Si Miguel at si Bert

Biyernes, Marso 18, 2022

ROMMEL MEETS FRANCIS (Si Pinsan, Si Louie at Si Rommel Part 15)

 <script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Sa kabilang banda napa isip ako sa sinabi ni pinsan. Kaya mo bang mag isa? Ano ang ibig nyang sabihin.

Isang araw ng linggo inabutan nya ako sa sala nagkakape. Nagulat si pinsan dahil bihira nya ako abutan sa umaga. Rommel!  Ikaw ba yan?.. Bati ni pinsan. Tumuloy sya sa kitchen para magkape. Pinagtimpla na kita ng kape alam kong bababa ka na.sabi ko sa kanya. Dala dala ang kape nya lumapit sa akin at hinawakan ako sa leeg. Wala ka naman sakit. Ok ka lang Rommel.sabi ni pinsan. Ok lang naisip ko lang pinsan yung sinabi mo sa akin tungkol sa proposal ko. Yung tungkol sa 3rd branch.sabi ko sa kanya. Ahh! Yun ba ang dahilan kaya ka nandito? Nagalit ka ba dahil barado ka agad?..tanong nya..tumingin lang ako sa kanya. Yung totoo ang isagot mo Rommel..sabi nya. Huminga ako ng malalim at bumwelo sa kanya. Pinsan tungkol sa sinabi mo na kung kaya kong asikasuhin mag isa. Ano ibig mo sabihin dun? Tanong ko sa kanya. Tagal na nun ah. Wala yun. Siniryoso mo ba yun? Baka mainit lang ulo ko kaya ko nasabi yun. Natakot ka ba ng mga oras na yun? Masyado kang nerbyoso. Bawasan mo pagkakape ha.sagot sa akin ni pinsan.

Mabuti na rin At  nag abot tayo ngayon. Akala ko kailangan ko pa magpa appointment para maka usap ka.sabi ni pinsan. Grabe ka naman pinsan. Ikaw pa, isang tawag mo lang bitawan ko lahat.sagot ko sa kanya. Tigilan mo nga ako eh laging busy telepono mo. Ilang beses kita tinatawagan...ganun ba pinsan pasensya na 2 tindahan natin. Kaya naisip ko mag day off muna. Deserve ko naman magbreak dba pinsan... Oo naman, yan ang sasabihin ko sa yo. Magschedule ka ng  dayoff baka mag lead sa burnout pag puro work.sabi ni pinsan. Pinsan kamusta kayo ni tita Joan. Maayos naman. Kinakumusta ka nya.hindi ka na raw nya nakikita.sabi ni pinsan.si tita joan mo kinumusta mo eh ako hindi mo kukumustahin?.mabuti naman ako.salamat sa kape.sagot ni pinsan. Pinsan kaya nga ako nag dayoff ngayon.  Namiss kita. Ok ba timpla ko sa kape? sabi ko kay pinsan. Ang tamiiiis na ang paiiiit pa.kaya ang tanong ko kanina kung  galit ka?sabi ni pinsan.  Si Louie, tumawag sa akin. Kinukumusta ka. Malapit na raw sya umuwi.  Si francis yung kasamahan ko sa Qatar nakauwi na pala.sabi ni pinsan. Mabait si Francis, makakasundo mo.kwento ni pinsan.

