<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"
crossorigin="anonymous"></script>
Sabay kaming umuwi ni Louie. Hinatid nya ko sa bahay ulit. Habang nasa byahe tahimik lang kami. Nagngingitian paminsan minsan. Si louie mabiro, hinahawakan tuhod ko, ang kamay ko, sabay kindat. " Ok ka lang Louie?.".."Oo naman kuya bakit mo naitanong?" "Wala naman parang ang saya saya mo." Sabi ,ko kay Louie.. Ngumiti lang si Louie, sabay sipol habang nagdadrive at paminsan minsan may tapik pa ako sa tuhod. Hinayaan ko na lang sya hanggang makarating kami sa boarding house.
"Salamat Louie,"pagbaba ko sa kotse. Nagflying kiss lang si Louie, na halatang nang aasar.. "Sira ulo ka talaga,baka may makakita sa yo." Sabi ko kay Louie. Text mo ko pagnakauwi ka na. Ingat" sabay sara ng kotse. Pagpasok ko ng boarding house nasa sala ang landlady ko. "magandang gabi tita." bati ko. "Wala ka kagabi, saan ka natulog." sagot ni tita. "nagpaalam ako tita hehe." nakangiting sagot ko sa aking landlady. "o sige na, alam ko na sasabihin mo.magpahinga ka na. Kung nagugutom ka may pagkain dyan." sabi ni tita. "Salamat po,papahinga na ako." sagot ko sa aking landlady at dumiretso na ako sa aking kwarto at nagbihis.
Habang nagpapahinga ako naisipan kong itext si Engr.Nestor, "pinsan nagtataka ako bakit ang saya ni Louie? Iba yung saya nya." text ko kay Engr. "Sya dapat tanungin mo hindi ako." Reply ni Engr. "Baka inlove, ano ginawa mo doon" pangalawang text ni Engr. "Kanino sa akin, bakit naman?" reply ko kay Engr. "Ewan ko sa inyong dalawa, kayo magkasama." reply ni Engr. "Magpapahinga na ako, Rommel." huling text ni Engr. Napaisip ako sa text ni Engr. Inlove sa akin si Louie kaya sya masaya. Ang bilis naman ilang araw pa lang kami magkasama. Hanggang sa nakatulugan ko na ang pag iisip.
Sa paglipas ng mga araw, patuloy lang ako sa aking trabaho. Naghanap ng cliente at nagfollow up sa mga cliente. Isang araw, nagtext si Louie sa akin, "kuya Rommel, nandito ko sa harap ng boarding house mo?" "anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Louie. "sinusundo ka, may goodnews ako sayo kuya." sagot ni louie. "Sakay ka na. Treat kita breakfast sa Mcdo."..."sandali lang maligo pa ako.hintayin mo ko."Sagot ko kay Louie.
"Hindi ka man lang nagtext para nakapagready ako agad."sabi ko sa kay Louie. "Surprise kaya kuya Rommel." sagot ni Louie. "Ano ngayon ang surprise mo?" tanong ko sa kanya. "Sasakay na ko ng barko next week kuya! Pinagreport na ko kahapon. Tapos na medical ko anytime aalis na ako."masayang pagbabalita ni Louie. "Goodnews nga yan, sasabihan ko si pinsan." sabi ko kay Louie. "Pwede ba natin sya puntahan, para maibalita sa kanya ng personal?" Tanong ni Louie. "Sge text ko sya sabihin ko puntahan natin sya bukas ng gabi sa condo." sabi ko kay Louie. "Sge kuya treat ko kayo bukas ni sir."sabi ni Louie. Masaya kami nagkwentuhan hanggang sa nagpaalam na ako sa kanya dahil papasok pa ako.
Pagdating ko sa opisina tinext ko agad si Engr.tungkol sa pagpunta namin bukas sa condo nya. Available naman si Engr. Tinanong nya tungkol saan. Sinabi ko kay engr.si Louie na sasagot kasi surprise.
