Si Miguel at si Bert

Sabado, Hulyo 16, 2022

Toto nanalo sa lotto (Jackpot sa lotto Part 3)

 

<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Ano ka ba Cecil, bigla ka pumapasok. Kakagulat ka.sabi ni Angelo kay Cecil. Eh iinom ako ng tubig. Malay ko bang may tao dito. Ako nga ang  nagulat bakit kayo nandito at nagbubulungan.sagot ni Cecil. Siguro nanalo ka sa lotto Toto kaya nakalimutan mo ang coke at yelo? Yun ang bulungan nyo ano?habang hawak ang baso at nakapamewang si Cecil... Cecil saan ruta ko  mamaya? May uutos ka pa?sabi ni Toto kay Cecil. Ako wala pero si Boss Mark  wala pang sinasabi, malamang dito ka lang.sagot ni Cecil. Ano Angelo ano pang ginagawa mo dito?Anong bulungan nyo dito? Kayong dalawa talaga may sikreto kayo.pagtatapos ni Cecil. Toto yung change ko nga pala sa P500 ko bago magkalimutan. Para wala ng iniisip itong si Cecil sa atin.sabi ni Angelo. Hindi ko pa pala  nabigay, saan ko ba nailagay?... Mamaya ko bigay sa yo.... Wala sa bulsa ko.sagot ni Toto habang kinakapa ang bulsa ng pantalon.

Nag alisan na sina Angelo at Cecil at tinuloy ni Toto ang paglilinis. Habang nililinis ang pantry nakangiti si Toto. Kaya tinuloy na ang paglilinis sa buong opisina. Toto anong meron at nakangiti ka dyan? Nangangarap ka na naman ng jackpot sa lotto no?napansin ni Benjie, sina angelo at cecil nakatingin lang sa computer na napapatingin kay Toto. Hanggang umabot si Toto sa upisina ni Boss Mark. Boss maglinis  lang ako pwede?paalam ni Toto kay Boss Mark. Sige Toto, Pasok ka.sabi ni Boss. Toto, pwede bang magpalinis sa yo sa condo? Charge mo ko kung magkano kasi naka bakasyon yung naglilinis sa akin. next week pa babalik, pwede ka ba?. Malapit lang dito condo ko sa likod lang ng Tektite.tanong ni Boss. Sige po Boss kailan po?. Sayang din yan hehe.pagtangap ko sa utos ni Boss Mark. Mamaya  na. May lakad ka?....sabi ni Boss. Sige po boss. Magdadala po ba ako ng panglinis?tanong ko kay Boss. Hindi na meron na ako dun. Sabi ni Boss. Paglabas ni Toto sa opisina ni Boss, nakangiti pa rin. Dumiretso ito sa pantry para ibalik ang gamit na panglinis. At dinukot ang lotto ticket na tumama ng 5digits.  Bukas ako pupunta sa lotto para  kumubra. Kagat labi pa si Toto nang abutan ni Cecil. Huy ano nangyari sa yo dyan. Kagat labi ka pa.bati ni Cecil kay Toto. Na ngiti lang ang sagot habang binabalik ang lotto ticket sa bag. Tawag ka ni Boss Mark. may sasabihin sa yo.sabi ni Cecil. Pagbalik ko sa opisina ni Boss Mark. Toto, sabay na tayo pumunta sa condo. Iwan mo na motor mo baka wala ka parkingan.sabi ni Boss sa akin. Sige po Boss 530pm labas ko.sabi ko kay Boss.

Sabay kami ni Boss Mark pumunta sa condo nya. Naglakad lang kami papunta sa condo. Nasa 40th floor kami ng condo. Ang ganda ng view may balcony ang unit ni Boss. Two bedroom pero isa lang ang gamit nya yung isa para daw sa bisita. Boss Mark umpisahan ko na ang paglilinis.sabi ko sa kanya. sige bihis lang ako kung may kailangan ka sabihin mo lang dito ko sa kwarto.sabi ni Boss Mark.  inumpisahan ko sa sala, maalikabok halatang hindi na linis ng ilang araw, ang mga throw pillow ipinwesto ko sa tamang lugar, ang mga remote ng tv at aircon inilagay ko sa tamang pwesto nila. pagkatapos ko dining area naman. May mga marka ng baso ang lamesa  ang placemat kailangan labhan, pinunasan ko ang mesa at pinakintab. Nag mop din ako ng sahig. Sa kusina, naghugas ng pinggan, at tinuyo ang buong kusina. Sa banyo, nilinis ko ang shower area, toilet bowl, walls,pati pinto ng banyo. May mga towel na kailangan labhan. Nilagay ko lahat sa laundry area. Yung isang kwarto,  malinis naman kaya lang kailangan walisan dahil maalikabok. Nagvacuim ako ng kurtina dahil maalikabok. ng matapos ko na lahat. Kinatok ko si Boss Mark. kasalukuyang nagbibihis si Boss Mark nakatapis pa ng abutan ko. Laki ng katawan nya. Halatang nag ggym kita sa dibdib. Tapos na ako Boss Mark. Ito na lang kwarto mo ang lilinisin. Yung mga kailangan labhan nilagay ko na sa laundry area.sabi ko kay Boss. Sige bihis lang ako. Walang atubiling tinanggal ni Boss Mark ang twalya sa harapan ko at kumuha ng boxer shorts at sando. Nakita ko tuloy ang hubad na katawan ni Boss. Ang puti pala ni Boss Mark, na balbon ang legs.  Napalunok ako. Hindi ko akalaing maghuhubad sya sa harapan ko. Nakita ko ang kanyang katawan lahat lahat. Bakit nagulat ka nagbihis lang  ako sa harap mo? Meron ka rin nito dba?pabirong sabi ni Boss Mark. Ang laki nyan Boss....hehehe.Balbon ka pala Boss, hindi halata.sagot ko kay Boss. Hindi na nga ako nakapag ahit kapal na bulbol ko. Nag aahit ka rin ba. Ipapaahit ko sa yo to..hehehe..pabirong sabi ni Boss Mark. Hindi ko alam kung biro o totoo, ngumiti na lang ako. Sige, Umpisahan mo sa banyo Toto, tapos palitan natin ang bedsheet para bago na.  One week na yan hindi napalitan tapos lahat lagay mo sa  laundry area. Sinunod ko utos nya. Ang bango ni Boss Mark.  Habang naglilinis ako ng kwarto nya. Nagluto si Boss Mark ng pagkain namin. Pagkatapos ko maglinis lumapit ako sa kanya para ipaalam na tapos na. Kumain ka muna bago umalis. Habang kumakain, binanggit ko na yung mga gamit nya nilagay ko sa side table, wala ako tinapon. Inabutan ako ni Boss Mark ng 2K pagkatapos ko kumain.sabi ko kay Boss. ok lang maayos naman linis mo. Sge kumain ka muna bago umalis. syanga pala Toto,  baka maikwento mo sa opis na may mga sex toys ako. Atin atin lang yun ha.bilin ni Boss Mark. Yung mga  vibrator ba yun Boss? Napansin ko nga ang dami tatlo ata  yun. Nilagay  ko sa tabi ng kama pagkatapos ko hugasan kanina.sabi ko kay Boss. Salamat, may bonus ka sa susunod na palinis ko sa yo. Ingat ka sa pag uwi, medyo gabi na.sabi ni Boss. At nagpaalam na ako pagkakain ko.

Pag uwi ko sarado na tindahan ni Nanay, pero gising pa sya. Toto ginabi ka ata? saan ka galing?tanong ni nanay. Nay gising ka pa pala. Galing ako sa condo ng boss ko nagpalinis ng unit nya. Binayaran ako dalawang libo. Sabi ko ang laki nito. Ok lang daw. Kaya ako ginabi nay.sagot ko kay nanay. Kumain ka na ba?ipaghain kita?alok ni nanay. Busog pa po ako nay, pinakain ako ni boss bago umalis dahil gabi na rin.sabi ko kay nanay. O, sige pahinga ka na.sabi ni nanay. Nay, nanalo ko sa lotto 5digits sa 6/45 balak ko kubrahin bukas.pabulong ko kay nanay dahil tulog na ang kapatid. Talaga kuya nanalo ka sa lotto? Mayaman na tayo?biglang sagot ng kapatid ni Toto na akala nila ay tulog na. Nagulat si Toto at Nanay nya. Ano ka ba Crisanto, nakakagulat ka.kala ko tulog ka na!... Nakarinig ka lang ng nanalo kuya mo gising ka pa pala.sabi ng nanay nya. 5digits lang Crisanto hindi pa  jackpot. Sabi ni Toto sa kapatid. Jackpot na rin yan kuya. Malaking halaga yan 5digits.sabi ng kapatid. Sige kuya tulog na ulit ako. Balato ko bukas ha.sabi ng kapatid.

Nagpasama si Toto sa kapatid na si Crisanto sa pagkubra ng 5digit prize nya. Hiningan sila ng ID at hiningi ang ticket. Pagkatapos ma verify pinaghintay sila sandali. May pinapirmahan sa kanila at saka ibinigay ang checke na napanalunan. Dumiretso sina Toto sa Landbank  at pinapalitan. Nagwithdraw lang ng konti si Toto para sa nanay at kapatid nya. Yung iba dineposito nya sa bank account nya para maplano ang gagawin nya sa pera. At pumasok na sya sa opisina na kasalukuyang naghihintay sina Cecil at Benjie sa kanya. Mr.Crisostomo Manalo why are you late?bungad sa kanya ni Cecil na alam nyang galit kapag nag eenglish na si Cecil. Ito Toto  dalhin mo agad itong mga ito sa Makati. Hinihintay na ito. Bakit nalate ka? Hindi ka man lang nagpasabi.nagmamadaling pagkausap sa kanya ni Benjie. Alam ni Toto na may kasalanan sya kaya hindi na sumagot. Binilisan na lang ang kilos. Lahat ng utos sa kanya ng mga sandaling iyon ay mabilisan. Sa Makati ang kay Benjie, Sa BGC ang kay Cecil, at ang huling instruction ni Cecil ay sa Ortigas lang. Pagbalik nya sa opis ng hapon ay kinausap sya ni Cecil sa conferrence room. Nagsorry si Toto dahil hindi sya nakapagpasabi na malalate sya.  Paglabas nila ng conferrence room, nasa labas si Boss Mark. Kayo pala ang nandyan sa loob kala ko may cliente. Toto, anong kaso mo at nasabon ka ni Mam Cecil?...hindi sumagot si Toto. Kamot ulo lang ang sagot kay Boss Mark. Si Cecil ang sumagot. Company policy Boss, kaya may memo ka pipirmahan mamaya. Kahit si Boss Mark walang nasabi. At naghiwalay na silang tatlo. Si Toto sa pantry kung saan madalas sya pumwesto. Ano sabi sa yo ni Cecil?tanong ni kuya Benjie. Napagalitan ako bakit daw ako hindi nagpasabi na malate ako. Para nagawan ng paraan.sagot ko kay kuya Benjie. Ganun talaga kasi we are a team. Coordinated tayo dito. Kasi kami rin mapuputukan. Kaya lahat tayo dito mahalaga.sabi ni kuya Benjie. Trabaho lang walang personalan.dugtong pa nya. Bakit ka nga ba nalate? Ngayon lang nangyari yan.pahabol ni kuya. Ngumiti lang si Toto. Sige mag ayos ka na at stressful ang araw na ito sa atin. Uwian na tayo. Bukas na lang ulit. Wag ka magpa late. Sabi ni kuya Benjie. Nag ayos lang si Toto ng pantry, at naglinis ng opisina. Sila ni Cecil ang huling lumabas. Hindi nagkikibuan hanggang elevator. Nahihiya si Toto kay Cecil. Hanggang maghiwalay silang dalawa sa lobby ng bldg doon lang nagsalita si Cecil para magpaalam.

Kinabukasan, pag pasok ni Toto si Angelo ang inabutan niya. Ang aga mo pumasok Toto may ipapagawa ba sa yo si Cecil?bungad ni Angelo habang nagkakape sa pantry. Wala pa naman. Nasermunan ako kahapon dahil late ako hindi ako nagpasabi. Kinausap ako kahapon bago umuwi.sagot ko kay Angelo. Wala yun.trabaho lang wag mo na uulitin.kung malelate ka magpasabi ka. Papayagan ka naman. Pero kung bigla kang malate ng wala lang lagot ka.sabi ni Angelo. Yan rin sabi ni kuya Benjie. Next time magpaalam ako. Para iwas aberya.sagot ni Toto. Bakit ka nga ba nalate?.. umalis ako na wala ka pa kahapon.Bihira mangyari yun ah. Pagtatakang tanong ni angelo. Ah eh..wala.may inasikaso lang. Nagpasama yung kapatid ko.sagot ni Toto. O sige.trabaho na tayo. Darating na yung mga yun. Punta na ko sa computer ko at makapag umpisa na.sabi ani Angelo. At nag umpisa na rin si Toto maglinis ng opisina. Nagdadatingan na rin sina Benjie at Cecil. Ang aga mo Toto, sige ihanda ko na ipapagawa ko sa yo para makarami tayo.sabi ni Cecil na parang wala lang samantalang si Toto, nahihiya pa rin dahil nasermunan kahapon. Affected ka pa rin ba sa nangyari kahapon? Trabaho lang. Basta wag mo lang uulitin. Trabaho ko bilang HR ang ginawa ko.sabi ni Cecil. Pasensya na Cecil. Naintindihan ko na. Parepareho nga sinabi nina kuya Benjie at Angelo. Paliwanag ko kay Cecil. Siguro nanalo ka sa lotto at kumubra ka kahapon kaya ka na late no?....kakailan ka papakain? Pizza lang ok na...biro ni Cecil. Sige next week. Nabiglang sagot ni Toto sa biro ni Cecil.  Sige alis na ako, balik ako agad baka may uutos ka pa.paalam ko kay Cecil. Sige ingat ka.sabi ni Cecil

Makalipas ang ilang araw back to normal na si Toto. Maaga pumasok,  masayahin at higit sa lahat hindi na nalelate. Nasalubong nya si Boss Mark sa hallway Toto, pwede ka bang regular na maglinis sa condo ko?tanong sa kanya. Wala ng balak bumalik si manang. Ayaw na pabalikin ng anak nya dito.sabi ni Boss Mark.  Nagulat si Toto... Ano araw ako maglinis Boss Mark. Balik nya sa boss. Pag usapan natin kung kailan para hindi ka maipit dito. Pwede after work o weekend. Pag usapan natin minsan.sabi ng Boss. Sige Boss dagdag kita yan. Salamat Boss nagustuhan mo linis ko. Kahit mabilisan.sabi ni Toto. Bakit ka may dalang pizza?sino magpapakain naman ngayon?tanong ng Boss. Ah ano Boss, ako. Tumama kasi ako sa lotto.Kaya blow out ko.sabi  ni Toto. Milyonaryo ka na pala baka hindi mo na ko paglinis nyan.biro ng Boss. Hindi naman Boss 5digits pa lang tinamaan ko  hindi pa 6digits hehehe.. O sige may meeting ako. Basta usap tayo pagbalik ko mamaya.paalam ng Boss. Pagpasok ni Toto sa opisina. Pizza delivery from Pizza Hut.masayang bati ni Toto. Angelo nagpadeliver ka tanong ni Kuya Benjie. Tamang tama papalabas si Cecil ng opis nya. Toto ngayon ka pala magpapa pizza hindi mo sinabi. Kaaalis lang ni Boss.sabi ni Cecil. nasalubong ko nga eh.babalik daw sya mamaya.sagot ni Toto. Tamang tama ang pizza mo Toto at gutom na ako. Tayo nang kumain.sabi ni Angelo. Ano Toto tumama ka sa lotto.aamin ka na?...hehehe tanong ni Kuya Benjie. Oo tumama yan pero ayaw sabihin kung magkano. Kaya sya na late noon. Kumubra..ang mahalaga nakatikim tayo ng panalo nya hahaha..sabi ni Cecil. Kain na tayo kuya. Masayang pag anyaya ni Toto sa lahat.

