Si Miguel at si Bert

Martes, Pebrero 8, 2022

DELIVERIES (Si Pinsan, Si Louie at Si Rommel Part 8)

 <script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Kinagabihan, tinext ko si Engr.Nestor na tuloy kami bukas. Nagreply naman sya agad at sinabing nagtext na si Louie sa kanya. Nagsabi ako na kasama ako. Mabuti naman at para makatulong daw ako sa pag ayos ng gamit. Naghanda na rin ako ng isusuot ko at nag dagdag ako ng extra damit,  baka pagpawisan sa pagbuhat ng mga gamit,mabuti na ang handa, may pamalit na damit. Marami rami din kasing pinadeliver na furnitures and appliances si Engr.Nestor, hindi na kasi nya kukunin ang gamit nya sa probinsya. Kaya lahat ng gamit bago.

Maaga akong sinundo ni Louie sa bahay. Nagtext muna sya bago ako sinundo kaya pagdating nya nasa baba na ako. Nagpaalam na na rin ako sa landlady ko na baka bukas na ako uuwi,  para hindi na sya maghintay sa pag uwi ko. "Kuya Rommel sakay na,"  pag anyaya ni Louie na nakangiti. Labas dimples syempre. "Labas dimples ka pa." sabi ko kay Louie. "Syempre yan ang nagustuhan mo sa akin di ba." lalo pang pinalabas ang dimples. "Sige alis na tayo. Baka kung saan mo pa ako dalhin.at naghihintay si pinsan sa atin." Sabi ko kay Louie. Naka shorts lang ako kaya nang hawakan ako ni Louie sa legs dama ko ang init ng kamay nya. Ang lokong Louie pinasok sa shorts ko ang kamay nya na parang may hinahanap.... "Loko loko ka talaga, sabi na nga ba.. Alisin mo yan." Sabi ko kay Louie.. "Tapos pag na trap ako isusumbong mo ko kay pinsan. Sasapakin kita." gigil na inalis ang kamay.. "ang sarap mo asarin kuya.ang dali mo mapikon..binibiro lang kita eh.iba na ang focus ko. Ang pagbabarko" pang aasar ni Louie. 

Hanggang marating namin ang condo ni pinsan. Nasa lobby na sya at naghihintay. Ako na lang ang bumaba at nagbukas ng pinto sa likod. "Kuya Rommel, dyan ka na rin sa likod umupo. kasya naman kayo dyan ni Tito Nestor."pang aasar ni louie sa akin. "Mukhang nagkakasyahan kayong dalawa ha Rommel?" Nakangiting bati ni pinsan. "Hindi na ako magsasalita pinsan at siguradong talo na naman ako sa inyong dalawa."sagot ko kay pinsan. "Tito, doon po ulit tayo sa bahay nyo sa cavite?" tanong ni louie kay pinsan. "Tama Louie, parating na rin ang mga delivery.nagtext na."sagot ni pinsan. Habang nagdadrive, pakanta kanta si Louie. Nakatulog naman ako sa maikling byahe namin. Ginising lang ako ni pinsan na nasa bahay na kami.

Pupungas pungas pa ako habang naglalakad papasok ng bahay. "Pinsan cr muna ako." sabi ko kay engr. Pag pasok ko sa cr eksakto papalabas si Louie. Binangga ako, at natumba ako. Nakita ni pinsan na nakaluhod ako sa harap ni Louie. "Mamaya na yan Rommel may ibang tao pa." pabiro ni pinsan. "Binangga ako pinsan kaya ako napaluhod".sagot ko kay pinsan. Si Louie tatawa tawa lang. "Ikaw talaga Louie lagi mong inaasar si Rommel. Baka magalit yan sa yo" babala ni pinsan kay Louie.

