<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-3834618793885420"
crossorigin="anonymous"></script>
Magpopropose na ako Rommel.sabi ni pinsan. Sigurado ka na pinsan? Paano?.ako ang kinakabahan.sabi ko kay pinsan. Tutulungan ako ni Susan. Malapit na birthday ni Joan. Pagpaplanuhan namin, kung paano gagawin ko. Kung simpleng romantic date lang o thru her birthday party sa clubhouse. Kaya sa store ko kakausapin si Susan bukas kung paano para hindi malaman ni joan ang plano. Sabi ni pinsan. Kinakabahan ako pinsan paano kung mag NO si tita Joan. Natatakot ako.sabi ko sa kanya. Nerbyoso ka talaga Rommel. Ang lakas mo kasi magkape. Si Joan ang tipo ng babae na makakasama ko habambuhay. kung hindi sya hindi ko na alam ang gagawin ko. Ramdam ko ang pagmamahal nya. Nasa kanya katangian ng babaeng hanap ko.
Minsan na ako nagmahal Rommel. Pero hindi binigyan ng importansya. Binalewala ang pagmamahal ko. Kaya ako nag OFW para lumayo. Para makalimot. Masyado ako nasaktan ng babaeng minahal ko.Pinagpalit ako sa iba. Sa mas mataas ang posisyon sa akin. Kaya ako nagsumikap sa ibang bansa. Kahit maraming tukso sa middle east , pinaglabanan ko. Ngayon kay Joan handa na ako magmahal ulit. At ramdam ko sya na ang makakasama ko. Ang karapat dapat para sa akin.pagkukwento ni pinsan. Ngayon ka lang nagkwento sa akin ng ganyan pinsan. Tinamaan ka talaga kay tita Joan. Kala ko isa ka lang tito sa amin ni Louie, na laging nambabatok at nambabato. Nagmamahal ka rin pala. Lumapit sa akin si pinsan, akala ko aakbayan ako. Uuump!,... Binatukan mo na naman ako pinsan. Niloloko mo ko siryoso ako pakakasalan ko si Tita Joan mo.sabi ni pinsan sa akin. Masyado ka kasi serious pinsan, chill lang.
Si My Love, si Susan at ako magsanib pwersa kami para sa yo. Tutulungan ka namin sa proposal na gusto mo. Kaming bahala doon. Naaalog na utak ko sa kakabatok mo sa akin pinsan.sabi ko kay pinsan habang inaayos ang buhok ko. Sira ulo ka kasi. Gawin kitang ringbearer pag kinasal kami. Imbes BestMan.hahaha..nagbibiro na si pinsan. Umaliwalas na ang mukha ni pinsan. Nakangiti na.
Pag pasok ni pinsan sa store binati sya ng mga empleayado ng good afternoon. Nandoon si Susan,nagkakaha. Binati rin sya at binati rin nya ng good afternoon Pero nang mapansin nya na si Susan ang bumati sa kanya binalikan nya. At tinanong kung ano oras out nya. 3pm po sir, sunduin po ako ni mama.sabi ni susan.ha! kausapin sana kita tungkol sa....tumingin muna si pinsan sa paligid. Tungkol sa proposal ko sa mama mo. May alam na ba sya?pabulong na usapan nila. Wala pa po sir. Sabihin ko na po sir?pagbibiro ni susan. punta ka sa office mamaya. Usap tayo.at iniwan na ni pinsan si Susan ng nakangiti. Pag alis ni pinsan. Bumulong ang isa naming kahera kay Susan. Susan , pumopogi sir Nestor, inlove siguro. Narinig ni pinsan ang bulong, tumingin ng nakangiti. Tumigil sa bulongan ang dalawang kahera. Nagtatawanan. Kasalukuyan akong nakatayo di kalayuan sa kanila.
Pinagmamasdan ko si pinsan. Napansin nya nakangisi ako. Anong tinitingin mo dyan. Todo ngisi ka pa.Sabi nya sa akin. Pasok tayo sa opis pinsan. Gusto mo kape?alok ko sa kanya. Mabuti pa nga. Yung hindi matamis at mapait ha.sabi ni pinsan. Habang nagtitimpla ako ng kape. Nag update na rin ako kay pinsan ng promo namin, at gimmick tuwing weekend para mas gumanda ang sales. Natuwa naman sya kailangan daw maraming promotions para mas dumami customers. Ikaw na bahala kung ano ikabubuti ng kumpanya at gaganda sales natin gawin mo.