Cecil babalik pa si Boss Mark?tanong ko kay Cecil. Ang alam ko oo. Nagsasabi yun pag hindi na babalik. Sagot ni Cecil kay Toto. Sabi nga nya babalik sya pero wala pa pasado alas sais na.sabi ko kay Cecil. Naghintay pa si Toto sa Boss nya. Bago mag alas syete dumating,  wala na sina Cecil. Si Toto na lang ang inabutan. Toto pasensya na humaba meeting namin. Gutom ka na ba? Kain na muna tayo, mag drive thru na lang tayo tapos sa condo na tayo kumain.sabi ng Boss ni Toto. Sumunod lang si Toto. Sa kotse na ng Boss sya sumakay. Toto ano gusto mo jollibee o mcdo?hinawakan pa sya sa hita ng boss. Nakiliti si Toto napansin ng Boss nya. Lakas ng kiliti mo ah.medyo po Boss. Sagot nya. Hanggang makarating sila sa condo. Binaba nina Toto ang pagkain. Ang Boss nya diretso sa kwarto. Bihis muna ko Toto. Ikaw na bahala dyan.utos ng Boss nya. Nang maihain na ni Toto ang inorder nila sa drive thru, lumabas na si Boss Mark naka boxers at sando  lang. Feel at home. Kain na tayo muna.sabi ng Boss kay Toto. Pagkatapos kumain sa living area na sila nag usap ng Boss. Toto, ayun nga gusto kita kunin na taga linis dito. Regular na dahil si manang hindi na babalik. Kasama na paglaba ng damit ko may washing machine naman.sabi ng Boss. Ok lang Boss tuwing anong araw ako pupunta dito boss?at magkano sweldo ko? Hehe.. Mahalaga yun dba boss.nakangiti si Toto. 3x a week siguro punta ka dito. Pagtapos mo maglinis pwede ka na umuwi,  tapos na trabaho mo. 5K a month ok na ba yun Toto? Tanong ng Boss sa kanya. Ok na yun Boss. Lagi ka nandito Boss pag maglinis ako?para nakikita mo gawa ko.tanong ni Toto. Yes para masabi ko sa yo gagawin mo. Ano ok na tayo. Bukas pwede ka na mag umpisa? Tanong ng Boss. Yes Boss. Pwede ko ba sabihin sa opis na ako ang tagalinis mo Boss? Tanong ni Toto sa boss. Wag na baka kung ano pa isipin ng mga yun..after work naman kaya wag na.sabi ni boss. Sige boss uwi na ako. Kinamayan ni Toto ang boss at napansin nyang mainit ito na parang may lagnat. Boss mainit ka. May lagnat ka? Hinawakan pa nya ito sa braso at sa leeg. Pasensya na boss napahawak ako sa leeg  mo. Parang may lagnat ka.pagmamalaskit ni Toto sa boss. May thermometer ka Boss? May biogesic ako sa bag? Inom ka muna bago ko umalis.kumuha ng tubig si Toto at pinainom ang Boss. Salamat Toto. Kaya ko na. Gagabihin ka. Naghihintay nanay mo.sabi ng Boss kay Toto. Boss Mark,  check mo temperature mo, inom ka gamot..iiwan ko na itong biogesic ko. Daanan kita boss sa umaga bago ako pumasok sa opisina para check ko kung ok ka na.sabi ni Toto sa boss. Bahala Ka Toto. Ikaw talaga. Tagalinis hanap ko pati pala nurse pwede ka. Jackpot ako sa yo Toto.sabi ni Boss. Boss uwi na ako. Daan ako bukas bago pumasok. Inom ka gamot boss.paalam nya sa boss. Mag ingat ka Toto.sabi ng Boss kay Toto....


Ano mangyayari kay Toto at Boss Mark  nya. 

Itutuloy..


Linggo, Hulyo 10, 2022

Benjies Story (Jackpot sa Lotto Part 2)

 <script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Magkano na ba tayaan sa lotto.tanong nya. P20 lang ang 6digits.sagot ko. Kape tayo kuya Benjie.alok ko sa kanya. Sige Toto, tapos na kami kanina ni Angelo. Lalabas ka na ba?tanong nya sa akin. Pagkakape ko alis na rin ako dito lang sa Ortigas ang mga utos ni Cecil para makabalik agad. May uutos ka?sabi ko kay  kuya Benjie. Wala naman. Sana tumama ka sa lotto. Basta wag lang sobra sobra ang taya.bilin nya. 

Pag baba ko ng opisina, diretso na ako sa  building na pupuntahan ko. Naglakad lang ako papunta sa  Taipan Place para i-delivery ang documento na papapirmahan ko. Babalikan ko na lang. Sa likod ng building doon muna ako tumambay. May convenience store doon. At sa katabi may canteen na may lotto outlet. Sakto tataya ako sa 6/45 ang draw ng araw na yun nasa 15M ang jackpot. Sana manalo ako ng higit sa apat na numero o di kaya jackpot na 15M. Pagkataya ko kumain muna ako ng turon at pagkatapos binalikan ko na sa Taipan Place ang documentong iniwan  ko. Good afternoon Sir, bati ko sa nakaupong guard. Tapos na po yung pinapirmahan ko. Sabi ko kay guard. Eto oh, paki check kung ito yung sayo. Inabot ni guard ang envelope. Binuksan ko at inisa isa kung may pirma lahat ng papeles. Chineck ko kung kumpleto rin. Sir kumpleto po lahat salamat po. Paalam ko kay manong guard. At bumalik na ako sa opisina. Inabutan ko si Kuya Benjie. Kuya, nandyan pa si Angelo? Tanong ko sa kanya. Oo nandyan baka nasa pantry. Dumiretso muna ako sa office ni Cecil para ilagay ang document na inutos nya. Atsaka ako dumiretso sa pantry. Walang tao sa pantry. Naglinis muna ako. Kuya Benjie, walang tao sa pantry. May ipapagawa ka pa? sabi ko kay kuya Benjie. Paki xerox ito naubusan na tayo Toto.sabi ni kuya. Toto bakit ang saya mo? Wala lang kuya sige baba na ako.paalam ko kay kuya Benjie. Pag alis ko dumating si Angelo. Angelo hanap ka ni Toto kanina. May sasabihin ata sa yo.sabi ni kuya Benjie. Wala yun  kuya baka mangungutang lang yun. Kuya mag out na ako ha. Undertime ako. Nagpaalam ako kay boss.sabi ni Angelo. Anong sabihin ko kay Toto pag balik nun. Hahanapin ka nun.sabi ni kuya Benjie na parang nanunukso. Kuya ano ka ba.Hindi ko type ang payatot na hapon na yun.Sige may lakad ako ngayon. Tatawa tawa lang si Benjie na naiwan sa opisina.

Pag alis ni Angelo, eksakto naman bumalik ako. Kuya Benjie, ito na ang inutus mo. Daming nagpapaxerox.kaya natagalan ako.sabi ko kay kuya. Salamat Toto. Kaaalis lang ng Angelo. Hindi ba kayo nagkasalubong sa elevator?sabi ni kuya. Sayang hindi ko sya inabutan.sabi ko kay kuya Benjie. Ano bang kailangan mo kay Angelo at hinahanap mo sya.tanong ni kuya. Birthday ni Angelo bukas kuya, may regalo ako sa kanya. Bukas ko na lang ibigay sa kanya.sabi ko kay kuya. Ikaw na yata ang bagong jowa ni Angelo, Toto no?tukso ni kuya. Hindi kuya. Kaibigan lang atsaka pag birthday mo kuya   regaluhan din kita.sabi ko kay kuya Benjie. Bukas mo na maibigay yan.Agahan mo ang pasok  para matuwa yun. Niloloko ko nga kanina. Kaso may lakad kaya nag undertime.sabi ni kuya. Ano tumaya ka na naman ng lotto kaya nakangiti ka?.sabi ni kuya. Kuya meron ka pa uutos? pag iwas ko kay kuya Benjie. Wala na tapusin ko lang ito at mag out na rin ako. Sabay na tayo bumaba.sabi ni kuya. Linisin ko lang  office ni Boss at ni Cecil para pagbalik nila bukas maayos.sabi ko kay kuya Benjie.

Pagbaba namin, akala ko maghihiwalay na kami ni kuya Benjie. Nag aya pa ito na kumain muna. Toto, kain muna tayo sa kfc sagot ko.sabi ni kuya. Sige ba kuya, Gutom na nga ako eh.sabi ko sa kanya. Sya na ang Umorder para sa aming dalawa.Hindi kami nagmiryenda Ni Angelo. Hindi dumaan si manang.sabi ni kuya. Habang hinihintay namin ang order. Kwentuhan kami ni kuya Benjie. Matagal na pala sya sa opisina may sampung taon na. Tanungin ko sana kung may asawa sya biglang tinawag na ang number namin. Customer no.10. ako na ang tumayo at kumuha ng order namin. 1pc chicken, extra rice, sundae at soft drinks.  Habang kumakain. Binalikan ako ni kuya Benjie. Ano yung sasabihin mo kanina Toto? Tanong ni kuya. Ah... Eh...nakalimutan ko na kuya, pag naalala ko na lang.ang sabi ko.pero ang totoo nahiya ako baka magalit. Habang kumakain kami, nagkwento si kuya Benjie. Sa KFC  pala sila laging kumakain ng dati nyang girlfriend na napangasawa nya. Limang taon na pala syang byudo. Bagong kasal sila noon nang magpunta sila ng asawa nya sa Baguio para maghoneymoon,  sa Hyatt Hotel sila nag check in. At sa di inaasahang pagkakataon lumindol ng nahalos umabot sa intensity 7. Gumuho ang hotel at ilang building sa Baguio.At yun ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang asawa. Natatandaan ko yung lindol na yun kuya nasa school kami noon. High school na ako noon. Pinauwi kami agad. Natigilan si kuya sa pagkukwento. Tinanggal nya ang salamin at nagpunas ng luha. Kuya Benjie, ito pa  tissue. Hanggang ngayon mahal na mahal mo pa rin asawa mo kuya. Kaya pala wala kami nakikita na girlfriend mo. Ngumiti si kuya at nag aya kumain. Kain na tayo masarap ang chicken dito. Kung gusto mo order pa tayo ng spaghetti.sabi ni kuya Benjie. Ok na to kuya ang dami na nitong order natin. At kUmain na kami ni kuya Benjie ng tahimik. Nakangiti na sya pag kakain namin. Ano plano mo sa birthday ni Angelo bukas?tanong nya sa akin. Nagulat ako sa sinabi nya. Wala kuya. Bigay ko lang gift ko sa kanya. Dahil lagi nya ko pina pautang kaya ko sya regaluhan.sabi ko. Kala ko ikaw na bago nyang boyfriend kaya hinahanap mo sya.biro ni kuya. Hindi ako magustuhan ni Angelo. Mga gymfit ang type nun.sabi ko. Oo nga sabi nya. Payat mo kasi, kaya kita treat baka tumaba ka.sabi ni kuya. Hindi ako tabain kuya.sa amin ako lang ang payat lahat ng kapatid ko matataba, kasing katawan mo yung bunso namin.sabi ko. Sinasabi mong mataba ako Toto..ganun ba yun..pabiro ni kuya. Nagtawanan kami. O sige kita tayo bukas sa opisina. Yung regalo mo kay Angelo baka maiwan mo sa bahay.sabi ni kuya. Hindi kuya, iniwan ko na sa table ni Angelo, para pagdating nya matuwa yun.maaga pumapasok yun.sabi ko. Salamat kuya sa treat. Doon na kami naghiwalay ni kuya Benjie.

Kinaumagahan sa opisina, maagang pumasok si Angelo. Nakita nya ang regalo na iniwan ni Toto. Kanino kaya galing ito. Para sa akin ba ito.bulong ni Angelo. Tamang tama papasok si Cecil. Happy Birthday Angel.bati nya kay Angelo.sabay abot ng regalo. Ay may nauna na nagregalo sa yo!gulat na reaksyon ni Cecil. Kanino galing yan?tanong nya. Ewan walang nakalagay. Kala ko sa yo.sagot ni Angelo. Pagpasok ni Benjie, nakita nya ang dalawa. Hi Cecil, kumusta si Ryan.bati nya. Maayos na kuya Benjie.sagot ni Cecil. Angelo yung regalo ni Toto sa yo nakita mo na?sabi ni Benjie kay Angelo. Yung payatot na yun talaga. Nag abala pa.sabi ni Angelo sa dalawang kasamahan. Lagi mo raw kasi sya pinapautang hehehe.sabi Benjie. Aba..isang araw lang ako nawala may ganap agad.sabi ni Cecil. Lagyan ba ng malisya ang regalo ni payatot . May ganun agad. Sagot ni Angelo habang nakapamewang kay Cecil at nagtawanan silang tatlo. Sagot ko lunch mamaya. Nag order ako mga 1130am darating. Wag na kayo umorder ha.sabi ni Angelo sa dalawa. Buti na lang hindi ako nagbaon.sabi ni Cecil. Si Toto kasama sa inorder mo?tanong ni Benjie. Syempre lahat tayo kasama. Ano ka ba kuya.sagot ni Angelo. Mabuti na yung sigurado. Bakit wala pa si Toto?napansin ni Benjie. Parating na yun. Si Toto pa. Baka susurpresahin lang si Angel, kaya nagpalate. sabi ni Cecil.

Pagpasok ni Toto, may dala syang cake at lobo.. Pakanta kanta pa.. Happy birthday Darna! Alam ni Angelo na sya ang Darna na binanggit ni Toto, pero sina Benjie at Cecil ay nagkatinginan. At sabay na nagsabing Darna! Sino si Darna? Nginuso si Angelo, sabi nya nung minsan Angel daw itawag ko sa kanya o kaya pwede ring Darna. Habang naghihintay...pinutol na sya ni Angelo sa pagkukwento, tama na Toto  baka kung ano pa masabi mo. May usapan tayo dba? Itong dalawang ito may sikreto pala.sabi ni Cecil. Ilagay ko na ito sa pantry muna. Cecil saan ruta ko ngayon? Dito lang sa Ortigas para makabalik ka agad at may palunch si DARNA! sabay tingin kay Angelo. Kuya Benjie, may isasabay ka ba kay Ding aalis na ito. Wala napaxerox na kahapon. Si darna na lang tanungin mo kung may idadagdag pa.sabi ni Benjie. Darna lalabas na si Toto, may uutos ka. Dito lang yan sa Ortigas para makabalik before lunch. Soft drinks na lang Toto mga 2Coke at ice cube para sa lunch natin.ito P500 soli mo sukli ah.pabirong inabot ang P500.sige alis na ako Cecil.  Pagbaba ni Toto dumaan muna sya sa mga nagtitinda ng dyaryo at tinignan ang mga headline, at syempre ang lotto results. Dahil memorize nya numero nya hindi na kailangang ilabas ang ticket nya. Napangiti si Toto dahil naka 5numbers sya sa 6.45 lotto malaki laki ang premyo kapag 5digits kayat excited sya na tapusin ang trabaho para makabalik sa opisina. 

