<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"
crossorigin="anonymous"></script>
Anong ihahatid mo? Ihahatid natin. Hindi ako nakasama noong una kaya sasama ako sa paghatid sa kanya. Natulala si Louie. Nangilid ang luha dahil kaming dalawa ni pinsan ang maghahatid sa kanya. Tito eh..paano ang tindahan. Sinong tatao? Tanong ni Louie. Wag mo problemahin yun Louie. GaGawan namin ng paraan yun. Atsaka ilang oras lang kami mawawala. Meron naman kaming mapagkakatiwlaan sa mga tao. Kaya sa gabi ng alis mo dito ka na matulog. Para maihatid ka namin. Yun eh kung wlang maghahatid sa yo sa pamilya mo. Pagtatapos ni pinsan. Hindi naman po ako hinahatid ng mga kapatid kong babae kaya po ako nagpahatid kay kuya Rommel. Kaya ngayon masaya ako tito kasi dalawa kayo maghahatid sa akin. May lungkot na sagot ni Louie. Pagtatapos ni Louie. Basta mahalin mo sila dahil kapatid mo pa rin sila. Sabi ni pinsan sabay tapik sa balikat ni Louie. Tito, hindi po ako tunay na anak. Ampon lang po ako.pagtatapat ni Louie sa amin na ikinagulat namin ni pinsan. Matagal kaming natahimik, pareho kaming natigilan ni pinsan. Tuluyan ng naiyak si Louie. Niyakap namin sya ni pinsan. Nandito kami para sayo. Be strong no matter what. Mahal ka namin ni kuya Rommel mo.sabi ni pinsan.
Kuya Rommel pag bumili ako ng bahay sayo ha.bigyan mo ko discount at yung maganda. Gusto ko 3bedrooms din.may covered parking. Katulad ng kay tito.pinag iipunan ko na magkaroon ng sariling bahay. Para pag nagkapamilya ako. Yun lang pala mas maganda pa sa bahay ni pinsan ang iaalok ko sa yo para mas maganda ang commission ko.pabiro kong sagot kay Louie. Basta wag mo kalimutan payo ko Louie..focus sa work at makisama sa coworker.paalala ulit ni pinsan.
Patuloy kaming nagkwentuhan hanggang sa nagpaalam na si Louie at uuwi na sya. Sa kanyang pagpapaalam. Kuya Rommel,tito Nestor, babalik pa ako dito ha. May ibibigay pa ako sa inyo naiwan ko. Libro na binabasa ko sa barko. Bigay ng kaibigan kong seaman.pahabol ni Louie. Sige para hindi natutulog ang kuya mo sa tindahan.sagot ni pinsan.si pinsan sinabi na nga hindi na maulit.sagot ko kay pinsan.binibiro ka lang Boss ka sa tindahan pwede ka matulog.bawi ni pinsan. Yan ha Louie, saksi ka pwede ko matulog sa tindahan.sabi ko kay Louie. Tatawa tawang nagpaalam na si Louie. Tito, kuya balik ako.
Nang sumunod na mga araw, naging abala kami ni pinsan sa 2nd branch. natapos na rin ang anniversary celebration, tinutukan na namin ni pinsan ang 2nd branch. Nag umpisa na kaming mag hire ng bagong empleayado. at nagpromote na rin kami ng ilang staff para sa bagong branch. ang unang branch ang training ground. May malilipat sa 2nd branch at merong mag stay. Naka schedule na rin ang nalalapit na opening ng 2nd branch.
