Si Miguel at si Bert

Sabado, Abril 2, 2022

Dalawang Pasyente (Mateo at Sebastian Story)

 

<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Umpisahan natin ang bagong storya sa pagpapakilala ng mga tauhan ng DALAWANG PASYENTE. Si Mateo, masayahing indibidwal kahit may matinding pinagdaraanan. Nasa dapithapon na ng buhay. May sakit na colon Cancer at determinadong gumaling kahit ilang operasyon pa ang pagdaanan. Si Sebastian, nasa dapithapon na rin ng buhay, kailangan ng operasyon para makaligtas sa kamatayan, subalit ayaw ng mabuhay. Isa nang balo at iniwan ng nag iisang anak. Si Doctor Sanchez, isang surgeon sa isang kilalang ospital sa Pasig. Si Nurse Anna, matiyaga at magandang nurse na laging ipinaparehas sa mga doctor. Sila ang mga pangunahing tauhan sa kwento ng DALAWANG PASYENTE (si Mateo at Si Sebastian).

Isang araw nagpunta si Mateo sa ospital sa Pasig para sa kanyang annual check up. Binigyan sya ng doctor ng referral para sa laboratory test, kasama na ang xray at ecg. Sa kanyang pagbabalik sa doctor dala ang lab result. Nakita nya ang pagbabago sa itsura ng mukha ng doctor. Kayat.... Doc, nag iba ang itsura nyo. Ano resulta ng mga lab test ko? Nakangiting patanong ni Mateo sa Doc.halatang walang nararamdaman sa katawan. Tanging lab test lang ang makapagsasabi. Mr.Mateo, mayroon akong nakikitang hindi maganda sa iyong lab test kaya nag iba ang itsura ko. Kayat bibigyan kita ng isa pang referral para maconfirm natin ang diagnosis. Kailangan mong gawin ang labtest na ipagagawa ko agad at ibigay ang resulta asap. Nakangiti pa rin si Mateo. Willing gawin ano man ang request ng doctor. 

Sa pagbabalik ni Mateo sa doctor, dala ang resulta ng additional lab test. Masaya nyang inabot sa doctor ang lab result. Binasang mabuti ng doctor ang resulta. Pagkatapos, tinawagan ang secretary at pinatawagan ang isa pang doctor. Si Dr.Sanchez, isang surgeon. Pagkakausap sa secretary, kinausap si Mateo at sinabing irerefer kita sa isang surgeon kay Dr.Sanchez dahil sa kanyang condition. Emergency ang case ni Mateo. Kailangan syang maconfine  sa hospital para maoperahan. Maaari lamang syang umuwi para kumuha ng gamit at bumalik para ma admit na.

 Inadmit si Mateo sa hospital, pero wala sa mukha nya ang pag aalala. Sa kanyang hospital room na pangdalawahan sya na admit. Wala pa syang kasama. Malapit sya sa bintana kaya nakikita nya ang nasa labas kahit likod lang ito ng ospital. Dumating si Nurse Anna, para kunan sya ng vital signs. Nakangiti si Mateo, masayang nakikipag usap kay Nurse Anna. Dumating din si Dr. Sanchez, nagpakilala din kay Mateo. Walang bahid na pag aalala si Mateo dahil alam nya na magagaling ang doctor sa ospital. Pagkatapos magpaliwanag ni Dr.Sanchez, syay lumabas na at nagpunta sa nurse station at nagbigay ng orders sa chart.  

Kinagabihan, sa room ni Mateo dumating ang isa pang pasyente si Sebastian. Mukhang irritable. Ayaw magpakuha ng vital signs sa mga nurses. Nakatingin lang si Mateo. Napapangiti. Hanggang dumating ang rasyon na pagkain sa ospital.  Nakangiti itong tinanggap ni Mateo.  Mukhang masarap yan ha. Ang bango nakakagutom, sabi ni Mateo sa nagdeliver ng pagkain. Si Sebastian, wala pang rasyon dahil kararating lang nya. Inalok sya ni Mateo. Kain tayo, sarap ng sabaw.masayang umpisa ni Mateo. Tinignan lang sya ni Sebastian. Walang sinabi. Lumipat ng tingin sa kabilang side ng kama.  Ngumiti lang si Mateo sa reaction ni Sebastian. At syay nagumpisa nang kumain. Sarap na sarap si Mateo. Pagkakain ng hapunan dumating si Nurse Anna para ibigay ang kanyang panggabing gamot at pagkatapos ay naghanda na rin  si Mateo sa kanyang pagtulog. Narinig ni Mateo si Nursr Anna na kinumusta si Sebastian ngunit hindi ito sumagot.