 Cecil nandito na ako.sabi nya pagpasok. Toto ang Coke asan na?sabi ni Angelo..Coke at yelo!,  ay nakalimutan ko sandali lang baba ako.dali daling bumaba ako papunta sa 7.11para bumili ng coke at yelo. At halos hingalin sa pagbabalik nya. Eto na ang coke at yelo...habang hinihingal pa. Toto, ano nangyari at nakalimutan mo ang yelo at coke?tanong ni benjie. Ngumiti lang si Toto. O sige kain ka na. Tamang tama ang dating mo.kakadeliver lang ng food. Sagot ni darna lahat yan. Pagtingin ni Toto sa table. Nagulat sya ang dami naman nyan Darna.sabi ni Toto. Para tumaba ka raw .biro ni Benjie. Para sa ating lahat yan.sabi ni Angelo. Kayong dalawa may sikreto kayo ha.sabi ni Cecil. Malalaman din natin ang sikreto nila Cecil.sabi ni Benjie. Kain na tayo,  kung anuano pinag iisip nyo. Toto ito para sa yo.inabot ni Angelo ang plato kay Toto. Cecil kuha na kayo.sabi ni Angelo. Si Toto lang pagsilbihan mo? Tignan mo naman ang payat payat. Kailangang patabain yan baka liparin ng hangin.sabi ni Angelo nakatingin lang si Toto at si Benjie ay kumukuha na ng pagkain nya. Sige  na nga si Boss Mark  dalhan natin ng food sa room nya. Eksakto papalabas ng office si boss nila. Boss Mark kain po.alok nila kay Boss. Anong meron?balik sa kanila. Birthday ni Darna.sagot ni Cecil. Sinong Darna?bagong empleayado natin?sabi ni boss. Ayan po Boss si Angelo, sya si Darna. Birthday nya.sabi ni Cecil kay Boss. Happy Birthday Darna, napangiti lang si Boss. CR lang muna ako.sabi ni Boss.

Pagbalik ni Boss, Angelo, salamat nga pala at nag OT ka nung Sabado. Buti natapos mo yung pinagawa ko sa yo.sabi ni Boss. Report ko sa mga investors natin and shareholders.pasasalamat ni Boss kay Angelo. Ang dami nitong handa mo. Ilang taon ka na ba?anyway sorry to ask that question bawal nga pala.pahabol ni boss. Patuloy kaming nagkwentuhan habang kumakain. Hanggang magtanong ulit si Boss kay Angelo. May bisita ka nung sabado, Angelo, kaibigan mo?tanong ni Boss na kinagulat naming dalawa dahil ang alam namin kami lang ni Angelo ang nandoon sa opisina. Dumaan ako dito noong sabado nakita ko may kausap kang lalaki, ganda ng katawan. Hindi na kita kinausap baka maistorbo pa kayo. May kinuha lang ako sa opisina ko. Pag labas ko nag uusap pa rin kayo. Kaya umalis na rin ako.pagtatapos ni Boss. Hindi namin namalayan Boss na dumaan ka?sabi ko kay boss. Ngumiti si Boss.ang sarap nitong embotido at cordon bleu. Pwede ba  umorder nito? Sabi ni Boss. Yes boss, sagot ni Angelo kay Boss. Hindi nagpahalata na nagulat sya. Pagkakain ni Boss, umalis na rin sya at nagbalikan na sila sa kanya kanyang table dahil mag 1pm na. 

Ako na lang ang naiwan sa pantry para maglinis ng mesa. Si Angelo, binalikan ako. Dumating pala si Boss nung Sabado, napansin mo?bulong nya sa akin.Hindi, ang alam ko tayong dalawa lang ang tao dito nung sabado. Sarado opisina nya, wala akong susi noon kaya hindi ko nilinis yun.sagot ko kay Angelo.  Narinig kaya ni Boss ang pinag usapan namin ni Randy? Nakita kaya nya na umiyak ako?.Patay ako.. Ano pinag uusapan nyong dalawa dyan. Pabulong pa kayo mag usap.biglang pasok ni Cecil sa pantry. Pareho kami ni Angelo nagulat at muntik pang magka untugan. Itong si Cecil lakas ng tawa sa itsura namin ni ANgelo. Ano ka ba Cecil, bigla ka pumapasok. Kakagulat ka.sabi Angelo kay Cecil. Eh iinom ako ng tubig. Malay ko bang may tao dito. Ako nga nagulat bakit kayo nandito at nagbubulungan.sagot ni Cecil. Siguro nanalo ka sa lotto Toto kaya nakalimutan mo ang coke at yelo? Yun ang bulungan nyo ano?habang hawak ang baso at nakapamewang si Cecil...



Itutuloy....

Miyerkules, Hunyo 29, 2022

Jackpot sa Lotto (Part 1)

 

<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Ako si  Crisostomo Manalo, Toto ang tawag sa akin dito sa opisina, may pagka patpatin pero may katangkaran. Hindi naman sa pagyayabang habulin ako ng mga babae, at bakla dito sa opisina. Dahil sa taglay kong  kagwapuhan (biro lang po). May pagkatisoy kasi ako. Anak ako ng Hapon, nagjajapan  kasi ang nanay ko noon. At higit sa lahat mahilig ako mangutang kaya habulin ako.. Sa Ortigas, ako nagtatrabaho bilang messenger.  Sa akin pinapadala lahat ng documento na papapirmahan sa mga boss. Sa akin din pinapadala ang mga checkeng idedeposit pag payday. Kaya ako ang tinatanong pag may sweldo na. At higit sa lahat lagi ako tumataya sa lotto. At ito ang aking kwento.

Pag pasok ko pa lang sa upisina. Headturner na ako.Bakit ko nasabi? Toto, paxerox mo ito ng isang ream.umpisahan ni Cecil (HR staff namin), Toto, puntahan mo ko mamaya sa office,  may ipapadala ako sa yo sa Makati.susundan ni Benjie,(accounting clerk) Toto, pag dating ni manang tawagin mo ako, wala akong baon.sunud naman si Angelo(clerk din).Talagang inaabangan nila ang pagpasok ko araw araw. Iba si Toto, laging maaasahan ng bayan. Ang kagandahan ng trabaho ko lahat sila nakakausap ko. Lahat sila nakikisuyo, kaya kapag kinapos ako,  madali ako nakakautang sa kanila. Sa trabaho ko bilang messenger natutunan ko makisama sa ibat ibang klase ng tao. 

Sa trabaho kong ito nahilig ako tumaya sa lotto. Paano kasi lagi ako bumibili ng dyaryo. Lagi ko nakikita ang lotto result.  Isang araw, malaki ang jackpot price, naisipan ko tumaya. Hindi man ako pinalad, naka tatlong numero ang tumama sa taya ko. Kapag ganun, balik taya ang tawag. Pwede ko tumaya ulit gamit ang lotto ticket na napanalunan ko. Sa aking pagtaya uli, hindi ako tumama. Isang numero lang ang lumabas.  Sabi ko sa sarili ko next time na lang ulit. Sayang ang bente ko.

Kasama ko sa bahay ang magulang ko. Si nanay na lang at dalawa kong kapatid. Dalawang kapatid ko hindi pa tapos, nasa high school at ang isa ay nasa college. Kumukuha ng BS Education, nasa 3rd year college na sya. Si nanay, busy sa kanyang maliit na negosyo. Meron syang sarisari store. Hindi na nya kaya mamasukan kaya ang natanggap nyang separation pay sa dati nyang pinapasukan ginamit nyang puhunan sa tindahan at pag weekend may tinda syang ulam. May kapatid akong may asawa at anak. Kung minsan bumibisita sa amin dala ang buong pamilya. Sila ang dahilan kung kaya ako nagsisikap. Kaya rin ako lagi tumataya sa lotto. Umaasa na makaka jackpot. Paminsan minsan lang naman ako tumaya.. 2 to 3x lang a week..mahal din kasi. Nakakahinayang ang P40 to P60 a week pag natalo. Pero nagbibigay ito ng pag asa kahit papaano. Nangangarap ako na isang araw mananalo din ako. Panalo para kay nanay. Panalo para sa pamilya. Sana ipagkaloob ng Diyos kung naaayon sa plano nya. Kung makabubuti sa akin.

Motor ang gamit ko sa pagpasok sa trabaho. Motor dahil matipid sa pamasahe, maaga pa ako nakakapasok at nakakauwi. Sagot ng kumpanya ang gasolina at maintenance dahil gamit ko sa trabaho. Ang mga security guard sa bldg na pinapasukan ko kilala na rin na mahilig ako sa lotto, kaya kung minsan sa akin nagtatanong kung may nanalo na o kaya naman kung nanalo na ako. Lagi nila ko binibiro na baka nanalo na ako. Hindi ko lang daw sinasabi dahil baka  manghingi sila ng balato. Ngiti lang sagot ko sa kanila. 

Bago ako bumalik sa opisina, inaayos ko muna sa parking lot ang mga inutos sa akin para pagbalik ko sa office, iaabot ko na lang sa kanila. Kasi pagkaabot ko ng mga documento, mag aayos pa ako sa pantry konting linis at meryenda muna. Saka ko sila kakausapin kung may iuutos pa sila.  Ang HR laging may inuutos sa akin. Parang hindi sila nauubusan ng utos, pero mababait sila. Hindi ko maramdaman na isa akong messenger. Kahit college graduate sila. Laging may please kung mag utos. Si Cecil nga sinabihan ako na baka gusto ko mag aral. Ituloy ko raw ang kurso ko, kasi sayang kung hindi ko tatapusin. Naka 2years na kasi ako sa kursong commerce. Sya na raw bahala sa management para sa schedule ng trabaho ko. Napangiti lang ako. Natuwa sa concern nya na umunlad ako. 

Friday, last day of the week. Naisipan ko tumaya ulit sa lotto. Birthday ko birthday ni Nanay at birthday ng kapatid ko tinayaan ko. Baka swertehin ako tutal two weeks yung last time na tumaya ako. Naging abala ako sa work. Dami din kasi nila utos kaya nakalimot ako tumaya. Sabado ng umaga bumili ako ng dyaryo. Hindi ko muna binasa sa opisina na lang kasi halfday lang ako pag sabado. Kaya pagkalinis ko saka ko tinignan ang lotto result. Birthday ni nanay lumabas..birthday ng kapatid ko lumabas...bale apat na numero na.. Nanalo na ko ng P1200..tuwa ko na. Yung birthday ko muntik na. Bale four digits lang lumabas. Natuwa ako dahil dati 3digits lang panalo ko ngayon four digits na. Baka sa susunod na taya ko 5digits na..nasa 34,000 din yun.. At nang maisip ko na baka sa susunod 6digits lalo ako sumaya. Kasi pag six digits ibig sabihin jackpot ang napanalunan ko..milyon yun. Maibibili ko na ng bahay ang nanay ko. Makakapag aral na ang dalawa kong kapatid ng sabay. Mababago na buhay namin.  Napangiti ako habang naglilinis ng office.hindi ko napansin na nakatingin sa akin ang kasamahan ko na si Angelo. Bakit ka nakangiti Toto? Nanalo ka ba sa lotto? Tanong ni Angelo sa akin. Hindi Angelo, nangangarap lang. Libre mangarap dba?sagot ko sa kanya.  Thumbs up lang sagot nya sa akin nang nakangiti.

Angelo, bakit ka nandito? Sabado ngayon. Ayaw na ayaw mo mag OT ng sabado dba?tanong ko sa kanya. Nakakainis ka Toto.. Angel ang itawag mo sa akin. As in Angel Locsin..pwede rin Darna.sagot nya sa akin.  Oo nga ayoko mag OT ng sabado. As in gusto ko matulog hanggang alas dose ng tanghali pag sabado. Kaya lang si Boss Mark may pinapagawa. May choice ba tayo? sabay buntong hininga nya. Buti na lang bibisitahin  ako ng jowa ko.kwento ni Angelo alyas Angel. Si Joey pupuntahan ka mamaya?sabi ko. Ano ka ba Toto, wala na kami ni Joey. Naka moveon na ko sa kanya. Wag mo na sya ipaalala pwede?sabay pinandilatan ako at tinaasan ng kilay. Si  Randy ang bisita ko .Ang bago kong boylet.. At wag mo ikukwento sa kanila dahil hindi pa nila kilala si Randy.babala sa akin ni Angelo. O sya,  Randy na kung Randy. Baba muna ako at bibili ng lunch..magpapabili ka ba.sabi ko sa kanya. Sige pabili na lang ng 1pc chicken at choco sundae. Eto P200.Keep the change. Basta promise mo na wag mo ikukwento si Randy sa kanila.bilin ni Angelo. Bumaba na ako para bumili. Pag labas ko ng opisina may  nasalubong ako isang lalaki, matangkad, mukhang nag gygym, maputi, papasok sa office namin. 

Medyo natagalan ako bumalik dahil lunch time na rin. Mahaba na ang pila sa Jollibee. Inabutan ko pa si Randy pag balik ko. Nag uusap sila ni Angelo. Nagpapaalam na si Randy. Ayaw pumayag ni Angelo, naiiyak sya pero umalis na rin si Randy. Mabilis halos mabangga ako. Nilapitan ko si Angelo sa table nya. Umiiyak sya, nakatingin lang ako habang inaayos ang lunch namin. Pagkatapos ko maghanda, umupo lang muna ako sa mesa. Pinagmamasdan ko si Angelo. Hanggang sya na rin ang lumapit sa akin at niyaya ako mag lunch na. Nakatingin lang ako sa kanya. Nag inhale muna ako bago ako magsalita. Ok ka na?sabi ko sa kanya. Hindi sya sumagot. Kumain lang muna kami ng tahimik. Walang imikan. Hanggang matapos kami kumain. Nilinis ko na rin ang pinagkainan namin. Hanggang anong oras ka dito?tanong ko sa kanya. Hindi sya sumagot. Humarap sa computer at nag umpisa na magtrabaho ulit. Nang matapos na ako sa trabaho ko. Inabutan ko sya ng panyo ko. At doon sya umpisa umiyak. Hindi muna ako uuwi. Samahan kita muna Angel.Hindi pa rin nagsalita si Angelo. Umiyak lang sya ng umiyak. Hinayaan ko lang sya. Bakit lagi ako iniiwan.  Ano ang mali sa akin Toto?usal nya habang umiiyak. Hinagod ko likod nya. Niyakap ko si Angelo. Baka hindi sila para sa iyo. May nakalaan para sa bawat isa Angel. Maghintay ka lang.

