Si Miguel at si Bert

Sabado, Abril 16, 2022

Church Anniversary ( Dalawang Pasyente Part 3 )

 <script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Tuwang tuwa si Alberto sa plano ng ama. Alam din nya ang  simbahan nina Sophia. nagtataka si Sebastian kung bakit iba ang saya ni Alberto ng malaman ang simbahan nina Sophia. Bakit mas masaya ka pa sa akin ng malaman mo ang simbahan? Tanong ni Sebastian sa anak. Basta alam ko ito Dad, palakas kayo agad puntahan natin itong simbahan na ito. Excited na sagot ni Alberto sa ama. Sana nandoon pa sya?bulong nya. Sinong sya? Tanong ni Sebastian. Wala Dad, wala may naalala lang ako.sagot ni Alberto.

Pag-uwi ni Sebastian sa bahay, sinalubong sya ng ilang kaibigan at kamag-anak. WELCOME HOME SEBASTIAN!..bungad ng mga sumalubong sa kanya. Natuwa si Sebastian hindi nya inaasahan na marami pala nagmamahal sa kanya kahit masungit sya. Natuwa ka ba Dad? Tanong ni Alberto. Oo naman anak, buti napa oo mo sila. Eh hindi ko nga sila binabati.sagot ni Sebastian kay Alberto. Sila pa nga nag tatanong kung kailan ka uuwi. Alam nila na may sakit ka kaya ka nagsusungit. 

Alam nilang mabuti kang tao Dad.sagot ni Alberto sa ama. Oo pareng Sebastian, lagi ka naming pinagdarasal na gumaling ka na. Nag aalala kami sayo sagot ng mga bisita. Pasensya na kayo sa pagsusungit ko. Salamat at hinabaan nyo pasensya sa akin..sagot ni Sebastian sa mga bisita..Bawal umiyak Dad, singit ni Alberto, dahil ramdam nyang naiiyak na ang ama. Kain muna tayo. Bago maiyak si Daddy. Dahan dahan lang kain Dad ha. 

Kinagabihan, pinagplanuhan na ni Sebastian ang pagbisita sa simbahan nina Mateo. Itext mo na si Sophia. Sabihin mo pupunta tayo sa church nila ngayong linggo.utos kay  Alberto. Sandali lang dad, nagtetext na ako. Pag sagot ni Ms.Sophia, sabihan kita agad.sagot ni Alberto sa ama. After more than one hour, tumunog ang phone ni Sebastian. Good day Sir Sebastian, good to hear na naka uwi na kayo. Tamang tama po text nyo. Church anniversary po namin sa Sunday. 10am po ang service. this is Sophia. Text ni Sophia.  

Dad, church anniversary daw nila on Sunday. Marami tao pag ganun. Kaya mo ba?pagtatanong ni Alberto sa ama. Oo naman, pagyayabang ni Sebastian sa anak. Kahit agahan pa natin para makausap ko si Sophia.mungkahi ni Sebastian kay Alberto. Sige Dad, 9am sabihan ko si Ms.Sophia.  kung maka ms.Sophia ka eh baka mas matanda ka pa sa kanya. Kung hindi ako nagkakamali baka magka edad lang kayo. At maganda si Sophia, hindi ko lang alam kung may asawa na o boyfriend.may halong panunukso sa anak. 

Nang marinig ni Alberto ang sinabi ng ama. Biglang nagbalik ang alaala ng babaeng nameet nya noon sa church na yun. Hindi lang maalala ni Alberto ang pangalan pero ang itsura nya ay hindi na nya makalimutan. Napangiti lang si Alberto na napansin ng ama. Parang may kakilala ka sa simbahan na yun anak?  Napansin ko sa tuwing ang pagpunta natin kina Sophia ang pinag uusapan iba ang saya mo? Usisa ni Sebastian sa anak. Wala po Dad, wala po.sagot ni Alberto na nakangiti lang sa ama. Yung gamot mo po Dad baka makalimutan mo inumin.sabay bigay ng gamot. Akin na nga buti pinaalala mo.sabay abot ng kamay para abutin ang gamot.

Pag sapit ng Sabado, pinaalala ni Alberto sa ama ang pagpunta kina Sophia. Dad, bukas maaga tayo aalis. I-reready ko na damit mo. Church anniversary nina Sophia. Pinahanda ko na kay manang kahapon pa. Ikaw ang magready baka si Sophia ang dahilan kaya excited ka.Maganda kaya si Sophia, magalang pa. Pagnagkataon, magiging balae ko pa si Mateo.sabi ni Sebastian. Sinong Mateo? Anong connection nya kay Sophia?tanong ni Alberto sa ama. Si Mateo, nakasama ko sa ospital, inooperahan pero hindi na kinaya ng katawan. Papa sya ni Sophia. Si mateo nagshare sa akin ng Panginoong Hesukristo bilang tagapagligtas. 