Tumingin lang ako kay pinsan. Puro email lang yang Francis na yan, hindi ko alam na nandito na pala sya.sabi ko kay pinsan. Kinukwento kita sa kanya. Kayat kilalang kilala ka na nya. May pagka sosyal pero jologs din yun. Magkakasundo kayo. Magugustuhan mo sya.may halong panunukso si pinsan. Trabaho ang focus ko ngayon at kung magkakagusto ako sa babae na. Hindi sa lalaki. Gusto ko rin mag-asawa, malay mo unahan pa kita.sabi ko kay pinsan. Magtiwala ka sa akin. Magugustuhan mo si francis..hindi pa nga kayo nag uusap pero marami na syang alam sa yo. Kaya madali ko syang nakumbinsi na puntahan ako dito hahaha.. At Meron na akong D One and si Tita Joan mo yun. Pinag uusapan na namin ang kasal. Ayyy!.. Nadulas ako.hehehe...sabi ni pinsan. Nagpropose ka na pinsan? Biglang namula si pinsan.. Pinag uusapan na namin pero magpapatulong sana ako sa yo at kay Francis. Kaibigan ko si Francis. Ipapakilala ko sya sa yo ng personal. Pupunta sya next week kaya open mo schedule mo dito sya magdinner next week. Magpapogi ka, magpagupit ka para lumabas kagwapuhan mo.sabi ni pinsan. Lalaki si Francis, bakit pa ako magpapapogi, sino ba sya? sabi ni pinsan. Sundin mo ako.relax ka lang. Mabuti pa magpagupit na tayo mamaya tapos magpamassage tayo tapos  samahan mo ko kay tita joan mo, doon tayo mag dinner sa kanila.pinapapunta ka nya. Pero wag ka maingay sa secret natin.sabi ni pinsan.

Pagdating namin kina tita joan. Rommel  buti naman nakarating ka. Ilang beses na kitang pina paimbita kay Nestor.sabi ni tita. Masyado pong busy sa store. Pasensya na po tita. Its okay no problem. Si nestor ba ang dahilan? Matindi ba mamressure? Just kidding Nestor.sabi ni tita. Ako pa nga nagsasabi na mag day off yan. May pagka slave driver kaya yan, pagdating sa work.  Mabuti doon na tayo sa dining at nakahain na ang dinner.sabi ni tita. Tita anong okasyon, bakit naghanda kayo?tanong ko kay tita.wala naman just a simple peace offering? Sabi ni tita. Ma! Kailan kayo nag away ni sir tito Nestor? Hindi ko naramdaman.sagot ni Susan. Tita nag away kayo ni pinsan?sundot na tanong ko. Ganito yun..umpisa ni tita na biglang pinutol ni pinsan. Dont go into details Joan,   its between the two of us.sabi ni pinsan. Pinsan naman binitin kami ni susan, magkukuwento na sana si tita eh. Sige tita last question, when was that? ...about two or three weeks ago..sagot ni tita. 

Teka Tita,  that was the time na mainit ang ulo ni pinsan. Tama! Pinsan yan yung time na butata ang proposal ko.kwento ko sa kanila. Totoo ba Nestor? Nadamay pa si Rommel.sabi ni tita. Wrong timing sya kaya sorry na lang dba Rommel. Tita for the first time nakita ko nagalit si pinsan. Tapos bigla sunud sunod ang tanong sa akin.para kong nagdefense ng thesis. Wala ako nasagot. Kwento ni Rommel. Kung nakita nyo si Rommel ng oras na yun. Ganito itsura nya. Nakanganga, natulala, nanginginig sa takot tapos yung mata namula akala ko iiyak ..tapos niligpit yung proposal nya. Pagyayabang ni pinsan.  Kawawa naman si sir Rommel, sir tito.sabi ni susan. Anyway lets change the topic. Pasensya na Rommel.dahil sa akin kaya uminit ulo nya. Grabe ka Nestor. Kawawa naman si Rommel. Sabi ni tita. Meron kayang good side ang nangyari sa amin dba Rommel.sabi ni pinsan..because of that tita nireview ko manuals namin, back to basic ako, nagrefresher ako about policies. At libre gupit  at spa ko kanina tita..sagot ko. At nagtawanan kami lahat. 