Pagpasok ko ng lunes, nagmamadali ako.  Toto, bakit ka nagmamadali?bati sa akin ni Benjie. Late na ko.(hingal)..nandyan na ba si Cecil?sagot ko. Wala pa relax ka lang. Lunes na lunes stress ka agad.sabi ni Benjie. Ay salamat, traffic sa shaw blvd.sabi ko habang nag aayos ng gamit ko. Bakit kaya wala pa si Cecil?bihira malate yun hehehe..sabi ko sa kanila. Oo nga kami rin nagulat bakit wala pa sya.sagot nina Angelo. Habang nag uusap kami nina Benjie at Angelo, tumawag si Cecil. Si Angelo ang nakasagot. Hello Cecil, bakit wala ka pa?bungad ni angelo sa kausap. Nandito kami sa ospital sinugod ko anak ko kanina, wala pa kasi Elmer, pauwi pa lang. Sumakit ang tyan ni Ryan yung bunso ko. Kaya hindi ako nakapasok ngayon.sagot ni Cecil kay Angelo. Si Toto, nandyan na?pakisabi yung envelope sa office ko kunin nya. Meron na instruction doon.pahabol ni Cecil. Kinukuha na ni Toto. Mukhang alam na nya gagawin.sagot ni Angelo. Kumusta na si Ryan?tanong nya kay Cecil. Maayos na. At papunta na asawa ko, susunduin kami pauwi. Bukas pasok na ako.sabi ni Cecil kay Angelo. Sige ingat kami na bahala dito nina Benjie at Toto.paalam ni Angelo kay Cecil. Pagbaba ni angelo ng phone. Iba talaga si cecil no.sabi ni Benjie. Nakahanda ang utos kay Toto. Nagtawanan kami lahat.

Habang inaayos ang envelope na sinabi ni Cecil. Nakita ni Benjie na may hawak akong lotto ticket. Toto mukhang napapadalas ka tumaya ng lotto ha?bati nya sa akin. Hindi naman nagbabakasakali lang na maswertehan.Sagot ko kay Benjie. Magkano na ba tayaan sa lotto.tanong nya. P20 lang ang 6digits.sagot ko. Kape tayo Benjie.alok ko sa kanya. Sige Toto, tapos na kami kanina ni Angelo. Lalabas ka na ba?tanong nya sa akin. Pagkakape ko alis na rin ako dito lang sa Ortigas ang mga utos ni Cecil para makabalik agad. May uutos ka?sabi ko kay Benjie. Wala naman. Ingat ka sa byahe. Sana tumama ka sa lotto. Basta wag lang sobra sobra ang taya.bilin nya...



Itutuloy....



Linggo, Hunyo 19, 2022

Graduation Day, Goodbye Pau (Hamburger and Spaghetti Part 4)

 <script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Girlfriend mo ba sya anak? Tanong ni victor sa anak. Bago sumagot si Paulo. Lumabas na ang nanay nya. Victor, salamat buti napasyal ka. Paulo kumuha ka ng juice para sa daddy mo. Utos ni nanay. Sandali lang daddy. Iniwan ni Paulo ang amat ina sa sala habang kumukuha ng juice para sa ama. Narinig nya na naguusap ang mga ito. May plano ang ama nya sa kanilang pag uusap. Pero kailangan pang kumbinsihin ang nanay nya.

Nay, pinag timpla na rin kita ng juice. Daddy doc, juice po. Nay, sa inyo..ito sa akin naman.. Cheers to a happy family.. Cheers sa paggaling ni nanay.. Cheers dahil kumpleto na family ko..sabay sabay naming tinaas ang baso ng juice. Natatawa si nanay at si daddy doc.. Pinagtatawanan nyo ko Nay?Daddy doc? Tanong ko sa kanila. Wala ikaw talaga anak dami mong gimmick.sabi ni nanay. Daddy doc mukhang siryoso pinag uusapan nyo ni nanay? Pwede sumali?sabi ko sa kanila. Sige nga anak kumbinsihin mo nanay mo na sa Makati  na kayo tumira doon sa bahay ko.sabi ni daddy doc. Nay, tamang tama gagraduate na ako. May matitirhan na ako malapit sa school. Sabi ko kay Nanay. Daddy doc, malapit ba yun sa PLM?TANONG ko kay daddy doc. Sige ok lang doon ka tumira sa Makati. Sa daddy  mo,hindi kita pipigilan. Sabi ni Nanay na may lungkot ang boses. Nay, syempre hindi kita iiwan. Close tayo dba. Walang iwanan.sabay tabi kay nanay at niyakap ng mahigpit at hinalikan si nanay. Huminga ng malalim si daddy doc. Saka nagsabing...hindi ka naman iiwan ni Paulo, Sylvia...sama-sama tayo doon sa bahay ko. Walang iwanan..sabi ni daddy doc. Yun naman pala Nay, walang iwanan, sabay akbay kay daddy doc. Mapupunuan na nya yung panahon na wala si Daddy Doc.sabi ko kay daddy doc  sabay bangga sa balikat nya. Teka parang may hugot ka anak sa sinabi mo.sabi ni daddy doc. Napangiti si Nanay sa sinabi ni Daddy doc. Kanino ka ba talaga anak?sabi ni nanay.. Ah...eh...ah...palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa..Nay naman..ano ba tanong yan.sabi ko kay Nanay.. O sige, Sylvia, hindi kita pipilitin magdecide agad agad. Hihiling lang ako, pwede ba ako pumunta dito para makasama kayo? Hiling ni daddy doc kay nanay. Oo naman Daddy Doc.sabi ko. Aba Paulo!  Pinangungunahan mo ko sumagot anak..sabi ni nanay sa akin. Tinignan ako nang nakasara ang bibig..saka tumahimik...Paulo ayaw yata ng nanay mo na makita ako.. Galit yata sa akin.sabi ni daddy doc..sige aalis na ako..sabi ni daddy doc at tumayo papuntang pintuan.. Victor!, hindi pa ko sumasagot..(malakas  ang boses ni nanay, natakot ako).... Iiwan mo ba kami ulit ni Paulo? Sabi ni nanay.... Welcome ka sa bahay na ito anumang oras Victor... Matinding... Yes!!! Ang nasabi ni daddy doc.sabay harap kay nanay.. Todo ngiti. masayang masaya si Daddy Doc. Bukas ang bahay na ito sa ama ng anak ko. (tumulo ang luha ni nanay, ako naman naiyak na rin pero nakangiting niyakap si nanay) si daddy doc naki group hug sa amin ni nanay..

Pagbalik ko sa school, mga Bunganga beauties agad ang sumalubong sa akin.. Burger King!..Burger King! naospital ka daw?.. Saan ka inoperahan?.. Ano sakit mo?..kaya ba absent ka?...sabi nila na nag alala pero ang lalakas ng boses talaga ng mga Bunganga beauties.. Salamat sa concern mga Bunganga Beauties..(may dating na pang aasar) opera agad...wala ako sakit po.Nanay ko po ang naospital..sabi ko sa kanila. Pau..Pau...si Rochelle tinatawag ako.  Uy Rochelle nandyan ka pala? Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin?tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa paligid. Mamaya na lang.sabi nya. Ok naintindihan ko, mamaya na lang, (habang paparating si Richard, kinawayan ko.) Ito pa isa oh.sabi ko kay Rochelle. Kayo talaga pasecret secret pa.sabi ng isa sa Bunganga beauties..At nag bell na at  Kanya kanya na kaming pasok sa aming room.

Good morning Class, bati ni Sir Arevalo sa amin. Mr.Paulo San Jose, your back. Kumusta nanay mo? Nabalitaan namin ang nangyari sa kanya.pangungumusta ni Sir. Maayos na po Sir. Ok, good to hear that. Alam mo na ba ang isa pang good news? Sabi ni sir. Nag sigawan ang buong klase ng Burger!...Burger!...Burger!.. Nagtataka ako bakit sila nagsisigawan ng burger.  Kamot lang ako sa ulo.. Anong meron Richard? Bulong ko kay Richard na ngumiti lang sa akin. Ok class it seems hindi pa nya alam,base on his expression. Hindi na natin patatagalin pa. You are candidate for 1st honorable mention in this Class. Keep it up Mr.San Jose. Ang masayang balita ni Sir. At nagsigawan ulit na may halong palakpakan pa ang buong klase. Ok class get one half sheet of paper lengthwise..quiz tayo..sabi ni sir. Quiz ulit Sir, lagi na lang surprise quiz.sabi nang nasa unahan. Kaya nga surprise...hehehe..dont worry class this will serve as review na rin.dahil malapit na ang finals nyo and few weeks from now graduation nyo na. Sana lahat kayo makapasa sa finals.. Sana lahat kayo makagraduate...no.1.....no.2.....no.3.....at doon na nag umpisa ang quiz.

Richard, ano kaya yung sasabihin ni Rochelle sa akin? Ako raw ang una nyang sasabihan. May balita ka?tanong ko kay Richard. Wala...hindi ko naman nakakausap si Rochelle. Baka sasagutin ka na nya.sagot ni Richard. Napangiti ako. Kinilig ako sa sinabi ni Richard. Sa loob loob ko. Baka nga kaya ako lang ang sasabihan nya. Hindi ako nakasagot pero halata sa mukha ko na natuwa ako sa narinig ko at nag umpisa na ako managinip ng gising. Hindi ko namalayan dumaan ang mga Bunganga Beauties. Richard, ano nangyari dyan kay Paulo, parang nangangarap ng gising.tanong nila kay Richard. Ewan ko dyan, nag uusap lang kami tapos naging ganyan na.sagot nya. Baka si Roche ang pinag uusapan nyo?sabi nila. Hello Bunganga Beauties, bati ni Paulo sa kanila. Uwi na kayo? Sige uwi na kayo..pagpapauwi sa kanila ni paulo. Hmmp!..sabay sabay na umirap ang Bunganga beauties kay Paulo. Ikaw lagi mo niloloko yung mga yun.sabi sa akin ni Richard. Ganun lang talaga kami mag biruan. Kita mo bukas lalapit na naman sa akin yun.sagot ko kay Richard. Ano uwi na rin tayo. Wala na si Rochelle. Baka sinundo ng mama nya. Gagawa pa tayo ng assignment.sabi ni Richard.

Natapos ang finals, pero hindi kami nakapag usap ni Rochelle. Lagi may humahadlang. Hindi ko alam kung ano sasabihin nya. Kinukumpleto na lang namin mga requirements sa bawat subjects namin, at the same time, abala kami sa graduation practice. Masaya ako dahil 1st honor ako at bukod doon si Nanay at si Daddy doc ang kasama ko sa graduation day. Si Richard naman may loyalty medal, tatay nya at nanay nya ang kasama nya sa graduation. Ang mga Bunganga beauties, kumpleto silang gagraduate din. Yung iba sa kanila kapatid ang kasama, dahil OFW  ang nanay o kaya naman tatay nila. Si Rochelle, ang crush ko ang Valedictorian ng batch namin. Marami humanga sa kanya kasi beauty and brains daw at higit sa lahat mabait pa. Swerte ko, ako ang kaibigan nya pero ayaw pa nya ako maging boyfriend kahit ang lahat akala ako ang boyfriend niya. 

Dumating ang araw ng graduation namin. Lahat ng batch namin gumraduate, walang naiwan, lahat nakapasa. Napakasaya ko kasi umakyat si Nanay at si Daddy doc sa stage para sabitan ako ng medal, 1st honor ako. Pagkatapos ibigay lahat ng medals ng bawat isa sa amin, nag speech ng Valedictory speech si Rochelle. Bahagi ng kanyang speech ang kwento ng kanyang school life,  nag share sya ng memories and experiences  being a student. Nagpasalamat sya sa mga teachers namin,who acted as our 2nd parent during our time in school, classmates at higit sa lahat sa mga parents na nagsupport sa amin bilang student. Dumating yung sad part ng speech nya which is ang farewell part, heartwarming ang speech nya, almost lahat kami naluha, dahil mag kakahiwa-hiwalay na kami after graduation day. Iba ibang school, iba ibang kurso ang  kukunin namin. Pero still after the ceremony, after madeclare kami as high school  Graduates napakasaya, napaka sarap ng feeling. Ang mga parents and teachers  namin hinayaan muna kami mag yakapan ng batchmates,magpaalam,  magpapicture, mag iyakan. 

Akala ko doon na natapos ang paalaman,  yakapan at iyakan namin. Aalis na kami nina Nanay at Daddy doc,  nang may tumawag sa akin. Pau...Pau...kilala ko ang boses na yun. Si Rochelle lang ang tumatawag sa akin ng Pau. Nilingon ko si Rochelle. Tama ako si Rochelle nga. Lumapit ako sa kanya, mga ilang hakbang din yun, ganun din sya. Salamat Pau, sa friendship. Salamat sa  time we spent together, sa pagsundo at paghatid mo sa akin, sa pagtulong mo sa mga projects ko.sabi ni Rochelle sa akin. Hindi ko naiintindihan. Pero niyakap nya ako. Lalong hindi ko naintindihan. First time nya ko niyakap. Rochelle, hindi ko naiintindihan.sabi ko sa kanya. Sorry Pau,hindi ko nasabi sa yo. (umiiyak si Rochelle) were leaving. Ang buong family namin will migrate to Australia. Yun ang gusto ko sabihin sa yo pero hindi tayo nagkaroon ng chance. Doon ako naiyak.niyakap ko sya ng mahigpit. Matagal. Hindi ko namalayan na nakatingin na ang buong batch namin pati sina Sir Santos at Sir Arevalo, nandoon din. Goodbye Pau, ang huling sinabi ni Rochelle sa akin. Nakatayo lang ako umiiyak, nakatingin kay Rochelle hanggang sumakay na sya ng kotse. At umalis na sila ng pamilya nya. Nilapitan ako ni Nanay at Daddy doc.  Lumapit din ang mga Bunganga beauties, si Richard na kaibigan ko at ang mga classmates ko.

Tayo na anak, sabi ni Nanay. Lumakad na kami papunta sa kotse. Tahimik lang ako. Hanggang sa makarating kami sa hotel kung saan kami dinala ni Daddy Doc. Nay, bakit tayo nandito? Anong gagawin natin dito?...mahal dito dba? Nakatingin ako ng matagal sa kanila. Si nanay tinignan si daddy doc. Treat ko anak ngayong graduation mo. For being 1st honor and for being a good son sa nanay mo. Ikaw ang kasama nya noong wala ako. Ikaw ang  naging protector nya habang wala ako. Ikaw ang....pinutol na sya ni nanay. Tama Victor...paiiyakin mo pa anak natin. Kanina pa umiiyak yan.sabi ni Nanay. Paulo, simple lang treat nya ito. Surprise nya sa atin. Will stay here overnight dito.sabi ni nanay. Wala ako dala gamit Nay.sabi ko. Inihanda na ng nanay mo. Hindi namin sinabi dahil surprise nga anak.sabi ni Daddy doc. Bukas will go shopping. Break muna ako sa hospital. Bonding tayong tatlo. Napangiti ako sa surprise nila. Tumuloy na kami sa hotel  room. Para makapahinga at magbihis. Tapos bumaba na kami sa restaurant. Nagulat ako sa prices ng menu at lalo na sa presyo ng hamburger. Order na tayo.sabi ni nanay.  Wala akong ma order Nay hindi ako familiar sa mga nasa menu. Kaya sina Nanay at Daddy Doc ang umorder para sa akin. Nagkwentuhan kami habang naghihintay kumain. Tinanong nila ako ng plans ko after graduation. Kung may result na ang entrance exam ko sa PLM. Kung titira ba ako kay Daddy Doc at kung anu ano pa. Unti unti nawawala ang lungkot ko dahil sa support nila. Niyaya pa ako ni Daddy Doc magswimming. Tumanggi lang ako dahil ang taba ko. Sabi pa ni daddy, mas mataba pa ako sa yo noong kaedad mo ako. Tanungin mo nanay mo. Natawa si nanay dahil totoong mataba si daddy doc noon. Sobrang taba Paulo ng daddy mo noon. Mas mataba pa sayo. Sabi ni nanay na natatawa. Paano tulad mo matakaw din sya.dugtong pa ni nanay. Talaga daddy Doc. Mas mataba ka pa sa akin.tanong ko kay daddy doc. Paano ka pumayat? Nagtatakang tanong ko. Dahil sa nanay mo.nagkagusto ako sa kanya. At dahil sa pag aaral. Tinutok ko attention ko sa pag aaral.sabi ni daddy doc. 

