandito na ako.sabi nya pagpasok. Toto ang Coke asan na?sabi ni Angelo..Coke at yelo!,  ay nakalimutan ko sandali lang baba ako.dali daling bumaba ako papunta sa 7.11para bumili ng coke at yelo. At halos hingalin sa pagbabalik nya. Eto na ang coke at yelo...habang hinihingal pa. Toto, ano nangyari at nakalimutan mo ang yelo at coke?tanong ni benjie. Ngumiti lang si Toto. O sige kain ka na. Tamang tama ang dating mo.kakadeliver lang ng food. Sagot ni darna lahat yan. Pagtingin ni Toto sa table. Nagulat sya ang dami naman nyan Darna.sabi ni Toto. Para tumaba ka raw .biro ni Benjie. Para sa ating lahat yan.sabi ni Angelo. Kayong dalawa may sikreto kayo ha.sabi ni Cecil. Malalaman din natin ang sikreto nila Cecil.sabi ni Benjie. Kain na tayo,  kung anuano pinag iisip nyo. Toto ito para sa yo.inabot ni Angelo ang plato kay Toto. Cecil kuha na kayo.sabi ni Angelo. Si Toto lang pagsilbihan mo? Tignan mo naman ang payat payat. Kailangang patabain yan baka liparin ng hangin.sabi ni Angelo nakatingin lang si Toto at si Benjie ay kumukuha na ng pagkain nya. Sige  na nga si Boss Mark  dalhan natin ng food sa room nya. Eksakto papalabas ng office si boss nila. Boss Mark kain po.alok nila kay Boss. Anong meron?balik sa kanila. Birthday ni Darna.sagot ni Cecil. Sinong Darna?bagong empleayado natin?sabi ni boss. Ayan po Boss si Angelo, sya si Darna. Birthday nya.sabi ni Cecil kay Boss. Happy Birthday Darna, napangiti lang si Boss. CR lang muna ako.sabi ni Boss.

Pagbalik ni Boss, Angelo, salamat nga pala at nag OT ka nung Sabado. Buti natapos mo yung pinagawa ko sa yo.sabi ni Boss. Report ko sa mga investors natin and shareholders.pasasalamat ni Boss kay Angelo. Ang dami nitong handa mo. Ilang taon ka na ba?anyway sorry to ask that question bawal nga pala.pahabol ni boss. Patuloy kaming nagkwentuhan habang kumakain. Hanggang magtanong ulit si Boss kay Angelo. May bisita ka nung sabado, Angelo, kaibigan mo?tanong ni Boss na kinagulat naming dalawa dahil ang alam namin kami lang ni Angelo ang nandoon sa opisina. Dumaan ako dito noong sabado nakita ko may kausap kang lalaki, ganda ng katawan. Hindi na kita kinausap baka maistorbo pa kayo. May kinuha lang ako sa opisina ko. Pag labas ko nag uusap pa rin kayo. Kaya umalis na rin ako.pagtatapos ni Boss. Hindi namin namalayan Boss na dumaan ka?sabi ko kay boss. Ngumiti si Boss.ang sarap nitong embotido at cordon bleu. Pwede ba  umorder nito? Sabi ni Boss. Yes boss, sagot ni Angelo kay Boss. Hindi nagpahalata na nagulat sya. Pagkakain ni Boss, umalis na rin sya at nagbalikan na sila sa kanya kanyang table dahil mag 1pm na. 

Ako na lang ang naiwan sa pantry para maglinis ng mesa. Si Angelo, binalikan ako. Dumating pala si Boss nung Sabado, napansin mo?bulong nya sa akin.Hindi, ang alam ko tayong dalawa lang ang tao dito nung sabado. Sarado opisina nya, wala akong susi noon kaya hindi ko nilinis yun.sagot ko kay Angelo.  Narinig kaya ni Boss ang pinag usapan namin ni Randy? Nakita kaya nya na umiyak ako?.Patay ako.. Ano pinag uusapan nyong dalawa dyan. Pabulong pa kayo mag usap.biglang pasok ni Cecil sa pantry. Pareho kami ni Angelo nagulat at muntik pang magka untugan. Itong si Cecil lakas ng tawa sa itsura namin ni ANgelo. Ano ka ba Cecil, bigla ka pumapasok. Kakagulat ka.sabi Angelo kay Cecil. Eh iinom ako ng tubig. Malay ko bang may tao dito. Ako nga nagulat bakit kayo nandito at nagbubulungan.sagot ni Cecil. Siguro nanalo ka sa lotto Toto kaya nakalimutan mo ang coke at yelo? Yun ang bulungan nyo ano?habang hawak ang baso at nakapamewang si Cecil...



Itutuloy....

3 komento:

  1. Aamin kaya si Toto kung nanalo sya sa lotto? May alam kaya si Boss sa bisita ni Darna?.ano ang mangyayari sa part 3?

    TumugonBurahin
  2. Magkagusto kaya si Angel kay Toto? Bait ni Toto sa kanya?

    TumugonBurahin
  3. Ano gagawin mo pag nanalo ka sa lotto ng jackpot prize?

    TumugonBurahin

Condo Sharing

 December 15, ang lipat ni John sa condo na lilipatan nya sa QC, kung saan sya na assign sa bago nyang trabaho bilang ahente ng noodles.  Co...