<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"
crossorigin="anonymous"></script>
Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko kay pinsan. Kusa na itong lumalabas. Kaya isang araw. Rommel, bakit nandito ka pa? Dba may delivery ngayon sa tindahan?. Tanong ni pinsan sa akin. May napapansin ako sa yo lately. Naputol ang sasabihin ni pinsan ng may tumawag sa kanya. Tinuloy ko lang paghahain ng breakfast namin. Pinagtimpla ko na rin sya ng kape. Yung kasama ko sa Qatar ang tumawag. Pauwi na raw sya. Interesado yun na bumili ng bahay. May mabibigay ka ba?. Kwento ni pinsan. Yes pinsan, meron mga bagong inventories dito sa cavite at sa laguna project namin.Pinsan kape ka muna lalamig yan. Sabi ko kay pinsan. Napapansin ko kabisado mo na timpla ng kape ko. Lagi mo ko pinagtitimpla. Sabi ni pinsan. Para matuwa ka sa akin pinsan, baka bigyan mo ko ng bonus hindi ko tatanggihan.biro ko kay pinsan. Ngumiti lang si pinsan. Bago sya magsalita, inunahan ko na. Pinsan punta na ko sa tindahan. Parating na ang delivery. Pinagluto na rin kita ng lunch mo.init mo na lang.alis na ako. Nagmamadali kong paalam kay pinsan.
Kinagabihan, paguwi ko ng bahay. Napansin ni pinsan ang itsura ko. O bakit ganyan itsura mo. Kaninang umaga para kang aakyat ng ligaw. Ngayon para kang nabasted. Kamustang delivery?, pagtatanong ni pinsan. Ayun ang dahilan, kaya ganto itsura ko pinsan. Nagkasabay sabay sila. Kaya nagkamada kami buong maghapon. Puno ang tindahan. May makakain ba tayo pinsan? Mukhang gutom na gutom ka na nga. Sige magbihis ka na muna at ipaghain kita. Sabi ni pinsan sa akin at doon lang sumigla ang pakiramdam ko dahil ipaghahain ako ni pinsan.
Madali akong bumaba para kumain ng hapunan, kasabay si pinsan. Nilagyan pa nya ako sa plato ng mainit na kanin. Kahit simpleng longganisa lang sarap na sarap ako. Natatawa si pinsan sa itsura ko habang kumakain. Gutom na gutom ka ha? Hindi ako sumagot. Bagkus kumuha pa ako ng kanin. Nang maubos ko saka ko lang sinagot si pinsan. Sobrang gutom ko pinsan. Huling kain ko nung umalis ako kanina. Ang daming delivery. Kala ko relax lang ako biglang nagsabay sabay. Binati ni pinsan ang itsura ko.bakit parang nawala pagod mo pagbaba mo? Inlove ka?.. Hindi ako nakapagsalita. Natahimik ako. Napalunok. Inlove ka no? Halata, namumula ka.. Kanino?... Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko masabing sa iyo pinsan, dahil baka magalit ka. O sige, at least may inspirasyon ka. Kain ka lang tapos pahinga ka na. Kung gusto mo doon ka sa kwarto ko matulog baka maikwento mo mamaya kung kanino ka inlove. Nakangiting sabi ni pinsan.