Bumalik na ulit si Louie, dala ang mga librong sinabi nya. Nagulat kami dahil... Kuya, Tito Nestor dala ko na ang bible na ibibigay ko sa inyo. Pinasobrahan ko na rin para sa mga staff.Ito yung binigay ng kaibigan ko sa barko, dahil nakikita nya na nag iisa ako kaya nagshare sa akin ng salita ng Diyos sa pamamagitan ng Bible. Ito naging gabay ko sa buhay habang nasa barko ako. Binabasa ko ito twing umaga at gabi. Para sa inyo po. Maganda yan sge babasahin ko yan sabi ni pinsan. Ikaw rin Rommel, kailangan natin ito. dugtong ni pinsan. Salamat Louie sa Bible.sabi ko kay Louie. Kuya Rommel madelay ang alis ko kasi nasa amerika pa ang barko. kung paalisin nila ako mahal daw pamasahe kaya pagdating nila sa Japan doon na raw ako paaalisin.dugtong ni louie sa amin. Aba maganda yan Louie, makaabot ka sa opening ng store. nakaschedule na sa susunod na linggo na.Tito baka pwede ko sumideline, magpart time habang nandito ako para may kita ako habang naghihintay ng sakay ko po.sabi ni Louie na excited. Oo naman Louie, kaya lang peso lang sweldo ha hindi dollar. sabi ni pinsan. Tawa lang si Louie, kailan po ako mag umpisa tito? bukas pwede na.sabi ni pinsan. Kukuha ko ng damit ko Tito para maka umpisa na ako bukas. pwede po stay in hehehe..sabi ni Louie. pwede doon ka sa kwarto ko matulog, sabi ko kay Louie. Rommel, umayos ka ha,baka may pinaplano ka?sabi ni pinsan. Pinsan,Binigyan nga nya tayo ng Bible. May guidance na ako at tuturuan ako ni Louie ng salita ng Diyos. sagot ko kay pinsan. Tito, kuya uwi na po ako, babalik pa ko dito bukas. baka malate ako, hindi magandang late ako sa first day ko. sabi ni Louie. teka maghapunan muna tayo bago ka umuwi. Masaya kaming naghapunan at pagkatapos ay nagpaalam na si Louie.Mag ingat ka Louie. hintayin ka namin bukas.sabi ni pinsan. Salamat po tito. at umalis na si louie na iba ang saya ng umalis.
Sa unang araw ni Louie sa store. Pinapunta sya ni pinsan sa akin para ma orient kung ano ang gagawin nya. kung ano oras ang breaktime. Masipag si Louie at madaling matuto. Walang sinasayang na oras. Sa tuwing natatapos ang trabaho nya kusa syang lumalapit o di kaya ay tumutulong sa kapwa nya worker ng iba pang gagawin. May kusa sa madaling salita. At nakakatuwa pa kay Louie, hindi nya ko tinatawag na kuya during work hours. Sir Rommel ang tawag nya sa akin kapag nasa work. Natatawa si pinsan sa kanya kasi kahit nasa bahay na kami sir pa rin sya ng sir sa akin. Louie! ano ka ba..nasa bahay ka na.off duty na sir pa rin tawag mo sa akin...sabi ko kay Louie. Sinabihan mo ba sya Rommel na tawagin kang sir? tanong ni pinsan.Hindi pinsan kusa nya yun.Nagulat nga ako at bigla akong tinawag na sir.sagot ko kay pinsan.
Kumusta first day mo Louie? nakakapagod po tito.pinagbuhat ako ni kuya ng maraming boxes tapos, pinapunta ko sa stockroom, tapos pinagbilang ng kung anuano..sagot ni Louie na nagbibiro. Ako na naman ang masama dyan sa kwento mo Louie. porke alam mo na kakampihan ka ni pinsan. sabi ko sa kanilang dalawa. Joke lang po tito.sarap talaga asarin ni kuya Rommel. tinuruan nya po ako sa store, orientation po. at buddy buddy muna ako sa merchandiser at sa bagger. sabi ni Louie kay pinsan. Mabuti yan may matutunan ka sa susunod na araw iba naman..malay mo pagbalik mo magkaroon ka rin ng sarili mong store o share tayo sa mga susunod na branches. training ground mo yan habang naghihintay ka ng pagsampa mo sa barko.sabi ni pinsan kay louie. Nakangiti lang si Louie habang nakikinig kay pinsan. Pagkakain pahinga na tayo. sa kwarto ka ni Rommel matulog. Pagligpit namin ng pinagkainan, naiwan si Louie sa dining table at nakita ko syang nagbasa ng bibliya at parang nagdarasal.Hindi ko pinaalam sa kanya na nakatingin ako pero medyo matagal kayat hinintay ko na lang syang umakyat. Sa kwarto na ako nagtanong sa kanya.Gabi gabi ka nagbabasa ng bible?tanong ko sa kanya. Opo kuya, quiet time po tawag doon. nagpapasalamat ako sa Diyos sa biyayang binibigay nya sa akin.pinagdasal ko rin kayo at ang inyong tindahan. sabi ni Louie.Salamat Louie. pahinga na tayo.sabi ko sa kanya.
