<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"
crossorigin="anonymous"></script>
Paano na ngayong alam na nyang crush ko sya? Magpasundo pa kaya sya? Magsabay pa kaya kami umuwi? Magalit kaya sya sa akin? Iwasan kaya nya ako? Dami kong tanong. Lahat hindi ko alam ang sagot. Si nanay kasi napasarap ng kwento, nadulas tuloy. Bahala na. Nahirapan akong matulog ng sabadong yun. Kaya kinaumagahan tinanghali ako ng gising. Paulo....Paulo....anak, tanghali na gising na. Mag aalas dyes na. Bakit ka tinanghali ng gising? Boses ni nanay ang gumising sa akin. Tanghali na bangon na. Sasama ka ba maggrocery tayo.sabi ni nanay. Tinignan ko lang si nanay. Ok ka lang ba anak?tanong nya. Tanghali na.sabi ni nanay. Pagtingin ko sa wall clock. Alas dyes na ng umaga. Nagulat ako at dali daling naghilamos. Nay tangali na pala. Bakit di nyo ko ginising.sabi ko kay nanay. Anong hindi eh kanina pa kita ginigising. Tulog mantika ka. Sabi ni nanay. Hindi kasi ako nakatulog agad nay. Umaga na ata ako nakatulog.sabi ko kay nanay. Ano sasama ka ba sa grocery?sabi ni nanay. Opo nay. Bonding natin ang grocery dba. Magalmusal lang ako tapos maligo tapos alis natayo.sabi ko kay nanay.
Pagkatapos namin maggrocery sa labas na kami naglunch ni nanay. Doon na kami nagkwentuhan. Nay nagalit kaya si Rochelle ng malaman nya na crush ko sya. Kaibigan nya ko tapos bigla may gusto pala ako sa kanya.nabanggit ko kay nanay. Kaya ka ba tinanghali ng gising. Yan ang iniisip mo?sabi ni nanay. Ngumiti muna ako bago ko sinagot si nanay. Syempre nay kaibigan ko sya at the same time maganda naman si Rochelle dba. Natural lang yun sa age namin.sabi ko kay nanay. Wala namang masama anak sa feelings mo.pero si Rochelle lang ang makakasagot nyan. Give her time na isipin ang situation nyo. Tulad mo inisip mo magdamag yun. Ganun din sya.sagot sa akin ni nanay. Nagtinginan kami ni nanay. Binata na ang Paulo ko. Baka isang araw wala na ako kasabay maggrocery.sabi ni nanay. Nay pag aaral ang priority ko. Tapos ikaw. Pag nagka girlfriend ako, isasama natin sya sa grocery para makilala mo sya.sabi ko kay nanay. Huminga lang ng malalim si nanay at itinuloy namin ang aming pananghalian.
Kinaumagahan lunes, unang araw ng linggo. Unang araw ng klase. As usual dinaanan ko si Rochelle. Dad nya ang inabutan ko. Sir, si Rochelle po?... Paulo, kaaalis lang hinatid ng mommy nya. Hindi mo ba nasalubong?sabi ng dad nya. Ah eh...hindi po napansin Sir.sige po pasok na ako.paalam ko sa dad ni Rochelle. Sa school nakaabot ako sa flag ceremony. Nakita ko si Rochelle pero magkalayo kami kaya hindi ko na sya nilapitan. Nasa bandang unahan sya kaya hindi nya ko nakita. After ng flag ceremony, nagpasukan na kami sa kanya kanya naming room. Lunch break na ulit kami nakalabas ng room. Sa canteen nagkita kami. May dala kaming tray ng food. Nagkasalubong kami....Rochelle,pangalan lang nya nasabi...walang lumabas sa bibig ko. Humarap sya pero walang sinabi. Hanggang Rochelle...Rochelle..dito tayo. Nireserve na namin for you.sabi ng mga classmate nya. Burger king, meeting muna kami ha may report kasi kami mamaya.paalam sa akin ng mga classmate nya. Ngumiti lang ako. Medyo malayo ako sa table nila. Pero habang nag lulunch ako, tinitignan ko sya. Sya naman patuloy ang lunch with her classmates. Naguusap na rin sila tungkol sa report nila after lunch. Panay ang tingin ko kay Rochelle pero sya hindi tumitingin sa akin. Naisip ko tuloy baka galit sa akin. Hindi ko namalayan na ang kashare ko sa table ay ang classmate kong si Richard. Kanina pa pala nya ko napapansin. Uy kumain ka nga dyan. Tingin ka ng tingin doon.sabi ni Richard sa akin. Kanina ka pa dyan?tanong ko sa kanya. Oo naman hindi mo nga ako napansin. Samantalang ikaw bilang na bilang ko ang pagtingin mo doon kay Rochelle.sagot ni Richard.