Pagbalik namin sa hotel room nabawasan na ang lungkot ko sa biglaang paghihiwalay namin ni Rochelle. May natutunan ako sa aking mga magulang. Sa mga narinug ko  sa kwentuhan  namin nina Nanay at Daddy doc. Alam ko na  dapat ang aking focus. Ang aking pag aaral, Ang aking pamilya at Ang pag eexercise para pumayat. Ang Hamburger at Spaghetti ay naging bahagi ng buhay estudyante ko. Naging palakaibigan ako at nagustuhan nila ang pagiging masayahin ko. At si Rochelle ang aking Sweet Spaghetti ang magigiging inspiration ko sa aking pagpapapayat at pag aaral. Maaring isang araw magkikita kaming muli at itutuloy namin ang kwento ng Hamburger at Spaghetti tulad ng love story ni Nanay at Daddy Doc.


Martes, Hunyo 14, 2022

Daddy Doc meets Rochelle (Hamburger and Spaghetti Part 3)

 

<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Maybinubulong ka Richard? Sabi ng tatay nya. Wala po tay.sagot ni Richard  sa tatay nya. Tito, kaliwa po tayo, doon po bahay namin. May susi ako kaya hindi na ako kumatok. Paulo, makikinom kami ni tatay at makiki cr ha.sabi ni Richard sa akin. Sge park muna kayo,ihanda ko ang tubig. Nay, dito na po kami ni Richard.. Nay..Nay... Naaaaay!  Napasigaw ng napakalakas at Napatakbo si Paulo sa nakitang itsura ng  nanay nya.. Dinig nina  Richard at tatay nya ang sigaw ni Paulo kaya  dali daling pumasok sila sa bahay nina Paulo. Nakita nila ang nanay ni Paulo na hawak ang ulo. Nahihilo ko anak. Buti dumating ka na. Sabi ng nanay nya. Dalhin na natin sya sa ospital sabi ng tatay ni Richard. Sige po tito. Para matignan agad si nanay.pagsang ayon ko kay tito. Nay magdala lang ako gamit, dalhin namin kayo sa ospital ngayon na.sabi ko kay nanay.  Richard, Tito, cr muna kayo. Pasensya na kayo.sabi ko sa kanila. Ok lang Paulo, sabi ni Tito sa akin. Sge sumakay na kayo sa kotse. 

Pagdating namin sa ospital, pinahiga agad sa stretcher si nanay, kinunan ng bp, at kung anuano pa. Nakaupo lang ako sa isang sulok. Si richard kasama ko sa emergency room. Si Tito, nasa labas ng E.R. Tito, kailangan po iconfine si nanay. Kailangan daw sya imonitor para  maobserbahan. Mukhang na  mild stroke si nanay. Buti na lang daw nadala agad sa ospital. Binalita ko kay Tito, habang nanginginig boses ko dahil naiiyak ako. Paulo, sge ipaconfine mo nanay mo. Wag ka mag alala. Tutal linggo na. Pasamahan kita kay Richard ngayon kahit bukas na sya umuwi. Sabi ni tito na ikinatuwa ko, dahil hindi ko alam gagawin ko. Kaming  dalawa lang  kasi ni  nanay, wala kaming malapit na kamag anak. Salamat Tito. Inabutan ako ni tito ng P2000, iwan ko sayo ito baka may ipabiling gamot sa inyo.sabi ni Tito. Ang totoo tito wala ako pera. Pero paggaling ni nanay babayaran ko ito. Ililista ko po ito.nahihiya kong sinabi kay Tito. Wag mo muna isipin yan. Pag lipat  natin sa room bibili lang ako ng food tapos iwan ko kayo ni Richard para maka pahinga na kayo. Magdasal kayo tanging Diyos lang ang makakatulong sa inyo mag ina.bilin ng tatay ni Richard.

Madali nakakuha ng room sa ospital. Maliit lang pero may sariling cr, may tv, at aircon. Tulog si nanay ng ilipat sa kwarto.  Bakit tulog ang nanay ko? Ano oras sya magigising? Tanong ko sa nurse. Habang si Richard nag aayos ng gamit at matutulugan namin. Binigyan sya ng pampakalma at pain reliever para makapahinga sya. Ano mo ang pasyente?tanong ng nurse sa akin. Nanay ko sya.sagot ko sa nurse. Mamaya check ko ulit bp nya..bumababa na. Na ka schedule na rin sya sa ct scan and 2d echo. Mamayang umaga susunduin sya.sabi ng nurse. Salamat nurse.sabi ko sa nurse. Paulo, kumain ka muna. Nagdala ng burger si tatay at noodles. Meron din kapeng binili si tatay. Alok ni Richard. Salamat Richard, buti na lang pinaiwan ka ni Tito.sabi ko kay Richard. Pag pray natin nanay mo na gumaling agad sya at humingi tayo ng provision kay God para sa bills. Tapos kumain ka na at pahinga na tayo, habang tulog pa nanay mo. Sabi ni Richard sa akin. Sumunod na lang ako kay Richard. Nagdasal kami para sa kagalingan ni nanay at para sa pambayad sa ospital.  At natulog na si Richard. Hindi ako makatulog, pinagmamasdan ko lang si nanay. Hawak ko ang kamay nya. At bumubulong na nanay, pagaling ka. Malapit na graduation ko.sasabitan mo ko ng medalya. Tumutulo na ang luha ko ng maramdaman ko may humahagod sa likod ko. 

Si Dr.San Jose, neurologist ni nanay. Iho, ikaw ba ang anak ng pasyente?tanong ni dr.San jose. Opo doc.habang nagpupunas ng luha.sagot ko kay doc. Stable na ang bp ng nanay mo, ok naman mga lab test nya. Bukas ipapa ct scan natin sya at 2d echo para mas maka sigurado tayo sa kondisyon nya. Narinig ko na may medal ka sa graduation mo. Matutuwa nanay mo pag nalaman yan. Mag cocollege ka na ba?tanong ni doc. Opo doc 4th year high school na po ako.sagot ko kay doc. Anong kukunin mo?tanong ni doc. Balak ko po mag physical therapy or medtech po sa PLM.sagot ko kay doc. Ngumiti si Doc.  You must be good in science. Swerte ng nanay mo matalino ka na mabait pa. Magpahinga ka na anak.sge mag rounds pa kami. Salamat po doc. 

Bandang alas 6ng umaga gising na kami ni Richard. Gising na rin si nanay. Inabutan kami ng mga nurse na nag uusap habang nag aalmusal. Good morning po, Mam San Jose,  mga 10am po sunduin kayo para sa ct scan.sabi ng nurse. Kanina po nag rounds si Dr.San Jose, tulog po kayo.sabi ng nurse. Dr.San Jose ang pangalan ng doctor ko? Sabi ni nanay. Yes mam, kilala nyo po?tanong ng nurse. Anong first name ng doctor ko?tanong ni nanay sa nurse. Victor po. Dr. Victor San Jose po.sagot ng nurse. Salamat nurse. Dr.Victor San Jose, bulong ni nanay. Nay, kilala nyo po si Dr.san Jose? Kinausap nya ko kagabi nang dumating sya. Mabait po sya sa akin.sabi ko kay nanay. Mabuti naman anak. Richard, salamat sa tulong nyo. Pasabi sa tatay mo maraming salamat.sabi ni nanay kay Richard. Walang anuman po. Tita  Sylvia, sasabihin ko po kay tatay. Ano nga pala tita, pag sundo sa inyo uuwi na rin po ako. Pero babalik po ako mamayang gabi po. Bantay po ulit ako mamaya para samahan ang kaibigan ko.sabi ni Richard.   Nagpatuloy ang kwentuhan naming tatlo. Kinwento ko kay nanay ang nangyari sa JS prom. Natutuwa sya at naenjoy ko ang prom. Hanggang dumating na mga sundo ni nanay papunta sa ct scan. Sya namang dating ni Dr.Victor San Jose. Good morning.bati ni dr.san jose. Doc kaaalis lang ni nanay dinala sa ct scan.sabi ko kay doc. Ganun ba...sayang hindi kami nag abot...  Nagmadali pa naman ako.. Kumusta nanay mo anak.sabi ni doc. Maaga po nagising si nanay Doc, masigla po sya. Hindi katulad ng dinala namin dito kagabi. Kumain po sya ng konti doc. Sabi ko kay doc. Sige ipapakuha ko agad resulta ng ct scan para mabasa agad. Babalik ako para sa result. Salamat anak. Sabi ni Doc. Paulo, bakit anak tawag ni doc sa yo? Atsaka Medyo hawig kayo ni Doc. Mahilig din kaya sa hamburger si Doc? Coincidence pa na ka apelyido mo sya San Jose din. Baka sya ang tatay mo Paulo?bulong ni Richard sa akin. Sira ulo, nataon lang yun. Hindi ko kilala tatay ko. Bihirang magkwento si  nanay tungkol sa tatay ko.kwento ko kay Richard. Nahawa ka na sa mga bunganga beauties na kaklase ni Rochelle. Kung anoano iniisip mo.umuwi ka na nga.sabi ko kay Richard.

 Bago maglunch bumalik na si nanay sa room. Binanggit ko na hindi sya inabutan ni Dr.San Jose. Nay,babalik si doc kapag may result na ang ct scan sabi nya.kain na tayo ng lunch nay, dumating na rasyon nyo. Mukhang masarap, tinikman ko kanina. Sabi ko kay nanay. Anak, sige kumain ka na. Anong oras babalik si Doc anak? Tanong ni nanay. Walang sinabing oras po nay basta babalik daw sya. Niloloko nga ako ni Richard, baka tatay ko raw si Doc, kasi kamukha ko. Maitim na mabilog ang pisngi. Singkit din ang mga mata.Tapos Anak pa  ang tawag nya sa akin. Sabi ko hindi ko kilala tatay ko. Nagulat si nanay nung sinabi kong anak ang tawag sa akin ni Doc.  Paulo, anak pasensya na hindi ako nagkwento sayo tungkol sa tatay mo, dahil hindi rin alam ng tatay mo na buntis ako noong naghiwalay kami. Dahil ayaw sa akin ng magulang nya. Kaya nagkahiwalay kami.kwento ni nanay. Hindi namin alam na nasa likod na namin si Doc San Jose. Pwedeng pumasok? Sabi ni Doc. Victor!....Victor!...gulat na nasabi ni nanay ang pangalan ni Dr.San Jose. Ikaw ang doctor ko?   Nakangiti si Dr.San Jose. Dala ko ang result ng CT scan mo Sylvia. Wala namang nakitang problema. Everything is ok. Nurse, pwede iwan mo muna kami.sabi ni doc sa nurse. At umalis na ang nurse dala ang chart ni nanay. Sorry Sylvia, hindi kita pinaglaban noon. Hope you understand and forgive me. Nag aral ako ng medicine. Hindi ka nawala sa isip at puso ko kaya hanggang ngayon Hindi pa ako nag aasawa. Anak mo ba ang batang ito?sabay hawak sa balikat ko si Doc. Anak natin sya Victor. Pinalaki ko sya mag isa. Nagsikap ako para pag dating ng araw na ito hindi ako mapahiya sa magulang mo. Mahirap pero hindi ko pinagsisihan dahil isa syang mabuting bata, mabait, matalino. Matakaw nga lang sa Burger.sabi ni nanay. Nay naman. Nakakahiya kay Doc. Anong doc?sabi ni Doc. Anak kita sabi ng nanay mo. Kaya pala malakas ang kutob ko, kagabi pa lang.sabi ni Doc. Nay sya ang tatay ko?paniniguro ko kay nanay. Oo naman sya lang naging boyfriend ko at wala nang iba.sabi ni nanay. Ano tatawag ko sa kanya?tanong ko sa kanila. Nagtinginan silang dalawa. Nagtawanan kaming tatlo. Biglang dumating ang nurse. Doc, pinapatawag po kayo sa ER.sabi ng nurse. Sylvia, anak, babalik ako may emergency lang.paalam ni doc. Nagtaka ang nurse bakit anak tawag sa akin ni doc. Pero hindi na nagtanong lumabas na rin ng room.

Afternoon na nang sunduin si nanay  para sa 2d echo. Nagsabi ang nurse kay nanay na lilipat daw kami ng room bilin ni doc san jose. Kaya pag alis ni nanay, inayos ko ang gamit namin at lumipat sa mas malaking room, suite room ang nilipatan namin. Kumpleto ang room, may cabinet, may extra bed para sa bantay, may sofa pa.malaki ang cr parang nasa bahay lang. Nurse ang laki naman nito. Mahal ito.sabi ko sa nurse. Dito po kayo pinalipat ni Dr.San Jose.sabi ng nurse. Bandang alas 7 ng gabi, dumating si Richard. Dala na nya ang bag at uniform para bukas, diretso na sya sa school. Paulo, naligaw ako. Pumunta ko sa room nyo kanina, ibang pasyente ang nandoon. Balik ako sa nurse station,dito ko tinuro.sabi ni Richard. Pinalipat kami ni dr.san Jose dito kanina. Nakapagusap na sila ni nanay. Nakatingin lang si nanay sa amin. Sabi na sa yo tatay mo yung doctor. Tita sabi ko kay Paulo, kamukha nya ang doctor nyo.sabi ni Richard kay nanay.  Dumating si Doc habang nagkukwentuhan kami. Biglang tumahimik si Richard. Normal ang result ng 2d echo. Kaya pwede ka na umuwi bukas or next day. Yung hilo mo pwedeng napagod ka ng mga nagdaang araw kaya tumaas bp mo. Baka sobrang pag iisip. Sakit ba ng ulo itong si Paulo?.sabi ni doc kay nanay. Hindi Victor, mabait ang anak natin.sagot ni nanay kay daddy doc. Doc,kaibigan ko po si Richard. Sya po at ang tatay nya nagdala kay nanay dito sa ospital.pagpapakilala ko kay Richard kay daddy doc. Bakit doc tawag mo Paulo, dba dapat daddy doc?bulong ni Richard. Salamat Richard, kaibigan ka pala ng anak ko.tinapik ni daddy doc si Richard sa balikat. 