Yung 3rd branch mo? Ano balita doon? Kaya pa ba? Pag nag branch out tayo. We need to promote deserving employees na qualified. Aralin mo ang location.baka ang kalaban natin eh sarili natin. Ok tong kape mo. Kumusta si francis?balik ni pinsan.
Kasalukuyan kaming naguusap ng dumating si Susan. Sir, out na po ako.sabi ni Susan. Tuloy Susan. Upo ka. Meryenda tayo, alok ni pinsan. Binigyan ko si Susan ng cookies at bottled water. Natawa si Susan, dahil sa kanila din galing ang cookies. Ano plano natin sa birthday ni Joan? Naghahanda na si mama Sir.sabi ni Susan. Ok lang po ba sir kung ipaalam ko sa mga kapatid ko para makakuha ko ng idea sa kanila? Basta wag nyo ipaalam kay Joan, sabi ni pinsan. Pinsan, saan gagawin ang party ni Tita Joan? At kailan? Papa cater ba tayo?tanong ko sa kanila. Sir Rommel, may catering sister ko, pag may event kami sya incharge sa food.sabi ni Susan. Ok na tayo sa food. Saan gagawin sa club house dba?paglilinaw ni pinsan. Ipareserve ko na pinsan? Nareserve na po sir Rommel.sagot ni Susan. Sge Susan, magkano inabot, ready ko yung check.sabi ko.ngumiti si Susan,nahihiya. Wag ka na mahiya Susan. Hindi na tayo iba. Sabi ni pinsan. Kaya Susan, masanay ka na na " daddy o papa" ang tawag mo kay pinsan. Hindi na sir tito. Ngumiti si Susan. Daddy Nestor sge po tanungin ko si ate sa costing. Natuwa si pinsan sa narinig kay Susan.
Yung program kami na bahala tatlo pinsan. Magmeeting kami ni my love at ni Susan.sabi ko.sir Rommel sino si My Love? Sya ba yung babaeng bumisita sa inyo last time? Tanong ni Susan sa akin. Namula akong bigla. Hindi ako nakapagsalita. Yun na nga Susan, si my love nya. Natumbok mo.tignan mo namula, mauutal na naman yan.sagot ni pinsan kay Susan. Kaya pala sir nang dumating yun, nataranta ka sa pag aasikaso.
Yun ang kwentuhan namin sir nung dumating yun. Announce ko na ba sa kanila?biro ni Susan. Teka teka Susan baka masapawan ako.pabiro ni pinsan kay Susan. Sir, nagtext na po si mama, malapit na daw po sya. Labas na po ako, baka abutan nya ko. Baka makahalata.paalam ni susan. Sige sa program ang next agenda natin Susan.sabi ko. Kasama po si My Love sir? Paalam na po.nagmamadaling lumabas ng office si susan.
Natapos na rin namin ni My Love(Francis) at Susan ang program para sa birthday ni Tita Joan. Ipapakita ni pinsan ang talento na meron sya. At kami ang back up performer. At ang pinaka highlight ay ang mismong proposal. Sa meeting pa lang namin lahat na kinikilig. Talo pa namin si pinsan. Nakaschedule na kami para idiscuss kay pinsan ang gagawin nya. And knowing pinsan medyo mitikuloso kaya may mga back up plans kami incase disapprove sa kanya..ika nga may plan A, may plan B hanggang plan C meron kami.
Si Susan ay patuloy na nkikipag coordinate sa kanyang mga kapatid at sa mga kamag anak nila na iimbitahin. Maliit lang ang celebration para intimate. Dahil karamihan sa kamag anak ni pinsan ay nasa probinsya. Kami na lang ni My Love ang tanging nasa partidos nya. Si Louie hindi pa sigurado kung makakaabot dahil wala pang kapalit na seaman sa kanya.
Habang papalapit ang birthday ni Tita Joan, nagiging abala kami sa preparasyon. At the same time, tutok pa rin ako sa store. I make it a point na maayos lalo na ang stocks at finances. Mapanatili ang aming good record sa mga suppliers at mapaganda ang customer service . At dahil malapit na rin kaming mag branch out para sa ikatlong tindahan. Nirereview ko na rin mga qualifications ng mga empleayado namin na pwede ipromote. Isa na roon si Susan, pero wala pa syang alam sa plano namin ni pinsan. Dahil kapag naging tatlo na ang tindahan. Hindi ko na kakayanin tutukan bawat isa.