Si Richard ang isa sa nakakakilala sa akin sa school. Sya ang best friend ko na lalaki dahil na rin mula 1st year hanggang ngayong 4th year na kami, kaklase ko pa rin sya. May problema kayo ni Rochelle? Nag away kayo?.tanong nya. Hindi ah..pagtatanggi ko. Kilala kita.tagal na nating classmate. May problema kayong dalawa o ikaw lang may problema?sabi ni richard sa akin na parang nasukol nya ako. Sumubo muna ako ng lunch.tuloy tuloy na kain hindi ako nagsasalita. May problema ka nga Paulo. Kilala kita. Kitang kita sa bawat subo mo.Pag ready ka na sabihin mo baka may maitulong ako. Parang wala akong narinig. Tuloy tuloy lang ako sa pagkain ng lunch ko.hindi ko pinapansin si Richard. Hanggang tayo na Richard. bibili pa ko ng Coke.sabi ko sa kanya. Sa yo na tong coke ko. Hindi ko pa nainuman yan. Kaya akin na bayad mo.Alam ko hindi ka umiinom ng nainuman na.alok ni Richard. Kinuha ko ang coke nya at habang iniinom yun nakatingin ako kay Rochelle. Nakita kong nagtayuan na sila. Nakita ako ni Rochelle. Tinignan ako ng matagal..Roche tayo na malate tayo sa report natin. Tayo unang reporter.tawag ng classmate nya. Wait lang.sagot ni Rochelle.Dali daling kinuha ni Rochelle ang gamit nya. At nagmamadaling sumunod sa classmates nya.
Napansin ni Richard na may naiwan si Rochelle. nilapitan namin. Doon namin nakita na laptop pala ang naiwan. Hinanap namin sila pero wala sila sa room na dapat ay room nila. Lumipat pala sila ng room dahil may activity sila. Panic na ang group nila dahil magrereport na sila. Si Rochelle pawisan na hindi alam ang gagawin dahil sa kanya binigay ang responsibility. Hanggang sa tinawag na sila at binigyan ng ilang minuto para mag umpisa.hanggang narinig namin ni Richard na nagpapaliwanag sila kay Sir Arevalo. Kami ni Richard pawisan din dahil hinanap namin kung saan sila nagklase at dala namin ang laptop ni Rochelle. Si Richard ang unang pumasok sa room nila. Excuse me Sir!habang hinihingal kami ni Richard kasunod nya ako. Sir, (hingal pa kami) naiwan ni Rochelle ang laptop sa canteen. Nakita(hingal) namin ni burger king. (hingal) wala kayo sa room na katabi namin kaya(hingal) hinanap namin kayo. Habang hiningal pa kami inabot ko kay Rochelle ang laptop nya. Nagsigawan ang buong klase ng burger king...burger king...burger king... Natuwa ang group nila. Si Rochelle nawala ang stress napangiti kay Paulo. Salamat Pau..sabi ni Rochelle.tuwang tuwa ang buong klase. Sir alis na po kami balik na kami sa klase namin kay Sir Santos baka pagalitan kami dahil late kami. Ok Richard and burger king thank you. Sabihan ko si mr.santos mamaya sa faculty ng love story..ay nang nangyari today. Nagtawanan ang klase sa love story joke ni Sir.