Busog na busog ako tita joan. Nagustohan ko yung lengua.sabi ko kay tita Joan. Parang alam ko na ibig mo sabihin Rommel. Naikwento na rin ni Nestor yan kaya nakabalot na. Bagay sa yo gupit mo.pumogi ka.sabi ni tita Joan. May ipapakilala kasi si pinsan  sa akin kaya inisponsoran nya ako at may ipapagawa si pinsan. Biglang inubo si pinsan sabay batok sa akin at napatingin ako sa kanya. Doon ko naalala ang aming secret. Nasamid lang dahilan ni pinsan. Pagkatapos ay umuwi na rin kami. Habang naglalakad sinabihan ako ni pinsan na muntik na akong madulas sa secret namin. Pinsan ang sakit ng batok mo ha. Totoo na yun ha!sabi ko sa kanya. Ang daldal mo kasi, muntik ka na madulas sa plano natin .sabi ni pinsan. Napasarap lang ng kwento pinsan. Salamat pinsan sa gupit,  pogi daw ako.hehehe..yung lengua baon ko bukas yun ha.sarap eh.sabi ko kay pinsan. Ang takaw mo talaga, hindi ka na nahiya kay Joan.sabi ni pinsan..ako pa!

Pagkatapos ko mag day off, back to work ako. Ang gaan ng pakiramdam. Ramdam ng mga tao ko. Halos lahat sila binati ang gupit ko. Umaliwalas daw ang itsura ko. Day off lang pala sagot sa mga iniisip ko. Sa paglipas ng araw hindi ko namalayan ang pagdating ni francis sa bahay. Kung hindi pa pinaalala ni pinsan. Rommel, mamaya pupunta si Francis sa bahay, umuwi ka ng maaga.text ni pinsan. Dali dali kong tinapos ang trabaho ko sa tindahan. Nagbilin na lang ako sa kabila na bukas na ako pupunta. Ihanda na lang mga P.O na pipirmahan ko bukas. Nagtataka pa rin ako bakit ako pinag aayos ni pinsan sa pagbisita ng kaibigan nyang engr. Ilang beses ko sya tinanong ang tanging sagot lang ay. Magtiwala ka at sundin mo ako. Pag uwi ko, nagpatulong muna si pinsan sa pagluluto para sa bisita nya. Takang taka ako. Habang abala kami ay biglang may tumawag sa kanya.  Narinig ko boses babae, tumingin lang si pinsan sa akin at puro oo at hindi lang ang sagot nya. Pagkatapos nya makipagusap sa phone. Sinabihan nya ko na mag ayos na. At bumaba na lang pag tinawag ko sya. Hindi ko alam bakit sumunod ako. Basta na lang ako umakyat.

Habang nag hahanda ako. Narinig ko may kausap ulit si pinsan sa phone. Parang nagbibigay ng direction ng bahay namin. Tinanong ko sya, pinsan may sinasabi ka? Wala may kausap lang ako sa phone,sagot nya sa akin. Makalipas ang ilang minuto, may nagpark sa tapat namin at pinagbuksan ni pinsan. Narinig ko boses babae, pero pabulong ang usapan nila. Pinsan ok ka lang? Kailangan mo ng tulong?tanong ko sa kanya. Sandali lang nakaayos ka na ba? Nandito na ang kaibigan ko.sabi nya. Sge baba na ako,pagbaba ko nakatalikod ang bisita nya. Mukhang nasa 5'5ang taas, mukhang sosyal. Simpleng polong puti lang ang suot at naka jeans. Pinsan asan si Francis? Sabay harap ni Francheska. Naka ngiti, maganda sya, makinis, sabay abot ng kamay sa akin. Engr. Francheska Romulo here. Francis for short, you are Rommel?habang nagpipigil tumawa.. Nabighani ako kay Francis, nalove at first sight ata ako. F...F..Fran..Francis?  Napalunok ako, sabay abot ng kamay.pero dahil maloko si Francheska bineso beso nya ako. Left and right cheek. Matagal bago ako nakapagsalita ulit. Hoooy! Rommel nanigas ka na dyan.sabi ni pinsan.habang si francis ay nakatingin lang nakangiti.