At sa nalalapit na panahon si pinsan magiging consultant na lang. Para maenjoy naman nya buhay may asawa. Buhay kapiling ang babaeng nagbigay sigla sa kanya. Hindi ko rin alam kung paano ako. Kung saan ako titira, dahil pag naging mag asawa na si Tita joan at pinsan, doon sila tutuloy. Pinatira lang ako ni pinsan dito sa bahay nya. Ayoko magtanong, ayoko makagulo sa isipan ni pinsan. Hayaan ko na lang dumating ang panahon kung ano ang desisyon nya. At igagalang ko ito. Malaki na ang naitulong ni pinsan sa akin. Alam ko pagdating nang panahon na yun makakasurvive ako.
Mukhang iniadya ng tadhana. Bigla kami nakatanggap ng tawag kay Louie. Uuwi na sya sa susunod na araw. Makakaabot sya sa birthday ni titA Joan. Makakasama sya sa celebrasyon. At dahil abala si pinsan sa paghahanda kami na lang ni My Love (Francis) ang susundo sa kanya sa airport. Si Susan unti unti na rin namin binibigyan ng responsibility sa store. Dahil qualified naman sya, college graduate, may leader ship at malapit nang maging COO as in Child Of the Owner pag naging mag asawa na sina pinsan at tita Joan.
Hindi na sumama si Susan sa pagsundo dahil walang maiiwan sa store. At dahil abala na rin sya sa iba pang bagay. Madaling matuto si Susan sa mga instructions at kilala na rin sya ng mga suppliers. Friendly kasi si Susan. Kaya siguro naging girlfriend ni Louie.
On our way to the airport, Pinsan sunduin namin si Louie sa airport, ikaw na bahala sa tindahan and pa assist si Susan mamaya may mga deliveries. Ngumiti lang si Pinsan sa amin. Sa kotse nagkwentuhan kami ni My Love. How are you related to Engr.Nestor?tanong ni Francis sa akin. Wala. Hindi ko sya kamag anak. Sinabi lang ni Engr.sa condo na inuupahan nya na pinsan nya ko para wala ng tanung tanung.sagot ko kay My Love. Broker ako ni Engr.sa bahay na binili nya tapos bigla pagturnover ng unit sa kanya, napunta na ako dito. Everything happens so fast. Bigla shift ako ng career.pinagtiwalaan ako ni Engr.Nestor.pagkukwento ko kay MyLove. Hindi namin namalayan nasa airport na kami.
Asan kaya yung Louie na yun. Nakababa na raw sya ng eroplano. Matext nga. Kuya Rommel! Kuya Rommel!... sigaw ni Louie.kinalabit ako ni My Love. Bigla ako niyakap ni Louie na parang bata. Kuya sino sya?nakatingin kay Francis.nag-asawa ka na?dagdag na tanong nya. Teka! Nasasakal ako ang taba mo kung makayakap ka. Si Francis, MyLove ko. Girlfriend ko.sagot ko kay Louie. May nagkagusto rin sayo kahit.sabay batok kay Louie, na muntik ng mapahalik sa MyLove ko, kaya hinila ko agad. Habang natatawa si MyLove sa reaction ni Louie.Gago anong tingin mo sa akin. My Love wag ka maniwala dyan. Ganyan lang yan pang asar pero iyakin yan. MyLove si Louie. Kaibigan namin ni pinsan. Pasalubong ko yung maganda. Sabi ko kay Louie. Oo naman kuya, meron kayo ni Tito Nestor.asan sya?busy mag aasawa na kasi. Tayo na sa kotse.asan bagahe mo? Tanong ko kay Louie.ito lang bagahe ko.konti lang handcarry at isang box lang. Nagiipon ako eh.sabi ni Louie. My love, puro pera ang dala, baka pera ang pasalubong.biro ko kay Francis.
Maikli lang byahe namin from airport to cavite muna umuwi si Louie bago sa Manila. Lalo pat na nalaman nya na may event, doon muna sya mag stay. Kuya pwede daan muna ako kay San?request ni Louie. Nagtinginan kami ni My love. Ate Francis pwede?sabi ni Louie. Ngumuso lang si My Love tinuro ako. Sige sandali lang at maraming deliveries busy si San.sagot ko kay Louie.
Sa bahay, kaming tatlo ni pinsan at Louie habang kumakain. Nagsabi si Louie na pagkakain dadalaw kay San.Dadalhin ang mga pasalubong nina San at Tita Joan. Pinayagan naman ni pinsan. Sige, tutal maganda pasalubong mo sa akin ok lang.sabi ni pinsan. Nakangiti lang ako kasi para kaming isang pamilya pero hindi naman magkakaibigan lang kami.