After ng klase, diretso uwi na ako. Hindi ko na hinanap si Rochelle, dahil alam ko na maaga sila ng uwian. Pau.....Pau.... tinatawag ako ni Rochelle pero hindi ko naririnig. Burger King!...Burger King!....Burger King!....napahinto ako.kayo pala. Pauwi na ako. May tapusin pa ako sa bahay.sabi ko sa kanila. Kanina ka pa tinatawag ni Roche. Hindi mo sya pinapansin.sabi nila sa akin. Wala ako naririnig.atsaka hindi ko alam na nandito pa sya.sagot ko sa kanila. Eh bakit kami narinig mo?sabay sabay sila. Ang lakas ng kaya ng BUNGANGA nyo paano ko hindi maririnig boses nyo.sagot ko sa kanila.Natawa si Rochelle sa sinabi ko. Bunganga talaga..Burger King..sagot nila sa akin. Joke lang Bunganga Beauties. May iniisip lang ako.sabi ko sa kanila. May LQ ba kayo ni Roche.nagulat si Rochelle. Napatingin ako kay Rochelle.Parang nag iiwasan kayo. Napansin namin hindi kayo close this past few days.sabi ng isa sa kanila. Uwi na ako may gagawin pa ako.paalam ko sa kanila. Pau..Pau...tinawag ako ni Rochelle. huminto ako. Rochelle...galit ka ba sa akin? Dahil sa sinabi ni nanay?... Ilang beses ako dumaan sa inyo, pero nakaalis ka na. Pakiramdam ko iniiwasan mo ko. Kaya nag aalangan na ako lumapit sa yo.sabi ko sa kanya. Hindi ko na naisip na nandoon mga classmate nya. Wala yun. Normal lang naman yun dba.sagot ni Rochelle. anu yung normal Roche?tanong ng mga Bunganga Beauties. Tayo na Rochelle, bigla ko hinila si Rochelle pauwi na kami ng bahay. Roche, ano yun...bitin kami. Binilisan namin ni Rochelle ang lakad. Malayo na tayo, hiningal ako Pau. Napagod ako.bakit mo ko hinila bigla. Nagulat ako.sabay palo ni Rochelle sa akin. Baka sagutin mo sila lalo tayong aasarin ng mga yun. Tapos magagalit ka sa akin pag hindi ko sila pinatigil.sagot ko kay Rochelle.
Habang papalapit ang graduation namin, napapansin ko na nagiging abala si Rochelle. Madalas syang absent, madalas hinahatid sya ng mommy nya sa school. Hindi ko magawang magtanong sa kanya. Minsan ako ang kinausap ng mga Bunganga Beauties. Burger King, bakit lately napapadalas absent ni Roche? Baka mawala sya sa honor roll. Candidate pa naman sya for Valedictorian.tanong nila sa akin. Ewan ko.ang sagot ko sa kanila. Hindi kami gaano nakakapag usap dahil bihira ko sya makasabay lately.sabi ko sa kanila. Sya kaya tanungin nyo?dagdag ko. Sungit mo naman burger king. Nag away siguro kayo.pahabol nila. Hindi ah..ayoko lang magtanong. Kayo na lang malakas naman bunganga nyo eh...hehehe.biro ko sa kanila. Kainis ka burger king.
Dumating ang JS prom. Lahat excited sa araw na yun. Abala ang mga kababaihan sa kanilang isusuot na gown at kaming mga kalalakihan naman sa pagpili ng barong o suit na susuotin. Tuwing hapon nagpapraktis kami ng cotillon. Syempre kami ni Rochelle ang tutuksuhin nila. Pilit nila kaming pinagpapartner lagi. Gumagawa sila ng paraan na kami ni Rochelle ang magtapat kahit hindi naman talaga. Mga classmate ko at classmate nya nag uusap para kami raw tanghalin na Star of the Night. Maging mga Junior's kinausap na rin nila. At syempre ang aming mga teachers lalong lalo na si Sir Santos at Sir Arevalo.Alam kasi nila na lagi kaming tinutukso ng dalawang naming teacher. Mukhang payag na rin si Rochelle na tuksuhin sa akin. Unti unti hindi na sya naaasar. Hinahayaan na lang nya lalo pat mga classmates naman nya. Itong si Richard na dating pabulong bulong lang ng tanong tungkol kay Rochelle, nakisali na rin. Talagang lahat ng mga classmates namin nakatingin sa amin.