Tinulungan ko si pinsan magligpit ng kinainan namin. Rommel, bukas na kita kausapin tungkol sa sales this week. Pagod ka na. Magpahinga ka na. Lipat ka lang sa kwarto pag ready ka na ikwento kung sino yung inspiration mo. Naiwan si pinsan sa sala. May kausap sa cellphone habang nanonood ng tv. Ako naman ay umakyat na at naligo muna. Habang nakaharap sa salamin ng hubot hubad biglang kumatok si pinsan. Tok!..tok!..tok! Gising ka pa Rommel? Pwedeng pumasok?... Bigla kong kinuha ang twalya at binuksan ang pinto.. Pinsan, tuloy ka. Kakaligo ko lang. Hinihingal ka? Nagbati ka? Kala ko ba pagod ka. Pabirong tanong ni pinsan. Hindi ko na kaya magpalabas pinsan. Nakahubo kasi ako ng kumatok ka kaya ako hinihingal.pagdadahilan ko kay pinsan. Nahiya ka pa eh nakita ko na yan. Lumaki na ba? Pwede ba ako pumasok? Tuloy ka pinsan, upo ka. Pag upo ni pinsan,naupuan nya ang brief ko na hinubad. Bakit malagkit ito? Sabi na nga ba nagbati ka? Palibhasa inlove?..pangaasar ni pinsan. Pinsan yan yung hinubad ko, suot ko maghapon. Kaya malagkit.wala pa ko suot na brief sabay pakita na wala akong brief. Kaya pala mapanghe..sabay hagis sa akin ng gamit kong brief. May sasabihin ka pinsan? Tanong ko sa kanya. Gusto ko lang magpasalamat sa yo. Hindi ako nagkamali ng taong pagtitiwalaan. Bukas punta ko sa tindahan, baka sumabay ako sa yo. Para mabisita ko rin puro na lang cctv ako.gusto ko makita at kumustahin mga tao natin. Doon na rin tayo magmeeting. Pahinga ka na. Ngiti lang ako. Natuwa ako sa sinabi ni pinsan. Habang papalabas na sya ng kwarto. Pinsan pwede ko lumipat sa kwarto mo? . Nag isip si pinsan nang nasa labas na ng kwarto saka humarap at...bakit sasabihin mo na kung kanino ka inlove?..tumahimik.. Sge magbihis ka tapos lipat ka sa kabila.ayusin ko pwesto mo.
Paglipat ko sa kwarto ni pinsan, naka boxers lang sya. Magsasando pa lang sya. Ano kukwento mo na o matutulog na tayo.pangungulit ni pinsan. Baka sa akin ka inlove ha?sasapakin kita. Trabaho lang walang personalan.biro ni pinsan sa akin. Pinsan maglalambing lang.malamig kasi dito kaya ako lumipat.sabi ko kay pinsan. Oy! Rommel may aircon sa kwarto mo pwede mo gamitin. Nagpapalusot ka pa. Maaga tayo pupunta sa store bukas. Kung ano man plano mo pigilan mo.babala ni pinsan pero may halong biro. Oo alam ko pinsan.pagod ako, hindi ko na kaya.sabi ko kay pinsan. Ano balita kay Louie? Mag iisang taon na sya dba? Kailan sya uuwi? Tanong ni pinsan. Naalala mo si louie boy pinsan. Pauwi na rin kaya lang na extend baka one month pa.sagot ko kay pinsan. May gusto sa yo yun dba? Ikaw naka una sa kanya. Kahit.... Pabiro ni pinsan. Kayo talaga ni Louie pinag iinitan nyo ko Lani. Walang gusto yun sa akin. Kuya lang hanap nun.sabi ko kay pinsan. Basta wag mo paasahin. Para wag masaktan. Sabihan mo ko pag uuwi. Baka kaya natin sunduin.sabi ni pinsan. Ito talaga tinulugan na naman ako. Ang bilis matulog.