Pag alis ni Louie. Kinumusta ako ni pinsan. Ngiti lang sagot ko sa kanya. Malapit na ako mag propose kay Joan, natutuwa ka ba.tanong nya. oo naman pinsan, habang naglilinis ng mesa.parang hindi.sabi ni pinsan.sabay ngising labas lahat ng ngipin akong humarap sa kanya.ayan o tuwang tuwa ako.sabi ko kay pinsan. Sarap mo batukan Rommel. Yung siryoso.tanong ni pinsan. Masayang masaya ako pero ikaw may tinatago alam ko.sundot ni pinsan.
Usap nga tayo. Habang naghuhugas ng kamay. Sabi ko kay pinsan. Masaya ako for you and tita joan, pinsan. Totoo yan. Enjoy mo moment na ito, everything works as plan.sabi ko kay pinsan habang papalapit sa sofa. Alam ko...sagot ni pinsan.o bakit ang layo mo lumapit ka nga sa akin.napansin ni pinsan na magkalayo kami. Eh babatukan mo na naman ako eh pag magkalapit tayo.naaalog na utak ko.sagot ko sa kanya. Batok ng pagmamahal yun alam mo yun. Alam ko masaya ka para sa akin. Pero may iba akong feeling. Kaya umamin ka na.sabi ni pinsan.
Pinsan dati ka bang aso. Anong breed mo? Umpisa ko. BiglAng gumaralgal boses ko. Natigilan ako sa pagsasalita. Napayuko ako.Pinsan, natatakot ako... Paano na pag nag asawa ka na.... Saan ako titira? Paaalisin mo ba ko dito?... Tumigil ako sa pagsasalita.pinipigil ko ang luha ko.. Wag mo na intindihin yun pinsan. Sa dami ng pinagdaanan ko. Matatag na ako. May ipon din naman ako. Baka Masira pa ang moment mo. Ayoko nga sabihin pero matindi ka pinsan. Handa naman ako at irerespeto ko desisyun mo.sabi ko kay pinsan.
Kitam tama ako dba? Ramdam ko na may bumabagabag sa yo. Kahit masaya ako. Sinusubaybayan kita. Hindi mo maitatago yan. Napapagusapan din namin yan ni tita Joan mo. May plano kami para sa yo.sabi ni pinsan.bigla ako napatingin kay pinsan. Pinaguusapan nyo ako pinsan!... Oo naman. Madalas ka namin pag usapan. Alam mo ba yun. Hindi ka kasi nagpapakita kaya ikaw ang topic namin. Pero bibitinin kita ikaw na rin nagsabi moment ko ito hehehe..pagtatapos ni pinsan sabay batok ulit sa akin ng dahan dahan. Sabi na nga ba babatukan mo ko pinsan kaya ayoko lumapit sa yo.
Inabutan kami ni Louie na nagkakatuwaan kami ni pinsan pero napansin din nya na namumula mata ko. Bakit namumula mata mo kuya Rommel? Nasermunan ka ni Tito Nestor? Tama si Tito pareho tayo iyakin...sabi ni Louie. Oo nga napansin ko pareho kayo iyakin.sundot ni pinsan. Pahinga na tayo masyado ng gabi. Rommel ok na tayo. Pahinga ka na. Goodnight pinsan. Itsura ni Louie, hindi alam pinag uusapan namin.
Kuya Rommel, nasermunan ka ni Tito kagabi kaya namumula mata mo? Oo dahil sa yo.biro ko kay Louie.ha bakit ano ginawa ko.wala naman ako sinabi kay Tito Nestor. sagot ni Louie. Basta wag mo ko kausapin!... sabi ko kay Louie.pero hindi ko alam nasa likod ko pala si pinsan Pinsan kanina ka pa dyan? Ano yung narinig ko na nagtatalo kayo....paglilinaw ni pinsan. Tito, yung tungkol kagabi.pinutol ko si Louie. Pinsan magbihis na ko alis na ako.sabi ko. Niloloko ka lang ng kuya Rommel mo.kita mo na nagmamadali umalis. Naisahan ka na naman nun...sabi ni pinsan. May pinag usapan kami kaya namumula mata non. Pinsan! (pasigaw para putulin ang sasabihin ni pinsan )Aalis na ako. Paalam.sabi ko sa kanila. Kita mo na. Ganyan kuya mo kapag naiisahan ka.sabi ni pinsan. Si kuya Rommel talaga.sabay kamot sa ulo.kala ko totoo na pinagalitan mo dahil sa akin.