Kinaumagahan, unang nagising si Richard sa amin. Habang nagbabasta sya pagpasok sa school,nagising si nanay.  Tita Sylvia, pasok na po ako sa school. Hindi ko na po gisingin si Paulo.sabi ni Richard kay nanay. Richard, natapos nyo ba ang assignment mo?tanong ni nanay. Opo tita, nahirapan po si Paulo i-explain sa akin kasi hindi ko maintindihan ang physics.Kaya napuyat kami. Tita, pwede ba bumisita mga classmate namin mamaya after class?tanong ni Richard. Richard, sa bahay na lang baka umuwi na kami mamaya or bukas. Ipagluto ko pa sila ng spaghetti pag malakas na ako.sagot ni nanay. Sige po tita, natanong ko lang po. Pasok na po ako.paalam ni Richard. 

Sa school, good morning class. Bati ni sir arevalo sa klase. where is Mr.Paulo San Jose?hanap ni sir kay paulo. Sir, nasa hospital po.sagot ng classmate namin. Nagulat si Mr.Arevalo. sir yung nanay nya po nasa ospital. Dinala po namin noong sabado ng gabi after the prom.sabi ni Richard. Pero baka mamaya or bukas po lalabas na sila ng ospital sir. Bantay po kami ni Paulo kagabi sir.sagot ni Richard. May goodnews ako sa kanya. Actually, before the prom sana sabihin ko pero naisip ko after na lang. He is running for 1st  honorable mention  ng class na ito. Nagsigawan ang buong klase. Natuwa sa balita ni Sir Arevalo. Sir pag nalaman ng nanay nya sigurado matutuwa yun.sabi ni Richard . Pwede ba tayo bumisita mamaya sa ospital?tanong ni sir kay Richard. Sir tinanong ko rin yan kay tita Sylvia, ang sabi nya baka umuwi na sila mamaya or bukas. Sa bahay na lang daw po ang bisita sa Sat po.sagot ni Richard.

After ng klase,Richard, si Pau? Bakit wala sya? Absent sya?tanong ni Rochelle. Hmmmm!hinahanap nya kaibigan ko!...namimiss nya agad..pang aasar ni Richard kay Rochelle.  Asan si Pau? Napipikon na si Rochelle. Nasa ospital! Pikon ka talaga..sabi ni Richard. Haa!...ano nangyari kay Pau...kailan pa sya nasa ospital! Nag aalalang boses ni Rochelle. Concern!... Ok lang si Paulo, Rochelle. Kalma ka lang.. Nanay nya ang dinala sa ospital noong sabado.pero baka lumabas na mamaya or bukas.sagot ni richard kay Rochelle. Puntahan natin. Dalhan natin ng fruits si tita Sylvia.please samahan mo ako..sabi ni Rochelle.  Tita Sylvia! na pala tawag mo sa nanay ni Paulo. Kailan pa.hehehe.. Nang aasar pa rin si Richard. Tayo na para hindi tayo gabihin at abutan natin sila sa hospital.nagmamadaling hila ni Rochelle si Richard.

Sa ospital, tita pasensya na po. Si Rochelle kasama ko po. Nag aalala kasi kay Paulo....sa inyo po pala nang malamang nasa ospital kayo.sabi ni richard kay nanay. Tita Sylvia, itong si Richard, inaasar ako. Kayo po pinuntahan ko. May dala po akong fruits and flowers para sa inyo.depensa ni Rochelle. Salamat Rochelle sa pagbisita. Ok na ako bukas kami uuwi sabi ng doctor ko. Eksakto pasok ni Dr san Jose. Good afternoon Sylvia, kumusta ka na. Bukas ka na uuwi.sabi ni doc San Jose. Victor, mga kaibigan ni Paulo. Si Richard at si Rochelle.pakilala ni nanay kina Rochelle. Sya ba ang girlfriend ng anak natin? Magandang bata at maalalahanin  pa. Sabi ni Dr.San Jose.natawa si Richard. Namula naman si Rochelle. Rochelle, sya ang daddy doc ni Paulo.bulong ni richard kay Rochelle. Anong binubulong mo na naman dyan Richard? Lagi kang bumubulong.biro ni Dr.San Jose kay Richard. natawa na si Rochelle, dahil napansin agad na mahilig bumulong si Richard. Wala po Tito doc, sabi ni Richard. Tita Sylvia si Paulo po?tanong ni Richard. May binili lang sa labas at nagugutom daw sya. Pabalik na yun.sabi ni nanay. Malamang po tita, burger na naman ang binili nun.hindi nagsasawa sa burger yun.sabi ni Richard. Pagdating ni Paulo, tama si Richard. Dalawang burger ang dala ni Paulo. Natawa si Rochelle dahil may catsup pa si Paulo sa labi. Paulo, nandito ang girlfriend mo?sabi ni daddy doc kay Paulo. Nagulat si Paulo bigla nagpunas ng catsup sa bibig. Kaibigan ko lang po si Rochelle daddy doc. Magagalit yan sa akin pag tinutukso sya sa akin.sagot ni Paulo sa ama. Natawa si Dr san Jose. Sige na nga.sabi ni doc.

Pag uwi namin sa bahay. Ipinahatid kami ni daddy doc sa driver nya dahil naka duty sya. Naintindihan naman namin ni nanay. Wala kami binayaran sa ospital, charge daw lahat kay daddy doc.  Sa bahay, pinagpahinga ko muna si nanay. Ako na ang nag ayos ng gamit namin. Nay, bibili na lang muna ako ng ulam sa kanto para hindi na tayo mapagod sa pagluto.mamaya na ako magsaing pag balik ko.sabi ko kay nanay. Bahala ka na Paulo, pahinga lang muna ako.sabi ni nanay. Dumalaw ulit sa bahay si Rochelle, may dalang ulam. Pau, dinalhan ko si tita Sylvia ng ulam. Alam ko wala kayo luto at pagod kayo kaya nagpaluto si daddy ng ulam. Sana magustuhan nyo.sabi ni Rochelle. Salamat Rochelle, bibili na nga ako ng ulam namin dahil, nagugutom na ako.sabi ko sa kanya. Pagdating namin ni Rochelle sa bahay tulog pa si nanay. Kaya nagsaing na muna ako.

 Tamang tama pag gising ni nanay luto na ang sinaing. Nandito si Rochelle, may dalang ulam. Ang bango..amoy pa lang nagugutom na ako.sabi ko kay nanay. Lahat naman masarap sayo Pau.sabi ni Rochelle. tama ka Rochelle.kaya ang taba ng kaibigan mo.sabi ni nanay.  Nay kain na ako ha ang sarap. Sa ospital kasi matabang ang pagkain atsaka konti lang.sabi ko sa kanila.  Dahan dahan lang sa kain  Pau. Maghuhugas ka pa mamaya ng pinggan.biro ni Rochelle sa kaibigan. Kumusta na po kayo tita Sylvia.bati ni Rochelle kay nanay. Maayos na. Kala ko na stroke ako. Napagod lang sabi ni doctor.sagot ni nanay. Tita, pwede po magtanong?sabi ni Rochelle. Yung doctor nyo po, daddy doc ang tawag ni Pau? Ngumiti si nanay. Daddy ko yun Rochelle, sabi ni nanay. Yung love story nila sa school ko na lang kwento. Magpapakwento pa ako kay nanay.sagot ko kay Rochelle. Kamukhang kamukha kasi ni Pau, tita kaya natanong ko po pasensya na po.sabi ni Rochelle kay nanay.ganyan din sabi ni Richard.ok lang Rochelle. Masarap ang ulam na dala mo Rochelle. Ikaw ba nagluto o si mama mo?bati ni nanay sa ulam. Si daddy po nagluto. Nang malaman nya kagabi na lalabas kayo sa ospital today, dinagdagan nya ang ulam namin para ipadala sa inyo.sabi ni Rochelle. Paulo, naubos mo na ang ulam.sabi ni nanay. Masarap po kasi atsaka gutom na gutom ako.sagot ko kay nanay. Nagkwentuhan kasi tayo tita kaya sinamantala nya...sabi ni Rochelle. May sabihin ako sa yo Pau kaya rin ako nagpunta dito sa inyo. Gusto ko ikaw una makaalam.sabi ni Rochelle sa akin. Ano yun Rochelle, parang serious naman yan.balik ko kay Rochelle. O sige iwan ko na muna kayong dalawa para makapag usap kayo ni Rochelle. Paulo ikaw ang maghugas ng pinagkainan ha baka si Rochelle paghugasin mo.sabi ni nanay.

Hindi mo ako sinabihan na naospital si tita. Kaya ka pala wala sa school kahapon. Umpisa ni Rochelle. Kung hindi ko pa nakita si Richard hindi ko malalaman. Ayun inasar pa tuloy ako.pagpapatuloy ni Rochelle. Si richard talaga hindi halatang lokoloko no. Binulungan ka rin ba nya?sagot ko kay Rochelle. Biglaan kasi kaya hindi na kita nasabihan. Pag uwi namin nung sabado.dugtong ni Paulo. Ano nga pala yung ulam na dala mo ang sarap. Sabihan ko si nanay iluto yun pag malakas na sya.pahabol ni Paulo. Ano sasabihin mo pala sa akin.pagtatapos ni Paulo. naayos na namin ni mama mga papers namin, kaya ako laging absent sa school. pinaayos nya ang mga  passport naming magkakapatid.sabi ni Rochelle. Mag aabroad kayo?  Dahil valedictorian ka? Saan kayo mamamasyal?excited na tanong ni Paulo.  Sasagot na sana si Rochelle nang biglang may kumatok. Tao po!....tao po.... Sandali lang Rochelle may tao yata, buksan ko lang pinto.sabi ni paulo kay Rochelle.  Daddy doc, kayo pala. Tapos na duty nyo? Nandito po si Rochelle, si nanay nagpapahinga sa kwarto nya. Sabi ni paulo sa daddy nya.  Good afternoon po doc. Bati ni Rochelle kay dr.San Jose. Good afternoon din Ro... Rochelle...tama ba?sabi ni doc. Opo doc tama po.sagot ni Rochelle nang nakangiti. Daddy doc,upo ka muna puntahan ko lang si nanay.sabi ni Paulo kay dr.San Jose. Pagbalik ni Paulo sa sala. Daddy doc, susunod na si nanay.sabi ni Paulo.  Pau, uuwi na ako, sir, una na po ako.paalam ni rochelle kay daddy doc. Dba may sasabihin ka pa?pahabol ni Paulo kay Rochelle. Sa school na lang natin pag usapan. Sir nice meeting you po ulit. Paalam ni Rochelle sa mag ama.

Mukhang may pinag uusapan kayo nang dumating ako anak.sabi ni daddy doc.  Opo daddy, may binanggit si Rochelle na passport. Mukhang mag aabroad sila. Valedictorian kasi sya.sabi ni paulo sa ama. Wow talino na,maganda pa, mabait pa. Girlfriend mo ba sya anak? Tanong ni victor sa anak. Bago sumagot si Paulo. Lumabas na ang nanay nya. Victor, salamat buti napasyal ka. Paulo kumuha ka ng juice para sa daddy mo. Utos ni nanay. Sandali lang daddy. Iniwan ni Paulo ang amat ina sa sala habang kumukuha ng juice para sa ama. Narinig nya na naguusap ang mga ito. May plano ang ama nya sa kanilang pag uusap. Pero kailangan pang kumbinsihin ang nanay nya. 



Itutuloy.....

Lunes, Hunyo 6, 2022

Rochelles Report (Hamburger and Spaghetti Part 2)

<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

 Paano na ngayong alam na nyang crush ko sya? Magpasundo pa kaya sya? Magsabay pa kaya kami umuwi? Magalit kaya sya sa akin? Iwasan kaya nya ako? Dami kong tanong. Lahat hindi ko alam ang sagot. Si nanay kasi napasarap ng kwento, nadulas tuloy.  Bahala na. Nahirapan akong matulog ng sabadong yun. Kaya kinaumagahan tinanghali ako ng gising. Paulo....Paulo....anak, tanghali na gising na. Mag aalas dyes na.  Bakit ka tinanghali ng gising? Boses ni nanay ang gumising sa akin. Tanghali na bangon na. Sasama ka ba maggrocery tayo.sabi ni nanay. Tinignan ko lang si nanay. Ok ka lang ba anak?tanong nya. Tanghali na.sabi ni nanay. Pagtingin ko sa wall clock. Alas dyes na ng umaga. Nagulat ako at dali daling naghilamos. Nay tangali na pala. Bakit di nyo ko ginising.sabi ko kay nanay. Anong hindi eh kanina pa kita ginigising. Tulog mantika ka. Sabi ni nanay. Hindi kasi ako nakatulog agad nay. Umaga na ata ako nakatulog.sabi ko kay nanay. Ano sasama ka ba sa grocery?sabi ni nanay. Opo nay. Bonding natin ang grocery dba. Magalmusal lang ako tapos maligo tapos alis natayo.sabi ko kay nanay. 

Pagkatapos namin maggrocery sa labas na kami naglunch ni nanay. Doon na kami nagkwentuhan. Nay nagalit kaya si Rochelle ng malaman nya na crush ko sya. Kaibigan nya ko tapos bigla may gusto pala ako sa kanya.nabanggit ko kay nanay. Kaya ka ba tinanghali ng gising. Yan ang iniisip mo?sabi ni nanay. Ngumiti muna ako bago ko sinagot si nanay. Syempre nay kaibigan ko sya at the same time maganda naman si Rochelle dba. Natural lang yun sa age namin.sabi ko kay nanay. Wala namang masama anak sa feelings mo.pero si Rochelle lang ang makakasagot nyan. Give her time na isipin ang situation nyo. Tulad mo inisip mo magdamag yun. Ganun din sya.sagot sa akin ni nanay. Nagtinginan kami ni nanay. Binata na ang Paulo ko. Baka isang araw wala na ako kasabay maggrocery.sabi ni nanay. Nay pag aaral ang priority ko. Tapos ikaw. Pag nagka girlfriend ako,  isasama natin sya sa grocery para makilala mo sya.sabi ko kay nanay. Huminga lang ng malalim si nanay at itinuloy namin ang aming pananghalian.

Kinaumagahan lunes, unang araw ng linggo. Unang araw ng klase. As usual dinaanan ko si Rochelle. Dad nya ang inabutan ko. Sir, si Rochelle po?... Paulo, kaaalis lang hinatid ng mommy nya. Hindi mo ba nasalubong?sabi ng dad nya. Ah eh...hindi po napansin Sir.sige po pasok na ako.paalam ko sa dad ni Rochelle. Sa school nakaabot ako sa flag ceremony. Nakita ko si Rochelle pero magkalayo kami kaya hindi ko na sya nilapitan. Nasa bandang unahan sya kaya hindi nya ko nakita. After ng flag ceremony, nagpasukan na kami sa kanya kanya naming room. Lunch break na ulit kami nakalabas ng room. Sa canteen nagkita kami. May dala kaming tray ng food. Nagkasalubong kami....Rochelle,pangalan lang nya nasabi...walang lumabas sa bibig ko. Humarap sya pero walang sinabi. Hanggang Rochelle...Rochelle..dito tayo. Nireserve na namin for you.sabi ng mga classmate nya. Burger king, meeting muna kami ha may report kasi kami mamaya.paalam sa akin ng mga classmate nya. Ngumiti lang ako. Medyo malayo ako sa table nila. Pero habang nag lulunch ako, tinitignan ko sya. Sya naman patuloy ang lunch with her classmates. Naguusap na rin sila tungkol sa report nila after lunch. Panay ang tingin ko kay Rochelle pero sya hindi tumitingin sa akin. Naisip ko tuloy baka galit sa akin. Hindi ko namalayan na ang kashare ko sa table ay ang classmate kong si Richard. Kanina pa pala nya ko napapansin. Uy kumain ka nga dyan. Tingin ka ng tingin doon.sabi ni Richard sa akin. Kanina ka pa dyan?tanong ko sa kanya. Oo naman hindi mo nga ako napansin. Samantalang ikaw bilang na bilang ko ang pagtingin mo doon kay Rochelle.sagot ni Richard.