Babae si francis pinsan?sabi ko. Si francheska tumango nakangiti. Oo, naman. Kailangan ko tulong nyo sa plano kong proposal kay Joan. Ano Rommel, matulungan mo ba ako o magdate muna kayo ni Francis? Napalunok lang ako, napansin ni pinsan namumula ako. Francis, pag ganyan itsura ni Rommel, inlove yan. Nakasmile  pero hindi makasalita. Ibig sabihin nyan kailan daw kayo magdate? Engr. Nestor, nakabakasyon ako dba two months. Libre ako, anytime.pagbibiro ni Francis. Rommel sa sabado mag day off ka.  binook na kita kay Francis. kain na tayo rommel,  francis sa kabila ka, Rommel dito ka.tapatan kayo. Ako na magserve sa inyo.sabi ni pinsan. Doon na nagumpisa ang kwentuhan namin ni Francis. Madali kaming naging comfortable sa isat isa. Nung mga oras na yun para na rin kaming nagdate. Si pinsan ang mistulang waiter namin. Hanggang maalala namin si pinsan. Engr.upo ka muna.kanina mo pakami pinagsisilbihan. Kain tayo.sabi ni Francis. Haay salamat kala ko nakalimutan nyo na ko pakainin. Natawa ako sa sinabi ni pinsan. Francis tuloy tayo sa sabado ha. Sunduin kita.sabi ko kay Francis. Sure Rommel, walang chaperone ha.nakatingin kay pinsan, na kasalukuyang sumusubo na kinikilig sa aming dalawa. May sariling date si pinsan.biglang nasamid na parang nabulunan si pinsan. Nagtawanan kaming lahat at pinagpatuloy ang pagkain.

Pagkakain. Sinabihan kami ni pinsan na  magpopropose na sya kay Tita Joan. She must be pretty, Engr. Knowing your standard. I know you. Weve been together for years.sabi ni Francis.Pinsan napansin ko englisera itong si Francis. Mukhang mauubusan ako ng english dito.sabi ko kay pinsan sa harap ni Francis. Ganyan lang talaga  si Francis, hindi kasi diretso magtagalog yan. Kababayan ko yan kapwa ko bisaya. Kaya magaling mag english.pagtatanggol kay Francis na panay lang ang ngiti. Tulungan nyo ako na mapa oo si Joan.  Or else, paghihiwalayin ko kayo agad.pananakot ni pinsan na alam naming nagbibiro lang.I will help you engr.wag mo lang kami pahiwa layin ni Rommel my love.sabi ni Francis na halatang nagpapatawa. Maniwala na sana ko pinsan kaso meron pang pahiwa layin. Hihiwain ata ako nito.sabi ko kay pinsan. Sabay hampas sa balikat ko si Francis. Pasinsya na My love. English na lang kasi.sabi ni Francis. Pinsan, kala ko engineer sya, bouncer ata.unang araw pa lang bugbog na ako dito....hahaha.sabi ko. Para hindi ka loloko loko.hehehe.sagot ni pinsan.sorry  my love..sabay himas naman ang ginawa ni francis sa braso ko. Marunong naman  pala maglambing ang love ko..sabi ko kay pinsan. Alam nyo napansin ko puro kayo my love dyan. Ngayon pa lang kayo nagkita para na kayong matagal na magkasintahan. Baka unahan nyo pa ako mag asawa ha.hugot ni pinsan sa amin. Na kasalukuyan kaming magka holding hands  ni Francis.

My love, its time for me to go. Thanks for the dinner.sabi ni francis sa akin. Ako nag invite sa yo sa kanya ka nag thank you.sabi ni pinsan kay Francis. But he is my love not you engr. Your my friend.sabi ni francis kay pinsan. O sige na gabi na. Next time will visit you francis.sabi ni pinsan kay francis. No need my friend.Rommel is enough...my love i will wait for you.sabi ni francis sa amin sabay flying kiss at finger heart. Loka loka ka talaga francheska. Ingat sa pag uwi. Tuluyan ng sumakay si francis. Naiwan ako sa pinto. Hoy! Rommel, magligpit ka na. Gabi na. Pinsan, salamat pinakilala mo sya sa akin. Aayaw ayaw ka pa ngayon kinikilig ka dyan..bilisan mo magligpit may pasok pa tayo bukas.