Kulang isang buwan din ang pinamalagi ni louie sa amin. Marami kaming natutunan sa kanya sa maikling panahon na yun. Nakapag open na rin kami ng 2nd branch. At sa opening si Louie ang pinag opening prayer namin. At mula noon ang parehong branch ay naguumpisa at nagtatapos sa maikling panalangin. Nagkaroon na rin kami ng bible study sa bahay na si Louie ang nangunguna sa amin ni pinsan. Dahil sa kanya nakahanap kami ng simbahan na mapupuntahan tuwing linggo. Inilapit kami ni Louie sa a Diyos bago sya sumakay ng barko. Malaki ang pagbabago ang dinulot ni louie sa amin kung kayat ang kanyang pag alis ay napaka lungkot para sa amin ni pinsan.
Kuya Rommel, magpapaalam na ako sa inyo ni tito, next week na ang sakay ko. babalik na ako ng maynila para magreport sa opisina. Pinapamedical na ulit ako. Bukas ang last day ko dito.paalam ni Louie sa akin. Sige sasabihin ko kay pinsan. ihahatid ka namin ha.sabi ko kay Louie..Oo naman kuya.sabi ni Louie. yung sweldo mo ipahanda ko na kay pinsan.sabi ko kay Louie. Salamat kuya.
Pinag usapan namin ni pinsan si Louie habang nasa maynila sya.Natutuwa si pinsan sa kanya dahil masipag at walang sinasayang na oras. At higit sa lahat napakabait na bata. Si Louie pa ang naglapit sa amin sa Diyos. Kayat sa pagbabalik nya gusto syang pasalamatan ni pinsan. May inihandang despedida para sa kanya. Kasama ang ilang nakasama nya sa store na naging kaibigan nya sa maikling panahon. Isang maliit na salo salo lang. Tiyak masosorpresa si Louie pagdating nya.
Dumating ang araw na bumalik si louie. Tamang tama naka close na ang store. Sa bahay dumiretso si Louie. Kakutsaba na namin ang guard ng subdivision na padiretsohin sa bahay. Hindi na itatawag pa. Kumakatok si Louie pero walang nagbubukas. Ang drama namin ay may isang kasamahan sya na darating ang magbubukas dala ang susi. Louie, pinapunta ako ni sir gagabihin daw sila kaya pinadala ang susi sa akin, sabi ni Susan.nagulat si Louie dahil may gusto si Louie dito kay Susan. Ganun ba Susan. Magtatagal ba sila? tanong ni Louie.Halika na dala ko naman ang susi.Ako na bahala sayo.sabi ni Susan.sya namang kinatuwa ni Louie. Nakakahiya naman sa yo Susan?, wala yun.kaibigan ka naman.sagot ni Susan...Kaibigan lang Susan?biro ni Louie kay Susan.ngumiti lang si Susan hanggang mabuksan ang pinto. Pakibuksan ang ilaw Louie, hindi ko alam ang switch sabi ni Susan.. Dito sa kanan ang switch..biglang...
Itutuloy....
Ang sipag ni Louie.. Nag grab driver..nag seaman..tapos nag merchandiser pa.kung tutuusin bakasyon sya. Swerte ng mapapangasawa nya.
TumugonBurahin