Hapon na ng matapos ang delivery ng furnitures at appliances.  Lahat kami pagod at gutom na. Si Louie patuloy pa rin sa pang aasar kay Rommel. "Tito mamimiss ko ito pag nasa barko na ako. Nag iisa kong kuya na mabait, maunawain, maalaga at".. pambobola ni Louie sa akin. "Uluuul..kanina lang binangga mo ko.ang sakit noon kala mo nakalimutan ko yun.".bwelta ko kay Louie.  "Kayong dalawa para kayong tunay na magkuya laging nag aasaran. Mayat maya dyan.mag iiyakan pa kayo dahil aalis na si Louie." Sabi ni pinsan sa amin. "Pinsan matutuwa pa ako pag alis nyan. Hindi ko mamimiss dimples nyan.". Sagot ko kay pinsan. "O sige na kain na tayo. Ano oorder ba tayo o sa labas tayo kakain, magulo pa dito.mamaya na natin balikan ito." Pag aaya ni pinsan.

Sa labas kami kumaing tatlo at nagpahinga lang sandali at bumalik agad sa bahay. Inayos namin ng konti mga furnitures, inalisan ng mga plastic yung iba at ipinorma na rin.  Ganun din sa mga appliances pinwesto na at ang mga small appliances tinest na rin namin kung working. Naglinis kami bago umalis. "Paano pinsan kailan ka magdadala ng gamit mo dito?" tanong ko kay pinsan. "Unti unti siguro, pakabit ko pa ang aircon,sa kwarto.yung heater sa banyo..siguro mga ilang balik pa. Lalo pa ngayon iiwan na tayo ni Louie. Kailan ba alis mo louie?" tanong ni pinsan kay Louie. "Sa makalawa po Tito, napaaga po dapat next week." sagot ni Louie na naluluha. "O bakit naiiyak ka dyan? Magbait ka sa barko, pag makulit doon baka itapon ka sa dagat, wala kuya mo doon. Mag ingat ka matuto ka makisama doon at wag ka magpapatira doon." bilin ni pinsan kay Louie. "Parang ako na naman ang pinatatamaan doon sa tirahan na yan ah." Sagot ko sa usapan nila. Kahit naluluha, tumatawa si louie at nagsabing, "opo tito tandaan ko po payo nyo. At mabait po talaga si kuya Rommel, ayaw na po nya ko tirahin Tito. Inaasar ko na lang po. Mahal ko po kayong dalawa pagbalik ko kayo agad puntahan ko." o siya, mag iyakan pa tayo dito, at gagabihin ka pa. Balik na tayo sa condo.sa moa na tayo maghapunan.

Pagdating sa MOA, doon na kami naghapunan. Nagbilin lang si pinsan kay Louie sa pagbabarko , pakikisama sa kapwa worker,  sa safe sex, at pag iipon,  para matupad ang pangarap. Hinatid na lang namin sya sa lobby ng condo at ibinilin si  Louie sa akin. Habang nag dadrive siryoso, tahimik kami ni louie sa kotse. Walang imikan. Hanggang sabay kami nagsalita "Ku" "Lou". At nagtawanan kami. "Ako ang kuya ako ang una magsasalita?" sabi ko kay Louie. "Ano ang sasabihin mo?"tanong ko kay Louie. "Nahihiya ako kuya, wag na lang." sagot ni Louie. "Tatanong ko sana kung ano oras flight mo at sino maghatid sayo?"sabi ko kay Louie. Ngumiti, matagal sya sumagot. Parang nahihiyang may gustong sabihin.  May hihilingin ka no? Tatawa tawa akong nagtanong. Alam ko sasabihin nya.  "Pwede kuya.... Pwede hatid mo ko sa airport kung ok lang sa yo?" Nahihiyang hiling ni Louie. Sabi na nga ba. Pagkatapos mo ko bangain, paluhurin at isumbong kay pinsan.. Magpapahatid ka sa akin sa airport?..


Itutuloy....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Condo Sharing

 December 15, ang lipat ni John sa condo na lilipatan nya sa QC, kung saan sya na assign sa bago nyang trabaho bilang ahente ng noodles.  Co...