Sa store,dumaan si pinsan. Bakit nandito ka pinsan? Dapat nagreready ka sa program bukas. Kami mamaya magpractice ulit.usisa ko kay pinsan. Naiinip ako sa bahay. Tutal alam ko na gagawin ko. Si susan nasaan? Nasa selling area. Patawag ko? Wag na lapitan ko na lang.sagot ni pinsan. Sabay labas ng opisina,para lapitan si Susan. Hi Susan, busy ka? Hindi naman po sir. May kailangan kayo? Kumusta preparation natin?sir yung partner ko nagkasakit kaya hinahanap ko si Louie sya na lang sana at maturuan agad dahil bukas na yun.sabi ni Susan. Sige ako na hahanap kay Wie. Papuntahin ko agad.sabi ni pinsan.
Pinatext ni pinsan si Louie sa akin. Louie, punta ka raw kay San, sabi ni pinsan. Text ko kay Louie. Wag mo ko kausapin kuya Rommel. Mainit ulo ko! Reply ni Louie sa akin. Arte mo Louie, hindi bagay. Tawagan mo si San ngayon na. Bago ko magalit.Text ko kay Louie.selfie na belat ang sagot ni Louie sa akin. After ilang minutes,nasalubong ako ni Susan. Sir Rommel, ok na pumayag na si Wie. Mamaya magkita kami. Wala daw problema.sabi ni Susan.
Sa gabi ng birthday ni tita joan, lahat kami naka suit. Pero iba ang suit ni pinsan syempre sya ang bida. Sila ni tita Joan. Back up lang kami. Sa backstage. Nagfinal rehearsal kami kasama si Louie, susan, my love, ako at si pinsan. Ang galing pala sumayaw ni Louie, kahit mataba. Parang bolang tumatalbog.alam agad ang steps kahit one day practice lang. Samantalang ako hirap makasunod buti na lang magaling si My Love, nadadala ako.
Sa club house, nandoon mga kamag anak nina tita Joan, kaibigan, at ilang staff namin. May mga pinakanta kami na puro favorite songs ni tita Joan, at nakisayaw rin si tita Joan. At higit sa lahat may nagbigay ng mensahe kay tita joan. Kami nina My Love, Susan at louie ang naging emcee ng program. Ang mga kapatid ni susan ang nag usher sa mga guest, dahil karamihan relatives nila.
At dumating na ang finale ng program. Ang nagpakilala sa amin ay ang mga kapatid ni Susan. Game din sila habang nasa harap si Tita Joan, tinatawag kami isa isa, nakakatuwa dahil pagdating kay pinsan, todo introduction ginawa ng kuya at ate ni Susan. Sinayaw namin ang "Cant take my eyes of you" nasa gitna si pinsan. Magkaparehas kami ni MyLove, sina Louie at Susan ang pair. Ang galing nila sumayaw. Palakpakan mga bisita.
Pero hindi pa tapos dahil ang ate at kuya ni Susan, magaling din. After ng performance namin, hinila si Tita Joan na walang alam sa mangyayari. Nilapit kay pinsan si tita Joan. Si tita joan, pinunasan ng pawis si pinsan. Pagkatapos, tinutukan sila ng spot light. Nawala kaming apat sina tita joan at pinsan lang ang natira sa gitns. Sigawan mga bisita kinilig. Sabay dukot sa bulsa si pinsan. Nilabas ang singsing. Kinilig mga tao....sabay tanong "Will You Marry Me?....napatingin si Tita Joan sa bisita. Namula... Sabay sabing...I Do...lalo kaming kinilig sa sagot ni Tita Joan.. At sabay nag yakapan sina pinsan at tita joan. Pinatugtog ulit ang Cant Take My Eyes Of You. Bumalik kami sa gitna at lahat ay nagsayawan.
Makalipas ang ilang buwan si tita Joan at si Pinsan ay ikinasal. Nag open na rin kami ng 3rd branch, kasabay ng promotion ni Susan. Si Louie ay sumakay ulit sa barko para magipon ng magiging bahay nila ni Susan.Si MyLove ay nagbalik na sa Qatar. Natapos na ang kanyang bakasyon. Pero nangako kami sa isat isa na pagbalik nya magpapakasal na kami. Si Pinsan (Engr.Nestor), Si Louie at Ako, si Rommel. Magkakaibigan..Hindi kami magkakamag-anak pero nakadama ng pagmamahal ng isang pamilya sa isat isa.
THE END