Si Richard ang isa sa nakakakilala sa akin sa school. Sya ang best friend ko na lalaki dahil na rin mula 1st year hanggang ngayong 4th year na kami, kaklase ko pa rin sya. May problema kayo ni Rochelle? Nag away kayo?.tanong nya. Hindi ah..pagtatanggi ko. Kilala kita.tagal na nating classmate. May problema kayong dalawa o ikaw lang may problema?sabi ni richard sa akin na parang nasukol nya ako. Sumubo muna ako ng lunch.tuloy tuloy na kain hindi ako nagsasalita. May problema ka nga Paulo. Kilala kita. Kitang kita sa bawat subo mo.Pag ready ka na sabihin mo baka may maitulong ako. Parang wala akong narinig. Tuloy tuloy lang ako sa pagkain ng lunch ko.hindi ko pinapansin si Richard. Hanggang tayo na Richard.  bibili pa ko ng Coke.sabi ko sa kanya. Sa yo na tong coke  ko. Hindi ko pa nainuman yan. Kaya akin na bayad mo.Alam ko hindi ka umiinom ng nainuman na.alok ni Richard. Kinuha ko ang coke nya at habang iniinom yun nakatingin ako kay Rochelle. Nakita kong nagtayuan na sila. Nakita ako ni Rochelle. Tinignan ako ng matagal..Roche tayo na malate tayo sa report natin. Tayo unang reporter.tawag ng classmate nya. Wait lang.sagot ni Rochelle.Dali daling kinuha ni Rochelle ang gamit nya. At nagmamadaling sumunod sa classmates nya. 

 Napansin ni Richard na may naiwan si Rochelle. nilapitan namin. Doon namin nakita na laptop pala ang naiwan. Hinanap namin sila pero wala sila sa room na dapat ay room nila. Lumipat pala sila ng room dahil may activity sila. Panic na ang group nila dahil magrereport na sila. Si Rochelle pawisan na hindi alam ang gagawin dahil sa kanya binigay ang responsibility. Hanggang sa tinawag na sila at binigyan ng ilang minuto para mag umpisa.hanggang narinig namin ni Richard na nagpapaliwanag sila kay Sir Arevalo. Kami ni Richard pawisan din dahil hinanap namin  kung saan sila nagklase at dala namin ang laptop ni Rochelle. Si Richard ang unang pumasok sa room nila. Excuse me Sir!habang hinihingal kami ni Richard kasunod nya ako. Sir,  (hingal pa kami) naiwan ni Rochelle ang laptop sa canteen. Nakita(hingal) namin ni burger king. (hingal) wala kayo sa room na katabi namin kaya(hingal) hinanap namin kayo. Habang hiningal pa kami inabot ko kay Rochelle ang laptop nya. Nagsigawan ang buong klase ng burger king...burger king...burger king... Natuwa ang group nila. Si Rochelle nawala ang stress napangiti kay Paulo. Salamat Pau..sabi ni Rochelle.tuwang tuwa ang buong klase. Sir alis na po kami balik na kami sa klase namin kay Sir Santos baka pagalitan kami dahil late kami. Ok Richard and burger king thank you. Sabihan ko si mr.santos mamaya sa faculty ng love story..ay nang nangyari today. Nagtawanan ang klase sa love story joke ni Sir.

After ng klase, diretso uwi na ako. Hindi ko na hinanap si Rochelle, dahil alam ko na maaga sila ng uwian. Pau.....Pau.... tinatawag ako ni Rochelle pero hindi ko naririnig. Burger King!...Burger King!....Burger King!....napahinto ako.kayo pala. Pauwi na ako. May tapusin pa ako sa bahay.sabi ko sa kanila. Kanina ka pa tinatawag ni Roche. Hindi mo sya pinapansin.sabi nila sa akin. Wala ako naririnig.atsaka hindi ko alam na nandito pa sya.sagot ko sa kanila. Eh bakit kami narinig mo?sabay sabay sila. Ang lakas ng kaya ng BUNGANGA  nyo paano ko hindi maririnig boses nyo.sagot ko sa kanila.Natawa si Rochelle sa sinabi ko. Bunganga talaga..Burger King..sagot nila sa akin. Joke lang Bunganga Beauties. May iniisip lang ako.sabi ko sa kanila. May LQ ba kayo ni Roche.nagulat si Rochelle. Napatingin ako kay Rochelle.Parang nag iiwasan kayo. Napansin namin hindi kayo close this past few days.sabi ng isa sa kanila. Uwi na ako may gagawin pa ako.paalam ko sa kanila. Pau..Pau...tinawag ako ni Rochelle. huminto ako. Rochelle...galit ka ba sa akin? Dahil sa sinabi ni nanay?... Ilang beses ako dumaan sa inyo, pero nakaalis ka na. Pakiramdam ko iniiwasan mo ko. Kaya nag aalangan na ako lumapit sa yo.sabi ko sa kanya. Hindi ko na naisip na nandoon mga classmate nya.  Wala yun. Normal lang naman yun dba.sagot ni Rochelle.  anu yung normal Roche?tanong ng mga Bunganga Beauties. Tayo na Rochelle, bigla ko hinila si Rochelle pauwi na kami ng bahay. Roche, ano yun...bitin kami. Binilisan namin ni Rochelle ang lakad. Malayo na tayo, hiningal ako Pau. Napagod ako.bakit mo ko hinila bigla. Nagulat ako.sabay palo ni Rochelle sa akin. Baka sagutin mo sila lalo tayong aasarin ng mga yun. Tapos magagalit ka sa akin pag hindi ko sila pinatigil.sagot ko kay Rochelle.

Habang papalapit ang graduation namin, napapansin ko na nagiging abala si Rochelle. Madalas syang absent, madalas hinahatid sya ng mommy nya sa school. Hindi ko magawang magtanong sa kanya. Minsan ako ang kinausap ng mga Bunganga Beauties. Burger King, bakit lately napapadalas absent ni Roche? Baka mawala sya sa honor roll. Candidate pa naman  sya for Valedictorian.tanong nila sa akin. Ewan ko.ang sagot ko sa kanila. Hindi kami gaano nakakapag usap dahil bihira ko sya makasabay lately.sabi ko sa kanila. Sya kaya tanungin nyo?dagdag ko. Sungit mo naman burger king. Nag away siguro kayo.pahabol nila. Hindi ah..ayoko lang magtanong. Kayo na lang malakas naman bunganga nyo eh...hehehe.biro ko sa kanila. Kainis ka burger king. 

Dumating ang JS prom. Lahat excited sa araw na yun. Abala ang mga kababaihan sa kanilang isusuot na gown  at kaming mga kalalakihan naman sa pagpili ng barong o suit na susuotin. Tuwing hapon nagpapraktis kami ng cotillon. Syempre kami ni Rochelle ang tutuksuhin nila. Pilit nila kaming pinagpapartner lagi. Gumagawa sila ng paraan na kami ni Rochelle ang magtapat kahit hindi naman talaga.  Mga classmate ko at classmate nya nag uusap para kami raw tanghalin na Star of the Night. Maging mga Junior's kinausap na rin nila. At syempre ang aming mga teachers lalong lalo na si Sir Santos at Sir Arevalo.Alam kasi nila na lagi kaming tinutukso ng dalawang naming teacher. Mukhang payag na rin si Rochelle na tuksuhin sa akin. Unti unti hindi na sya naaasar. Hinahayaan na lang nya lalo pat mga classmates naman nya. Itong si Richard na dating pabulong bulong lang ng tanong tungkol kay Rochelle, nakisali na rin. Talagang lahat ng mga classmates namin nakatingin sa amin.

Dumating ang gabi ng prom. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang suit ko. Nagpagupit lang ako ng buhok dahil sabi ni nanay,  para umaliwalas daw ang itsura ko. Sa kapal at haba ng buhok ko, hindi na makita ang gwapo kong mukha. Si nanay gumawa ng paraan para sa isusuot ko sa gabi ng prom. Hiram lang sa kaopisina nya na may anak na ka age ko rin,  pero sakto sa akin. Dinaanan ako ni Richard sa bahay, para sabay kami pumunta sa prom. Tita si Paulo po?sabi ni Richard kay nanay. Sandali lang Richard, nagpapapogi pa si Paulo. Sabi ni nanay.paglabas ko ng kwarto. Tita may bisita pala kayo? Sabi nya kay nanay. Ngumiti si nanay sabay sabing, si Paulo yan Richard. Nagpagupit lang.  Pogi pala ang kaibigan ko tita, akala ko may bisita kayo. alis na po kami. Nay, gagabihin po kami wag nyo na po ako hintayin.sabi ko kay nanay. Hanggang 12midnight lang anak. Enjoy nyo ang prom.paalala ni nanay. At umalis na kami ni Richard.

Pagdating namin sa lobby ng hotel na venue ng prom, nandoon ang mga classmate namin at ang mga Bunganga Beauties. Richard sino yang kasama mo?tanong nila kay Richard. Si Burger King ang kasama ko. Nagulat silang lahat. Oy mga bunganga nyo para kayong nakakita ng artista. Sabi ko sa kanila. Si Rochelle dumating na ba? Tanong ko sa kanila. Ayan na oh parating na parang prinsesa sa suot na gown.sabi nila na lahat nakatingin kay Rochelle. Pagtalikod ko nagulat din ako dahil sobrang ganda ni Rochelle sa suot nya. Pau....Pau... Ang bibig mo baka pasukan ng lamok. Ang sabi ni Rochelle sa akin. Paulo escortan mo naagad  si Rochelle baka maunahan ka pa.sabi ni Richard.sabay tapik sa balikat ko. My  Sweet Spaghetti, may I? Sabay abot ng kamay kay Rochelle. Ang mga kaibigan ni Rochelle nagsigawan, kilig na kilig. Kami ni Rochelle ang unang pumasok sa ballroom. Sumunod na sila. Na parang mga abay dahil naka gown at suit silang lahat. 

Pagpasok naming lahat  sa ballroom. Nagsalita na agad ang mga emcee. At nag umpisa na ang program. Magkalayo man kami ni Rochelle ng table parang magkalapit na rin dahil panay tinginan namin. At kung minsan nagkakahulihan pa kami. Hanggang sa nagulat na lang kami dahil tinatawag na pala kami nina Sir Santos at Sir Arevalo bilang Star of the Night hindi pa namin alam. Hanggang Burger King come over. Mr.Star of the Night. At si Rochelle naman ang Female Star of the Night. Pareho kaming sinabitan ng sash. At doon nagumpisa ang first dance ng prom. Sigawan lahat ng classmates namin maging ang mga Junior's nakisaya na rin. Hanggang matapos ang prom kami na ni Rochelle ang magkasama, magkausap. Napakasaya ng JS prom namin. Tama si nanay na umattend ako. 

Pauwi namin, hinatid ulit ako nina Richard sa bahay. Alam nya na may curfew ako. Kasi maging sya rin ay may curfew. 11pm pa lang nandun na ang tatay nya. Kaya gustuhinan nya na gumimik hindi pwede. May bantay kami. Tito, gusto ata ni Richard na sumama sa grupo.sabi ko sa tatay nya. Pwede naman kaya lang pagsasarhan namin sya ng pinto. Sa labas sya matulog.sabi. g tatay ni Richard. Mahigpit si tatay Paulo. Kaya lang ako pinayagan dahil sabi ko sabay tayo uuwi.pabulong ni Richard sa akin. Maybinubulong ka Richard? Sabi ng tatay nya. Wala po tay.sagot nya sa tatay nya. Tito, kaliwa po tayo, doon po bahay namin. May susi ako kaya hindi na ako kumatok. Paulo, makikinom kami ni tatay at makiki cr ha.sabi ni Richard sa akin. Sge park muna kayo,ihanda ko ang tubig. Nay, dito na po kami ni Richard.. Nay..Nay... Naaaaay! Napatakbo si Paulo sa nakitang itsura ng  nanay nya.. Sina Richard at tatay nya dali daling pumasok sa bahay nina Paulo..



Itutuloy....

Linggo, Mayo 29, 2022

Paulo and Rochelle (Hamburger and Spaghetti Part 1)

 <script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"

     crossorigin="anonymous"></script>

Noong bata ako gustong gusto ko ang Hamburger at Spaghetti. Kaya tuwing may birthday sa bahay namin laging merong handa na spaghetti. At tuwing nagpupunta kami sa mall,  laging hamburger at spaghetti  ang order ko. Paulo, humanap ka ng upuan natin. Oorder na ako para sa yo.sabi ng nanay ko.  Alam na ni nanay ang gusto ko. Malalaki ang mga hamburger noon at maraming palaman tulad ng kamatis, sibuyas, lettuce, pickles, at kung minsan may pineapple pa. Meron ding mayonnaise, katsup at yung kulay dilaw na masarap, mustard daw ang tawag doon. Pero kahit walang gulay masaya na ako sa  hamburger ko. Ang spaghetti naman gustong gusto ko kapag maraming keso at hotdog, bonus na lang kapag may ham ang spaghetti. Simple lang kaligayahan ko noong bata ako. Hindi ko akalain na hanggang sa paglaki ko hindi magbabago ang hilig ko sa hamburger at spaghetti.

Natatandaan ko noong grade 1 ako. Nagbirthday ang classmate kong si Rochelle. Mukhang mayaman sina Rochelle lagi syang hatid sundo ng Mama nya. May kotse sila pero kung minsan naglalakad din pagpasok at pag uwi. Malapit din kasi bahay nila sa school. Nagdala ang mama nya ng cake, ice cream, spaghetti at hamburger. May kasama ring lobo na ibat ibang kulay. Nag sabi si teacher na birthday ni Rochelle. Kaya lahat kami kumanta ng happy birthday sa kanya. Buong klase ay masaya kasi may recess na masarap kaming kakainin.

Noong mag high school na ako hindi ko na naging  classmate si Rochelle. Ibang section na sya, higher section na sya,   2nd honor sya sa klase. Ganun pa man  ang hilig ko sa hamburger at spaghetti ay nanatili pa rin kahit teen-ager na ako. At yun ang nagpalapit sa akin kay Rochelle. Minsan inabutan nya ko sa canteen kumakain ng hamburger at spaghetti. Paulo,  Pwede makishare sa table? sabi nya. Hindi ko alam na si Rochelle pala ang nagsalita. Basta umusog lang ako. Nakita ko na lang na tatawa tawa sya. Ikaw pala Rochelle. Hindi kita nabosesan.sabi ko sa kanya. Okay lang alam ko naman basta kumakain ka ng burger at spag, hindi ka na namamansin.biro niya sa akin. Paborito ko kasi ito, sabay turo ng burger, lalo na pag may cheese.sabi ko sa kanya habang nagpupunas ng catsup sa bibig. Kaya ka lagi niloloko ng classmates natin..amoy burger ka na raw. Masayang palitan namin ng kwentuhan. Hayaan mo sila. Kaibigan ko yung mga yun kaya ako niloloko.sabi ko sa kanya. Ang bait mo talaga, buti hindi ka napipikon sa kanila.sabi nya. Bakit ako mapipikon, (lumunok muna ako)  eh totoo naman..hehehe..kaya hindi na kita aalukin ng burger ko ha.biro ko sa kanya. Ok lang pinaupo mo na ako.sabi ni Rochelle. Rochelle, una na ako may klase pa ako baka malate ako sa English. Kita tayo ulit..paalam ko kay Rochelle.