Kinaumagahan, parang puyat ka Rommel? Inisip mo si francis no?usisa ni pinsan. Katext mate ko sya pinsan hanggang madaling araw.sagot ko kay pinsan. Sus...nainlove na naman ito. Sige pumasok ka na. May P.O ka pa na pipirmahan. Naka ngiti lang ako na pumasok. Hanggang office pala nakangiti ako. Kaya ang mga staff ko nagtatanong sa akin. Anong meron daw? Ha! Wala naman bawal ngumiti? Bawal maging masaya?sabi ko sa staff ko. Inlove si Sir! Sabi ng staff ko. Inlove si Sir Rommel! Bigla ako pumasok sa office ko at nag umpisaagtrabaho na. After lunch paglipat ko sa kabilang store. Francis bakit ka nandito? Paano mo ito nalaman?tanong ko..thru engr.nestor. he said you are here. I miss you My Love!.sagot sa akin ni francis in full Smile. Come inside to my office. You want coffee? Offer ko kay Francis. Hindi sya sumagot. Basta pinagtimpla ko sya ng kape. Perfect! Can i stay here with you?sabi ni Francis. Sure but i have things to do. Sabi ko sa kanya. No problem My Love. I'll just seat here.opo lang ako dito.sabi nya. Ngumiti lang ako natatawa ako sa tagalog nya. 

After 6pm nag out ako.tinext ko si pinsan. Kasama ko si Francis. Lalabas lang kami, gagabihin ako ng uwi. Inikot ko si francis sa cavite.pinasyal ko sya. Nagkwentuhan kami syempre. Hanggang hinatid ko sya sa bahay na tinutuluyan nya.  Pag uwi ko, inaabangan pala ako ni pinsan. Ano kwento mo? Saan kayo nagpunta? Saan kayo kumain? Ang aga mo umalis sa store tapos ano oras ka na umuwi? Ngayon lang nangyari ito Rommel ha?sunud sunod na tanong ni pinsan. Ang dami namang tanong pinsan. Halata bang masaya ako because of Francis.  Halatang halata Rommel. Nakalimutan mo na ang 3rd branch. At ang proposal ko kay Joan.sabi ni pinsan. Ay oo nga ano pinsan. Buti pinaalala mo. Sge remind ko si Francis. Pag isipan namin. Pinsan tutulog na ko ha. Saka nagtext ata si francis.  Goodnight. Sabay mano kay pinsan. Sira ulo ka talaga Rommel. 

Isang gabi nagsabi si pinsan sa akin. Rommel, kailangan ko na sabihan si Joan. Samahan mo ako. Magpopropose na ako sa kanya. Naka isip na ako. sabi ni pinsan sa akin na siryoso. Paano pinsan? Ako ang kinakabahan. sabi ko sa kanya. Kinausap ko na si Susan. tutulungan nya ako. back upan mo ako. Gusto ko na sya pakasalan. Sigurado ka na pinsan? ..... Oo siguradong sigurado na ako. Sabi ni pinsan....


Itutuloy......


4 (na) komento:

  1. Ang bilis mainlove ni Rommel. Siguro maganda talaga si Francis

    TumugonBurahin
  2. Nakakatuwa pag naiinlove si Rommel. Nag stummer..

    TumugonBurahin
  3. Masunurin si Rommel kay Engr.Nestor.siguro walang kuya na lumaki si Rommel.

    TumugonBurahin
  4. Ganda siguro ni engr.francis at mabait pa at matalino pa para maging engineer.

    TumugonBurahin

Condo Sharing

 December 15, ang lipat ni John sa condo na lilipatan nya sa QC, kung saan sya na assign sa bago nyang trabaho bilang ahente ng noodles.  Co...