Dumating ang gabi ng prom. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang suit ko. Nagpagupit lang ako ng buhok dahil sabi ni nanay, para umaliwalas daw ang itsura ko. Sa kapal at haba ng buhok ko, hindi na makita ang gwapo kong mukha. Si nanay gumawa ng paraan para sa isusuot ko sa gabi ng prom. Hiram lang sa kaopisina nya na may anak na ka age ko rin, pero sakto sa akin. Dinaanan ako ni Richard sa bahay, para sabay kami pumunta sa prom. Tita si Paulo po?sabi ni Richard kay nanay. Sandali lang Richard, nagpapapogi pa si Paulo. Sabi ni nanay.paglabas ko ng kwarto. Tita may bisita pala kayo? Sabi nya kay nanay. Ngumiti si nanay sabay sabing, si Paulo yan Richard. Nagpagupit lang. Pogi pala ang kaibigan ko tita, akala ko may bisita kayo. alis na po kami. Nay, gagabihin po kami wag nyo na po ako hintayin.sabi ko kay nanay. Hanggang 12midnight lang anak. Enjoy nyo ang prom.paalala ni nanay. At umalis na kami ni Richard.
Pagdating namin sa lobby ng hotel na venue ng prom, nandoon ang mga classmate namin at ang mga Bunganga Beauties. Richard sino yang kasama mo?tanong nila kay Richard. Si Burger King ang kasama ko. Nagulat silang lahat. Oy mga bunganga nyo para kayong nakakita ng artista. Sabi ko sa kanila. Si Rochelle dumating na ba? Tanong ko sa kanila. Ayan na oh parating na parang prinsesa sa suot na gown.sabi nila na lahat nakatingin kay Rochelle. Pagtalikod ko nagulat din ako dahil sobrang ganda ni Rochelle sa suot nya. Pau....Pau... Ang bibig mo baka pasukan ng lamok. Ang sabi ni Rochelle sa akin. Paulo escortan mo naagad si Rochelle baka maunahan ka pa.sabi ni Richard.sabay tapik sa balikat ko. My Sweet Spaghetti, may I? Sabay abot ng kamay kay Rochelle. Ang mga kaibigan ni Rochelle nagsigawan, kilig na kilig. Kami ni Rochelle ang unang pumasok sa ballroom. Sumunod na sila. Na parang mga abay dahil naka gown at suit silang lahat.
Pagpasok naming lahat sa ballroom. Nagsalita na agad ang mga emcee. At nag umpisa na ang program. Magkalayo man kami ni Rochelle ng table parang magkalapit na rin dahil panay tinginan namin. At kung minsan nagkakahulihan pa kami. Hanggang sa nagulat na lang kami dahil tinatawag na pala kami nina Sir Santos at Sir Arevalo bilang Star of the Night hindi pa namin alam. Hanggang Burger King come over. Mr.Star of the Night. At si Rochelle naman ang Female Star of the Night. Pareho kaming sinabitan ng sash. At doon nagumpisa ang first dance ng prom. Sigawan lahat ng classmates namin maging ang mga Junior's nakisaya na rin. Hanggang matapos ang prom kami na ni Rochelle ang magkasama, magkausap. Napakasaya ng JS prom namin. Tama si nanay na umattend ako.
Pauwi namin, hinatid ulit ako nina Richard sa bahay. Alam nya na may curfew ako. Kasi maging sya rin ay may curfew. 11pm pa lang nandun na ang tatay nya. Kaya gustuhinan nya na gumimik hindi pwede. May bantay kami. Tito, gusto ata ni Richard na sumama sa grupo.sabi ko sa tatay nya. Pwede naman kaya lang pagsasarhan namin sya ng pinto. Sa labas sya matulog.sabi. g tatay ni Richard. Mahigpit si tatay Paulo. Kaya lang ako pinayagan dahil sabi ko sabay tayo uuwi.pabulong ni Richard sa akin. Maybinubulong ka Richard? Sabi ng tatay nya. Wala po tay.sagot nya sa tatay nya. Tito, kaliwa po tayo, doon po bahay namin. May susi ako kaya hindi na ako kumatok. Paulo, makikinom kami ni tatay at makiki cr ha.sabi ni Richard sa akin. Sge park muna kayo,ihanda ko ang tubig. Nay, dito na po kami ni Richard.. Nay..Nay... Naaaaay! Napatakbo si Paulo sa nakitang itsura ng nanay nya.. Sina Richard at tatay nya dali daling pumasok sa bahay nina Paulo..
Itutuloy....