Ayun ang simula ng aming pagkakaibigan ni Rochelle, naging malapit kami sa isat isa. Umabot pa nga na hinahatid ko sya at sinusundo sa bahay nila. Kayat tinutukso kaming dalawa na magsyota. Kinikilig naman ako pero si Rochelle parang ayaw. Lagi nyang sinasabi na kaibigan nya lang ako. Tuwang tuwa ka naman na tinutukso tayo. Kaya sa klase namin ang alam tayo  na. Si Sir Arevalo, lagi kang hinahanap sa akin.sabi ni Rochelle. Talaga! si Sir, hinahanap nya ko sa yo?(kunwari hindi ko alam). Eh di sabihin mo nasa kabilang room.sabi ko sa kanya. Eh di lalo akong tinukso ng buong klase sabihin nila alam ko schedule mo. Sabi nya sa akin. Eh alam mo naman talaga hehehe..biro ko sa kanya. Ewan ko sayo, isa ka pa.sabi nya akin sabay bitbit ng gamit at umalis.  Nakita sya ng mga classmate nya. saan ka pupunta Roche? Paulo, anong ginawa mo doon, nag away kayo?sabi ng mga classmate nya. Wala ah.nag uusap lang kami tapos umalis na.sagot ko sa kanila. Sabagay parte ng relasyon ang tampuhan.sabi ng classmate ni rochelle sa akin. Ngumiti na lang ako. Sige pasok na ako sa Physics.

Pagpasok ko sa klase nandun na si Mr.Santos, my Physics teacher. Hinihingal ako sa pinto. Your late Mr.Paulo. sabi ni Sir sa akin. Sorry sir. sagot ko. Nag burger ka na naman siguro. Nagtawanan ang klase sa biro ni sir.  Take your seat.class prepare for a quiz.sabi ni Sir. Nagulat lahat na may quiz.  Saan ka galing, nagkita kayo ni Rochelle?bulong ni Richard sa akin. Anong bulung bulungan nyo dyan?nasa harap na pala namin si sir. Wala sir. Wala po ako paper sir.sabi ko kay sir na kumakamot pa ako ng ulo. Si Mr.Burger walang paper. Who will donate?sabi ni sir sa klase. Nagtawanan lahat dahil nagbiro si sir. Luckily may nagdonate. Doon na nag umpisa ang quiz 20items. Mahirap ang quiz,buti na lang nakapag aral ako kagabi. Swerte ako ang highest kaya.. Class,  ang highest in this quiz is Mr.Paulo a.k.a. Burger King. Pinatayo ako at Nagpalakpakan ang buong klase. Keep it up Mr.Paulo. sabi ni Sir sa akin.Kaya kayo (humarap sa klase) kumain kayo ng burger lagi para mag top kayo sa quiz.biro ni sir sa klase. Puntahan mo si Rochelle, sa kabila.sabi ni Richardsa akin.

Sabay kami umuwi ni Rochelle noong araw na yun. Hinintay ko sya ng 30mins. Binalita ko na ako highest sa quiz. Natuwa sya sa balita ko. Sige hindi na ako galit sa yo.sabi nya. Ay nagalit ka pala..ang cute mo pala magalit.nagwowalk out.biro ko sa kanya. Ayan ka na naman ha.sabi nya. Nakita kami ng mga classmate nyang babae. Bati na kayo Roche? Sabi na sayo normal ang LQ sa magboyfriend.sabi ng mga classmate nya. Uy hindi kami magboyfriend. Friend ko lang si Pau.sabi nya. Friend lang eh bakit Pau ang tawag mo sa kanya. Ikaw lang tumatawag ng Pau sa kanya. Mga friends nya burger king tawag sa kanya.sabi ng mga classmate nya.  natatawa naman ako sa usapan nila. Paulo, ano naman tawag mo sa friend namin?ako ang nabalingan nila. Magalit yan lagot kayo. Iisipin ko pa. Sagot ko sa kanila. Burger king una na kami sabi naman ng mga kaklase kong lalaki na napadaan. See sabi sa yo Roche, ang mga friends nya Burger King tawag kay Paulo.sabi ng mga classmate nya.tayo na Pau, uwi na tayo. Sabi ni Rochelle sa akin na hindi pinansin ang classmate. Binitbit ko mga books nya at ang dalang  project. Ayaw pa umamin ni Roche na boyfriend niya si Burger King eh ayan,binibitbit gamit nya. Bulong ng classmates nya. Psssst!sinenyasan ko sila na zip.  Tumawa lang sila. Ang sweet naman ng dalawang ito.sabi nila sa akin.

Lalo kaming naging close ni Rochelle. Napansin iyon ng aming pamilya. Lalo na ni nanay. Isang araw,Paulo, girlfriend mo ba si Rochelle? Tanong ni nanay sa akin. Ayain mo sya maglunch dito pag sabado. Ipagluluto ko sya. Ano ba paborito nya?tanong ulit ni nanay. Spaghetti po nay. Kung papayag po sya. Baka mahiya yun. Sagot ko kay nanay.  Ako mag aaya sa kanya para hindi mahiya.pagpipilit ni nanay. Bahala kayo pero di ko po sya girlfriend. Kaibigan ko lang po sya pero Crush ko po sya. Baka madulas kayo.paalala ko kay nanay.  Basta pag igihin mo pag aaral mo anak. Si Rochelle mabuting bata yun. Kung maging girlfriend mo matutuwa ako pero kung ang girlfriend ang makakasira sa pangarap mo. Hwag ka muna mag girlfriend. Tumutok ka sa pag aaral mo.sabi ni nanay sa akin. Opo nay,  nag aaral po ako mabuti para sa inyo para mabigyan ko kayo ng maayos na buhay. Ayoko rin masira sa magulang  nya. Alam ko pinagtitiwalaan nila ako. Ako lang nakakapunta sa kanila. sabi ko kay nanay. Tama anak, igalang mo na parang pangalawang magulang mo ang mga magulang nya at higit sa lahat si Rochelle ingatan mo sya. 

Rochelle, iniimbitahan ka ni nanay sa sabado. Ipagluluto ka raw nya ng spaghetti?sabi ko sa kanya.anong okasyon? Bakit ako ipagluluto ng nanay mo ng spaghetti?sabi nya. Kasi lagi kitang kinukwento sa kanya.  Nabanggit ko na spaghetti ang favorite mo.kaya naisipan nya na ipagluto ka. Sabi ko sa kanya. Magpapaalam ako kay Dad para makapunta ako. Gusto ko maraming keso at medyo matamis ang sauce ha.sabi nya. Ayan payag ka na.sabihan ko si nanay na darating ka sa sabado ng tanghali. Matutuwa yun.sabi ko sa kanya. Baka naman sinabi mo sa nanay mo na girlfriend mo ko ha. Lagot ka sa akin. Friends lang tayo Pau.sabi nya. Hindi namin akalain  na nasa likod namin ang mga classmates nya. Lagot ka sa akin...  Friends lang tayo Pau..inulit ulit na tila nang aasar ang mga kaklase nya. Sabay tawanan. Ayan na naman kayo pinagtripan nyo na naman ang sweet spaghetti ko.sabi ko sa kanila. kinilig mga kaklase nya ng marinig ang sweet spaghetti... Ay ang sweet nyo naman may tawagan na kayo. Namumula na si Rochelle. Alis...alis...alis..kayo..magagalit na naman sa akin yan. Dali daling umalis ang mga kaklase nya. Ikaw ang dali mo mapikon.binibiro ka lang.sabi ko sa kanya. Sa sabado ha hihintayin ka ni nanay. Sabi ko kay Rochelle. Pupunta ako doon para isumbong ka sa nanay mo na lagi mo akong inaasar. Para pagalitan ka.sabi ni Rochelle.

Sabado pumunta ako kina Rochelle para sunduin sya. Good morning po sir, sunduin ko Po si Rochelle? Daddy nya ang humarap sa akin. Sandali lang Paulo. Tuloy ka, upo ka muna. Sabi ng daddy nya. Rochelle dito na boyfriend mo.tawag kay Rochelle ng daddy nya na may pang aasar. Dad hindi ko sya boyfriend. Kaibigan ko lang si Pau.depensa ni Rochelle sa dad nya. Paulo totoo ba hindi ka nya boyfriend?baling ng Dad nya sa akin. Ayaw po nya kasi.  Sa akin po ok lang, pabiro kong sagot sa daddy nya. Tumigil ka nga dyan Pau. Sandali lang may kukunin ako para sa nanay mo.sabi ni Rochelle. Ingatan mo anak ko Paulo. Ikaw lang ang kilala naming kaibigan nya na lalaki. Sabihin mo sa akin pag kayo na ha.bilin ng dad nya sa akin. Tayo na Pau. Naghihintay nanay mo.Dad alis na kami.paalam ni Rochelle. Sir balik po kami after lunch.paalam ko sa Dad nya. Walang problema Paulo. Habang naglalakad kami papunta sa bahay. Ikaw kung anuano sinasabi mo kay Dad.sabi ni Rochelle. Sinasagot ko lang tanong ng dad mo. Alangan namang hindi ko sya sagutin. Baka kung ano isipin nun.sagot ko sa kanya. 

Nay,dito na po kami ni Rochelle. Good morning po tita. Bati ni Rochelle sa nanay ko. Upo muna kayo.malapit na maluto ang sauce. Paulo bigyan mo ng juice si Rochelle. Nagtimpla na ako kanina.utos sa akin ni nanay. Tita para sa inyo po.inabot ni Rochelle ang dala nya kay nanay. Nagabala ka pa rochelle. Sabi ni nanay. Wala po yan tita. Pinadala po ni mommy yan.sabi ni Rochelle. Noon pa kita pina paimbita kay Paulo kasi lagi ka nyang kinukwento sa akin. Parang ikaw lang ang kaklase nyang babae kung magkwento yan.salaysay ni nanay kay Rochelle. Nakangiti lang si Rochelle habang nakikinig. Tinanong ko nga sya kung girlfriend mo ba yang Rochelle na yan. Araw araw sya na lang kinukwento mo. Kaya naisip ko na imbitahan ka.dagdag ni nanay. Hindi po nya ako girlfriend tita. Magkaibigan lang po kami ni Pau.ngumiti si nanay. Nay kain na po tayo, luto na po ang sauce.putol ko sa usapan nila. Tita ang bango nyan. Favorite ko po ang spaghetti.sabi ni Rochelle. Kaya yan ang niluto ko. At dinagdagan ko ng cheese. Sabi ni Paulo gusto ko ma cheese. Sabi ni nanay. Opo macheese po ako pag spaghetti. Sige kain na tayo.  Tita, isusumbong ko nga pala sa inyo si Pau. Kasi lagi nya ko niloloko sa school.umpisang sumbong ni Rochelle kay nanay. Hindi po totoo nay, depensa ko naman. Tita lagi kasi kaming napagkakamalan na magboyfriend. Sya naman po tuwang tuwa naman. Hindi man lang i-deny. Kainis yan tita. Sumbong nya kay nanay.  Nakangiti lang si nanay. Wag ka mag alala Rochelle. Kahit crush ka ni Paulo. Uunahin daw nya ang pag aaral muna.sabi ni nanay. Nay, sabi na nga ba madudulas ka.sabi ni Paulo sa nanay. Ngumiti lang sina Rochelle at nanay ni Paulo sa reaction ni Paulo na kasalukuyang pinawisan ng butil butil. Tita ang sarap po ng spaghetti nyo. Nagustuhan ko po.sabi ni Rochelle. Dalhan mo kapatid mo mamaya. Sabi ni nanay. Paolo natahimik ka dyan. Natutuwa lang ako kay Rochelle kaya ko nasabi. Atsaka totoo naman yun dba.sabi ni nanay. 

Matapos kaming kumain, nagkwentuhan pa sina Rochelle at nanay. Tuwang tuwa si nanay kay Rochelle kasi tumulong sya magligpit ng pinagkainan namin. Si Rochelle ang nagdala ng mga plato sa lababo. Pinigilan lang sya ni nanay na maghugas ng pinggan. Nay, bakit nyo sya pinigilan? Sabi ko kay nanay. Bisita natin sya at kaibigan mo sya. Ano ka ba anak.sabi ni nanay. Tapos ako maghuhugas mamaya. Nanay talaga. Sagot ko kay nanay. Ganoon Paulo, bisita mo ako paghuhugasin mo ako.sali ni Rochelle sa usapan namin ni nanay. Training mo kaya yan sa bahay nyo hindi ka naglilinis, naghuhugas ng pinggan. Dami nyo kaya  katulong.biro ko kay Rochelle, sabay belat. Tita,next week imbitahan ko si Pau ha. Tapos paglalabahin ko, paglilinisin ko ng kotse, paglilinisin ko ng banyo. Gagantihan ko yang Pau na yan. Kayo talagang dalawa para kayong bata. Palagay kayo sa isat isa. Wala kayong itinago.sabi ni nanay sa amin. Hmp!irap sa akin ni Rochelle. Belat naman ang ganti ko sa kanya habang sumusubo ng spaghetti. Rochelle, ito nga pala pasalubong mo sa kapatid mo.inabot ni nanay ang takeout ni Rochelle. Salamat po tita.sabay irap sa akin. Paulo, kanina ka pa kain ng kain dyan. Ihatid mo na itong si Rochelle. Teka lang nay, habang ngumunguya, ubusin ko pa ito nasa plato ko.sabi ko kay nanay. Natawa si Rochelle dahil halos mabulunan ako sa pagkain. 

Habang naglalakad kami ni Rochelle pabalik sa bahay nila. Hindi kami nag uusap. Tumitingin kami sa isat isa pero pag nahuli, umiiwas ng tingin. Hanggang maihatid ko sya sa bahay nila. Sir, padala po ni nanay. Sabi ko sa dad nya. Wow spaghetti, paborito ito ni Rochelle.sabi ng dad nya. Uwi na po ako sir.paalam ko sa dad nya. Salamat pakisabi sa nanay mo. Tuluyan na ako lumabas ng bahay nila. Kinagabihan si Rochelle ang nasa isip ko. Paano na ngayong alam na nyang crush ko sya? Magpasundo pa kaya sya? Magsabay pa kaya kami umuwi? Magalit kaya sya sa akin? Iwasan kaya nya ako? Dami kong tanong. Lahat hindi ko alam ang sagot. Si nanay kasi napasarap ng kwento, nadulas tuloy.  Bahala na. 

Condo Sharing

 December 15, ang lipat ni John sa condo na lilipatan nya sa QC, kung saan sya na assign sa bago nyang trabaho bilang ahente ng noodles.  Co...