Nagising ako ng madaling araw para umihi. Naka unan sa akin ang biceps ni pinsan. Ang mukha ko nasa dibdib nya nya nakaharap. Tulog sya ng mga oras na yun, mahimbing ang tulog nya, kayat dahan dahan akong bumangon, papuntssa cr. Pagbalik ko sa kama, nakataas na ang kamay ni pinsan. Kitang kita ko ang kanyang kilikili. Humiga ulit ako at natulog. Nakatalikod ako sa kanya. Ilang saglit pa gumalaw sya at naramdaman kong niyakap nya ako. Ramdam ko ang hininga nya sa batok ko pero tulog pa rin sya. Hinayaan ko na lang ang ganoong position namin.Pero may kailangan ako ipaalam kay pinsan kayat. Pinsan gising ka ba? tanong ko sa kanya. Bakit? Mahinang sagot nya. Mahuhulog ako sa kama,baka pwede kang umusog. Dahil yakap nya ko, nang gumalaw sya para umusog, napasama ako. Napaibabaw ako sa kanya at napalipat ako sa kabilang side ng kama. Ok na ba Rommel? tanong ni pinsan. Ok na pinsan nilipat mo ko sa kabila.sagot ko at hindi na ko sinagot ni pinsan. Tulog na sya.
Kinaumagahan, habang pa papunta kami sa store. Rommel, lumipat ka ba ng pwesto kagabi?... Hindi mo alam ginawa mo sa akin kagabi pinsan?..hindi, ano ginawa ko?...pinsan nag cr ako tapos paghiga ko niyakap mo ako..mahigpit, muntik na ko mahulog sa kama. Kwento ko kay pinsan. Tapos ano ginawa ko Rommel?... Dahil yakap mo ko pag usog mo kasama ako,nabuhat mo ko palipat sa kabilang side ng kama. Umibabaw ako sa iyo, kaya ako napunta sa kabila. Tumawa lang si pinsan. Kaya pala parang may dumagan sa akin kagabi..ako pa may kasalanan pinsan. Binuhat mo ko.ganun ka kalakas..tumawa lang si pinsan hanggang marating namin ang store.Naginspect si pinsan at nagmeeting na kami. Diretso lunch na kami sa store at bandang hapon na sya umuwi. Sa bahay ka na magdinner. Magluluto ako at Nagpahatid na sa driver.
Pag uwi ko sa bahay. Ang dami mong niluto pinsan. Hindi mo naman birthday dba? Masaya lang ako sa performance mo sa tindahan at sa ating tindahan, kaya nagluto ako.at naisip ko rin na pwede na tayong magbranch. Ano sa palagay mo?. Umikot kami kanina at may nakita kong magandang pwesto. Bisitahin natin bukas. Pagkukwento ni pinsan. Sige pinsan pero pwede sa makalawa na. Mag aayus pa kami sa tindahan. Iniisip ko rin magpromo tayo pinsan dahil sa nalalapit na ang 1st year anniversary natin. Proposal ko kay pinsan... Tama yan. Magpadala din tayo ng solicitation letters sa suppliers and items na pwede nating ipromo. Hingi tayo freebies sa mga suppliers. Tama. Gawin natin ngayon ang letter para maipadala agad sa supplier. Sige kain na muna tayo at gutom na ako. masayang napagkasunduan namin ni pinsan.
Sa pag ikot namin sa community may mga nakita pa kaming commercial space na available. Tyempo nandoon ang may ari kaya nakausap namin at nakipagtawaran na rin sa presyo, terms of payment. Sa harap ng subdivision ang nagustuhan namin at medyo malaki ng konti sa present store at mas mura ang renta. At hindi kalayuan sa kasalukuyang tindahan namin. Nagsabi kami sa may ari na may titignan pa kaming iba. Babalik kami next week para ifinalize ang usapan. Maganda kasi location, bungad ng subdivision, tabi ng school, may simbahan at may mga katabing commercial establishments. Interested si pinsan sa madalit sabi. Ito ang aming 2nd branch. Kaya maghire kami ng additional tao. Pinsan yung tungkol sa solicitation letter natin, umpisahan ko na idistribute this week. Malapit na anniversary natin para makuha na natin ang promo items and freebies. Sige bahala ka na doon. Hindi na kita pakikialaman.