Tinanggap mo na si Hesus bilang tagapagligtas,dad? Gulat na tanong ni Alberto sa ama. Oo, sa pamamagitan ni Mateo. Napakabait nya sa akin. Masayahing tao, kahit irritable ako sa ospital, kalmado sya.pagkukwento ng ama sa anak. Natutuwa ako sa sinabi mo Dad, kaya pala, tinanggap mo na ako. Salamat sa Diyos.masayang nasabi ni Alberto. Naka ready na ako para bukas Dad. nagbilin ako kina manang na kung wala silang lakad bukas sumama na sa atin, doon na sila umattend ng worship  service. Maaga tayo aalis bukas.sabi ni Alberto. Duda ako sa excitement mo Alberto. Pero sige na. Iba ang pakiramdam ko.nakangiting sagot sa anak. Sige matulog ka na.maaga pa tayo bukas.

Kinaumagahan, araw ng linggo, papunta ang mag-amang Alberto at Sebastian sa simbahan nina Sophia. Dumaan muna sila sa panciteria at bumili ng dalawang bilaong pansit at isang bilao na  special puto. Dadalhin sa church anniversary nina Sophia. Pagdating sa  simbahan, unang bumaba ang ama. Doon sa lobby naghintay habang nagpapark si Alberto.  Hinanap agad ni Sebastian si Sophia.  Nasa loob po si Ms.Sophia.sabi ng isang usher. Atsaka dumating si Alberto na bitbit ang pansit at puto. Tinulungan agad sya ng mga usher at sinamahan sila kung saan makita si Sophia. Eksakto palabas si Sophia. Sir Sebastian, buti nakarating kayo. Sino po kasama nyo?...kasama ko anak ko si Alberto. Alam nya itong church nyo kaya madali kaming nakarating.  Sophia, may dala nga pala kaming pansit at puto.sabi ni Sebastian. Nag-abala pa kayo. Kumusta na po kayo? Malakas na kaya.pinatext kita agad sa anak ko. 

Habang nagkukuwentuhan may dumating na matangkad na lalaki at humalik kay Sophia. Anak mo?tanong ni Sebastian. Pamangkin ko po.anak ng kapatid ko. Madalas po napapagkamalan na anak ko o kaya ay boyfriend ko.sagot ni Sophia. Kasi po mas matangkad pa sa akin.dugtong nya. Biglang napangiti si Alberto sa narinig. Patuloy lang na nagkwentuhan sina Sophia at Sebastian. Hanggang mag-umpisana ang service. Sir Sebastian, dito na po kayo pumwesto. Nireserve ko po ito sa inyo. Sabi ni Sophia. Salamat sige ok na kami dito. Baka may gagawin ka pa. At umupo na sina Alberto at Sebastian. Si Alberto, nanatiling nakangiti. Hindi nya alam inoobserbahan sya ng ama.

Bago matapos ang worship service, nagkaroon ng maikling eulogy para kay Mateo. Lahat inanyayahang magsalita pero maigsi lang. Pinaka huling nagsalita si Sebastian. Ikinagulat ni Alberto, dahil alam nyang hindi mahilig sa public speaking ang ama. Subalit, nang tumayo si Sebastian, tumayo na rin si Alberto  para alalayan ang ama. Medyo lumagpas ng ilang minuto si Sebastian kayat sinenyasan ang ama na over time na. At sa pagtatapos ng testimonya ni Sebastian, lahat ay lumuluha, ang iba ay nagpipigil, ang iba ay humahagulgol. Pero tinapos ito ni Sebastian ng may pasasalamat sa Panginoon dahil sa maikling panahon na nakasama nya si Mateo. At nag anyaya ang host na may munting salo salo  dahil sa anniversary ng simbahan.

Sa kanilang salo-salo ipinagpatuloy ang kwentuhan. May nag imbita kay Sebastian na umattend ng bible study. At si Alberto naman ay naging palagay na rin kay Sophia. Naikwento nya na dati na syang umattend doon subalit dahil sa work ay nalipat sya ng simbahan. Si Sophia naman parang natatandaan na sya. Si Mike ba ang kaibigan mo?tanong sa kanya.ni Sophia..oo si mike nag abroad na sya. Architect sa Australia ang huling balita ko.sagot ni Alberto. Ikaw si Al yung kaibigan nya?unti unti na syang naaalala ni Sophia. Tama! Kilala mo pa ako?sabi ni Alberto..oo naman magka group pa tayo noon. Pia ang tawag nyo sa akin nina Mike at lagi nyo ako niloloko kaya.pagbabalik tanaw ni Sophia. Napikon ka ba noon? Tanong ni Alberto. Sumingit sa kwentuhan nila si Sebastian.parang nagkakasarapan kayo. Ano Alberto? Naalala mo na ba yung babaeng nakilala mo dito noon?tanong sa anak. Alam mo Sophia nang malaman nya ang simbahan nyo, mas excited pa sya sa akin pumunta dito.pambibisto ni Sebastian sa anak. Meron ata syang babalikan dito. Hindi nakapagsalita si Alberto. Natatawa lang si Sophia dahil nakikitang pinagpapawisan  si Alberto alyas AL.