Kinabukasan pagdating namin ni Louie sa condo ni engr. "Ano balita mo Louie, ano na naman ginawa ni Rommel sa yo?" tanong agad ni engr.kay Louie. "may pasurprise surprise ka pa." dugtong ni engr.kay Louie, na tanging ngiti lang ang sagot. "Kain muna tayo sir. Sagot ko." imbitasyon ni Louie kay engr. "Sige maligo lang ako. Sandali lang." makalipas ang ilang sandali, natapos maligo si engr. "Tayo na. Rommel pasara na lang aircon at ioff mo kuryente." Utos ni engr sa akin.
Pagdating sa restaurant na napili ni Louie. Umorder kami muna ng pagkain. Habang naghihintay naalala ni engr.na sa makalawa ang delivery date ng mga furniture at appliances nya. Tinanong nya si louie kung available sya para ipagdrive sya going cavite. "Sir, sa ngayon po pwede pa po." tugon ni Louie. "Kasi po ano po eh." .hindi matuloy ni Louie ang sasabihin kaya ako na nagtuloy. "Pinsan kasi sasakay na sya ng barko next week pero baka anytime pasakayin na sya..yun ang surprise nya pinsan.kaya nya tayo treat ngayon." ..sabi ko kay engr. Natuwa si pinsan. "Sige balitaan mo ko pag aalis ka na. Para magbook ako ng driver,pero kung kaya mo pa ikaw sana magdrive para sa akin. Good luck sa yo.ingat ka. Tandaan mo payo ko." habang nakatingin sa akin si pinsan. "Opo sir tatandaan ko po. Focus sa work. Huwag magpatira." sagot ni Louie. "Kay kuya Rommel lang po." pabirong dugtong ni Louie. "Ako na naman po ang napagdiskitahan ng dalawang ito."sagot ko sa kanila. Hanggang dumating na inorder namin na mga pagkain. Inabutan kami ng waiter na nagtatawanan. Nagrequest din kami ng group selfie sa waiter.
Nang matapos kami kumain. Nagpaalam na kami kay pinsan. "Louie bago ko makalimutan. Hwag mo na ko tawagin Sir mula ngayon." Sabi ni engr. "Opo Sir." Sagot ni Louie. "Ay Opo...paano ko po kayo tatawagin Sir? Malaki po agwat natin." tanong ni Louie kay engr. Nag isip si pinsan..matagal.. "Tito na lang pinsan?" suggestion ko kay engr. "Tama. Tito Nestor. Sige ok ako dyan." Sagot ni engr. "Sige ingat kayo pag uwi. Rommel ingatan mo yan." "salamat po Tito Nestor. Text ko po kayo bukas kung mapagdrive ko kayo sa makalawa. Salamat po Tito." paalam namin ni Louie.
Sa kotse nag usap kami ni Louie. "Kaya ka ba masaya noong nakaraan? Aalis ka na?" isa na yun kuya. Saka syempre kasama kita..hehehe. sagot ni Louie. "Baka nainlove ka na sa akin?"biro ko kay Louie. Kinindatan lang ako ni Louie at hinimas himas hita ko.. "Sira ulo ka talaga. Kalimutan mo muna yan. Pagbabarko mo muna unahin mo." Sabi ko kay Louie. Humarap sa akin na nakanguso na parang gusto humalik.. "Ayusin mo pagdadrive, loko loko ka." sabi ko sa kanya. Hanggang sa makauwi ako ng bahay.
Kinabukasan, bandang hapon nagtext si louie kay engr.na tuloy kami sa cavite.available pa sya pero napaaga ang alis nya. "Kuya Rommel, pwede ko pa ipagdrive si tito Nestor, pero napaaga alis ko.sasama ka ba? Sunduin kita. Natext ko na rin si Tito. Ok na kami." Text ni Louie. "sige available ako. Sama ako." Reply ko kay Louie.
Itutuloy....
Being ofw mukhang masarap pero kami na mga ofw nahihirapan sa ibang bansa. Hindi namin pinapakita sa pamilya para hindi sila magalala.
TumugonBurahin