Habang papalapit ang aming 1st year anniversary sa tindahan, may kakaiba akong nararamdaman. Para akong balisa, naiistress ako. Hindi ko malaman ang gagawin. Kahit wa namang problema, hindi ko alam bakit ako naguguluhan. Ilang gabi rin akong nagisip tungkol dito. Noong una inoobserbahan lang ako ni pinsan. Pero dumating ang time na nag aalala na sya. Kaya kinausap na niya ako. May problema ba Rommel sa tindahan?...wala pinsan.. Sa pamilya mo may nangyari ba?..kailangan mo ba magleave?... Ok naman sila pinsan...si Louie? Ok lang kayo?... Oo naman pinsan.gusto nga magpasundo.sasabihan daw niya tayo pag sigurado na ang uwi nya... Siguro, binasted ka ng crush mo....hindi ah!, Bakit pinsan?...ilang araw ko nang napapansin, na may iniisip ka. Kaya nagtatanong ako.. Huminga ako ng malalim.... Pinsan, wala namang problema, sa tindahan, sa pamilya ko..kaya lang hindi ko alam bakit ako balisa.napapansin mo pala.... Ilang araw ko nang napapansin. Ayoko lang pangunahan ka. Pero dahil hindi ka na iba sa akin. Nagtanong na ako.... Salamat pinsan, naiistress ata ako dahil sa nalalapit na anniversary ng tindahan tapos magkakaroon pa tayo ng 2nd branch.... Malamang stress nga nararamdaman mo. But I see its a positive stress. Pwedeng na overwhelm ka sa mga pangyayari. Maybe you need a break, or slow down ka muna sa mga activities. Pwede ako pumunta sa store.
Ang bilis ng mga pangyayari. Nagshift ka ng career, tapos nagclick ang bisnis natin. Tapos hindi ka pa binabasted ng crush mo.. Biro ni pinsan.. Kailan mo sya ipapakilala sa akin.... Nginitian ko lang si pinsan.. Sa loob loob ko pinsan, kung alam mo lang pinsan..... Kahit hindi kita kamag anak Rommel , magaan ang loob ko sa yo..kayat wag mo sirain tiwala ko.... Kapamilya na ang tingin ko sa yo. Your doing good..relax ka lang mrami pa tayo projects na gagawin.. Basta may problema nandito lang ako...nakatingin lang ako lagi sa yo... Kaya wag kang matutulog pag oras ng trabaho.. Kita ko yan sa cctv..biro ni pinsan... Lumapit ako kay pinsan at niyakap ko sya ng mahigpit....habang yakap ko tumulo ang luha ko.... Ano ka ba Rommel! Yung uhog mo tumulo sa polo ko.paborito ko pa naman ito... Lumayo ako ng konti kay pinsan...nakita nyang umiiyak ako.. Sa pagkakataong iyon, sya naman ang yumakap at hinayaan nya lang akong umiyak....umiyak...ng umiyak sa kanyang balikat....
Itutuloy....
If there is positive stress. Is there a negative stress too? Whats the difference?
TumugonBurahinEustress is another term for positive stress.. Good stress is more common.
TumugonBurahinMeron palang positive stress.. Akala ko lahat ng stress negative. May natutunan ako sa kwentong ito.
TumugonBurahinButi na lang supportive si engr. At understanding. Sana ol.
TumugonBurahinPalagay na sila sa isat isa. Parang real brothers.
TumugonBurahinMasama po ba ang positive stress? Paano maiwasan ito.
TumugonBurahinOk lang po ang positive stress pero may posibility na maging negative stress kapag hindi na control ang stress, at madistract ang attention. Pwede mawala sa focus. At makasira ng diskarte. Its ok to consult a counselor, or advisor para mas mapaliwanagan.
BurahinKapag mabait na may itsura pa..madali ma inlove.pero kailangan din pag aralan baka hindi pwede ang mga bagay bagay. Sa pagmamahalan dalawang tao ang involve.. Pwedeng mahal mo pero hindi ka naman mahal.
TumugonBurahinWhat is positive stress?
TumugonBurahin