Natapos ang munting salo salo at dumating na sa puntong magpapaalam na sila. Sophia, babalik ako dito ha. At siguradong sasama  ang anak ko. Sir Sebastian, salamat po sa pagpunta nyo at sa  dala nyong pansit at puto.sabi ni Sophia. Pia, text kita ha.sabi ni Alberto. Yung lang pala AL. You have my number na.sabi ni Sophia.  Sino si Al?..Sino si Pia? Ikaw, Alberto sabi na nga ba. Si Sophia ba ang nagpapangiti sayo?panunukso ni Sebastian sa dalawa. Bago ko makalimutan Sophia, pag may pagkakataon gusto ko sana magpasama sa libingan ni Mateo. Kahit man lang sa huling sandali makapagpasalamat sa kanya.nalulungkot na hiling ni Sebastian kay Sophia. Sige po sir, schedule po natin. Pagdrive ko po kayo Dad.sagot ni Alberto. Ako ba talaga ang pagdadrive mo o si Sophia? Uwi na po tayo Dad, baka sabihin ni Pia, sa inyo ako nagmana. Ingat po Sir Sebastian.paalam ni Sophia na nangingiti sa mag-ama.

Nakalayo na ang kotse nina Sebastian at Alberto pero si Sophia nakatanaw pa rin. Tita, wala na po yung bisita nyo?sabi ng matangkad na pamangkin. Sino po tinitignan nyo?dugtong ng pamangkin. Namula si Sophia sa sinabi ng anak ng kapatid. Tayo na magligpit na tayo.sabi ni Sophia. Siya na ba ang prince charming mo Sophia?sabi ng kapatid nya.

Pag uwi ng bahay masaya ang mag-amang Sebastian at Alberto. Boto ako kay Sophia.panimula ni Sebastian sa anak. Sa ospital pa lang nagpakita na ng pag galang sa akin. At kanina dama ko ang pag asikaso nya sa atin. Sya ba ang dahilan ng ngiti ngiti mo Alberto?banat sa anak na ikinagulat na kasalukuyang nagtetext kay Sophia. Dad ano po yun?katext ko si Pia kasi.sagot sa ama. Wala!alam ko na sagot sa tanong ko. Hindi ka rin naman aamin.sagot ng ama.na hindi naman pinapansin ni Alberto dahil bisi sa pagtetext kay Pia. Magpapahinga na ako Al, bigla naging Al ang Alberto.bulong ng ama. Manang wag mo abalahin si Al ha.sabi sa kasama sa bahay.

Naging malapit sa isat isa ang mag-ama magmula nang magpunta sila sa simbahan. Gabi gabi silang nagbabasa ng bibliya mag ama. At tuwing linggo sabay silang nagsisimba. May sariling grupo si Sebastian at si Alberto naman ay kasama sina Sophia. Magkikita na lang sila pag-uuwi na o mag lulunch. Bukod sa Sunday worship, meron pang weekday bible study na inaattendan si Sebastian. Puro kaedad nya ang kasama dito. Hinahatid at sundo sya ni Alberto. Naging magkasundo ang mag-ama lalo na pag si Sophia ang pinag uusapan.

Binisita nina Sebastian, Sophia at Alberto ang libingan ni Mateo. Pagdating sa sementeryo, nagpaiwan sandali si Sebastian sa puntod habang si Alberto at Sophia ay nasa kotse. Pareng Mateo, hindi man tayo natuloy sa pag Mac do at pag SM natin mukhang magiging magbalae pa tayo. Napakaliit ng mundo na sa ospital pa magkikita ang ating mga anak. Salamat sa ibinahagi mo sa akin. Aalagaan namin ang anak mo.pagkausap ni Sebastian sa puntod ni Mateo. Sabay tumingala at nagpasalamat sa Diyos. At doon na nag aya si Sebastian na umalis na. 

Di nagtagal, ipinakilala na ni Sophia si Alberto sa kanyang pamilya. Napadalas na rin ang pagbisita ni Alberto sa bahay nina Sophia, hindi dahil sa bible study kundi sa panliligaw dito. Kung minsan si Sophia pa ang nagpapauwi sa kanya dahil alam nyang walang bantay si Sebastian. Umuwi ka na at walang bantay si daddy mo.sabi ni Sophia sa kanya. Nagpaalam ako kay Dad na dadalaw ako sa yo kaya alam nyang gagabihin ako. Na ibilin ko na gamot nya kay manang. Alam ni dad ang schedule ng bisita ko sa yo.sagot ni Alberto. Habang tumatagal lumalalim na ang relasyon nina Sophia at Alberto. Wala namang tutol sa partidos nila pareho. Dahil nasa wastong idad na sila  at parehong may maayos na trabaho. Si Sebastian pa nga ang nagsasabi na gusto nya si Sophia maging manugang.


Itutuloy....




2 komento:

  1. Mabait naman pala si Sebastian. May sakit lang kaya nag susungit. Hormonal imbalance yata ang tawag doon.

    TumugonBurahin
  2. Malambing si Sophia. Mukhang magugustuhan sya ni Sebastian para kay Alberto.

    TumugonBurahin

Condo Sharing

 December 15, ang lipat ni John sa condo na lilipatan nya sa QC, kung saan sya na assign sa bago nyang trabaho bilang ahente ng noodles.  Co...