Pagkagising sa umaga, nagising si Mateo dahil sumisigaw si Sebastian sa mga medtech na kukuha ng dugo sa kanya para sa labtest. Ayoko!...Ayoko!..Ayoko!...sabi ni Sebastian sa mga medtech habang naka halukipkip para hindi makunan ng dugo. Ayaw nya ibigay ang braso sa mga  med tech ang kamay. At walang magawa ang mga ito.  Hanggang sa kinausap sya ng nurse on duty na kailangan syang kunan ng dugo para sa operasyon nya.  Ayokong magpaopera. Ayoko nang mabuhay! sagot ni Sebastian sa nurse. Kalma lang Mr.Sebastian. huminahon kayo. Sasabihan ko si Dr.Sanchez.mahinahong sagot ng nurse. Pagkatapos lumapit ang nurse sa akin. Kumusta ka Mr.Mateo? Nainom nyo na po ba ang gamot nyo. Nakapag almusal na kayo?tanong sa akin ng nurse. Ok lang ako. Kukunan ba ako ng dugo? Ano oras darating  si Dr.Sanchez.tanong ko sa nurse. Nag rorounds po sya anytime po parating na rin sya.sagot ng nurse. Sge salamat nurse.

Pagdating ni Dr.Sanchez,  kinumusta si Sebastian. Nakunan ka na ba ng dugo? Kailangan natin resulta non bago ang operasyon?hindi sumasagot si Sebastian. Naka ismid. Ayoko na doc. Mag isa na lang ako doc. Ayoko na.sagot ni Sebastian kay Dr.Sanchez. Kailangan mo maoperahan Mr.Sebastian. manalangin ka Mr.Sebastian. humingi ka ng lakas ng loob sa Panginoon para sa operasyon mo. magpakuha ka ng lab test. Pabalikin ko sila dito ha.sabi ni doc sa kanya. Rounds lang muna ako. Mr.Mateo kumusta kayo?Nakangiti ka na naman dyan. Ano iniisip nyo? Tanong ni doc. Paglabas ko doc,mag Mc Do ako doc.tapos mag SM ako. Mamamasyal ako doc. Sagot ko kay doc. Mabuti yan may nilolook forward ka. Enjoy life. Ready ka na ba?sabi ni doc. Yes doc. May konting kaba pero kaya ko yan doc. Nakangiting sagot ko kay doc. O sige punta ko sa nurse station magbigay ako ng orders. Mr.Sebastian,  alis na ako, magrounds pa ako. Paalam ni Dr.Sanchez sa amin.

Pag alis ni Dr.Sanchez, si Sebastian na ang nagumpisa ng usapan namin.  Mabuti ka pa parang walang problema. Ang dami pang gustong gawin sa buhay. Nakangiti lang si Mateo habang nagsasalita si Sebastian. Samantalang ako magmula ng mamatay ang asawa ko noong isang taon, parang ayoko nang mabuhay. May isa akong anak na lalaki pero hindi kami nag uusap may anim na buwan na. Pagkukuwento ni Sebastian. Pinapalakas ko ang loob ko dahil marami pa akong gustong gawin sa buhay. Umpisang tugon ni Mateo. Nag uusher pa ako sa aming simbahan. At umaattend ako sa bible study linggo linggo. At hinihintay nila ang paglabas ko. Pagkukwento ni mateo na masaya ang tono. Nakangiti si Sebastian. Dapat lagi kang nakangiti, umaliwalas ang mukha mo. Kagabi nagdadalawang isip ako kausapin ka.sabi ni Mateo. Ganun ba? Nahawa na ako sa yo. Kaya napapangiti na ako ngayon. Buti ikaw ang kasama ko sa kwarto.sabi ni Sebastian.mamayang gabi ang operasyon ko.sabi ni Mateo. Ako bukas na maaga kaya nila ko kinukunan ng labtest.sabi ni Sebastian. Kaya magpakuha ka na ng lab test, para matuloy na surgery mo. At paglabas natin mag McDo tayo, mag SM tayo. At pag may pagkakataon ka attend ka sa church namin. Imbitasyon ni mateo kay Sebastian. Sige ba. Paglabas natin sasama ako sa yo, kaibigan.sagot ni Sebastian. Sa kanilang pag uusap dumating si Nurse Anna.

Mukhang nag kakasarapan kayo sa pag uusap mga Sir. Ako na po ang duty ngayon hanggang 10pm po ako. bati ni Nurse Anna sa amin ni Sebastian. Mr. Sebastian, papuntahin ko na po ang med tech. Ready na kayo?tanong ni nurse Anna kay Sebastian. Sige ready na ako para makapag SM na kami ni Mr.Mateo.sagot ni Sebastian. Nag thumbs up ako kay Sebastian. Aba Sir Sebastian, may plano na pala kayo ng labas nyo. Ngumiti lang si Sebastian. Sige po any time po papunta na mga medtech.

 Lumapit sa akin si Nurse Anna, Sir Mateo mamayang 9pm susunduin kayo ng mga taga O.R. ready na kayo? Bawal na po kumain after 6pm.  Kahit ano po wag na po kaYo kakain at iinom after 6pm po Sir Mateo. Bilin ni nurse Anna kay Mateo. Yes ,Nurse Anna sinabihan na ako kanina ng morning duty nurse.sagot ko kay Nurse Anna. Sige po mga Sir, rounds lang po kami.paalam ni Nurse Anna. Ang bait talaga ni Nurse Anna, sabi ni Mateo kay Sebastian. Ang tyaga pa ilang beses ko nasigawan. Buti hindi nag aabroad.sagot ni Sebastian.

Kasalukuyang nagkukwentuhan sina Sebastian at Mateo ng dumating ang mga nurse aides para sunduin si Mateo papuntang operating room. Sige Sebastian narito na mga escort ko,hehehe.... punta na ako sa operating room.pagbibiro ni Mateo. Hintayin mo ko. Bukas ako naman ang susunduin.sagot ni Sebastian. Kaibigan, kung hindi mo pa tinatanggap si Hesus bilang tapagligtas at Panginoon, may pagkakataon pa.sabi ni Mateo kay Sebastian. Salamat sa paalala. Ngayon pa lang tinatanggap ko na si Hesus bilang Panginoon at tagapagligtas. Salamat sa sharing mo. Paglabas natin ha mag McDo tayo at pupunta ako sa church nyo.sagot ni Sebastian. At tuluyan ng inihatid si Mateo sa O.R.nang may ngiti sa labi.

Mag isa na lang ulit si Sebastian sa room nya. Subalit iba na ngayon. Hindi na nagsusungit sa mga hospital staff na lumalapit sa kanya. Laking gulat ng mga nurse dahil nakangiti na sya. At natuto na ring magbiro. Nurse Anna, anong oras ako susunduin para sa operasyon ko bukas?tanong ni Sebastian. Sir Sebastian, wala pang sinabi ang nasa chart lang ay instruction na bawal kayong kumain after 12midnight.sagot ni Nurse Anna kay Sebastian. Nurse Anna, paglabas ni Mr.Mateo paki sabi hintayin nya ako. May ibibilin ako sa kanya.pakisuyo ni Sebastian kay Nurse Anna. No problem Sir Sebastian.sagot ni nurse Anna. Magpahinga na po kayo, para sa operasyon nyo bukas.pahabol ni nurse Anna. Ngiti lang ang tanging sagot ni Sebastian.

Napasarap ng tulog si Sebastian ng gabing iyon. Kung kayat ang gising nya ay napakaganda. Napaka aliwalas at lahat ng pumasok ay binabati nya. Muntik na syang mag almusal. Buti na lang napigilan sya ng morning duty nurse. Mr.Sebastian, bawal po kumain after surgery na lang po.pagpigil sa kanya ng nurse. Ay oo nga pala gutom na kasi ako eh.sagot ni Sebastian. Tinanong agad nya ang morning duty nurse kung nakabalik na ba si Mr. Mateo. Wala pa pong tawag from O.R.sagot ng nurse.  Baka magkita pa kami doon ha.sagot ni Sebastian. 

Ilang sandali pa dumating na rin ang nurse aides ng O.R.para sunduin si Sebastian. Sir Sebastian, eto na po sundo nyo.sabi ng nurse. Mag ayos lang ako. At magbilin nurse. Pwede pagdating ni Mr. Mateo sabihin nyo hintayin ako. Hingin ko kasi contact number nya para paglabas ko tatawagan ko sya.bilin ni Sebastian sa nurse. Makakarating po Mr.Sebastian. tuloy na tuloy na talaga bonding nyo po.sagot ng nurse. Kung pwede lang namin kayo isama mas maganda sana.pabirong sagot ni Sebastian. May duty po kami, sayang. Enjoy nyo po bonding nyo.sagot ng nurse. At doon na sya nilabas ng kwarto ng  mga nurse aides papunta sa O.R. habang papunta sa O.R nakikipagkwentuhan si Sebastian sa mga nurse aides.



Itutuloy....

3 komento:

  1. Ano nangyari kay mateo? Kailan sya babalik sa room?

    TumugonBurahin
  2. Ano ibibilin ni Sebastian kay Mateo.

    TumugonBurahin
  3. What will happen to Sebastian if something bad happen to Mateo?

    TumugonBurahin

Condo Sharing

 December 15, ang lipat ni John sa condo na lilipatan nya sa QC, kung saan sya na assign sa bago nyang trabaho bilang ahente ng noodles.  Co...